The Top Teen Models

By ohniika

357K 6K 508

Description inside. More

The Top Teen Models
TTM
1: KELLY, MAYKA, AND THE NEW GIRL
2: SI JAZZELLA
3: HINDI NAMAN PALA
4: HULI KA TABA
5: AKALA KO
6: HEARTS ARE BROKEN
7: NAGBAGO NA ANG LAHAT
8: THE GIRLS ARE BACK
9: MAGMOVE ON
10: WALA AKONG CHOICE
11: NANGINGIBABAW
12: THE PHOTOGRAPHY CLUB PRESIDENT
13: BE A QUEEN
14: THE RULES
15: BOY HUNT
16: FIRST AND PROBABILITY
17: THE DINNER
18: SHE'S NOT DENSE
19: KISS ME SLOWLY
20: SECOND PHOTOSHOOT
21: ACQUAINTANCE PARTY
22: HUMAN AUCTION
23: SHE'S SO MEAN
25: WORDS CAN KILL
26: PROVEN AND TESTED
27: ONE WORD FROM YOU
28: SAY SORRY
29: WHAT HAPPENED
30: ASK A FAVOR
31: FAMILIAR SCHOOL
32: FINALS
33: TEXTMATE
34: ATTRACTION
35: VACATION
36: NICE VIEW
37: BOHEMIAN PARTY
38: BIKINI BODY
39: LOVER'S QUARREL
40: NASASAKTAN AKO
41: PATINTERO
42: MY BOYFRIEND
43: HIS GIRLFRIEND
44: FRIENDSHIP
45: PETER PAN, TINKERBELL, AND WENDY
46: SUZY
47: HAPPY ENDING

24: OVER YOU

310 8 1
By ohniika


Chapter 24

Jazzella's Point Of View

"Jazzella," tawag niya nang hindi na ulit ako nagsalita. I only peeked at him and stared at my drink again. He took that as a signal to go on. "Have you ever liked someone? Before?"

Natigil ako sa pag-ikot ikot ng baso ko at kaagad na pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Neil. My heart ached when I remembered that loving face. The face that made me smile, the smile that made my heart skip a beat, the beat that made me fall for him. Everything was like a dream. Yung tipo ng panaginip na ayaw mo nang gumising dahil babalik ka na naman sa realidad. My reality was okay when I woke up. But when I decided to sleep again, instead of beautiful dreams, I ended up having a nightmare.

Sinulyapan ko ang lugar kung nasaan ang mga kasama, and when I saw them, the pain and sorrow raced to my heart. Bakit masakit pa rin kahit sinabi ko na sa sarili kong wala na ang lahat? Resentment and grudge made its way to my life again.

They said the way to successfully move on is to forget everything. The displeasure, the rage, the discomfort, and the hostility, I can taste bitterness again. I did everything to move on, para makalimutan ang lahat ng poot ko noon, pero bakit bumalik na naman?

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila nang hindi ko na kaya ang sakit. I can feel a pang of guilt from my heart. I still wished to be with him, and I just realized everything now that I'm drunk.

"Jazzella?" Nabigla ako nang may nagsalita. Kaagad kong pinunasan ang kumawalang luha at tinungga ang baso.

"Oh?" Hinintay ko munang mawala ang hapdi sa lalamunan ko bago lumingon sa kanya..

"You didn't answer my question." He said calmly while still staring at me.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sayo." Iritado kong sagot at tumayo. Kaya naalala ko na naman ang masakit na pangyayaring yun eh, nang dahil sa kanya. Ang bwisit ng lalaking to.

Nakaramdam ako ng konting pagkahilo nang tumapak ako sa sahig. I guess I got too much drink for tonight.

"H-Hey, where are you going?" aniya at tumayo rin para alalayan ako pero hindi ko tinanggap ang kamay niya.

"Sa lugar na wala ka." I said coldly, I actually got chills.

Iniwan ko siya doon at pumasok sa dagat ng mga tao. Sumasayaw pa rin sila at walang prenong nagsisigawan. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa sikip ng lugar. Nababangga na rin ako ng mga tao kaya mas lalo akong hindi makalakad ng maayos. May naaamoy pa akong sigarilyo, which is really not helping.

"Jazz!" narinig kong may tumawag sa akin mula sa gitna ng dance floor. Tumigil ako sa paglakad at hinintay ang paglapit ng kaibigan ko. "Saan ka pupunta?"

Tinitigan ko siya maayos kasi hindi ko na siya masyadong maaninag. "Hi Kell," I smiled. "Magpapahangin lang ako. Nakakainis kasi si Mico." I don't know if it's because of the sedative, but I'm talking weirdly.

Ngumiwi si Kelly. "Samahan na kita." She insisted kaya tumango ako at naglakad ulit sa kumpulan.

Nakahinga ako ng maluwag kasi malapit na kami sa entrance nang may biglang pumalo sa pwet ko kaya agad akong natigil at nanlaki ang mga mata ko. Lumingon ako at nakita ko ang grupo ng mga lalaking tumatawa, tuwang tuwa dahil sa ginawa ng kaibigan nila.

"Bakit?" pagtataka ni Kelly.

Sinamaan ko sila ng tingin at nilapitan. "Excuse me?" bungad ko sa kanila. "What the fvck did you just do?"

Tumatawa ang lalaking sa tingin ko ay ang pumalo since siya lang ang nadaanan ko. "Ano yung ginawa ko miss?"

"Don't act ignorant asshole." Sobrang naiirita ako dahil sa Micong yun, dinagdagan pa ng mga bwisit na to. "Bakit ang bastos mo? Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng tamang asal?"

Napa-oooh naman ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi ko. Humupa ang tawa ng lalaking kaharap ko at tumayo. Nalula ako dahil sa tangkad niya kaya tumingala ako, not helping either.

"Alam mo miss ganda, wala talaga akong ginawa sayo. But if you keep on insisting it," aakma siyang hawakan ang braso ko pero kaagad kong winakli yun. "Baka meron talaga. Isama mo na rin ang kaibigan mo." Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil dinamay niya pa si Kelly.

Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Kanina pa ako naiinis. Una dahil sa malanding Suzy, sunod dahil sa bwisit na Mico, ngayon ito na naman? Why can't they give me a rest?

Ngumisi ng malagkit ang lalaki nang hindi pa rin ako umurong kaya hinawakan ako ni Kelly sa braso. "Tama na, Jazz. Tayo na, bumalik na tayo sa kanila." She whispered, her voice is soothing it helped me calm down.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran sila. Pasalamat sila at hindi ako nakakatayo ng matuwid.

"Argh! It's so frustrating!" sigaw ko nang makabalik kami sa table kung nasaan ang iba. "Gusto ko siyang iuntog sa pader."

Gulat silang tumingin sa akin at nagtataka. "Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Al. Nagkibit balik si Kelly. Nakita ko si Mico na paparating nang makita ako pero hindi ko siya pinansin.

"What happened?"

"They slapped my butt! They even harassed Kelly." I yelled, halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa inis na hindi talaga mawawala. "Gusto kong gumanti, bwisit!"

"Sino?" Markhel asked. "Tara, resbakan natin sila."

"The guys near the entrance." Naalala ko ang mga mukha nila kaya hindi ko mapigilan ang bumuga ng hangin. "Ah, my hands are shaking."

"Kumalma ka muna, Jazz." Rhea said in a calm voice. "Let's not do anything. Maybe they're just drunk."

"Yun na nga eh!" I snapped. "Kung mag-iinuman sila, idaan nila ang alak sa tiyan, hindi sa utak." Nangangalaiti ang mga kamay ko. Gusto ko silang suntukin, o di kaya ay sipain. Anything will do basta makaganti lang.

"Sa tingin mo iyon ang ginagawa mo ngayon?" I heard Suzy scoffed kaya kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. Mas lalong dumagdag ang inis.

"Stop it Suzy. Don't make things worse than it is." Hanz warned bago pa man ako makapagsalita. She just snarled at nag-iwas ng tingin. "Ano yung sinabi mong ginawa nila kay Kelly?"

"Wag mo na akong paulit-ulitin dahil sobra akong galit ngayon!" I ranted.

Biglang tumayo si Neil na kanina pa tahimik. Sinundan namin siya ng tingin at nang mapagtanto naming papalapit siya doon sa mga lalaki ay kaagad kaming sumunod. Nauna pang maglakad si Mico at tumabi kay Neil.

"Bakit?" tumayo yung lalaking nambastos sa akin kanina at tinignan si Neil mula ulo hanggang paa. "Anong kailangan niyo?"

"Binastos mo raw itong kasama namin." He said with his voice dark and he's obviously mad. Tumabi si Markhel sa kanya na para bang excited sa nangyayari.

Ngumisi yung lalaki at hinawakan sa balikat si Neil tsaka pinisil ng mahina. "Alam mo dude, ang bastos ay yung naghuhubad sa gitna ng daan." Sabi niya pa at tumawa. Tuwang-tuwa pa siya sa joke niyang walang sense.

The music stopped, at napansin kong nasa amin ang atensyon ng mga taong nandito at nanonood lang sa palitan ng salita. Nakita kong ikinuyom niya ang kamao niya para pigilan ang sarili. "Anong tawag mo dun sa ginawa mo? Hindi pa ba bastos yun?"

"Hindi ko nga kasi siya binastos dude. We were just... talking."

"Talking mo mukha mo!" I shouted kaya tinignan niya ako tsaka ngumisi ulit.

"Nakikipag-usap lang naman ako... sa... sexy niyong mga kaibigan." He grinned and licked his lips while looking at us.

"Pare, umayos ka ha?" banta ni Mico nang mapansin ang malaswang tingin ng lalaki. "Kung lasing ka na, wag mong damayin ang ibang tao."

"Hindi ko nga kasi siya binastos dude kasi hindi naman ako naghubad sa harap niya." Pamimilosopo niya at tumingin ulit sa amin. "Gusto ko lang namang makipag-usap..."

He licked his lips again while looking at us with a disturbing look kaya hindi na nakapagtimpi si Neil at tinulak niya ito kaya natumba ito sa sahig. Sinalo naman siya ng mga kaibigan niya at sinubukang tumayo. Binalikan na yata ako ng katinuan ko dahil sa munting aksyon na yun.

Tumawa lang siya ng mapakla dahil sa nangyari. "Gusto ko lang namang makihati. Ang dami niyo kayang babae. Bigyan niyo naman kami para share tayo." Sabi niya at inisa-isa kami ng tingin. Napaatras naman si Stacey, Rhea, Grethel, Bubbles, at Suzy habang masama ang tingin nila Mayka at Kelly.

Mas lalong umusok ang ilong Mico kaya aakma niya itong susuntukin. "This son of a—"

"Wag," pigil ko. Lumingon naman siya sa akin kaya nakita ko ang galit mula sa mga mata niya. I was taken aback pero hindi ko siya binitawan. "Let them do the first move para wala tayong kasalanan."

Humugot ng malalim na hininga si Mico at pinilit na kumalma. "Putangina brad, kapatid at kaibigan namin tong binabastos mo. Wala ka bang pinag-aralan?" Ngumisi lang ang lalaki.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na hindi ko nga sila binastos. Nag-uusap lang kami! Diba miss? Nag-uusap lang naman tayo diba?" aniya at sinubukan akong lapitan para kausapin kaya pumagitna si Neil at Mico.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Usap ba ang tawag mo dun? You spanked me! That was really rude!" I shrieked kaya napaatras siya.

"He what?!" bulaslas ni Mico at nag-igting ang bagang.

"Ewan ko sa inyo. Basta wala akong ginawa." He calmly said. "If you want to apologize, give me that fvcking girl para mapapatawad ko na—"

Hindi natapos ang sasabihin niya nang bigla siyang sinuntok ni Markhel na kanina pa hindi mapakali. Nagulat rin si Neil at Mico dahil sa ginawa niya.

Fvck first move, that serves him right.

Well, okay na ako. I'm going to thank Markhel for that later kahit hindi niya naman ginawa yun para labanan ako. That was merely for his own entertainment.

Kaagad siyang bumangon kaya nakita ko ang dugo sa gilid ng labi niya. He looks fine for a drunk.

"S-Sino yung sumuntok?" aniya at pinilit na tumayo ng maayos. Tumayo rin ang mga kaibigan niyang mga nasa walo o siyam siguro para may back-up ang manyakis na to.

"Pare, foul yun." Inis na wika ng isa sa mga kaibigan ng lalaking lasing.

"Oh? Ano naman kung foul? Basketball to?" pamimilosopo rin ni Neil.

"This little sh—" aakmang susuntok ang lalaking yun kaya umakma rin si Neil.

"Oh, ano? Lalaban ka?" sagot niya. Nagsimula na akong kabahin. Hindi ko inakalang aabot kami sa riot. I just wanted to teach that guy a lesson. I'm fine now.

"Bakit? Akala mo ba uurungan ka namin?" sagot pa niya at humakbang palapit.

"Tama na!" sigaw ko pero hindi nila ako pinansin. Lalapitan sana ito ni Neil pero kaagad kong nahila ang damit niya. Hinila ko rin ang damit ni Mico nang aakma rin siya lalapit. Pumigitna kaagad ako sa kanilang lahat. "Tama na okay?!"

"Sinuntok niya lang ako tama na?!" reklamo ng manyakis kaya I glared at him. "Aba, hindi patas yun miss." Aniya at siniko ako.

Naalerto ang mga lalaki dahil sa ginawa niya kaya kaagad kong hinarang ang kamay ko. "Stop! Stop it already!"

"Pagsabihan mo yang mga boypren mong ulol miss!" Uminit ang mga tainga ko dahil sa tinawag niya sa kanila. Who the hell gave him the permission to insult my friends?

Humarap ako sa kanya at nilapitan ito. Kaagad ko siyang sinampal kaya nagulat siya sa ginawa ko at hinawakan ang pisngi. "What the fvck did you just do to me, you little btch?" Tinulak niya ako ng mahina sa balikat habang nanlilisik ang mga mata. Hindi naman masakit pero ayokong tinapaktapakan ako kaya lalaban ako.

Sasagutin ko sana ang manyak na yun nang bigla ulit siyang bumulagta sa sahig. Gulat na lumingon ako kay Neil na siyang sumuntok.

"Hey! Stop!"

Hindi na nakapagtimpi ang isa pang kaibigan ng manyak at sinuntok rin niya si Neil sa mukha. Sinubukan ko silang pigilan pero hindi sila nakikinig sa akin. "Tama na kasi eh!" I shrieked at hinila ang lalaking yun sa braso. Muntik niya pa akong masuntok kung hindi niya lang ako nakita.

Sinubukang sumali ni Mico pero kaagad ko siyang tinulak pabalik. "Quit it already!" I scolded him at humarap ulit sa nagsusuntukan. Lumapit rin si Markhel kaya pinandilatan ko siya ng mata. "Sige Markhel, subukan mo!" Umatras naman siya dahil dun.

"Neil! Tumigil na nga kayo!" tawag ko pero wala pa rin sa akin ang pansin nila. Patuloy lang ang pagsusuntukan nila kahit na pinipigilan na silang dalawa nila Al at Hanz pati ang tatlo mula sa kabilang grupo.

Nang hindi pa rin sila tumigil, humugot ako ng malalim na hininga.

"Tama na sabi eh!" I hollered so loud I thought my throat was gonna burst kaya natigil na sila at lumingon sa akin. "Tama na yan!" Pumunta ako sa gitna nilang dalawa at pinaghiwalay. Tinignan ko ang lalaking hindi ko kilala kaya nag-iwas siya ng tingin.

Sunod kong tinignan si Neil na hindi natutuwa sa mga nangyayari. He ran his hand through his hair frustratingly at tinignan ako. His face softened when he saw me.

"Why?" I asked desperately, my voice cracked. "What's wrong with me? May kulang ba sa akin? May mali ba akong nagawa?"

Hindi siya sumagot, hindi rin siya makatingin sa akin. Feeling ko mababaliw na ako, bakit hindi siya sumasagot?!

"Neil, sagutin mo naman ako. Nasasaktan na ako." Humagulgol na ako, lumabas na ang kanina ko pang pinipigilang luha. Parang kinirot ang puso ko nang maalala ko na naman ang ginawa niya... ang ginawa nila.

He looked at me, guilt is evident in his eyes. "Ella, alam mong wala kang kasalanan." Sabi niya. Maamo ang mukha niya nang hinawakan niya ang pisngi ko habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

"Then why did you do that?" My voice is little, and it may sound pathetic, but I managed to slap his hand away from my face. Hindi nakakatulong ang pag-comfort niya sa akin, mas lalo lang akong nasasaktan.

"I..." his voice trailed. "I'm sorry."

"Tama na..." bulong ko at tinalikuran silang lahat para umalis.

"Guards!" tawag ni Mico sa mga guards pero hindi na ako lumingon. Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mata ko kaya kaagad ko itong pinunasan pero hindi na ito tumitigil. Walang preno ang luha ko sa pagpatak kaya hindi ko mapigilan ang humagulgol.

"Tama na..." bulong ko sa sarili ko. Sobra akong natakot dahil sa kanila. Siguro ay may mangyayaring masama kung ipinagpatuloy nila yun.

"Tama na kasi..." bulong ko ulit at niyakap ang sarili nang makalabas ako. Tahimik na dito sa labas dahil nasa loob ang mga tao at nakikichismiss pa.

"Jazzella!" tawag ni Neil at sinundan ako pero hindi ako lumingon. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga nangyari. I was just mad and frustrated with everything, lalo na sa lalaking to. Ang tigas ng ulo.

"Tama na yan..."

"Jazzella, wait—"

"Tama na Neil!" sigaw ko at hinarap siya. He looked shock at my sudden outburst.

"Wha—"

"Tama na please. Wag mo na akong saktan. Tama na kasi, sobra na akong nadudurog. Ang sikip na ng damdamin ko. Wag mo nang dagdagan pa kasi ang hirap ng huminga! Ang dami nang dumi sa puso ko." I broke down and cried myself out. Nasasaktan ako tuwing nilalapitan niya ako ng ganito. Lalo na nang maalala kong girlfriend niya pala ang babaeng ginawang impyerno ang buhay ng kapatid niya.

"Ell—Hey, I was just trying to help you." He tried to hold me but I jerked back. Natatakot akong mahawakan niya ako. Pero mas lalong natatakot ako sa sarili ko. I told myself I'm okay kahit na hindi. Naniwala ako sa kantangahan ko. I can't trust myself. Iniwan at sinaktan niya ako noon, bakit hanggang ngayon?

"Help mo pwet mo, gago!" I cursed. "Wag mo na akong kausapin. Wag mo na akong lapitan. Kahit magtama man ang tingin natin, just pretend we don't know each other. Wag mo na rin akong batiin dahil hindi ako bumabati sa mga taong hindi ko kilala."

Tumalikod ako para bumalik sa loob nang makita kong may nakaharang sa pinto.

It's Mico, standing, watching, and listening to our conversation.

He looked shocked by the information he knew. Pero sa tingin ko ako dapat ang mas masosopresa. Is he eavesdropping?

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi siya nagsalita at pabalik-balik lang ang tingin niya mula sa akin at kay Neil. Neil looked taken aback, but he wasn't affected as much as I do.

"Kanina ka pa jan?" tanong ko.

"I-I..." he stattered at hindi alam kung ano ang sasabihin. When his gloomy eyes rested on mine, kumirot ang dibdib ko. "Boyfriend mo si Neil?"

Great, he must've seen my despair and probably pitied me.

Marahas kong pinunasan ang luhang pumatak at tinalikuran silang dalawa. "Pwede mo ba akong samahan?"

"Su—" sumagot si Neil kaya kaagad ko siyang pinigilan.

"Mico?"

--

Tahimik kaming dalawa habang magkatabing nakaupo. Wala akong planong magsalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat naming pag-usapan.

Nakatulala lang si Mico sa pader na nasa harap namin habang hawak hawak ang bote ng alak. Should I comfort him?

"Nakita mo ang lahat?" I asked silently.

Tinaas niya ang dalawang kilay kahit na hindi pa rin tumingin sa akin. "You mean the time when you walked out and he followed you right after so you confronted him and told him to leave you alone? Yeah." He answered in a hush tone at leaned his right arm on the backrest.

Hindi ko naman kasi inakalang sinundan niya pala kami. Tapos napaka-masokista niya pa kasi nakinig talaga siya all through out our conversation.

He might feel rejected by now so I want to ease his griefness but how can I when I'm also experiencing distress? I just realized one thing; I'm still not over him.

Hindi madaling mawala ang sakit lalo na't hindi pa rin ako nakakahanap ng kasiyahan ngunit siya meron na.

Kaya siguro inis na inis ako sa Suzy-ng yun, kasi inagaw niya ang kasiyahan ko. Maybe I really am insecure of her. She got the one thing that I really wanted.

Should I get revenge? Gusto ko lang pahirapan ang impaktang yun. Selosa kung selosa pero ayaw kong magkatuluyan sila ni Neil. Okay lang ang iba, pwera kay Grethel, kaysa naman sa malanding yun. Natatapakan ang pride ko.

But don't you think they're match made in heaven? The Flirt and the Jerk. Maybe they do suit each other, filling their lusts and greed.

Tumawa ako ng mapakla. Yep, magsama sana ang hinayupak na yun. Kakalimutan ko na ang lahat.

Tumangga ako sa sariling bote at pinunasan ang luhang kumawala. I saw Mico looked at me from the corner of my eyes but I didn't mind him.

He was staring at me, like calculating my soul, but he didn't notice that I'm aware of his gaze. Tumangga ulit ako sa alak ko kaya bumuntong hininga siya.

"I know how it feels to be hurt," he said, his solemn voice makes everything more painful. "Since you're hurting me right now."

Ngumisi ako pero hindi sumagot. Hindi ko naman kasalanan na nagustuhan niya ako. He is really ignorant and gullible.

He sighed again. "I know what you're going through right now hurts a lot, and I know I'm being stupid, but I don't care. My feelings for you won't change, I still like y—"

"Stop, please." I looked at him with teary eyes. I can feel the sadness from my voice. "Don't confess to me now... I'm still broken."

I lost it.

I broke down and cried because I can't handle the heaviness of my chest. Everything is so painful for me, the world must've thought too highly of me for giving me this hell of a torture. I cried like a baby and rant things.

"H-He broke me to pieces..." sumbong ko sa kanya habang humagulgol. "Sinara niya ako, M-Mico... Masakit kasi... kasi minahal ko siya. He was my first love... but he cheated. Pinaglalaruan niya ako..." Hindi ko kayang ipagpatuloy ang sasabihin ko dahil umiyak na naman ako.

It's my first time crying like this. Hindi ako kailanman naglabas ng hinanakit ng ganito ka-immature. The pain is too much for me to handle kaya gusto ko na itong ipalabas. I want to let everything out so that I can start anew.

"I knew he was a jerk. Gago ang lalaking yun, sobra pa sa sobra. Pero bakit sumugal pa rin ako? Bakit um-oo ako sa kanya gayong alam ko namang manloloko siya? He said he will change for me. I believed him... Pero putangina Mico, gago nga siya! Hindi nagbago ang tanginang gagong yun! Ahhh!"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paglabas ng saloobin. I screamed my throat out para ipakita sa mundo na galit na galit ako. Sobra! Galit ako sa lahat. Galit ako sa ex bestfriend ko, galit ako kay Neil, galit ako kay Suzy, galit ako sa mundo, at mas lalong galit ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ako naging tanga!

"Hinalikan niya yung kaibigan ko, Mico! Ginago niya pa ako at sinabing hindi totoo ang nakita ko. Hala, anong akala niya sa akin? Malabo ang mata? Bulag? Tanga nga ako pero hindi ako gaga, ulol!" sigaw ko at tinapon ang bote kaya tumama ito sa pader at nabasag. Nagulat si Mico at tumayo para humarang sa mga nagtatalsikang kristal. Pinaupo niya ulit at lumuhod siya sa harap ko habang hawak ang aking balikat. "Gago ka talaga Neil! Pinabayaan kita at iniwan pero nung lumipat ako ng eskwelahan, malalaman kong nandito ka rin pala? Bumalik ka na naman sa buhay ko at humingi ka pa ng pangalawang pagkakataon kasi gusto mo nang magbago. Ilang beses mo ba ako kailangang saktan para magbago ka na talaga ng tuluyan? Should I just cut myself so that you can permanently—"

"Jazzella," Natigil ako sa pagsigaw nang hinarap ako ni Mico sa kanya. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya, his eyes reflects mine na para bang nasasaktan rin siya sa mga nangyayari. His face shows concern and grief. "Shh... Calm down..." he comforted.

Nagsimula na naman akong umiyak when he pulled me down and rested my head on his shoulder. He wrapped his arm around my back while his other hand placed on my head. Niyakap niya ako.

"Shh... Everything will be okay." He shushed as he stroked my hair gently. I sobbed again. I'm quite touched by his tenderness, it made me feel like I'm sharing my pain with him. "You will be fine, I promise."

Few minutes have passed at nanatili lang kami sa ganung posisyon. Hindi na ako umiiyak pero nasa balikat niya pa rin ang ulo ko habang humihikbi. He kept on whispering sweet words to me while brushing my hair which helped me calm down.

The silence between us is quite comforting. It's cold but at the same time warm, it's comforting me.

Mico didn't move kahit alam kong nangangalay na siya. Sinubukan ko pang umalis pero sinabi niyang hindi niya ako bibitawan hanggat hindi ako titigil sa pagiyak. Masokista talaga.

"Now that it's all said and done," I stiffened when he sang quietly to my ears. Kumpara kanina sa gym, his voice is soothing and soft. "I can't believe you were the one, to build me up and tear me down, like an old abandon house."

His chilly voice rang in my head. My breathing is normal again and I stopped sobbing. His voice is like a tranquilizer that helped me calm down. It's almost unbelievable.

I remained silent and just listened to the song. The lyrics he's singing to me made me realize that, even if everything seems to be pointless and doesn't makes sense after you broke up, even if you think you can't move on from the past, eventually, you will soon realize you don't need anyone to be happy.

And maybe that's the message he wants me to know.

"Cause the day I thought I'd never get through, I got over you." He sang the last line of the first chorus. Napangiti ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. "You will be fine, Jazz. I will make sure of that."

Continue Reading

You'll Also Like

29K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
1.7M 74.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.9M 93.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...