In His Hands (Reading it agai...

By frosty_foxxy

499K 7.3K 1K

Inayawan ko lahat ng may gusto sa akin dahil pare-pareho lang naman ang habol nila sa akin, PERA. Pero hindi... More

In His Hands
-1-
-2-
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-

-20-

15.4K 337 57
By frosty_foxxy

 

 Sobrang taas ng comment niya sa last chapter. Dedication for her. Keep safe. @Aleandrei_Ellaine

PENELOPE’S POINT OF VIEW

 

 

Kagat-kagat ko iyong labi ko ngayon. Hindi na din ako tumitingin sa gawi ni Robson. Kung kanina halos sinapian ako ng tapang ngayon naman ginapangan ako ng kaba.

 Hindi na nagtagal pa si Robson sa pag-iikot sa Mall. At Halimaw din talaga, sa kanila pala iyong Mall, para tuloy akong na-starstruck noong sinabi noong sekretarya niya na isa lang iyong Mall na pinuntahan namin kanina sa pagmamay-ari nila.

 Sheet lang! Ganoon siya KAYAMAN!

 

“Gutom ka na?” Umiling lang ako at pumikit. Hindi ko kayang harapin iyong pamumungay niyang mga mata. Talagang hindi ko kaya, manghihina ako panigurado.

“Pen.” Sheet ka naman Halimaw eh! Kinakabahan na nga ako lalo mo pa akong pinapakaba. Hindi ako gutom.

 

“Hindi.” Hindi ako tumingin sa gawi niya noong sumagot ako. Nakapikit pa din ako, pero ramdam ko iyong mala-agila niyang mga mata na nakatutok sa akin.

“Penelope.” Binagsakan niya na ako ng isang ma-awtoridad na boses kaya wala akong nagawa kundi ang dumilat at humarap sa pwesto niya. Kasalukyan itong nagmamaneho kaya medyo okay lang dahil hindi solo sa akin iyong atensyon niya.

Noong nag-stop light, ayun na. “Kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka din ng maayos. Tumingin ka nga sa akin.” Napapitlag ako sa pagtaas ng boses nito. Tagpong-tagpo ang dalawang kilay nito. “Sa mata ko.” May halong inis na iyong pagkakasabi niya. 

Bwesit ka! Titingnan kita kahit buong araw pa, huwag lang ngayon. Nahihiya ako sa pinagsasabi ko kanina.

 

“Ano bang nangyayari sa’yo?” Humigpit ang hawak nito sa manibela. “Penelope, tumingin ka nga sa akin, ang likot-likot ng mga mata mo.” Napalunok ako. Sandaling nagtagpo ang mga mata namin at bigla-bigla nalang tumambol ang puso ko ng pagkalakas-lakas, higit pa sa normal na dapat nitong pagtambol.

Buti nalang talaga at nag-go signal na ulit kaya nawala na ang atensyon nito sa akin. “Mag-uusap tayo sa bahay…ng matino.”

 

Pagka-park palang niya sa kotse ay mabilis na agad itong lumabas at nauhan pa ako sa pagbukas sa pintuan ko. Blangko lang ang mukha nito noong madalian ko itong pinagmasdan. Pinatunog niya lang iyong kotse niya at hinawakan na agad ang kamay ko para hilahin papasok sa bahay.

Halos namanhid iyong dalawang binti ko noong walang prenong umakyat si Robson sa hagdan, at hindi biro iyong nasa ikatatlong palapag pa iyong kwarto namin. Hindi sa lahat ng pagkakataon nakakatuwa ang maging MAYAMAN.

 

Padabog niya ding sinara ang pintuan sa kwarto namin. Pinamaywangan niya ako at halos ikulong sa pader at sa katawan niya. “Tss. Sa mata ko nga Penelope.” Sinunod ko nalang siya kahit alam kong lahat ata ng dugo ko nasa pisngi ko na.

“Ano na naman to? Okay naman tayo kanina ah!” Mas lalo pa siyang lumapit sa akin, pinilit kong umatras pero ramdam na ng pwet ko iyong dingding. Sheet ka talaga Robson!

“Nagseselos ka na naman ba?” Napakurap ako sa tanong niya.

“Kung sa Ex mo na lang naman, mag-isip ka ulit. Di hamak na mas may alam pa ako sa fashion kaysa sa kanya. Ang alam lang atang suotin nun ay shorts at tubes. Bwesit!”

“Nagseselos ka nga.” Bulong niya pero pinarinig naman sa akin. Tiningnan ko nga ng masama. “Ex ko na siya.”

“Dapat lang dahil ako na asawa mo!” Sa oras na naisip ko kung ano iyong lumabas sa bibig ko, talagang kinagat ko ng mariin iyong ibabang labi ko. Unti-unti namang umangat ang labi nito at ngumisi sa akin.

“So..tungkol sa sinabi mo kanina, gagawin mo yun?” Kung pwede lang matunaw, kanina pa basa itong sahig na kinatatayuan namin ngayon ni Rob.

 “Sagot.” Iiwas ko sana iyong tingin ko kaso maagap niyang nahawakan ang baba ko at halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan noong dahan-dahang pumulupot ang isang braso ni Robson sa beywang ko. “Alam mong mainipin ako.”

“Doon naman din kasi ang punta di ba?” Bahagyang kumunot ang noo nito.

“Mali. Hindi yan ang gusto kong marinig.” So kung ayaw niya sa sagot ko, magiging mali yun? Napaka-unfair naman ata nun sa parte ko.

 “Dadaanin na naman ba natin to sa ibang paraan para lang mapasagot kita?” Nag-init agad ang kaloob-looban ko. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Sheet naman talaga!

Napalunok ako noong napagtantong wala na akong kawala kundi ang umamin sa kanya ng totoo. “Oo gagawin..hindi..mukhang ginagawa ko na ata dahil…” Pinagdikit niya iyong noo namin habang titig na titig sa akin. Iba na iyong tingin niya, punong-puno ng ito ng pag-asa.

“Dahil?” Untag niya sa akin noong hindi ko nagawang dugtungan iyong sinabi ko. Natutuliro na ako ngayon. Hindi ko alam kung papaano ko bubuuin iyong isasagot ko. “Bilisan mo Penelope, kundi sa kama ang bagsak natin ngayon.”

 

Napalunok ulit ako habang wala ng tigil sa kakatambol ng malakas iyong puso ko. Unti-unti na din akong pinapawisan.

Lumapat bigla iyong labi ni Robson sa labi ko. Pinaglapat niya lang at hindi sinubukang igalaw. Pati ata kaluluwa ko iniwan na ako sa ere. Sa pagbukas niya sa kanyang mga mata nakita ko ang paghanga dito pero hindi pa din nawawala ang pag-asa.

“Dahil ano Pen?”  

Napahawak ako ng wala sa oras sa laylayan ng suot nitong t-shirt para doon kumuha man lang ng lakas. Kapag umamin na ako kay Robson wala na itong bawian at bibigyan ko na siya ng pagkakataon para saktan ako. Kahit na…

“Gusto kita..Gustong-gusto na kita.”

 

“Damn.” Napapikit nalang ako noong siniil na ako ng halik ni Robson. Mabilis ang mga galaw niya at para siyang hinahabol ng kung sino. Halos hindi ko na natutugon ng maayos iyong halik niya dahil hindi ko kayang pantayan ang intensidad nito.

Sa madaling salita, nilulunod niya ang buo kong pagkatao sa halik na ibinibigay niya sa akin.

Ngayon, ang dalawa kong kamay ay nakahawak na ng mahigpit sa may parte ng dibdib nito. Ramdam na ramdam ng dalawang palad ko ang pagtaas-baba ng dibdib nito sa tuwing huhugot siya ng malalim na hininga bago ako halikan ulit.

Nagsimula na ding maglakbay ang mga kamay nito sa likod ko, taas-baba hanggang sa dumapo ito sa manipis kong tiyan patungo sa mga dibdib ko. Napaungol ako sa sensasyong dala ng mga kamay nito at higit sa lahat dahil sa labi nitong pinaglalaruan na ngayon ang isa kong tenga.

“Rob.”  Protesta ko noong tumigil siya sa paghalik at sa pagsamba sa katawan ko.

Habol nito ang hininga habang mabilis na naghuhubad sa suot-suot nitong mga damit at sapatos. “TangIna Penelope, humiga ka na sa kama dahil hindi ko na kayang magpigil pa.”

 

Naramdaman ko talaga ang mas lalo pang pag-iinit ng aking katawan dahil lang sa sinabi nito. Napalunok ako noong makita na ang kama. Sinubukan kong sundin ang utos ni Rob kahit na hinang-hina na iyong mga tuhod ko.

---

“Gusto ko ng apat na anak.” Napa-ungot ako sa sinabi nito. Nakatalikod ako sa kanya at iyong tiyan ko ang lumalapat sa malambot naming kama. Mas lalong lumakas ang ungot ko noong hindi pa din pala siya tapos sa pag-guguhit ng kung anu-ano sa likuran ko.

“Robson, hindi ako makahinga.” Reklamo ko dito noong idinantay niya ang isang binti sa akin. Ramdam ko iyong bigat.

“Umayos ka kasi sa pwesto mo ng hindi ka nahihirapan.” Hindi ako nakinig sa kanya at ipinikit ulit ang mga mata ko.

Kahit hindi pa din tumitila iyong ambon, alam kong dapit-hapon na. Lumabas lang sandali kanina si Rob para kuhanin iyong inin-order niyang Pizza at bumalik dito sa kwarto.

“So apat na.” Napadilat ulit ako. Apat? Ang dami naman ata nun. Sa panahon ngayon ang hirap-hirap ng magpalaki ng mga anak. Buti sana kung pare-pareho lang sila ng ugali di ba?

“Isa.” Suwestiyon ko dito. Natigil ang paggalaw-galaw ng daliri nito sa likuran ko. Sandali ko siyang pinakiramdaman kung ano ang ginagawa niya. Halos napakagat na ako sa labi para lang pigilan ang sarili kong lumingon sa gawi niya.

“Ako ang masusunod.” Sabi ko nga. Hindi siya magiging si Robson kung hindi niya makukuha iyong gusto niya. Saksi na ako doon.

“Ako ang magdadala at ako ang mag-eere.” Pinilit kung rumason kahit alam kong siya pa din naman talaga ang masusunod. Titingnan ko lang naman.

“Sa akin magmumula ang binhi.” Natawa ako. Sheet talaga ang isang to.Talagang ipipilit nito ang gusto niya at kapag hindi ka pumayag hahanap at hahanap siya ng paraan para mangyari ang ninanais niya.

Katulad sa pagsulpot nalang nito isang linggo bago ang kasal ko kay Chance.

 

Ang pag-gulo sa sistema ko at sa pagkakaluno ng sarili ko sa kanya.

 

 

Ang ginawa nitong pain para pakasalan ko siya.

 

Ang pagbili sa akin para lang hindi ako makaalis sa puder niya.

 

Marami na siyang ginawa na dapat sana ngayon kinamumuhian ko na siya. Sinusumpa sa galit dahil sa ginagawang pamamanipula sa buhay ko. Pero sabi ko nga kanina, gusto ko na siya. Gustong-gusto na baka sa isang pikit ng mga mata ko, natutunan ko na pala siyang mahalin.

Sana lang hindi siya katulad ng Hinayupak na yun. Sana lang talaga.

 

Pagkakataon. Iyan ang ibibigay ko sa sarili ko at kay Robson. Pagkakataon para sa aming dalawa.

“Pwedeng dalawa na lang kasi.” Gumalaw ulit ang mga daliri nito sa likuran ko hanggang sa naramdaman ko nalang na niyayakap na niya ako.

“Bigyan mo muna ako ng isa saka ko pag-iisipan niyang gusto mo.” Ibinaon ko sa unan iyong buong mukha ko, kahit naman kasi nakatalikod ako sa kanya para bang kitang-kita niya pa din iyong pamumula mukha ko.

“Ako pa inuto mo.”

“Penelope, humiga ka nga ng maayos.” Hindi niya nakuha iyong sinabi ko dahil sa pagkakasubsob ko sa unan kanina.

[*************************************************************************]

I love reading your comments.

Continue Reading