Her Eyes #Wattys2018 Winner

Af deitoy

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... Mere

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 3

10.5K 368 82
Af deitoy

[Reed]

Nanginginig ang labi ko pati na ang kamay ko. Lahat ng nakita ko nang hawakan ko siya ay biglang bumalik sa isip ko.

Yung mga lalaki, maliit na eskinita, pundidong ilaw, isang nakakapanindik balahibong sigaw, bato at black out.

"No.." I whisper. Patuloy kong naririnig ang pagtawag ng kaklase ko sa telepono.

Hindi ko alam kung saan titingin, gusto kong himatayin sa nalaman.

Tsaka ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat!

She got raped by those boys on a narrow street where there is no light at all, she tried to call for help by screaming but someone hammered her with a big stone and she lost consciousness might be it's the reason why she died. She died because of internal hemorrhage.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa mga pangyayari. I don't know what to think. Pakiramdam ko mababaliw na ako. I think what happened to Viv will hunt me as long as I live.

I can't do anything to save her. I tried to tell her but of course a sane person wouldn't believe me as if I am in a verge of getting insane.

Nanatili ako roon an nakatulala at binabagabag ng konsensya ko. Wala man lang ako nagawa para iligtas siya. Para saan pa at nakikita ko ang kamatayan nila.

"Ate?" Nilingon ko si Rin na ngayon ay kagigising lang. "Okay ka lang, Ate?" Pag aalala niya. "You seem pale."

"No, Rin. I'm fine," I smiled. She tilted her head and nodded a bit. "Powder room lang ako," paalam ko sa kanya. "Sige, Ate. Go pamper yourself you really look pale, may nangyari ba?" Umiling ako tsaka ngumiti.

Nang makapasok at maisarado ko ang pintuan ng powder room ay tsaka bumagsak lahat ng luha na pinipigilan ko. Mahihinang hikbi ang kumawala sa aking mga labi. Hindi ko talaga kayang pigilan ang kamatayan ng isang tao.

Death is unstoppable. Death is ruthless. Death is a sad truth— Tragic truth rather.

Sana mapagbigyan ako ng pagkakataon na makapag ligtas ng buhay ng isang tao- hindi lang isa kundi marami gamit ang kakayahan ko. Ang mga mata na kung ituturing ng iba ay isang sumpa pero ngayon para sa akin ay tinutuklas kung isa bang regalo para makatulong ako sa iba.

Nang lumabas ako ng powder room ay tulog na si Rin. She sleep so soundly and peaceful. "How can I save you?" I asked her while asleep.

Masakit na ang mga mata ko dahil sa pamumugto at pagod sa pag-iyak. Wala na akong mukhang maihaharap bukas sa school. Ako ang dahilan ng pagkamatay ni Viv, hindi ko siya napigilan sa abot ng makakaya ko, hindi ko siya nabalaan, hindi ko siya nailigtas.

Nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto. Pinuntahan ko ito at nang buksan ko ay kapansin-pansin ang pagkabigla ng nurse nang makita niya ako.

Paniguradong kita niya ang namumugto kong mata. I'm sure I look like a mess right now. "If I'm not mistaken dito ang kwarto ni Rin Tyler," tanong ng nurse. Tumango lang ako. "There's a package for Reed Tyler, ikaw po ba iyon?"

"Yes, I am," hindi ko kilala ang boses na nagmula sa akin, pugto ito at halos hindi marinig. Para ba akong namamaos.

Iniabot niya ang package sa akin. Bago pa man ako nakatalikod ay napansin ko ang lifespan niya 091834. He only have 21 days.

"Uhm, Kuya," ibinalik niya sa akin ang tingin niya. Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang braso niya.

Jeepney. Gun. Black clothing. Dim lights. One. Screeching of tires. Black out.

"Kuya, lagi ka mag-iingat, it may be weird but try not to transport with jeepney before September 18," I said, seriously. Halos umismid siya pero napansin ko ang pamumutla niya.

"Ineng, nastress ka lang, wag ka mag-alala, gagawin ko ang pinayo mo pero mamahinga ka na, nadadala ka lang ng pagiging emotionally unstable mo," mahinanong wika niya at tumalikod na sa akin tsaka naglakad palayo.

Naiwan ako roon na nakatingin sa maliit na kahon. Sino nga naman ang maniniwala sa isang katulad ko? I'm crazy. Nababaliw na ako, hindi ko na nga alam kung nasa tamang pag iisip pa ako. I can't probably sane but I'm not yet insane. Maybe I'm on the verge of it.

Nang pumasok ako sa kwarto ay sumandal ako sa pintuan. Nakita ko roon ang isang puting papel.

"Reed Tyler, date of birth: 011917, time of delivery: 16:34"

Pinanlamigan ako sa nabasa ko. Sa loob pa ng kahon ay may isang itim na rosas. Sa ilalim non may isa pang puting papel.

"Parang isang itim na rosas hindi alam kung lanta na o hindi, sa dilim nakikita ang kagandahan, pero wag magpalinlang dahil hindi lahat ng nakikita ay totoo."

Tinignan ko kung kanino ito nanggaling ngunit walang nakalagay. Wala ring pwedeng padalan pabalik. Kanino nanggaling to? Saan nanggaling to? Sa isang katulad ko? Pero bakit ang pagkapanganak ko ang alam niya?

May posibilidad ba na may katulad ako na may kakaibang kakayahan. Pero bakit siya buhay o kapanganakan? Ako kamatayan?

"Sino ka?" Tanong ko habang nakatitig sa itim na rosas. Hindi ko alam kung bakit binabagabag ako ng itim na rosas na ito.

"Hindi lahat ng nakikita ay totoo,"

Bumuntong hininga ako. Sana nga hindi lahat ng nakikita ko ay totoo, sana nga lahat ng tao na nakikita ko ang kamatayan ay pwede pang maiba, pwede pang maisalba at pwede pang mabuhay ng mas matagal.

Umupo ako sa sofa at pinaikot-ikot ang itim na rosas sa daliri ko. Ano ang ibig sabihin nito? Para saan to?

Inilagay ko ulit sa maliit na kahon ang rosas tsaka isinilid sa bag ko. Inayos ko ang mga gamit ko atsaka natulog.

Sobrang dilim. Wala akong makita, teka! May kumukutitap sa isang eskinita. Pumasok ako roon.

"Please! Wag po! Wag po!" Isang sigaw ang nagmumula sa eskinitang yon. Tumakbo ako papunta roon. Nakarinig ako ng nakakapanindik balahibong tawanan.

"Wag po, please. Kunin niyo na lang po lahat ng pera at gadgets ko, pawalan niyo na po ako."

Nakita ko ang kaklase ko na nasa isang sulok ng dead end sa maliit na eskinitang iyon. Pundido ang ilaw na kumukutitap lamang. Lalo akong lumapit. Nakikita kaya nila ako?

Lumandas ang luha sa mga mata ko at wala akong maapuhap na salita. Walang kalaban-laban ang kaklase ko. Halos mawasak na ang pang-itaas niya at maging ang palda niya. Umiiyak at tigmak na ng luha ang mukha. Nagsusumamo na wag siyang pagsamantalahan ng mga lalaking nasa harap niya pero para itong walang mga naririnig. Nagtatawanan lang at pilit pa rin lumalapit sa kaklase kong pilit na sumisiksik sa kanto ng dead end na iyon. Pilit siyang humihingi ng tulong at sumisigaw pero walang nakaririnig.

"Wag, wag!" Sumipa siya at tinamaan sa sikmura ang isang lalaki. "Aba nanlalaban ka!" Itinulak nito si Vivien at tumama ang ulo nito sa isang bato. Hindi siya pinukpok kundi tumama at nabagok ang ulo niya. Tila mga hayok sa laman ang mga lalaki at isa-isang tinanggal ang mga saplot niya tsaka pinagpyestahan ang katawan niya.

"Dahil sa iyo namatay ako," tumingin ako sa aking likod at nakita ko roon si Vivien, umiiyak pero hindi luha ang lumalabas sa kanyang mga mata kundi dugo. "Dahil sa iyo nagahasa ako."

Sinubukan ko maglakad palayo sa kanya pero nalalapit ako sa karumaldumal na sinapit niya. "Bakit mo ko hinayaan na mamatay? Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Bakit?"

Hindi ko alam ang sasabihin. Malayo ang itsura ni Vivien na kaharap ko sa Vivien na kilala ko. Madilim ang mga mata nito at may bahid ng dugong nagmimistulang luha. Hindi tulad ng mga mata niyang kulay tsokolate at ubod ng ganda kung titignan. Gulo ang buhok niya, halos magulanit ang suot na damit at madungis. Malayong malayo sa Vivien na laki mula sa marangyang pamilya.

Puro paninisi ang naririnig ko mula sa kanya. Mga panaghoy at pagkamuhi. Tinakpan ko ang aking tenga pero yon pa rin ang naririnig ko. At isang matinis na sigaw.

Hinihingal at pinagpapawisan ay nagising ako. Air-conditioned man ang kwarto ay grabe ang pawis ko. Parang hindi isang panaginip ang nakita ko, pero kasagutan iyon. Kasagutan kung paano at sino ang pumatay.

Mabigat ang paghinga ko at nanlalamig ang mga kamay maging mga paa ay nanlalambot dumiretso pa rin ako sa powder room. Sobrang putla ko at tila ako nakakita ng multo. Pero mas malala at nakakapanindik balahibo ang nakita ko.

Nagshower na lang ako at naggayak na para pumasok. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang napanaginipan ko. Karumaldumal, walang puso, nakaka-awa.

Nang nasa estasyon na ako ng tren ay napansin ko si Ryoichi na nakatayo rin at nag-iintay sa pagdating ng tren. "Long time no see, Reed," wika niya kahit diretso ang tingin sa kung saan, ngumisi siya tsaka yumuko.

"You will make a ruckus, poor girl," he said. Tinignan ko siya at sakto rin ng pagtingin niya sa akin. Lalapit na sana ako sa kanya pero naalala ko ang eksena sa hallway ng ospital.

"I hope okay ka na," mahinahon kong wika kahit na kinakabahan na ako sa pagdating ko sa paaralan.

"Never been better, Ms. Tyler, ikaw ang sana maging okay," naramdaman ko siya na nasa tabi ko na. "I know someone that would accuse you as murderer," bulong niya. Naghumindik lahat ng balahibo ko at maging ang bawat himaymay ng katawan ko ay kinilabutan sa kanyang malamyos at baritonong boses na tila kumiliti ngunit nagdala ng malamig na kilabot sa katawan ko.

"I'm no murderer," pagdepensa ko. Pinantayan ko ang titig niya sa akin. Mas matangkad man siya ay hindi ko hahayaang tignan lamang niya ako ng mababa pa kesa sa height ko. "I know."

Nagulat ako sa sinabi niya. "You were sick and stayed on the hospital for two days, you were there before she died, andon ka at binulyawan ko sa hallway dahil sa vertigo ko," iniangat niya ang kamay niya napapikit ako nang makita kong dadapo yon sa ulo ko. "Yet you little brat I wouldn't say sorry for what I said, totoo kasi yon," naramdaman ko na lamang na pinitik niya ang noo ko. "Aray!"

Ngumisi siya at pinamulsa ang mga kamay tsaka tinignan ang paparating na tren. Sabay kaming pumasok doon at siya ay umupo na sa bakanteng silya habang ako ay nanatiling nakatayo sa gilid ng upuan niya at tumitingin sa labas ng bintana.

Magkahalo na ang kulay ng langit, nakikita na rin ang sinag ng araw. Tinignan ko si Ryoichi, nakayuko siya tsaka nakahalukipkip at nakapikit habang may earphones sa kanyang mga tenga. Kung titignan ay mukha siyang anghel, maamo ang mukha pero demonyo ang ugali oras na makausap mo kaya mas pipiliin mo na lang na hindi na siya magsalita.

Matapos ang byahe ay nauna pang lumabas ng tren si Ryoichi. Naglalakad ako sa likod niya pero nang makapasok ako sa loob ng gate ay naramdaman ko na ang mga mata nila sa akin.

Nararamdaman ko ang tensyon, may ibang tinitignan lamang ako at magbubulungan.

"Siya yung huling weirdo na kumausap kay Vivien diba?"

"Ang lakas ng loob niyang magpakita rito."

"Siya ang pumatay kay Vivien Delgado, diba?"

"What a murderer."

Tinignan ko si Ryoichi. Nakatingin siya sa akin at tinitignan ang magiging reaksyon ko. He was eyeing me with an I-told-you-they-would-accuse-you look. I just shrug my shoulder.

Naglakad na ako pero nang lalampasan ko na siya ay hinigit niya ang braso ko. Tila ako hindi makahinga. Wala akong maapuhap na salita ngunit pagsinghap lang ang aking nagawa.

"You aren't scared?" He ask. Umiling ako. "Bakit ako matatakot? Hindi naman ako ang may kasalanan, kahit pa sabihin ko sa kanila ang isang bagay na hindi kapanipaniwala o maging sabihin kong wala akong sala kung ano ang paniniwalaan nila yun ang paniniwalaan nila.

Yan ang hirap sa mga tao eh, may paninindigan nga pero minsan yung paninindigan nila ay nasa maling lugar. Minsan kung ano pa ang dapat nilang paniwalaan ay sinasawalang bahala lang nila."

Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakatitig lamang siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. "What if ang paninindigan nila ang tama ano gagawin mo?" Tanong niya. Naguguluhan ako sa kanya lalo ngayon. Weirdo niya, nabagok ba ang ulo niya nang tumumba siya?

"Sabi ko nga sa iyo kung ako man talaga ang may kasalanan edi nagtago na ako, bakit may pruweba ba sila sa binibintang nila? May pinaniniwalaan sila at wala akong magagawa pa roon dahil di ko pa nasasabi ang side ko, kung ano ang pipiliin nila paniwalaan ay siyang rerespituhin ko."

Pinilit kong kumalag sa pagkakahawak niya pero tila ako tinutunaw ng mata niya. May iba't ibang hindi malamang emosyon ang nagkukubli rito.

"Naniniwala ako sa iyo," mahina niyang wika at binitiwan ang braso ko tsaka tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Naiwan ako roon nakatulala at tinitignan siya maglakad papalayo. Tanging ang malakas na tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Para itong tambol sa lakas ng tibok, para na itong sasabog at lalabas ng aking dibdib.

May naniniwala sa akin. Kahit na tumalikod ang ninety-nine percent ng paaralan may isang porsyento pa rin na naniniwala sa akin at si Ryoichi yon. Napangiti ako sa salitang iniwan niya sa aking isipan.

Naniniwala ako sa iyo.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

15.4K 486 25
What if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryo...
418K 55.4K 54
|COMPLETED| The new era of royalty has been born. Alessia and her child was away for too long. Years after years, Elijah already taken the step forwa...
29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book οΌƒ2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
282K 16.5K 65
WATTY AWARDS 2020 WINNER (Science Fiction Category) || COMPLETED || Limang Marka: Elite, Independent, Trooper, Slave, at ang Felon Mark. Mga Markang...