Most Wanted (GL) [To Be Self...

By InsaneSoldier

939K 28.7K 1.6K

[This is a GL story] Date started: September, 2015 Date completed: January, 2017 CONTENT WARNING: Some conten... More

Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 - unedited
Chapter 12 - unedited
Chapter 13 - unedited
Chapter 14 - unedited
Chapter 15 - unedited
Chapter 16 - unedited
Chapter 17 - unedited
Chapter 18 - unedited
Chapter 19 - unedited
Chapter 20 - unedited
Chapter 21 - unedited
Chapter 22 - unedited
Chapter 23 - unedited
Chapter 24 - unedited
Chapter 25 - unedited
Chapter 26 - unedited
Chapter 27 - unedited
Chapter 28 - unedited
Epilogue - unedited
ANNOUNCEMENT: TO BE PUBLISHED

Chapter 29 - unedited

22.5K 749 22
By InsaneSoldier

September's

A month passed by so fast.

"This is it, pancit!"

Napatingin ako kay Avarice na kasalukuyang inaayos yung mga devices na gagamitin. Napatingin siya sa akin at nagtaas ng dalawang kilay. "What?"

"Hindi bagay sa'yo magsalita ng ganyan."

"Whatever."

Kinabit ko na lang yung hearing device sa tainga ko. Itinuon ko ang atensiyon sa baril na nasa harap ko at napatitig dito. Pero unti-unting nawala ang atensiyon ko nang maalala ko ang usapan namin ni Avarice one month ago...

"Nakaalis na siya?"

I looked at Avarice. She looked...blooming? I guess she really got laid last night.

"Yeah. Pero iniwan niya rito si Sydney." Sagot ko na lang habang umiinom ng gatas. Ito gusto ko, eh. "Naglalaro siya ngayon sa kwarto."

"Anong sabi no'ng bata?"

"She understands the situation." I answered. Matalinong bata si Syd. Mabilis niyang naiintindihan ang mga bagay-bagay, though the kid admitted that it makes her lonely.

"Buti naman." Naupo siya sa tabi ko at walang paalam na nakiinom ng milk. "Ayokong mag-alaga ng bata, ah."

"Oo na."

"Ano nang gagawin mo?" She asked after a while.

I crossed my legs and relaxed myself as I closed my eyes. Buo na ang desisyon ko. "I'm going to do my last mission."

"And that is?"

"I'm going to kill Raymond Tonido."

"Si Boss?" Pumalatak siya ng pagtawa. "Mahirap 'yan. Madaming bantay. Remember?"

"I know, that's why you'll help me." I'm not asking Avarice, I am commanding her.

"Sure." Walang alinlangang sagot ng katabi ko. "Pero bakit papatayin mo?"

Hindi na ako sumagot. Alam kong alam naman na niya. Avarice knows me very well.

Gusto ko lang na matahimik ako at makapagsimula ng panibagong buhay—and killing him will be the start.

Napatango ako sa sarili ko. Sinimulan ko nang lagyan ng bala ang baril ko at inilagay ang silencer. This is going to be my one and only chance to do this. If I fail, I might die. I know they won't let the chance slip once I make a mistake. And I won't, too. I will kill him, through all illegal means.

"Okay na ba 'yan?" Tanong ko sa kanya na abala sa pagtipa sa laptop niya.

Tumingin siya sa'kin. Ikinabit na rin niya yung hearing device sa tainga niya bago ipinakita sa akin ang nasa screen ng lappy niya. Those are the view from the cameras she installed inside the building. And again, hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon lahat. Ayaw niya sabihin, eh.

"More than ready." She raised a brow. "All the surveillance cameras are on standby mode under my supervision. Already hacked. Once na pumasok ka, I'll change those into a series of loop. Ako nang bahala sa mga glitch."

"Good." Itinago ko ang baril sa holster na halos nasa inner thigh ko na at nag-stretch. I grinned. "Kill mode—on."

"Oh," She clapped her hand thrice. "Hot! In fairness naman, ang ganda mo riyan sa wig mo."

Napahawak ako sa ulo ko. Well. It's an undercover mission after all.

--

"You have an appointment with Mr. Tonido, Miss..." The woman checked her computer's database. "Mars Ocampo?"

I took off the shades I'm wearing. "Yes."

That's the name I'm using right now.

After Avarice and I polished our plan ay kaagad kaming nagpa-set ng appointment kay Raymond.

I know his workers will do a background check kaya mabilis din naming inasikaso lahat ng mga kinakailangang documents para lang maisagawa ng pulido ang plano. We have our assets. Those assets are very private and for business transactions only. Kailangan mo lang magbayad ng maayos.

"He's waiting for you at the top floor, exactly at his office." She tapped a few on her keyboard before giving me a smile. "Please go this way..."

I nodded once she's done instructing the direction. "Thank you."

This is Raymond Tonido's building. Aside from being the leader of the organization, he's also managing his own company, para iwas duda kung sakaling may pumansin ng mga pag-aari at halaga ng pera na meron siya.

Walang lingon na umalis ako at naglakad. May mangilan-ngilang napapatingin sa akin pero lahat iyon ay pawang paghanga lang. Maganda ako, eh.

"Nice one, best," I heard Avarice from the device on my ear. Wala namang nakakapansin no'n sa tainga ko dahil skin-tone type ito att nakalugay rin ang buhok ko. "Mukha kang businesswoman. May potential!"

Loko talaga itong babaeng 'to. That is because we are trained to be anyone else especially for long missions. Nang makasakay ako sa elevator ay saka ako nagsalita dahil walang tao. "What's the situation?"

I heard her snickered. "No worries. I already handled them. Now, proceed to his office. Huwag kang mag-alala, bantay ko ang lahat."

"Thank you."

"No problemo."

Saglit lang din ay nakalabas na ako at tinahak ang opisina ng target ko. Pagtapat ko sa pinto ay huminga ako ng malalim. This is for myself.

Binuksan ko ang pinto. Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng lugar and finally, my gaze landed on Raymond himself. Walang pag-aalangan na binunot ko ang baril at itinapat sa kanya pero mukhang hindi siya nagulat.

"September." He said my name. "I never expected you to be here."

"I'm here to kill you." I said, feeling ko lason ang mga salitang binanggit ko.

"Masyadong mabagal ang mga tao ko, ni hindi ka man lang nila napatay." He said like it just a casual thing to say.

"Shut up." I hissed, lumapit pa ako sa kanya. "You really want to kill me, huh."

"Not really." He shrugged his shoulder. "But since you're finally here, maybe I have the chance to explain."

"Explain?" Parang nabingi yata ako sa sinabi niya. Gano'n lang iyon? Pagkatapos ng mga ginawa niya? Fuck, nababaliw na ba siya? "You're not expecting that I'm going to spare your life, are you?"

"I'm not afraid to die," he replied, "you can pull the trigger if you please. I just want to talk for a bit."

Lumapit pa ako at walang pag-aalinlangang tinutok ang baril sa dibdib niya ngunit walang bakas ng takot akong nakita sa mata niya and it's pissing me off. "Go on. Speak!"

"Your parents' death."

Napalunok ako. Nakaramdam ako ng galit. Idiniin ang dulo ng baril sa kanya. "How dare you to—"

"Jealousy." He cut me off. "That's what drove me when I killed them."

Fuck. I am not hearing this right.

"That man took away the woman I only love."

"What are you..."

"She discovered my dirty works. She became cold and distant. She left me with that man. So I killed them." He explained, "I love her, it never changed. I don't want anyone touching her if it's not me. Kung hindi siya magiging akin, mas mabuting mamatay na lang din siya kaysa mapunta siya sa iba. Kaya hindi ko rin sila pinagsama sa iisang libingan." He chuckled darkly. "Then I found you. Hindi ka ba nagtataka?"

Halos matulala ako sa nalaman. Iyon pala. Iyon ang dahilan kung bakit nakita niya ako. Kung paanong nalaman niyang wala na ang magulang ko. This devil!

"Your mother was pregnant that time with you. Akala ko hindi ako ang ama nang sumama siya sa lalaki niya—"

"What the fuck are you talking about?" Unti-unting bumagsak ang luha ko sa narinig. Parang nagpantig pa yata ang tainga ko.

"Pina-DNA test kita noong nakuha kita. Pinakuhaan kita ng dugo noong natutulog ka." Paliwanag niya. Ayaw kong makinig pero naririnig ko siya. "And it's positive. You are my daughter. I am happy but I don't have the guts to tell you. And yet, I want to keep you for myself and be distant at the same time."

Nag-echo bigla sa isip ko ang sinabi niya noon. Noong pinaparusahan niya ako.

"You know a child who disobeyed his parent needs to be punish, right. And I am a parent, who disciplines her daughter."

Why are you telling me this? Right now?

"Then why are you trying to k-kill me?" Fuck! Ni hindi ko alam kung anong dapat maramdaman! Nagpupuyos ang damdamin ko sa mga naririnig, nakakapanginig ng kalamnan. Nakakapandilim ng paningin.

"Because you failed and you're getting away from me—"

Napatitig siya sa akin. Hanggang sa unti-unting pumikit ng kusa ang mata niya. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niyang may tama na ng bala.

I...killed him.

Itinago ko na ulit ang baril ko at mabilis na lumabas habang nagpapahid ng luha. Nanlalambot ako. Pero kailangan kong umalis.

Ang sakit. Ang sakit-sakit ng puso ko. Bakit... Umiling ako. No, September. Tama lang. Ama ko siya sa dugo. Pero isa lang ang amang kikilalanin ko. And that is the man he killed.

He will never be a father to me.

"Mission accomplished." I said to Avarice. "You heard everything, right?"

"Yes."

"Then forget it."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

29.2K 1.6K 39
It all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Author, kumain kana?" "Ms. Author, ingat s...
114K 2.1K 198
Paano ba kung mafall ka sa kapwa mo babae? Paano nalang kung sa hindi inaasahan sa straight na babae ka nahulog? Paano kung ayaw nang mga magulang mo...
10.5M 228K 62
R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story contains scenes not suitable for young rea...
629K 29.6K 52
Minsan na nga lang mahulog, sa maling tao pa. Sobrang sakit na. Kailan ba ako magiging masaya?