BloodNight Academy

By aescatto

324K 8.8K 777

Highest Rank: #6 in Mystery/Thriller In which they all welcome her to a hell-like school. But that's not al... More

--
School of Death
❕Missing❕
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
END
Final Note

Chapter 14

5K 157 13
By aescatto

+Elle's Point of View+ 

*Fastforward

Naglalakad ako mag-isa sa hallway. Kapansin pansin rin ang mga matatalim na tingin sa akin ng mga tao. Inayos ko ang salamin ko at yumuko. 

P.E. class nga pala namin ngayon. Kaya dumiretso ako sa locker room upang magpalit ng damit at pumunta ako sa open field. Volleyball daw ang lalaruin for this week. Hindi ko pa naman alam kung paano laruin yun. 

Diniscuss sa amin ng prof ang rules and regulations sa laro. Matapos nun ay kinuha niya ang first batch ng maglalaro at kasama ako doon. 

"Teka Miss Kim, sigurado ka ba na kaya mo nang maglaro?" tanong ng prof at tumaango naman ako. Naglakad na ako papunta sa pwesto ko kahit ang sasama ng tingin nila sa akin. 

*PRRRRRT 

Pagkapito niya ay agad na lumipad ang bola papunta sa amin. Papaluin ko na sana ito ngunit inunahan ako ng katabi ko. Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa pwesto ko. 

Nang lumipad muli ang bola papunta sa amin ay sinubukan kong paluin ito dahil papunta ito sa direksyon ko. Ngunit laking gulat ko nang tinulak ako ng babaeng katabi ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. 

"Foul!" sigaw ng prof at pumito. Ngunit parang wala itong narinig at ngumisi lamang 

"Let the games begin." malademonyong sabi ng babae at humalakhak na parang baliw. 

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humila sa prof namin palabas ng field. At puro estudyante na lamang ang naiwan dito. Kapansin pansin na lahat sila ay may black and violet na nametag. 

"Say goodbye." 

Natigilan ako nang kinuha niya ang patalim sa bulsa niya. Sasaksakin na niya sana ako ngunit naiwasan ko iyon. Inulit niya iyon at muling naiwasan ko ulit. Uulitin pa niya sana ito ngunit nahawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Nabitawan niya ang patalim at kinuha ko ang tsansang iyon upang pilayan siya. 

"Bitch." galit na bulong ng isang lalaki at sumugod sa akin at akmang papaluin ako ng baseball bat. Ngunit nahawakan ko agad iyon at mabilis kong inagaw sa kanya at siya ang pinalo ko. Bumagsak siya sa sahig ng walang malay. 

P-Paano ko nagagwa ito? Para bang may kumokontrol sa akin. 

Ngunit napagtanto ko na masyado silang madami. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo palayo ngunit sinusundan pa rin nila ako. 

"You can't run away from us forever bitch!" sigaw ng isa sa kanila at binato ang patalim sa akin. Mabuti nalang at naiwasan ko ito. 

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa natahak ko na ang kagubatan na minsan nang may nagtangkang pumatay sa akin dito. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa bumagsak na ang mga tuhod ko sa lupa 

Bakit ba nila ako gustong patayin? 

"Nandito ka nanaman babae." 

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang may marinig akong isang nakakakilabot na boses. Agad akong tumingin sa aking paligid ngunit walang tao 

"S-Sino ka?" nanginginig kong tanong 

"Ako ang konsensya mo." 

Kumunot ang noo ko "Niloloko mo ba ako?" 

"Hindi ako manloloko tulad ng ex mo." 

Bigla akong nainis sa mga pinagsasasabi niya 

"Kung sino ka man, magpakita ka na!" sigaw ko at humalakhak siya 

"Magsisisi ka lamang kapag nagpakita ako sayo." seryosong sambit ng misteryong boses 

"Anong ginagawa mo sa mapanglaw na gubat na ito? Hindi ka ba nadala noong unang punta mo rito?" tanong niya pa 

"May humahabol kasi sa akin. Wala akong ibang mapagtataguan." paliwanag ko at napabuntong hininga ako 

"Gusto mo bang sabihin ko sa kanila na nandito ka?" 

"Wag! Parang awa mo na!" pagmamakaawa ko sa kanya. HUmalakhak naman ito 

"Oh sige. Pagbibigyan kita. Basta't huwag mo nang alamin kung sino ako." 

Agad akong tumango "S-Sige." 

"Wala na sila. Maaari ka nang umalis. Ngunit mag-ingat ka, dahil maaari ka pa rin nilang makita." 

Tumango na lamang ako at tinahak ang daan palabas ng mapanglaw na gubat 

"Tandaan mo, nandito lang ako. Laging nagbabantay sayo." 

Gustuhin ko mang alamin kung sino siya ngunit hindi ko magawa. Ngunit ano ang ibig niyang sabihin na lagi niya akong binabantayan? 

Paglabas ko ng kagubatan ay iginala ko ang aking paningin at walang tao. Dahan dahan akong naglakad ngunit muntik na akong mapasigaw nang may humila sa akin patungo sa likod ng isang malaking halaman. 

"Shh." 

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Si Dark. 

"A-Anong ginagawa naten dit--" 

"Shut up!" pabulong niyang sigaw at tinakpab ang bibig ko 

"They're coming." 

Pasimple akong sumilip at nakita ang mga estudyanteng humahabol sa akin kanina at para bang may hinahanap. Mahigit limang minuto kaming nanatili sa ganung posisyon hanggang sa makaalis na sila. 

"S-Sino ba sila?" tanong ko at nanlisik ang mga mata niya 

"Mga traydor." 

Kumunot ang noo ko "T-Traydor?" 

"Tch! Wag ka nang magtanong ng magtanong!" inis na sambit niya at hinawakan ang kamay ko "Let's go before they see us!" 

Parang biglang  nagslow motion ang mundo ko habang tumatakbo kami. Bumagal ang tingin ko sa lahat, at ang tanging nakikita ko lang ay ang paghawak niya sa kamay ko. 

"Bilisan mo!" 

Biglang pumasok sa isipan ko ang isang tinig ng batang lalake. Kaya't napakunot ang noo ko 

"Paparating na siya!" 

BIgla akong napailing upang maialis ang naririnig ko. Guni-guni ko lang siguro. 

"Bilisan mo!" biglang sigaw ni Dark at mas binilisan ko ang pagtakbo. 

Ngayon ko lamang napagtanto na papunta kami sa isang tunnel. Underground tunnel? 

"Paparating na sila." rinig kong bulong niya at

Kakaiba ba na hindi ako kinakabahan? Na imbes na kabahan ako ay parang magaan ang loob ko dahil kasama ko siya. Bakit gannito ang nararamdaman ko? 

Nang makarating kami sa dulo ng tunnel ay may binuksan siyang pintuan at agad akong hinila papasok. Nilock niya agad ang pinto at may pinindot na button. 

"HIndi na nila tayo makikita dito dahil invisible ang pintuan sa labas." napabuntong hininga siya at ibinagsak ang kaawan sa sofa. Tinignan ko siya habang nakapikit ang mga mata niya 

"Alam mo bang masamang titigan ang isang tao kapag nakapikit sila?" 

Napailing na lamang ako at ngumiti. Kumunot naman ang noo niya nang makita niya ako 

"Why are you smiling?" malamig na tanong neto at bumalik sa pagkapikit 

"Akala ko iiwan mo ako doon, Kung ginawa mo siguro iyon, baka pinatay na nila ako." 

Bigla siyang napadilat sa sinabi ko at tinignan ako ng may halong pagtataka 

"Thank you Dark." 

Ngumisi ito at umiling 

"Don't be thankful. I just did that because I want to be the one who'll kill you." 

Nawala ang mga ngiti sa labi ko at napayuko na lamang ako 

"Right." bulong ko at tahimik na umupo sa sofa. 

"Huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa lugar na ito, dahl ito lang ang tanging hideout ko. At ni isa ay walang nakakaalam neto, maliban sayo." 

Agad akong tumango at pinagmasdan ang buong lugar. Para itong modernong bahay na nasa loob  ng isang eskwelahan. Ni hindi mo mapagkakamalan na hideout ito sa unang tingin. 

"Teka, bakit nila tayo hinahabol?" tanong ko. Umasyo siya ng upo at napabuntonghininga 

""Dahil lahat ng may red sa nametag ay dapat patayin sa araw na ito. Iyan ang utos ni Mr. Kakashi." 

"Ano?! Bakit?!" medyo napataas ang boses ko kaya't tinignan niya ako ng masama 

"Hindi ko rin alam. At kung alam ko, bakit ko sasabihin sayo?" walang emosyong tanong neto 

"Dahil may red ako sa nametag?" inosente kong sagot dahilan para mas lalo niya akong tignan ng masama.

"Hindi mo na kailangan pang malaman." 

"Bakit?" tanong ko at seryoso niya akong tinignan 

"Because there are some things that's best if you don't know."  

Nanlaki ang mga mata ko. Yan din ang sinabi sa akin ni Papa tungkol sa pintuan. 

Namimiss ko na sila... 

"You're unfair." bulong ko at ngumisi lamang siya. 

Napagdesisyunan ko na lamang na matulog dahli sa pagod kakatakbo. 

--- 

+Dark's Point of View+ 

"Stop please!" 

Bigla akong nagising dahil sa sigaw ni Elle. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan siya habang natutulog 

"Layuan mo ako!" 

Takkot na takot ang ekspresyon ng mukha neto. Kusang gumalaw ang mga paa ko at naglakad papunta sa kanya 

"W-Wala akong kasalanan! Pakawalan niyo na ako!" 

"Elle." tawag ko ngunit hindi pa rin siya nagising 

"Hindi ko iyon kasalanan. Wala akong kasala--" 

"ELLE WAKE UP! YOU'RE DREAMING!" sigaw ko at niyugyog ang balikat niya at biglang dumilat ang kanyang mga mata. 

Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Kusang kumilos ang mga kamay ko upang yakapin siya pabalik 

"Shh, it's only just a dream Elle." pagpapatahan ko sa kanya dahil ramdam ko ang paghikbi niya 

"N-Natatakot ako Dark." nanginig na sambit neto at tinignan ko siyang mabuti. 

Ito ang unang beses na makita ko siyang takot na takot at umiiyak. And it feels, weird. Bakit pakiramdam ko ay naaawa ako sa babaeng 'to? 

"Panaginip lang 'yun Elle." ibinalik ko sa pagiging malamig ang boses ko 

"Hindi, parang totoo. P-Parang nangyari  na sa akin iyon dati ngunit hindi ko lang matandaan." 

"Pwede mo bang ikwento sa akin kung ano 'yun?" tanong ko ngunit umiling siya. 

"A-Ayoko." 

Napailing na lamang ako at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig at gamot pampakalma. Iniabot ko sa kanya ito at tinanggap naman niya ito. 

"Feeling better now?" tanong ko nang inumin niya ito. Agad naman siyang tumango 

"Pasensya na sa abala." sabi niya at yumuko

Parang anghel ang kanyang boses. Kung ihahalintulad ito kay Geneva, halos parehas lang sila ng paraan kung paano magsalita. 

Napailing na lamang ako. Aminin ko man o hindi, I really miss Geneva. I miss my fiance. 

Dati rin siyang mag-aaral dito sa BNA. Ngunit nagtransfer siya ng school 3 years ago. Plano ko sana siyang sundan ngunit nakulong na kaming lahat dito. Isa siya sa maswerteng nakalabas. At isang araw na lamang ay nabalitaan kong namatay siya dahil sa car accident. Kumuha ako ng private investigator na galing sa labas at pinaimbistiga ko ang pagkamatay niya. At ayon sa kanya, matapos banggain ay pinasabog ang kotse. Doon ring napag-alaman na sinadya ito. At si Elle ang driver ng kotseng iyon. 

Tinignan ko ulit ang babaeng ito. Matagal ko na dapat siya pinatay dahil sa ginawa niya, ngunit bakit hinayaan ko pa siyang mabuhay? Bakit binigyan ko pa siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya na inosente? Bakit ko siya inililigtas sa bingit ng kamatayan? 

Anong meron sayo Ellery Kim? 

"Kung plano mo siyang patayin, wag muna. Dahil gusto ko pang makilala ang totoong siya." 

Maging si Minzy ay interesado sa pagkatao niya. Ano nga ba ang totoong siya? 

"M-May problema ba?" 

Nang mapagtanto ko na nakatitig na pala ako sa kanya ay agad kong inalis ang tingin sa kanya 

"Bukas ng umaga ay makakabalik na tayo sa dorm. Hopefully." sambit ko at naglakad palayo sa kanya. Napakuyom ang aking kamay nang maalala ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami. 

Aish! Ang matandang iyon. Gumagawa talaga siya ng paraan upang sirain ang mga plano ko. Well if he thinks that he can stop me easily, then he's wrong. 

Because my attitude is much worse than my name. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

59K 2.5K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...
14K 122 11
Read at your own risk. I mean if sanay kayo sa mga cringey moments or sweet or whatever then gorabells lang beks. O kung eto talaga ang sadya mo sa u...
362K 15.1K 64
PURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't even need a sword---a scythe to take a lif...