That Gangster Trake Corpuz

By hwannyssik

196K 1.1K 28

Bilang President ng student body tungkulin ni Pristine Madrigal na panatilihing mapayapa ang buong paaralan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Prologue

20.4K 323 4
By hwannyssik


Prologue

Sa isang abandonadong lote ay may dalawang grupo ng mga kalalakihan ang nagtutumpukan.

Magkakaharap ang mga ito at nagtatagisan ng tingin sa isa't-isa. Nakasuot ang mga ito ng uniporme ngunit magkaiba ang dalawang grupo. Parehas na puting polo shirt ang suot ng mga ito ngunit ang isang grupo ay nakaberdeng pantalon habang ang isa naman ay dark blue.

Bukod doon mas matatangkad ang mga binata na nakasuot ng berdeng uniporme kumpara sa kabila.

"Ano bang kailangan niyo saamin?" tanong ng isang lalaking hindi gaano katangkaran. Kabilang ito sa nakasuot ng unipormeng dark blue ang pantalon. Mayroon itong pilat sa kanyang kaliwang pisngi, palatandaan ng kaibahan niya sa mga kasamahan.

Natatawang dumura sa damuhan ang isang lalaki mula sa kabilang linya, pang-karaniwan lamang ang itsura nito ngunit matangkad ito.

"Hoy mga bata baka hindi niyo nakikilala ang mga binabangga niyo? Kilala niyo ba kami?" Puno ng angas na pahayag nito na tila nag aamok pa ng gulo. Hindi pa ito nakuntento at dinuro-duro pa isa-isa ang mga lalaking nasa kabila. Halos magsalubong ang mga kilay ng lalaki sa pangmamaliit na natatanggap.

"Tama na ang sat-sat tanda simulan na natin para matapos na!" deklara nung isang lalaki na matangkad na may hikaw na itim sa kaliwang bahagi ng tenga nito. Sa kanilang pito siya lang ang nakasuot ng t-shirt na may nakasulat na Don't Mess Up With Me at cap habang nakapamulsa at ngumunguya ng chewing gum.

Sila ang Seven Tails of Death. Binubuo ito ng pitong myembro na mga Senior High School students. Kilala ang grupo nila dahil palaging nasasangkot sa mga away. Bagamat suki ng gulo, kataka-taka na ni isa sa mga ito ay hindi napaparusahan. Maraming sabi-sabing kumakalat na dahil daw iyon sa leader ng grupo na galing sa mayaman na pamilya. Ang impluwensya nito ang pumoprotekta sa kanila.

Malayo sa mga kabahayan ang lote kung saan maghaharap ang dalawang grupo. Anuman ang kahinatnan ng gulo wala silang maaasahan kundi ang isa't-isa.

Halos umusok ang ilong ng lalaki. Halatang maikli ang pasensya pagdating sa mga insulto.

"Aba't." Ambang susugod sana ang isa pero agad din napigilan ng kanyang kasamahan.

Mukhang nainsulto ang kabilang grupo dahil sa inasta niya.

"Huh napakalakas naman ng mga loob niyong magsiga-sigaan dito samantalang mga bata lang kayo! Ang dapat sa inyo ay umuwi na sa kani-kanilang mga bahay at magtago sa mga saya ng mga nanay niyo!" asik ng isang lalaking may napakaraming tattoo sa braso at may piercing pa sa dila.

Isa-isang nagsikuhaan ng kanya-kanyang mga pampukpok ang mga lalaking kasamahan nung nakapiercing. Sari-sari ang mga iyon, may baseball bat, tubo, at kahoy.

Nag-umpisa nang magsisuguran ang mga lalaki sa Seven Tails of Death na hindi man lang naapektuhan sa ipinakitang kaagresibuhan ng mga kalaban. Para bang hindi na ito iba sa kanila. Nagkatinginan sila at naghiwa-hiwalay bago nagsenyasan.

Isa-isang nagsilapitan ang mga kalaban sa lalaking naka civillian parang wala lang sa kanya na siya ang may pinakamaraming kalaban sa kanilang pito. Siya si Trake, ang leader ng grupo.

Tatlo ang lumapit sa kanya at pare-parehas pang may mga dalang sandata habang kamao lang

ang sa kanya. Ang mga kasamahan naman niya ay tigdadalawa o di kaya naman ay isa ang kaharap.

"Hindi ko gusto ang pagsisiga-sigaan mo bata at mas lalo naman yang tabas ng dila mo," wika nung lalaking may hawak ng baseball bat.

"Tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo bata," patuloy pa nito, dumura ito sa lupa bago sumugod kay Trake.

Mabilis ang mga pangyayari wala pang ilang minuto ay napabagsak ni Trake ang lalaki.

Matagumpay niyang nailagan ang akmang paghampas sa kanya ng baseball bat. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para sikmuraan ang lalaki na siyang ikinatumba nito. Hindi pa siya nakuntento at sinipa niya pa ito.

Tumalsik ang lalaki pero may malay pa rin ito. Sapo ng lalaki ang sikmura, "Akala niyo ba mapapatumba niyo ako ng ganun kadali? Hoy kayong dalawa sugurin ang isang yan!" sumenyas siya sa ibang kasamahan.

Isa-isa silang sumugod kay Trake. Pumuwesto si Trake, handang harapin ang mga kalaban kahit pa dehado siya sa bilang ng mga ito. Sumugod ang dalawa pero naiwasan niya kaagad samantala nakalusot ang pangatlo at tumama ang kamao nito sa kanyang pisngi dahilan para mawala siya sa balance.

Kinuha ng mga natitirang lalaki ang pagkakataon na iyon para kuyugin si Trake.

Bago pa man makatayo si Trake sinugod na siya ng tatlong lalaki. Ilang sipa ang pinakawalan ng mga ito, si Trake naman ay nakaharang ang mga kamay sa mukha para hindi iyon tamaan.

"Yan lang ba ang kaya niyong gawin?" may halong pang-aasar pa niyang wika. Kahit na mas lalo lamang tumitindi ang kagustuhan nitong makaganti sa kanya dahil sa ginawa niya sa leader nila.

"Ang yabang mong bata ka! Tumayo ka dyan at labanan mo kami hindi iyong iwas ka ng iwas!"

Napangisi na lang si Trake sa narinig. Mas lalo lang yata siyang ginanahan na galitin ang mga ito. Totoong nasa mahirap siyang posisyon pero hindi ibig sabihin noon na hindi na siya makakalaban para gumanti sa mga ito.

"Trake!" sigaw ng isa sa mga 7TD.

Nagawang maabot ni Trake ang paa nung isang lalaki at hinila iyon.

Si Chase na isa sa mga myembro ng 7TD at pinakakanang kamay ni Trake ay kaagad na humangos sa kaibigan matapos patulugin ang kaharap. Medyo nahirapan siya roon dahil di hamak na mas malaki ang pangangatawan nito kumpara sa kanya. Ngunit kahit na ganoon mas mabilis naman siya.

Sinaklolohan niya si Trake. Hinila niya ang isa at binigyan ng malakas na suntok. Kinuha ni Trake ang pagkakataon na iyon para makatayo. Kumikirot ang ilang pasa sa mukha niya.

Masakit naman ang katawan niya dahil sa mga sipa na natanggap pero gaano man iyon karami sanay siyang tumanggap ng mga suntok mula sa kalaban.

Hinahanap na nga yata iyon ng katawan niya. Gusto niya ang bawat sakit na natatamo niya na kung minsan pakiramdam niya namamanhid na ang kanyang buong katawan.

"Mahina pala huh?!" sigaw naman ni Lay, myembro rin ng 7TD. Siya iyong mukhang hindi makabasag pinggan pero maskara niya lang pala iyon. Wala rin siyang ipinagkaiba sa mga kaibigan.

"Ayos ka lang? Akala ko ba pagbibigyan mo lang sila ng hanggang tatlong suntok? Anyare?

Parang lagpas sampu na yata 'yon?" puna ni Chase habang tinutulungan makatayo ang kaibigan.

Pinalis ni Trake ang dugo na nasa labi at dumura sa lupa. May dugo rin iyon, mukhang masyado siyang naging mapagparaya ngayong araw.

"Si Tita ba darating?"

Mayroon ng ideya si Chase kung bakit iyon ginawa ng kaibigan. Mas lalo lang niyang napatunayan ang hinala dahil dumilim ang paningin nito at imbis na tanggapin ang nakalahad niyang kamay at tinampal lang iyon ni Trake.

Natagalan man pero grupo pa rin nila ang nanalo.

"Magbabayad kayo!" pahabol na sigaw ng leader ng kalaban nila. Inalalayan ito ng mga kasamahan. Tinawanan lang iyon ng mga kasama ni Trake. Lagi naman kasing ganoon, kada matatalo nila hahamunin ulit sila at ganoon lang ulit ang magiging resulta. Ang kinaibahan lang nagiging madumi lumaban ang mga ito bagay na hindi ginagawa ng grupong 7TD.

"Hoy mga gangster! Nandito lang pala kayong mga loko-loko kayo?!" isang napakalakas na bulyaw ang pumawi sa huntahan ng grupo. Nanlaki ang mga mata ng 7TD at nagkatinginan.

Boses pa lang alam na alam na nila kung sino ang may-ari. Si Lay napatawa na lang habang si Trake nakasimangot. Biglang nagpantig ang tenga niya ng marinig ang boses nito.

Oras na para sumibat!

"Ano nanaman 'to?" mahinahong tanong babaeng dumating. Nakasuot ito ng school uniform kagaya ng sa 7TD. Katamtaman ang tangkad nito at nakaipit ang mahabang buhok.

Nakapameywang ito habang sinasamaan ng tingin ang 7TD.

May nakarating kasi sa kanya na may nagaganap na gulo at kasali roon ang mga ka-school mate niya. Parating na rin ang ibang teacher na kasama niya, naunahan niya lang ang mga ito.

Paano ba naman sila hindi mapapasugod, school hours pa ito at nagcutting classes ang 7TD!

"Oh-oh," sabi nung isa na nagtatago sa mga gulong ng kotse pero kita pa rin naman.

"Mukhang galit nanaman si pres. sa atin."

Nakatanggap ng tig-iisang malalakas na batok ang bawat isa sa 7TD. Kahit si Trake na puno ng sugat hindi nakalusot. Nakakapagtaka na ni hindi man lang nagprotesta si Trake sa ginawa nito.

Pati ang mga kamyembro niya tiklop ang buntot dito. Minsan tuloy napapaisip na lang siya kung anong klaseng gayuma ang ibinigay nito sa kanya. Para kasing gustong gusto niyang sinusunod nito.

"Aray naman pres masakit 'yon ha," nakatanggap muli ang isa sa 7TD ng isa pang batok, isang reklamo katumbas ng isa pang parusa. Ganoon kasimple kaya kung ayaw madoble ang parusang matatanggap mo ay mas mabuting itikom mo na lamang ang bibig mo.

"Alam niyo bang halos lahat ng mga teacher kayo ang inirereklamo? At talagang suot niyo pa talaga ang uniporme niyo habang nakikipagbasag ulo, gusto niyo bang sirain ang reputasyon ng eskwelahan natin?" sermon niya sa lahat.

"Sorry naman pres dapat pala nagpalit muna tayo—," bago pa maituloy nung isa ang banat ay agad na natakpan ng mga kasamahan ang bunganga nito. Baka mas malala pa ang aabutin nila kung nagkataon.

"Lagot kayo sa mga teachers! Papunta na sila rito. Sila na ang bahala na magbigay ng parusa sa inyo!"

Mas madalas pa yata ang mga itong mapatawag sa principal's office. Napaparusahan naman sila pero makalipas lang ang ilang araw para na naman silang nakawala sa hawla at gumagawa na naman ng kalokohan. Kung hindi niya lang talaga responsibilidad iyon hindi niya ipapahamak ang sarili.

"Tara na bago pa tayo maabutan ng mga teachers," si Trake ang nagsalita.

Hindi naman makapaniwala si Pristine, ang student council president. Para lang siyang hangin dito. Hindi niya nga alam kung nakinig ito sa mga sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

278K 1.1K 6
[Rank #1 in Genderbender (03/01/20)] Paano kung babae ka pero pinalaki kang lalaki, lalaki ang dapat na kilos, ang pananalita, ang boses, ang panana...
108K 3.9K 94
(Completed) Nakatakas si Aviana sa dalawa, at pinauwi siya ng mama niya sa pilipinas, at doon niya nakilala ang dalawang lalaki na may sakit rin na...
776K 10.4K 40
BOOK 1 of DANGER SERIES Published under LIB *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit thi...
7.9K 541 33
[COMPLETED | UNEDITED] Astrelle Escareal had lived quite a boring life after graduation. But she's too busy to admit that. She tries to entertain sud...