Miss Number 1 in My Heart (ED...

Від GandangSora

4.1M 65.4K 3K

SELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may... Більше

Miss Number 1 in My Heart
CHAPTER 1: Miles, The Miss Number 1 [EDITED]
CHAPTER 2: Nathan, The Most Popular Heartthrob [EDITED]
CHAPTER 3: Nathan's and Miles' Best Friends [EDITED]
CHAPTER 4: When Miss Number 1 and Popular Heartthrob Meets [EDITED]
CHAPTER 5: Second Encounter [EDITED]
CHAPTER 6: Max and Juice, Finally Meets [EDITED]
CHAPTER 7: Stay Away From Him [EDITED]
CHAPTER 8: The Savior [EDITED]
CHAPTER 9: Meeting The Family [EDITED]
CHAPTER 10: Overnight and Rumors [EDITED]
CHAPTER 11: The New Student [EDITED]
CHAPTER 12: Basketball Game [EDITED]
CHAPTER 13: Sick [EDITED]
CHAPTER 14: Unknown Feelings [EDITED]
CHAPTER 15: Texting [EDITED]
CHAPTER 16: Max and Juice, LQ? [EDITED]
CHAPTER 17: A Favor, Not a Date [EDITED]
CHAPTER 18: First Date (Part 1) [EDITED]
CHAPTER 19: First Date (Part 2) [EDITED]
CHAPTER 20: Sam and Deus, It's Our Turn [EDITED]
CHAPTER 22: New Transferee Student [EDITED]
CHAPTER 23: The Past [EDITED]
CHAPTER 24: The Quarrel [EDITED]
CHAPTER 25: Bad Mood [EDITED]
CHAPTER 26: The Closure [EDITED]
CHAPTER 27: Hurt [EDITED]
CHAPTER 28: The Realization [EDITED]
CHAPTER 29: Official [EDITED]
CHAPTER 30: Cloud Montenegro [EDITED]
CHAPTER 31: Sweet in Her Own Way [EDITED]
CHAPTER 32: Cloud and Dawn: Perfect Combination [EDITED]
CHAPTER 33: Waking Up [EDITED]
CHAPTER 34: Second Date (Part 1) [EDITED]
CHAPTER 35: Second Date (Part 2) [EDITED]
CHAPTER 36: Continuation... [EDITED]
CHAPTER 37: Lover's Quarrel [EDITED]
CHAPTER 38: Bukol [EDITED]
CHAPTER 39: Third Monthsary Preparation [EDITED]
CHAPTER 40: Third Monthsary Celebration [EDITED]
CHAPTER 41: New Year [EDITED]
CHAPTER 42: Fourth Monthsary [EDITED]
CHAPTER 43: I Love You, Goodbye [EDITED]
CHAPTER 44: End [EDITED]
CHAPTER 45: The Gift [EDITED]
CHAPTER 46: Double Celebration [EDITED]
CHAPTER 47: Separate Ways [EDITED]
CHAPTER 48: Farewell [EDITED]
CHAPTER 49: Parting Time [EDITED]
CHAPTER 50: Graduation [EDITED]
EPILOGUE
Cloud and Dawn Side Story (Part 1)
Cloud and Dawn Side Story (Part 2)
Cloud and Dawn Side Story (Part 3)
Cloud and Dawn Side Story (Part 4)
Cloud and Dawn Side Story (Part 5)
Cloud and Dawn Side Story (Part 6)
Cloud and Dawn Side Story (Part 7)
Cloud and Dawn Side Story (Part 8)
Cloud and Dawn Side Story (Part 9)
Cloud and Dawn Side Story (Finale)
MN1IMH BOOK 2

CHAPTER 21: Courting Miss Number 1 [EDITED]

63.6K 1.2K 72
Від GandangSora



NATHAN


Nandito ako ngayon sa gym at hinihintay ang mga kaibigan at teammates ko para humingi ng tulong sa kanila. Alam kong mga gago sila, pero siguro naman matutulungan nila ako, di ba? Magagaling silang mambabae eh.


What help? The plan to court Miss Number 1. Yes. I'm planning to court her, so that she can be officially mine.


The first time I called her 'Mine' noong mag-overnight ako sa bahay nila, hindi ko talaga alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Buti na lang at nakaisip agad ako ng excuse noong magtanong siya.


And now I know why I called her 'Mine'. Dahil talaga palang nakatadhana nang mapasaakin siya. 'Yung mga sinabi ko noon na hindi ko siya magugustuhan at wala sa set of standards ko ang matatalinong gaya niya? Kinain ko ang lahat ng 'yon.


Si Mine lang ang tanging nakapagparamdam sakin ng mga feelings na hindi ko naramdaman sa ibang babae. Sa kanya lang din lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko.


Gusto kong makilala niya 'ko nang lubusan. Gusto kong makilala niya 'ko bilang ako, hindi bilang mayabang at malanding Nathan na kilala ng maraming estudyante. And most of all, gusto kong patunayan sa kanya na hindi lang ako basta gwapo.


Alam ko na noon pa sa sarili ko kung ano itong nararamdaman ko. Lalo pang tumitindi iyon kapag patuloy kong itinatanggi sa sarili ko kung anuman itong damdamin na sumisibol sa puso ko.


At ngayon nga, wala na 'kong balak pang supilin itong nararamdaman ko para sa kanya. If I like her, so be it. Gagawa na ko ng paraan para iparating sa kanya iyon. Hindi ko na kaya pang itago. Gusto kong magustuhan niya rin ako. At hindi naman siguro imposible 'yun, di ba? Ang gwapo ko kaya.


"Captain!"


Nilingon ko ang mga lalaking tumawag sa'kin na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Umupo sila. "Kumusta ang date n'yo ni Miss Number 1?" tanong agad nila sa'kin.


I smirked gorgeously. "It turned out very well. Our date was almost perfect."


"Naks! Base sa ngising demonyo mo, mukhang may nangyari na agad sa inyo, ah?" nakangising sabi ni Nic.


Bigla kong naalala 'yung 'accidental kiss' namin ni Mine sa ice skating rink. At sa totoo lang, hindi agad ako nakatulog nang gabing iyon dahil kapag pumipikit ako, ang eksenang iyon ang paulit-ulit na nagpa-flash sa isip ko. At hindi ko na naman siguro kailangan pang ikwento iyon sa kanila. Moment lang namin iyon ni Mine at wala akong balak na i-share sa kanila.


"Hindi ka naman sinaktan ni Miles?" tanong ni Cyprus.


Umiling ako. "No. Actually, siya ang mas higit na nasaktan," sagot ko na ang tinutukoy ay ang pagkakadulas at pagkakabagsak ni Mine habang nag-a-ice skating kami.


"Malamang. Mukhang first time niya, eh," komento ni Aaron.


Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Yeah. It was her first time. And I'm very happy na ako ang nagturo sa kanya no'n. It was a great experience, though."


Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang magtinginan nang makahulugan ang mga gago. "What?"


Tumikhim si Jaiden. "Nag-enjoy ba si Miles sa ginawa n'yo, Captain?"


"Of course. Bakit hindi siya mag-e-enjoy? Ang saya kaya ng ginawa namin," natatawang sagot ko. Muli ko kasing naalala yung naiinis na mukha ni Mine habang tinuturuan ko siyang mag-ice skating. Idagdag pa yung paghahawak namin ng kamay. Well, ako yata ang higit na nag-enjoy roon.


"Saan niyo naman ginawa 'yon, Captain?"


"Sa ice rink---"


"Ice rink?!" pagputol nila sa sinasabi ko.


"Talagang ginawa mo 'yon sa public, Captain?" dagdag pa ni Leonne.


"Yes. Do you have a problem with that?" takang tanong ko sa kanya. Halata pa sa mga mukha nila ang pagkagulat. Kung maka-react naman ang mga gagong 'to.


Mas lalong kumunot ang noo ko nang muli silang magkatinginan at magsimulang mag-usap-usap.


"Kaya naman pala. Nasa ice rink sila," wika ni Juice.


"At malamig doon," dagdag naman ni Kent.


Tumango-tango si Deus. "Yeah. Alam na kung bakit nag-init si Captain."


"Talagang doon pa, ano? Hindi man lang nakapagpigil sa pag-iinit si Captain," komento naman ni Nic.


"Tama. At likas na talaga kay Captain ang kalandian kaya hindi na kataka-taka kung mag-init nga ang katawan niya," pagsang-ayon naman ni Aaron.


"Kapag malandi, hindi mo na rin mapipigilan maging manyak."


"Hoy! Nandito ako, mga gago! Kung pag-usapan n'yo naman ako, parang wala ako sa harap n'yo, ah?" sigaw ko na muling ikinalingon nila sa direksyon ko. Binalingan ko nang masamang tingin si Dave. "At ikaw, hindi ako manyak. Wala akong minamanyak."


"Wala?! Eh, anong ginawa mo kay Miles, Captain? Hindi pa ba 'yun pang-mamanyak, ha? Dahil kung hindi, anong tawag mo do'n?" sigaw sakin ni Cyprus.


"At huwag mong sasabihin sa'min na paglalandi ang tawag mo sa ginawa mo kay Miles! Kahit saang anggulo tingnan, higit pa sa kalandian ang ipinakita mo sa kanya. May nalalaman ka pang date, eh higit pa pala sa date ang gagawin mo," sabat naman ni Leonne. Then, umiling-iling pa ang gago. "You disappointed us, Captain. How could you do that---Ouch!" sabay hawak sa ulo niya.


Batukan ko nga. Dami pang kagaguhang sinasabi, eh. "Kayo ba ay alam n'yo ang mga sinasabi n'yo, ha? At alam n'yo rin ba ang sinasabi ko?" tanong ko sa kanila.


"Oo naman! First time, nasaktan si Miles, nasa malamig na lugar kayo, nag-enjoy ka, nakangiti ka na parang demonyo. Ang mga sintomas na 'yan? Alam na namin kung anong kamanyakan ang ginawa mo, Captain."


"Magtigil ka, Nic. Alam nating pare-pareho na napakagwapo ko at hanggang paglalandi lang ang kaya kong gawin kaya huwag mo 'kong igaya sa'yong babaero ka."


"Captain, alam naming malandi ka na noon pa man. Pero, hindi kami sigurado kung hanggang paglalandi lang ang kaya mong gawin lalo na kung hindi mo na kayang pigilan pa ang sarili mo," pahayag ni Juice.


Pinameywangan ko sila. "Sandali nga. Magkalinawan nga tayong mga gago kayo. First time ni Mine na mag-ice skating at ako ang nagturo sa kanya. At syempre, nag-enjoy kami at masaya ako sa ginawa naming iyon. Kaya tigil-tigilan n'yo ko diyan sa mga iniisip n'yong kamanyakan at kaberdehan, ha?" paglilinaw ko.


"Ah," sabay-sabay na reaction nila.


Napailing ako. "Ano pa ba sa palagay ninyo ang ginagawa sa ice rink, ha? Huwag pairalin ang katangahan at kamanyakan n'yo, pwede? Tsk."


"Linawin mo kasi, Captain," natatawang sabi ni Kent.


Tumawa rin si Jaiden. "Tama si gagong Kent, Captain. Eh kami pa naman ay mga gwapo. At kaming mga gwapo, we should always think the positive one sa mga possibilities na maaaring mangyari."


"Tama na 'yan. Seryosong usapan na. Anong plano mo ngayon, Captain?"


"Buti naman at naitanong mo 'yan, Deus. Liligawan ko si Mine at kailangan ko ng tulong ninyo."


A few minutes of silence.


"Seryoso ka, Captain?!" di-makapaniwalang tanong nila sa'kin nang makabawi sa pagkagulat.


"Hindi. Nagjo-joke ako. Joke lang 'yun," I said sarcastically. "Takte naman oh. Syempre, seryoso ako. Mukha ba akong nagbibiro? Tsk."


Silence. Again.


"Kung gano'n nga, si Miles pa lang ang unang babaeng liligawan mo," maya-maya ay komento ni Cyprus.


"Exactly. Kaya nga humihingi ako ng tulong sa inyo. Kung may ibang choice lang ako, hindi ko kayo lalapitan."


"Aba! Ikaw pa ang walang choice, Captain, ha? Choosy pa?" sabi ni Leonne.


Lumapit sa'kin si Nic at umakbay. "At hindi ka naman nagkamali ng nilapitan, Captain. At panliligaw ba kamo sa babae? Lalong hindi ka nagkamali nang hiningian ng tulong, Captain," sabay tawa nito.


"Huwag kang makinig sa gagong 'yan, Captain," kontra ni Juice rito. "Baka imbes na panliligaw ang gawin mo kay Miles, maging panlalandi pa ang kalabasan dahil sa turo sa'yo ng babaerong 'yan."


"Alam naman nating lahat na sa pakikipaglandian eksperto ang isang 'yan," pagsang-ayon pa ni Aaron.


"Oo nga. Baka hindi ka pa sagutin ni Miles," tumatawang pahayag na naman ni Juice.


"Kapag ba nanligaw si Captain, sasagutin din ba siya ni Miles?"


I glared at him. "Nice, Dave. You're supposed to help me here, you know?"


"Tumutulong naman ako, Captain. And I'm just thinking one of the possibilities that would happen to you and Miles. Sabi nga ni Jaiden, we should always think the positive one."


"And do you think that's the positive one?"


"Yes."


Gago talaga ang hinayupak. "Shut up. Manahimik ka na lang kung wala kang alam sa panliligaw. Tsk," naiinis na sabi ko.


"O sya, sya. Tama na 'yan. Sasabihin ko na ang nabuo kong plano sa panliligaw mo, Captain."


Napatingin kaming lahat sa sinabing iyon ni Leonne. Dapat ba akong makinig at magtiwala sa iniisip niyang plano? Tsk.



MILES


Another Monday morning at nandito kami sa classroom, hinihintay ang professor sa first subject. Ilang sandali pa, tumunog yung speaker na dinig sa buong campus. Iyon ang ginagamit ng school management and professors kapag may mga announcements.


[Ehem. Mic test, mic test. Beautiful ladies and handsome gentlemen, but not as gorgeous as me, good morning!]


Iyan lang naman ang narinig namin mula sa speaker. Sino naman kaya ang nagsasalitang iyan? takang tanong ko sa isip ko.


[Nakikilala n'yo ba ang gwapong boses na ito? Malamang naman, ano? Kasi kung hindi, huwag kayong mag-alala. Dahil maya-maya lang, hindi n'yo lang maririnig ang gwapong boses ko, makikita n'yo rin ang napakagwapong mukha ko.]


Sabay tawa nito nang nakakaloko. Naghiyawan sa kilig ang mga kaklase kong babae. At dinig din ang malakas na tilian ng iba pang mga estudyante sa ibang classroom.


Naiiling na napasandal ako sa kinauupuan ko nang makilala ang boses na iyon. Sino pa ba ang nag-iisang lalaki na makapal ang mukhang ipagyayabang ang kagwapuhan kuno niya?


"Si Nathan ba 'yan?" tanong ni Sam.


"Sino pa nga ba?" I answered sarcastically.


"In fairness, habang tumatagal ay lalong lumalala ang kayabangan niya," natatawang komento ni Max.


I just rolled my eyes and didn't say anything.


"Ano naman kayang pakulo itong ginagawa niya?"


Bago ko pa man sagutin ang tanong ni Sam, muling nagsalita si Nate. 


[Mine.]


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pagtawag niyang iyon.


[At kung tinatanong mo kung ikaw ang tinutukoy ko, ikaw nga, Miss Number 1. Ikaw lang naman ang tinatawag kong Mine, di ba?]


Kitang-kita ko ang pagsinghap at paglingon sa'kin ng mga kaklase ko. I bowed and bit my lip. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? I muttered to myself.


[Mine, at exactly 9:30 AM, tumingin ka sa labas ng bintana ng classroom ninyo. May surprise ako sa'yo.]


Napatingin naman ako sa relo ko. It's already 9:29 AM.


"Guys, tumingin kayo rito!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga classmates ko na nasa may bintana. Nagsilapitan nga roon ang mga babae. At ilang sandali pa, nagtilian sila at parang mga kinikilig habang nakatingin sa ibaba.


Naramdaman ko na lang ang paghila sakin nina Max at Sam. "Hoy! Hindi n'yo ba narinig ang sinabi ni Nathan, ha? Si Mine niya ang pinatitingin niya sa may bintana. Kayo ba si Mine niya? Kayo? Psh! Tabi nga!" pagtataboy ni Max.


Nakasimangot at matalim ang tingin, pero nagbigay naman ng daan yung mga kaklase namin. At ganun na lang ang pagkabigla at panlalaki ng mga mata ko nang makita kung anong meron sa ibaba ng building.


Nakangiting nakahilera at nakatingin sa direksyon namin habang nakatayo sa gitna ng campus ang siyam na kalalakihan, ang mga Blue Orions. May mga hawak silang white illustration board at may mga letrang nakasulat na I-C-A-N-C-O-U-R-T.


Halos lahat din ng mga estudyanteng papasok pa lang sa mga klase nila ay nakatitig din sa mga gwapong lalaking iyon. Mga nagtitilian at kinikilig. At mas lalong lumakas ang tilian nang sa di-kalayuan ay naglalakad na rin si Nate papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Tumabi siya kay Juice at tumingala rin sa direksyon ko.


Muling kumabog ng malakas at mabilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti siya sa'kin at itinaas ang hawak na illustration board na may letrang U.


"Mine, panoorin mo 'ko dahil para sa'yo ang gagawin kong ito!" May nakakabit na mic sa may tainga niya kaya narinig sa buong campus ang isinigaw niyang iyon.


Tumugtog ang isang malakas na music at nagsimula silang magsayaw ng mga kaibigan niya. At bahagya rin akong nagulat nang sabayan pa ni Nate ang kantang It's Gonna Be Me ng NSync. Kumindat pa siya sa last line ng chorus.


I frowned. "A-anong ginagawa nila?"


"My gosh, Bhest! Seriously? Can't you really see what he's doing? Hindi pa rin ba malinaw sa'yo?" di-makapaniwalang tanong ni Max.


"Bhest, alin ba sa mga ginagawa ni Nathan ang hindi mo maintindihan? Hindi mo na ba alam basahin ang nakasulat sa mga letrang pinakita niya sa'yo kanina? Kailangan pa ba naming sabihin sa harap mo na nanliligaw ang popular heartthrob na si Errol Nathaniel Montecaztres sa'yo?" segunda naman ni Sam.


"Bakit?" Hindi pa rin kasi ako makapaniwala eh. Siya? Manliligaw sa'kin? Parang napakaimposible naman eh.


"Mas mabuti pang si Nathan na lang ang tanungin mo tungkol diyan, Bhest. Dahil sa ngayon, mag-eenjoy muna akong panoorin sila lalo na si Juice. Ang galing niya rin palang sumayaw."


"Yeah. Ang cool nilang tingnan magsayaw, lalo na si Dervin."


Hindi ko sila magawang lingunin dahil hindi ko maalis ang tingin ko kay Nate habang patuloy na kumakanta at sumasayaw. But in fairness, napansin ko ring magagaling magsayaw 'yung mga kaibigan niya na nagsilbing backup dancers. Idagdag pang ang gagwapo nilang lahat kaya naman hindi na nakakapagtaka kung mas lalong dumami ang mga tagahanga nila dahil sa pagpapakitang-gilas nila ngayon.


Lalong lumakas ang tilian ng mga kababaihan at kabaklaan nang mag-second voice sa kinakanta ni Nate yung mga kaibigan niya. 'Yung iba nga ay halos magtatalon na at himatayin sa sobrang kilig.


"It's gonna be me!" huling pagkanta ni Nate sa linyang iyon habang nakaturo sa sarili sabay kindat ulit at ngiti sa'kin.


Habang pinapakinggan ko ang buong durasyon ng kanta, pakiramdam ko ay talagang para sa kanya ang lyrics no'n. Tugma sa kanya eh.


"Mine!" sigaw ni Nate mula sa ibaba. "Nakita at nabasa mo naman 'yung mga letrang hawak namin kanina, di ba? At hindi talaga kita tinanong dahil ayaw kitang bigyan ng pagkakataong tumanggi kapag nagpaalam akong manliligaw sa'yo. Kaya naman, bibigyan kita ng two options. It's either I court you or....." Then muli silang pumila sa isang linya at itinaas ang mga hawak na illustration board. Si Leonne na ang may hawak ng letrang U at si Nate naman ang may hawak ng letrang I. At sa pagkakataong ito, binaligtad niya ang hawak na illustration board. Ang nakaharap sa direksyon ko ay ang likod nitong black na may nakasulat na ME.


At napasinghap ang lahat ng mga estudyanteng nakabasa nang binuo nilang mga salita. Maski nga ako ay nagulat rin. Ang bagong salitang mababasa sa mga letters ay U-C-A-N-C-O-U-R-T-ME.


"You court me," pagpapatuloy niya sa sinasabi niya kanina. "Mine, I assure you na kapag yung second option ang pinili mo, hindi ka na malulugi. Hindi naman kita papahirapan sa panliligaw eh. Kung gusto mo nga, ngayon pa lang ay sinasagot na kita. Just say the magic words and I will shout 'Yes, sinasagot na kita!'" malakas na dagdag pa niya habang may nakakalokong ngiti.


"That's the best move, Captain! Siguradong ngayon pa lang, basted ka na!" sabay-sabay na sigaw at tawa ng mga Blue Orions.


"Shut up! Hindi ko hinihingi ang mga opinyon niyong mga gago kayo! Hoy, Mine! Ano na? Ako ba ang manliligaw o ikaw na? At kahit sino naman sa'tin ang manligaw, alam naman nating pareho na tayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli. Bakit pa natin patatagalin ang ligawan, di ba? So, ano? Pili ka na! Hoy, Mine!" Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag niya.


Nakayukong tumalikod ako at lumayo sa may bintana. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko, pati na rin ang pagsunod ng tingin sa'kin ng mga kaklase ko.


"Ehem. Tumabi kayong lahat. Natatapakan n'yo ang mahabang buhok ni Bhest." Narinig kong sabi ni Sam.


"Nathan! Hindi sumagot si Bhest eh, pero sa tingin ko ay pag-iisipan niya! Talagang um-effort ka nang panliligaw sa kanya, ha?!" sigaw ni Max.


"Naman! Ang gwapo ko, eh!" Narinig kong sagot ni Nate kasunod ang malakas na tawa.


Sagad talaga sa kayabangan ang lalaking 'yon. Hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko ba siya o ano eh. 'Yung feeling na malapit ka ng kiligin sa mga ginagawa niya, tapos biglang mauudlot dahil sa pagsingit ng kayabangan niya. The best siya sa ganoong sitwasyon. Psh!

Продовжити читання

Вам також сподобається

Always Have Been, Always Will Be Від letterL

Підліткова література

31.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
Marry Me (COMPLETED) Від youramnesiagirl

Підліткова література

7.1M 89.7K 43
FIXED MARRIAGE. Uso pa ba yun? Eh paano kung yung campus hearthrob na super cold ang nakatakda mong pakasalan? Aatras ka ba o papayag ka? (Published...
Caught In The Temptation (CAM SERIES #1) Від ...

Підліткова література

124K 6K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
Under the Rain Від Yumi

Романтика

492K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...