I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.3M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 17

2.1M 53.7K 60.3K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 17]


"Bakit nga hindi pwede?" tanong ni Sonya mukhang naiirita na siya sa kuya niya. napaiwas naman ulit ng tingin sa'kin si Juanito tapos napalunok siya.

"H-hindi pwede... dahil nakatakda pa ang kasal namin, b-baka kung anong isipin ng ibang tao kapag nakita nilang nakikipagusap sa ibang lalaki si Binibining Carnelita" sagot ni Juanito. Hindi ko alam kung maiinis ba ko o malulungkot dahil sa sinabi niya...

"Sonya mahal, tama naman si Juanito baka kung anong isipin nila kapag nakita nilang nakikipagusap sa iba si Binibining Carmelita, hayaan mo bibigyan ko na lang si Binibining Carmelita ng mga kaibigan kong binata na pwedeng makipagsulatan sa kaniya" sabi ni Ignacio at pinapakalma niya si Sonya, Ohmygaash! Bibigyan niya ko ng ka-pen pal? Whut the!

"Ignacio... wag na lang hindi naman kailangan ni Binibining Carmelita ng susulatan niya, hindi siya nakakatugon agad sa mga sulat" narinig kong sabi ni Juanito sabay tingin sakin at binigyan niya ako ng um-oo-ka-na-lang-look. Gosh! Tatay ko ba siya? bakit siya nagdedesisyon? at mukhang pinaparinggan niya ko ah.

"Ganun ba? Sayang may kaibigan pa man din akong Espanyol na gustong makaasawa ng Pilipina" sabi pa ni Ignacio. Omygash!

Hindi ko namalayan na nanlaki pala ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Ignacio... Omg! Pwede ko na siguro pagtiyagaan at patulan yung espanyol na sinasabi ni Ignacio para makatakas na ko kay Juanito at Leandro.

"T-talaga? Anong pangalan niya------" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nag-ehem ng malakas si Juanito at paglingon namin sa kaniya nakatingin siya ng diretso saken. Omg! Kakatayin niya ba ako ng buhay?

"Mas mabuti kung Pilipino lang din ang iyong mapupusuan, hindi makakapayag ang iyong pamilya na mapalayo ka sa kanila" sabi ni Juanito. Napataas naman yung kilay ko at kilay ni Sonya. Bakit ba nakikisabat siya sa usapan namin nila Ignacio at Sonya? Tsk. Tsk. Tsk.

"Wag kang magalala Carmelita kukumbinsihin ko si Don Alejandro at Donya Soledad" excited na sabi ni Sonya at napatango silang dalawa ni Ignacio, Gosh! Mukhang umaayon na sakin ang tadhana ah!

Magsasalita sana ako kaso biglang umubo na naman ng malakas si Juanito, may TB ba siya? lakas makahawa ah. "H-hindi maari...!" reklamo niya, tiningnan naman namin siya ng masama.

"Bakit na naman hindi pwede?" reklamo ni Sonya napa-pamewang siya. "B-basta! Hindi pwede!" sagot ni Juanito tapos binigyan niya si Sonya ng shut-your-mouth-look.

Magrereklamo pa sana si Sonya kaso napatahimik siya kasi mukhang ang kuya Juanito pa din niya ang masusunod. Haays. Namiss ko tuloy maging panganay, namiss ko maging boss haha.

"Tsk. Tara na nga" sabi na lang ni Sonya at naglakad na sila ni Ignacio papunta sa grupo ng mga kalalakihan at nagsimulang magkipagkwentuhan sa kanila.

Naiwan naman kami ni Juanito sa tapat ng bintana. Tsk. Ano bang klaseng celebration to? Si Juanito, Sonya, Ignacio at Kapitan Corpuz lang ang pwede kong makausap dito haaays.

Ilang sandali lang naramdaman kong lumapit ng konti si Juanito sa tabi ko "kamusta? Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos" narinig kong sabi niya, in-erapan ko lang siya. Wow ah! parang kanina lang ang lakas niya maka-tatay diyan tapos ngayon parang wala nangyare? 

"Si kuya Sergio na ang umako sa pangangalaga kay Cristeta at sa pamilya ni Mang Pipoy" sabi pa ni Juanito. Hindi ko pa rin siya pinansin. Nakakainis kase!

"Hmm... buti na lang suot mo ang kuwintas na bigay ko sayo, mas lalong iyang nakadagdag sa iyong kagandahan" sabi pa niya. Huwwwaaat? Ano daw?

Sa totoo lang never ako kinilig o napangiti sa mga pick-up-lines o sa mga cheesy words pero bakit ganun? Napunta lang ako sa panahong ito naaapektuhan na din ang perception ko sa buhay Waaahh!

Bigla akong lumingon sa bintana, at napangiti gosh! Ayokong makita niya na kinilig ako sa sinabi niya Waaahhh!

Gosh! Mula nung binigay sakin ni Juanito yung kuwintas never ko na inalis sa paningin ko yun, baliw na ata talaga ako haha.

"Alam ko na, tara! May pupuntahan tayo" sabi niya sabay hawak sa kamay ko, aangal pa sana ako kaso parang automatic na sumunod yung mga paa ko. Omg! Anong nangyayare saken?





"Anong ginagawa natin dito?" reklamo ko, nandito kami ngayon sa tapat ng bintana sa library ng UST. Gabi na din bakit niya ako dinala dito?

"Hindi ba't paborito mo ang magbasa ng mga libro?" narinig kong tanong niya, buti na lang maliwanag yung moon kaya nakikita ko pa din yung mukha niya. "Sino nagsabe?" tanong ko, tsk pabebe mode ako ngayon, war kami kanina kaya papanindigan ko muna kahit saglit char haha.

"Ayon sa mga taong malalapit sayo" nagtatakang sagot ni Juanito. Shocks! Oo nga pala! Ako pala si Carmelita sa panahong to haays. "Bakit? Hindi mo na ba hilig ang magbasa ng mga libro?" tanong pa ni Juanito.

"Uh--- Hindi naman... medyo hindi ko lang trip sa ngayon" Ohmygash! Carmela! Di pa uso salitang trip-trip sa panahong to! Ughh!

Nakita ko namang napakunot yung kilay ni Juanito, pakiramdam niya siguro abnormal ako. "Ah---ang ibig kong sabihin nawawala na yung hilig ko sa pagbabasa" palusot ko na lang kahit pa hindi naman talaga ako bookworm.

"Posible bang tuluyang mawala ang hilig ng isang tao?" nagtatakang tanong ni Juanito, ang dami naman niyang tanong, haays, naiistress na ko sa kakaisip ng isasagot eh.

"Oo naman... lalo na kung ang bagay na yun ay magpapaalala lang sa kaniyang nakaraan, Pwede ring isang araw pagising niya bigla lang siya tinamad sa buhay, o kaya naman isang araw pagmulat ng mata niya bigla na lang nagbago ang lahat sa buhay niya at naging ibang tao na siya" sagot ko, hindi ko namalayan na nadala na pala ako ng damdamin ko.

Pano kase nitong mga huling araw binabagabag ako ni Carmelita at ng sarili ko. Haays.

"May punto ka sa mga sinabi mo ngunit hindi tuluyang mawawala ang pagkahilig ng isang tao sa isang bagay o gawain, maaaring mabawasan lang sa paglipas ng panahon pero hindi ibig sabihin nito tuluyan na niyang nakalimutan ang pagkahilig sa bagay na iyon" paliwanag ni Juanito. Tumango na lang ako, wala na kong magagawa hahaba pa yung usapan kung makikipagtalo pa ko sa kaniya, hindi rin naman niya ako maiintindihan.

"Oo na... Oo na ikaw na ang panalo... Teka nga! Ano bang ginagawa natin dito?" reklamo ko, kanina pa kami nakatayo dito sa tapat ng bintana, wala bang pintuan dito?

Napa-smirk naman si Juanito, Wow! ah infairness kahit madilim ang paligid nakita ko pa din yung mga ngipin niya. haha.

"Oh? Nagtataray ka na naman... ibig sabihin Carmela na ang pangalan mo ngayon?" pang-asar ni Juanito. Wow ah! Mukha tuloy akong may split personality niyan eh.

In-erapan ko na lang siya, mukha namang nakita niya yung pag-ikot ng mata ko kasi tumawa lang siya, haays, ikinasasaya niya talaga ang asarin ako eh.

"Tama na yan Carmela... Tara pumasok na tayo" narinig kong sabi pa niya, Gosh! Hindi ako sanay na Carmela yung tawag niya saken Omg!

Teka nga! lasing ba siya? nag-drugs? o baliw lang talaga?

O baka ako yun? kasi wala naman akong pintuang nakikita.


Magrereklamo sana ako kaso bigla siyang dumapa sa sahig, yung parang mag-luluksong baka. "Sampa na, bilisan mo baka may makakita satin dito, itulak mo lang yung bintana hindi iyan nakasara" sabi niya, Omg! So mag-tetrespass kami sa library ng UST?

Gosh! Carmela dontcha worry di pa naman uso ang alarm sa panahong to, kahit masira mo yung bintana ngayon walang tutunog na alarm diyan. Chill lang.

Tatanggi sana ako kaso biglang nagsalita ulit si Juanito naka-luksong baka position pa din siya hanggang ngayon, Omg! Baka makuba siya niyan.

"Wag mo sabihing hindi mo kaya umakyat ng bintana?" pang-eecheos niyang tanong. Psh, masyado siguro siya naamaze sakin nung umakyat ako sa bintana ng kwarto niya dati tsk. Tsk.

"Tss... ako? sisiw lang sakin yan! Humanda ka Ginoong Juanito, baka di ka makalakad bukas dahil mababalian ka ngayong ng buto" pang-asar ko sa kaniya tapos bumwelo ako saka tumapak sa likod niya at inabot yung bintana. Tinulak ko ng konti yung bintana at agad naman itong bumukas ng konti, sinampa ko na yung isang paa ko sa bungad ng bintana saka gumulong papaloob.

Kaso pagdating ko sa loob bigla akong naistatwa... OMAYGASH! SOBRANG DILIM! WALA AKONG MAKITA! AS IN 0 VISIBILITY TALAGA!

Tatalon na lang sana ulit ako sa bintana kaso nagulat ako nang biglang sumampa na doon si Juanito at huli na para makaatras ako kasi nagkabungguan kami dahilan para matumba kami sa sahig ng library. Gosh!

Nauntog ata yung ulo ko sa matigas niyang ulo huhu.

"B-binibini... ayos ka lang?" narinig kong tanong niya, bigla na naman akong naistatwa kasi naramdaman ko yung hininga niya sa bandang tenga ko. Waaahh! So ibig sabihin nakayakap ako sa kaniya. Omg!

Babangon na sana ako kaso naramdaman kong hinawakan niya yung waist ko para pigilan ako. Gosh! Nakaibabaw nga ako sa kaniya Waaahhh! "W-wag kang gumalaw... baka makatama ka ng gamit dito" narinig kong sabi niya at parang may kuryenteng dumaloy mula sa spine ko dahil ramdam na ramdam ko talaga yung mainit niyang hininga sa tenga ko, Omgg!

Oo nga pala, baka nga makasira ako ng gamit dito sa paligid, wala pa man din kaming makita dito huhu.

"S-sandali lang, dito ka lang, maghahanap lang ako ng gasera" sabi pa ni Juanito tapos naramdaman kong dahan-dahan siyang lumayo sa akin. Hindi ko alam pero sa mga oras na yun ayokong maiwan mag-isa kaya pinigilan ko siya, nahawakan ko yung braso niya. "Saglit... s-sasama ako sayo, ayokong maiwan mag-isa dito" sabi ko, Gosh! Ngayon ko lang naexperience and total darkness. Huhu.

"S-sige basta ipangako mo na dahan-dahan lang tayong gagapang at... hindi ka bibitaw sa kamay ko" narinig kong sabi niya tapos naramdaman ko na lang na hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.

Dugdug.dugdug.

Magkahawak kamay kami habang gumagapang, di naman ako makapagsalita kasi parang baka sa oras na ibuka ko yung bibig ko baka marinig niya yung party party ng puso ko.

Ilang saglit pa naramdaman namin na nasa isang kanto na kami dito sa kwarto ng library, "Nandito lang yun" narinig kong sabi ni Juanito tapos parang may kinakapa-kapa siya sa bandang dulo ng kanto at ilang sandali lang may liwanag na umusbong sa buong paligid.

Omg! Nahanap at nasindihan na ni Juanito yung gasera. Napapikit muna ako bago ko binuksan ulit yung mga mata ko, Gosh! Ngayon ko lang narealize na sobrang importante talaga ng ilaw at sobrang swerte ko dahil nabuhay ako sa modern world na kung saan isang switch or click mo lang may ilaw at maliwanag na ang buong bahay.

"Buti na lang hindi pa tinatapon ni Ginoong Valdez itong gaserang to" narinig kong sabi ni Juanito habang nakangiti at mukhang proud na proud dahil nahanap namin yung gasera----ay este siya pala yung nakahanp nun, samantalang nag-inarte lang ako chos.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya "Bakit? May dumi ba sa aking mukha?" nagtataka niyang tanong at dahil dun napakurap-kurap ako. Gosh! Carmela! Huwag mong ilaglag ang sarili mo! Waaahh!

"Huh? w-wala, m-masyado lang sigurong nabigla yung mata ko sa biglaang liwanag" palusot ko, napatango naman siya. whew! Mukhang nakalusot ako dun ah.

"Ah-Oo nga pala, anong gagawin natin dito?" tanong ko pa, nakaupo pa rin kami ngayon at... MAGKAHAWAK KAMAY PA DIN!

Gosh! Ngayon ko lang narealize na hindi pa pala niya binibitawan yung kamay ko! Omg! Omg! Omg!

"May libro sana akong gustong ipabasa sa iyo" sabi niya, hindi ko naman alam kung paano ako magrereact kasi mukhang invited na din yung utak ko sa party ng puso ko kanina. Waaahh!

"Kaya lang hindi ko pwedeng ilabas mula dito, at hindi ka naman maaaring pumunta dito dahil para lamang ito sa mga estudyante" sabi pa niya. Gosh! Oo nga pala, all boys pa lang ang nag-aaral sa UST at all boys lang din ang pwedeng mag-college at kumuha ng mga mabibigat na kurso.

Nakatingin na siya sa'kin ngayon, My Goodness! Ano ng gagawin ko? Waaahh!

"Binibining Carmelita... ayos ka lang?" tanong niya pa, Omg! Mukhang hindi nga siya aware na magka-holding hands pa din kami Waaahh!. At dahil sasabog na ang puso't-isipan ko, inalis ko na yung kamay ko sa pagkakahawak niya at nagkunwareng nag-sneeze.

"Masama ba ang iyong pakiramdam?" narinig kong tanong niya pa, haays. Parang mas gusto kong hawak niya yung kamay ko ah---Omg! No! No! No!

"H-hindi naman, hindi lang ako sanay sa alikabok ng mga libro dito" palusot ko na lang, napakunot na naman yung kilay niya "Hindi ba't may sarili kang silid-aklatan sa inyong bahay?" tanong niya. Shocks! Book lover nga pala si Carmelita! Waaahh!

"Uh--- madalas naman kasi linisin ni Theresita ang silid-aklatan namin dahil ayaw din ni ina sa alikabok" palusot ko pa ulit. Gosh! Napatango naman si Juanito mukhang na-convinced ko naman na siya.

"Sabagay, mukha ngang matagal na rin bago nakatikim ng paglilinis ang silid-aklatan na ito, abala na siguro ang tagapamahala dito, si Ginoong Valdez" sabi pa niya. Whew! Buti na lang na-kekeri ko na makalusot sa mga tanong ni Juanito.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at inilahad niya yung palad niya sa tapat ko para tulungan akong tumayo.

Gosh! Buti na lang konti lang yung liwanag dito... hindi niya makikita na nag-bublush na ko Omg!

"Halika" narinig kong sabi niya tapos dinala niya yung gasera, agad ko namang inabot yung kamay ko sa kamay niya at dinala niya ako papunta sa mga bookshelves. Dugdug. Dugdug.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang itsura ng library ng school ko dati... Omg! "Dito tayo" sabi pa niya tapos kumaliwa kami at nagtungo sa pinakadulong shelves.

Kinuha niya yung isang libro na nakalagay sa pinakataas na shelves. Buti na lang matangkad siya, sisiw lang sa kaniya.

"Heto... basahin mo ito" sabi pa niya sabay abot sa'kin nung makapal na libro. Napakunot naman yung kilay ko. "Hindi ko pwedeng ilabas to" sagot ko, nako! Kung nasa modern world ako for sure mababanned na ko sa library dahil sa pagkuha ng libro doon.

"Hindi mo naman kailangang ilabas iyan, maaari mo namang basahin dito" sabi pa niya, mas lalong napakunot yung kilay ko feel ko nga magkadugtong na sila ngayon. Whuut? Grabe naman siya... baka abutin ako ng 100 years dito sa sobrang bagal ko bumasa. At take note, mukhang written in Spanish pa yung librong binigay niya, di ko din mababasa yun haaays.

at dahil mukhang nasa alanganing sitwasyon na naman ako I need to make palusot again huhu.

"M-medyo nahihilo ako ngayon, h-hindi ko kayang basahin lahat yan" palusot ko, Gosh! sana gumana!

"Sasamahan naman kita... wag kang magalala" sabi pa niya sabay ngiti. Gosh! So willing siya samahan ako dito ng 100 years?

Napaupo na lang ako at napasandal sa bookshelves, haays. Ewan ko ba parang bigla akong nalungkot namimiss ko sila lola Carmina, daddy, jenny at Emily. Mahigit isang century din ang layo ko sa kanila.

"Binibini? May problema ba? Handa naman akong samahan ka" narinig kong sabi pa ni Juanito tapos umupo na din siya sa tabi ko at inilapag niya yung gasera sa tapat namin. Napahinga naman ako ng malalim at napatingin sa kaniya.

"Bakit ba lagi mong sinasabi na sasamahan mo ko?" tanong ko, sa sobrang busy niya lagi pa din siya nandyan at bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan-saan.

Napahinga din ng malalim si Juanito at napatingin sa gasera. "Hindi ko alam, Pakiramdam ko kasi parang malungkot ka, sabi nga nila lagi ka lang daw mag-isa at nakakulong sa kwarto, si Sonya at Helena lang ang kaibigan mo... buti na lang nandito na ko kaya tatlo na kaming kaibigan mo" sagot niya sabay ngiti, yung nang-aasar na ngiti. Kaazar! Seryoso ako eh tapos nangtitrip lang siya diyan psh.

"Tsk. Sa umpisa lang yan, hindi mo naman ako masasamahan palagi, walang forever----ah! Ang ibig kong sabihin walang panghabambuhay" sagot ko, binigyan naman ako ni Juanito ng Owwss-talaga-look.

"Siguro nga hindi palagi pero hindi ibig sabihin hindi kita masasamahan kahit anong oras o kahit anong araw... kahit pa sa ayaw o sa gusto mo" sabi pa niya. binigyan ko naman siya ng are-you-kidding-me-look.

"Bakit mo naman ako kailangan samahan? Kaya ko naman mag-isa" banat ko pa. napangiti lang si Juanito, anong nakakatuwa sa sinabi ko?

"Wala lang... gusto ko lang kasama ka at wag ka nga magtapang-tapangan diyan, walang taong kayang mabuhay mag-isa" sabi pa niya, Aba! So uso na din pala yung quote na 'No man is an island' 

"Kaya wag ka ng umangal, sasamahan kita kahit saan at kahit kailan" dagdag pa niya sabay tingin ng diretso sa mga mata ko.

Dugdug.dugdug.

Stop! Carmela!

Magrereact pa sana ako kaso nagsalita na naman siya at binuklat niya yung librong inabot niya sa'kin kanina "Simulan mo ng basahin... gusto kong marinig ang boses mo habang nagbabasa" sabi pa niya, napalunok ako sa sinabi niya. Omygash!

Parang may mga butterflies na nagliliparan sa tiyan ko and Gosh! Bakit pinagpapawisan ako? hindi naman mainit dito sa library ah... Omg!

"A-ayoko nga, bahala ka diyan" sabi ko sabay tayo tapos nagpaka-busy ako sa pagtingin-tingin sa mga libro. Nakita ko namang nakaupo pa din si Juanito at nakatingin siya sa'kin habang nakangiti pa din... Gosh! Bakit siya naka-smile?

"Sayang naman, maganda pa naman ang librong iyan, koleksyon iyan ng mga tula, awit at maikling kwento tungkol sa pagibig" sabi pa niya, napaupo naman ako ulit sa tabi niya at dinampot yung libro. Gosh! Paano ko maaapreciate to eh hindi nga ako marunong magbasa ng Spanish.

"Bakit naman libro tungkol sa pag-ibig ang gusto mong ipabasa sakin?" reklamo ko, tapos sinara ko na yung libro. 

"Hilig ng mga kababaihan ang mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig... hindi ba?" sagot naman niya. tinaasan ko naman siya ng kilay. Abaaa! So sinasabi niyang adik sa mga love stories ang mga babae... well totoo naman pero mas makulay ang pag-ibig ng mga girls noh.

"Hindi lahat ng babae mahilig sa kwentong pag-ibig noh" banat ko pa, napa-crossed arms naman si Juanito pero nakangiti pa din siya. Aba! Nang-aasar talaga.

"Bueno, sinasabi mong naiiba ka sa kanila?" banat din niya, at dahil dun napa-crossed arms din ako at taas noong nagsalita "Oo naman!"

Di ko nga lang masabi na... Oo naman naiiba ako sa kanila kasi hindi naman ako originally nagmula sa panahong to.

"Paano mo naman nasabi?" pang-eecheos niya.

"Mas gusto ko kasi yung mga labanan at maaksyong palabas" sagot ko. Naalala ko pa nga na nag-movie marathon kami ni Jenny ng mga action movies ni Jackie Chan dati eh dahil sa sobrang naadik kami sa kaniya haha!

"Palabas? Ang ibig mo bang sabihin mga tanghalan?" tanong niya, tapos parang nag-iisip siya ng mabuti "Kaya ba nawawala ang iyong hilig sa pagbabasa ng libro dahil nahihilig ka na ngayon sa aktwal na palabas o tanghalan sa teatro?" tanong niya pa. Oh Gosh! Theater acting ba yung sinasabi niya?

"Oo?" sagot ko na lang, bigla naman siyang napangiti. "Wag kang mag-alala sa linggo ipapaalam kita kay madam Olivia at manonood tayo sa teatro" sabi pa niya. OMG! As in magdadate kami?

Tumango na lang ako, wala naman akong magagawa mukhang mapapapayag naman ni Juanito si madam Olivia at bukod dun... parang gusto ko din mamasyal sa Sunday. Waaahh!

Naeexcite na ko!

Ooop! Carmela wag masyado excited baka hindi na naman matuloy ang date----ah! Este ang gala niyo. Haha.

Pansamantala kaming napatahimik, wala na kong masabi, ayoko pang umuwi at mukhang ayaw pa din niya umuwi. ilang minuto pa ang lumipas... kinuha niya yung libro at binasa ito sinusubukan kong sulyapan siya kaso bigla din siyang titingin pabalik sa'kin. Gosh! Ngayon ko lang napansin ang tangos pala talaga ng ilong niya at ang manly ng jawline niya, ang ganda rin ng mga mata niya... at ang pula ng lips niya... parang ang sarap halikan-----SHEMS! CARMELA UMAYOS KA! Erase! Erase! Erase! Go away bad thoughts! Gosh! Baka may masamang espiritu na talaga ang sumasapi saken! Huhu.

At dahil sobrang nakakabingi yung katahimikan nagsalita na ako "J-juanito... anong paborito mong kwento?" tanong ko, Ohmyy! Mas masisiraan ata ako ng bait kapag tahimik lang kami at hindi ko mapigilan ang sarili ko... baka kung anong magawa ko sa kaniya Nooo!

Napalingon naman sa'kin si Juanito at napaisip "Hmm... hindi ako gaano mahilig sa kwento, mas gusto kong magbasa ng mga tula at mga aklat tungkol sa medisina" sagot niya. napatango-tango na lang ako. okay... so... ano na? wala na kong masabe...

"Gusto mo bang malaman kung anong paborito kong tula?" sabi pa niya, tumango na lang ako ulit. Gosh! I'm speechless.

"Ang tulang ito ay alay ng isang lalaking manunulat sa isang babaeng nagugustuhan niya" panimula niya pa, napaisip naman ako, Hmm... mukhang siya ata yung adik sa love stories eh. Tsk tsk.

"ako'y sayo at ika'y akin
Iyan ang nakasulat sa mga bituin,
Balutin man ng mga ulap ang langit
Wala pa ring makapipigil sa atin.

Sa paglubog at pagsikat ng araw
Pinapangarap ko ay ikaw
Sa gitna ng gutom at pagkauhaw
Inaasam ko ay ikaw

Pangakong sayo'y binitiwan
Na kailanma'y hindi ka iiwan,
Asahan mong puso ko'y tapat
Pagmamahal ko sayo'y higit pa sa sapat"

Hindi ko namalayan na napanganga ako sa sobrang amaze sa tulang binigkas ni Juanito, damang-dama niya yung bawat salita sa tula. Grabe! At dahil dun napapalakpak ako dahil sa galing niya. For sure mag-chachampion siya sa contest ng pagbigkas ng tula.

"Ikaw Binibini... ano naman ang iyong paboritong kwento o tula?" tanong niya. Gosh! It's my turn naman... Omg! Omg! Omg! Kailangan may masagot ako, certified bookworm level 101 si Carmelita... hindi pwedeng wala siyang maipagmayabang na nabasa niya.

Eh kaso ako naman talaga yung walang maipagyayabang eh Waaahh!

Isip! Isip! Isip!

Ah! Alam ko na!

"Paborito ko yung palabas na Enchanted" sabi ko sa kaniya, Gosh! Di ko alam tagalog ng enchanted kaya bahala siya. haha!

"Parang ngayon ko lang narinig iyan? Kailan at sino ang nagsulat----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi sinuway ko siya.

"Ssshh.. basta, kaya nga ikwekwento ko na lang sayo eh, hmm... tungkol ito sa isang babae na nakatakdang ikasal sa isang prinsipe pero tutol ang madrasta ng prinsipe at inihulog ang babae sa isang mahiwagang balon na nagdala sa kaniya papunta sa ibang mundo, sobrang takot na takot siya dahil hindi siya sanay mabuhay sa mundong iyon buti na lang nakilala niya ang   isang mabuting ginoo at tinulungan siya nito, at sa paglipas ng araw natutunan niyang mabuhay ng masaya at magustuhan ang mundong iyon, kaya lang nalaman niya na may iba na palang napupusuan yung ginoo pero alam niya sa sarili niya na may gusto na rin ang ginoo sa kaniya, sinundan at nagkita naman sila ulit ng prinsipe na papakasalan dapat niya kaya lang hindi na niya ito mahal, umiibig na siya sa ginoong nakilala niya sa mundong kakaiba sa kinalakihan niya, magkaiba man sila ng mundo pinagtagpo pa rin sila ng tadhana upang mahulog sa isa't-isa" paliwanag ko at di ko namalayan na nakatulala pala ako sa gasera habang nagkwekwento. Napatango at napapalakpak naman si Juanito.

Haays. Di ko alam na mangyayari din pala sakin yung nangyari kay Giselle sa Enchanted. Napunta din ako sa mundo o panahong hindi ko nakasanayan, pero sa pagtagal ng pananatili ko dito, nasasanay na din ako at hindi ko rin maitatanggi na sobrang makulay at mayaman ang kultura at tradisyon ng Pilipinas.

"Anong nangyari sa dulo? Nagkatuluyan ba sila?" tanong ni Juanito, mukhang interesado siya sa kwento ah.

"Oo nagkatuluyan sila... pero palabas lamang iyon, sa totoong buhay hindi sila ang para sa isa't-isa dahil magkaiba ang kanilang mundo hindi sila pwedeng magkatuluyan" sagot ko at napatingin ako kay Juanito na ngayo'y nakatingin din ng diretso sa mga mata ko.

Posible kayang magkatuluyan ang dalawang taong nagmula sa magkaibang panahon?

at magkaroon din ng happy ending ang kwento namin katulad ni Giselle at Robert sa Enchanted.

Nagulat kami nang biglang bumukas yung pinto dali-daling pinatay ni Juanito yung gasera at hinila niya ako papalapit sa kaniya, nakasiksik kami ngayon sa sulok sa dulo ng shelves habang hawak niya yung bibig ko. ramdam na ramdam ko yung heartbeat niya dahil nakadikit yung dibdib niya sa likod ko. Omg!

Dugdug. dugdug.

Nakita naman naming may kinuhang libro yung matanda sa gilid lang ng pinto at umalis na din siya.

pagkasara nung matanda sa pinto back to 0 visibility ulit. wala akong makita huhu.

"Buti na lang hindi tayo nakita ni Ginoong Valdez" narinig kong sabi niya at parang nakuryente yung buong katawan ko dahil naramdaman ko yung hininga niya sa bandang leeg ko.

Omygaashhh!!!

at dahil napapraning na ako agad akong lumayo sa kaniya pero nahila ako pabalik kasi natatapakan pala niya yung dulo ng palda ko dahilan para matumba kami.

tumama yung labi ko sa hindi ko malaman kung anong parte yun ng mukha niya pero nagulat ako nang biglang nagkaroon ng aninag ng liwanag sa paligid...

at bumungad sa tapat ko ang gulat niyang mukha, nanlaki din yung mga mata ko nang marealize ko na magkatapat yung mga lips namin.


~Di na maalala
pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw,
laging ikaw, ang aking nakikita, Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama~


~Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala
'di ko malaman ang sasabihin ko~


~Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
'di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito~

~Pag-ibig na kaya ito?
(Pag-ibig na kaya ito?)~

~Pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan~ 


WAAAAAHHHHHH!!!


OH MY GOSH!!!!


Dear Diary,

ANONG GAGAWIN KO?

NAHALIKAN KO SA LABI SI JUANITO ALFONSO!!!


NATATARANTA,
CARMELA!


***********************

Featured Song:

'Pag-ibig na Kaya' by Christian Bautista & Rachelle Ann Go


"Pag-ibig na kaya" by Rachelle ann Go and Christian Bautista

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.3M 290K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
24.6K 185 7
ILYS1892Tambayan2 Tinipon tipon ko ang mga pinaka magaganda at tumatak sa ating puso na mga linya(sinabi) ni Ginoong Juanito at Binibining Carmela. H...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
21.6M 257K 71
Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credit...