Fukitsu Academy

By SinisterSnow

10.1M 101K 7.9K

Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, y... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 5

221K 6.1K 249
By SinisterSnow

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'The Village'

Ice stayed over for an hour before leaving for an appointment. Pag-alis niya ay sinundan siya ni Saph ng tingin at saka ito bumalik sa bear na nasa sofa at natutulog pa rin habang nakatihaya. She silently screamed in joy at maingat na kinarga ang cub paakyat sa kwarto niya. One of her maids almost squealed when she saw what she was carrying.

"Shh, don't tell Nyx."

Nakangiti niyang sabi sa rito at saka umakyat sa kwarto niya. She laid the bear on her carpet at lumapit sa computer niya. She made quick research about how bears are bathed and how they are fed. Saph is indeed fascinated about bears, but she did not really consider keeping one as a pet kaya naniniguro siya na ligtas ang ginagawa at pinapakain niya kay Aki.

"Hmm, a cold bath to reduce your body temperature," sabi niya sa sarili. Tumayo siya at pumunta sa banyo ng kwarto niya tsaka nilagyan ng tubig ang bathtub niya. She went back to Aki who was now awake and walking around the room. Napansin siya ni Aki kaya umupo muli ito sa sahig at tumingin sa kanya.

"Hi, I'm Saph. I'm your owner now. Your buyer, Ice, filled me in that you're a boy," nakangiti niyang sabi rito at dahan-dahan naman lumapit si Aki sa kanya. He sniffed her hand and sat down again.

Natawa si Saph sa kanya at inaya ito papunta sa banyo. Sumunod naman si Aki sa kanya at dahan-dahan niya itong kinarga at nilagay sa bathtub na may tubig na sakto lang para mabasa ang mga paa ni Aki. The bear suddenly rolled on the water and played around. 

Saph spent an hour playing with the air in the bathtub hanggang sa pati siya ay nabasa na rin. Natigil siya sa ginagawa niya nang may kumatok sa pinto ng kwart niya.

"Saph."

Nanlaki ang mga mata niya noong marinig ang boses ni Nyx. She immediately stood up, closed her bathroom door before opening the front door. Sumalubong sa kanya si Nyx na nakatuxedo pa at parang galing na naman sa meeting. Kumunot ang noo ni Nyx noong makita niyang basa ang damit ni Saph at may bula pa ito sa buhok. 

"What happened to you?" takang tanong niya rito.

"Preparing for a bath," sagot niya. "Okay?" patanong na sagot ni Nyx at tiningnan si Saph na nakangiti pa rin. He noticed that he was extra cheerful today.

"Anyway, may mga bisita tayo. Get dressed and come down for lunch," sabi niya.

"Sino namang bisita natin? Baka naman bisita mo lang. I don't have friends," she said and pursed her lips. Nyx recalled that Saph never brought home friends at tanging siya lang ang may bisita na inuuwi.

"The guys that you fought the other day."

Umirap si Saph sa narinig niya at sinabing bababa siya matapos magbihis. Umalis na si Nyx at bumalik naman si Saph sa banyo niya at nakita si Aki na kinakagat ang malaking rubber duck sa bathtub. She drained the water from the tub and finished Aki's bath. 

She wiped the water from his fur and introduced him to the hairdryer. Hindi naman natakot si Aki sa hairdryer at nanatiling nakahiga habang pinapatuyo ni Saph ang balahibo niya.

After a few minutes, Aki's fur was now damp, and the bear was already asleep. Kinarga na siya ni Saph at nilagay ito sa carpet tsaka nilakasan ang aircon ng kwarto niya bago nagbihis. She wore some pants and a sweater dahil giniginaw pa siya sa pakikipaglaro kay Aki sa banyo. 

Bumaba na si Saph at pumunta sa sala. Nakita niya ang mga bisita ni Nyx na nakaupo sa sofa maliban sa isa na nasa bookshelf at parang nag-aarrange ng libro. She figured it was Demo.

"Finally, we can eat," sabi ni Zack at tiningnan si Saph na nagpapatuyo ng buhok. Tumingin si Saph sa kuya niya na naglalakad papunta sa kusina at ginulo ang buhok ni Saph noong madaanan siya nito. "Let's eat," aniya.

"Kakain lang naman diba? No more knife fights?" Saph seemed paranoid asking those questions dahilan para matawa si Kiel sa kanya.

"No more knife fights," nakangiting sabi nito at sumunod na kay Nyx sa kusina. Dumaan naman si Stone sa harap ni Saph. 

He looked at her for a few seconds at walang sinabi tsaka na umalis. Sumunod na lang si Saph sa kanila sa kusina pero nakita niyang dumiretso pala sila sa dining area. It was the first time in a while that they were using the dining table.

Nakita ni Saph ang mga katulong nila na pinagsisilbihan ang mga bisita ni Saph kaya napabuntong-hininga na lang siya. Tumingin pa kay Saph 'yong katulong na nakakita kay Aki. Saph smiled at her and gestured that she kept it a secret tsaka siya umupo sa upuan niya.

"Nakabalik na raw si Ice." Natigilan si Saph sa sinabi ni Zack na naghihiwa ng pagkain. Tumingin naman si Nyx kay Zack na agad na tumahimik na parang may nasabi itong mali.

"Kilala niyo ni Ice?" she asked at sabay na tumingin ang lahat sa kanya.

"Acquaintance. After all, rich people stick together," sagot ni Demo at hindi pinansin ang titig ni Nyx sa kanya. 

"Rinig ko friends rin kayo?" tanong ni Kiel na nakisali na rin. Hindi na lang umimik si Nyx at kumain na. Tumango si Saph bilang sagot at sinabi na noong bata pa sila magkakilala ni Ice.

"But I haven't seen you guys before. Bakit ngayon lang kayo dinala ni Nyx rito?" she asked while placing food on her plate. "Complications," tipid na sagot ni Stone at tiningnan si Nyx.

"May kaibigan kasi kami na ubod ng landi na ang pangalan ay Zack kaya hindi kami pinapapunta ni Nyx rito," walang emosyon na sabi ni Stone kaya napaawang ang bibig ni Zack na kanina pa tumahimik dahil sa tingin ni Nyx sa kanya.

"Oh, ba't ako?" he asked, offended.

"So, why just now?" tanong ulit ni Saph, referring to why they suddenly appeared even though they've been friends with Nyx for a long time. "They're actually staying here until the start of school term," sabi ni Nyx na nagpakunot ng noo ni Saph.

She then heard that Stone and the others already had their bags in their rooms in the mansion. "Not to sound mean or something, but why here?" she asked again.

"Kasi pupunta ka na sa Fukitsu," sagot ni Kiel habang nakangiti.

"Ahh, taga-Fukitsu rin kayo?" nakangiting tanong ni Saph dahilan para mapaubo si Zack at humingi ng tubig. Walang pagdadalawang-isip na inilayo ni Stone ang tubig mula kay Zack at sinabihan ito na magdusa. 

Si Saph na lang ang nabigay kay Zack ng tubig dahil parang mamamatay na ito kakaubo.

"Sa landi mong 'yan, sa Tanaka ka pala kakalampag," bulong ni Demo at umiling.

"Ano namang connection ng pagpunta ko sa Fukitsu at kung bakit titira kayo rito until the start of term?" she asked again. Stone confirmed that she was too curious for her own good and that the secret of her identity was so close to being revealed if Saph was as smart as he thinks.

"Sabi ni Nyx kailangan mo ng bodyguard," sagot ni Zack noong nakarecover na siya sa pag-ubo. 

"Anpa arranged everything. If that answers your further questions," Nyx said, cutting Saph's supposedly number of questions.

Napansin nina Demo na hindi na muling nagsalita si Saph noong binanggit ni Nyx ang lolo nila. Tinapos na nila ang pagkain at unang tumayo si Saph. Napansin ni Nyx na kumuha ng prutas si Saph at dinala ito sa kwarto niya.

Pagpasok ni Saph sa kwarto niya ay napansin niyang wala na si Aki sa carpet. Bigla siyang kinabahan noong makita na nakabukas ang pinto papunta sa veranda. Agad siyang tumakbo papunta doon at nawala ang kaba sa dibdib noong makita na natutulog lang pala si Aki doon sa gilid. 

She grabbed her phone and took pictures of him tsaka ito kinandong at inihiga sa kama niya. Medyo nilakasan pa ni Saph ang aircon at hindi niya namalayan na nakatulog rin siya sa tabi ni Aki.

✥✥

Nagising si Saph noong maramdaman niyang may humihila sa buhok niya. Tumingin siya kay Aki na kinakagat na pala ang buhok niya. Natawa siya rito at bumangon sabay haplos sa balahibo ni Aki. She fed him the fruits that she brought earlier at saka tumingin sa orasan. It was already seven in the evening. 

Tumayo siya at iniwan na muna si Aki tsaka naglakad pababa. Naabutan niya muli ang mga bisita ni Nyx sa sala. Naglalaro ng chess sina Stone at Demo habang nagce-cellphone naman sina Zack at Kiel. Hinanap ng mga mata niya si Nyx at nakita niya itong kinakausap ang mga maid nila.

Nanlaki ang mga mata ni Saph noong makitang kausap ni Nyx 'yong maid na nakakita kay Aki. Agad siyang lumapit rito at ngumiti sa kapatid niya sabay tingin sa maid na nakayuko.

"Ice visited you earlier while I was gone?" tanong ni Nyx habang nakatingin pa rin ito sa maid na nasa harap niya. "Yeah, he gave me a gift," sagot ni Saph at pinaalis na ang mga katulong nila tsaka hinarap ang kapatid niya.

"Bakit wala kang sinabi?" tanong nito kaya humugot ng malalim na hininga si Saph. Alam niyang alam na ni Nyx ang tungkol kay Aki. "I'm afraid you won't like the bear and take it away," nakayukong sabi nito. Bumuntong-hininga si Nyx at ginulo na lang ang buhok ni Saph.

"Dalhan mo 'yon rito. Aalis tayo."

Agad na napaawang ang bibig ni Saph at dali-daling hinawakan ang kamay ng kapatid niya tsaka nagmakaawa. Napatingin na rin sina Demo sa kanila.

"Nyx, please. Please, let me keep the bear. I'll take care of it. Please," pagmamakaawa nito sa kapatid. 

"Huh, I've never seen a Tanaka beg," namamanghang sabi ni Zack at ibinaba ang cellphone niya.

"Technically, she's not a Tanaka yet," singit ni Stone. "Checkmate," dagdag niya at napasapo na lang si Demo sa mukha niya tsaka na rin nilingon sina Saph at Nyx.

"Let's go," mariing sabi ni Nyx. "No, no. Please, please, kuya. Hindi na ako pupunta sa Canada. I don't care about a handsome guy with Rolls Royce who'll give me a million dollars a week. Just let me keep Aki," mangiyak-ngiyak na sabi nito.

Kumunot ang noo nina Kiel sa narinig nilang Rolls Royce at isang milyong dolyar. Nyx on the other hand smiled that Saph addressed him as 'kuya'. It's been a while since he heard that. 

"What I'm trying to say is let's go take him to the vet. Kailangan nating makasiguro na pwede siyang manatili sa 'yo. You also need to know what to feed him."

Natigilan si Saph sa sinabi ni Nyx at maya-maya'y bigla na lang itong ngumiti at niyakap si Nyx sabay talon-talon.

"Thank you! Thank you! You're the best!" sigaw nito at nagmadaling umakyat sa kwarto niya. Lumapit naman si Nyx kina Stone na nakatingin sa kanya. "May vet pa ba na open ngayon?" Kiel asked, referring to the time.

"Obviously I need to take the bear to the village," kumunot ang noo nina Stone sa sinabi ni Nyx. 

"Nyx, akala ko ba hindi pa pwedeng pumunta si Saph doon?" tanong ni Zack.

"She won't even know that it's the Tanaka village. And besides, I have to ask permission from Anpa to let her keep the bear. Itong kasing si Ice, magbibigay ng regalo kay Saph na hindi man lang nagsabi sa akin," Nyx said and groaned in frustration noong maaalala niya na tumawag si Ice sa kanya kagabi para magtanong kung anong ibibigay niya kay Saph.

He now blames himself for not telling him not to buy a bear.

"Imperial does whatever he wants, huh?" Zack commented.

"Sa lahat ng pwedeng puntahan, bakit sa village niyo?" tanong ni Stone.

"It's her doctor's visit tomorrow. Might as well do it today." Nagkatinginan sina Demo sa sinabi ni Nyx. They know about the term doctor's visit.

Tumingin sila sa pinto noong bumukas ito at kunot-noo nilang tiningnan si Ice na kararating lang. He also has one bag with him, and he tossed it on the space beside Zack. "Don't tell me dito rin 'to titira," sabi ni Zack sabay turo kay Ice. Stone grimaced at Ice's fake eagle tattoo on his neck. It was almost gone but it was still there.

"Long time no see, Imperial," bati ni Demo sa kanya at nakipagkamay. Ice greeted everyone tsaka siya tumingin kay Nyx. "Sa lahat ng pwede mong ibigay, why a bear?" kunot-noong tanong ni Nyx sa kanya.

Ice cockily smiled and spread his arms.

"You didn't want an island," sagot niya at tumingin sa hagdanan noong bumaba na si Saph. Nakabihis na ito at karga-karga si Aki na kinakagot ang buhok niya.

"Aki!" sambit ni Ice at lumapit pa sa dalawa pero hinawakan ni Nyx ang kwelyo nito sa likod sabay bulong kung ano ang gagawin nila at kung saan sila pupunta. "I need everyone to come. It's her first time at the village," mahina niyang sabi habang naglalakad si Saph papunta sa kanila.

"Saph, they're coming with us," Nyx said, pointing at Ice and the others.

"Ha? Bakit naman? Sa vet lang tayo pupunta," sabi ni Saph habang hawak-hawak si Aki.

"They're just curious. Come on," wala nang nasabi si Saph at sumunod na kay Nyx. Sumunod na rin 'yong iba. Ice, Nyx, and Saph got into the same car at magkasama naman 'yong apat. Demo presented to drive since he's the only sane person in the car. Sa buong byahe ay hawak-hawak ni Saph si Aki.

"By the way, your doctor's visit is rescheduled tonight. Your doctor called. Sabi niya kailangan niyang kumuha kaagad ng blood sample mo," kumunot ang noo ni Saph dahil sa sinabi nito.

"But it's not due until tomorrow," aniya. Ice breathed out, hating how Nyx was openly taking advantage of Saph's innocence in the world.

"It's just a blood sample. And we're not visiting the hospital. We'll take it at his home clinic. It's where we'll take the bear too. They specialize in treating wild animals." Saph was too fixated to know that there are bear specialists in the city at hindi na siya nagtanong kung bakit hindi sa hospital kukunin ang dugo niya.

She agreed to the arrangements with a smile.

Nyx and Ice felt the same emotion at the moment, guilt and self-hatred. Lying to someone as sweet and innocent as Sapphire is torture.

They arrived at a certain village. Nakita ni Saph na pinahinto muna ang sasakyan nila sa gate. She looked at the guards and her eyebrows met again. Naka-tuxedo ang mga 'to at may mga earpiece silang suot. "The security here looks serious," she commented.

"No doubt," mahinang sabi ni Ice.

Sabay nilang tiningnan si Nyx na ibinaba ang bintana ng kotse at agad na silang pinapasok sa loob. Hindi man lang siya tinanong kung anong pangalan niya o sino ang pupuntahan niya sa village. Umandar na muli ang kotse at nakita ni Saph ang mga mansion sa loob ng village. It was filled with huge houses, gardens, tennis courts, pools, and even a golf field.

Huminto ang kotse nila sa harap ng isang bahay. Sabay silang bumaba at nakita ni Saph na nakasunod sa kanila ang kotse nina Stone. They went inside the house after Nyx was invited in by a lady. Ngumiti si Saph doon sa babae pero agad itong nanginig at yumuko. 

Kumunot ang noo niya dahil parang natakot pa ito noong makita siya. Mahina na lang siyang tinulak ni Ice papasok at saka na sila sinalubong ng isang lalake. Saph recognized that it was her doctor.

"Ahh, Sapphire. Nice to see you again," bati nito.

Saph wasn't glad to see him. She hated her doctor's visit because she failed to remember any information about the visit upon waking up. Nyx only assured her that she fell asleep during the visit and that's it. She was starting to get suspicious.

Tumingin si Saph sa isang lalake na dumating na nagsusuot pa lang ng blue surgical gloves. Ngumiti ito kay Saph at tumingin kay Aki. "My brother is a wild animal specialist. He'll take care of your bear," nakangiting sabi noon doctor ni Saph.

She gently handed Aki to her doctor's brother. Sinabihan siya nito na ipapaliwanag niya mamaya ang mga dapat niyang malaman tungkol kay Aki pagkatapos ng appointment niya sa doctor niya. "Sapphire, please follow me."

Tumingin si Saph sa doctor niya na inaaya siyang pumasok sa office nito. Walang pag-aalinlangan siyang sumunod pero hinawakan bigla ni Ice ang braso niya. Sabay na tumingin sina Zack kay Ice dahil sa ginawa nito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Demo sa kanya. Hindi sumagot si Ice at halatang nagtitimpi ito at parang may gustong sabihin.

"You got something to say Imperial?" Nyx said in a warming tone.

The feeling of being intimidated by someone was foreign to Ice. But Nyx's aura always seems to outpower him kaya nanginginig pa rin siya kapag sumeseryoso ang boses nito.

"Wala, inaalis ko lang ang balahibo ni Aki," aniya at pinagpag ang balikat ni Saph na siya namang ngumiti sa kanya. Binitawan na ni Ice ang braso nito at tiningnan nila si Saph na mag-isang sumunod sa doktor niya. Noong masiguro nila na hindi na sila maririnig ni Saph ay tsaka hinawakan ni Nyx ang kwelyo ni Ice at pinatingin ito sa kanya.

"I know you're used to doing whatever you want, Imperial. But this is a very important time for our clan and if you ruin it because of that soft home of emotions you call a heart, you're dead."

Ngumiti si Ice sa sinabi ni Nyx at tumango tsaka na umupo doon sa sofa. Bumuntong-hininga na lang si Nyx at sinabi na pupunta na muna siya sa main house at kakausapin ang lolo niya. Stone and the others decided to stay at umupo sa tabi ni Ice si Zack.

And while everyone was occupied with their own businesses, Saph was slowly falling asleep from the dosage she was given.

And as she sleeps, the hunters have already spotted their innocent prey.

"Status report, Dawn Onyx was spotted with the Midnight Phantoms along with the only son of the Imperial clan entering the Tanaka village. They have a girl with them, and we have confirmed her identity. We have found the hidden Tanaka. Commencing the raid in 24 hours."


⋇⋆✦⋆⋇

Continue Reading

You'll Also Like

541K 17.6K 75
[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alph...
131K 1.8K 23
Ano nga ba ang Greek Mythology? Sino nga ba ang sinaunang sinasambang diyos ng mga Griyego? Saan ba nagsimula ang mundo ayon sa Mitolohiyang Griyego...
210K 12.5K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...
282K 9.8K 17
Demigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenag...