Dear Crush (Ft. iKON)

By Unniecornn

2.3K 74 14

Dear Crush, Thank you dahil ipinanganak sa mundong ito, para maging inspirasyon ko. ❤ More

Prolouge
DC - 1
DC - 2
DC - 3
DC - 4
DC - 5
DC - 6
DC - 8
Author

DC - 7

69 2 0
By Unniecornn

Demi's POV

"Pa, bakit ka nag eempake?" nagising ako sa lakas ng pa uusap nila mama at papa kaya agad ako tumungo sa kwarto nila.

"Kailangan umalis ni papa nak para inyo ni mama mo" sabi ni papa at tinapik nya saglit ang balikat ko at tinuloy nya nanaman ang pag aayos ng gamit nya.

"Ma, bakit?" Nagtataka ako sa kinikilos nila, alam kong busy si papa sa trabaho pero di ko alam na aabot sa ganito ang pagka busy nya.

"Nak, tama ang papa mo. Intindihin mo nalang sya ha?" Mahinahong sabi ni mama habang pinapanood nya si papa maghakot ng mga damit nito

"Pa, Para ba to sa trabaho mo? Di mo naman kailangan magpakasubsob sa trabaho para saamin ni mama. Wag ka na umalis pa, kung gusto mo tutulong din ako, magtatrabaho ako--" pinutol ni papa ang sinasabi ko at hinalikan niya ang noo ko at dere deretsong lumabas ng kwarto

"Ma, di mo ba sya pipigilan?" Nakita kong tumulo nalang ang luha ni mama habang tinitingnan si papa papalabas ng bahay

Hindi ko alam kung susundan ko ba si papa pero niyakap ko nalang si mama.

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari, ang labo ng lahat. Ang alam ko okay sila pero bakit may layasang naganap?

Isang linggo ang nakalipas halos di ako makapasok sa skwelahan dahil nag aalala ako kay mama magdamag syang nakakulong sa kwarto at di kumakain. Kaya inaalagaan ko sya.

Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa grocery store.

Dumeretso ako sa mga gulay at nag isip ng lulutuin. Wala ako maisip dahil di ako sanay magluto ng mga ulam ulam hays

"C-cupcake?" Banggit ng familiar na boses sa tabi ko.

Uy si mr pink

"Mr pink!" Natutuwa kong sabi at napangiti naman sya "kamusta? Oh bakit ikaw ang nag gogrocery?" Tanong ko sa kanya

"May batas ba na bawal mag grocery ang mga lalake?" Banggit ng kasama nya na si chan

"Ah-- eh.. Hindi naman hehe." Sabi ko habang pasimple kong inirapan si chan

"Wow ha. Sayo pa galing di ka naman tumutulong. Umuwi ka na nga wala ka naman silbi" sagot ni Mr pink I mean ni Song kay Chan at umalis nga ito ng naka earphones na tila walang pake sa mundo.

"Hayaan mo yun, napilitan lang kasi, pinilit ko lang sya na samahan ako hahaha" paliwanag nya "tsaka wag mo ko tawaging Mr. Pink, ang baduy hindi bagay sa aura kong pang super model" dagdag nya sabay pose with hawak na gulay

"Hahahahahahaha! Okay sorry, bakit kasi pink ang inorder mo noon" tanong ko sa kanya

"Binili ko kasi yun para sa younger sister ko, wala ako time non kaya umorder nalang ako." Sabi nya

"Tara sabay na tayo, Oh wala pang laman yung basket mo" dagdag pa nya

"Oo nga eh di ko kasi alam kung ano lulutuin ko para kay mama hehe" sagot ko at napakamot nalang ako ng ulo

"Hmm. Gusto mo ba tulungan kita?" Tanong nya saakin habang nakangiti.

Ang pogi pala nito no

Sinimulan nya kumuha ng mga bilihin

"Mukang expert ka sa pagluluto ah" sabi ko habang sinusundan sya mamili

"Paano ba naman kung di ako magsasanay magluto hindi kami mabubuhay, ako lang inaasahan nila sa pagluluto" napatango naman ako at nagtaka

"Ahhhh. Di ba nagluluto mama mo? Wala ba kayong maid? Mukang mayaman ka naman eh" sabi ko sa kanya at napangisi sya

"Hahaha. Sila chan kasi ang kasama ko sa bahay, Naka dorm kaming pito." Kwento nya, napatango nalang ako.

So magkakasama pala sila aba friendship goals?

Tuloy kami sa kwentuhan habang sya namimili ng mga bibilhin ko.

"Oh kumpleto na to ha" sabay abot nya saakin ng basket sakin at sabay kami pumila. Ng makabayad na naglakad na kami papalabas.

"Uy thank you ha. Kaya lang... di ko sanay lutuin to" napangiti ako ng pilit sa kanya yung natataeng ngiti, Ganorn!

"Alam ko haha. Tara samahan kita sa inyo ako magluluto tuturo ko sayo" banggit nya at sinama ko sya sa bahay at dumeretso sa kusina.

Sinimulan nya magluto at tinuturo nya saakin bawat gagawin nya.

Ang pogi nya pala lalo kapag nagluluto. O o p z

Husband material. Swerte ng magihing jowa neto hehe.

Natapos syang magluto at isinulat nya sa notebook yung mga gagawin.

Umuwi na sya at inihanda ko ang kakainin ni mama di ko sya ginising at iniwan ko nalang ito sa loob ng kwarto nya dahil may pasok pa ako.

------

"Kamusta na mama mo?" Tanong ni lauren

"Ayun, matamlay pa din" sagot ko sa kanya "alam mo hindi ako naniniwala na umalis si papa dahil kailangan nya magtrabaho" dagdag ko sa kanya

"Talagang hindi ka dapat maniwala! Nako may babae yang papa mo panigurado--" napatingin ako sa kanya sa mga sinabi nya "b-baka lang naman hehe. Pero alam kong magiging okay din mama mo, kailangan lang nya siguro ng oras para mapag isa." Dagdag nya habang hinahawakan nya kamay ko.

"Pero masakit kapag nahuli mo papa mong nanlalalake pala" banggit ng nakakainis na boses

Napatingin ako at si chanwoo pala. Bigla sya pasimpleng pinagbubungo ng mga kasama nya

"Aish! Akala mo ba nakikipag biruan ako?!" Galit kong sabi sa kanya

"Oo nga naman! Akala mo ba nakikipag biruan noona ko sayo! Ha!" Banggit ni dong sabay tabi saakin at inakbayan nya ako

"Di mo ba alam yung salitang joke? Syempre hindi mo alam, maligo nga di mo alam eh" Sabi ni chan tapos dinilaan nya si dong sabay takbo

"Sira ka! Patay ka sakin!" Sigaw ni dong habang hinahabol si chan

"Hindi mo yan mapapatay, gamer yan, magrerespawn sya" pagbibiro ni bobby at nagtawanan naman sila.

Napangiti ako ng bahagya dahil ang kukulit nila

"UYY NGUMITI SI DEMI!" Sigaw ni June at nagtinginan silang lahat saakin nahiya naman ako kaya tinakpan ko muka ko

"ANO? NAPANGITI NATIN SI NOONA?!" Nagtatakbo naman si chan at dong papalapit saamin

"Guys please wag kayo maingay pinagtitinginan nila tayo" nahihiya kong sabi dahil agaw pansin kami sa loob ng campus

"Ang ingay nyo" banggit ni jay habang nakaakbay sya kay Lauren

"Ang tahimik mo" sabi ni Hanbin sabay irap sa kanya

"Baliw" sagot ni jay

Di ko talaga maintindihan utak ng pitong ito

"Guys hiramin ko muna si jay ha" kinikilig na sabi ni lauren habang hinihila sya ni jay papalayo

"Kahit wag mo na isoli okay lang" sabi ni song

"Grabe ka naman" natatawa kong sabi

"Pinapatawa ka lang namin" sagot ni song at nagtanguan silang lahat

"Salamat sa inyo" sabi ko sabay ngiti sa kanila

"Ang seryoso mo naman, alam mo ang problema nagiging problema lang yan kapag pinroblema mo" sabi ni June sabay bunggo nya sakin at muntikan na ko malaglag sa inuupuan ko.

Tama tama

"Arayyy!!" Lumayo sya ng konti agad ko naman nilapitan tsaka ko sya pinaghahampas sa braso.

"Noona! Alis na kami may klase na kami" paalam ni dong saakin

"Aba? O sige mauna na kayo mga DONGSAENG ko! Hmpp" masyado nila kong pinapatanda eh mas matanda nga sila sakin sus

Nagtawanan naman sila at umalis na

"Noona sa susunod ulit!" Banggit ni song habang papalayo

"Ayoko" pabiro kong sabi

Hanggang tuluyan na silang mawala sa paningin ko

Tatayo na sana ako pero tinulak ako ni kaye ng mahina kaya bigla ako napaupo

"Kaye please lang wag ngayon" tatayo sana ulit ako para iwasan sya pero tinulak nya nanaman ako sabay binuhusan nya ako ng tubig

"Ayan maligo ka ng mawala yang kati mo!" Sabi nya at nagtatawa silang magbabarkada

Mga gago

Bwisit

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila at nagmadali na silang magsialis

Pasalamat sya wala ako sa mood makipag away ha

Namumuro na talaga sakin yan!

Gggggrrrrr

Tumayo na ako at pumunta sa cr nagsalamin tinitigan ko sarili ko sa salamin habang inaayos ang basa kong buhok pati uniform

"Demi, ngitian mo lang sila. Okay?" Sabi ko sa sarili ko

Ngumiti naman ako "okay" banggit ko

Paglabas ko ng cr nakita kong magkasama si Sean at Vin

"Demi!" Tawag saakin ni sean

"Sean." Banggit ko sabay ngiti ng sarcastic sa kanila

"Ano nangyari sayo okay ka lang?" Tanong ni sean at hinawakan nya buhok ko napaatras naman ako ng konti

"Okay lang ako." Sabi ko at umalis agad ako

Nahihiya ako humarap sa crush ko ng ganto ang itsura ko

Lumabas na ako ng school at naglakad na pauwi

Ng biglang umambon

Napatigil ako sa paglalakad inilahad ko kamay ko para maramdaman yung ambon habang lumalakas

Gumagaan ang pakiramdam ko habang pumapatak saakin ang ulan pinikit ko saglit ang mga mata ko

"Halaaaa wala ng ulan?" Napadilat ako at nagulat ako may nagpapayong sakin---

-------------

End of chapter 7 ❤

Continue Reading

You'll Also Like

MIRACLE By Ara

Teen Fiction

323K 11.8K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
Lucent By ads ❀

Teen Fiction

335K 7.7K 27
book 1 of the windows of the soul duology ✿ ✿ ✿ lucent: softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for so...
98.4K 2.3K 22
𝚃𝚑𝚎𝚢 𝚜𝚊𝚢 𝚒𝚝'𝚜 𝚏𝚊𝚟𝚘𝚛𝚒𝚝𝚒𝚜𝚖 , 𝚗𝚊𝚑 𝚝𝚑𝚎𝚜𝚎 𝚝𝚑𝚎 𝚘𝚗𝚎𝚜 𝚒 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚝𝚑𝚎 𝚖𝚘𝚜𝚝 .. ꨄ
193K 5.2K 97
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...