I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

125M 2.6M 4.4M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 18

2.1M 51.7K 73.4K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 18]


OMG! NAHALIKAN KO SI JUANITO ALFONSO!!!


Hindi ko alam pero pareho lang kami naistatwa at gulat na gulat yung itsura niya, hindi naman ako makakibo at makakurap. Gosshh!! Why so careless Carmela?!

"May tao ba diyan----- Sino kayo?!" narinig naming sigaw nung matandang lalaki kanina at may dala siyang gasera, kaya pala lumiwanag ang paligid dahil may dala siyang ilaw.

Agad akong napatayo at napayuko, Gosh! Sobraing lakas ng tibok ng puso ko at nagiinit din yung mukha ko huhu, ibang level ng kahihiyan na'to Kyaaah~

"Ginoong Juanito Alfonso? Kayo po ba yan?" tugon pa nung matandang lalaki tapos inalalayan niya si Juanito tumayo. "O-opo... G-ginoong Valdez" sagot ni Juanito at napayuko siya, hindi rin siya makatingin sa'kin ng diretso. Ohmyy!

"Ano pong ginagawa niyo dito? At bakit kayong dalawa lang?" tanong pa ni Ginoong Valdez, bigla namang nanlaki yung mata naming dalawa ni Juanito.

"WALA PO KAMING GINAGAWANG MASAMA" - ako.

"NAGKAKAMALI PO KAYO NG INIISIP" - Juanito.

Nagtataka namang napatingin si Ginoong Valdez sa'kin tapos tumingin din siya kay Juanito tapos tingin ulit sa'kin at tumingin ulit kay Juanito.

"G-ginoong Valdez, s-siya po pala si B-binibining Carmelita Monte...c-carlos" sabi ni Juanito. Gosh! Mas shock na shock siya. Omg! Oo nga pala nasa Spanish era ako hindi normal makipaghalikan basta-basta sa panahong ito. Waaahhh!!!

Pero parang smack lang naman yun----SHOCKS! KAHIT NA! KISS PA DIN YUN CARMELA! WAAAAHHHH!

Si Juanito Alfonso ang first kiss ko huhu.

Nanlaki naman yung mata ni Ginoong Valdez at agad napa-bow sa'kin "M-magandang gabi po Binibini... pasensya na po kayo hindi ko po kayo nakilala, bata pa po kayo noong huli ko kayong nakita" tugon ni Ginoong Valdez. Payat at hindi ganoon katangkad si Ginoong Valdez pero kahit matanda na siya mukha pa ring bata ang itsura niya. kayumanggi ang kaniyang balat at manipis na din ang kaniyang buhok, maliit lang ang mga mata niya pero matangos ang ilong niya.

Napaisip naman ako... Shocks! Kilala niya si Carmelita dati Oh no! Pano kung magtanong siya nung kung ano-ano Waaahh!

"Marahil ay hindi niyo na po ako naaalala, ako po si Ginoong Valentino Valdez, ako po ay dating kaibigan at abogado ng inyong lolo na si Don Santiago Montecarlos ang ama ng inyong ama" dagdag pa niya. Omg!

"Nagagalak po akong makita kayo muli----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi nagsalita na ko. Di ko na keri naloloka na ko parang sasabog na yung puso ko lalo na dahil nandito lang si Juanito, at ayaw mawala sa isip ko nung nangyare kanina Waaahh!

"Ako rin po---Uh... p-pwede na po ba ako umuwi?" tanong ko, napasulyap naman si Juanito sa'kin pero napayuko din agad siya.





"Halos labing-walong taon na ang nakalilipas mula nang huli akong pumunta sa San Alfonso, dalawang taong gulang pa lang ikaw noon Binibining Carmelita nang mamatay ang iyong lolo, tinulungan naman ako ni Don Mariano Alfonso makapasok dito sa Unibersidad de Santo Tomas at hanggang ngayon nagtuturo ako ng abogasya at naging tagapamahala din ng silid-aklatan" narinig kong kwento ni Ginoong Valdez, nasa kalesa na kaming tatlo ngayon, magkatabi si Ginoong Valdez at Juanito habang nasa tapat naman nila ako.

At dahil binabagabag pa din ako ng kahihiyang nangyare kanina, nakatakip ako ng panyo at nagpapanggap na inaantok lang, hindi rin ako makatingin kay Juanito at alam kong ganun din siya sa'kin Gosh!

Sinilip ko naman siya habang nakatakip ng panyo, nakadungaw siya sa bintana at mukhang binabagabag din siya ng aksidenteng nangyare kanina huhu. Omygash!

"Mawalang galang na pero ayos lang ba kayong dalawa? Bakit parang hindi kayo nag-iimikan?" biglang tanong ni Ginoong Valdez na nagpa-tense lalo saming dalawa.


"INAANTOK LANG AKO" -ako.

"MAKATI LANG ANG LALAMUNAN KO" - Juanito.


Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Ginoong Valdez sa'kin at kay Juanito. "Sige na... sige na... naiintindihan ko na kayo" tugon ni Ginoong Valdez at halatang natatawa siya sa'min, shocks! Mukhang may nasesense siyang something.

"Huwag po kayong mag-alala sasabihin kong kasama niyo ako sa silid-aklatan, wala namang masama doon dahil nakatakda naman kayong ikasal hindi ba?... pinadalhan ako ni Donya Soledad ng sulat at imbitasyon sa inyong nalalapit na kasal sa Pebrero" sabi pa ni Ginoong Valdez tapos nakangiti siya yung ngiting nang-aasar.

Haaays. Matagal pa yung February ah... bakit naman may invitation na? kalat na kalat na din sa buong bayan ng San Alfonso pati ba naman dito sa Maynila, Gosh! Ganun ba sila kaexcited? Ughh.

Napatango na lang ako, ganun din si Juanito at nung magtama yung mga mata namin agad akong nagtakip ng panyo at umiwas, ganun din naman siya napalingon din siya sa bintana at umiwas ng tingin.

Ilang saglit lang biglang tumigil na yung kalesa, Gosh! Mukhang nandito na kami, kinareer ko na yung pagtutulugtulugan para hindi na kami guluhin at echeosin pa ni Ginoong Valdez.

"Binibining Carmelita... nandito na po tayo" narinig kong tugon ni Ginoong Valdez, nakita ko namang pababa na si Juanito sa kalesa Omg! Mukhang alam ko to ah, baba siya tapos ilalahad niya yung palad niya para alalayan ako bumaba... at dahil ayoko mangyare yun at sobrang hiyang-hiya pa ko sa nangyari, agad akong napasigaw "S-sandali!"

Napatigil naman si Juanito at napalingon sa'kin dahil dun agad akong lumabas sa pinto ng kalesa at lumundag pababa. "MaramingSalamatGinoongValdezat....G-ginoongJuanito" mabilis kong sabi sabay kumaripas ng takbo papunta sa pinto ng kumbento, kakatok na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at bumungad sa harapan ko si Madam Olivia, Josefina at Natasha.

"Sabi ko na nga ba ikaw ang dumating... sinong naghatid sa iyo?" tanong ni madam Olivia tapos napasilip siya sa likod ko nakita naman niya si Ginoong Valdez at Juanito na nakatayo sa tapat ng kalesa.

"Anong nangyare sayo? Bakit pulang-pula ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Josefina at sinubukan niyang tanggalin yung panyo sa mukha ko pero umiwas ako. Gosh! Bakit ba niya ako binubuking? Waaahh!

"Nasaan si Sonya? Hindi ba't siya ang kasama mo kanina?" tanong ni Natasha. Tapos tinitingnan niya ako ng mabuti. At dahil dun napayuko ako "Ah-eh may pinuntahan sila ni Ignacio kaya si Juanito at Ginoong Valdez na lang ang naghatid sa'kin" sagot ko, napataas naman yung kilay ni Natasha, Grabe tong babaeng to over kung makapagduda ah.

"Uhmm aakyat na ko ah! Pagod na ko eh" palusot ko pa sabay kumaripas ng takbo papaakyat sa kwarto ni madam Olivia.


Pagdating ko sa loob agad kong nilock yung pinto, mahirap na baka sumunod si Josefina at echeosin ako, "Sige po maraming salamat madam Olivia, mauna na po kami, magandang gabi" narinig kong paalam ni Juanito, napasilip naman ako sa bintana at nakita kong sumakay na sila ni Ginoong Valdez sa kalesa at tuluyan nang umalis.

Whew! Sana paggising niya makalimutan na lang niya yung nangyare huhu.




Kinabukasan, pagkatapos ko maligo at pagtingin ko sa salamin napansin ko na ang lusog-lusog na ng eyebags ko.gosh! Ilang araw na kong hindi nakakatulog ng maayos dahil kay Juanito. Ganto ba talaga ang epekto ng pag-ibig?

Hindi naman ako nagkaganito nung nagkacrush ako noon kay James Gilbert eh. Abnormal na ata ako.

Bago kami magsimula magrosario sa umaga napansin kong parang namumutla si Josefina, nakaupo kami ngayon sa tapat ng altar ng Birheng Maria habang hinihintay pa si madam Olivia. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya tapos hinawakan ko yung noo niya, mainit siya.

"Ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko kanina mukhang lalagnatin ata ako" sagot niya tapos napa-ubo pa siya. hinimas-himas ko naman yung likod niya. naalala ko nung magising ako dito sa kumbento at nagpanic dahil gusto ko ng makabalik sa modern world si Josefina ang nag-alaga sa'akin, ginamot din niya yung sugat ko nung nahulog ako sa bintana dahil hindi ako nasalo ni Juanito.

"Magpahinga ka na muna... sasabihin ko na lang kay madam----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita. "Ayos lang ako, kaya ko pa naman... tatapusin ko muna ang pagrorosario" sagot niya tapos napaubo ulit siya.

Dumating naman na si madam Olivia, Natasha at iba pang mga babaeng kasama namin dito. Lumuhod na kami at nagdasal habang hawak ang Rosario. Napatingin naman ako kay Natasha kasi kanina niya pa ako tinitingnan mukhang nagdududa talaga siya sa'kin.

Tingingnan ko naman si madam Olivia para isumbong si Natasha kaso nakapikit lang siya at nagdadasal, parang matamlay din si madam Olivia ngayon... may sakit din ba siya?

Pagkatapos namin magdasal lumapit agad ako kay madam Olivia at pinaalam si Josefina "Sige ihatid mo na siya sa kanlang silid" matamlay niyang sagot. 

Agad ko namang hinawakan yung noo niya "Madam Oliva may sakit din po ba kayo?" tanong ko, napahinga naman siya ng malalim at kinuha yung kamay ko at hinimas-himas ito. "Ayos lang ako, hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi" sagot niya. Gosh! Feeling ko may sumpa yung kwarto ni madam Olivia kasi mula nung naki-share ako ng kwarto sa kaniya hindi rin ako makatulog ng maayos.

Magsasalita pa sana ako kaso tumalikod na siya kaya inalalayan ko ng tumayo si Josefina at sinamahan siya papunta sa kwarto nila ni Natasha. Inalalayan ko din siya humiga at ilang minuto lang mukhang nakatulog na agad siya.

Haays buti pa siya ang bilis lang makatulog, wala siguro siyang masyadong problema... hindi tulad ko nangongolekta ata ako ng problema eh.

Kinumutan ko na si Josefina saka lumabas na sa kwarto nila, pagkasara ko ng pinto nagulat ako kasi nakitang kong nakatayo si Natasha sa hallway at naka-crossed arms pa. Omg! Muntik na kong atakihin sa puso, mukha siyang multo.

Naglakad siya papalapit sa'kin at nakatingin ng masama. Teka! Akala ko ba bati na kami? Tss... nako! Carmela mukhang malaki ang galit ni Natasha sayo kaya don't expect na magbabati kayo noh.

"B-bakit? A-anong meron?" nagtataka kong tanong kasi hindi niya pa din inaalis yung mala-laser niyang mata sa'kin. Gusto niya ata akong sunugin ng buhay eh. 

"Nagtataka lang kasi ako... kung bakit kasama niyo si Ginoong Valdez, hindi naman siya imbitado sa selebrasyon sa bahay ni Kapitan Corpuz" tugon ni Natasha. Oh gosh! Mukhang imbestigador ang babaeng to ah.

"P-pano mo naman nasabi? N-nandun ka ba sa pa-despedida ni K-kapitan Corpuz?" banat ko naman sa kaniya, napataas naman yung kilay niya. Tama naman ako ah! Wala siya dun kasi hindi rin naman siya invited.

"Hindi ako imbitado dahil isa akong Flores, mainit ang dugo ng mga Corpuz sa Flores" sagot niya habang pak na pak ang taas ng kilay niya. tapos lumapit pa siya sa'kin, Gusto ata niya maintimidate ako sa tangkad niya eh.

"Ang hindi ko lang maintindihan bakit nandoon din si Ginoong Valdez? Mukhang hindi naman sila malapit ni Kapitan Corpuz" sabi pa niya. Omg! Malay ko ba na hindi sila close? Gosh! Carmela isip ng palusot! Wag kang papatalo kay Natasha!

Tinaasan ko din yung kilay ko "Sinama siya ni Juanito, malapit si Juanito at Ginoong Valdez dahil magkakilala si Ginoong Valdez at si Don Mariano" sagot ko. Tama! Tama!

"Paano mo nalaman iyon?" nagtatakang tanong ni Natasha. Mukhang hindi niya talaga ako tatantanan.

"Nakapagkwentuhan kaya kami kagabi sa bahay nila Kapitan Corpuz duhh" banat ko pa sabay talikod at flinipped ko pa yung hair ko. Tss... Ang galing mo talaga Carmela haha! Buti na lang madaldal si Ginoong Valdez at nagkwento siya ng buhay niya nung nasa kalesa kami haha.

Naiwan naman dun si Natasha na nakatayo at mukhang asar na asar. Bwahaha!



Kinahapunan, sinulatan ko si Don Alejandro. Gosh! Hindi pa man din ako sanay magsulat ng letter, di na kasi to uso sa modern world haaays.

Nakailang lukot din ako ng papel bago ma-satisfied sa gawa ko...


Dear ama,

Sori po ama. Nagkamali po ako. yun lang. explain ko na lng asap. Bye. Tc. Ily. Imy.

More loves,
Carmelita


Kinagabihan, pagkatapos namin magtanghalian napansin kong matamlay pa din si madam Olivia, Gosh! Baka nagkakaroon na ng epidemia dito? Ang dami ng maysakit Waaahh!

Ineerapan naman ako ni Natasha pero... wala akong pake. Ineerapan ko din siya pabalik haha.

Pumunta na ako ng kusina at kumuha ng pagkain para kay Josefina, nagdala din ako ng tubig na malamig at bimpo. Pagkahatid ko ng pagkain kay Josefina at nung pupunasan ko na siya, nagulat ako kasi madami na din siyang butlig-butlig sa kamay, leeg at paa. Omg! May bulutong na din si Josefina.

Agad kong tinawag si madam Olivia at nagpatawag naman siya ng doktor. Kaso wala yung doktor dahil nagbakasyon daw sa Bulacan. Omg!

Tiningnan ko si Josefina at sobrang init na niya, namimilipit na din siya sa sakit ng ulo. Omg! "Si doktor Hidalgo? Pwede ba siya?" tanong ni madam Olivia dun sa iba pang mga madre napailing naman sila. "Nagtungo po noong isang linggo sa Paris si Doktor Hidalgo" sagot nung isa. Napa-iling-iling naman si madam Olivia.

"Paano ito? Mukhang walang doktor ang maaaring tumingin kay Josefina ngayon" namomoblemang tugon ni madam Olivia. Gosh! I have a brilliant idea!

"Madam Olivia... kung si Juanito po kaya?" tugon ko, napatingin naman silang lahat sa'kin. Teka! Teka! Bakit ganyan sila makatingin? 

"Ah-eh! Kasi diba nag-aaral siya ng medisina at malapit na rin siyang magtapos kaya siguro baka pwedeng tingnan niya si Josefina" dagdag ko pa, nakatingin pa din sila sa'kin at mukhang nangeecheos pa, napailing naman si madam Olivia.

"Hindi pa siya ganap na doktor... ipagkakatiwala mo ba sa kaniya ang buhay ng kapatid mo?" hamon ni Natasha, napatingin naman ako kay Josefina na ngayo'y hirap na hirap na.

"Oo nagtitiwala ako kay Juanito" sagot ko at dahil dun agad na pinag-utos ni madam Olivia na tawagin si Juanito. ilang saglit lang dumating na si... Juanito. My Ghaawd!

"M-magandang gabi po madam Olivia, kailangan niyo daw po ang tulong ko" tugon niya, napatulala naman ako sa kaniya, Omg! Nakapang-tulog lang siya at gulo-gulo din yung buhok niya, mukhang nagmadali siya pumunta dito.

"Maraming salamat Juanito, halika... maaari mo bang tingnan ang kalagayn ni Josefina?" tugon ni madam Olivia, lumapit naman si Juanito at napatingin siya sa'kin at dahil dun agad akong umiwas ng tingin. "Huwag kang mag-alala binigay naman ni Carmelita ang pahintulot na tingnan mo ang kaniyang kapatid, binigay din niya ang buong tiwala niya sa iyo" dagdag pa ni madam Olivia. Nanlaki tuloy yung mga mata ko. Gosh! Bakit ba nilalaglag din ako ni madam Olivia huhu.

Napatingin naman sa'kin si Juanito at mukhang nagulat din siya sa sinabi ni madam Olivia. Napayuko na lang ako, Omg! Agaw buhay na si Josefina tapos may time pa si madam Olivia asarin ako kay Juanito huhu.

Hinipo naman ni Juanito ang noo at pulso ni Josefina, "Mataas po ang lagnat ng Binibini dahil mayroon po siyang bulutong tubig" tugon ni Juanito tapos may kinuha siya sa briefcase na dala niya. "Madam Olivia mas mabuti po kung lumayo muna ang iba pang mga kasamahan niyo dito sa dormitoryo dahil nakahahawa po ang sakit na ito" dagdag pa niya. napatango naman si madam Olivia.

"Kagabi hinatidan ni Josefina ng pagkain si Helena, pagaling naman na ang bulutong ni Helena kaya akala namin hindi na ito makahahawa" sabi pa ni madam Olivia. Napatingin naman ako kay Juanito, iniisip niya siguro ngayon si Helena.

"Mas nakahahawa po ang sakit na ito kapag pagaling na kung kaya't mas mabuting lumayo po muna kayo" sabi pa ni Juanito. 

"Ginoong Juanito maaari mo bang tingnan din ang aking kapatid na si Helena?" tanong ni Natasha at napatingin kaming lahat sa kaniya. Binigyan naman ako ni Natasha ng Ano-ka-ngayon-look.

Napatingin naman sa'kin si Juanito, Omg! Humihingi ba siya ng permiso?

"Binibining Carmelita gusto ko lang naman malaman kung mabuti na ang kalagayan ng aking kapatid kung kaya't huwag ka ng mangamba, kailangan din ng kapatid ko ang tulong ni Ginoong Juanito" dagdag pa ni Natasha habang nakatingin ng diretso sa'kin. Nasense niya siguro na humihingi ng permiso sa'kin si Juanito.

Wala naman akong magagawa, baka gusto rin naman ni Juanito makita si Helena, sino ba naman ako para pigilan yun.

"S-sige----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si madam Olivia. "Tama na iyan! Mukhang pagod na rin si Ginoong Juanito, Malaki na ang naging abala natin sa kaniya, tiningnan naman na ni Doktor Ramiro si Helena kahapon at sinabi niyang magaling na si Helena at hindi na nito kailangan pa ng gamot" sabi ni madam Olivia, napa-erap naman si Natasha at tiningnan ulit ako ng masama. Omg! Babalatan na ata niya ako ng buhay!

"Ginoong Juanito, anong mga gamot ang kailangang inumin ni Josefina?" tanong pa ni madam Olivia kay Juanito, "Ito po... ihalo niyo po ito sa tubig---" hindi na natapos ni Juanito yung sinasabi niya kasi nagsalita ulit si madam olivia.

"Pasensya ka na Hijo ngunit abala ako sa mga gawain dito sa kumbento, kay Binibining Carmelita mo na lang ibigay at sabihin ang mga dapat gawin" sabi pa ni madam Olivia sabay tingin sa'kin. WHAAAT THE--- Nananahimik ako dito eh huhu.

Napanganga naman ako. "A-ako?" tingingnan ko si Juanito at hindi rin siya makatingin ng diretso sa'kin. Omg! Ang awkward talaga!

"I-isusulat ko na l-lang para hindi mo m-makalimutan" sabi ni Juanito sa'kin pero hindi siya nakatingin. Gosh! baka makahalata yung iba kasi nauutal din ngayon si Juanito sa harap ko huhu. 

Agad naman siyang kumuha ng papel at nagsulat. Nag-umpisa namang magbulung-bulungan yung iba pang babae na kasama namin dito sa kwarto. Oh Noes! sinasabi ko na nga ba huhu!

"H-heto" sabi ni Juanito pagkatapos niya magsulat at inabot niya sa'kin yung papel at mga gamot. Parang bigla namang tinamaan ng kuryente yung buong katawan ko nung naramadaman kong nagdikit yung palad namin. Omaygash! Anong nangyayare saken?

"S-sige po, m-magandang gabi" paalam pa ni Juanito sa amin, tumingin pa siya sakin bago tuluyang umalis. Pagkalabas niya ng kwarto napahinga ako ng malalim. Whew! Grabe parang nabunutan ako ng tinik nung makaalis na siya. hindi pa talaga ako ready na makita siya ngayon huhu.



Kinabukasan, hinatidan ko ng pagkain si Josefina pero nagulat ako nang makita ko si Helena sa loob ng kwarto habang tulog pa si Josefina.

"Nalulungkot ako... dahil sa akin nahawa si Josefina" tugon ni Helena. Nilapag ko na yung dala kong pagkain sa katabing mesa. "Kamusta ka na? pasensya na kung hindi ako nakabisita sa iyo, ayaw kasi kami palapitin ni madam Olivia sa kwarto mo" tugon ko. Mahigpit na pinagbawal talaga ni madam Olivia ang bumisita muna kami kay Helena pero sadyang makulit talaga si Josefina.

"Ayos lang iyon, batid ko naman na nakahahawa ang aking sakit kung kaya't naiintindihan ko naman na hindi kayo maaaring makalapit muna sa akin" sagot ni Helena. Grabe! Para siyang Maria Clara, sobrang hinhin niya talaga at ang ganda niya rin kahit pa medyo may kaunting peklat yung bulutong niya sa braso niya, maganda pa din siya... walang duda na maraming nagkakagusto sa kaniya... isa na nga dun si Juanito haays.

"Carmelita... maaari bang ako na lang ang mag-alaga kay Josefina? Tutal hindi naman na ako mahahawa sa kaniya at gusto ko din gantihan ang ginawa niyang kabutihan sa akin" sabi ni Helena. Napatingin naman ako kay Josefina, gusto ko din siya alagaan kahit papano sobrang napamahal na din ako kay Josefina.

"Ako na lang ang mag-aalaga sa kaniya, nagkabulutong na din naman ako" sagot ko, haays. Naalala ko nung 15 years old ako 2 weeks akong hindi nakapasok nun dahil sa bulutong di tuloy ako nakasama sa Christmas party namin.

"Talaga? Wala akong matandaan na nagkabulutong ka?" nagtatakang tanong ni Helena. OMG! Gosh! Carmela nakalimutan mo na ikaw pala si Carmelita sa panaahong to Waaahh!

Mukhang di pa talaga nagkakabulutong si Carmelita... pero katawan ko naman to kaya hindi ako mahahawa kaso ang pagkakaalam ng mga tao dito... Never pa nagkabulutong si Carmelita! My gosh!

"Huh?-----Ah! Oo nga pala! Akala ko tigdas at bulutong pareho lang... magkaiba pala yun hehe" palusot ko na lang sabay tawa, tumawa din si Helena pero in mahinhin style na pagtawa. Samantalang mukha namang pang-mangkukulam yung tawa ko.

"Sige... ikaw na lang muna bahala kay Josefina, Maraming salamat Helena ah!" sabi ko habang tumatawa pa din at naglalakad papalabas sa pinto. Mukhang hindi siya ma-coconvince na pwede akong lumapit kay Josefina kasi nagka-bulutong naman na ako. 

"Oo nga pala, nakasulat sa papel lahat ng bawal at pwedeng pagkain kay Josefina, pati na rin yung mga gamot na iinumin niya" dagdag ko pa sabay turo nung papel na reseta ni Juanito na nakalagay sa tabi ng lampara. Kinuha naman ni Helena yung papel at binasa.

"Huwag kang mag-alala gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang madaling gumaling si Josefina" sabi ni Helena habang nakangiti.

Inimagine ko tuloy yung sarili ko na tulad ni Helena na sobrang hinhin... haays! Wag nalang di saken bagay haha!

Pero bago ko isara yung pinto narinig kong tinawag niya ulit ako "Carmelita... m-may sulat ba na pinaabot sayo si Juanito para sa akin? Hindi na kasi niya ako sinulatan mula nang bumalik siya dito sa Maynila at hindi rin siya dumalaw dito" malungkot na tugon ni Helena. Oh Gosh! 

"Uh--- a-abala kasi siya sa pag-aaral at alam mo naman mahigpit dito sa kumbento, at alam din ng lahat na pinagkasundo kami baka kung anong isipin nila kung-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Helena.

"N-naiintidihan ko naman... handa akong maghintay, at alam kong wala ka din namang nararamdaman para kay Juanito... hindi ba?" tanong niya na nagpa-laki ng mata ko. Oh My Goodness! hindi ko namalayan na napanganga pala ako dahil sa tanong niya.

"Alam ko ring tapat ang pag-ibig mo sa aking kuya Leandro... diba?" dagdag pa niya, napatango na lang ako at pinilit kong ngumiti. "Oo n-naman hehe" sagot ko sabay alis na. whew! Baka kung ano pang itanong ni Helena.. kinakabahan ako.




Pagkatapos ng tanghalian, narinig kong nag-uusap si Madam Olivia at Natasha sa kusina.

"Madam Olivia, linggo naman ngayon, maari po bang makapasok dito ang mga bisita?" tanong ni Natasha. Sumilip naman ako sa gilid ng pinto. Gosh! May date siguro to si Natasha kaya ganyan magmakaawa kay madam Olivia.

"Sige basta iharap mo muna sa akin ang iyong bisita bago ko payagang pumasok dito sa loob" sagot ni madam Olivia, matamlay pa din siya. Ano kayang nangyayari kay madam Olivia? magkakabulutong na din ba siya? Shocks! Di pa ko ready makita ulit si Juanito huhu.

Napangiti naman ng todo si Natasha at nagpasalamat ng bongga kay madam Olivia, agad naman akong umakyat pabalik sa kwarto kasi baka maabutan ako ni Natasha na nakikinig sa usapan nila.

Tss... siya na may date----TEKA! SUNDAY BA NGAYON?

OMG! May date din pala kami ni Juanito!

Sabi niya manonood kami ng teatro ngayon! Pero saan kami magkikita?

Ahh baka susunduin niya ko dito Kyaaahh~


At dahil sa sobrang excited ko agad akong naligo ulit at nagbihis ng bonggang-bongga at nag-ayos ng todo-todo to the highest level para sa date namin mamaya Waaahh!

Habang nagsasalamin ako at pinagmamasdan ko ang kagandahan ko (Char! Walang kokontra haha!) narealize ko na wala akong masyadong accessories dito sa dormitoryo, bukod dun sa diamond ring na bigay ni Leandro na tinago ko sa jewelry box. At dahil feeling ko lalo akong gaganda kapag may alahas, sinuot ko na din yung singsing.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. "Carmelita may bisita ka" nakangiting sabi ni Nenita at binigyan niya ako ng your-boyfriend-is-waiting-na-there-look, isa siya sa mga kasamahan namin dito sa kumbento. Maliit lang siyang babae pero maganda siya, mahaba at straight ang buhok niya at maputi rin siya.

Ewan ko ba pero napangiti din ako Omg! I can't hide this anymore! Hahaha!

Pagkalabas ko ng pinto nakita ko si Helena na nakatayo katabi ni Nenita. Sasabihin ko sana na ipapasyal lang ako ni Juanito at wala ng ibang ibig sabihin yun kaso inunahan niya akong magsalita ni Helena "Huwag kang mag-alala, m-may lakad din ako" sabi niya sabay yuko at halatang pinilit niya lang ngumiti, magpapaliwanag pa sana ako kaso agad na siyang bumaba ng hagdan.

Aww, bakit parang na-guguilty ako huhu.

Susundan ko din sana siya kaya lang biglang kumapit si Nenita sa braso ko "Nag-uumapaw sa kagwapuhan ang lalaking naghihintay sa iyo sa ibaba, napakaswerte mo talaga Carmelita" pangeecheos pa ni Nenita, binigyan ko naman siya ng don't-you-dare-make-agaw-to-my-boyfriend-look.

Syempre fineel ko yung moment pababa ng hagdan, at habang humahakbang ako pababa naaninag ko na si Juanito na nakapang-Soldier Outfit------Shocks! Bakit naman magsusuot ng pang-sundalo si Juanito? 

Gulat akong napatingin sa lalaking nakangiti sa akin ngayon sa baba ng hagdan... Si Leandro.


"Magandang hapon Binibining Carmelita" nakangiting bati ni Leandro at inilahad niya ang palad niya sa tapat ko. Oh noes!

ANONG GINAGAWA NIYA DITO?

Nagpalingon-lingon naman ako sa paligid. Wala si Juanito, Gosh! So ibig sabihin si Leandro pala talaga yung naghihintay sakin.

Nakita ko namang nakatayo sa gilid si Natasha at Madam Olivia. Omg! So si Leandro pala yung pinaalam ni Natasha na bibisita dito mamaya Waaahhh!

"A-anong ginagawa mo dito?" bulong ko kay Leandro, napangiti naman siya. at parang matutunaw ako dahil sa sobrang titig niya sa'kin. Nagpalingon-palingon pa ulit ako sa paligid baka biglang dumating si Juanito Oh No!

"Gusto kong surpresahin ka kaya hindi ko pinaalam na darating ako, ngunit huwag kang mag-alala pumayag na si madam Olivia na lumabas tayo" sabi pa niya. napatingin naman ako kay madam Olivia pero wala siyang reaction. Gosh! #FeelingBetrayed

"Mukhang pinaghandaan mo ang lakad natin... napakaganda mo ngayon Binibining Carmelita, halika na" tugon pa ni Leandro, magrereact pa sana ko kaso hinawakan na niya ang kamay ko at inakay papalabas. Omaygash!

Bago kami sumakay ng kalesa napatigil ako "T-teka... baka kung anong sabihin nila? Nakatakda akong ikasal sa kay----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Leandro at todo pa din yung smile niya.

"Kaya nga nagdala ako nito" sabi niya tapos inilagay niya yung puting balabal sa ulo ko, Parang yung belo na nasa ulo ni Virgin Mary.

"Ayan... hindi ka na nila makikilala" sabi pa niya tapos tinaas niya pa yung balabal hanggang sa bibig ko. Nagulat ako nung napatitig siya sa lips ko. Omaygash! At dahil dun tinakpan ko yung lips ko. "T-tara na" sabi ko sabay sakay sa kalesa.

Habang nasa kalesa kami, naiilang naman ako kasi nakatingin lang sa'kin si Leandro. Ano ba yan! Huhu.

"Gabi-gabi habang nasa misyon ako sa Cavite, palagi kita iniisip" sabi pa niya. Omg! Magsisimula na naman yung mga cheesy pick up lines niya huhu!

"Iniisip ko kung iniisip mo din ba ako" sabi pa niya. napalunok na lang ako. haaays! Kaazar, Carmela kailangan mong gawin to, you need to make landi landi kay Leandro para magka-happy ending din si Carmelita.

"Oo n-naman... h-hindi ka rin maaalis sa i-isipan ko hehe" sagot ko, gosh! Hindi ko na keri ang pinagagawa ko Waaaahh!

"Talaga? Ang ibig mo bang sabihin... tayong dalawa na muli?" nakangiting tanong ni Leandro at umupo siya sa tabi ko. Waahh!

"Huh? m-masyado namang mabilis... hindi pa kita sinasagot... ulit" sabi ko. Haays! Tinakpan ko naman yung lips ko kasi baka bigla na lang ako halikan ni Leandro, malay ko ba kung ilang beses na sila naghalikan ni Carmelita... ayoko lang madamay noh huhu.

"Hindi ako susuko... asahan mo iyan" nakangiti niyang tugon tapos kinindatan niya ako. Whuuut? Napatulala na lang ako. ilang sandali pa biglang tumigil na yung kalesa.

"Nandito na pala tayo mahal" dagdag pa niya tapos bumaba na siya ng kalesa at inilahad yung palad niya sa tapat ko. Gosh! Ang haba talaga ng hair ni Carmelita...


Nandito kami ngayon sa isang classic na formal Spanish restaurant. Omg! Napapanganga lang ako sa nakikita ko, sobrang bongga at elegant ng lugar na to. Pang-mayaman talaga.

"Anong gusto mo?" tanong ni Leandro, nakaupo na kami ngayon sa isang round table. At hindi pa rin ako maka-get over sa dami ng paintings at chandelier sa resto na to. "Ang ganda naman dito" sabi ko hindi ko na talaga mapigilan ang sobrang pagka-amazed ko.

"Kasingganda mo" narinig kong sabi pa niya at dahil dun bigla akong napaiwas ng tingin sa kaniya Waaahh! Why so vocal Leandro? huhu.

Magrereact pa sana ako kaso biglang may nagsalita mula sa likuran namin. "Carmelita? Ginoong Leandro?" gulat na tanong ni Sonya habang nakahawak siya sa bisig ni Ignacio Corpuz.

Nanlaki naman yung mga mata ko at hindi ko namalayan na napanganga ako nang makita ko kung sino pa yung ibang kasama nila Sonya.


Si Helena at.... Juanito!


~Ang gusto ko
Ang gusto ko
Gusto ko sanang
Sabihin sa iyo~

~Pero paano
Paano
Pag malapit ka'y
Nauutal ako~

~Nahihiya, Tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko

~Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo

Lahat sa paligid ko ay naglalaho~


~Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako magbabakasakaling Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip Ikaw lang ng aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo, Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising~



Napatingin si Juanito sa'kin sabay tingin din kay Leandro at binalik niya ulit yun tingin niya sa'kin. My gosh!


Dear Diary,

Gosh! Bakit ang sama ng tingin sakin ni Juanito? sumanib na ba siya sa association ni Natasha na balatan ako ng buhay?!

Help meeeee!

Nanganganib,
Carmela


**************************

Featured Song:

'Siguro' by Yeng Constantino


"Siguro" by Yeng Constantino

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 694 7
Unearth the terrifying history of once a happy home. TRIGGER WARNING: This story contains, but not limited to vivid nightmare imagery, violence, gor...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.3K 1.1K 73
A story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: Septemb...