Eve's POV
" dun yan! Dun yan!"
"Yan naman konting gitna"
"Idulo niyo!"
Sunod sunod na utos nung assistant namin
Saturday ngayon at nandito kami ngayon sa isang resort namin dito sa batangas
Ang daming tao ngayon as in. Kaya sila na bahala ayusin lahat ng mga pinamili namin
Nasa bahay sila mommy together with ate. Pinapunta lang nila ako today para icheck tong lugar na to for ate's debut tomorrow
Ang real talaga na pupuntahan at kabonding ko ay si Ara
"Ms. Domingo kayo na bahala dito ah" pagpapaalam ko sa assistant at dumeretso na ako sa bahay nila Ara
*ding dong*
Weee 10 o'clock na pala
"Good morning tita!" Masaya kong bati
"Ay iha good norning din sayo tuloy ka"sabi ni Tita (mommy ni Ara)
"Mabuti at nakapunta ka ulit" sabi niya habang nagsasara ng pinto
"Opo usapan po kasi namin ngayon ni ara eh"-ako
"Ah eh nasan po ba si Ara?" Tanong ko kasi di ko siya nakikita dito ehh
"Ay andun humihilik pa hahahaha kung gusto mo gisingin mo na din. Go na girl!" Sabi ni tita sabay pat sa balikat ko
Hihi ang simple niya talaga
Maganda mommy ni Ara eh maputi din at matangos
Pumasok na ako sa room ni Ara at yun nga tulog pa
Tulog mantika pala to hahahahah
"Huy ara gising na" sabi ko sabay yugyog
"Hmmmm?"-ara
"GISING NAAAAAAAA" sigaw ko tapos bigla siyang napabangon
"HA ANO NANGYARI?!" Gulat na tanong niya hahahahaha di ko mapigilang matawa dahil sa reaction niya
"Ano ka baaa birthday ni Ate bukas samahan mo ako bumili ng regalo
Nagpout naman si Ara
"Eeeeeeeeh antok pa ako zz"sabi niya tapos humiga
"Iintayin kita namaya sa car bababa na ako" sabi ko tapos bumaba na
Habang naghihintay, masaya kaming nagkwekwentuhan nung mommy ni Ara
"Tara na" sabi ni Ara
=_= ano nanaman yang suot na yan
"Sige po mama aalis na po kami" sabi ni Ara sabay kiss sa cheek niya
"Go lang anak gigisingin ko pa kuya mo at ang daddy mo"-tita
Lumabas na kami at sumakay sa kotse namin
Malapit lang yung mall kaya nakababa kami agad
Pinagtitinginan kami sa mall
Siguro standout kami hoho
"Bes ano bang magandang gift?" Tanong ko
"Hmmm dress?" Suggest ni Ara
Eeeemmmmmmm
Nagikot ikot kami
As in 3 o'clock na wala padin kaming nakikita sayang sa oras ts
"Bes bibigyan ko na nga lang siya ng ticket papuntang boracay para makapagrelax siya" sabi ko
Oo tama yun nalang para mas ok
"Eh matanong ko nga pala bukas na yung birthday ni Ate may isusuot ka na ba? White and gold yung theme"tanong ko
"Hmmm may tshirt ako sa bahay na white na may konting yellow ok na ba yun?" Sabi niya
"Ha? Hahahaha seriously bes? Dress or gown dapat" sabi ko
Pano ba naman kasi tshirt?
Hahahahha
"Ahh bibili palang mamaya hahaha" sabi niya
"Anong mamaya? Anong oras na oh Punta tayo ulit dun sa fabuloza hahanapan kita damit" sabi ko
"H-ha? Wag dun ayoko ang mahal tsaka bakit dun? Favorite mo ba yun?" sabi niya tapos umiiling
"Store kasi namin yun hahahaha" sabi ko
Tapos nanlaki mata niya 0_0 ganyan hahahaga
"Kaya tara na" sabi ko sabay hila
"Good afternoon miss Eve welcome po" sabi nung babae tapos tumango lang ako
Even though malaki tong store na to memorize ko na kaya alam ko kung nasan yung mga dress
Eto
Eto
Eto
Eto
Eto
Eto
Sabi ko sabay bigay ng bigay kay Ara
Eto
Eto
Eto
Hanggang sa pagtingin ko punong puno na pala yung basket niya
"Ay sorry bes! Hahahaha tara na sukatin mo na yan akinna glasses mo" sabi ko sabay kuha ng mabilis sa glasses niy
"Pakiassist siya" utos ko sa isang mga sales lady namin
Umupo ako sa sofa at nagphophone
Nagselfie ako then pinost ko agad sa instagram
"Ang ganda niyo po talaga ate Eve!"
"Why so perfect?"
"How to be yours po?"
Hahahaha i really love them
Arabella's POV
"A-aw medyo masikip to" sabi ko ng mahina
Paglabas ko..
Pinaikot ako ni Eve
"Nope sukat ka pa ng iba" sabi niya
Pumasok ako at nagpalit ako ng bagong dress
Paglabas ko..
Pinaikot ako ni Eve
"Nope sukat ka pa ulit ng iba" sabi niya
Nagpalit ako ulit
Paglabas ko..
Pinaikot ako ni Eve
"Nope" sabi niya
Pumasok ako ulit
Nagpalit ako ulit
Paglabas ko..
Pinaikot ako ni Eve
"Nope mastadong maluwag" sabi niya
Pumasok ako ulit
Nagpalit ako ulit
Paglabas ko..
Pinaikot ako ni Eve
"Nope masyadong mahaba yung dress" sabi niya
Pumasok ako ulit
Hay salamat last one.
Sana naman okay na to sana iapprove na niya
Pagod na ako pero di naman ako pinagpapawisan kasi madaming aircon dito sa store nila
Grabe ang yayaman nga talaga nila
Isa lang akong nobody
TAENG YAN
25,000 TONG DAMIT? AY ADIK BAKA WALA NA AKONG MAKAIN SA MGAA SUSUNOD NA ARAW
Bahala na ngaaaa
Sabi ko sabay suot sa last na damit
Dress siya na medyo parang boho style parang sintas sa harap so revealing siya tapos an iksi ng dress at medyo butas sa likod
Lumabas ako
"Miss bagay po sainyo" sabi nung nagaassist sakin
"OH.MY.GOSH. BES ANG GANDA ANG SEXY MOOOOO WOOOOO" sabi ni Eve sabay palo sa pwet ko
Aray ah ahhahahaha
"Ano ka ba di naman ako sexy eh hahaha uy bes wag ba tayo bumili wala talaga akong pambili pupunta nalang ako mamaya sa ukay ukay tsaka ayoko naman sabihin nila na ikaw nalang lagi nanlilibre" sabi ko
Pano ba naman kasi ang mahal talaga
"Come on bessy pinoproblema mo palang nasolusyonan ko na hahahha sino may sabing libre yan?" Tanong niya sakin
"H-ha?" Takang tanong ko
"Ikaw ang magbabake ng mga brownies at cupcakes sa birthday ni Ate. Yun ang bayad mo. naguwi kasi ako ng gawa mo eh gustong gusto nila mommy at Ate" sabi niya
"Ha? Thank youuu Pero masyadong mahal to" pagtanggi ko
"No buts Ara. Take it or Take it tara na" sabi niya sabay hatak sakin papunta sa isang shoe store
"Eto suotin mo" sabi niya sabay kuha ng heels na brown ba to or may pagkagold basta ayun
HEELS
"uhmm Eve medyo mataas ata to di ako naggaganito eh" sabi ko
"Ill get this" sabi niya sa babae tapos nagbayad
"Pwede ka magpractice sa bahay niyo mamaya hahahahha" sabi niya
Lumabas na kami tapos may dala dala akong dalawang paper bag
At...
WALA AKONG SALAMIN >~< di ako sanay
"Ang gaganda naman nila"
"Yung isa ohh fashionista"
"Yung isa ano yun tomboy?"
"Sayang naman kung tomboy siya ang ganda ganda pa naman niya"
Sabi ng mga tao sa paligid
"Tara sa parlor" sabi ni Eve
Sabay kaladkad sakin >~<
A/N: i hope na aabangan niyo ang mga next chapters. Thank you sa mga nagbabasa nito as in 😢
Yun lang abangan niyo sana ang next chapter at ang debut ng ate ni Eve
And be a fan!♡