BloodNight Academy

By aescatto

324K 8.8K 777

Highest Rank: #6 in Mystery/Thriller In which they all welcome her to a hell-like school. But that's not al... More

--
School of Death
❕Missing❕
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
END
Final Note

Chapter 16

5.2K 177 6
By aescatto

A/N: Some scenes will be repeated for the sake of our character's Point of View. Please understand. At sa mga nagpapadedicate po, pasensya na kung natatagalan. Nakalista na po kasi kung sino yung idededicate for each chapter. 

+Elle's Point of View+ 

Pagkamulat ko ng mata ko ay nagtaka ako sa nakita ko. Ang alam ko ay nasa sofa ako at nakaupo, pero bakit nandito ako sa counter ng isang kitchen ngayon natutulog? 

Napahawak na lamang ako sa ulo ko. Medyo masakit ito at hindi ko alam kung bakit. Wala sa sarili kong binuksan ang ilaw ngunit agad akong nasilaw. Damn! Hindi ko pala suot ang salamin ko!

Agad kong pinatay iyon at hinanap ang salamin ko. Kumunot ang noo ko nang makita ito na pakalat kalat sa sahig. Anong nangyari? Bakit parang ang kalat ata dito? 

May mga gamit na nahulog, at may salamin pa na nabasag. Nilooban ba kami? Teka, imposible. Nakalock ang pintuan ng kwartong ito. 

Dumiretso ako sa pinto upang buksan ito ngunit nakalock pa rin. Imposibleng may nakapasok rito. Pero bakit ang gulo? Imposible rin namang ginulo ni Dark ang hideout niya. 

Napailing na lamang ako at inayos ang hideout. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ay napatanong ako sa sarili ko 

Bakit ko ba ginagawa ito? Hindi ba dapat wala akong pake sa kanya? Pero bakit ko ginagawa lahat ng ito? Bakit ang bait ko sa kanya? Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? 

Pagkatapos kong maglinis ay naupo ako sa sofa. Bigla akong napatingin kay Dark na tahimik na natutulog. 

'Mukha talaga siyan anghel pag natutulog.' sambit ko sa isip ko at tumayo upang lapitan siya. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ang mukha niya 

"Sana palagi ka nalang ganyan. Nakakatakot ka kasi pag gising." bulong ko at napabuntong hininga na lamang. 

Kapag gising siya ay kahit anong oras pakiramdam ko ay papatayin niya ako. Pero kapag tulog siya, nagagawa ko pa siyang titigan. Aish! Ano na bang nangyayari sa akin?! 

Nang gumalaw siya ay agad akong tumayo at dumiretso sa kusina. Hinawakan ko ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. 

*TUG DUG DUG DUG 

Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko. Napagdesisyonan kong magluto na laman ng agahan dahil gutom na rin ako. Pagkatapos ay ginising ko na siya. 

"M-Meron bang pumasok dito kagabi?" tanong niya na ipinagtaka ko 

"Paano may makakapasok dito kung nakalock yung pinto?!" inis na bulyas ko sa kanya. At kung meron man, sino naman yun? At walang nakakaalam ng lugar na ito pwera na lang kung may naglagay ng tracker sa isa sa amin. 

Ipinaliwanag niya ang nakita niya. Meron daw isang babae na kausap ang isang lalake. Nababaliw na talaga siya 

"Baka nananaginip ka lang." ang tangi kong sinabi at pumunta sa kusina. Muntik ko nang kalimutang linisin ang mga ginamit ko. Sinabi ko rin sa kanya na naghanda ako ng pagkain kaya sumunod naman siya sa akin at umupo sa upuan. Tinikman niya ang omelet na gawa ko at mukhang nasarapan naman siya. 

"Elle." 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tawagin niya ako. Shit, bakit ganito ang epekto niya sa akin? 

"Hmm?" sagot ko at nilingon siya 

"Why are you being so nice to me?"

Gusto kong matawa sa tanong niya. What a coincidence, tinanong ko rin yan sa sarili ko earlier. Ngumiti na lamang ako at sumagot

"Tinuruan kasi ako ng magulang ko na maging mabait sa lahat ng tao kahit na masama ang pinapakita nila. Naniniwala kasi ako na may dahilan kung bakit ganun ang pakikitungo nila sa ibang tao."  

Katulad na lamang iyan ng pakikitungo niya sa akin. To be honest, swerte pa nga ako at hindi siya masyadong brutal. Ngunit hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niyang pagsampal, pagsuntok at pagtutok ng baril sa akin. Gusto kong magalit sa kanya, dahil laging siya ang dahilan kung bakit ako napapapunta sa clinic. 

Napag-alaman ko na namatay ang Dad niya dahil sa house fire. Hindi ko inaasahan na mayroon rin siyang trauma sa apoy. Coincidence again. 

"Bakit ka nagkatrauma sa apoy?"  

Natigilan ako sa tanong niya. Bigla kong naalala ang sinabi ni Mama 

"Don't give out any of your personal informations to anyone you will meet. Doing that might save you"

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang tunay kong kalagayan. Pakiramdam ko ay hindi niya dapat pang malaman iyon. Kaya sinabi ko na lamang na hindi ko ito matandaan. 

"Bakit hindi mo matandaan? Parang imposible naman yata yang sinasabi mo."  

Kabado ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na sa kanya. 

Hindi. Wala rin siyang karapatan upang malaman ang totoo kong kalagayan. Hindi tulad niya ang dapat makaalam. Dahil maaari niyang gamitin ito laban sa akin. 

"I really don't know Dark. Nagising na lamang ako isang araw at naramdaman ko na lang iyon." 

Iyan na lang ang tanging sabi ko at umalis na sa kusina. Sinabi ko lang ang totoo. Nagising ako sa pagkacomatose isang araw at kusang naramdaman iyon nang makakita ako ng apoy. 

Oo, nacomatose ako. For a year and a half. Minsan napapaisip ako, ganun ba talaga kalala ang aksidente na nangyari sa akin? Kasi kahit ang aksidente ay hindi ko matandaan. Ang alam ko lang ay car accident ang dahilan neto. 

Kung totoo nga ang sinasabi ni Dark na ako ang driver ng kotse, ibig sabihin, biktima lang rin ako? 

Biglang sumakit ang ulo ko kakaisip. Ang gulo. Napakagulo. 

--- 

*Nightclass 

Pinagmasdan ko muli ang sarili ko habang nakatingin sa salamin. Mas lalo akong nangayayat. Nakita ko sa salamin si Dark na lumingon sa akin habang nag-aayos ng necktie niya. Inayos ko na lamang ang salamin ko at dumiretso sa kwarto upang kunin ang gamot na binigay sa akin ni Jilla. Nang huling inom ko neto ay bigla na lamang akong bumagsak at hindi na nalaman pa kung ano ang nangyari. 

Pinagmasdan ko ang maliit na bote na iyon. Dapat ko pa bang inumin ang gamot na ito? Pero iba ang naging epekto sa akin. Siguro mabuti kung tanungin ko ulit siya mamaya. 

"Malabo ba ang mga mata mo?" 

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Dark sa likod ko. Agad kong itinago sa likod ko ang gamot at hinarap siya 

"Ah o-oo. Bakit mo natanong?" kabado kong tanong sa kanya 

"Teka ano yang nasa likod mo?" sinubukan niyang kunin ang gamot ngunit iniiwas ko ang kamay ko 

"Stop it Dark!" bulyaw ko ngunit hindi siya nakinig at pinilit pa ring agawin ito. Ngunit sa kasamaang palad ay na-out of balance ako at natumba sa kama na nasa likod ko. Pagkadilat ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa ibabaw ko. At ni-lock niya ang mata naming dalawa. Bigla siyang napangisi 

"Ngayon ko lang napansin na flat chested ka." 

Nanlaki ang mata ko sa inis at sinipa ang 'ano' niya. Napasigaw naman siya sa ginawa ko at dali-daling kinuha ang gamot na nasa kama at tinago ito sa bulsa ko. 

"Fuck! Tumakbo ka na hangga't may daanan pa dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo!" 

Mas nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at kumaripas ng takbo. Pagkapasok ko sa elevator ay dali dali kong hinanap ang card ko 

Damn it! Where is it?! 

Nakita kong tumatakbo na siya papunta sa akin. Nang makita ko na ang card ay agad kong inislide ito ay dali-daling pinindot ang 10th floor ngunit huli na dahil naiharang niya ang kamay niya bago pa man ito magsara. Agad akong napaatras dahil nanlilisik ang kanyang mga mata 

"You think that you could escape me that easily, sweetie?" 

Biglang lumambing ang mga mata neto at ikinulong ako sa dulo ng elevator. Napalunok na lamang ako. Hindi ko alam kung galit siya o ano dahil hindi ko mabasa ang emosyon niya. 

"A-Anong gagawin mo?" kabado kong tanong nang mapansin kong palapit siya ng palapit sa akin 

"Just shut up." inis na bulong niya at mas lalo pang lumapit. Itinabingi niya ang mukha niya at napapikit ako dahil sobrang lapit niya 

"Kung gagawin niyo yan siguraduhin niyong walang makakakita sa inyo." 

Bigla akong napadilat nang marinig ko ang boses ni Khell. Ngumisi naman si Dark at nilingon niya ito 

"Oh Khell, nandyan ka pala." kalmadong sabi neto at parang walang nangyari. Dumilim ang tingin ni Khell ngunit napilitang pumasok sa elevator. Pinindot niya ang 10th floor at nagsimula nang bumaba ang elevator. 

Napayuko na lamang ako nang mapansin kong nasa gitna nila ako. Nasa gitna ako ng dalawang sa kinatatakutan na lalake dito sa eskwelahang ito. 

Napakadilim ng hangin na bumabalot sa elevator. Ramdam ko ang tensyon nilang dalawa. Gusto ko nang makalabas ng elevator na ito dahil natatakot na ako. 

"Natutuwa akong malaman na hindi ka nasaktan." pambabasag ni Khell sa katahimikan at tumingin sa akin 

"Hindi talaga siya masasaktan dahil ako ang kasama niya." malamig na sambit ni Dark 

"Oh please Dark. Alam kong alam mo na ikaw ang dahilan kung bakit siya napapahamak." 

Kumunot ang noo ni Dark at tinignan ng masama si Khell 

"What on earth are you talking about?" seryosong tanong neto 

"Gusto ni Mr. Kakashi na paghiwalayin kayo. Ngunit dahil makasarili ka, umayaw ka at ito ang kapalit. Ang kaligtasan niya." 

Biglang nanikip ang dibdib ko sa narinig ko. Nawaga niya pa ring ipagpatuloy ang pagpapanggap na ito para mawala ang kaligtasan ko? 

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ako nasasaktan? Hindi dapat ako apektado. Dapat magalit ako! Hindi dapat ako masaktan! 

"Kung ako sayo, itigil mo na ang pagkamakasarili mo." dagdag pa ni Khell at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Dark sa akin 

"No. I'm not letting her go. Is it bad to fight for my love?" 

Napakuyom ko ang aking mga kamay kasabay ng pagbukas ng elevator. 

"Ikaw na mismo ang makipaghiwalay Elle. Para rin iyan sa kaligtasan mo." seryosong sambit ni Khell at nauna nang maglakad. Susundan ko pa sana siya ngunit hinigpitan lalo ni Dark ang hawak sa akin 

"N-Nasasaktan ako Dark!" medyo pasigaw kong angal. Sinubukan kong tanggalin ang hawak niya ngunit mas hinigpitan  niya pa ito. Pakiramdam ko ay mababali na ang kamay ko sa ginagawa niya 

"Wag na wag kang makikinig sa lalakeng iyon." 

Nanghinia ang tuhod ko dahil sa hawak niya. Pakiramdam ko ay nababali na ang mga buto ko sa kamay 

"B-Bakit mo ba ginagawa ito sa akin?" naiiyak kong tanong at ngumisi siya 

"Baka nakakalimutan mo ang kasalanang ginawa mo." 

Ang mga mata niya ay biglang nag-iba. Bumalik ito sa pagiging malamig. Ang mga mata na una kong nakilala, ay nagbalik muli. 

"Kung ganito lang rin, patayin mo na ako. Hindi mo ba alam na onti-onti mo na akong pianapatay sa ginagawa mo?" mahina kong sabi at mas lumaki ang ngisi niya 

"Nagsisimula pa lamang ako sumusuko ka na agad?" 

Sa wakas ay pinakawalan na niya ako ngunit patulak niya itong ginawa dahilan upang bumagsak ako sa sahig. Mabuti nalang at walang tao. 

"Masyado mong ginugulo ang nararamdaman ko. Minsan mabait ka, ngayon demonyo ka. Ano ba talaga ang tunay mong ugali?" kabadong tanong ko at naging seryoso ang mukha niya 

"Kahit kailan ay hindi ako mabait. Ito ang tunay kong ugali, nagiging mabait man ako, yun ay dahil naaalala ko sayo si Geneva. Ngunit napagtanto ko na hindi ikaw siya. At hinding hindi magiging ikaw si Geneva." 

Para akong sinaksak ng ilang beses sa sinabi niya. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng luha ko sa aking mata. Halatang natigilan naman siya doon ngunit hindi ko iyon pinansin at tumayo na lamang. 

"Tama ka, hindi nga ako magiging siya. Dahil patay na siya Dark. PATAY NA SIYA AT PINATAY KO SIYA. HINDI MO BA MATANGGAP IYON DARK?!" kusang lumabas ang mga katagangiyon sa bibig ko at napaawang ang bibig niya 

"So inaamin mo na pinatay mo nga siya?" nanggagalaiti niyang tanong. Seryoso ko siyang tinignan diretso sa mata 

"Hindi. Pero iyan ang pinaniniwalaan mo. At kahit anong gawin kong paliwanag, hindi na mababago ang paniniwala mo. Hindi ko man matanggap ngunit tatanggapin ko na rin. Aakuin ko ang kasalanan na ni minsan ay hinding hindi ko matandaan na ginawa ko." nakangiti kong sabi habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Pupunasan niya pa sana ang mga luha ko ngunit hinawi ko ang kamay niya at tinalikuran siya. 

"Kung ganito lang rin ang gagawin mo, patayin mo na lang sana ako. Kasi gulong gulo na ako Dark. Hindi ko na maintindihan lahat ng nangyayari." 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 182 30
"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to survive in this school, there's one thing yo...
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

59K 2.5K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...
14K 122 11
Read at your own risk. I mean if sanay kayo sa mga cringey moments or sweet or whatever then gorabells lang beks. O kung eto talaga ang sadya mo sa u...
18.5K 652 32
You don't need to understand music. You just need to feel it. -Sarawat I look at my watch. It's 5:30 and I'm here in the couch waiting Tine...