Reaching Out

By taekooktrashcan

2.3K 65 119

Single 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan n... More

Reaching Out
Chapter 1 - Type ko?
Chapter 3 - A Chance
Chapter 4 - The Roommate
Chapter 5 - PDA
Chapter 6 - It's All or Nothing
Chapter 7 - Compromise
Chapter 8 - Us
Chapter 9 - Valentine's Day
Chapter 10 - Useless
Chapter 11 - The Break Up (short update)
Chapter 12 - Chinito
Chapter 13 - Moving On
Chapter 14 - Start With Something
Chapter 15 - The House Party
Chapter 16 - Chance
Chapter 17 - The Past and The Present
Chapter 18 - The Truth
Chapter 19 - The Day
Chapter 20 - Snaps!
Chapter 21 - Bourbon Street
Chapter 22 - Journey to the Past
Chapter 23 - Burger King
Chapter 24 - Wine Coolers
Chapter 25 - The Truth About Us
Chapter 26 - Complication
Chapter 27 - Tiffany Teal Box
Chapter 28 - Surprise
Chapter 29 - Ins and Outs
Chapter 30 - Broadway
Chapter 31 - French Holiday
Chapter 32 - Little Red Riding Hood

Chapter 2 - Starting a Friendship

219 7 10
By taekooktrashcan

[Media: Earth Pirapat as Ken]

Kung hindi puno, cleaning in progess. Yun lagi ang status ng mga CR sa school namin. Kaya no choice na naman ako kundi sa GYM CR pumunta. Actually, I like it here. Malinis siya most of the time, regardless of the fact na CR siya sa GYM. Nanalamin ako, naglagay ng konting polbo, nag-ayos ng buhok and nagspray ng pabango. Since nasa GYM ang location nito, iba ang itsura ng CR na to sa ibang mga CR dito sa school. Mas malaki at may mga bench dito kaya free to tambay every time ang mga studyante. Pero this time, I'm alone. Well, at least that's what I know.

Nasa kabilang side ako ng CR since nandun yung salamin at cubicles at sa isang side naman yung mga bench at yung pinto, nang narinig kong may nagsara ng pinto. I didn't mind kasi sanay na ko dahil ginagamit ito ng football players. After doing my business, I decided to go out na. Pero nung palabas na sana ako, napatigil ako sa nakita ko.

"Uhm. Hi, Tan?" bati niya sakin. Wala siyang suot kundi yung boxers lang niya.

"Hi din... Ken." Sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Bakit ayaw mo kong tingnan... Nakakalungkot naman." Sabi niya. Hindi ko alam kung anong itsura nya or kahit yung ginagawa niya pero ang alam ko, pacute pa din yung tono niya.

"Tingnan mo nga yang itsura mo. Try mong magsuot ng damit at pants baka tingnan pa kita." Sagot ko sa kanya. Kinuha ko yung Rayban ko at sinuot ito tsaka ako naglakad palabas.

After a few minutes, narinig ko siyang tinatawag ako. Kaya nilingon ko. Masama na nga ang first impression niya sakin, pasasamain ko pa ba lalo. Bihis na siya, and boy... he looks so adorbs and so cool. Ayan? Erase erase!

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya. Tinanggal ko na din yung sunglasses na suot ko kasi medyo rude sa part nya kung nakatakip yun sa mukha ko.

"I just wanna say sorry for everything that happened today. Sa pagiging mahangin ko kanina, and dun sa unexpected meeting natin sa CR. Promise I wasn't doing anything bad in there. Nagbibihis lang ako kasi pawis na pawis yung football uniform ko." Paliwanag niya. Deep inside natatawa ko kasi ang cute niya. Nagsosorry eh wala naman siyang ginawang mali. Well, bukod dun sa pagiging mahangin niya.

"Ok lang. Tsaka may sinabi ba kong may ginagawa kang masama sa CR kanina? Ikaw ha. Guilty ka." Natawa na talaga ako kasi di ko na talaga mapigilan. Ang sama naman ng tabas ng mukha ng isang to. Sobrang cute hindi ko kinakaya. Wait, I meant that in a good way ah.

"Wala nga! Tan naman eh." Ayan na. Nagpout na ang loko. Sabi na eh. I am so done. Namatay na ata ako.

"Ken naman ehhh." Panggagaya ko sa kaniya na naging dahilan ng pag tawa niya.

"Ang cute mo!" pisil nya sa pisngi ko.

"Aray naman! Hmp. Ewan ko sayo. Jan ka na nga." Kumunot na naman noo ko tsaka ko siya iniwan.

"At least let me take you home!" sigaw niya sakin.

Medyo nainsulto ako sa use of words niya. Kaya kahit alam ko kung ano ibig sabihin nun, aawayin ko siya. Kaya bumalik ako sa harap niya. [Insert evil laugh here]

"Hoy, Ken Anthony Co. Hindi ako 'martilyo, pako, ano tunog' na tipo ng tao. Kaya kung hindi ka na makapagpigil, magsolo ka na lang!" sagot ko sa kaniya habang sinasamaan ko siya ng tingin.

"That's not what I meant... I'm sorry." Umiwas siya ng tingin. Pero bumalik ulit yung tingin niya sakin at ngumiti, "Sabihin mo nga ulit pangalan ko." Request niya.

"Ken Anthony Co." Sagot ko.

"Ken Anthony mo?" bigla siya tumawa nang tumawa, ako naman nainis na kaya sinipa ko siya.

"Packing tape! Go to hell! I hate you!" sigaw ko sa kaniya tsaka ako tumakbo palabas ng school.

Ang sama talaga ng ugali ng Ken na yun. Gusto ko siyang sakalin! Ang lakas ng loob para ganunin ako! May padrama-drama pa sya nung una. Kesyo natatakot daw siyang i-reject ko sya. Aba! Talagang irereject ko siya sa sama ba naman ng ugali nya!

Nako. Walang mangyayari sakin kung pagaaksayahan ko ng panahon yung taong yun kaya matututulog na lang ako at maaga pa pasok ko kinabukasan.

The next day, 7:30 AM ang pasok ko. Edi nagpaka huwarang studyante na naman ako at pumasok ng maaga para di ma-late. Katakot pa naman yung prof dun sa first subject ko. Sana naman di kami magtagpo ng asungot at baka umagang umaga eh masira ang araw ko.

So ayun nga, nandito na ko sa room ng first class ko at naghihintay ng mga kaklase. First week pa lang naman kasi ng pasukan kaya walang masyadong nagsisipasok. Sadyang masipag lang siguro talaga kong pumasok. Syempre pera din yun no. Hindi din kami magkaklase ni Aleli sa subject na to dahil nakuha na niya to. Hindi din naman nagtagal eh dumating na mga kaklase ko at yung prof namin.

Pinag sagot kami ng seatwork oras na dumating siya dahil puro discussion ang ginagawa namin simula nung nagstart ang formal classes. Halimaw ata to, isang bugso yung pagpapasagot ng seatwork. Quiz na ata to sa sobrang haba.

Wala na kong pakialam sa paligid ko kasi kung makikipagdaldalan pa ko baka di ko matapos tong gawain na to, kaya di ko na lang pinansin yung taong late na pumasok. For sure papagalitan to ni Ma'am.

"Good Morning, Mr. Co." Bati ni Ma'am. Hala. Landi ni Ma'am nasa klase eh umaano sa asawa niya. Teka ang hirap magpigil ng tawa. "Dissolved section, huh. Okay. You can sit beside... Mr. Bernardo." Tuloy ni Ma'am.

Hala. Ano daw? Dissolved section? You can sit beside Mr. Bernardo?

Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko at... yun lang. Umupo lang siya. As if naman na masagutan niya to.

"Hi Tan." Sabi ng umupo sa tabi ko. Hala, alam niya pangalan ko. Sino ba to?

"How dare you speak to me. Alam mo, kung hindi mo kayang sagutan to, at least pag sagutin mo ko ng sakin." Masungit kong sagot sa kaniya ng hindi pa rin tumitingin.

"Sungit mo talaga. Bakit ba ganyan ka sa Ken Anthony mo. Nagtatampo na ko." Pacute niyang sabi. Anak ng tokwa. Ken? KEN? K.E.N? Tumingin ako sa kaniya, at sheeeeeeeeeeeeeet oo nga!

Wala. Sira na araw ko. Nilapag ko sa armchair desk ko yung ballpen ko at tumayo dala yung answer sheet ko papunta sa prof namin. Kinuha naman niya ito at sinabihan ako na pwede na kong umalis.

Kinuha ko yung bag ko at sinamaan siya ng tingin. Tuloy-tuloy na din ako lumabas ng room at dumiretso sa study area para maghintay ng time para sa next subject. Bakit ba kapag pinagdadasal ko na di ko siya makita eh, nagkikita kami? Ganun na ba ngayon, Lord? Dapat kabaliktaran yung hinihiling? Nakakaiyak.

"Tan, pwede ka bang makausap?" narinig kong may nagsabi. Yung asungot na naman.

"Ano ba kasing problema mo sakin, Ken at lagi mo akong ginugulo?" nasungitan ko na naman siya. Mahirap magpigil ng inis sa mga taong ganto. Hay nako.

"Wala naman akong problema sayo, Tan. Lagi kitang nilalapitan kasi gusto kong makipag close sayo. Yun ay kung pwede lang naman." Nagulat ako sa sinabi niya. Parang nawala lahat ng inis ko sa kaniya. Wala pang nagbother ng ganito para lang makipag kaibigan sakin. Usually kasi ako ang lumalapit. Let's just say na hindi lang ako sanay.

"Pwede naman..." bulong ko. Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko.

"Eh bakit lagi mo akong sinusungitan?" tanong niya sakin. Bakit nga ba?

"Kasi ang lakas ng hangin na lumalabas sayo. Daig mo pa industrial fan sa lakas." Sagot ko sa kaniya tsaka ako tumawa. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Sorry na po. Hindi na po mauulit." Napatingin ako sa kaniya, nakangiti pa din siya sakin. Naramdaman ko namang nilagay niya yung braso niya sa sinasandalan ko. Yung parang naka akbay siya pero yung kamay niya wala sa balikat ko. Edi ayun, feeling ko nag blush ako kasi tumawa na lang siya.

"Ang cute mo talaga. Tingnan mo oh, namumula ka." Nilapit niya yung kamay niya sa pisngi ko. Akala ko pipisilin na naman niya, pero hinaplos lang niya ngayon. Lalo ata akong namula, kaya umiwas ako ng tingin at binaling ito sa librong binabasa ko.

Hindi na kami nagkibuan. Nagbabasa ako ng lesson para sa next subject ko, siya naman kinokopya yung notes ko sa subject namin kanina. May nilagay siyang isang pirasong papel sa ibabaw ng libro ko tsaka siya bumalik sa pagsulat na parang walang nangyari.

Kinuha ko yung papel tsaka binasa kung ano yung nakasulat.

"I'm reaching out to you...

Can you feel it too?"

Tiningnan ko siya, at nakita kong nakangiti siya habang nagsusulat. Kaya napangiti din ako tsaka ko itinago sa wallet ko yung papel na binigay niya. Ano kayang nakain nitong Ken na to? Pero ang sweet niya. He's reaching out nga naman. Pagbigyan ko na nga talaga. Mukha naman siyang mabait eh.

Nagbell na kaya nag-ayos na ako ng gamit ko nang hinawakan niya yung braso ko. Ang hilig naman nitong manghawak ng basta basta. Nakakagulat tuloy.

"Sabay na tayo." Sabi niya. Ha? Di ko nagets.

"Sabay saan?" tanong ko sa kaniya.

"Pumasok sa next subject. Magkaklase kaya tayo dun. Pwede ba tabi na lang tayo?" sabi niya sakin. Hindi ba talaga nawawala yung pacute niyang tono kapag nagsasalita siya? Nakakapanghina kasi ng tuhod.

"Sige na. Sige na. Tara, baka malate pa tayo." Aya ko sa kaniya, tsaka ako naglakad papunta sa room namin. Kasunod ko lang siya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti. Hindi ba talaga siya napapagod sa pagngiti? Ang creepy kaya minsan.

"Ken, hindi ka ba talaga napapagod kakangiti?" tanong ko sa kaniya nung nakaupo na kami sa second row ng classroom.

"Hindi. Masaya kasi ako. Ikaw, hindi ka ba napapagod kakasimangot sakin?" tanong niya sakin pero nakangiti pa din siya.

"Hangga't di ka tumitigil sa pagiging mahangin sakin, hindi ako titigil sa pag simangot sayo." Nginitian ko siya for one second tsaka ako sumimangot.

"Tan naman eh... Magpapakabait na ko promise." Sabi niya sakin habang hinihila yung manggas ng polo ko.

"Hala. Bakit ka naman nagpa-promise sakin?" tanong ko sa kaniya, nagpacute na din ako para bagay sa sinabi ko. Oh diba? Kala niya siya lang may kaya nun.

"Wala, feel ko lang. Ang cute mo talaga." Nag-hihi yung loko. Kala siguro niya bagay sa kaniya. Pero cute kasi eh. Ewan ko ba! Hay.

Dumating na yung prof namin kaya hindi na din kami nakapag-usap kasi baka mahuli kami mapagalitan pa. Pero sa buong oras ng klase namin, alam kong nakangiti lang siya. Nagkakatinginan din kami paminsan-minsan. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napapangiti din kapag nahuhuli ko siyang nakatingin.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...