SHE'S THE GIRL

By zhidez

2.6M 31.8K 3.8K

Lhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another s... More

Introduction
Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65: FINALE
Afterword
FAQ
Announcement #1
Announcement #2
Announcement #3
Book Giveaway

Chapter 22

34.5K 470 52
By zhidez

Lhaine Lee Ramos - POV

AFTER LUNCH na akong pumunta sa ospital para dalawin si Brix. Nadatnan ko pa ang mom niyang paalis na para kumuha pa ng ilang gamit ni Brix. Dahan-dahan akong sumilip sa room niya. Nakasabit ang kanang binti niyang balot sa white cast sa isang traction.

"Pagala-gala na ang mga suspended ngayon ah," sabi nito agad nang makita ako.

"Hi!" kumway ako.

"Lumapit ka naman dito. Wala naman akong nakakahawang sakit ah," tumawa siya. Isinara ko ang pinto at lumapit sa kanya.

"Masakit ba?" tinuro ko ang binti niya.

"Kung walang pain reliever."

"Sino ba kasi ang nagsabing 'makilipad' ka sa akin?" hindi ko napigilang sabihin. That was supposed to be on the 'don't say' list!

"Forget it, buhay pa naman ako eh. Thanks dahil hindi mo idiniin si Yaj. Aksidente lang naman talaga iyon eh."

"Okay, hindi ko na ulit babanggitin. Instead, tutulungan kita hanggang sa gumaling ka. It's not to pity or pay you for what you did. It's because we are friends."

"You might worry Ryan."

"Nag-aalala rin naman siya sa'yo."

"Lahat yata eh," isinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niya.

"Sasamahan kita ng buong araw. Wala rin naman akong gagawin eh."

"Hindi ko inasahan na darating ang araw na mababahiran ang magandang record ni Lhaine Lee. Ang suwerte ko naman, ikaw ang gamot, doktor at nurse ko," he winked. I know he's strong but I think he's just trying to put up a front.

"So, anong gagawin natin ng buong araw?" umupo ako sa kama niya. Itinuro niya ang isang plastic bag sa katabi kong mesa. Puro DVDs and books ang laman nito. We ended up doing marathons and 'book reviews'. Nang dumating ang mom niya ay kasama rin namin itong nanood ng mga movies.

"Lhaine, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" may yumugyog sa balikat ko. Ay, naidlip pala ako habang nanonood kami. Tinignan ko ang relo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong past-eight na pala!

"Game!" napatayo ako. Natutop ko ang bibig ko. As much as possible kasi ay ayaw kong banggitin ang basketball sa harap ni Brix. Tinignan ako ni Brix saka ngumiti.

"Nakatulog din ako. Tapos na sigurado ang game, mabuti pa ay umuwi ka na at late narin. Maraming salamat sa araw na ito. Pakiramdam ko tuloy ay makakalakad ako agad ng dahil sa'yo."

"Balik ako bukas ha? Bye po Tita," paalam ko sakanilang dalawa. Dali-dali akong lumabas ng ospital at nagpara ng taxi. Nadatnan ko sina Tito at Tita na kumakain ng dinner nang makauwi ako.

"Oh you're here. Where's Ryan? Pinauna ka ba niya?" tanong ni Tita.

"Po? May game po sila ngayon. Akala ko po tapos na kaya umuwi na ako. Galing ho kasi ako sa ospital."

"How's Brix? Baka on the way na si Ryan," tugon ni Tito. Ipinaliwanag ko ang sitwasyon sakanila. Hindi na ako nakisalo sakanila sa dinami-rami ng kinain ko kanina. Sumilip ako sa phone ko bago ako umakyat, wala siyang text o tawag. Hindi niya sinasagot ang tanong ko kaya sina Czar ang tinawagan ko. Ayon kay Czar, hindi raw nila kasabay umalis si Lee. Huwag mong sabihing nandoon parin siya at naghihintay?

"Tito, Tita, may pupuntahan lang po ako saglit," mabilis na paalam ko sakanila.

"Where are you going this late?" tanong ni Tita.

"Pupuntahan ko lang po si Lee," lumabas ako ng bahay at naghanap agad ng taxi. Malapit lang mula rito ang school na linaruhan nila. Pagkarating ko doon ay nakapatay na ang halos lahat ng ilaw at wala ng tao doon bukod sa nag-iisang nakahiga sa bleachers.

"Auhm, Ryan Lee Sanchez?" lapit ko sa taong nakahiga sa bleachers. May towel na nakapatong sa mukha niya. Ah, si Lee nga. Iyon 'yung towel na binigay ko sakanya kahapon.

"Walang Ryan Lee Sanchez dito," hindi siya bumangon.

"Sorry, nakatulog ako noong nanonood kami."

"You said you'd come," pagalit na sabi nito. Umupo siya at hinarap ako.

"May susunod pa nalang laro, hindi ba? Akala ko naman maiintindihan mo. Dahil sakanya kaya maayos pa akong nakakalakad. Dahil sakanya, hindi ako ang nakaratay sa hospital bed— forget it," inis na sabi ko. Bago pa ako makapag-walk out ay maagap siyang humarang sa harapan ko.

"Ilang oras kang late?"

"I don't care anymo—wait! You really were serious?"

"Isang halik kada isang minutong late ka. Ilang oras na akong naghihintay," napaurong ako nang lumapit siya.

"Siguro naman ay gutom na gutom ka na kaya uwi na tayo."

"What? Are you scared?" nilapitan niya ako ng husto. Naitulak ko tuloy siya.

"Biro lang. Nagseselos ako kahit hindi dapat. Sorry, c'mon let's go home," pinitik niya ang ilong ko at saka naunang naglakad palabas ng gym. That was unfair of me too.

"Lee!" tawag ko sakanya. Nag-echo ang boses ko sa bakanteng gym.

"Hmm?" tumigil siya at lumingon.

"Sorry na. M...mahal kita!" my voice echoed again.

"Stop right there," pigil niya sa akin nang lalapitan ko na sana siya.

"Bakit?" tanong ko pero lumapit parin ako sakanya.

"Huwag kang titingin!" hinagis niya ba naman sa mukha ko ang gamit na towel niya.

"You are blushing!" sigaw ko agad nang makita ko ang mukha niya.

"Kakatapos lang ng laro kaya siguradong namumula pa 'tong mukha ko. Huwag ka na ngang tumignin! Tara na, gutom na ako," yumuko siya at pinulot ang face towel na nahulog sa tapat ko.

"Gutom na ako, uwi na tayo," inakbayan niya ako at giniya palabas.

"You really have the best timing huh. How does it feel to say those things out loud?" tanong niya pagkapasok namin sa sasakyan niya.

"It felt more real?" tugon ko. Hindi ko nga rin ako makapaniwala na sinabi ko 'yun sakanya. But none the less, I really do love him. There, I said it.

* * *

Ryan Lee Sanchez - POV

Puspusan ang mga drills namin bawat umaga at hapon dahil malapit na ang semis at malakas ang team na makakaharap namin. Tapos na ang suspension ni Lee at nakapasok narin si Brix. Pagkatapos ng morning drill namin ay pinuntahan ko si Chandler sa parking lot. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang sumulpot 'yun dito eh.

"Ayun oh," sinalubong ako ni Chandler at kasunod lang niya si Yaj.

"What's up?"

"You piece of sh*t!" bigla nalang akong sinuntok ni Chandler sa panga dahilan para ma-outbalance ako at matumba. Hindi ko inasahan 'yun ah.

"What the hell Chandler! Are you okay Rai?" yumuko si Yaj at tinulungan akong tumayo.

"Got it out of your system?" kalmadong sabi ko.

"What the f*ck is wrong with you? Ginago mo si Yaj! Pinagpalit mo siya sa isang nerd wh*re. Magkasama pa kayo sa iisang bahay? Ano siya, maid!?" kulang nalang ay mag-amok si Chandler. Uminit ang ulo ko nang banggitin niya si Lhaine. Bumuwelo ako para suntukin din siya.

"STOP IT! Chandler! I did not ask you to do this!" umurong ako nang pumagitna si Yaj sa amin. Silang dalawa na ang magkaharap ngayon.

"I'm doing this on my own. Hindi ko na kayang panoorin ka habang naglalasing ka dahil ginag* ka ni Ryan," medyo kalmado na si Chandler.

"Kayo na ang mag-usap. Yaj, tell him the whole truth. You've done enough damage," pinulot ko ang bag ko.

"Gag* ka talaga. Nag-transfer si Yaj dito para sa'yo. Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan niya? Ni hindi ka man lang nagpakita sa tropa para ipaliwanag ang mga nangyari," habol ni Chandler.

"Case in point, wala akong alam. May pasok pa ako, maiwan ko na kayo," tinalikuran ko sila. Hindi ko nga lang inasahan na susugod ulit si Chandler. Hinila niya ang damit ko at sinuntok sa mukha ng malapitan. Crap!

"Kulang pa 'yan. Hindi kita titigilan, pati 'yang maid mo."

Nahilo ako at napahiga sa semento. Buti nalang at na-kontrol ko ang bagsak ko. Umalis si Chandler at naiwan kaming dalawa ni Yaj. Lumapit siya at umupo sa tapat ko. Hindi ko napansin na umiiyak na pala siya.

"I'm so sorry, ang sabi lang naman niya eh gusto ka niyang makita."

"May sarili siyang dahilan and at least realize that already. Siguro ay ayaw niyang binubuhos mo ang oras mo sa isang walang kuwentang bagay," umupo ako at ginamit ang T-shirt ko para punasan ang dugo mula sa labi ko.

"Walang kuwenta? Nagkakaganito ako dahil sa'yo! Ano bang mayroon si Lhaine na wala ako? Kailangan ko bang magpaka-conservative? Ha, Rai? Kailangan ko bang lumuhod sa harap mo?" she kneeled right after saying it. Tumayo ako para hilain rin siya patayo. Yumakap agad siya sa akin.

"Yaj..." I said softly. Hindi siya sumagot. Bumigat bigla, nawalan siya ng malay. Sa sobrang taranta ko ay binuhat ko siya at sinakay sa sasakyan at pinunta sa pinakamalapit na ospital imbes na sa school clinic. Ayon sa doktor ay mababa raw ang blood sugar niya at kailangan niya ng mahabang pahinga at kumain para mabawi ang lakas niya. Hindi na tuloy kami nakapasok.

"Gutom na ako," sabi agad ni Yaj nang magising siya. May suwerong nakakabit sakanya.

"I'll get something," tumayo ako at lumabas para bumili ng pagkain. Para siyang isang taong-kuweba habang kumakain. Ilang araw ba siyang hindi kumain? Pagkaraan ng isang oras ay bumalik na sa normal ang blood sugar niya.

"Babalik ako sa school. Magpahinga ka na muna dito."

"No, may quiz mamaya. I can't fail. Isa pa, ngayon ibibigay ang instructions para sa practicals," matigas na sabi nito. Kinakusap ko ang doktor, pinayagan naman siyang umalis at nagbigay lang ng ibang bilin.

"Chandler might really be serious. I think he hates Lhaine more than I do. I'm sorry for lashing out like that. Sa tingin mo ba ay galit si Brix sa akin? It feels like I'm losing everyone I really treasure," sabi nito habang sa labas ang tingin.

"I don't know about Brix but as far as I'm concerned, you still have me, just not in the way you want."

"Thanks. I'll be fine then," pilit siyang ngumiti. Nauna siyang pumasok ng school dahil naghanap pa ako ng parking space. Hindi rin ako umakyat agad kakaisip sa puwedeng gawin ni Chandler. Ang daling magbago ng isang tao kapag galit ito. Inilalagay ko nanaman sa isang alanganing sitwasyon si Lee.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit mas nahuli ka sa iba?" tanong agad ni Lee nang maka-upo ako sa tabi niya.

"Saan galing 'yang pasa mo?" tanong niya ulit nang hindi ako sumagot.

"Ang dami mong tanong, mamaya na tayo mag-usap. Pagod ako at badtrip." Huli na nang marealize ko ang singot ko at ang paraan ng pagsagot ko. Natahimik siya at binalik ang tuon niya sa librong hawak niya. Crap, sakanya ko pa naibabaling ang ka-badtripan ko. Hindi niya ako kinausap hanggang sa matapos ang klase. Sa bahay nalang ako magpapaliwanag. Bago mag-uwian ay nakatanggap ako ng text mula kay Yaj: 'Let's meet at the café near school. Chandler wants to apologize.'

---

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 305 22
Misfits Series #5 Published under π—šπ—Ώπ—²π—»π—Άπ—²π—Ώπ—Άπ—²π—Ήπ—Ήπ˜† π—£π˜‚π—―π—Ήπ—Άπ˜€π—΅π—Άπ—»π—΄ Waking up every single day, hating herself, her own reflection, and h...
71.1K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...
30.2K 1.1K 104
A typical girl who fell inlove with a man who doesn't even know how to be warm. The first time that Dawn saw her colleague, Midnight at the hospital...