ZBS#10: Peach Firefly's Haunt...

By iamyourlovelywriter

2M 49.6K 3.4K

Catchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magag... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
EPILOGUE

Chapter Thirty

43.5K 1.3K 242
By iamyourlovelywriter


Chapter Thirty


ILANG beses na siyang napabuntong-hininga habang nakatingin sa mga graphs na nasa screen nang kanyang laptop. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pinag-usapan nila ni Clive ilang araw na noong huli silang nag-usap. Pagkalabas na pagkalabas niya sa building na pagmamay-ari nito ay basta nalang siyang napaupo sa sementadong daan dahil sa panginginig nang kanyang tuhod. Akala niya ay nawala na ang pakiramdam na iyon kapag nakikita niya ang lalaki pero hindi pa pala. Napabuntong-hininga uli siya at napatitig sa labas nang naturang restaurant. May isang maliit na flower shop doon at ilang beses nang may pumapasok at lumalabas sa naturang shop. Noong una ay binibilang pa niya pero kalaunan ay nawala na siya sa bilang dahil sa dami at dahil na rin sa pumapasok sa isip niya.

"Ate." Napatingin siya sa tumawag sa kanya. "Alam ko pong maganda po kayo at alam ko rin po na umorder na kayo nang pagkain namin pero hindi niyo naman po kinakain. Hindi po ba kayo nanghihinayang sa pera na gagastusin niyo kung sasayangin niyo rin lang naman ang pagkain niyo." Kusang tumaas ang kilay niya sa madaldal na dalagitang nasa harap niya. Sa tantiya niya ay nasa fourteen or fifteen pa lang ito, hindi rin niya matukoy. May suot itong apron na tatak nang Royale pero hindi naman nakauniform tulad nang mga waiters doon.

"Kakainin ko sila kaya huwag kang mag-aalala." Sagot lang niya.

"Paano niyo po magugustuhan ang pagkain kung malamig na kapag kinain niyo na po? Mas masarap ang pagkain namin dito basta bagong luto, pero masarap din naman kapag lumamig. Kaya lang baka hindi pumasa sa panlasa niyo at sabihin niyo sa mga kakilala niyo na hindi masarap ang pagkain."

"Hershey Estelle!" may isang kamukhang-kamuha nang kausap niya ang dumating, mas matanda ito keysa kay Hershey at nakasuot din nang apron. "Ano ka ba naman? Kapag nalaman ni mommy na nangungulit ka na naman nang mga costumers magagalit na naman iyon."

"Hindi naman ako nangungulit ate Kassidy nagtatanong lang ako at nagbibigay nang opinion sa maliliit na bagay-." Tinakpan nang kapatid nito ang bibig ni Hershey at saka humarap sa kanya.

"Naku miss pasensya na talaga sa kapatid ko makulit po talaga siya." Nahihiyang ani nito. The share the same look but there's an obvious difference between their attitude. Isang tikhim pa ang kumuha nang atensyon nila. This time, isang older male version naman na seryoso ang mukha at nakasuot nang salamin. He is wearing a white longsleeve polo and black slacks, not to mention that cute apron that doesn't fits him. "Patay na." bulong ni Kassidy.

"Kassidy, bakit ka nandito? Hindi ba may pinapagawa pa si mommy?"

"Eh kuya si Shey kasi nangungulit nang costumers."

"Hindi kaya." Pagtatanggol ni Shey nang sa wakas ay matanggal na nito ang palad nang ate nito na nakatakip sa bibig.

"Hershey Estelle." Seryoso at may pagbabanta sa himig nang binata.

"Kuya Gideon nama-."

"Uwi." Walang nagawa ang dalagita kundi sundin ang kapatid nito. "Ang mabuti pa ay puntahan mo ang ate Yzzy mo sa shop niya at doon ka mangulit. Huwag dito, baka mainis ang costumer at mawalan tayo ng kita. Gusto mo bang magalit si mommy? Ikakalat niya ang mga baby pictures mo-."

"Sabi ko nga pupuntahan ko na si ate Izzy." Umingos ito. "Isusumbong kita kay ate Yzzy minamaltrato mo ako." Lihim siyang napangiti habang nakatingin sa magkuya na naglalakad palayo sa kanila.

"Sorry talaga miss ikaw ang napagtripan nang kapatid kong iyon."

"No, it's okay."

Tumingin ito sa plato niya. "Do you want me to reheat the food?"

"Huh? Naku, huwag na-."'

"Mas masarap ang foods namin kapag mainit, don't worry it won't take too much of your time. And while you are waiting for your food..." naglabas ito nang isang menu at ngumiti.. "We have new varieties of desserts that you may like, pili ka lang miss. Sure akong masasarapan ka sa mga pagkain na ihahanda nang Royale sa iyo."

Tuluyan na rin nitong dinala ang plato niyang may lamang malamig na pagkain. Akala pa naman niya ay iba ito sa mga kapatid nito pero may inililihim palang pagka-salesperson. Napatawa nalang siya habang inaalala ang tatlo at nailing na ibinalik ang pansin sa naiwang trabaho. Pakiramdam niya ay gumaan ang dinadala niya, iyon lang pala ang kailangan niya, kailangan lang niya nang distraction.

"Excuse me miss."

Nagtaas siya nang tingin nang may tumawag sa kanya, ito iyong lalaking kapatid ni Hershey at Kassidy.

"Yes?" Naglapag ito ng mga bulaklak sa ibabaw nang mesa. "Hindi mo naman kailangan akong bigyan nang bulaklak-."

"Don't worry hindi ako ang nagbigay nang flowers, I won't buy expensive flowers for our costumers. Someone asked me to give it to you."

"Sino?"

"I don't know." Iyon lang at nagbow ito at umalis na. ngali-ngaling ibato niya kung hindi lang masamang Gawain iyon ang bulaklak na naiwan sa kanyang mesa. Tiningnan niya ang mga iyon, they were really pretty. Tumingin siya sa labas at tiningnan kung may kahina-hinalang tao na nandoon at nakatingin lang sa kanya kaya lang wala naman. Maliban sa mga dumadaan-daan ay wala na siyang ibang Nakita pang kahina-hinala. Her eyes landed on the flowers, they are beautiful. Whoever gave the flowers to her, she'll pray for his or her golden soul. Hindi siya fond nang flowers because she never received one but it doesn't mean hindi niya naaappreciate ang mga iyon. Babae nga talaga siya dahil kahit simpleng bagay ay napapasaya na siya.

"Heck!" bulalas niya nang biglang magvibrate ang cellphone niya. Without looking at the caller ID she answered the call.

"He-hello?"

"Where are you?" agad siyang napatingin sa caller ID and gasps when she saw Clive's name on the screen.

"Sa Royale?"

"Hindi ka sigurado kung nasaan ka?"

"Nasa Royale ako." Bawal ma-excite pero parang nae-excite siyang marinig ang boses nito. Ilang araw na rin ang nakalipas.

"Cl-." maraming 'toot-toot' sound nalang ang narinig niya dahil pinatay na nito ang tawag. "I miss you too." She whispered. Napatingin uli siya sa mga bulaklak na nasa mesa. "Hindi kaya ikaw ang nagbigay nang flowers?" tanong niya sa cellphone na para bang si Clive iyon. "Nah, I doubt it. Kung ikaw ang nagbigay nang flowers hindi mo na dapat ako tinatanong kung nasaan ako." Siya lang rin ang sumusupla sa kanyang sarili. She is hoping but she should never expect.

Kung kanina ay bumalik ang gana niya sa ginagawa tila naglaho rin iyon na parang bula. At kahit anong gawin niya ay ayaw na talagang bumalik kaya sinara nalang niya ang kanyang laptop at hinawakan ang mga bulaklak at marahang hinaplos ang mga petals nang mga bulaklak.

"Let's talk." Dahil sa gulat ay bigla niyang naibato pataas ang hawak na bulaklak kasabay nang pagtingin sa biglang nagsalita sa harap niya. Kulang pa ang salitang gulat upang ipaliwanag ang nararamdaman niya. Sa mga sitwasyon na tulad nito ay dapat natatawa na siya pero hindi niya magawa. Una, dahil sa hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya. Pangalawa, ang lakas na naman nang tibok ng letseng puso niya. At pangatlo, mukhang nagulat din ito sa naging reaksyon niya. She was speechless, kaunti nalang at maheheart attack na siya.

"Cli-Clive?" sa wakas ay tuluyan na siyang nakabawi sa gulat niya. "You are here? I mean-." Ano nga ba ang dapat ay sasabihin niya? Narinig niya ang mahinang pagtikhim nito kasabay ng pagpilig nito nang ulo nito.

"Let's talk." Ulit nito.

"Sure." She calmly said, but it's the exact opposite of what she's feeling right now. "Have a seat." Sinulyapan niya ang nahulog na bulaklak sa sahig. Aabutin na sana niya iyon ng biglang abutin din nito ang bulaklak at dahil nauna siya kaya ang kamay niya mismo ang nahawakan nito. And again she was caught off guard but he's just fine with it. "Thank you." Aniya ng makuha na niya ang mga bulaklak.

Umayos siya ng upo at tuluyang humarap sa binata. "Let's discuss about the wedding."

"Wedding?"

"Isnt this what you wanted?" he asked with an obvious haught on his voice.

"Of cou-." He glared at her. Akala pa naman niya ay truce muna sila ngayon pero mukhang malayo sa akala ang totoong nangyayari. "It's—hindi naman ganoon Clive."

"Kahit anong sabihin mo parang ganoon na rin ang nangyayari. Noong una akala ko ay inosente ka sa mga nangyayari pero hindi ko rin alam kung ano ang totoo." Habang nakatingin ito sa kanya pakiramdam niya ay binabasa nito ang buong pagkatao niya. "Nakalimutan kong matalino ka nga pala. You are a business woman." He pointed. "At nakalimutan kong lahat ng nasa businessworld marumi kung maglaro. What is your game Hexel?"

Kumunot ang noo niya. "I am not playing any game Clive-."

"Bullshit!" mabuti nalang at walang tao sa part na iyon ng Royale kaya wala gaanong nakarinig sa biglaang pagtaas nito ng boses. "Don't give me that crap! Alam nating pareho na naglalaro lang tayo dito Hexel. And mind you I don't play fair as well. Kung marumi kang maglaro mas marumi akong maglaro."

Tinatagan niya ang loob niya dahil may lihim nga naman siya, may lihim siyang dahilan kung bakit gusto niyang makasal dito. Hindi dahil sa mga kaibigan niya o kaya sa dangal ng pamilya nila kundi dahil gusto niyang mabuo ang kanyang pagkatao. Gusto niyang makilala ang kanyang tunay na mga magulang na nang-iwan sa kanya. This is her stepping stone to finally meet her parents.

She sighed and that caught him by surprise. "Isipin mo nalang ang gusto mong isipin Clive. Ayoko ng mag-isip pa, pagod na ako. I am paying your freedom." She said making him frown. "Our marriage is a business deal and nothing else." Kailangan niyang maging indifferent kung ayaw niyang masaktan pa. "Pumayag ka rin naman hindi ba? Masyado na yatang huli para sumbatan mo pa ako sa mga bagay na tulad nito. At isasauli ko rin naman ang kalayaan mo kaya nga may kasunduan, may pipirmahan. You can set the rules, I will abide your rules. I will follow whatever you want like a dutiful wife. I will never tarnish your name is so many ways. You--." Nag-iwas siya nang tingin mula dito upang hindi nito mabasa ang laman ng puso niya. "You can even do whatever you want."

"I'll set the rules." May inilapag ito sa harap niya, binasa niya iyon. At marami na nga ang nagbago sa rules na una niyang ibinigay. "Titira tayo sa isang bahay, I want my parents to see that I am trying to be a good husband to you. But we will be sleeping in different rooms. Ayokong nakikialam ka sa mga gamit ko lalo na ayokong pumasok ka sa silid ko without my persmission. Ayokong hahawakan mo ang kahit na anong personal na gamit ko dahil hindi ko rin iyon gagawin sa iyo. Next, nothing's change. I work and you work and continue your studies. Kailangan mong sumama sa akin kapag may mga company parties, hindi pwedeng humindi. You are my wife you need to be at my side. Kung conflict sa schedule mo you need to prioritize my schedule first. Your grandmother own Winhlan, you can always change schedule. Kung kailangan mong umabsent sa klase I want you to do it."

"Per-."

"I set the rules you follow the rules." He pointed.

"Six months lang at hindi na mag-eextend pa doon. And when the right time comes, let's separate ways. Pwede nating ipa-annul ang kasal bago pa man bumalik si Tara from her studies. Kinausap ko na siya tungkol dito at alam mo kung ano ang naging reaksyon niya. Hindi siya pumayag pero wala siyang magagawa." Kaya pala nawala ito nang ilang araw dahil pinuntahan nito sa Tara. "You are just my wife at hindi kita priority." She bitterly smiled at herself when he said those words. Gusto sana niyang sabihin dito na hindi kailanman siya naging priority nang kung sino. She was never a priority, she's not that important. At kahit alam na niya ang bagay na iyon ay nakakaramdam pa rin siya nang sakit. Iyong sakit na gusto mong umiyak habang natatawa ka kasi alam mong totoo iyon pero ayaw mong gawin dahil ayaw mong magmukhang mahina sa harap nila.

"You will never be my priority Hexel, not because you carry my name you'll have the same importance with the one I love. I will not consider you as a family, you're just a business partner. You'll come last in my list you need to remember that. I won't take care of you or show you any concern you can do whatever you want just don't forget your promise to leave my name in a clean slate. You take care of yourself because I won't care."

She can't feel her heart anymore. Para bang kusang nagtago iyon kung saang parte nang katawan niya. It's slowly beating. This is the price of her ambitious deeds. Meeting her parents means hurting herself like this. Totoo nga ang sinabi nito. She's one step closer to hell.

"After the annulment, I'll get that part of the island. I'll pay you with it."

"No-."

"You will also sign an pre-nuptial agreement and I'll sign your pre-nuptial agreement as well." Tumango lang siya sa sinabi nito. "May gusto ka pa bang idagdag?"

"I think that's all."

Napansin niyang tumingin ito sa mga bulaklak na nasa tabi niya. "And during the marriage, please be discreet with your relationship with your lovers."

"I don't have one." Napasulyap lang ito sa mga bulaklak. "B-binili ko ang mga iyan." Sabi lang niya para wala na itong sabihin pa.

"That color doesn't suit someone like you." Napatingin lang siya dito. "Peach is a clean color Hexel, dark red suits you better."

Tiis lang Hexel, malapit na rin itong matapos... but she already wanted to run and cry alone. Nasasaktan siya tama lang rin sigurong ilabas niya ang sakit na nararamdaman niya hindi ba?

"Sign the papers." He pushed his pen towards her.

She's signing her contract to hell, her ticket to hell.

"And I hope you've read it all before signing ito. May hindi pa pala ako nasasabi." Katatapos lang niyang pirmahan ang mga papeles ng hilahin nito ang mga iyon.

"Six months as husband and wife, you need to perform your duties as a wife." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "May nangyari na sa atin kaya nga tayo nasangkot sa gulong ito. I'll exercise my rights as your husband as well." Tumayo ito at lumapit sa kanya. "A truce in bed Hexel."

"I'll be a lover to you," inilapit nito ang labi nito sa kanya at sa paraan ng pagtitig nito ay tila ba pinipigilan siya nitong gumalaw at makapag-isip ng tama. "I forgot I don't share my lovers. Kung may lalaki ka man ngayon sabihin mo sa kanyang maghintay ng anim na buwan. After six months you'll be free but while you are carrying my name it should only be me. Your body will be mine and you'll always remember that." Napalunok siya sa sinabi nito. "But..." he pressed her chin tightly, he wasn't hurting her physically but was hurting her deep inside. "You will never mother my child. Hindi ikaw ang magiging ina nang magiging anak ko. Kung mabuntis man kita it wasn't my fault anymore. I'll never accept the baby as mine. May choice kang lumayo dahil hindi naman kita hahabulin pero hindi ko kikilalanin ang magiging anak mo. That baby will be good as dead."

Iyon lang at mabilis din itong lumayo sa kanya.

"I will be calling you for the wedding preparation." She maintained her poker face and just nodded. She waited for him to walk away until he's finally out of her sight. It took her minutes to finally found her heart back but she knew it would take forever to rid off the pain she's feeling at the moment.

Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Nanginginig pa rin ang mga daliri niya at ang buong katawan niya sa naging pag-uusap nila ni Clive.

"Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito Hexel kaya pangatawanan mo okay?" mahinang kausap niya sa sarili niya. "Wala kang karapatang umiyak, wala kang karapatang masaktan. Sanayin mo na ang sarili mong maging pusong bato. Walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo, ikaw lang mag-isa. Just be a sponge and absorb all the pain, it will make you stronger." Bulong niya sa kanyang sarili.

When she finally found her resolve she wiped her tears and tried to smile at herself. She should never show her weakness to anyone. It's her problem after all... just hers.



<3 <3 <3

a/n: Hola babies! May sasabihin lang ako pwedeng huwag na rin ninyong pansinin ang sasabihin ko. Napapansin niyo ba lately na masyadong maulan, kung hindi bagyo ay low pressure area. And yeah, palaging basa ang sapatos ko kaya nauuwi ako sa panghihiram ng tsinelas sa mga kasama ko sa shcool. Iyon nga lang ang hirap palang magsuot ng tsinelas. Wala akong slippers sa bahay, iyong slippers ko ay hindi iyong normal na slippers. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi magawang ipitin ng big thumb at iyong seatmate niyang daliri ko sa paa iyong head part ng slipper (hindi ko alam ang tawag dun). Kaya kailangan ko pang mag-effort sa pag-ipit at ang nangyayari ay hindi ako makapaglakad ng tama. Kapag lumalabas kasi ako ng bahay ay nag-do-doll shoes akech. O kaya naman ay canvass shoes at topsider shoes minsan rubber shoes. All in all, close shoes ang foot wear ko. Nagsandals na ako before pero iyong may strap para hindi ko maiwanan habang naglalakad ako. HIndi rin kasi ako palalabas ng bahay kaya ganoon. Ako lang ba ang may problema sa tsinelas? Pero bakit nga ba tsinelas ang focus ko? Hindi talaga iyon ang main point ko eh. ANg sasabihin ko sana ay sobrang ulan na talaga tapos Ms. Universe bukas, swim wear churva dito sa may malapit sa amin at kasali kami sa makiki-welcome sa kanila. IYong teachers and students ay iyong nasa tabi ng kalsada ng 4:30 ng madaling araw tapos iyong dating ng mga contestants ay pwedeng hapon pa. Hay naku! Sana hindi umulan sayang kasi ang effort ng mga students na magpractice ng sayaw. Kasali sila at kailangang nagdance sila mula simula hanggang sa matapos, good luck nalang. Pero may pahinga din naman siguro sila, yata?

So, what i want to say is, bakit kapag hindi declared na may suspension of class ay sobrang lakas ng ulan tapos kapag sinasabing suspended o kaya ay cancelled ang class ay biglang titila ang ulan at iinit. AKo po ay nalilito na sa takbo ng panaho. Hindi kaya may heart problem din ang panahon natin? 

STATUS UPDATE: Masyadong madaldal dahil sa matagal bago nakapag-update.

P.S: Happy reading babies!

Continue Reading

You'll Also Like

325K 10.8K 26
Pakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nan...
3.4M 94.9K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
Stay with me By Cher

General Fiction

2.5M 86.6K 22
Walang ideya si Antonio Birada sa mayayamang pamilyang nakapalibot sa Pilipinas. He's just a simple man, living his dreams of being a restaurant owne...
... By ScarletteQueen

General Fiction

1M 6.9K 7