I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

125M 2.6M 4.4M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 16

2.1M 52.6K 83K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 16]


"Nagustuhan mo ba... Binibining Carmela?" tanong niya habang nakangiti. Napatulala lang ako sa kaniya.

Binibining Carmela?

Napatingin ulit ako dun sa necklace na regalo niya at nakaukit nga ang pangalan ko! Waaahh!

Teka! Baka nananaginip lang ako?

Tiningnan ko ulit siya pero nakangiti pa din siya. Shocks!


"A-ano to?" tanong ko na lang, nagulat naman ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa'kin at inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Waaahhh! Halos maduling naman ako sa sobrang lapit niya!

Gooooosh!!!

"Naalala mo bago ako umalis sa San Alfonso, sinabi ko sayo na magkita tayo sa daungan dahil may ibibigay ako sayo..." sagot niya, napahakbang naman ako paatras. Grabe! Ramdam ko yung hininga niya. Kahit di pa uso colgate fresh sa panahong to infairness ang bango ng hininga niya. nakakaakit----What?! Erase! Erase! Erase!

"I-ito yung ibibigay mo s-sakin?" Gosh! Carmela! Bakit ka nauutal sa harap niya? Waaahh!

Napangiti na naman siya, haaays! Ano bang tumatakbo sa isip niya? ang hirap basahin ughh. "May nauna akong kuwintas na ginawa na ibibigay ko sana sayo sa daungan...pero parang mas babagay yan sayo, mas bagay ang pangalang yan sa kapilyahan mo" sabi pa niya, napakunot naman yung noo ko at binasa ko ulit yung nakaukit dun sa kuwintas.

Carmela

Teka! So ibig sabihin ang pangalang Carmelita pang-mahinhin at magalang tapos ang Carmela naman... pang-pilya? As in pang-loka-loka?

Aba talaga naman oh!


"A-ano bang pinagsasabi mo?" sabi ko na lang tapos iniabot ko sa kaniya yung kuwintas, nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko at isinara ito sabay balik sa'kin nung kuwintas.

"Hindi mo ba maalala Binibining Carmela?" sabi pa niya na parang nacucurious tapos humakbang na naman siya papalapit sa'kin Waaahh!.

Humakbang naman ako ng paatras hanggang sa tumama na yung likod ko sa balcony, Gosh! Na-corner na niya ako!

"A-ano bang dapat ko m-maalala?" tanong ko ulit at iniiwas ko yung paningin ko sa kaniya, Gosh! Sobrang lapit niya kinakabahan tuloy ako na baka marinig niya ngayon ang tibok ng puso ko Waaahh!

"Lahat ng nangyari sa ating dalawa kagabi" sabi niya. at dahil dun biglang nanlaki ang mga mata ko.

WHAAAAT?

ANONG PINAGSASABE NG LALAKING TO?

MAY NANGYARI SA AMING DALAWA? KAGABI?

Oyy! Wag green minded charot...

Napaisip tuloy ako ng malalim...

Nagkita ba kami kagabi?


"SI Ginoong Juanito lang naman ang nagdala sayo dito, lasing na lasing ka kaya at kung ano-ano lang naman ang pinagsasabi mo sa kaniya" -Josefina.

"Dumating siya kahapon at hinahanap ka niya, nakita naman kitang umakyat papunta sa itaas kaya sinabi kong nandoon ka" -Josefina.


OHMYGASH! So hindi pala ako pinagtitripan ni Josefina Waaaahh!

Shocks! So kasama ko talaga si Juanito kagabi nung lasing ako! Omg! Di ko maalala yung mga sumunod na nangyare huhu.

"Alam mo may alam akong paraan para makaalala ang isang taong nakalimot" narinig kong sabi ni Juanito, naistatwa pa rin ako ng parang tuod sa dulo ng balkonahe. "Ganito lang iyan" dagdag niya pa sabay tinaas niya yung hintuturo niya at tinusok yun sa noo ko.

Napatingin naman ako sa daliri niya na nakatusok sa noo ko, halos maduling na nga ako. "Sa bilang ko ng tatlo makakaalala ka... isa... dalawa... tatlo..." sabi pa niya sabay tawa.

Napakunot naman ang noo ko. Adik ba talaga siya?

"Biro lang!" bawi niya pagkatapos niya humalakhak ng todo. Tapos napa-ehem siya nung mapansin niya na hindi naman ako natatawa. Ang laki siguro ng saltik ng lalaking to?

"Ayos lang naman Binibini kung hindi mo maalala... mas mabuti na siguro iyon dahil baka hindi ka na sa'kin makatingin ng diretso sa oras na maalala mo na" sabi pa niya sabay ngiti yung parang nakakaasar na ngiti. "May nakapagsabi nga sa akin na... sa oras ng kahihiyan mas mabuti nang magpanggap na parang walang nangyari" dagdag pa niya.

Teka! Parang ako nagsabi nun sa kaniya ah!

Omg! So sinasabi niya na nagmamaang-maangan ako? Huwaaat?

Magrereact sana ako kaso nagulat ako nung bigla niyang kunin sa kamay ko yung kuwintas na regalo niya. "Halika... isusuot ko sayo" sabi niya tapos hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at hinarap niya ako patalikod sa kaniya.

Aangal sana ako kaso naramdaman ko na lang na nailagay niya na yung kuwintas sa leeg ko. parang nakuryente naman yung buong katawan ko lalo na yung leeg ko nung naramdaman ko yung kamay niya sa leeg ko My Gosh!

"Tunay na nakakapagpaganda ang mga mamahaling alahas na ginto at pilak ngunit alam kong mas gusto mo ang mga bagay na pinaghihirapan kung kaya't ito ang naisip kong regalo para sa iyo" sabi pa niya, napalunok naman ako dahil sa kaba buti na lang nasa likod ko siya ngayon, namumula ata ako? Waaahh!

Hindi ko akalaing paghihirapan niya ang ireregalo niya sa'kin. hindi ko naman namalayan na nakangiti na pala ako. Stoppit Carmela!

"Oo nga pala, Ito ang una kong gawang kuwintas para sayo" sabi niya tapos may inilabas siya sa bulsa, isang kuwintas na katulad din ng nasa leeg ko ngayon, pero ang pagkakaiba lang ay 'Carmelita' ang nakaukit na pangalan doon.

"Ibibigay ko sana ito sa iyo sa daungan bago ako umalis... kaya lang hindi ka naman sumipot" malungkot niyang sabi. Shocks! Hindi pa pala ako nakakapag-explain sa kaniya Waaahh!.

"Uh--- pasensya na ah, hindi kasi ako nagising ng maaga nung araw na iyon kaya hindi na ko umabot sa pag-alis ng barko" palusot ko na lang, tsk. Kung alam lang niya kung gaano ko talaga pinaghandaan ang araw na yun kaya lang naunahan ako ni Helena...

Teka! Speaking of Helena ang sabi niya sa'kin nung umagang yun ay sasagutin na niya si Juanito ah.

"Maaga akong dumating doon, hinintay kita pero hindi ka naman dumating" dagdag pa niya, Gosh! Bakit ba niya ako kinokonsyensya?

"Oo nga pala, kamusta na kayo ni Helena?" pagsesegway ko at pinilit kong ngumiti. Pero hindi naman ngumiti si Juanito.

"Nakasakay na ako sa barko nang dumating si Helena... akala ko ikaw ang dumating... naghintay lang ako sa wala, maging ang mga liham na ipinadala ko sayo hindi mo rin sinagot" sabi pa niya. so hindi nasabi ni Helena na sasagutin na niya si Juanito... ang sama ko ba kung ngingiti ako sa nalaman ko? Char.

Pero teka! Bakit nagdadrama siya ngayon? Haaays.

"Ah--- yun ba? Ano kase... lagi kaming umaalis nila ina at Maria kaya nakakalimutan kong magsulat sayo pabalik" palusot ko naman. Shocks! Ano ba namang klaseng excuse yan Carmela! Goooosh!

Napatingin naman siya sa langit "Nakalimutan mong gumising ng maaga para puntahan ako sa daungan... nakalimutan mo ring sumulat sa akin... nakalimutan mo rin ang nangyari kagabi... ano pa kayang nakalimutan mo?" sabi pa niya. napatahimik lang ako, tama naman siya. feel ko tuloy ang sama sama ko at ulyanin pa.

"Uhmm... hindi na ko makakalimot... pangako!" sabi ko para kahit papano gumaan naman yung pakiramdam niya. Nakonsyensya na naman ako, imbes kasi na magalit siya sa'kin nung muli kaming magkita nung birthday party ng gobernador-heneral eh masaya niya pa akong binati.

Bigla siyang napapikit, at nang iminulat niya ang kaniyang mga mata bigla siyang tumingin sa akin "Huwag mo sanang kakalimutan na kahit anong mangyari at sa kahit anong lugar hihintayin kita" sabi pa niya.

Dugdug. Dugdug.


Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Kasabay nito, tanging ang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.



Madaling araw na, hindi pa rin ako makatulog at nagpagulong-gulong ako sa kama. Samantalang, mahimbing naman ang tulog ni madam Olivia sa kabilang kama.

Gosh! Mababaliw na ata ako?

Napatitig lang ako sa kuwintas na bigay ni Juanito at nakaukit ang totoong pangalan ko.

Kinuha ko naman sa ilalim ng unan yung isa pang kuwintas na sabi niyang ibibigay niya dapat sa akin noon, yung may pangalan ni Carmelita. Bago kami maghiwalay kanina, inabot din sa'kin ni Juanito yung isa pang kuwintas. Haays! Kung nalalaman lang niya na magkaibang tao si Carmelita at Carmela ughh!

Gosh! Carmela! Hindi ka pwedeng ma-fall kay Juanito!

Remember... si Carmelita naman ang nakatakda sa kaniya dibaaaa?

Pero si Carmela naman ang nakilala ni Juanito... si Carmela na nasa pagkatao ni Carmelita. Pero kahit papano katawan ko pa rin naman to, so ibig sabihin ako pa din ang original Carmela.

Kaya lang paano naman si Helena? Gusto pa din ba siya ni Juanito? Paano ko naman malalaman? Tatanungin ko ba? Haaays. Di ko kaya!

Kung ipupush ko pa din si Juanito kay Helena... paano naman yung feeling ni Carmelita--- yung feelings ni Carmela... I mean yung feelings ko. Huhu.

Gosh! Bakit pa kasi nangyayari sa'kin to?

Tinitigan ko ngayon yung dalawang kuwintas. Sa right hand ko ay yung kuwintas na may pangalan ko, Carmela.

At sa left hand ko naman ay yung kuwintas na may pangalan ni Carmelita.


Teka nga! Oo nga pala! Paano pala nalaman ni Juanito yung totoong pangalan ko? Sinabi kaya ni madam Olivia?

Napatingin naman ako kay madam Olivia na ngayon ay humihilik pa. Haays. Mukhang hindi naman sasabihin ni madam Olivia...

Babangon na lang sana ako para mag-cr nang bigla akong mauntog sa dulong kahoy ng higaan ko. Ouch! Kasabay nun biglang may alaalang pumasok sa isipan ko...


"Binibing Carmelita... anong ginagawa mo dito? B-bakit ka naglalasing?" gulat na tanong ni Jaunito tapos hinawakan niya ang mukha ko. Napakunot naman ang noo ko at tinulak siya.

"Tss... Ano bang pake mo kung gusto ko uminom? noh! *hik* walang makakapigil saken kahit pa isumbong mo ko kay daddy o bawasan niya ang allowance ko wala akong pake!" reklamo ko tapos dinampot ko ulit yung bote ng wine pero wala na palang laman 

"Haaays! Baket naubos to? *hik* inubos mo noh?" reklamo ko pa ulet tapos hinawakan ko yung magkabilang balikat niya at inalog-alog siya. "Ilabas mo yung alak ko! *hik* yun na lang yung natitira sakeeeen!" sigaw ko pa, bigla naman niyang tinakpan yung bibig ko.

"Ssshh... baka may ibang makarinig sayo Binibini, siguradong mapapagalitan ka ni madam Olivia" suway ni Juanito. Pero kumawala ako sa kaniya. " I DON'T CARE! Don't touch me nga!*hik*" reklamo ko pa sa kaniya pero sinuway niya ulit ako at nung tatakpan na naman niya yung bibig ko agad kong kinagat yung kamay niya.

"A-araaay!" reklamo niya tapos hinimas-himas niya yung kamay niya. "Tayo na!" sabi pa niya tapos bubuhatin na sana niya ako kaso pumiglas ako. "Dontcha dare touch me!" reklamo ko naman. Napakunot naman yung noo niya.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo Binibining Carmelita" sabi pa niya tapos binuhat na niya ako kahit nagpupumiglas ako. "Ayaw ko! Daddy! Heeeelp mee!" sigaw ko pa.

"Binibini Carnelita, huwag kang maingay" suway pa ni Juanito, napakunot ulit yung noo ko. "Wag mo nga akong tawaging Carmelita! *hik*Hindi ako si Carmelita!" reklamo ko ulit tapos dinudutdot ko yung pisngi niya.

"Binibini lasing ka lang, mas mabuti kung makapagpahinga ka na" mahinahon niyang sabi. Pero tumawa lang ako at hinila ko yung buhok sa kilay niya. "A-raaay!" reklamo naman niya at dahil dun mas lalo akong tumawa.

"Psh... hindi nga ako si Carmelita! *hik* Isa lang akong dakilang impostora!" sabi ko pa sabay tawa ng malakas yung pang-mangkukulam na tawa. Napangiti naman si Juanito.

"Sige hindi na ikaw si Carmelita... eh sino ka?" nakangiti niyang tanong. Hinahawi ko naman yung buhok niya ngayon. "Ako si Carmela at ito siguro ang parusa ko*hik* dahil sobrang selfish, masungit at lagi kong inaaway si daddy at mga kapatid ko" sagot ko, napa-smirk naman si Juanito.

"Akala ko ba mahinhin,magalang at mahiyain ka ayon sa iyong mga magulang" pang-eecheos niya. pinisil-pisil ko naman ngayon yung pisngi niya."Tss... si Carmelita yun!" sagot ko naman.

"Ang ibig mo bang sabihin ikaw si Carmelita kapag magalang ka at nasa harapan ng iyong mga magulang... at ikaw naman si Carmela kapag makulit ka at ako ang kasama mo?" nakangiti niyang tanong. Napatango naman ako. 

"parang ganun... na hindi *hik*" sagot ko tapos parang dumidilim na ang paningin ko. 

"dapat alam mo ang pagkakaiba nilang dalawa, sino bang mas gusto mo? *hik*" tanong ko.

Napaisip naman at napangiti si Juanito "Iisang tao pa rin naman sila, pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko si Carmela" sagot ni Juanito. "dahil--------"

hindi ko na narinig yung sinabi pa niya kasi nakatulog na ko.


Waaaaahhhhh!!


Gosh! Wrong timing naman! Bakit di ko pa narinig yung sinabi niya?


Omg! Di ko talaga maalala!


Napahilata na lang ako sa kama at napatingala sa kisame. Buti na lang iba yung pagkaintindi ni Juanito sa sinabi ko, akala niya magkaibang ugali yung tinutukoy ko... di niya nagets na magkaibang tao talaga si Carmelita at Carmela. Whew!

Gosh! Carmela bakit pinahiya mo na naman ang sarili mo sa harapan ni Juanito...

Pero kahit ganun mas gusto pa rin ni Juanito ako bilang Carmela. Ang totoong ako.


Omg! Kinikilig ako Kyaah~ OH MY GOODNESS! NOOOO! STOPPIT CARMELA!



Pagkatapos namin magdasal ng alas-tres ng hapon, naglinis ako ng kwarto ni madam Olivia. Ewan ko ba kung bakit pero sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon at parang ang liwanag ng buong paligid, at hindi ko namalayan na napapakanta na pala ako. "Mukhang may magandang nangyari sa iyo kapatid?" narinig kong tanong ni Josefina na nakatayo na ngayon sa tapat ng pintuan at ineecheos ako ng tingin.

"Huh? w-wala naman, ano bang maganda ngayon?" sagot ko habang pinupunasan ko yung mesa at shelves ni madam Olivia. Naglakad naman papalapit sa akin si Josefina at tinitigan ako ng mabuti. 

"Sigurado ka? Para kasing ang ganda ng gising mo ngayon, ang aliwalas din ng mukha mo" pang-eecheos pa ni Josefina. Kinuha ko naman yung walis at umiwas sa kaniya. Gosh! Nakukutuban na ba niya na may crush na ako kay Juanito----- Oo na! may crush na nga ako sa kaniya haays.

"H-hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi eh" sagot ko naman. Madaling araw na nga gising pa din ako kanina.

"Bakit naman hindi ka nakatulog? Masyado bang ginugulo ni Ginoong Juanito ang isipan mo?" pang-asar pa ni Josefina sabay tawa ng malakas. Magdedeny sana ako kaso bigla na siyang pumunta sa tapat ng pinto.

"Sige na nga, hindi ko na guguluhin ang iyong pagpapantasiya sa mapapangasawa mo" pang-asar pa niya, hahabulin ko sana siya kaso bigla na niyang sinara yung pinto at tumakbo papalayo. Tss... ang lakas talaga mang-asar ni Josefina.


Kinagabihan, biglang dumating si Juanito sa labas ng dormitory namin at pinaalam niya ako kay madam Olivia, pumayag naman si madam Olivia basta dapat kasama si Josefina.

"San ba tayo pupunta?" tanong ni Josefina, nakasakay kaming tatlo ngayon sa kalesa. Kanina pa nagkwekwentuhan si Juanito at Josefina pero hindi ako nakikisali sa kanila, tumatango lang ako at hindi rin ako tumitingin kay Juanito.

Gosh! Sana di ko na lang naalala yung nangyare samen nung nalasing ako, tsk! Tama nga siya, hindi na ako ngayon makatingin ng diretso sa kaniya dahil naalala ko na haays.

"Carmelita, bakit ang tahimik mo?" narinig kong tanong ni Josefina halata namang gusto niya lang akong asarin kay Juanito. "Nahihiya ka ba sa harapan ni Ginoong Juanito?" pang-eecheos pa niya, nakita ko namang napa-smirk si Juanito. Aba!

"Hindi ako nahihiya noh, may iniisip lang ako" sagot ko, bigla namang napangiti ng echeosera style si Josefina. "Kagabi pa yan ah, hindi mo pa rin matanggal sa isip mo si Ginoong Juan----" di na niya natapos yung sasabihin niya kasi bigla kong tinakpan yung bibig niya.

"Ingat ka Binibining Josefina... baka makagat ka" narinig kong sabi naman ni Juanito, napatingin naman ako sa kamay niya mukhang di naman malalim yung kagat ko sa kamay niya kasi wala namang pasa o sugat.

So natrauma na siya na baka mangagat ako kahit anong oras? Tss...

"Mabait at masunurin naman si Carmelita... may pagka-pilya nga lang minsan" banat ni Josefina tapos kinurot niya yung kamay ko. Ouch!

Natawa naman silang dalawa. Magkasundo talaga silang asarin ako.


Ilang saglit lang biglang tumigil na yung kalesa, "Nandito na tayo" sabi ni Juanito tapos nauna na siyang bumaba, inalalayan naman niya si Josefina pagbaba ng kalesa at nung ako na yung bababa inilahad ni Juanito yung palad niya pero in-erapan ko lang siya at lumundag ako mag-isa. "May pagka-pakipot din ang kapatid kong iyan, Ginoong Juanito" bulong ni Josefina kay Juanito pero halata namang pinaparinig niya saken. Omygash!

Aasarin din sana ako ni Juanito kaso biglang may matandang lalaki ang lumapit sa amin "Ginoo, mga Binibini, nandito na po pala kayo, sandali lang po tatawagin ko lang si Cristeta" tugon nung matandang lalaki at nag-bow siya sa amin. 

"Maraming salamat Mang Pipoy" tugon naman ni Juanito. Dali-dali naman siyang naglakad papalapit sa pintuan ng isang bahay kubo na medyo sira-sira na.

"Sino siya?" tanong ko kay Juanito, "Pinakilala siya sa akin ng aking kuya Sergio noong isang araw, tinutulungan ako ng aking kapatid sa ginagawa kong imbestigasyon" sagot ni Juanito, nagkatinginan naman kami ni Josefina. 

"Ano ang iyong iniimbestigahan?" nagtatakang tanong ni Josefina, napahinga naman ng malalim at napatingin sa'kin si Juanito bago niya sagutin yung tanong ni Josefina.

"Ang katotohanan sa pagkamatay ng buong pamilya ni Aling Trinidad" sagot niya, nanlaki naman ang mga mata ko. Napatingin din sa akin si Josefina, alam kong narinig niya ang pagtatalo namin ni Don Alejandro sa bahay ni tiya Rosario, kaya hindi ako sumama pabalik ng San Alfonso dahil naghihinala ako na baka may kinalaman si Don Alejandro sa pagkamatay ng buong pamilya ni Aling Trinidad. Magtatanong pa sana si Josefina kaso bigla tinawag na kami ni Mang Pipoy at pinapasok sa bahay nila.

Pagpasok namin sa loob, isang kandila lamang ang ilaw ng buong bahay kubo, may pitong bata na nakaupo sa sahig at kumakain sa dahon ng saging, kanin at asin lang ang kanilang ulam. Binigyan naman ni Juanito ng barya at chocolate yung mga bata at agad silang nag-agawan.

"Mag-iisang buwan pa lang po dito sa amin si Cristeta, natagpuan ko po siyang basang-basa, sugatan at umiiyak sa ilog ng mga makasalanan sa sementeryo ng mga Intsik" paliwanag ni Mang Pipoy. "Kakatapos ko lang po maglinis ng mga puntod nang makita ko siya, agad ko siyang isinama dito sa aming tahanan at tinanggap din naman siya ng aking asawa" dagdag pa ni Mang Pipoy.

"Nasaan po ang inyong asawa?" tanong ni Josefina. Napayuko naman si Mang Pipoy, "Tatlong linggo na po siyang nawawala, nagtungo lang po siya sa San Alfonso upang maki-ani ng palay sa kaniyang kapatid ngunit hindi na po siya nakabalik" sagot pa ni Mang Pipoy.

"Inilapit ni Mang Pipoy ang kaso ng pagkawala ng kaniyang asawa kay ama, hinahanap na ngayon ang kaniyang asawa ngunit wala pa rin kaming balita, pagdating ng aking kapatid na si Sergio dito sa Maynila binisita niya si Mang Pipoy upang ihatid ang mensahe ni ama na patuloy pa ring hinahanap si Aling Rita na kanyang asawa, doon din nalaman ni kuya Sergio na nandito si Cristeta" paliwanag ni Juanito, napakunot naman ang noo namin ni Josefina.

"S-sino si Cristeta?" tanong ko. Tiningnan naman ako ng diretso ni Juanito sa mata.

"Si Cristeta ang pangatlong anak nila Mang Nestor at Aling Trinidad" sagot ni Juanito, kasabay nun biglang lumabas ng kwarto ang isang dalagita na sa tingin ko ay 16 years old pa lang. bilugan ang mukha niya, maganda ang kaniyang mata at kayumanggi ang kaniyang balat.

"A-akala ko ba pinatay ang buong pamilya ni Aling Trinidad?" gulat kong tanong, napahinga naman ng malalim si Juanito at tumingin ulit sa akin.

"Kaya kita pinuntahan noong isang gabi dahil gusto kong ibalita sa iyo na nakaligtas ang isa sa mga anak nila Aling Trinidad" sabi pa ni Juanito. Shocks! Kaso nung pinuntahan niya ako lasing naman ako.

Tahimik lang at halos naiiyak nang magkwento si Cristeta sa masaklap na nangyari sa buhay niya at sa kaniyang pamilya. Ayon sa kaniya, tinaasan daw ni Don Alejandro ang sahod ng mga manggagawa at magsasaka sa kanilang hacienda ngunit isang araw bigla na lang pinagbintangan si Mang Nestor na nagnakaw ng isang sakong bigas sa hacienda Montecarlos, agad siyang inaresto pero pinatawad naman siya ni Don Alejandro at nakabalik pa siya sa kaniyang trabaho bilang magsasaka, kaso pagkalipas ng tatlong araw biglang may kumalat na balita na sinisiraan ni Aling Trinidad ang pamilya Montecarlos kaya dinakip naman si Aling Trinidad ng mga awtoridad, napatunayan naman na hindi si Aling Trinidad ang nagkakalat ng paninira sa mga Montecarlos kaya pinatawad at pinalaya din siya ni Don Alejandro pero kinabukasan, hatinggabi na natutulog na ang kanilang buong pamilya nang biglang may nanloob sa kanilang bahay at inilagay sila sa sako, nawalan silang lahat ng malay at paggising nila nasa isang maliit na kwarto sila na nasa ilalim ng lupa sa gitna ng kagubatan ng Laguna.

"M-madaming beses nilang pinagsasaksak at pinagbabaril si tatay at nanay, ginahasa pa nila ang aking nakakatandang dalawang babaeng kapatid bago pinugutan ng ulo at sinakal naman nila ang dalawa ko pang nakababatang kapatid na lalaki hanggang sa mawalan ng hininga" naiiyak na salaysay ni Cristeta, agad naman siyang binigyan ng isang basong tubig ni Mang Pipoy at pinapatahan naman namin siya ni Josefina.

"P-paano ka nakaligtas?" tanong ni Josefina, napapikit naman si Cristeta, sigurado akong sobrang hirap para sa kaniya ang alalahanin muli ang mapait na pangyayaring iyon.

"Babarilin sana ako ng isang lalaki sa ulo kaya lang may isang matangkad na Ginoo ang pumigil sa kaniya, nakataklob ang buong mukha nito at nakabalot din siya ng itim upang hindi ko siya makilala, sinabi niya sa akin na hindi niya ako papatayin kung sasabihin ko sa mga tao na si Don Alejandro ang nasa likod ng pagpapapatay sa aming pamilya" sagot ni Cristeta at parang mahihimatay na siya sa sobrang iyak niya.

Nagkatinginan naman kami ni Juanito at Josefina. Tama ba ang rinig ko? May gustong sumira kay Don Alejandro?!

"H-hindi ko pinagkalat na si Don Alejandro ang nag-utos na ipapatay ang mga magulang at kapatid ko, ayokong may isa na namang pamilya ang masira dahil sa isang kasinungalingan" dagdag pa ni Cristeta. "Ang masaklap na dinanas ng aming pamilya ay bunga rin ng isang kasinungalingan na nagnakaw ang aking ama at gumagawa ng kwento ang aking ina, kahit pa ang kasinungalingang iyon ang pinapaniwalaan ng mga tao, wala na akong pakialam, wala na rin akong pakialam kung patayin man ako ng may pakana ng lahat ng ito, mas gugustuhin ko pa iyon upang makasama ko na din ang pamilya ko" tugon pa ni Cristeta at hindi na siya ngayon maawat sa pagiyak at ilang sandali pa bigla na lang siya nawalan ng malay.

So ibig sabihin walang kasalanan si Don Alejandro?

Gosh! Naalala ko nung pinagbintangan ko siya, hindi man siya ang daddy ko pero tatay pa din siya, tatay siya ni Carmelita na akala niyang ako. at siguradong masakit para sa kaniya ang pagbintangan mismo ng kaniyang sariling anak.

Omg! Anong gagawin mo ngayon Carmela?!



Kinabukasan, tulala lang kaming dalawa ni Josefina habang nagluluto. Grabe! Hindi ulit ako nakatulog ng maayos kagabi, mukhang busog na busog na naman ang eyebags ko nito.

"Magpadala ka ng sulat kay ama at humingi ka ng tawad, siguradong masama pa din ang loob ni ama hanggang ngayon" narinig kong sabi ni Josefina. Napatango naman ako, tama siya, baka mas hindi nakakatulog ng maayos si Don Alejandro ngayon dahil sa sama ng loob.

Pagkatapos namin magluto nagulat ako nang biglang dumating si Sonya at ipinaalam na niya ako kay madam Olivia, isasama niya ako sa intramuros sa bahay nila Ignacio. Kasama din dapat si Helena kaso hindi pa rin siya magaling sa bulutong niya.

Wala naman akong nagawa kundi sumama na lang, ang kulit kasi ni Sonya at kasama din daw si Juanito kaya----Sumama ako char!

Pagdating namin sa bahay nila Ignacio Corpuz nagulat ako kasi madaming tao... as in ang daming lalaki. Anong meron? Bachelor's party?

"May pa-despedida si Kapitan Corpuz magtutungo siya sa Espanya sa isang linggo" masayang bulong sakin ni Sonya, kaming dalawa lang sa kalesa kasi mamaya pa makakasunod si Juanito sa bahay nila Ignacio dahil may pasok pa ito.

"Wow----ah este! Ang galing naman" sagot ko na lang, Gosh! Di pa pala uso ang Wow sa panahong to haays. Be careful Carmela!


Pagbaba namin ng kalesa, napalingon sa amin yung mga kalalakihan na nakatayo sa labas ng bahay, nag-bow naman sila sa amin at binati kami, kung hindi ako nagkakamali mga sundalo o pulis din ang mga ito dahil kapareho nila ng uniform si Leandro.

Pagpasok namin sa loob ng bahay, agad bumungad samin ang dose-dosena pang mga kalalakihan. Omygash! Fraternity meeting ata to eh, balak ba akong irecruit ni Sonya? Teka! Mukha ba akong lalaki? Omg!

"Maligayang pagdating Binibining Carmelita Montecarlos" bati ni Kapitan Corpuz at nag-bow din siya sa'kin. nakangiti naman halos ng kalalakihan at nakatingin din sakin. Omg!

Ngayon lang ba sila nakakita ng babae? tusukin ko mga mata nila dyan eh!

"Sayang nga lang at hindi makakarating ang iyong ama ngayon, ngunit nagpadala naman siya sa akin ng sulat na sisikapin niyang hindi maputol ang aming komunikasyon kahit nasa malayong lugar na ako" sabi pa ni Kapitan Corpuz Gosh! Bff nga din pala si Don Alejaandro/ama at si Kapitan Corpuz. Napangiti na lang ako kahit pilit... gosh! Anong sasabihin ko?

Naramdaman ko naman na siniko ako ni Sonya, "Carmelita, sumagot ka kinakausap ka ni Kapitan Corpuz" bulong niya pa saken. Omg!

"Wow---Uh! Ang ibig ko pong sabihin ay n-napakaswerte niyo naman po" sabi ko na lang, napangiti naman si Kapitan Corpuz at ganun din yung iba pang mga kalalakihan na kasama niya. Gosh! Bakit parang kami lang ni Sonya ang babae dito?

Hmm... mukha naman silang desente lahat, parang mga illustardo. Ilang saglit pa biglang dumating na si Juanito, Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya, Omg! ang gwapo niya sa suot niyang uniporme ngayon!

Agad siyang bumati kay Kapitan Corpuz, halatang close na close sila ni Kapitan Corpuz, ah! Oo nga pala kanang kamay ni Don Mariano si Kapitan Corpuz.

Hinihintay kong mapatingin si Juanito sa'kin pero busy siya makipag-kamay at makipag-kwentuhan sa iba pang mga kalalakihan na halatang bestfriends niya din.

Nasa tapat naman kami ng bintana ni Sonya at kinukwentuhan niya ako tungkol sa buhay may asawa niya, Gosh! Di pa ko ready magka-asawa huhu.

Ilang saglit lang dumating na si Ignacio at dahil dun nagmukha akong third wheel kasi ang sweet sweet nila ni Sonya samantalang ako nganga lang sa tabi. Buti na lang nakita na ako ni Juanito at agad siyang pumunta sa kinatatayuan namin.

"Magandang gabi Binibining Carmelita" bati ni Juanito na todo ngiti ngayon at nag-bow siya sa'kin. Sinubukan ko namang hindi ngumiti pero ewan ko ba nakita ko pa lang siya kanina halos mapunit na yung mukha ko sa kakangiti. Goshh!

Magsasalita sana ako kaso biglang sumingit si Sonya sa amin "Tara! Carmelita... ipapakilala ka namin ni Ignacio sa mga kaklase niyang abogado sa kolehiyo, malay mo isa sa kanila ang iyong pag-ibig dito" excited na sabi ni Sonya at hinila niya ako pero hinawakan ni Juanito yung kamay ko para hindi ako mahila ni Sonya.

"Kuya Juanito... ano bang ginagawa mo? Hayaan mong makakilala pa ng iba si Carmelita, hindi naman pwedeng ikaw lang ang may Helena dapat may pag-ibig din siya" reklamo ni Sonya at hinila niya ako papunta sa kaniya.

"H-hindi pwede" sagot ni Juanito. Napatingin naman ako sa kaniya, pero bigla niyang iniwas yung tingin niya sa akin.

"Bakit hindi pwede?" reklamo ni Sonya tapos may binulong pa siya sakin "Wag kang mag-alala Carmelita, hindi ko sasabihin kay Leandro" bulong ni Sonya pero halatang narinig ni Juanito kasi ang lakas ng pagkakabulong ni Sonya saken.

"S-sinong Leandro? S-si Leandro Flores?" nagtatakang tanong ni Juanito, Omg! Hindi niya alam na may something si Leandro at Carmelita sa past?

Gosh! Oo nga pala, hindi naman magkababata si Carnelita at Juanito.

"Wag ka ngang Kontrabida kuya!" reklamo pa ni Sonya tapos hinila na niya ako pero pinigil pa ulit ako ni Juanito. "Hindi nga pwede!" suway niya, Omg! Nagseselos ba siya?

"Bakit nga hindi pwede?" tanong naman ni Sonya mukhang naiirita na siya sa kuya niya. 

napaiwas naman ulit ng tingin sa'kin si Juanito tapos napalunok siya. "H-hindi pwede... kasi..." nakatitig lang kami ngayon lahat kay Juanito at inaabangan namin kung ano yung sasabihin niya. 


~Kung pwede lang ayoko na sanang masaktan
Kung pwede lang damdamin ko ngayo'y pipigilan
Kung pwede lang ang puso ko'y huwag mo ng lapitan
Kung pwede lang
Kung pwede lang naman~

~Dahil minsan ang puso kong ito ay nagmahal
Dahil minsan nagtiwala at umaasam
Kung pwede lang
Akala ko'y wala ng hangganan
Kung pwede lang hindi pala ganyan~


~Kung di rin lang naman tapat sa sasabihin mo
Kung di mo rin naman aalagaan itong puso ko
Kung pwede lang ngayon palang damdamin ko'y iwasan
Dahil ang puso ko'y takot ng masaktan~


Sobrang lakas ng kabog ngayon ng dibdib ko lalo na ng tingnan ako ng diretso ni Juanito sa mata! Kyaaah!


Dear Diary,

Please wag mo naman akong hayaang umasa na naman sa pangalawang pagkakataon.

Naguguluhan na ako sa mga nangyayare... tama ba tong nararamdaman ko? Tama bang tumibok ang puso ko para kay Juanito?

Nagugulumihanan,
Carmela


*****************

Featured Song:

'Kung Pwede Lang' by Lovi Poe


"Kung Pwede lang" by Lovi Poe

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 1.1K 73
A story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: Septemb...
39.5M 1.6M 69
Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
68.4K 886 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...