The Queen Four Identity (COMP...

By Chamzy99

1.3M 28.6K 2.1K

The QUEEN of all Gangsters The QUEEN of all Mafias The QUEEN of all Assassins The Campus QUEEN Meet Carle... More

PROLOGUE
THE FOUR IDENTITIES
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
LAST CHAPTER
EPILOGUE
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER (carleigh x austin)
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 40

12.6K 226 11
By Chamzy99

A/N: Hi! First of all i know sobrang tagal kong walang update kaya sorry po. Busy lang talaga, hindi ko maisingit but I'm trying my best naman para mag update kahit konti or bitin and huhu sa ibang readers ko wag nyo naman po akong awayin dahil sa ang tagal ko kung mag ud. Peace peace lang tayo dito mga bhe. Don't hate me for not updating as fast as you want and also don't hate my stories. #Lovemeandmystories #Nohatejustlove #pakganern lol

WARNING: SUPER SHORT UPDATE!! DON'T EXPECT TOO MUCH. MASASAKTAN KA LANG.

Now enjoy the chapter 40.

PS: You've been warned. *serious laugh* (meron ba non? Haha)
-

Elise Pov

After the meeting at after din kaming kausapin ni Queen.

Dumiretso naman kami ni Steff papunta sa GA.

And stop muna ako sa pagiging conyo because GA is a serious matter duh.

Baka mamaya mabatukan na naman ako ni steffy girl no and baka pag nag punta kami ng GA hindi ako seryosohin ng mga trying hard gangster don. Tsk. Nakaka sira kaya yon ng beauty hmp.

"Steffy girl" Kalabit ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin ng masama.

Grabe talaga tong si steffy palaging galit sakin, palagi ding mainit ang dugo sakin. Gosh hindi ko alam kung naapektuhan ba sya ng hotness ko kaya palaging ganyan.

Spell insecure S-T-E-F-A-N-I-E. Haha my gosh!

"Ouchy. Ano ba steffy. Gosh bakit ka nambabatok?" Asar na tanong ko sa kanya. Poor me, palagi na lang nasasaktan ang magaganda. Huhu.

"Can you please be serious Elise Sapphire Goddard?" Seryosong sabi nya sakin.

"Uyy nag please sakin si steffy girl hahaha" Pang aasar ko pa sa kanya. Kaya nabatukan na naman ako.
Sadista talaga si girl. Hahaha.

"Isa pa talaga Elise ha? Isusumbong na kita kay Queen" Banta nya sakin. Kaya nag zip na ako ng mouth, sumeryoso at tumahimik.

"Yan! Tsk gusto pala tinatakot pa." Nakangising sabi nya kaya inirapan ko na lang sya.

"Anong lagay ng GA ngayon steffy?"  Seryosong tanong ko sa kanya.

"Wala pa. May nagaganap pa lang na fight between Dragons and Bigbang" Sagot nya sakin.

"How about our underlings?" Tanong ko ulit.

"Nandoon na sila. Nagbabantay at nag hihintay na lang ng signal natin para makasugod na sila at makapang gulo"

"May papatayin ba tayo?"

"Wala. Ayaw na ni Queen madagdagan ang mga kaaway niya. Masakit daw sa ulo haha" Sagot nya sakin na para bang aliw na aliw sya kay Queen.

"So manggugulo lang talaga tayo?"
Tanong ko ulit.

Oo na. Oo na. Ako na maraming tanong. Ako na din walang alam. Ako na din maganda. Ako na lahat. Hahaha.

"Yup! And of course maninira din" Nakangising sabi nya sakin.

Omg. Omg. Isa talaga sa mga hilig ko ang manira eh. Lahat sinisira ko pati relasyon sinisira ko na din hahaha
char.

But seriously speaking hindi ko na kasalanan kung may nasisira akong relasyon ang ganda ko kaya no hihi. I'm so gorg talaga omg. So pretty. 😍😍

"ELISE SAPPHIRE GODDARD!! Are you still with me?!!"

"Oh shit!"

"Why are you shouting steffy girl?! I'm not deaf naman eh!" Asar na sabi ko, bakit kasi kailangan pang sumigaw eh tsk.

"Kasi naman po kanina pa ako daldal ng daldal at paliwanag ng paliwanag hindi ka naman pala nakikinig tss natulala ka na naman. Stop day dreaming we're both in the serious matter here. God! You're such a pain in the ass. Tss" Mahabang sabi nya kaya napa peace sign na lang ako then inirapan na lang nya ako.

"So, what are you saying ba?" Tanong ko.

"As i was saying Jasmine is also there also the council and the 1st rank BDDG.
Paniguradong mangingialam si Jasmine at ang BDDG and I want you to take care of that" Saad nya.

"OMG! Me???? No way!!!" Mabilis na sagot ko.

"And why is that?" Mataray na tanong nya sakin.

"Duh! Eh kasi naman po ano naman ang gagawin mo? Nakatunganga at pinapanood lang kami? Aba aba steffy girl ha, I don't like your idea. Ako lang ang mapapagod nyan eh, gusto ko mapagod ka din!" Sabi ko sa kanya sabay pout. Inirapan naman nya ako bago sumagot.

"Fine. Jasmine is mine" Bored na sagot nya sakin kaya napangiti ako ng malawak.

"Okaaaaay. BDDG is mine." Saad ko naman.

Omg. This will be freaking exciting. Humanda na kayong mapagod sakin BDDG hihi sisiguraduhin kong magigiging masaya to.

"We're here" Nakangising saad ni steffy kaya napangisi na din ako.

This will be freaking awesome night, really awesome night.

"Let's go" saad ni steff.

Dahan dahan kaming lumapit sa entrance ng GA. Dahil pinag handaan namin to sinigurado naming mag mumukha kaming gangster at hindi mga assassin.

At syempre dahil matatalino ang mga nag babantay dito hindi sila basta basta maniniwala kaya kumuha kami ng mga ID's and of course code names namin. *smirk* Let just say meron kaming dalawang pinatumbang gangster at nakakainis mang sabihin yung pinaka mababang rank talaga ang tinarget namin tss.

"Good evening man!" Saad ko sa nag babantay dito. We also fake our voice. Gumagamit kami ng voice changer at gamit namin ang tunay na boses ng taong tinarget namin dahil nga matatalino ang nag babantay at hindi ka basta basta makakapasok.

Kahit naman pinalitan na ng Ama ni carleigh ang mga nag babantay dito sigurado akong hindi basta basta kumukuha ng mahihina ang Ama nya lalong lalo na kung may katulong pa sya sa taas tss.

Pero mas sure ako na mas tight pa rin ang security pag si Queen na ang pumili walang wala talagang makakalusot.

"ID?" Tanong samin nung isa. Pinakita naman namin ang ID namin at dali dali naman nya itong ini-scan at wala namang naging problema. Napangisi naman ako ng palihim ng walang naging problema sa mga ID namin.

"Code names?" Tanong naman nung isa pang nag babantay.

"Elias" Sagot naman ni steff. Yuck! Ang panget ng code name na yon. Walang ka-class class.

Tumingin naman sakin si kuyang nag babantay kaya sumagot naman ako

"Kirk" Sagot ko dito. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni steff kaya palihim ko syang inirapan.

"Pumasok na kayo" Pinapasok naman kami nunh isa pang bantay sa unang pinto.

Dito sa pintong to ini-scan ang buong katawan namin para malaman kung kame talaga ang taong to or same ba ang DNA namin sa mga gabi na pumupunta sa GA.

Pero dahil hindi kami tanga napag handa nadin namin ang bagay na yan. Queen hacked already the system para pag kami na ang sumalang ay walang magiging problema.

Maka lipas lang ng dalawang minuto nakita na namin na nag match kami. Meaning? Makakapasok na kami ng tuluyan sa GA.

"Finally" Narinig kong bulong ni steff.

"Yeah. Finally" Bulong ko rin kaya mahina siyang napatawa.

"AND THE WINNER IS BIGBANG!" Eto ang naabutan namin ng tuluyan na kaming makapasok.

Tapos na ang laban. Sino naman kaya ang susunod? Hmm.

"Elias. Let's watch some fight muna bago tayo manggulo" Mahinang bulong ko sa katabi ko.

Tumango naman siya at nag lakad kami para makahanap ng mauupuan.

"Elias kanino ka pupusta?" Tanong nang isang gangster kay steff.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni steff at maya maya ay parang nakilala na nya ang gangster na kumausap sa kanya.

Pano nya nagawa yon? So simple ang gamit naming maskara ay kayang i-scan ang isang tao. May suot din kaming earpiece doon may mag sasalita na isang robot at sasabihin kung sino ang kausap mo ang edad ng taong yon, buong pag katao nya ay malalaman mo pag suot mo ang maskarang to na gawa mismo ni Queen.

"Bruno" Banggit ni steff sa gangster wannabe na to.

Napatawa naman ako ng mahina dahil bagay na bagay ang code name nya sa itsura nya. Mukha syang aso na may rabies at na-uulol na. Hahaha

"Kanino ka nga pupusta? Sa Dark Angels ba or sa Angelics? Hah! Mas gusto ko sa Dark Angels brad mas magaganda sila, mas sexy at mas malakas pa" Salita nito na halong may pag mamalaki pa.

Tss palibhasa nandoon ang girlfriend nya tsaka mas malakas ang Angelics kesa sa DA kaya lang naman nananalo ang DA dahil binabayaran nila ito ng malaki. Sayang ang lakas nila kung mukhang pera naman sila.

This next fight will be really boring and nonsense tss tinatamad na tuloy akong panoorin to.

"Sa DA ako. Kahit naman malalakas ang Angelics matatalo pa din sila. Luto ang laban. Walang kwenta" Bored na sabi ni steff.

"Woah woah woah. Brad ikaw ba yan? Masyado ka namang seryoso at pano mo naman nasabi na luto yung laban? Alam naman na nating magaling talaga ang DA pag dating sa labanan. Tsk. Pumusta kana brad, ngayon ka lang naman pupusta sa mga babae eh." Saad ni Bruno the dog. lol

"Masyado kang madaldal para sa isang lalaki. Bakla ka ba?" Walang emosyong saad ni steff.

"Anong sabi mo?? Gusto mo ba ng gulo dito ngayon na mismo Elias???" Asar na sabi ni Bruno the dog.

"Hey hey hey Bruno D" Singit ko sa kanila.

"Wag mo ng pansinin yang si Elias meron kasi hahaha" Saad ko.

"Gago" Sabi ni steff sabay walk out. Walk out-tera talaga yung babaeng yon.

"Kirk nga pala pareng Bruno D. Pupusta ako sa DA ng isang milyon at sila ang matatalo ngayon hahahahaha" Saad ko.

"Ganon ba? Sige. Pupusta naman ako sa DA dahil sila ang mananalo. Isang milyon. Deal?" Nakangising saad nya sakin.

"Deal! And there's more" Pahabol ko pa.

"Ano pa?"

"Pag natalo ka sa pustahan bukod sa makukuha ko ang isang milyon sayo may isa pa akong kukunin sayo"

"Name it Kirk name it" Palaban na sagot nya sakin.

"Buhay mo" Walang emosyong saad ko at nakita kong napalunok sya ng wala sa oras.

"*chuckles* I'm just kidding pareng Bruno D." Napa buntong hininga naman sya at umiling iling.

"Hindi naman kasi ako ang kukuha sa buhay mo pareng Bruno D. Kilala mo ba kung sino?" Dagdag ko pa.

"Sino naman?" Nakangising tanong nya.

"Si black butterfly" Saad ko habang nakatingin sa stage dahil mukhang mag sisimula na ang laban.

"Talaga ba? Haha well I think I need to hide then" Tatawa tawa nyang saad.

Napangisi naman ako bago sumagot. "Yeah. You really need to hide Bruno D"

"GANGSTERS! LISTEN BECAUSE THE DARK ANGELS ARE HERE!" Saad ng MC kaya nag hiyawan na ang mga taga suporta ng mga gangsters na to tsk. Weaklings.

"AND NOW TO OUR LEFT! LET'S ALL WELCOME THE ANGELICS!" May mga sumigaw din naman na konti para sa Angelics pero karamihan puro mga boo's at panlalait.

Nang tumahimik na ang arena doon naman ako sumigaw. "GO ANGELICS! ITAYO NYO ANG BANDERA NG MGA ANGELIC FACES! WOOOHOOOO!"

Nakita ko naman sa baba si steff at umiling iling sya sakin yung tipong kinahihiya nya ko. *pout* ang mean nya talaga sakin.

"Seriously Brad?? You're pouting?? That's so gay! Haha" Saad ni Bruno D.

Inirapan ko na lang sya at itinuon ang atensyon sa mga mag lalaban sa baba.

"You can do whatever you want. No rules or anything" Simula ng MC.

"ARE YOU READY GANGSTERS??" Sigaw ng MC.

Kaya nag hiyawan ulit ang mga gangsters dito. "NOW! LET'S START THE FIGHT! GO!" Last na sabi ng MC at nag simula na ang laban.

Unang sumugod ang DA at ang Angelics naman ay pailag ilag lang.

Umabot ng 10 minutes ang pag ilag ilag ng Angelics kaya nag simula ng ma-bored ang mga tao.

"Booo! Puro ilag na lang ba kayo??"

"Mag patalo na kayo mga duwag!"

"Umuwi na kayo Angelics! Boooo!"

"Mga walang binatbat! Booo! Umuwi na kayo!"

Kanya kanya nang pag sigaw ng mga gangsters para sa Angelics.

"Pano ba yan Kirk mukhang matatalo ata ang manok mo. Haha ang duduwag puro ilag lang ang ginagawa" Pag mamalaki ni Bruno D.

"Just watch Bruno D. Ngayon pa lang mag sisimula ang tunay na laban" Nakangising saad ko.

"It's Showtime!" Rinig naming sigaw ng leader ng Angelics.

Pagkatapos sumigaw ang leader ng Angelics ay biglang nag sisugod ang member nito sa DA.

Natahimik ang buong GA ng matapos ng Angelics ang DA sa loob lang ng limang minuto.

Napatawa ako ng mahina. "THAT'S THE ANGELICS! WOOHOOO!" Sigaw ko dahil parang gulat na gulat pa rin ang mga gangsters kaya walang maingay.

Tumingin naman ang leader ng Angelics sakin at ngumisi, nginisian ko naman sya pabalik at doon pa lang nag sigawan ang mga gangsters, ngayon pa lang sila nakabawi sa gulat.

"ANGELICS! ANGELICS! ANGELICS! ANGELICS!" Sigaw nila.

"Pano ba yan Bruno D panalo ako? May isang milyon ako sayo at sa akin na din ang buhay mo" Nakangising saad ko.

"See you in hell Bruno D" Saad ko at tumalon pababa dahil meron pang isang palabas.

"Elias. Let's start?" Nakangising tanong ko.

"Let's start" Sabi nya sabay pindot sa red button para sa mga bombang nilagay namin dito.

"BOOOOOOM!!!!"

Nag simula nang mag kagulo sa Arena at ako naman sinimulan ko ng hanapin ang BDDG.

-

Third Peron's POV




Habang nag sisimula ng mag kagulo ang mga gangsters sa GA ay nag sisimula na ding manira ang mga underlings ng mga assassin.


May mga nag sisimula ng makipag laban para hindi tuluyang masira ang GA, may ibang tumatakas para hindi na makasama sa gulo at may ibang tumutulong pa sa pag sira sa GA.



Habang si Stefanie naman ay kaharap na ngayon si Jasmine Smith (Dark Princess)


"We meet again Assassin" Walang emosyong saad ni DP kay RB.


"Oh yes princess, we meet again" Sagot naman ni RB habang nakangisi.


"Ikaw na mismo ang lumapit sakin. I think handa kana talagang mamatay. Welcome to hell Assassin Red Blood" Saad ni DP ng may malademonyong ngiti.



"Bring it on pussy *smirk*" Pang aasar ni Red Blood at kasabay ng pang aasar niya ay ang pag sugod ni Dark Princess.


Sa kabilang dako naman habang patuloy pa ring naghahanap si black butterfly sa BDDG ay sya namang saktong pagdating ng BDDG sa magulong GA.


"BDDG!!" Sigaw ni BB ng makita nya ang mga target nya.


Napatingin naman ang BDDG kay BB. "You like what your seeing now BDDG?" Nakangising tanong ni BB sa kanila.


"Ano na namang kalokohan to Black butterfly??" Sigaw ng leader ng BDDG.


"I'm just having fun babies. You want to play?" Tanong ni BB

Bigla namang sumugod ang leader nilang si chase kay BB kaya sumunod na din ang mga miyembro nito.

Habang may dalawang tao naman na patuloy lang sa pagmasid sa magulong GA.

"Huh! I never thought na masaya pa lang manood ng ganito Queen!"

"I know phantom I know" Nakangising saad ni Queen.

"Ano na ngayon ang balak mo sa GA Queen?" Tanong sa kanya ni phantom.

"Wala. Hahayaan kong ang Ama ko ang gumawa ng lahat. Bagay lang sakanya yan" Walang emosyong saad ng Reyna habang nanonood ng maganda at magulong palabas.


Napatango na lang si phantom at nanonood.


"Tapusin nyo na yan" Saad ng reyna kaya narinig naman yon ng dalawang assassin kaya tinapos na nila ang mga laban nila.

"I need to end it na BDDG. Bye!" Saad ni black butterfly at mabilisang pinatumba ang BDDG.


Ganoon din ang ginawa ni Red Blood kay Dark Princess hindi man nya ito napatumba ay napuruhan naman nya ito ng sobra.


"Better luck next time Dark Princess. Practice more" Pang aasar ni Red Blood kay DP bago nya ito tuluyang iwanan.


Pinasabog naman ulit ni RB ang isang bahagi sa GA hudyat na tapos na silang manggulo at pwede na silang umalis.

Nakangising umalis ng GA si black butterfly at Red blood. Dahil sobrang nag enjoy sila sa panggugulo sa GA.

"Job well done bitches" Narinig nilang saad ng Reyna sa kanilang earpiece kaya mas lalong di nila mapigilang mapangiti.


"Oh yes! Really a job well done" Sabay nilang bulong at sabay din silang tumawa.


-

Another A/N: I sucks at third person's pov so please bare with me lol 😂o

Check this out, check this out new fantasy story is out. Thank you!
⬇⬇⬇⬇
http://my.w.tt/UiNb/U0beL0APuB

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 141K 34
Paano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siy...
1.2M 30.2K 88
COMPLETED Story Description: Accused and condemned as the murderer of Keizer's death, her late boyfriend, Denniese Imee Earl, who was considered as n...
1M 27.7K 55
Meet Luna Nicole Swansea, a happy-go-lucky girl who loves to make trouble in short she's a trouble maker, a boyish type of girl who ALMOST have a nor...
6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...