Can't Help Falling In Love

artstring által

52.5K 1.3K 63

An Ara Galang - Mika Reyes Fan Fiction Több

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
EPILOGUE

CHAPTER 16

1.5K 42 2
artstring által

Nasa labas ako ng building ng condo ni Mika.

Ilang araw simula nung huli nameng pagkikita, ilang araw makalipas nung gabing nasa Pampanga kami. Ngayon na lang ulit ako magpaparamdam sa kanya.

After kasi ng nangyare, hindi ko alam kung ako lang yung awkward o awkward talaga kaming parehas. Simula din ng araw na yan, hindi na ako nakapagtext sa kanya. Hindi na rin sya nagtext sa akin, natatakot akong baka galit sya. Wag naman sana.

Nakuha ko na ang separation pay ko kaya naisip kong magbayad na ng utang kami Mika, at katulad ng napag-usapan, naisipan kong ipagluto sya.

Naisip kong tumawag kesa pumasok sa loob ng hindi ko alam kung anong room number sya.

Nakailang ring muna bago nya ito tuluyang sagutin.

Nahihiya pa akong magsalita ng una, natatakot akong baka babaan nya lang ako. After ng ginawa ko, hindi na kami nakapag-usap. Nasa byahe kami pero tulog lang sya the whole time, hindi naman na sya nagpahatid kaya hindi na din kami nagkaron ng time para mag-usap.

Nung on the spot nyang tinanong sa akin kung bakit ko ginawa yun hindi ko naman nabigay ang totoong sagot, tanging 'di ko alam' lang ang nasagot ko at 'nabigla ako' tapos after nun, iniwasan ko yung topic, uminom lang kami ng tubig tapos bumalik na ulit sa kanya kanya namen higaan.

"Hello?" sya ang unang nagsalita

"H-Hi" naalangang bati ko. Dapat this time, hindi na ako mahiyang magsalita, direct to the point na dapat. "N-Nandito ako" pinilit kong alisin ang pagkautal ko. "sa labas"

"Ha?"

"S-Sa labas ng b-building ng condo mo" utal utal kong saad habang nakayuko. Bitbit ko sa isang kamay lahat ng pinamili ko kanina para sa iluluto ko.

"Ha?! Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito para syang may ginagawa or naglalakad? "Teka bababa ako"

"M-Magbabayad sana ng utang"

"Oh? Sabi ko diba wa--"

"Ipagluluto na kita" putol ko sa kanya.

"Vic naman" sabi nito.Nadinig ko ang paghinga nya. "Sige ito na ko" binaba nito ang tawag.

Kinabahan ako bigla.

Actually kanina pa, pero mas lalo akong kinabahan ngayon, maingay ang paligid dulot ng tunog ng mga sasakyan pero tanging kabog lang ng dibdib ko ang nadidinig ko. Para itong nageecho sa buo kong katawan.

Pano bang gagawin ko?

Ano bang sasabihin ko?

Nag-isip ako ng pwedeng sabihin, ng pwedeng idahilan. Aish.

Nag-iisip ako ng mabuti ng biglang ...

"Vic"

"Ay Mika!!!!!!!" gulat akong napaharap dito.

Si Mika.

Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry" natawa na lang ako. "Hi" bati ko dito. Hindi ko alam kung anong meron pero naawkward ako.

"Bat nag-abala ka pa?" tanong agad nito. "Dapat saka mo na inisip yan, nakakahiya"

"H-Hindi. Wala din naman akong magawa kaya naisip kong puntahan ka na lang" medj nahihiya pang sabi ko.

Naghahalo yung kaba at kilig na nararamdaman ko ngayong nakita ko na si Mika, kung papansinin wala namang awkward dito, ako lang talaga. Kahit anong pilit kong wag tumingin sa labi nya ay di ko mapigilan ang mga mata kong parang may sariling buhay at napapatingin na lang sa mga yun.

Aish. Ara! Ano ba yan?

Nagsmile sya sa akin. "Sakto gutom na din ako" tumawa sya na parang nahihiya. "Tara?"

Tumango na lang ako.

Pagkarating namen sa mismong pad nito ay kusang namasyal ang aking mga mata sa buong paligid. Infairness, ang ganda ng unit nya. Studio type lang, simple pero ang linis. Napakalinis nya talaga hindi lang sa sarili pero sa mga gamit na din.

"Pasok ka" sabi nito nang manatili akong nasa pinto lang.

Napansin kong lumapit sya agad sa laptop na nasa table, kinuha ito at inilagay sa center table. Napaharap ito sa akin. Napansin kong may kaskype sya. Si Brix? Yung aso.

Napatingin ako dito, napansin yun ni Mika kaya lumapit sya dun sa laptop. "Brix, meet Vic" pagkausap nito dun sa aso.

Ngumiti naman ako.

"Ang laki na nya" puna ko. "I mean nung sa wallpaper ng laptop mo parang ang liit nya pa" tumawa ako.

Ngumiti sa akin si Mika "Matakaw kasi" tumawa sya kaya nakismile na din ako. Tumayo si Mika at nilead ako papunta sa kusina. "Feel at home Vic" nagsmile sya sa akin at inihanda ang mga gagamitin ko. Pinigilan ko sya.

"Ako na" para kasi syang naaligaga. "Ok lang bang makialam dito sa kitchen mo?" tanong ko.

"Oo naman" ngumiti sya. "Pasensya na medj magulo dito sa kusina"

Tumawa ako "Magulo pa ba sa lagay na yan?" tumuro ako sa mga gamit nya. "Mas malinis pa ngang tignan kitchen wares mo kesa kay Thomas eh" sabi ko.

Tumawa si Mika. "Sobra ka" sabi nito. "Wait lang ah balikan ko lang si Brix" nagsmile sya.

Tumango naman ako. "Sure"

"Wait yan na ba si Vic?"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Walang tao sa paligid, napatingin ako sa laptop. Ayun. Yung kuya ni Mika.

"Oh? Ayan na pala eh, akala ko ba Mika nagtatampo ka kasi hindi nagpaparamdam sayo after nung pumunta kayo sa Pampanga?"

Napatingin ako kay Mika, naguguluhan ako sa sinasabi ng kuya nya pero sinisink in kong mabuti sa utak ko yung sinasabi nito.

Hindi ko na napigilang mapangiti. Napalingon ako kay Mika, namumula na ang mukha nito kaya napatakip na lang ako sa mukha ko habang tumatawa ng mahina. Pati ako, namumula na din yata.

"Kuy----" magsasalita si Mika pero agad na nagsalita yung kuya nya.

"Patampo tampo ka pa kunwari kasi di ka tinetext kita mo nga pinuntahan ka pa talaga dito" sabi nito. "Sweet pala talaga yang si Vi----"

"Kuya!!!!!!!!!!"

Napalingon ako kay Mika habang nakangiti pa din. Yung labi ko mapupunit na yata sa pagngiti ng sobra. Hahahaha

Tumakbo si Mika papunta sa center table at agad na sinaksak ang earphones sa laptop. "Kuya, nakaloudspeaker ka. Nadinig ni Vic lahat" sabi ni Mika, pabulong pa sana pero malakas kasi yung pandinig ko.

Nakatingin ako kay Mika, ang cute cute nya talaga.

Well, thankful ako na pumunta ako dito, kasi atleast ngayon alam kong hindi lang pala ako ang affected sa nangyari nung sa Pampanga, pati yung mga hindi kami nakakapagtext, si Mika din pala. Nakakakilig. Hahahahaha

Tumalikod na ako, ng, well, ngiting ngiti syempre, deep down naiihi na ako sa kilig eh. Hahaha. Nagsimula ko ng ihanda yung iluluto ko.

Hinayaan ko na lang na makapag-usap si Mika at ang kuya nya.

Habang naghuhugas ako ng mga hipon na gagamitin ko para sa lulutuin kong paella ay nagsalita si Mika ..

"Vic"

Humarap ako dito, iniharap nya sa akin yung laptop na gamit nya, ang kuya nya. "Hi Vic!" masiglang bati nito. Kumaway sya kaya ngumiti ako dito. Nagsenyas sa akin si Mika na lumapit daw ako kaya naman lumapit nga ako.

"Hi po" sabi ko at kumaway na din

"Ako si Kuya Perry, brother ni Mika"

"Opo, nabanggit po kayo ni Mika sa akin madalas" nakangiting sabi ko

"Ikaw din. Lagi ka nyang nababnggit saken. Ang daming nyang kwento tungkol sa-----" bago pa man matapos ni Mika ang sasabihin ng kuya ay sinaksak na agad nito ang earphones sa laptop.

"Magh-Hi ka lang diba?" sabi nito saka hinarap sa kanya yung laptop.

Ngumiti ako habang pinapanuod si Mika na halatang umiiwas ng tingin sa akin. Ang cute nya. Ganitong ganito ako noong unang nagpunta si Mika sa bahay at dumating si Thomas, hindi ko alam ang gagawin ko. Hahahaha

Kinalabit ko si Mika at sumenyas na babalik na ako sa pagluluto, ngumiti sya at tumango. "Oh magluluto na si Vic ha?" sabi nito sa kuya. "Hindi, grabe ka saken. Sabi nya ipagluluto nya ako, wag ka ngang epal dyan" pagtataray nito.

Natawa na lang ako ng mahina at iiling iling na bumalik sa kusina.

Hindi ko na pinakinggan ang pinag-uusapan ng magkapatid, proud na akong malaman na nagkukwento si Mika ng tungkol sa akin sa bestfriend nya, sa kuya nya. Sabi ni Mika, he's more than a brother daw para sa kanya, si Kuya perry na daw ang tatay at bestfriend nito. He's forever boyfriend. Hahahaha cute nila noh?

I know right, lalo si Mika ngayon na pulang pula, actually pinkish hahahaha dahil sa hiya? I guess so.

....

Tapos na akong magluto ng paella pero I made sure na magiging masaya si Mika ngayong araw kaya nagluto din ako ng gusto nya, kwek kwek. Kwek kwek lang ang naluto ko dahil hindi ako makabili ng balot sa palengke, hapon pa kasi usually nagkakaron ng balot, umagang umaga palang namalengke na ako.

Bago ako gumaw ang sawsawan ay inihain ko muna yung paella sa mesa.

Nagbato ako ng mabilis na tingin kay Mika ng mapansin kong nililigpit na nito ang laptop nya, tapos na siguro silang mag-usap ng kuya nya.

Nagring ang phone nya, but then again, nireject nya ito. Nung papunta palang kami sa Pampanga napapansin ko na na sa 10 tawag, isa lang ang sasagutin nya, kanina, nadinig kong may kausap sya sa phone pero parang tungkol sa work ang pinag-uusapan nila. Hindi naman sya mukhang galit nung sinagot nya yung isang tawag pero ngayon, actually kanina pa paulit ulit nagriring ang phone nya at parang naiirita na syang pinapatay ito.

Kawawa naman yung tumatawag, kung noong nasa Pampanga kami ay pangiisnob lang ang inaabot nya kay Mika ngayon pinapatayan na talaga sya ng tawag.

Napaisip ako bigla, ang swerte ko pala kasi hindi ako iisnob ni Mika, may mga pagkakataon pa ngang sya mismo ang nagtetext sa akin. And to think na totoo yung sinasabi ng kuya nya kanina na nag-aabang din sya ng messages ko, feeling ko ang haba ng hair ko. Hahahaha.

Bumalik ako sa paggawa ng sawsawan at napangiti na lang sa naisip ko.

Bigla ko tuloy naisip na parang gusto kong umamin, hindi dahil nakakaramdam ako ng pag-asa, well, parly yeah, yun din ang reason, pero more of like, kasi alam kong kahit umamin ako, hindi basta basta mawawala yung friendship namen.

"Pasensya ka na kay Kuya ha?"

Agad akong napalingon ng magsalita si Mika.

"Uy" nasabi ko na lang. Pagkatapos kong magawa ang sawsawan ay inilagay ko agad ito sa mesa. "Ok lang yun, walang problema" ngumiti ako. Ayoko syang tuksuhin, ayokong ibrought up yung sinabi ng kuya nya kanina kasi ayokong maalangan sya at baka mainis pa sya sa akin. "Wag mo ng isipin" sabi ko.

Ngumiti sya sa akin. This time, parang medj nawala na yung awkwardness na nararamdaman nya kanina nung nagsasalita yung kuya nya.

"Luto na" sabi ko at ngumiti.

Napatingin ito sa nakahain sa mesa, nakita ko ang pagkamangha sa mata nito, and at the same time yung pagkatakam.

"Wow!" literal na nagform ng 'O' ang labi nito. Ang cute. Nag-angat sya ng tingin sa akin. "Ang dami naman nito" sabi nya.

Tapos bigla akong may naalala. "Ow, wait lang" sabi ko saka ako mabilis na tumakbo sa sala para kunin yung bag ko. Kinuha yung sobra at bumalik kay Mika. Iniabot ko ito sa kanya. "Mika, thank you" ngumiti ako.

HIndi kinuha ni Mika ang sobre at tumingin sa akin "Vic, I told you enough na saken na ipag----"

"No Mika, hindi barya lang yung pinautang mo saken, malaking halaga yun" kinuha ko ang kamay nya at inilagay ang sobra sa palad nya. "Hindi ako makakatulog kung hindi mo tatanggapin yung bayad ko"

"Pero Vi--"

"Mika, walang pero pero ok? Sabi ko naman sayo pag nakuha ko yung separation pay ko, babayaran ko din yan agad sayo, wag mo ng isipin ha? Sobrang laking pasalamat ko sayo na hinid ko nagalaw yung ipon ko, at sobra sobra na kung hindi mo pa papabayaran saken yan" tumingin si Mika sa sobreng nasa kamay nya at tinanggap na ito, ngumiti ako. "Tandaan mo Mika, hindi mo man yan kelangan ngayon pero bawat kusing mahalaga pa, lalo pa't hindi lahat ng tao ay nagkakaron agad ng ganyang kalaking pera" ngumiti ako.

Tumango si Mika "Thank you Vic" sabi nito.

Napakunot ang noo ko, "Thank you saan?" tanong ko.

"Kasi nandito ka, kasi kahit binayaran mo ko ay pinagluto mo pa din ako katulad ng napag-usapan natin" sabi nito saka sya napayuko. "Akala ko galit ka" malungkot na sabi nito. "Dahil sa ginawa ko"

lalong napakunot ang noo ko pero agad ding napangiti, so iniisip nya palang kaya ako hindi nagparamdam sa kanya nitong mga nakaraan dahil galit ako sa ginawa nya? Hell no, gusto ko nga yung ginawa nya, I mean hahahaha hello, ako dapat ang mag-isip nun kasi ako ang kumiss ng matagal sa kanya.

"Ano ka ba Mika?" sabi ko dito saka ako tumawa. "Kaya nga ako nandito para humingi ng sorry sayo" umikot ako sa tabi nya para ipag-usad sya ng upuan. "Itong paella, niluto ko dahil napag-usapan natin" sabi ko at iniangat ang kwekwek. "Ito naman, niluto ko bilang peace offering sayo" dagdag ko.

"Peace offering?" tanong nito at inilalayan kong makaupo na. Inilapit ko sa kanya ang isang plato at pinaglagay sya sa pinggan ng paella.

"Yah. Naisip ko kasing nagalit ka sa ginawa ko kaya ayan, pinagluto kita ng paborito mo, hindi nga lang tokneneng" sabi ko at umupo na sa katabi nitong upuan. "kain na tayo" naeexcite na sabi ko.

"Bat naman ako magagalit? Eh ako nga ang nauna" sabi nito.

"Kasi... matagal yung saken?" patanong na sagot ko. "Yun din yung reason kaya hindi kita matext man lang, dahil nahihiya ako sayo, feeling ko sumobra ako dun sa ginawa ko" nahihiyang sabi ko.

"Akala ko kaya hindi mo ko tinetext dahil galit ka kaya hindi na din kita tinext kasi nahihiya din ako" tumawa sya.

Ang cute. Akala lang pala namen na galit ang isa't isa. Hahahaha

Nagstart na kaming kumain habang pinag-uusapan ang mga bagay bagay. Sarap na sarap sya sa niluto ko at panay ang compliment, sabi ko wag na nyang icompliment dahil baka sumakit na naman ang tyan nya kaya hindi na sya nagsalita pa about sa paella ko. Hahahaha

Ngayon ay kumakain na kami ng kwek kwek.

"Vic, galit ba saken yung nanay mo?" tanong nito.

Bigla akong nabilaukan sa sinabi nya.

"H-Ha?" tsk. Naramdaman din nya pala yun. "Bakit mo naman nasabi?" tanong ko.

"H-Hindi. Ewan. Feeling ko lang siguro parang medj cold sya saken" sabi nito na parang nag-iimagine pa. "Parang kapag hindi ako nakatingin sa kanya, nakatingin sya saken, parang inoobserve nya ako tapos kapag tumitingin naman ako sa kanya at ngumingiti nag-iiwas sya ng tingin" sabi nito.

Napasmile ako sa sinabi nya. "Wag mo ng isipin si Mama" tumawa ako. "Hindi lang siguro sanay na nakakakita ng ibang tao sa bahay" sabi ko habang ngumunguya pa, medj mainit pa pala tong kwek kwek hahahaha

"Hindi ka ba madalas magdala ng kaibigan sa bahay?" tanong nito.

Umiling ako. "Actually ikaw palang" sabi ko. "Nah, bukod dun sa isa, ikaw na yung kasunod" tumawa ako.

"Isa? Sino yun?" tanong nito parang curious na curious.

Ang awkward naman nung topic. Hahahaha

"Nag-enjoy ka ba sa bahay?" tanong ko. Wala lang, para lang maiba yung usapan.

"Oo naman!!!" mataas ang energy na sagot nito. "Sobrang bait nilang lahat" sabi nito. "Alam mo, simula ng makilala kita, mas naappreciate ko yung buhay, tinuruan mo kasing mamuhay ng simple lang, yung alam mo yun? Simpleng damit, simpleng pagkain, simpleng buhay dapat naappreciate. Na dapat pinagpapasalamat dahil hindi lahat ng tao nagkakaron ng opportunity na magkaron ng kung anong meron ka" sabi nito.

Bigla naman akong naflatter. "Nahihiya nga akong naexpose na kita sa buhay ko eh" sabi ko.

"Ano ka ba? Walang nakakahiya dun, masaya akong mas makilala ka pa ng sobra, mas makilala ko yung totoong Vic, si Ara" nagsmile sya. "Nung una tayong kumain together, mas naappreciate ko yung mga simpleng bagay, simpleng pagkain, before kasi maselan talaga ako sa pagkain eh. Tapos nung nakilala ko kayo ng mga kaibigan mo, mas naappreciate ko yung totoong value ng kaibigan sa buhay. Nung may problema ka, kahit hindi mo sila sabihan sila mismo ang darating para alalayan ka. Hindi katulad sa mga kaibigan ko sa states, status lang ang mahalaga, kelangan makasabay ka sa kanila para maging in ka, hindi ka pwedeng maging weak dahil maiiwan kang mag-isa. Tapos, nung nakilala ko ang pamilya mo, mas naappreciate ko ang totoong value ng pamilya, ng buhay. sabay sabay kayong kumakain, sabay sabay kayong nagppray, kahit masikip yung kwarto nyo sama sama kayong natutulog. Ang saya lang. Sa bahay kasi, si kuya lang lagi ang nakakasabay kong kumain, sina mommy at daddy laging busy sa trabaho nila. Ni hindi ko nga sila nakakausap ng matagal, alam mo yun? Parang kelangan ko pang bilhin yung isang oras na sasamahan nila ako sa school para sa family day" tumawa sya. Kitang kita ko sa mata nya yung lungkot at appreciation sa pagkukwento nya.

TUmingin sya ng diretso sa aking mga mata. "Vic, thank you ha" ngumiti ako. "Thank you kasi winelcome mo ako sa buhay mo" ngumiti na din sya sa akin.

"You're always welcome Mika" ngumiti akong muli pagkasabi nito.

Sobrang sarap lang na madinig na naappreciate nya kung ano ako. Hindi sya katulad ng ibang babae na estado sa buhay ang mahalaga. Ayaw na ayaw dinadala sa mga turo turo, samantalang si Mika, iba sya.

Actually, dapat ako ang magpasalamat kay Mika, dahil simula ng makilala ko sya, dun ko narealize na lahat ng akala ko ay hindi totoo.

Akala ko wala ng babaeng makakaappreciate sa estado ng buhay ko unless same kami ng pinagdadaanan.

Akala ko lahat ng galing sa states maarte, pero hindi pala.

Akala ko hindi na ako maiinlove ulit, huli na si Denden, pero ito ako ngayon, falling for Mika, and I can't help it. I can't help falling in love, with her.

Akala ko imposibleng magkagusto ka sa taong kakikilala mo palang, pero tama si Thomas may mga pagkakataon na sa unang pagtatagpo palang alam mo na, ganun ang nangyari sa amin ni Mika, ganun tumakbo yung nararamdaman ko para kay Mika, unang araw palang, may effect na. Hay.

"Mika" nagpakawala ako ng malalim na hininga. "thank you din"

"Ha? Para saan?"

"Sa lahat. Thank you kasi parati kang nandyan para saken, thank you kasi naappreciate mo ako" sabi ko. Kung pwede ko lang sabihin yung totoong reason kung bakit ako nagpapasalamat sa kanya, kanina ko pa sinabi. Hahahahah

"Hmmp" sabi nito at tumawa saka tinapik ang noo ko. "Tama na nga ang drama na natin buti pa pag-usapan na lang natin ikaw" sabi nito.

"H-Ha?" tanong ko.

"Yeah" sabi nito saka tumango, nakakaloko ang ngiti nya. Ako lang ba to o sinasadya nya? "Is that your first kiss?" tanong nito.

Nabigla ako sa tanong nito, mabuti na lang at walang laman ang bibig ko kundi nabilaukan na naman ako. Ano bang tanong yun?

"H-Ha?" my 'ha' syndrome again.

"Yung sa Pampanga, first kiss mo ba yun? I mean first kiss na as in sa lips, exclude yung parents mo nung bata ka pa or any kids na sa lips mo kinikiss" ngumiti syang ulit.

Shit.

Totohanang tanong ba yan?

"Kasi ako, no. That isn't my first kiss" sabi nito.

Aww. Para namang biniyak ang puso ko sa sinabi nya. Hmp! Ang sakit ah. Sabihin ko na lang kaya na no? At si Denden ang first kiss ko, kahit sa cheek ko lang naman sya nakiss before? Aish. Di naman kasi ako sanay magsinungaling, but to be honest, yeah. Tha's my first kiss. She's my first real kiss.

Pero masakit kasi yung hindi ako yung first nya, yeah, marami na din nga pala syang naging boyfriend as she said.

"Pero that's my first kiss" she stopped then looked me in the eye. "Na ako ang nauna" seryosong sabi nito.

Napalunok ako. S-So... si-sinasabi nyang recorded as kiss yung ginawa nya saken tapos beat the record pang ako lang yung una nyang nakiss ng sya ang nag-initiate?

Oh deym. Kung totoo man yan, nagtatatalon na siguro sa tuwa ang puso ko. Ugh!

Gusto ko sanang ipakitang kinikilig ako, ngumiti or tumalon pero hindi pwede, kelangan kong galingan ang pagpigil sa sarili kong emosyon, ugh.

"W-Weh? Maniwala?" tanong ko. Gusto ko lang makasigurado.

"Yah" tumango sya. "Kaya nga akala ko nagalit ka saken kasi first time ko lang ginawa yun and I don't know how to deal with it, kaya tinulugan na lang kita sa Bus kasi di ko alam kung magsosorry ba ako or what" sabi nito. "Pero kasi you provoked me"

Provoked her? In what sense? Wala naman akong ginagawa.

"I provoked you? Di naman kita inaano" sabi ko saka ako tumawa. Tawa para marelease yung kilig na nararamdaman ko.

"Yeah. Sabihin mong hindi, nakatitig ka sa lips ko na parang you want it, kaya binigay ko" sabi nito

MIKA!!!!! Ugh! Ano bang sinasabi nya?? Teka, centralized naman yung place diba? Bat ang init?! Aish. Hahahahhaha



Tumayo ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pakiramdam ko sasabog ako. Napakagat na lang ako sa labi ko ng tumalikod ako at kunwaring kukuha ng tubig.

"Eh kasi ano..." ugh di ko din alam how to deal with this kind of convo eh. Aish. "Yeah. You were my first kiss" sabi ko. "That was my first"

Ewan. Win win situation kaya sinagot ko na lang dun sa medj mababawasan yung nararamdaman ko, mahirap na baka hindi lang smack ang magawa ko. Hahahaha

Bumalik ako sa upuan ako at pinaglagay sya ng tubig sa baso.

Bahagyang lumapit ang mukha ni Mika sa akin. Napaatras ako ng iwas ang tingin sa kanya, mahirap din kayang umamin. Hahahaha "Weh?" di makapaniwalang tanong nito.

Tumingin ako sa kanya, mukha ngang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. "Totoo" sabi ko na lang.

"So you mean hindi mo man lang nahilakan yung girlfriend mo before?" nanlalaki ang matang tanong nito.

Tumawa naman ako.

"Gosh, ang hina mo naman Vic, mas breezy pa pala ako----"

"Hindi pa ako nagkakaron ng girlfriend" sabi ko. That's the truth, hindi ko naman naging girlfriend si Denden.

Natahimik si Mika. Nabigla. Pero unti unti din nabalot ng pagtataka ang mukha nito. "W-Weh?" di sya makapaniwala.

Tumango naman ako. "Oo nga!" saka ako tumawa.

"P-Pero s-sabi nila Jessey maraming nagkakacrush sayo, besides gwapo ka Vic" uhm wait? Mamumula na yata talaga ako sa sinabi nya, napayuko ako. "Ang lakas ng dating mo sa girls totoo. Tbh, nung nakilala kita before sa Bora, akala ko talaga may girlfriend ka kasi sabi ko sa sarili ko, imposibleng wala, umpisa palang alam kong mrami na talagang naattract sayo" isa ka din ba sa mga yun Mika? Hahahaha

Ngumiti ako sa sinabi nya. Hindi ko naman alam ang sasabihin mo.

"So you mean ni isa sa mga nagkakagusto sayo hindi mo natipuhan?" takang tanong nito.

Tumango ako.

"God! Ang choosy mo pala" sabi nito saka tumawa. "Magsisinungaling ka saken kung sasabihin mong hindi ka nagkagusto ever sa isang babae before" sabi nito.

Hindi ako kumibo at ngumiti na lang. "Sabi na eh!" sabi nya na napasnap pa ng fingers. "Ok game, magkwento ka" sabi nito saka sumandal sa backrest at sinubo ang tinusok na kwekwek sa tinidor nya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya habang nakangiti "Magkwento ng ano?" tanong ko,

Naglean sya ng konti sa table, "The whole time na magkakilala tayo, story mo lang about sa family mo ang alam ko, sa papa mo, yun lang, wala na akong nalaman tungkol sa ibang bagay, lalo tungkol sa lovelife mo" sabi nito. "Puro ako na lang nagkukwento, napakatransparent ko sa sayo. Ikaw naman" pagtatampo pa nito kunwari.

"Pero Mika, hindi naman ako nagkaron ng 'lovelife' before" sabi ko with matching air quote pa,

"Vic! Hindi ka naman bato para walang maramdaman noh, darating at darating sa puntong magkakagusto ka sa isang tao, yun, yun ang ikwento mo"

Wait. HInihingi ko bang ikwento ko yung process ng pagkakafall ko sa kanya? Char.

Hindi ako kumibo sa halip ay tumawa na lang. Tatayo na sana ako para magligpit ng pigilan ako nito. "Dito ka lang" may pagauthoritative na sabi nito. "Ganito na lang, yung sinabi mo kanina na dinala mo sa bahay bukod sa akin, babae ba yun o lalaki?" tanong nito.

Napakunot ang noo ko. "Babae" sagot ko

"Kaibigan mo or special someone?"

"Kai---" napatigil ako "Spe---" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Ano nga bang naging estado namen ni Denden noon?

"Sabi na eh!!!!!" sabi nito na parang tuwang tuwa. Ah yeah, im talking to a psych graduate nga pala. Tsktsk. Mahuhuli at mahuhuli ako nito. Hahahhaha "Magkwento ka na" she commanded.

Huimnga ako ng malalim, she's right, unfair naman siguro na puro ako na lang ang nakikinig sa kanya at sya ang nagkukukwento, it's time now na ako naman ang magshare sa kanya. Besides, hindi na ganun kasensitive yung topic now that I can finally say na nakamoved on na ako. Totally moved on.

"Fine"

"Yes!!!!"

"Her name is Denden, Dennise Michelle Lazaro" di ko makakalimutan. "I met her nung sumali ako sa varsity ng basketball nung second year highschool ako. Sa private ako pinag-aral ng tita ko para kasama daw ng anak nya, by that time hindi kayang sustentuhan ni Mama yung pag-aaral ko dahil nasa stage pa sya ng depression nun dahil sa pagkakahiwalay nila ni Papa" paniwala kong salaysay. Nagbreathe in and out ako.

Taimtim itong nakikinig sa akin na parang dinadama bawat sinasabi ko.

"Itutuloy ko pa ba? Medj pang MMK kasi to" tumawa ako.

Tumango sya. 'Yes yes please" sabi nito na parang batang nagpapacute. Inusad nito yung pinagkainan nya saka naglean sa table.

Huminga ulit ako ng malalim. Saan ba ako nahinto? Ah yeah..

"Sumali naman syang cheerleader that time, dahil parehas ng gym ang bball girls and boys, madalas kaming magkita. Ahead sya sa akin ng 2 years kaya ate ang tawag ko sa kanya nun. Dahil madalas kaming magkita, madalas din kaming magkwentuhan, lumalapit sya sa akin after ng training namen tapos dinadalhan nya ako ng pagkain nya. Mas lalo akong naging close sa kanya kasi madalas kaming mag-aral nun, dahil nga ahead sya sa akin at matalino sa kanya ako madalas magpaturo sa assignments ko. Then yun, naging super close kami. Hanggang sa nagkaaminan na, naging M.U" tumawa ako pagkasabi ng term na M.U.

Pinagmasdan ko si Mika. HIndi ko akalain na magiging ganito kadali ng magkwento sa kanya tungkol sa isang bagay na hirap na hirap akong ikwento sa lahat noon. Ngayon ko na lang ito naiopen, at di ko inexpect na magiging normal na story telling lang. Akala ko magigign dramatic, katulad noon nung iniiyakan ko pa si Denden.

"Pero dahil parehas kaming babae noon, hindi namen magawang aminin sa ibang tao ang estado namen, ang alam ng lahat younger sister lang ang turing sa akin ni Denden. Hanggang sa dinala ko sa bahay si Denden, birthday ko, nakita sya ng pinsan ko. Nagkacrush sa kanya yung pinsan ko. Tapos gusto nyang ligawan si Denden, tapos ako yung bridge dahil ako ang kaibigan ni Denden, wala akong magawa noon, di ko kayang ilet go si Denden, pero nakokonsensya ako dahil pamilya nila ang nagpapaaral sa akin, bunso yung pinsan ko, sunod sa layaw, mas bata yun saken kaya lahat ng gusto nya binibigay ko, para ko na din syang bunsong kapatid, bata palang kami halos hindi na kami mapaghiwalay, pero dahil alam mo na, peak ng kabataan, mapusok, ayokong ilet go yung nararamdaman ko para kay Denden para sa pinsan ko. Tapos nalaman ni tita" ngumiti ako habang iniimagine yung nangyari before.

"Huhulaan ko, pinaghiwalay kayo?" tanong nito

Ngumiti ako, "Not totally pinaghiwalay, kinausap ako ni Tita na tulungan ko daw yung anak nya sa nililigawan nito, hindi kasi sya halos ineentertain ni Denden, ni hindi kinakausap, which turns out bad para sa pinsan ko, hindi sya umaattend ng training nila, player kasi sya ng basketball and I must say sya ang pinakamagaling kaya pinakacrush din ng mga girls noon. Tapak sa pagkalalaki nya na hindi sya pinapansin ng cheerleader ng school diba?" tumawa ako, tumango naman si Mika at ngumiti din. "In short nagpabaya sa pag-aaral yung pinsan ko, syempre nanay, normal lang na itolerate ang anak, tutal naman daw kaibigan ko si Denden pwede ko daw bang gawan ng paraan. Tita ko yun eh, pinag aaral ako nun, kaya nawalan ako ng choice, hindi naman kakayanin ng konsensya ko na malaman nila na kami ni Denden tapos devastated ang anak nila. To make it short, kinausap ko si Denden at pinakiusapang ientertain yung pinsan ko, bigyan ng chance. Ang masaklap ako pa ang ginawang way ng pinsan ko para manligaw kay Denden, taga dala ng bulaklak, taga gawa ng sulat, taga setup ng date nila, taga isip ng idea para sa gift nya" Yeah. Ginawa ko yun before kay Denden at sa lahat ng nililigawan at naging girlfriend ni Jeron.

"Grabe naman yang pinsan mo" parang naiinis na sabi nito. NAtawa naman ako sa reaksyon nya, nadadala yata sa kwento ko. HAhahhahaha

"Hanggang hindi ko namamalayang nagkakagusto na din si Denden sa kanya, masakit para saken na unti unting makita na yung gusto ko unti unti na ding naffall sa iba, hindi nalaman ni Denden ni minsan na sa lahat ng efforts na ginawa ng pinsan ko, ako yung nasa likod nun. Tapos naging sila. Lumipat ako ng sports, nagvolleyball ako para makaiwas, ayokong manuod ng eksena nilang naglalambingan during practice. Na yung dating dinadalhan ni Denden ng food ay hindi na ako, ayun. Yun ang kwento ko" sabi ko. Saka ako tumawa.

Napansin ko na nagpapahid ng mata si Mika, sandali? Umiyak ba sya?

"Hey ok ka lang?" tanong ko.

Tumawa ito, "Sorry nadala lang" ngumiti sya. "Ikaw kasi eh sobrang bait mo, so you do anything ang everything pala para sa pinsan mo?" tanong nito.

Tumango ako. "Wala eh, pinsan ko yun. Pamilya ko"

"Kahit it takes na yung mahal mo pa yung kelangan mong isacrifice?" tanong nito.

Hindi ako agad nakasagot. Jeron is too fragile, ayokong maulit yung nangyari noon kung magiging selfish ako. "I guess so" sagot ko na lang.

Napasad face ito.

"Pero kung magkikita kayo nung Denden, kaya mo ba syang harapin?" tanong nito.

"Yes. Of course, hindi naman sya ang dapat sisihin sa lahat, hindi naman nya kasalanan na nafall sya sa pinsan ko dahil sa mga maling akala, kasalanan ko yun" sabi ko.

Sandali syang natahimik, tila ba nag-iisip.

Uminom naman ako ng tubig, medj naubos laway ko sa haba ng kinwento ko. hahahaha

"Vic?"

"Mmm?"

"Mahal mo pa ba sya?" tanong nito.

Bigla akong natawa ng mahina sa tanong nito. Mahal ko pa ba si Denden?

Umiling ako. "Hindi na" agad kong sagot.

Cos I'm inlove with someon else Mika.

I'm inlove with you, Mika Reyes.


Ilang segundo syang natahimik kaya nagkaron ako ng pagkakataon para magligpit ng pinagkainan namen.

"Can I ask something?" Tanong nito.


Tumango naman ako.


"Yung tanong na di mo sinasagot" sabi nito.


Napalingon ako sa kanya at napakunot ang noo.

"Why did you kissed me?" She asked. "I mean, why did you Kissed me back?"

Ngumiti ako at tumalikod sa kanya saka inilapag sa sink yung pinagkainan namen


"Please Vic, sagutin mo na? Please?" Pagpplease nito.


Nilingon ko sya.


Now that wala na akong tinatagong feelings sa sarili ko sa kanya, now that I had already confirmed na wala na ako dun sa past ko, now that I can finally say I'm totally over it, pwede ko na din sigurong sabihin yung totoo.

Naghalukipkip ako at sumandal sa sink.

"Sasagutin ko yan sa isang kondisyon" sabi ko.

Ngumiti sya at tumayo. "Anything" sabi nya.


"Pagsinagot ko yan, hindi ka na ulit magtatanong ng kahit na ano. From this day onward" sabi ko.


Napakamot naman sya sa ulo nya. "Ang unfair naman!" Sabi nito.


"Fine edi wag" sabi ko at muling tumalikod sa kanya. Napangiti ako.

"Eh Vic naman eh! Fine fine! Sige na! Deal na" sabi nito.

Di ako agad lumingon, hinintay ko syang lumapit sa akin.


"Uy! Vic! Tell me na!" Hahawakan nya sana ako sa braso ng humarap ako sa kanya.

Perfect timing.

We're this close again.


"Kasi gusto kita" sabi ko ng nakatitig sa kanyang mga mata.

Ngumiti ako. Tila bagang tulalang tulala si Mika at gulat na gulat sa nadinig nya..

"I kissed you, cos I like you"

I've never been this brave. Ngayon lang. Kaya proud ako, finally, kahit yung half ng nararamdaman ko kay Mika naamin ko na.

I'll take it slow.

Step by step.

Atleast kahit papaano, alam nyang gusto ko sya.

Yah. I do. I like her.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

15.6K 868 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
153K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
77.6K 3.3K 84
Isang Simpleng Probinsyana Na May Angking Talento Sa Pakikipaglaban Ngunit Ang Kanyang Talento Ay Hindi Nya Basta Ginagamit Sa Mga Walang Kakwenta Kw...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...