Say You Love Me

By dizzy-gurl

6.5K 162 96

The Irony: Dash has been chasing her first love of 5 years, Chase Conrad Villegas. Ginagawa niya ang lahat ma... More

Say You Love Me
CHAPTER 1: High School Love
CHAPTER 2: Hello Mahal, I Exist!
CHAPTER 3: Hindi Ako Stalker!
CHAPTER 4: #OplanMakeChaseFallInloveWithMe
CHAPTER 5: Contract Signing
CHAPTER 6: Servant Duties
CHAPTER 7: Meeting Kyle
CHAPTER 8: Size Doesn't Matter!
CHAPTER 9: Failed Stalker!
CHAPTER 10: 1-on-1 with the (Future) Brother-in-Law
CHAPTER 11: My Ideal Guy
CHAPTER 12: Dash's Male Version
CHAPTER 13: Ai - "Love"
CHAPTER 14: Someday
CHAPTER 15: Emotions
CHAPTER 16: Unanswered Questions
CHAPTER 17: Kuya Headphones
CHAPTER 18: Gayuma
CHAPTER 19: Amazed
CHAPTER 20: Make Him Jealous
CHAPTER 21: Effort
CHAPTER 22: Best-est Day
CHAPTER 23: Cynical
CHAPTER 25: One Time Big Time

CHAPTER 24: Ruckus

277 7 9
By dizzy-gurl

I am on my way sa classroom nina Chase para ihatid yung food niya nang makita ko siya kasama ang mga kaibigan niya na naglalakad mula sa di kalayuan. Sa sobrang excited ko, hindi ko napigilang tumakbo papalapit sa kaniya habang sinisigaw ko ang pangalan niya. Ilang buwan ko ding hindi nakita tong mahal ko, and finally nakita ko na din siya!!!!!!

Kung alam lang niya kung gaano ko siya namiss ng sobra sobra sobra!!

"CHASIEEEE!!!!!" Tawag ko sa pangalan nito habang kumakaway at mabilis kong tinakbo ang corridor para mahabol siya. Lumingon si Chase, pero agad din itong tumalikod at nagpatuloy sa kaniyang paglalakad.

"Hi Ms. Chaser! Kamusta ang summer vacation?" nakangiting tanong sa akin ni Josh. "May pagkain ka ba jan? Nagugutom na kasi ako eh. Hehe!"

"Loko ka talaga Josh. Unang unang pagkikita niyo ni Cookie Girl, pagkain agad yung hinanap mo sa kaniya." sabi naman ni Art "Pero di nga Cookie Girl, namiss nga namin yung pagkain mo."

Aww, buti pa sila miss ang pagkain ko. Si Chase kaya, namiss ako?

"Actually, kaya ako nandito para maghatid ng food sa inyo," I smiled. Nag-smile back naman sila sa akin.

"Ayos!!" excited namang sinabi ni Josh. Takaw talaga hehe.

Lumapit ako kay Chase at sinubukan ko siyang sabayan sa paglalakad. Grabe, hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na siya ngayon at kasama ko na. Pakiramdam ko taon ang tinagal ng di naming pagkikita kahit buwan lang naman talaga kami hindi nagkita.

"Chasie, kamusta bakasyon niyo sa US? Mukhang nag-enjoy ka ah." Tanong ko sa kaniya habang nakangiti sa kaniya.

"Masaya."

"Talaga?"

"Oo, kasi walang makulit."

Pagkasabi niyang yun, dumiretso siya agad sa table niya at nagsimulang magbasa ng libro, sign na wag namin siyang guluhin.

Nakatayo lang ako sa may pintuan nila habang ina-admire siya sa di kalayuan. Namiss ko yung presence niya. Yung mga pagsusungit at pagiging antipatiko niya. Yung boses niya. Namiss ko din yung amoy ng pabango niya sa tuwing lumalapit ako sa kaniya. Namiss kong tignan ang gwapo niyang mukha, yung mapupula niyang pisngi... yung maliliit niyang mata at yung mga labi niyang mapula. I wonder kung dadating ang time na maglalapat ang mga labi namin.................

"Kahit anong titig pa ang gawin mo jan, hindi yan ma-i-inlove sayo."

Biglang naputol ang pagpapantasya ko ng dahil sa boses na iyon. Nakita ko si Zack na nakatayo sa likod ko.

"So balak mong humarang sa pintuan ng classroom namin ng buong araw?"

Dati rati kapag nagsusungit siya, naiinis ako. Pero dahil friends na kami (I'm assuming) at alam ko namang deep inside eh mabait siya (cynical asshole lang talaga), pinalagpas ko na lang yung pagsusungit niya. Bagkus, sinuklian ko siya ng matamis na ngiti.

"Good morning Zack!"

Hindi siya nagreply sa bati ko and instead, nagdiretso lang ito sa table niya. As usual, nakasuot na naman ang headphones nito habang busy siya sa paglalaro sa cellphone niya.

Lumapit ako sa table ni Chase at iniabot ko sa kaniya yung pagkain niya. Masyado siyang busy sa pagbabasa niya kaya di niya napansing lumapit ako sa kaniya.

"Chase, ito nga pala yung food mo. Ilalagay ko na lang sa tabi ng bag mo ha? Mukhang busy ka jan sa pagbabasa mo eh. Hehe."

Deadma. Mas mahal pa niya yung libro kesa sa akin. Wait, correction to that. Mahal niya yung libro, ako hindi. Buti pa yung libro huhuhu.

Bigla kong naalala na nagdala din pala ako ng pagkain para sa buong section nila. Nagpunta ako sa harap at tinawag ang atensyon nila.

"Guys!!!! Food for everyone!" Nilagay ko yung Tupperware of brownies sa may teacher's table. "Kuha na lang kayo dito. *smiles*"

"Ui Dash! Namiss ka namin!"

"Namiss namin yung food mo!"

"Ayos! Buti na lang di ako nalipat ng ibang section. Hehehe!"

"As usual, masarap ang mga pagkain mo Dash!"

Halos lahat sila pinagkaguluhan yung binake kong brownies. Isa pa nga si Josh sa mga nakipag-racing sa harap maka-hoard lang ng brownies. Halos unoccupied lahat ng table, maliban sa dalawa – si Chase na busy pa din sa pagbabasa at mukhang wala namang pakialam, at si Zack na busy din sa paglalaro ng phone niya at wala din pakialam sa nangyayari sa mundo.

Kumuha ako ng brownies at lumapit sa table ni Chase.

"Chase, ikinuha kita ng brownies baka kasi maubusan ka eh."

Tinignan lang ako saglit ni Chase at nagtuloy na agad siya sa pagbabasa niya. Ignored as usual. Maya maya ay dumating na din nag homeroom adviser nila.

"Anong kaguluhan ito? Bakit halos lahat kayo ay nakatumpok jan sa teacher's table?"

Isang may edad na babae, around 30s, ang pumasok sa classroom. Naka-salamin siya na may pulang frame at hanggang balikat ang buhok nito. Nakangiti itong lumapit sa mga kaklase ni Chase na busy pa din sa pagkain ng brownies sa may teacher's table.

"Mrs. Santos, subukan niyo po itong brownies. Gawa ng girlfriend ni Chase!"

Inabutan ni Josh ng brownies yung professor, kinuha naman niya ito at tumikim.

"Masarap ah. Mahusay kang magbake!" halos naubos ni Mrs. Santos yung brownies na inabot sa kaniya ni Josh.

"Thank you po, Maam!"

Grabe, nakakataba ng puso talaga yung mga pagpuri nila sa pagkain ko. Nakakatuwa kasi na-appreciate nila. Kung ganito lang sana ka-vocal si Chase sa mga niluluto ko sa kaniya, siguro mas maiinspired pa akong galingan ang pagluto ko.

Speaking of Chase...... napagkamalan ng professor nila na girlfriend ako ni Chase. Good job sa kakaklase nila na nagsabing GF ako ni Chase!

"Chase, maswerte ka sa girlfriend mo ah. Magaling magluto!" puri sa akin ng adviser nila.

Huminto si Chase sa pagbabasa at walang buhay na tumingin ito sa amin. "Hindi ko po siya girlfriend," pagkasabi niyang yun ay nagtuloy na siya sa pagbabasa niya.

"Aww~" narining kong sinabi ng mga kaklase niya. Kainis, saglit ko lang na-enjoy yung moment na napagkamalan akong GF ni Chase. Binasag agad niya huhu.

"Ah, ganun ba? Sorry, akala ko kasi..." pagpapaumanhin ng butihin nilang adviser sa akin.

"Ayos lang po maam. Di naman pasasaan at doon din ang ending namin. Maghintay lang kayo, magiging GF din ako niyang estudyante niyo." Proud ko pang sinabi dito.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ni Chase, pati din si Mrs. Santos ay nakisali na din sa hiyawan.

"Woah! I like your fighting spirit! Goodluck iha. Pag naging kayo na ni Chase, I am pretty sure the whole block will be glad. Nasayo ang support namin, right guys?"

"Yeah!!" sabay sabay na hiyawan nilang lahat.

Wow, sila na ang supporters ko! Ang dami kong supporters sa challenge na ito. Mas nainspired tuloy akong bihagin ang puso ni Chase.

*DING DONG DING*

"O class, nag-first bell na. Get back to your seats!"

Isa isang silang nagsibalikan sa kanilang mga table, samantalang ako naman ay nag-start na mag-packup ng gamit ko para pumasok na din sa first class ko, tho may 1hr pa akong free time dahil mamaya pa ang class ko.

Bago ko tuluyang umalis, pinuntahan ko ulit si Chase para magpaalam sa kaniya.

"Bye Chasie! Bukas ulit hatiran kita ng masarap na pagkain *smiles"

"You made a ruckus. Again. This is why I missed US. Tahimik. Walang makulit. Walang magulo."

Okay confirmed, di niya ako namiss kahit slight lang. Huhu.

"Ah.. sorry. Sige bukas, magni-ninja na lang ako para di na ulit ito maulit." Pagpapaumanhin ko dito. "Sige, una na ko. See you tomorrow Chasie!"

"Whatever,"

Nginitian ko na lang siya. Grabe sa kasungitan. Balita ko madaming nagagamot na sakit sa US.. Sana pinagamot niya na din yung pagka-moody niya doon. Hmp.

Bago ko nilisan yung classroom, dinaanan ko si Zack sa table na ngayon eh busy na sa pagsusulat sa notebook niya. Nung napansin niyang papalapit na ako, bigla niyang tinago yung notebook niya at tumingin siya sakin. "What?"

"Brownies," ipinatong ko sa table niya yung brownies. "hindi ka kasi kumuha kanina kaya ikinuha kita."

Paalis na ako ng classroom nila ng tinawag ako ni Zack.

"Hey,"

"Yea?"

"Thanks," he said as he waved the brownies. Napansin kong may kagat na din ito.

"You're welcome!" I smiled and waved back as I leave their classroom.

Finally, balik na naman sa dating gawi ang buhay ko. Araw araw makikita ko na si Chase, ipagluluto at bake ko siya ng pagkain, pupunta ako sa classroom nila para hatiran siya ng pagkain, tapos mameemeet ko na ulit araw araw yung mga friends and classmates niya. Babalik ako sa classroom namin para mag-aral at dahil 2nd year na kami, mas mapapadalas na yung baking/cooking class namin. Makikita at makakasama ko na ulit yung mga kaklase ko. Makaka-bonding na ng mas madalas yung dalawa kong bestfriend na sina Daiki at Mischa (at dahil mag-shota na yung dalawa, naging bestfriend ko na din si Daiki). Balik sa dating gawi.

Second Year life, please be good to me!

At dahil may 1hour break pa ako, naisipan kong tumambay sa Org Room. Naabutan kong nagbabasa ng libro si Kyle pagkapasok ko ng Org Room.

"Hi Kyle!" bati ko dito.

"Hey! Good Morning." He greeted back with a smile. "Wala kang class?"

"Meron, pero mamaya pa. 1 hour akong vacant today kaya tambay muna ako dito." Sabi ko dito habang busy akong tumitingin sa telescope. Nakagawian ko ng tumingin dito sa tuwing bumibista ako ng Org Room. Lagi ko kasing hinahanap yung summer triangle, tsaka yung favourite planet ko na si Saturn. "Wala ka din bang class?"

"Meron sana, kaso biglang nagpa-free cut. Alam mo na. First week of school year kaya tinatamad pumasok yung ibang mga prof."

"Sa bagay, sa amin din madalas magpa-free cut kasi wala yung mga prof."

"Bakit pala ang aga mo ngayon? Excited pumasok?"

"Well, that. And hinatiran ko yung future boyfriend ko ng food niya sa classroom."

"What? Si Chase? Hinahatiran mo ng pagkain?" gulat na tanong nito. Sa sobrang gulat, nagawa niyang ilapag yung librong binabasa niya at nakatuon ngayon ang atensyon niya sa akin.

"Uhmm, yeah. Since last year pa."

"Wow, I'm amazed." He said, with amazement. As in, yung mata niyang bilugan, mas lalo pang lumaki. Tapos yung bibig niya, naka 'Oh' shaped.

"Well, anything for my love."

"No wonder kung bakit di na siya nagpapabaon kay Nanay Flor. May tagaluto na pala siya ng pagkain niya." He chuckled. "Pwede din bang magpaluto ng baon sayo?"

"Pwede naman, pero may bayad pag ikaw."

"Aw, bakit naman? Akala ko ba ako future brother-in-law mo? Bakit mo ko sisingilin?"

"Syempre. May bayad yung effort ko no!! Tsaka ibang case si Chase. Mahal ko yun eh. Hehe."

"Haha, so na-appreciate naman ba niya yung efforts mo?"

"Hulaan mo."

"Hmm, let me guess, he doesn't say anything. Tama ba?"

"Tumpak!"

"Shiz," napa-face palm si Kyle sabay iling ng ulo nito. "minsan talaga ang sarap sapakin ng kapatid kong yan. Masyado ka niyang tine-take for granted."

"Ah.. yun ba? Ayos lang naman sakin yun. Makita ko lang siyang kumakain ng pagkaing niluluto ko, masaya na ako."

"Hindi ka ba napapagod?"

"Uhmmm," umupo ako sa tapat niya. Nag-i-scan ako ng mga librong dala niya habang nagiisip ng isasagot sa kaniya. "pagod? Well, hindi... hindi pa hangga't kaya ko pa. Sa totoo lang, nag-eenjoy din naman ako sa ginagawa ko eh. Kahit na sinusungitan ako ng kapatid mo, alam kong deep down inside eh na-appreciate niya yung mga effort na ginagawa ko sa kaniya."

"Sobrang optimistic mong tao. Sana talaga marealize ni Chase kung gaano siya kaswerte sayo."

"Alam mo, yan din ang hiling ko. Perfect GF naman ako. Hindi naman ako pangit, hindi din naman sobrang taba, medyo chubby lang. At isa pa, masarap akong magluto. Ideal wife ako kung tutuusin, diba brother-in-law?"

"Yung sa masarap magluto, agree ako jan. Pero yung sa iba? Hmm.. pag-iisipan ko." Sabi nito habang nakahawak sa baba niya, umaarteng kunwari ay nagiisip siya ng malalim.

"Ay, ang bully niya oh. Huhu, sob sob sob." Tinago ko mukha so dalawa kong palad at nagkunwaring umiiyak ako.

"Haha, biro lang kaw naman. Alam mo namang gusto kita para sa kapatid ko diba?"

"Iyan naman ang gusto ko sayo brother-in-law eh. High five naman jan!"

Nakipag-high five naman sa akin si Kyle.

*DING DONG DING*

Nag-first bell na ulit, meaning, kailangan ko ng bumalik sa classroom namin para sa first class ko. Palabas na ako ng org room ng tinawag ako ulit ni Kyle.

"Ah by the way Dash, paki-remind pala yung kaibigan mo na isubmit yung form within this week ha? Well, pwede naman siyang magpasa hanggang next week pero kasi I badly need new official members ASAP para sa Org Hunt activity for next week. Daan kayo dito after ng class niyo. Ideally, before 4PM sana para mahabol ko on time yung submission ng form sa Deans."

"Okay! Dadaan ako sa classroom nila mamaya para masabihan siya."

"Siya ba talaga ang pupuntahan mo? O may iba ka pang dahilan?" he said with a sheepish smile.

"Baliw! Sige na, papasok na ako sa first class ko. Bye!"

"Later," nakangiti niyang sabi habang kumakaway siya sa akin.

[ CHASE's POV ]

"Hi Chasie!"

Oh, why am I not surprised na makikita ko siya today? Ah, yeah. Dahil may pasok na ulit, lagi na naman kami sabay uuwi. Nasa contract nga pala namin yun.

"Hi Cookie Girl!" masayang bati sa kaniya ni Art.

"May dala ka bang pagkain ulit?" tanong naman ni Josh.

"Ikaw talaga napaka-takaw mo." sabay sapak ni Art sa kanang braso ni Josh. "Pagpasensyahan mo na itong kaibigan namin ha? Ubod talaga ng takaw eh."

"Okay lang, sanay na naman ako." Natawa naman niya sagot dito. Halos ga-linya na naman ang mga mata niya dahil sa pagtawa niya.

Busy silang ine-entertain si Dash samantalang ako naman ay busy sa pag-aayos ng gamit ko. Uwing uwi na ako kanina pa dahil gusto ko ng laruin yung bagong game na binili ko sa US. Hindi pa siya narerelease dito sa PH kaya atat na atat na akong laruin yun.

"May hinahanap ka ba? Parang kanina ka pa may sinisipat sa classroom namin eh." Curious na tanong sa kaniya ni Art. Actually, kanina ko pa nga napapansin yung panay lingon niya sa paligid. Mukha ngang may hinahanap siya.

"Actually, nakita niyo ba si—AH! Nakita ko na!" tumingin siya sa may pintuan at tinuro niya yung taong nakatayo doon. "Ikaw! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?"

"Ako?" turo turo niya ang sarili niya. "Kaya ka ba nagpunta dito para hanapin ako?"

"Oo," lumapit sa kaniya si Dash.

"Huh? Si Zack ang pinuntahan niya at hindi si Chase?" narinig kong comment ni Art.

Nagkibit balikat na lang si Josh. Nakita kong nagkatinginan pa yung dalawa kong kaibigan. Medyo napataas naman ang kilay ko sa narinig. Si Dash? Si Zack ang pinuntahan at hindi ako?

Well, who cares.

"Pinapasabi ni Kyle na isubmit mo daw sa kaniya yung form today. Napapirma mo na ba sa adviser niyo?"

Naglabas ng isang papel si Zack at pinakita ito kay Dash.

"Wow! Ang ganda pala ng whole name mo? Zack Clovis di Angelo.... Ang pogi pakingan!" winawagayway pa niya yung form, at ang laki din ng ngiti niya sa mga labi. Para siyang excited sa nakita.

Parang pangalan lang naman. Anong nakaka-excite doon?

"Hey,"

Naramdaman ko yung pag-nudge sa akin ni Josh. "What?"

Nilagay niya yung dalawang hintuturo niya sa kilay niya at dahan dahang iginalaw pagitna sa noo niya. "Salubong na naman."

"Pfshh. Whatever. Let's go."

Naglakad ako papalapit doon sa dalawa. Busy pa din sila sa paguusap kaya hindi nila napansin na lumapit ako sa kanila.

Biglang huminto sa pagsasalita si Zack. "Hey, may kailangan yata sayo si Chase,"

"Chasie my Loves! Uwi ka na?"

Na-weirduhan ako sa tanong niya. Bakit niya tinatanong kung uuwi na ako? Hindi ba isa din sa dahilan kung bakit siya nagpunta dito ay para sunduin ako dahil sabay kaming uuwi?

Tinangal ko yung bagpack mula sa pagkakasabit sa balikat ko at iniabot ito sa kaniya. "Let's go."

"Saan?" may halong confusion sa mukha niya and I'm starting to get irritated. Bakit ba ang slow niya?

"Contract? Uwian? Hatid? Ring a bell?" iritado kong sagot dito.

"Ay shit, oo nga pala!!!" nag-facepalm pa ito. What, don't tell me nakalimutan niya?! "Sorry Chasie! Hindi kita mahahatid ngayon, may kailangan kasi kaming puntahan ni Zack eh."

"Ha? May pupuntahan tayo?"

Tumingin si Dash sa watch nito. Bigla siyang nagpanic ng makita niya yung oras. "Shit! 10minutes to 4pm na pala! Halika na Zack, bawal tayong malate! Lagot tayo nito!!! Sorry Chasie bawi ako bukas, byebye!"

Nagulat kami sa mga sumunod na pangyayari: hinawakan niya sa kamay si Zack, hinatak niya ito, at nagmadali silang kumaripas ng takbo palabas ng classroom. Naiwan kaming tatlo na gulat at naguguluhan sa nangyayari.

"What... what just happened?" tanong ni Art na halatang nabigla sa mga pangyayari.

"Tama ba ang nakita ko?? Hinawakan ni Dash si Zack sa kamay?? Tapos holding hands silang lumabas ng classroom???!!!!" comment naman ni Josh.

"Wait, hindi ba si Chase ang madalas na dahilan kung bakit siya pumupunta dito?? So..... ngayon si Zack na din pinupuntahan niya dito???" pahabol na comment ni Art.

"Huy Chase, akala ko ba ikaw ang gusto ni Dash? Ano yung eksenang yun? Bakit may ganung pangyayari??!! Sagutin mo kami Chase Conrad!" ani Josh

"Dumating na ba ang araw na nagkaroon ka na ng karibal kay Dash?" singit ulit ni Art.

"Shet! May kahati ka na ng atensyon kay Dash!" pang-aasar naman ni Josh.

That's it. Punung-puno na ako sa mga pangtitrip ng dalawang to. Without uttering a word, naglakad ako palabas ng classroom. Narinig kong tinatawag ako ni Josh, pero hindi ko siya pinansin or nilingon man lang. Badtrip eh, lakas mang-asar.

Hindi ako affected dahil sa nakita ko okay? Naiirita lang ako sa pang-aasar nung dalawa dahil.... Dahil nakaka-pikon lang talaga sila mang-asar.

Palabas na ako ng building namin nang naaninag ko yung dalawa na naglalakad sa may pav. Nagmamadali pa din silang maglakad... at magka-hawak pa din ang mga kamay.

She made a ruckus once again. With my heart.

Fuck. What the fuck is happening to me??!!

Continue Reading

You'll Also Like

247K 16.6K 80
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
639K 14.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
95K 1.5K 15
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
1.7M 74.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...