Her Eyes #Wattys2018 Winner

By deitoy

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... More

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 2

13.4K 411 111
By deitoy

[Reed]

Hospital. Traffic lights. Syringe. Dextrose. Stretcher. Sirens. Ambulance and then black out.

Panting, I woke up, heavily sweating.

Siya nanaman ang nakita ko. Simula nang nahawakan ko siya paulit-ulit nang nakikita ko ang mga bagay na iyon. It's horrific and I can't stop myself from being scared.

Tinignan ko ang hospital bed ni Rin, andon lang siya natutulog. Unti-unti umiikli na ang life span niya. Umupo ako at kinuha ang phone ko. Four o'clock na ng umaga kaya mas pinili ko nang maghilamos at maggayak ng umaga.

Habang hinahayaan ko ang tubig mula sa dutsa ng shower ay napaisip ako sa mga images na pumasok sa isip ko. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pinagpatuloy ang pagshower.

Lumabas ako sa powder room habang tinutuyo ang buhok ko. Nilapitan ko si Rin at hinawakan ang mga kamay niya.

Revival. Flat line. Oxygen. Doctors. Nurses. White linen. Black out.

Para ba akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. "Bakit?"

Ngayon na intindihan ko na. Oras na hawakan ko ang isang tao makikita ko kung paano sila mamamatay. My sister will die because she can't fight anymore. "Ate, I will fight, gagaling ako. We will travel pa to Cebu." Those are the words she said to me. "Sorry Rin, pero susuko ka rin naman eh. We can't fulfill our dream to travel to Cebu." I whisper.

Nang dumating si Daddy ay nagpaalam na ako. Kapansin-pansin ang namumugto kong mata pero nagdahilan lang ako na nanood ng nakakaiyak na movie kaya hinayaan na lang niya ako.

Ganon pa rin ang routine ko, sumakay ako ng tren at nagtravel ng ilang minuto papunta ng eskwelahan. Luminga-linga ako sa pagbabaka sakali na makita si Ryoichi pero wala. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga parameters ng mga tao.

Gusto ko man sila hawakan, pero natatakot ako na malaman paano sila mamamatay, ayos na yung makita ko na lang kung kelan sila mamamatay.

Nang dumating na sa second station ay bumaba na ako. Hindi ko pa rin maialis sa isip yung bago kong natuklasan. Oras na hawakan ko ang isang tao makikita ko kung paano sila mamamatay.

Sa sobrang pre-occupied ko sa isipin ay di ko napansin ang Vios na paparating, napansin ko lang ito nang bumusina ito at halos mabundol na ako, napaupo na lamang ako sa kalsada sa panlalata. Will my life get any more unluckier?

"What the hell!" Isa nanamang pamilyar na baritonong boses ang narinig ko. Nang tumingala ako ay nakita ko ang isang iritadong Ryoichi. Naka uniform din siya. Lumabas sa driver seat ang isang may katandaang lalaki na nakabihis butler.

"Miss, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa akin ng mas matandang lalaki. "Tsk, hayaan mo siya riyan Kuya Dino, tatanga-tanga siya at di man lang tumitingin sa dinaraanan," pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palayo.

"Hay nako, yung batang yun talaga oh," buntong hininga ng kasama niya. "Uhm, okay lang ho ako," sabi ko tsaka tumayo. Pinagpag ko ang palda ko at pinulot yung ibang gamit na kumalat. "Pagpasensyahan mo na si Ryoichi, may problema lang na dinadala ngayon ang batang iyon," tinignan ko ng may mga nagtatanong na mata ang matanda pero lumulan na agad siya sa sasakyan.

"Hija, mauuna na ako," paalam niya kaya gumilid na lang ako. Pinasibad niya ang Vios at unti-unti itong nawala sa paningin ko.

Ano kaya yung problemang dinadala non at pati ako nadadamay?

Naglakad na lamang ako papasok ng gate at hanggang sa classroom. "Reed!" Napasinghap ako nang may humawak sa kamay ko. May bago nanamang nagflash na images sa isip ko.

Men. Isang eskinita. Pundidong ilaw. Screams. Bato. Black out.

Bigla kong binawi ang kamay ko sa kanya. Tinignan ko ang life span niya at nanlaki ang mga mata ko. Two days na lang ang natitira niya!

"Viv, mag iingat ka ah, wag ka basta-basta maglalakad sa dilim ngayon, delikado na," paalala ko sa kanya but she just looked at me with a weirded out expression. "Reed, okay ka lang? Baliw ka na ba? May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" Gusto kong sumagot na meron pero ayoko siyang matakot. She seemed scared now at sinusubukan na lang palakasin ang loob.

"Basta mag-iingat ka," mahina kong wika at tinalikuran na siya. "Nababaliw na ba siya?" Rinig kong tanong ng bagong dating niyang kaibigan. "Hindi ko rin alam."

Nanghihina na lamang ako umupo sa desk ko at dumukdok. It's frustrating how I can't tell others about my ability. Siguro para sa kanila nasisiraan na ako ng ulo pero hindi eh. Ibang iba, hindi na lang life span at kung kelan sila mamatay ang nakikita ko kundi kung paano sila mamamatay.

I'll try to alter death pero kung makikinig sila sa magiging precautions ko. But I suddenly remembered that death is inevitable, it cannot be altered nor stopped when it comes.

"Reed.." Iniangat ko ang aking ulo at nakita ko si Lau na nakatingin sa akin. "Totoo ba yung balita? Na montik ka nang masagasaan ng sasakyan nila Ryoichi at nababaliw ka na raw?"

"Pati ba naman ikaw, Lau?" I stated with frustration. Ginulo ko ang buhok ko at tinignan siya. "First, oo montik na, okay? Second, like hello? Mukha ba akong baliw?" Turo ko sa sarili ko matapos ko sabihin ang mga binitiwan kong kataga.

"Sis, alam ko naman na tanga ka at kalahati pero yung masagasaan ka aba umabot na ng talampakan ang katangahan mo, yung baliw naman alam kong abnormal ka lang pero wag mo na ring sagadin." Gusto kong magface palm at batukan si Laurice sa mga sinabi niya.

"Laurice! Best friend ba talaga kita?" Tanong ko. Tumango-tango siya na parang bubble head habang nakapikit. Akala ko ba ako ang abnormal sa aming dalawa parang mali ata ang turan niya.

Dumating na ang homeroom teacher namin at nagcheck ng attendance. Katulad ng mga normal na umaga naging boring ang klase. Nililibang ko lang ang sarili ko sa paglilista ng mga parameters nila.

Bumalik muli sa isip ko ang nakita ko kanina. Vivien Delgado, 082834, Murder.

"August 28, 2034. Murder." I mutter. How I wish I could alter it. May chance nga ba na ma-alter ko yon? I don't think so.

Lumipas ang buong araw at halos pinagtitinginan ako ng ibang estudyante, some of them even look at me from head to toe at ang iba ay nagbubulungan oras na dumaan ako.

How I could say na kaya kong malaman paano sila mamamatay at kung kailan pero lalo lang akong magiging freak para sa kanila. Hindi pa naman nagiging totoo yung nakita ko so wala pa akong proof na magiging totoo yon.

"In two days, Reed. In two days malalaman mo kung totoo ba ang nakikita mo," I convince myself.

Matapos ang buong maghapon ay umuwi na muna ako sa bahay upang kumuha ng bagong laba na mga uniform at bagong mga pamalit na damit para sa pagstay ko sa ospital. "Reed," napangiti ako nang narinig ko ang boses na iyon.

"Kuya Rich!" I squealed when I saw my kuya coming from upstairs. "Kelan ka pa nakauwi kuya?" I asked my big brother. Mahaba pa ang buhay ni Kuya. He will still be on his sixties as I read on his parameters. "Kanina lang, traffic sa bandang Pasig kaya medyo natagalan ako," he said as he sip on his ice cold water.

Napansin niya ang mga dala kong damit. "Dadalin mo yan sa ospital?" Tumango lang ako. "Kuya Rich, una na ako," tumayo na ako at nagtuloy-tuloy sa pintuan. "Ingat, Reed," malambing niyang paalam sa akin. Ngumiti ako sa kuya ko at tumango.

Sumakay ako ulit ng tren pabalik sa ospital, this time nakita ko si Ryoichi na nakayuko ulit. Yung magulo niyang buhok ay tumatabing sa mukha niya. Nakaputi na siyang long sleeves na polo, puting pantalon at puting loafers. Di rin siya mahilig sa puti kahit mala porselana ang kulay ng kutis niya.

"Pwede ba ilayo mo yung mukha mo sa akin," nagulat ako nang bigla siyang nagsalita kaya inilayo ko agad ang tingin ko sa kanya.

Iniangat niya ang tingin niya at lalo kong nakita yung itim na itim niyang mata, ang ganda non tignan. "Tigilan mo nga ang pagtitig sa akin, para ka namang may nakikita sa akin na hindi ko nakikita, weird ka."

Meron naman talaga! Hindi na lang ako nagsalita. Normal na sa akin masabihan ng weird or ng mga sumbat nila. Weird naman talaga lalo yung mga nakikita ko. Tumayo na siya at naglakad palayo, roon ko lang napagtanto na nasa babaan na kami papuntang ospital.

Nawala sa paningin ko si Ryoichi kaya isinantabi ko na lang yon. Pumunta na ako sa kwarto ni Rin at nakitang mag isa siya roon habang tulog. Ibinaba ko muna yung mga baon kong damit at lumapit sa kanya.

Inayos ko yung kumot niya at maging ang ilang unan sa paligid ng ulonan niya. Umupo ako sa katabing upuan ng kama niya at doon dumukdok. Habang tinititigan ko ang tahimik na natutulog kong kapatid ay di ko malubos maisip na sandaling panahon na lang ang meron kami kasama si Rin.

Sa sobrang pag-iisip ko tungkol sa maaring mangyari sa loob ng isang taon ay di ko na napigilan pang makatulog habang nakadukdok sa tabi ng kama ni Rin.

Napaungol na lang ako sa sakit ng ulo kinabukasan, sinubukan kong tumayo mula sa inuupuan ko pero natutumba ako. Bakit ngayon pa? Hindi pa naman ako pwedeng magkasakit ngayon. Tinignan na rin ng nurse na laging kumukuha ng vital signs ni Rin ang temperature ko. 37.6

"Magpahinga ka na lang muna rito, Reed. Wag mo muna istress ang sarili mo," sabi ni Mommy habang iniaabot sa akin ang pinadala kong jacket. Hindi pa ko pa rin maiwasan maisip ang nakita ko sa parameters ni Vivien.

Tinignan ko ang calendar sa cellphone ko August 27,2034. Bukas na, sana hindi magkatotoo ang nakita ko kahit malaki ang chance na bukas na siya mamatay wag lang ang murder.

Ipinikit ko ang mga mata ko at unti-unti na akong hinila ng antok.

Napabalikwas na lang ako nang may narinig akong bumagsak sa labas ng pinto. Kahit pa nahihilo ay nilakad ko hanggang sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakadapa sa harap ng kwarto ni Rin.

"Ryoichi!" Nawala ang hilo na nararamdaman ko nang nakita ko siya. Namumutla siya. Nang hinawakan ko siya ay napasinghap ako. Ang lamig niya.

"Tulong!" I exclaimed. "Tss.. Ang ingay mo naman," napapilag ako nang magsalita siya. "A-ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong. "It's just vertigo," unti-unti siyang umupo. "Ah, shit!" He cursed.

"Namumutla ka," puna ko sa kanya. "I said it's fine, hindi ko kailangan ng pag-aalala mo," nang tuluyan na siyang nakatayo ay bahagya siyang sumandal sa pader. "Umalis ka na nga," pagtaboy niya sa akin.

Ganto ba talaga ang isang Ryoichi Hiroto? "Pagpasensyahan mo na si Ryoichi, may problema lang na dinadala ngayon ang batang iyon,"

"Uhm, sabi sa akin ng driver mo may problema ka raw-"

"Stop sticking your nose on things you are not involved with!" Madiin niyang turan. Napaatras na lamang ako sa sinabi niya. "Bwisit na Kuya Dino yon! Hindi talaga siya sanay manahimik," inis niyang turan habang ipinamumulsa ang kamay at naglakad na palayo.

Naiwan ako roon na nakatayo at nakatingin lang sa papalayo niyang silhouette. I heaved a sigh. Totoo pala ang mga sinasabi tungkol sa kanya.

Pumasok na ako ulit sa kwarto ni Rin at nakita ko siyang may nakakalokong ngisi. "Ate ah, sino yung naririnig kong kausap mo? Ui, si Ate luma-love life!" She squealed.
"Huy, Rin manahimik ka nga baka kung ano mangyari sa iyo," awat ko kahit pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko.

"Yieeh.. Si Ate namumula!" Panunukso niya. Hanggang sa dumating sila Mommy ay may nakakaloko siyang ngiti. "Masaya ata ang bunso namin,"

"Kuya Rich!" She exclaimed and squeal at the same time. Napangiti ako nang makita na kumpleto na kami. Kelan kaya ulit to? Pag dumating na yung oras na kailangan naming tanggapin na wala na si Rin?

"Reed, wag ka nga tumulala at ngumiti na mukhang ewan diyan, group hug na!" Tawag ni Kuya Rich. "Hindi naman dapat group hug eh, family hug," I giggled.

Kung kanina ay nanghihina ako at nahihilo ngayon okay na ako. Thanks to the nurses na kahit papaano ay binibigyan ako ng mga gamot. "Anak, wag ka muna pumasok bukas," sabi ni Papa kaya tinignan ko siya.

"Bakit naman?"

"Hindi kami makakapunta rito bukas, sasamahan namin ang Kuya Rich mo," tumango na lang ako kahit na naghuhuramentado na ang puso ko sa kaba. Paano si Vivien? Kahit papaano ay nag aalala rin ako sa kaklase ko.

Kinabukasan umalis ng maaga sila Papa at naiwan ako kasama si Rin. "Ate, sino yung kausap mo kahapon?" Tanong niya at taas baba pa ang mga kilay at malawak ang ngisi. "Wala, yung masungit lang na si Ryoichi,"

"Si Kuya Ichi?" Nagulat ako sa tanong niya. "Kakilala mo siya?" Tumango naman siya.

"Hindi masungit si Kuya Ichi, sadyang secretive lang siya, mabait pa nga siya at pala-ngiti eh."

"Eh?"

"Bakit, Ate?" Tanong niya habang nakapilig ang ulo.

"Ang sungit niya kasi sa school tas laging nakabusangot," naka labi kong sabi. Tumawa si Rin kaya tinignan ko siya ng naguguluhan. "Bakit?"

"Kasi naman, Ate, laging ganon si Kuya Ichi pero pag nakilala mo na siya makikita mo mabait at palangiti siya, sayang may sakit siya," napukaw ng pansin ko ang huli niyang sinabi.

"Ano sakit niya?" Tanong ko. Umiling lang si Rin. "Hindi ko alam, Ate, katulad ng sabi ko secretive si Kuya Ichi."

Naiwan akong nagtataka sa mga asta ni Ryoichi. Niyakap ko ang tuhod ko at doon dumukdok.

Nagising na lamang ako dahil sa tunog ng cellphone ko. "Hello?"

"Reed.." Isang umiiyak na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Agad tumahip ang kaba sa puso ko. "B-bakit?"

"S-si Vivien.."

"Ano nangyari kay Vivien?"

"P-pinatay siya tsaka.." Lalong humagulgol ang boses sa kabilang linya. "Ano?"

"Viv got raped.."

Nailaglag ko ang cellphone ko sa narinig ko. "Reed? Reed?" Narinig ko tawag ng kaklase ko mula sa cellphone ko.

"Hindi.." Mahina kong bulong.

It seems my world collide, hindi na-alter ang kamatayan, kung ano ang nakatakdang mangyari yon ang mangyayari.

Continue Reading

You'll Also Like

70.8K 1.5K 22
Dahlia's twin brother is missing and the only clue she has for his disappearance is a mystical golden key and a letter. With only those two things in...
The Mutiny Muse By A.

Historical Fiction

6.3K 831 58
Agueda Iniquinto, a twenty-four-year-old self-taught sniper was appointed as the leader of a secret organization of rebels called La Independencia Fi...
3.3M 161K 81
SEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasang...
2.7M 135K 94
SEASON 2: |COMPLETED| When things gone wrong in Pandora.... August was left with no choice.... Heartbreak.... Lies.... Her death was the key to send...