Somebody Out There

By maymae

5.9K 68 18

“Kung kayo talaga ang para sa isa’t isa… kayo talaga. Pero kung hindi…wala tayong magagawa kundi tanggapin na... More

Somebody Out There
Characters Info :)
CHAPTER 1- DAYS I CAN'T FORGET
CHAPTER 2- SENIOR LOVE
CHAPTER 3- ROSE AMONG THORNS
CHAPTER 4- SNOW WHITE
CHAPTER 5- I JUST WANNA SEE HIM
CHAPTER 6- SMILE
CHAPTER 7- MODERN FAIRYTALE?!
CHAPTER 8- CONFUSED HEARTS
CHAPTER 9- THE VOLUNTEERS
CHAPTER 10- CABOOZE! REOPENING
CHAPTER 11- TRIPLE DUETS
CHAPTER 12- MS. SUNGET TURNED ANGEL
CHAPTER 13- FOREVER SPEECHLESS
CHAPTER 14- JELLY
CHAPTER 15- MY FAVORITE GIRL
CHAPTER 17- VISITORS
CHAPTER 18- DIFFERENT KIND OF WORLDS
CHAPTER 19- MY BF IS CAPTAIN BARBELL
CHAPTER 20- STUPID'S MISSION
CHAPTER 21- PANIC MODE
CHAPTER 22- DARKEST NIGHT
CHAPTER 23- ADVENTURES OF ANGELES SIBLINGS
CHAPTER 24- KSP
CHAPTER 25- WHY?
CHAPTER 26- CAN'T WIN OVER YOU
CHAPTER 27- I'M THE NEW TG

CHAPTER 16- MYSTERY SIMCARD

117 1 0
By maymae

YNA’S POV

Ang daming couples dito ngayon sa bar

Isama niyo na sila Justin at Kaylie. Happy ending na siguro ang fairytale ng lola’t lolo niyo! I’m so happy for them.

Buti pa sila

Di ako inggit ha! XP

Waaaaaa!!!

I’m such a lonerrrrrrrr

-____-

Nakaupo ako mag-isa dito sa isang table

Nanonood lang ng performances ng live bands.

Sila sis kasi eh! Iniwan ako

T_____T

Oo na joke lang! Hayaan na nga natin sila

Nasaan na si Tatay Ernesto?

Eh si Buchoy?

Akala ko kasi pupunta sila ehhhh!

“Ang tagal naman nilaaaaaaaaaa!!!!”

“AY PUSA!”

Nalaglag wallet ko

pati yung…

Simcard na napulot ni yaya kanina

Masama feeling ko sa simcard na ‘to eh.

Kanino ba kasi ‘to??

Kanino?

Kanino?

KANINOOOOO?!

*Ipasok mo na kasi sa phone mo!

*Ms. Author naman, baka magalit yung may-ari ehh…

*K fine! Tuloy mo lang kakaisip kung kanino yan hangga’t sa magka-uban ka. Balitan mo na lang ako ha! Bye!

*Nubenemeeeeen!!! Sige na nga!

At dahil nga ayokong tumanda kakaisip, in-off ko na yung phone ko

Tinanggal ko na yung battery

AYAN NA! Papalitan ko na simcard ko!

then… ON!!!

<tooooooooot! toooooooooooot! toooooooooot! tooooooooot! tooooooooot! toooooooot!>

“Maka-tunog lang parang wala ng bukas??”

Dami naman kasing text…

DALI! TANONG NIYO KO KUNG ILAN!

78 new messages received lang naman PO ang nakalagay…

Kung onti sa tingin niyo

Grabe onti lang talaga!

OK puro unknown messages. Babasahin ko ba? Alangan naman titigan ko lang?

Sige na nga sayang time.

From: +63917542****

            Marts, Gerald here. punta aq s club mya… :)) sma kb? nki-txt lng aq s chix. txt bck s # q.

Confirm! Kay Martin nga ‘to. Pinakialaman ko na. Patay tayo dyaaan!

I check the date and time, August 1, 20**, 6PM. Kanina lang? Pero sobrang dami na kaagad messages?

Bukas pa tayo ng iba pa. Sinimulan ko na eh! Edi tapusin.

From: +63906890****

            hi powzz. . . ds s sophie . . . rememberzz? parking lot kanina . kita ul8 tau . jus tx me kung kelan ^__^   

Sophie? Ayos ha. Kukunin lang motor, makikipag harutan pa? Ang jeje pa magtext.

From: +63916374****

            MARTIN!!! Yen Hirsh here! This is my new number. I heard you’re going mamaya sa club, tagal na din di tayo nagkikita ah. I’m so excited!:D see you later ha! missss you so much! :*

Aba puro text galing sa babae nababasa ko??

 Malamang nasa club yun ngayon kasama si Gerald

Paparty party

Mahal pala ako ha! E ano ‘to?

From: +63917001****

            Daddy Marts!  hope to see you in club. wala lang. everybody miss your angelic face. bring us some news ha!

Daddy pedaw! Angelic?! Sus… Di ako naniniwala. Monday na Monday nasa club! May angel bang ganun?

Scroll down scroll down…

Mag-oopen pa ako, sa may bandang dulo.

One cellphone number caught my attention.

Pa-ulit ulit ba naman kasi! Sa kanya ata yung 70 messages dito eh.

From: +63905265****

            Hi Babe, good morning! see you in school! I love you :**

Babe daw?

From: +63905265****

            Babe, look, I’m sorry… kung may nagawa man ako na ayaw mo. magbabago ako! please come back to me… sayang mag aanniversary pa naman tayo next two months :’(

Anniversary? Next two months??

From: +63905265****

            I really love you Martin, I really do…

From: +63905265****

            Wake up! Yna doesn’t love you! Ako mahal na mahal kita… I know nabigla ka lang sa desisyon mo na makipagbreak. Naguguluhan ka lang and I understand that. I will wait for you, babe. Even it takes forever…

Ang dami ko ng nalalaman. Mali ata itong ginagawa ko kasi sumasakit dibdib ko. Parang bang natitinik…

“Baby you light up my world like nobody else~…"

OMG! NAGRIRING PHONE KOOOOO!!

Calling +63905265****. . .

Answer or Reject?

Answer or Reject?

HALAAAAAAA!!!!

ANSWER OR REJECT?!

Oh well ayaw niyo sumagot eh. I just answered it.

“Babe?” sabi nung nasa kabilang linya.

This girl’s voice sounds familiar

I think kilala ko na

Siya lang naman yung babae na nasa may pintuan ng bar

“Adriana?”

“YNA?!”

Nakita na PO niya ako

“Can we talk?” sabi ko sa kanya sabay end call.

Lumapit na siya agad. May padabog dabog pa ng paa ha! Napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

“YOU?! BAKIT IKAW SUMAGOT SA TAWAG KO? WHERE’S MARTIN?!” galit na galit ang lola niyo.

“Nasa pwet ko, nagkakape! Pwede ba, wag kang sumigaw! Magkaharap lang tayo!”

“SAGUTIN MO NA LANG TANONG KO!”

“Eh paano kung ayoko?” lalong nagsalubong kilay niya sa sinabi ko, “Nahulog kasi sa bahay yung sim card niya kaya—“

Hinila niya buhok ko!

“Aray! Karerebond lang nyan!”

“Edi mas mabuti! Flirt! Di ka lang malandi, pakialamera ka pa! Ginugulo mo relasyon namin ni Martin!”

“Ano Adi, sa pagkaka-alam ko, break na kayo di ba?”

“WAG MO KONG MATAWAG TAWAG NA ADI AT DI TAYO CLOSE! LANGHIYA KA TALAGA!”

Sasampalin na sana niya ako

Pero di ko yun hahayaan!

Hinawakan ko yung wrist niya, “Sorry kung may mga nasabi akong di mo nagustuhan.”

Sabay bagsak ng braso niya

Tinalikuran ko na siya, walk out queen ang drama ko. Ayoko makipag-away. Di ako warfreak tulad niya noh.

“Hoy Yna! Di pa tayo tapos kaya wag kang mag inarte dyan! Ano scared ka?”

“EVERYONE LOOK! YOUR MANAGER HERE IS GUILTY SA PANGAAGAW NG BOYFRIEND!!!”

Ayaw niya tumigil ha! Hinarap ko uli siya!

“Alam mo kasi Ms. Andrada, hindi ko kailangang MAKIPAGTALO sayo. Minsan kailangan ko rin MANAHIMIK, at hindi yun dahil TAKOT ako sayo. Kundi dahil ang MATINONG tulad ko ay di dapat PUMATOL sa mga taong…”

Tinignan ko siya from head to toe

 “kaLEVEL ng ASO!”

Hindi siya naka-imik. Ang alam ko lang all eyes are on us.

“Sauce! Scared pala ha? Bakit di ka makapagsalita?” sabi ko.

“Di porke ikaw ang huling nagsalita ibig sabihin nabara mo yung ka usap mo! Malamang nabababawan lang sila sa yo kaya di ka na sinasagot…o kaya sobrang WALANG KWENTA ang tingin sayo kaya ka karapat dapat patulan!”

“Ay oo nga pala. Ordinaryong tao lang kasi ako at hindi ako isang DIYOSA tulad mo… NAPAKAGANDA NGA NG MALA-ULING MONG KILI KILI! Tamang tama! Bagay na bagay sayo yang suot mong sleeveless na fit na fit! GANDA MONG SUMAN TEH! GORABEEEE! Hindi ba, BABE?!”

“BWISET KA! EXCUSE ME NOH! Hindi dapat pala ako dapat pumatol sayo. KASI ang mga MAGAGANDA na kagaya KO ay di pumapatol, sa mga taong INGGITERA, tulad MO!” sabi niya.

Nakaka hingal pala makipag-away!

Feeling ko aatakihin ako ng asthma ko

Nadala ako ng emosyon ko, kailangan kong ayusin ‘to.

“Adi, let’s stop this! I’m sorry sa mga nasabi ko… Hindi naman tayo dating ganito di ba? Nang dahil ba kay Martin kakalimutan mo na yung pinagsamahan—“

Natawa sya, “Bakit? Gusto mo na naman palabasin na ikaw ang inaapi? Oh well sorry nag pero wala akong matandaan sa sinasabi mong pinagsamahan ek ek…Gusto kong malaman mo ba hindi na ako yung dating PANGET NA ADRIANA na pinagtatanggol mo pag binubully! Binago ko sarili ko dahil sa sinabi niya sa akin noonTapos aagawin mo lang ang lahat sa akin? Ginawa ko ang lahat, Yna! LAHAT! Nag pa plastic surgery ako… nag diet… nagpa-inject para pumuti!!!! At lahat ng yun ay para lang magustuhan niya ako! Tapos ganito?! MAGSALITA KA NGAYON!!!”

Nung first year, lagi binubully si Adi dahil sa itsura niya.

Adi is fat

As in sooooo fat

and not that good looking

Lagi ko siyang nakikita mag-isang nanonood sa mga basketball practices nila Martin. Tinabihan ko siya one time, tapos nag-share sya akin na crush niya si Martin, as in SUPER daw…

Since wala syang friends, simula nun, lagi na namin sya kasama ni Kaylie w/ Justin

At nalaman ko pa na bestfriends pala ang mga mommys namin.

Nung mga panahon na yun, wala naman akong pake kay Martin. Ang dami kasing nagsasabi na sobrang chickboy daw siya…

Pero sa mga nabasa kong mga text kanina…

Napatunayan ko na

Muntanga ako na hindi akong di naniwala sa chika

Looks can really be deceiving

Pati na sa mga sweet words niyang sinasabi…

One time, napadpad kami sa basketball court nila Kaylie dahil kakausapin daw ni Justin si Martin

Yun ang araw

na sinumpa ako ni Adi.

ADRIANA’S POV

Kaming dalawa lang sa court. Mag-isa lang siya nagpaparactice, habang ako pinapanood siya mula sa bleachers.

Is this the perfect timing?

I approached him, and told him everything I liked about him then said, “I love you Martin…”

 “Yuck naman, sino ka ba? Ang pangit mo!” sabay tulak sa akin ng malakas.

Napa-upo ako sa sahig

Syempre ang sakit ng pagkakatulak niya eh…

Pero ang mas masakit nung sinabi ni Martin na…

“Hindi ako pumapatol sa panget. Mga… kasing ganda ng isang

Yna Mendrez ang standards ko :)))” sabay shoot ng ball.

“Bakit? Gusto mo na naman palabasin na ikaw ang inaapi?” sabi ko sa kanya “Oh well sorry pero wala akong matandaan sa sinasabi mong pinagsamahan ek ek…Gusto kong malaman mo na hindi na ako yung dating PANGET NA ADRIANA na pinagtatanggol mo pag binubully! Binago ko sarili ko dahil sa sinabi niya sa akin noonTapos aagawin mo lang ang lahat sa akin! Ginawa ko ang lahat, Yna! LAHAT! Nag pa plastic surgery ako… nag DIET na halos ikamatay ko… nagpa-inject para pumuti!!!! At lahat ng yun ay para lang magustuhan niya ako! Tapos ganito?! MAGSALITA KA NGAYON!!!”

“Pero… soon… we’ll get married…” sabi ni Yna sabay lungkot ng mukha niya.

M-M-MARRIED?!

SOON?

Ha…ha…ha

Wala na

wala na akong pag-asa…

“Edi maganda. Cong…rats… Perfect… match talaga…Kelan ang kasal?”

“Kung pwede nga lang bukas na eh”

“Martin?” sabay naming sabi ni Yna.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero tears started falling in Yna’s eyes.

She needs a friend…

She needs… me?

YNA’S POV

I felt cheated.

I know! Hindi kami.

Pero ang sakit malaman na una pa lang niloloko ka na ng taong nasasabing—

Tumakbo na ko palabas ng bar at nagtitingan na mga tao sa akin.

Ang kulit kasi nitong luha ko ehhhh!!! Tulo ng tulo!

“YNA! YNA!”

BAHALA KA DIYAN! TT__TT

“YNA!”

Hinawakan nya yung arms ko

“GAANO *sniff* KATAGAL MO NA*sniff* AKONG NILOLOKO *sniff* MARTIN?! *sniff* ANG DAMI MONG NASASAKTAN*sniff*! NAPAKA SINUNGALING*sniff* MO! O yan*sniff* simcard mong bulok!”

Sinupalpal ko sa mukha niya yang madumi nyang simcard.

“Yna let me explain…”

“No I’ve had enough. Ang pogi mo talaga… Oo nga pala, basketball captain, talented and all! Ang perfect mo nga daw eh! Pwe! Lahat ng nagsasabi nun, LIAR! PARANG IKAW!”

“Dati yun, Yna! DATI YUN! Ikaw na talaga mahal ko!”

“I’m sorry…”

Bakit siya rin napaiyak? (picture sa right)

Ako dapat umiyak dito.

Ang sama ko ba sa kanya?

I really hate the feeling na pinag sinungalingan ka

Niloloko

at yung iiwanan ka lang.

Daddy…

“Si-simula nung… nakilala kita… nag-iba na ako… Totoo… lahat… ng sinabi ko… sayo noon! IKAW LANG ANG BABAENG MINAHAL KO NG TOTOO!”

Sumasama na pakiramdam ko, ang daming nangyari sa loob ng ilang minuto…

Ayoko na siya pakinggan

ayoko na maniwala

 “Sorry Martin… *sniff* bukas na lang tayo mag-usap pwede?”

“Nasa hospital daw si Darren!” —Adi

“TALAGA? Tara Justin, puntahan natin siya!” sabay tayo ni Kaylie at Justin na nasa may bench.

Hospital? NA OSPITAL SI BUCHOY??

---------------------------------------------------------------------

Nakapag-update rin :)))))

Malapit ko na matapos yung Chapter 2 ng "Wanted..."

Support lang kayo ! Comment if may mali... pasensya na medyo busy sa school eh :(

Anyways, maraming thank you :**

Have a nice day :)

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...