The Coolest Guy (ON GOING)

Por DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... Más

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Nineteen :)

978 21 1
Por DianaAranda

Copyright © Diana Aranda


Deal or No Deal?

Ngumuso ako at pinag-isipang mabuti ang gagawin ko. Muli kong tiningnan ang malaking gymnasium ng Greenwoods. Maraming tao sa labas na may kanya kanyang hawak ng lobo. It's green vs. blue today.

Dahil Greenwoods ang host, majority ng manunuod ngayon ay naka green. Marami din namang nagpunta na taga SLU pero hindi enough para mapantayan ang cheering crowd ng Archers.

Nag vibrate ang phone ko at agad ko iyong sinilip. Kinukulit pa din ako nila Catherine at Trisha na sumama. Ofcourse, walang time mangulit ang tatlong bugok sa akin. Kasali sila sa team at malamang lamang ay nag uusap sila about sa game plan and stuffs.

Hindi ko alam na pupunta talaga ako. I opted not to. Pero malakas ata talaga ang charm sakin ni Ice para mapasama nya ako. Earlier, he texted me with this message.

Hope to see you there.

Hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Hindi pa ko nakakaget over sa kahihiyan na nangyari kahapon about me bursting in jealousy dahil lang sa Vanessa na pinsan nya. That's so awkward!

Tiningnan ko ang puti kong damit. Hindi naman ako maa-put of place dahil madami din namang nakaputi. Today will be riot.

Naglakad na ako at pumasok sa loob ng napakalaki nilang gymnasium. Bigla tuloy ako napaisip kung saan ba kami dapat nakaupo. Should I sit at the right or left?

I ended up sitting the right corner. Marami kasing nakaputi sa side na to. Although marami ring naka green at sa tapat ko ay puro naka blue. Mukhang sa kabilang side pala dapat ako umupo.

Nung pumasok na ang mga players ay lalong lumakas ang hiyawan ang cheer ng mga tao. Tinitigan ko na lang sila sa ginagawa nila. Napatingin ako sa katabi kong di ko naman kilala. She was cheering with all her vocal chords surely heard.

Few seats away from her ay napansin ko ang pamilyar na mukha. "Audree!" tawag ko. Nilingon nya ako at kinawayan ko sya. Ngumiti sya sakin at tumayo sabay lapit sa pwesto ko.

"What are you doing here?" halos pasigaw na tanong nya sakin dahil sa lakas ng cheer ng mga babaeng katabi namin. Tinakpan nya ang kaliwang tenga nya saka pinakinggan ang sagot ko.

"Ofcourse I'm here to support SLU!" natatawa kong sagot sa kanya. Bahagya nya akong hinampas dahil sa medyo may pagkapabalang na sagot ko. Napatingin samin yung katabi kong babae pero agad din na nagbawi at nagsimula na namang humiyaw sa pagche cheer.

Niyaya ako ni Audree sa tabi na lang nya umupo. Pinakilala nya sakin ang kapatid nya na si Louise. Nginitian ako ng kapatid nya saka nagpatuloy sa pagcheer sa team nila.

Bumulong sakin si Audree. "Big fan sya ni Palma 02." tinuro nya sakin yung lalaki na nagsho-shoot mula sa three point line sa kabilang side ng court.

Tiningnan ko ang kapatid nya na sigaw ng sigaw. "She's not a college student right?" tanong ko kay Audree. Tumungo sya sakin at sumenyas ng 4th year highschool. Tumungo na lang ako at napatingin sa mag official's desk ng magsimula ng mag announce yung lalaking may hawak ng microphone.

"And for today's exhibition game, it's SLU's Blue Eagles versus Greenwood's Archers!" muling naghiyawan ang kanya kanyang fans ng bawat team.

Isa isa na ring pinakilala ang ang mga members ng bawat team pati na din ang first five nila together with their coach. 

I'm surprised na kasama sa first five si Adam pero si Ice, hindi. Ivan also is included sa first five. Bakit si Ice hindi? I wonder. Kasama nila Ivan at Adam yung lalaki na may Montefalco na apelyido sa likod. Apelyido pa lang, pinagsisigawan na ang kayamanan. Kasama din nya sila Cortez na mukhang pamilyar at yung vice president ata ni Catherine na si Pascual.

Tiningnan ko si Ice na mukhang may hinahanap sa audience. Ayaw kong mag assume na ako ang hinahanap ng isang to. Masakit mag assume.

Napatingin din ako sa bleachers kung saan nakaupo sila Catherine. Nasa bandang unahan sila kaya di masyado mahirap hanapin. Ang ikinabigla ko ay kasama nila si Kendy Ramirez na nililigawan ata ni Ivan. The three of them, including Trisha are wearing the same shirt. May bitbit pa silang mahahabang kulay blue na lobo na panay ang paypay nila sa ere. Kendy does not seem to enjoy the wildness of Catherine and Trisha.

Naunang mag perform ang cheerdancers ng kabilang team. They wowed us with their great liftings at talaga namang malinis. Doon ko lang din napansin na si Blue ay isa rin sa makakapanuod ng laro. Well, ngayon lang din ako na inform na si Blue pala ang head cheerleader ng school. Kawawa naman pala kami.

Naramdaman ko ang muling pag vibrate ng phone ko. It was Catherine again.

Sayang girl! Ikaw sana ang muse ngayon. Bat kasi wala ka?

Napatingin muli ako sa pwesto nila. Kabababa lang ni Catherine ng phone nya sabay tingin kay Blue at simangot. Yeah. Si Blue na din ang muse. She's pretty naman eh. Sana nga lang eh maganda ang ugali.

Mabilis na natapos ang first half. Lamang ng isa ang team namin. It was a very good and exciting game. Akala ko naman, mawawala na ang pisikalan kasi exhibition game lang naman ito. Pero, dahil mainit talaga na magkalaban ang dalawang school, medyo di talaga maiiwasan ang pasimpleng pagsiko at pagtadyak sa binabantayan mo. Buti na lang at di biased ang referree ngayong araw.

Half time break ng ayain ako ni Audree at Louise na mag comfort room. "Cream, bathroom break?" tanong ni Audree sakin. Ngumiwi ako saka nagdesisyong wag na lang. Hindi pa naman ako naiihi saka tinatamad akong tumayo. Nangako naman silang babalik agad.

"Oh my gosh! Magpapicture ka na sa Palma brothers Marianne!" tili nung isang babae na malapit sa akin. Napatingin ako sa direksyon nila at nakakita ako ng dalawang babae na nagtutulakan. Sinundan ko ang tingin nila ang nakita ko ang dalawang lalaki na kapapasok lang ulit sa court. Both of them are wearing a fresh and new jersey with Palma 01 and 02. Magkapatid nga siguro ang dalawang iyon.

"Nakakahiya Shaira!" binalik ko ang tingin ko dun sa dalawa. Napansin kong taga SLU sila dahil kulay Blue ang suot nilang damit. Tumayo ako at nilapitan ang dalawa. Bahagya silang napatingin sakin. Sinitsitan ko yung dalawang lalaki na sabay pang tumingin. Gosh. Gwapo nga. Kanina pa ko nanunuod ng laro pero ngayon ko lang sila na appreciate ng malapitan.

Kumunot ang noo nung isa samantalang yung isa naman ay ngumiti. Pa jog na lumapit sakin si Palma 01 at nagtanong. "Ako ba yung tinatawag mo Miss?" turo nya sa sarili nya.

Agad ko syang narecognized. Sya yung lalaki na nakita namin nung naglomi kami sa may Batangas! Yung ka date nung Haze ba yun?

"Oh, magpapapicture daw ang dalawang to sa inyong magkapatid." simple kong sagot. Tumungo sya at napakamot sa ulo. "Ako na lang Miss. Medyo di magaling maki socialized yung isa." tiningnan nya ang kapatid nyang nagpapraktis na ulit ng shooting sa three points.

"Gosh! Ang gwapo!" yung dalawang babae na tinulungan ko ay titig na titig sa lalaking kaharap ko. Nakangiti ba naman? Ugh. Kahit ako, kikiligin din dyan. Kaya lang, pinanganak ako para kiligin kay Ice hindi sa Palma 01 na ito.

Ako pa ang kumuha ng litrato nila. Nag ala photographer pa tuloy ako. "Ikaw Miss? Di ka papapicture?" tanong nya sakin. Tipid ko lang syang nginitian sabay iling. Inabot ko dun sa Shaira yung dSLR na ginamit ko sa pagkuha ng litrato nila.

Nahihiyang nagpaalam samin si Palma 01. Ngiting ngiti naman yung dalawang babae na tinulungan ko. "Thank you Miss Cream. Ang bait nyo talaga!" nag-aagawan pang umalis sa tabi ko ang dalawa nung dSLR para makita ang kuha ko.

Malapit na rin naman ako sa exit eh nag desisyon na akong mag bathroom break at baka maihi ako mamaya dahil madami dami na din naman amg nainom kong tubig. Kasabay ng pag exit ko ay ang malakas na tunog na hudyat na na malapit na magsimula ang 2nd half ng game.

Sa may hallway ay nakasalubong ko ang tatlo. Si Catherine ang unang nakakita sakin. "Cream!" napalimgon na din sila Trisha at Kendy. Tatakbo akong nilapitan nung dalawa. Ofcourse, si Kendy yung di tumakbo. Prim and proper kasi ang babaeng yun. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang makalapit na rin sya sakin.

"Oh, kala ko ba, di ka manunuod?" pagtataray sakin ni Trisha. Sinamaan ko sya ng tingin. Ngumiti din naman sya at bahagya pa akong hinampas. "Eto naman! Nijojoke lang kita."

"Changed my mind. Wala din naman akong gagawin kaya nanuod na ako." malamya kong sagot sa kanila.

"Oo nga pala!" binuksan ni Catherine ang bag pack nya at may kinuha doon. Inabot nya sakin ang kulay blue na shirt saka sinaraduhan ang bag nya. "Isuot mo para pare parehas tayo!" napatingin ako za suot ng tatlo. Oo nga pala. Pare parehas silang naka blue na may nakasulat na logo ng basketball team ng school.

"Ayos pa naman ang suot ko. Sayang ang laba." matipid kong sagot pero hinawakan ko na din ang binigay ni Catherine sakin. Nagtinginan sila ni Trisha. Meron silang pinag uusapan gamit ang mata at hindi ko iyon maintindihan.

Inagaw ni Trisha ang bottled juice ni Kendy at minantyahan ang puti kong damit. "What the hell!" sigaw ko na naka agaw ng atensyon ng iba na kasama namin sa hallway. Agad namang nag high five ang dalawa at tumawa pa. Si Kendy, mukhang nahihiya sakin dahil sa ginawa nung dalawa.

"Ayan! Magpalit ka na ng damit. Bilis!" tinulak nila ako papunta sa isang pintuan na cr na pala ng mga babae. Inis na inis akong pumasok sa loob at tiningnan sa salamin ang ginawa sakin ni Trisha. Lahat talaga gagawin ng dalawang yun masunod lang gusto nila.

Wala akong choice kundi magpaliy ng damit. Ayaw ko namang manlagkit dahil sa sinaboy na juice sakin ni Trisha. Babawian ko din ang babaeng yun mamaya.

Muli akong tumingin sa salamin at in-appreciate ang design ng shirt. I never thought blue could be my color.

Tinupi ko ang puting damit at tinago iyon sa bag. Bahagya kong ginulo ang buhok ko. I like my hair messy kasi. Paglabas ko ay saktong pagpasok ni Blue kasama ang ilang kaibigan nya. Agad na nag switch anv auar nya from glee to sorrow.

Hindi ko alam kung anong ikinagagalit sakin ni Blue. Ako nga dapat ang asar sa kanya dahil sa ginawa nya sakin nung araw ng exam. Yung nangyari sa canteen ay kasalanam naming dalawa ni Ice, hindi naman ako lang. Besides, may boyfriend naman sya kaya imposible na nagseselos sya samin ni Ice. Ni hindi pa nga kami ni Ice eh.

"Nice shirt." bitter nyang sabi sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at lumabas ng cr. Naabutan ko sila na nakaikot at nag uusap. Lalapitan ko sana ng mapansin ko ang nakasulat sa likod ng shirt ni Trisha.

Villareal 13

Hindi naman Villareal ang apelyido ni Trisha ah? Gumalaw ng bahagya si Kendy kaya naaninag ko ang nakasulat na...

Villarasa 02

OMG! Nilapitan ko si Catherine sa likod at nakita ko na may nakasulat din doon.

Montefalco 00

What the hell! Agad akong bumalik sa cr at tiningnan ang likod ng shirt ko.

Villarasa 01.

Just great! The gitls tricked me! Nakakainis! Kaya naman pala gustong gusto ipasuot sakin ang damit na ito, dahil nakasulat ang apelyido ni Ice at ang jersey number nya! Nakakainis!

Asar akong lumabas ng cr at hinigit sa buhok si Trisha. "Aray!" reklamo nya sakin. Sinimangutan nya ako sabay kapa kung may buhok pa ba sya.

"Nakakainis! You tricked me! Hindi ko dapat isusuot ang damit na ito!" pagmamaktol ko sa kanila. Napalitan ng ngisi ang nakasimangot na mukha ni Trisha.

"Ahahaha! Oh diba, ganda kaya ng shirt! Villarasa 01!" Palakpak pa ni Catherine. Si Kendy ay pabalik balik lang ang tingin sa dalawa habang nakangiwi.

"Bakit ba? Si Vanessa ba dapat ang magsuot nyan?" pang aasar pa ni Trisha. Agad silang nag high five ni Catherine habang natatawa. Huh. Funny. Ginagawa nilang katatawanan ang pagseselos ko kay Vanessa. That's unfair! Alam nila na pinsan ni Ice si Vanessa! Samantalang ako, walamg idea! Nag mukha pa tuloy akong tanga sa pagsumbat sa kanya ng pambababae nya. Kaines!

"You guys are sooooo. Ugh!" nauna na akong maglakad sa kanila. For a moment, naisip ko kung kaibigan ko ba talaga ang mga to. Tapos naalala ko ang sinabi sakin ni Adam one time. Kaibigan mo sila, kapg pinagtritripan ka nila.

Sinabayan ako ni Catherine at Trisha sa paglalakad. Iginiya pa nila ako papunta sa pwesto nila. Dun sa may bench ng players namin. Great! Another awkward encounter with Ice!

Tatlong minuto pa lang ang nakakaraan sa orasan ng laro. Manag na ang Archers ng tatlo. Patuloy pa din sila sa pag cheer everytime na may nakakashoot.

"Pst! Girlfriend ni Ice?" turo sakin nung isang babae na mukhang di man lang nahiya na nadinig ko ang tanong nya. Maybe, one of Ice's fan girls.

"I dunno. Ang alam ko lang, nililigawan ata." sagot nung isa sa kanya. Tiningnan ko sila at inirapan pa ako! Wow. Mukhang malaki ang magiging problema ko sa fangirls ni Ice pag nagkataon!

"Wag mo na pansinin yan! Inggit lang!" maarteng sabi ni Catherine sabay alok sakin ng popcorn na hawak nya. Nausuhan din pala ng popcorn sa panunuod ng live game ng basketball? Hotdog sandwiches would be acceptable pero popcorn? Akala ko ba, sa movies lang to?

Tinanggihan ko iyon at nag focus sa panunuod ng game. Napansin ko yung naka Montefalco na jersey tapos napatingin ako sa likod ni Catherine. Same number!

Nakangisi kong siniko si Catherine. "So, girfriend ka ni Montefalco?" I asked her. She immediately went red after that. Napatawa tuloy ako mg bahagya. "OMG. You are!" pang aasar ko pa sa kanya.

"Shut up Cream! Konti pa lang nakaka alam!" singhal nya sakin. Lalo pang lumaki ang ngisi ko. Bakit di ko alam na may lovelife pala ang isang to? Ugh. Masyado siguro akong naging busy da buhay ko at sa pag iisip kila Trisha at Ivan. Pero, palagi ko namang kasama ang isang to ah? Paano kaya sila nagligawan?

"Cream, sagutin mo na kasi si Ice!" biglang imik ni Trisha habang nasa time out. Napatingin tuloy ang iba samin. "Shut up Trisha!" saway ko sa kanya. "Di porket may boyfriend na kayo ni Catherine, ibubully nyo na ko sa pagiging single ko."

"Te, di lang kami ni Catherine ang may boyfriend, pati itong si Miss Prim and proper na Kendy Ramirez ay mau boyfriend na din." maarteng sagot ni Trisha. Nakita kong namula ang isa. "Seriously?" I asked her. Ngumiwi dakin si Kendy. Dahan dahang ngumiti at tumungo. Sila na ni Adam?! So, ako na lang talaga?

"Bagal kasi ni Ice!" reklamo ni Catherine. Bigla namang naghiyawan ang mga boys at sabay sabay kaming nagtinginan sa bench nila. Ice was looking at me. Panay naman ang kantyaw sa kanya ni Ivan at Adam.

"Mananalo na tayo!" hiyaw pa ni Ivan. "Cream! Ikaw talaga magpapanalo sa team namin eh. Kanina pa walang inspirasyon ang isang to. Pero dahil dumating ka na..." nag high five sya at si Adam. "inspired na si Ice!" sabay sabay nilang sagot. Muling naghiyawan ang boys sa bench nila. Si Montefalco ay simple pang bumulong kay Catherine. Si Ivan naman ay kinindatan si Trisha. Well, Adam was just looking at Kendy. At si Ice? Ugh. Nakangisi habang nakatingin sakin.

"Shit! Inspired na ko!" imik pa nya na syang nagpalakas sa hiyawan ng boys. Agad syang pinasok sa laro ng coaching staff nila.

Agad namang nahabol ng team namin ang lamang ng kabila. But third quarter ended up with Archer's side. Lamang ng isang puntos ang kabila.

Ganun ang naging game hanggang sa last four minutes ng game. They were trading baskets. Ang laki na ng ginagasa ni EJ Palma. So as his brother Trent at ang iba pa nitong ka team. Nung down na kami ng anim sa huling dalawang minuto ng laro, agad na nagtawag ng time out si coach.

Kapansin pansin din ang lalong pagiging maingay ng kabilang team. They were doing high five's all over the place. Natahimik naman ang fans ng team namin. Madali lang naman mahabol ang six. The problem is, pagod na ang mga players. They need a miracle para di mag shoot ang mga shots ng kabilang team.

I look at my team at nakita ko na seryoso silang nakikinig sa sinasabi ni coach. Those 2-3 zone defense and all. Isa pang problema ay nasa kalaban ang bola. There is a possibility na baka maging walo ang lamang nila kapag nag shoot iyon. Time really is everything.

"Ice! Tawag ko sa kanya." Umalis ako sa bleachers at nilapitan sya.

"What the hell are you doing? Get your head in the game! You should win!" singhal ko sa kanya.

"Pag nanalo ba kami...sasagutin mo na ko?" agad akong napairap. Lahat talaga ng makikita nyang chances, gagamitin nya.

"No! Ano ka? Sinuswerte? Bahala na. Yae na matalo kayo." binelatan ko sya at nginusuan naman nya ako. Bumalik ako sa bleachers at padabog na umupo. Tiningnan ako ng tatlong babae na kasama ko.

"Anong pinag usapan nyo?" hirit ni Trisha. Hindi ko sya inimikan at matalim na lang na tiningnan si Ice.

Naka shoot ng two consecutive baskets si Ice after naming mag-away. Kung away nga bang matatawag iyon. He looks serious. Pero agad ding nakasagot ng isang basket si Trent which brings them four points apart. Ivan also had a moment when you shoot that long two. Dalawa na lang ang lamang ng kabila. Agad na nagpatawag ng time out ang kabila.

"Damn it! Ice!" sigaw ko sa kanya. Ngumisi sya sakim at sumenyas na lumapit ako. Umalis ako sa bleachers at nilapitan sya dun sa may bench. May hawak syang baso namay lamang gatorade. May nakasabit na tuwalya sa balikat nya at sunod sunod ang pagtulo ng pawis nya.

Nag iwas muna ako ng tingin sabay hila sa towel nya at ipinunas iyon sa mukha nya at lewg nya na basang basa ng pawis. Todo ngisi naman yung isa habang naghihiyawan sila Trisha.

"Ano Sandoval? Pag nanalo kami, magiging girlfriend na kita." tiningnan ko sya ng masama.

"Deal or no deal?"

Seguir leyendo

También te gustarán

1.2M 49.1K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
4.5M 103K 34
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bit...
1.1M 35.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...