ALL NAMES, PLACES, AND INCIDENTS ARE PRODUCT OF AUTHOR'S IMAGINATION. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS AND EVENTS ARE PURELY COINCIDENCE.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Alas nuebe na ng umaga pero nakahiga pa din ako dito sa kama. Naghihintay ako ng message mo simula kagabi pero wala. Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may message pero wala din. Binuksan ko din yung chatbox pero wala rin. Argg! Nakakamiss ka!
Kaso wala naman akong magagawa dahil may trabaho ka. Hayyy. Pumunta ako sa albums at pinagmasdan ang mga pictures natin nung college. Alam kong para akong timang dahil nakangiti ako ng mag-isa.
Naalala ko kasi yung mga panahong sinabi mong mahal mo ko.
FLASHBACK
Him: Mahal kita Mary Joy ko.
Matagal kong tinitigan yung nakasulat sa chatbox, baka kasi nagkakamali lang ako ng binabasa. Totoo ba ito? Sinabihan niya akong mahal niya ako? Nakatakip lang yung kamay ko sa bibig ko. Paulit ulit ko lang itong binabasa.
Mahal kita Mary Joy ko.
Mahal kita Mary Joy ko.
Mahal kita Mary Joy ko.
Ako na! Ako na ang kinikilig. Hinawakan ko ulit yung keyboard para magtype, kaso anong irereply ko? Na mahal ko rin siya?
*ting*
Tinignan ko yung chatbox at nakita kong nagmessage siya ulit.
Him: Huy anong nangyari sayo? Baka hinimatay ka na jan!
Me: Wow hangin!
Him: Wag ka nga! Alam ko namang di ka naniniwala e!
END OF FLASHBACK
Para nga akong tanga noon e. Hindi ako nakapagreply agad, ikaw naman kasi biglaan kung umamin. Pero paano nga ba tayo dumating sa sitwasyon na iyon?
Nagkakilala tayo nung nagsimula ang college. We have the same circle of friends. Iisa ng BARKADA. So inshort magKAIBIGAN nga.
I have this highschool classmate and also a friend na hanggang college ay classmate ko rin. Galing no? Pero nung time na yon, gusto mo ang kaibigan ko. Ako naman si ever supportive friend e, tinulungan kong maging kayo, ako ang naging BRIDGE. At sa tuwing nagaaway kayo, ayun! ako ang sabihan ng mo ng nararamdaman mo.
Seryoso naman kayo sa isa’t isa, kaso may mga bagay talaga siguro na hindi pwede. Yung tipong kahit anong gawing laban niyo, darating talaga yung point na may isang susuko. Sino ba namang hindi diba? ‘You and Me against the world’ ang peg niyo? Ayaw ng parents niyo sa isa’t isa kaya di’ nagtagal e naghiwalay kayo bago matapos ang college.
AWKWARD. Ilang kayo sa isa’t isa. Medyo nagkaiwasan pa nga e. Tapos ikaw naman dahil sobrang mahal mo si friend e, nagyosi ka, uminom ka, binabaling mo ang atensyon mo sa computer games, ayan tuloy puyat at namayat ka! siguro dahil nga depress ka. Hindi ka rin kumakain kahit may pera ka naman. Wala naman ako, este kaming magawa kundi pagsabihan ka lang. Wala e, ganun talaga.
Tinanong kita kung ako ba ang dahilan ng breakup niyo, baka kasi dahil sakin ka nagsasabi ng problema mo tungkol sa inyo e nagseselos siya at naging dahilan paghihiwalay niyo, pero ang sabi mo ‘hindi’. Ganon din naman kapag tinatanong ko si friend e, pareho lang kayo ng sagot. Kaya okay, sabi niyo e.
So ganun nga, nagkakatext pa rin tayo, well alam ko namang hindi lang ako yung katext mo e. Pati yung iba sa barkada natin, pero okay lang, wala naman sakin yun e. Asaran lang tayo kapag magkakasama. Naging masaya naman ang college natin hanggang sa makagraduate.
After ilang months, tuloy tuloy pa rin ang communication ng barkada. Nagkakachat tayo. Kwento dito, kwento dyan. Ewan! Kahit nga walang kwenta yung usapan e humahaba pa rin ng humahaba. Kaya si ako, e unti unting nahuhulog, dahil sa gravity. Kahit alam ko naman na hindi ka pa nakakaget-over kay Ex. Ayun ako, nahulog kahit walang handang sumalo.
Nagkamabutihan tayo. O! ayaw niyo ng mabuti? Edi MU!
Mutual Understanding?
Malabong Usapan?
Malanding Ugnayan?
Medyo Umaasa?
O Multiple Understanding?
Hindi ko alam kung alin ba tayo diyan, iisa lang naman ata yung meaning e. Basta alam ko dumating tayo sa point na laging may goodmorning and goodnight messages. Holding hands. Pick up lines. Line up cuddles. Dates. Hugs and kisses?
O diba? Ang kulang nalang ay yung salitang TAYO. Kaso nung nagusap tayo parang di ka pa ready. Kaya si ako e naghintay hanggang sa maging ready ka ng maging committed ulit. Pero sabi mo mahal mo ako, sadyang ayaw mo lang talaga muna ng commitment. E dahil MAHAL DIN KITA, ayos lang sa akin, maghihintay ako.
Dumating yung time na kelangan mo ng maghanap ng trabaho, at dahil mahirap talagang humanap sa panahon ngayon e kailangan mo ng backer. Inofferan ka ng isang kakilala, kaso nagdadalawang isip ka. Ako naman, pinersuade ka na kunin mo na dahil kailangan mo na rin ng panggastos. Pero deep inside parang hindi ok sakin.
Bakit? Dahil alam kong hindi malayong magkagusto ka sa iba. At di nga ako nagkamali, nakakita ka ng isang babaeng maputi , maganda, at mahinhin. Hindi tulad ko na morena, maliit, at medyo bayolente kasi lagi kitang nasusuntok di ba? Ako na insecure! Kaya nagpapayat ako. Para magkaroon naman ako ng confidence sa sarili ko at naging successful ako doon.
Kaso habang magkasama kayo sa trabaho, parang mas nagiging malapit kayo sa isa’t isa. Hinay hinay ka lang ha? baka pati siya mahulog na sayo. Hindi mo alam kung gaano ka kadaling mahalin. Hindi mo kasi alam na ang fragile mo para sa isang lalaki e. Na parang ang sarap mong alagaan. Haha! Nakakatawa na isang babae ang nagsasabi ng mga salitang ito ngayon.
Pero bakit ganon? Hindi ko maiwasang hindi magSELOS? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala na baka more than friends na kayo. Pero ang masakit wala akong magawa! Kasi WALA NGANG TAYO.
Kahit na ganoon e, patuloy ka pa rin sa kung paano talaga tayo. Nagtetext ka, nagchachat at nakikipagkita. Kahit na alam mong 2 hours ang byahe papunta samin at 2 hours ulit pauwi sa inyo, A FOR EFFORT talaga.
Ako naman e minsan nagpapamiss, natutuwa kasi ako sa sweet messages na natatanggap ko mula sayo. Alam mo naman sayo ko lang naranasan to di ba? Wala naman kasi akong naging boyfriend. Kinikilig ako sa tuwing ikaw ang unang nagtetext.
Ayun na e! Kaso sabi nga sa kanta ni Ariana Grande e
And we almost, we almost knew what love was.
But ALMOST is never enough
Biglang nagbago ang lahat, iniwasan kita, iniwasan mo siya. Hinihintay ko laging ikaw ang unang magtext kasi babae ako, kasi mataas ang PRIDE ko. Pero di ko namalayan na dahil sa ginagawa ko lalo kang napalayo sa akin at napalapit sa kanya.
Akala ko kasi naiintindihan mo yung mensahe ko na NAGSESELOS AKO. Pero hindi pala.
Sayang lang nasayang yung mga panahon na dapat ata tayo na. Kaso hindi e! hindi mo na ako tinanong, hindi na natin naopen sa isa’t isa yung tungkol don. Ayoko din namang ako yung unang magtanong kasi NATATAKOT AKO.
Natatakot ako na kapag hindi ko nakuha yung gusto kong sagot e, matapos ang lahat sa atin. Torn nga ako kung itatanong ko pa ba sayo kung ANO BA TAYO e. Kasi masaya na akong ganto tayo, ang tanong, Masaya ka din ba? Kasi kung hindi na, handa naman ako bitawan ka e.
Gusto ko lang sayo manggaling. Ayoko kasing sa huli, ako yung naunang bumitaw at pagkatapos pagsisihan ko kasi hindi ko narinig yung side mo.
HINIHINTAY LANG NAMAN KITA.
KASI KAHIT KAILAN HINDI AKO NAGING CONFUSED SA FEELINGS KO SAYO. CONFUSED AKO SAYO! SA KUNG ANO ANG GUSTO MO!
Isa, dalawa, tatlong araw ang lumipas, hindi ka nagparamdam sa akin. Wala na yung dating tayo. Hindi na gaya dati na nagtatampo ka pa pag hindi ako nagparamdam, pero ngayon natitiis mo na. Lahat sila ang payo sa akin, kausapin na daw kita. Pero gaya nga ng sinabi ko, natatakot ako. Siguro nga dito na nagtatapos ang lahat.
Pero nagkamali ako, isa sa barkada ang nagyaya na magkita kita. Piyesta daw kasi sa kanila at invited tayo, tayong lahat. Nung nalaman ko nga na makakapunta ka, nakaramdam ako ng kaba. Iniisip ko kung kaya ko bang kausapin ka ng casual? Kaso ang problema baka pag nakita kita hindi ko mapigilan yung sarili kong yakapin ka. Bakit? Kasi miss na talaga kita.
Hapon na nung nagpunta ako, nauna nga kayo e. Oo kayo, kasi kasama yung iba sa barkada. Nagkatinginan tayo sa mata pero iniwas ko agad yung akin. Umupo ako sa tabi ng iba nating kaibigan. Pinagmamasdan kita habang abala kang makipag-usap sa iba.
Sinubukan kong maging casual sa lahat, sinubukan kong lumapit sayo kaso hindi ko alam kung bakit laging wala sa tyempo. Lagi kang may kasama o di kaya’y laging may kausap na iba. Walang nangyari sa buong araw na magkasama tayo, hindi kita nakausap. At yun yung masakit e. Yung wala pa ring linaw ang lahat!
Pauwi na tayo at wala na akong pag-asa pa. Kahit gusto kong marinig yung side mo, tingin ko eto na ang huling pagkikita natin. Nauuna kayong maglakad lahat, samantalang ako lugmok sa likuran niyo. Pinagmamasdan ang likod mo. Alam mo yung gusto kitang yakapin mula sa likod? Naiiyak na nga ako e. Sabi ko pipigilan ko ang sarili ko pero hindi ko nagawa.
Hinawakan ko ang kamay mo. Alam ko nabigla ka pero hindi mo tinanggal. Nakarating tayo sa hintayan ng jeep nang magkahawak kamay. Alam ko nag-aalangan ka na makita ng iba kaya nakatago lang ito.
Kaso hindi nagtagal yung pagiging masaya ko, dahil naramdaman kong unti-unti ka ng bumibitaw. Ayoko. Huwag. Huwag kang bumitaw please? Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay mo, pero pilit mo talagang tinatanggal ang pagkakakapit ko.
Pero siguro nga BUMITAW ka na. Bumitaw ka na satin. Kaya wala akong nagawa kung pakawalan ang mga kamay mo. Gusto kong umiyak, gusto kong marinig kung bakit, pero wala akong karapatan.
Tama nga sila, ang pagmamahal parang paghawak sa dalawang dulo ng lastiko. Na kapag may isang bumitaw, masasaktan yung isang nakakapit pa. At ako yon.
Hindi ko na nga alam kung paano ako nakarating sa bahay. Dahil ang alam ko lang, ay yung sakit na nararamdaman ko. Pumasok ako ng kwarto ko, at tumulo ang kanina pang nagbabadyang luha. Umiyak lang ako ng umiyak, at PINAGSISISIHAN ang mga bagay na hindi ko nagawa.
DAHIL DAPAT HINDI LANG AKO NAKUNTENTO SA KUNG ANO TAYO.
NA ANG PINAKAMAHIRAP PALANG TANGGAPIN AY YUNG NATAPOS ANG ISANG RELASYON NA KAHIT KAILAN AY HINDI NAMAN NAGSIMULA.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
I stare up at the stars
I wonder just where you are
You feel a million miles away
Was it something I said?
Or something I never did?
Or was I always in the way?
Could someone tell me what to say to just make you STAY?
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
My first ever one shot.
Malalim lang po ang iniisip ko nung mga panahon na ito.
All Rights Reserved
notyour_average_girl