Wasteland 1: The Bloody Histo...

By siriuslay

51.6K 2.4K 1.2K

[Wasteland Series #1] An adventurous teenager discovered a literary piece owned by a fortunate survivor from... More

Note
Cast
Prologue
Chapter 1: Deadly wave
Chapter 2: Unexpected demise
Chapter 3: A horrible person
Chapter 4: Protecting each other
Chapter 5: Let's find them
Chapter 7: Saving Harper
Chapter 8: When they snapped
Chapter 9: Danger area
Chapter 10: Thank you
Chapter 11: Just kill me
Chapter 12: Hospital
Chapter 13: Sacrifice
Chapter 14: The rescue
Chapter 15: At the end of the ocean
Chapter 16: Reunite
Chapter 17: Behind her back
Chapter 18: Invasion
Chapter 19: I'm sorry
Chapter 20: Stop blaming
Chapter 21: Painful truth
Chapter 22: It's okay to cry
Chapter 23: Friends no more
Chapter 24: Almost at the finish line
Chapter 25: Rips and tears
Chapter 26: Wasteland
Epilogue
Book 2

Chapter 6: Pizza shop

1.3K 75 30
By siriuslay

Multimedia: Kobe

⇏ Z O E

"Nakakapagod rin pala. Let's rest first." Sabi ni Kirstel sabay upo sa sidewalk.

Pinagmasdan ko ang paligid, sobrang gulo. Bakas na bakas ang karahasang nangyari. Sobrang nakakapangilabot. Punong puno ng dugo ang paligid at ang sangsang pa ng amoy. Bakit ganon? Halos dalawang araw pa lang naman ang lumilipas pero ganito na kaagad kalala ang mga nangyayari. Paano kung maubos ang ibang mga tao rito sa isla? Paano na kami? Ano ng gagawin namin? Paano kami makakaligtas? Ni hindi ko nga alam kung may nakatawag ng tulong sa labas ng isla rito.

Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko na hindi ko alam kung mabibigyan ko pa ba ito ng mga sagot. Sobrang hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari.

Akmang uupo na si Tristan sa tabi ni Kirstel pero biglang nagsalita si Kaylee.

"Get up guys. Saka na kayo mamahinga kapag okay na, kapag—" Pinutol ni Kirstel ang pagsasalita ni Kaylee.

"So you mean, hindi na kami makakaupo?" Napakunot ang noo ni Kaylee. Kakaiba na ang aura niya, alam kong naiinis na siya dahil kanina pa kami palibot-libot rito pero wala pa ring bakas ng kuya niya pati na rin nila Marc at Harper. Sana okay pa rin sila.

"I mean, kapag nahanap na natin sila. Gosh! Ang mga kaibigan natin ang hinahanap natin, Kirstel!" Hindi na mapigilan pa ni Kaylee ang magtaas ng boses kaya nagkatinginan kami ni Tristan. Konting pagtataas pa lang ng boses ni Kaylee natatakot na kami ano pa kaya kung sumigaw na talaga siya?

"Konting pahinga lang naman, Kaylee! Kanina pa tayo palakad-lakad! Paubos na nang paubos ang lakas natin dahil sa pakikipaglaban sa mga pesteng zombies na 'yon." Napatingin naman ako kay Kirstel nang magtaas na rin ang tono ng boses niya. Mukhang magkakainitan pa ata ang dalawang 'to.

"What the? Anong sabi mo? Nauubos ang lakas mo sa pakikipaglaban? E wala ka ngang ginawa kundi ang magtago sa likod naming tatlo." Napapikit na lamang ako at napahilamos ng mukha. Nananatili lang akong nakapikit habang pinapakinggan ang pag-aaway ng dalawa.

"Lumalaban ako. I tried my best pero sadyang sinosolo mo lahat, Kaylee." Sagot pa ni Kirstel. Hindi ko alam kung saan ako papanig. Bestfriend ko si Kirstel pero may point si Kaylee. Mga kaibigan namin ang pinag-uusapan kaya dapat walang sinasayang na oras.

"Anong sinosolo ko lahat? Kung hindi ko pa sinaksak yung isang zombie sa likuran mo kanina malamang sa malamang wala ng bestfriend si Zoe ngayon." 

Napadilat ang mga mata ko dahil sa narinig. Napatingin ako kay Kaylee at nakita kong nakatingin siya sa akin pero agad rin niyang binaling ang tingin kay Kirstel.

"Tama na nga!" Napatingin kaming tatlo kay Tristan nang bigla siyang sumigaw. "Kung gamitin niyo na lang kaya ang oras niyo sa pagbabangayan ngayon sa paghahanap o pamamahinga? Tang ina naman. Ngayon natin mas kailangan ang isa't isa, ngayon pa ba kayo magkakasira?" Dismayadong-dismayado si Tristan doon sa dalawa. He cussed, he's mad. Tristan being serious is really rare. Mas kilala ko kasi si Tristan bilang masiyahin at maloko. 

Wala akong magawa kundi ilipat-lipat ang tingin sa kanila. Natatakot akong sumabat dahil baka sa akin naman mabuhos ang inis at baka may masabi rin ako na makapagpahaba pa ng usapan.

"Kumalma kayong dalawa utang na loob." Sabi pa ni Tristan saka naglakad palayo. 

Napatingin akong muli kila Kirstan at Kaylee na ngayon ay ang sama ng tinginan sa isa't isa.

"Tristan's right. We shouldn't fight, we need each other right now." Sabi ko saka sinundan si Tristan. 

Wala na ring nagawa ang dalawa.

Tahimik lang kaming naglalakad rito sa kalsada. Walang nagsasalita sa aming apat at wala ring nagbabalak gawin 'yon. Sobrang bigat ng hangin. Kaylee's mad at Kirstel, Kirstel's annoyed at Kaylee then there's Tristan being upset because of the two.

"Are you guys hungry?" Tanong ko na lang sa kanila nang makakita ako ng pizza shop sa hindi kalayuan.

"Walang kakain hangga't hindi pa natin sila nahahanap. Baka magalit na naman yung isa diyan." Napabuntong hininga na lang ako sa ginawang pagpaparinig ni Kirstel kay Kaylee. Ito na naman tayo.

Akala ko ay sasagot pa si Kaylee pero hindi niya 'yon ginawa which is a good thing. Ayoko ng makarinig ng panibagong away. 

"Mukhang uulan pa yata." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan. Saktong pagkahakbang ko ay nakaramdam ako ng patak.

"Umuulan na, doon na tayo sa may pizza shop sumilong para may free foods na rin." Sabi ni Tristan na sinang-ayunan ko na rin. Bigla na lang kasing tumunog ang tiyan ko pagkabanggit niya ng pizza shop. Hindi ko maitatangging gutom na rin ako. Mag-uumaga na nga at kahapon pa ng tanghali ang huli kong kain.

Maingat kaming tumakbo papunta doon sa pizza shop, buti na lang at gumagana pa ang ilang poste ng ilaw kaya hindi kami nahihirapang makakita at kumilos. Pasikat na rin ang araw.

Nakita ko naman ang paglabas ng dalawang zombie mula doon sa isang boutique na agad namang pinatay nila Tristan at Kaylee. I can't hide the fact that they could kill well. Ang galing nila humawak ng itak at kutsilyo. Hindi ko alam kung paano nila natutunan agad 'yon.

"Dalian niyo, guys." Sabi ni Tristan nang makita niyang may ilang zombies sa likuran. Napalingon na rin ako doon, dahil ako nasa pinakalikod nataranta ako at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo ko.

Nang makarating kami sa pizza shop, parang may naramdaman na akong kakaiba lalo ng makita kong may mga basang dyaryo na nakatakip doon sa glass window.

"The door is locked." Sabi ni Kaylee habang pinipihit ang doorknob. Pinagmasdan kong mabuti ang shop. Kakaiba 'to, walang kahit anong basag ang mga salamin. Para bang ligtas na ligtas ka sa loob. Napangiti ako sa naisip ko ngunit agad rin itong napawi nang may marinig akong music na sa tingin ko'y nanggagaling sa loob. 

Naiwan bang bukas ang speakers o may tao sa loob?

"Someone's inside." I told them. Pumunta ako sa pinto pero agad akong napausad nang simulang katukin ni Kaylee ang pinto.

"Kuya! Kuya!" Sigaw niya at halos yumakap na roon.

Napakunot ang noo namin nang magkatinginan kami.

"Kuya?" Takang tanong ko. Lumingon siya sa akin at tumango ng paulit-ulit. Itinuro niya ang pader na malapit sa pinto kung saan may nakasulat na 'Kobe' at nakaturo ang arrow sa pinto at sa tingin ko pa ay dugo ang pinagsulat rito. I hope he's fine.

Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto. "Kobe!" sigaw ko kasabay ng paghinto ng music na naririnig ko kanina. It turns out hawak niya pala ang phone niya at ini-stop na niya ang music. 

"Siraulong 'to. Nagpapakahirap kami sa labas tapos nagsa-sound trip ka lang!" Binatukan ni Tristan si Kobe.

"Gago, ano gusto mong gawin ko? Natakot rin akong lumabas." Pinaghihila niya na kami papasok saka ni-lock ang pinto. 

Kaylee suddenly hugged him after. Hindi ko na rin maiwasang mapaluha ng makita ko ang pagragasa ng luha ni Kaylee. Pagdating talaga sa kuya niya ay lumalambot siya.

"Buti ligtas ka! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman kong iniwan mo na ako." Sabi ni Kaylee habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng kapatid. She's such a baby when it comes to her brother. Ang cute nilang tingnan. Ayaw kong magkahiwalay sila.

"Of course I'll be safe. May utang ka pa sa akin kaya bawal pa akong mawala."

"Hindi na kita babayaran kung gano'n."

I chuckled at the two.

Napahiga sa sahig si Tristan dahil sa sobrang pagod. Umupo naman si Kirstel at pumikit.

"How are you guys?" Tanong ni Kobe nang mapansing nagkaniya-kaniyang pwesto na kami rito. Huminto ang tingin niya sa akin at sabay naming nginitian ang isa't isa. I approached him, throwing a quick hug.

"Good to see you again, Zoe." He patted my back.

"Hindi ako okay kasi gutom na gutom na ako." Sabi ni Tristan habang nakapatong ang dalawang kamay sa tiyan.

"May ginawa akong pizza kanina, kumain muna kayo. Lalo ka na Tristan kawawa ka naman." Pang-aasar ni Kobe. Automatic namang tumayo si Tristan nang marinig ang word na 'pizza'. Itinuro 'yon ni Kobe kung nasaan kaya agad siyang nagtungo roon.

"Uso mag-aya." Sabi ko kaya napatigil siya sa pagkain.

"Sorry, hehe. Kain, guys!" Napailing na lamang ako sa katakawan niya. Parang kanina lang ang init init ng ulo niya dahil doon sa dalawa pero ngayon ang saya-saya na niya dahil lang sa pizza.

"Kuya, nagpapakahirap kaming makipaglaban doon sa labas kanina habang ikaw nandito sa loob at gumagawa ng pizza." Reklamo ni Kaylee kaya napatigil si Kobe. 

"With matching sound trip." I chuckled. "Never knew you're a fan of country music." Sabay kaming natawa bago niya muling ibaling ang atensyon sa kaptid.

"Sorry na, bunso. Alam mo namang Tristan the second ako. Hindi ako pwedeng nagugutom." Natatawang sabi ni Kobe.

"Woy!" Suway ni Tristan sa kaniya habang punong-puno pa ng pizza ang bibig.

"Wait!" Napalingon kaming apat kay Kirstel nang bigla siyang tumayo. Bigla naman akong kinabahan. "Naririnig niyo 'yon?" Tanong niya sa amin kaya pinakiramdaman naming mabuti ang paligid. Wala naman akong naririnig.

"Kirstel, huwag ka nga! Kaka-enjoy ko lang nitong pizza." Sabi ni Tristan na halatang kabado na rin. Sa gitna ng pakikiramdamn naming sa paligid ay bigla na lang natawa si Kirstel.

"Naririnig niyo ba kako yung sinasabi ng tiyan ko na 'Tristan, mamigay ka dahil nagugutom na rin ako'?" Sinamaan ko na lang ng tingin si Kirstel pero tinawanan niya lang ako. Pumunta tuloy siya sa gawi nito para makikain na rin.

"Please choke." Tristan sulked.

Kumuha na rin ako ng isang slice ng pizza dahil nagugutom na rin ako. Akmang kakagat na ako pero napatigil ako nang makarinig ako ng isang tili ng babae.

"Iyon narinig niyo?" Tanong ko habang nakatingin sa pintuan.



_

Continue Reading

You'll Also Like

255K 19.1K 47
⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought fo...
4.8K 327 7
My Classmate Is The Prince of the Great Blue Sea Genre: Fantasy, Humor, Action Si Lyanna Ran ay isang normal na high school student na may ewan na se...
32.6K 1.9K 43
"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong...
609 70 8
When Veshniu woke up in the middle of corpses and centipedes, she was immediately warned by the spirits that the war among gods would soon break out...