SHE'S THE GIRL

By zhidez

2.6M 31.8K 3.8K

Lhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another s... More

Introduction
Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65: FINALE
Afterword
FAQ
Announcement #1
Announcement #2
Announcement #3
Book Giveaway

Chapter 20

38.3K 542 67
By zhidez

Lhaine Lee Ramos - POV

Kasama ko si Brie at Czar ngayon at nanonod kami ng basketball practice. Kahit na hindi ko sinasabi kay Lee, nababahala parin ako sakanila ni Yaj. Kaya ko kayang gampanan ang pagiging 'girlfriend'? Iyong pa-tweetums kahit saan? Magpa-cute o ano? Nagsisitayuan na mga balahibo ko sa iniisip ko.

"Lhaine! Not again!" tumama ang bola sa braso ko. Muntik nang sa mukha ko pero nahila ako ni Czar.

"Spacing out again?" pinisil ni Brie ang pisngi ko. Palapit na sa puwesto namin si Brix na naliligo sa pawis.

"Gelpren!" tawag niya sa akin.

"Idol!" sabi ko naman.

"Ang daming langgam," side comment ni Brie. Pagkatapos kasi ng araw na mag-usap kami ni Brix, ganito na siyang umakto sa akin. Kung papakinggan mo naman kasi ay parang asar lang at hindi seryoso. Isa pa, walang may alam na 'kami' na ni Lee.

"Huwag ka namang matulala diyan. Ayaw ko na nagkakabukol ang gelpren ko eh," kumindat si Brix saka tumawa.

"Eh di kayo na ang sweet," siniko-siko ako ni Czar. Bumalik agad si Brix sa practice nila nang makuha niya ang bolang tumama sa akin. Division semis na nga pala ng basketball tournament kaya talagang puspusan ang practice nila. Dapat nga nandito rin si Lee eh.

"Siguro kinukulam ka na ng ibang schoolmates natin dahil kay Brix," biro ni Brie.

"Auhm, hindi naman kami ni Brix eh. Kami na ni... Ryan Lee," mahinang sabi ko sa huli. Napatayo ang dalawa at hinarap ako.

"Ha?! True?!"sigaw ni Czar kaya napatingin ang ibang nandoon sa gym.

"Pero lagi naman silang magkasama ni Yaj? Explanation please," pinisil nanaman ni Brie ang pisngi ko.

"Makikipag-break yata siya ngayon. Malay ko, nakiki-go with the flow lang ako," alanganing sagot ko.

"You're not confident aren't you? Just be yourself, sigurado naman akong iyon ang nagustuhan ni Ryan sa'yo eh. Well, pati narin si Brix. Nakakbigla ang mga nangyayari sa buhay mo Lhaine. Months ago puro libro ang kaharap mo but now, aba malapit mo nang daigin ang bida ng Meteor Garden!" tuwang-tuwa si Czar.

"Meteor what?" I asked.

"More importantly, siguradong kinakabahan ka. Just act naturally lang pero siyempre be like a girlfriend too. Do the most trivial things most boyfriends and girlfriends do but don't change. Okay? Parang noong panahon na tinatanong mo kung bakit ka namin naging kaibigan? Kasi ikaw si Lhaine," sunod ni Brie.

"You're like psychics," tugon ko. Imbes na manood kami ng practice ay napunta sa advice session ang usapan. Iniwan ko sila saglit para umihi at sakto namang may dumating na text galing kay Lee: 'Hey, nakausap ko na si Yaj at may narealize ako. Sa tingin ko mahal ko parin siya. Naguguluhan parin ako. Magkita nalang tayo sa bahay.'

Mahal ko parin siya? Hindi manlang niya hinintay na makaharap niya ako para sabihin? Binalikan ko sina Czar at nagpaalam. Sana hindi nila napansin na naiiyak ako. I'm not supposed to be this weak but—

"Saan ka pupunta?" nasalubong ko si Lee sa school entrance.

"Kakatext mo lang na magkita nalang tayo sa bahay."

"Kailan?" nilapitan niya ako at inakbayan. Inilabas ko ang phone ko at ipinakita ang text niya. Kumunot ang noo niya habang binabasa iyon.

"Crap, nakalimutan kong kunin 'yung phone ko kay Yaj. You really thought that I sent this?"

"Posible namang sabihin mo 'yan sa bilis ng pangyayari. Bakit mo kasi pinapamigay ang phone mo ng basta-basta? May pa-privacy-privacy ka ngang prinsipyo eh," napangiwi ako.

"Nagseselos ka? Nagseselos ka!" he declared. Tawa pa siya nang tawa.

"Entertaining? Hindi ka ba makiki-practice?!" iritadong sabi ko at nagmartsa na palabas ng school. Kainis oh! Humabol siya at nakisabay sa akin sa paglalakad. Hinawakan niya ang kamay ko na pilit ko namang binabawi.

"Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang sasakyan. Magpapaalam na rin ako na hindi ako makikipractice dahil nagseselos ang girlfriend ko," nakangising sabi nito.

"Girlfriend? Saan? Sino? Nagseselos? ASA ka naman!" irap ko pero nakahinga rin ako nang maluwag. Kinabahan talaga ako sa 'text' niya eh. Ilang sandali pa ay dumating na ang sasakyan ni Lee. Dumungaw agad ako sa labas ng bintana at hindi umimik pagkasakay ko.

"O? Saan tayo pupunta?" umimik lang ako nang mapansin ko na hindi daan pauwi ang linikuhan niya.

"Sa susunod hindi ko na ibibigay sa kahit na sino ang phone ko."

"Hindi naman 'yun ang tinanong ko."

"Kahit na ilang libong babae pa ang humabol sa akin, sayo't-sayo parin ako tatakbo."

"Akala ko kasi totoo 'yung text. Kinabahan ako," pag-amin ko rin. Czar and Brie stressed out communication earlier. Who knew it would come in handy right away?

"Finally. Don't be jealous anymore. You're the one I love—just you. Kaya naman, I'm taking you out. This our first official date."

"Saan?"

"Sa isang madilim na lugar."

"What?! Stop the car!"

"Ang dumi mong mag-isip ah. Pinagnanaasan mo na ako agad?" tumawa nanaman siya. Hindi talaga siya matigil sa kaka-asar sa akin hanggang sa makarating kami sa 'madilim na lugar niya' which turned out to be a drive-in theatre! May malaking billboard size white screen sa harap at hilera ang mga sasakyan sa park-like theatre.

"First time? Puro ka kasi bahay-aral-bookstore-simbahan eh," komento niya nang mapansin niya ang itsura kong manghang-mangha sa kinaroroonan namin.

"This is amazing!" hindi ko maitago ang excitement ko. Sa mga movies ko lang nakikita ang mga ganito at hindi ko inakala na mayroon pala nito dito sa town.

"Sikat kaya ito, lalo na sa mga nagde-date. Nakatago lang sa mga sasakyan at alam no na," he smirked.

"Stop teasing me! Oo na, lagi ka na dito. Lakwatsero."

"Siyempre, ako pa. Tagong-tago dito eh!" sang-ayon niya. Sila ni Yaj? Gaano kaya sila kadalas lumabas ni Yaj? Anong ginagawa nila kapag andito sila?

"Bibili lang ako ng pagkain," paalam ko sakanya at bumaba ng sasakyan. Kakatapos lang ng Star Wars noong dumating kami at Eight Below ang susunod na movie. Unlike mall cinemas, mga old movies ang kadalasang pinapanood sa mga drive-in theatres. Dalawang bottled water at ilang chip bags ang binili ko.

"Lagi akong dinadala nina Dad dito noong hindi pa sila ganoon ka-busy," sabi niya agad pagkapasok na pagkapasok ko palang sa sasakyan.

"Ah..."

"Ni minsan ay hindi ko dinala si Yaj dito. Don't worry, simula ngayon ikaw lang ang dadalhin ko dito. Hey, you're the one I love and you're my girl," komportableng sabi niya. I never imagined he'd be this open. I can't even say those words to him straight up.

"Okay, manood na tayo magsisimula na ang movie," ngumiti ako at inabot sakanya ang chips. Inadjust niya ang mga upuan namin para mag-incline kaunti. Lumapit siya at humilig sa balikat ko sa buong movie. Now that I think about it, meeting him was destiny. I'm not alone anymore. Kagaya ng mga magulang ko, sana kami rin ang para sa isa't-isa.

* * *

Erika Castillo - POV

"Good job today, captain!" inabutan ko si Brix ng isang bottled water. As always, he smiled.

"Thanks Erika. Galingan niyo rin," sabi niya bago siya pumasok sa shower room. All the time, magkasabay ang practice ng cheerleading squad at basketball team kaya masaya ako lagi. Pero bakit hindi niya ako pinapansin? Siguro noong grade school maiintindihan ko pa dahil ang plain ko. Ngayon ay binago ko ang sarili ko para lang mapansin niya then there's this Lhaine. I thought he didn't like that type. She's plain and boring tapos parang naka-centro ang lahat sakanya? I just don't get it.

Humiwalay ako kina Diane, na pupunta sa isang party, dahil pinuntahan ko ang mom ko sa office niya. Ganoon nalang ang gulat ko nang mapansin ko si Ryan at Lhaine sa isang park. Ang daming couples, nakakainggit. Wait, them?! Akala ko ba si Brix ang rumored boyfriend ni Lhaine? And Ryan's supposed to be Yaj's right? Wow, this is nuts. Siya pa ang may ganang manloko at kay Brix pa?

I followed them for a bit and took enough photos. Napagdesisyunan kong hindi sabihin kay Diane at Kath ang nakita ko. Diane would surely b*tch it out right away at school. I went home straight after 'stalking them'. Wala na akong ganang maki-house party after what I saw.

'Katheee Bish Calling...' Sinagot ko ang tawag ni Kath nang matigil na siya.

"Hey, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" excited na sabi niya.

"Cute guys?" automatic na sagot ko.

"No! 'Yung house party na pinuntahan namin turned out to be near Ryan Sanchez' house and guess what? Nakita namin si Lhaine at Ryan together! They went in together! Can you believe that?!"

"What?!"

"They were holding each other's hand. Yucky kaya! I think they're living together. Sabi ng friend ng pinsan ko nakikita raw nila ang dalawa nang madalas. Confirmed!"

Boses ni Diane ang sumunod kong narinig. "Geez Erika, you're missing the fun. Makakaganti narin ako kay Ryan at Yaj. Plus, you can get back at Lhaine too for occupying Brix too much," she sounded like a witch sa tawa niya. The call dropped and I can't reach them anymore.

NO! Gusto kong ako mismo ang magsabi kay Brix. Gusto kong sandalan niya ako sa oras na malaman niya. Gusto kong mapansin niya ako. I want to be on their circle too and belong.

* * *

Yaj Serano - POV

"How could you let this happen!? Hindi mo man lang ako inisip! Kapatid mo ako! Why are you so weak?!" I've been shouting like hell at Brix. He didn't talk at all and it pisses me off. Hindi ako naniniwalang may taong ganito kabait. I know he's hurting too.

"Seriously, talk! What are you thinking right now? It must suck, just talk," I said again and now in a less angry voice.

"Huh, sila na pala. Wala na tayong magagawa kung ganoon," sabi lang niya at iniwan ako. Ilang araw na ba ang dumaan? I think I lost count. It hurts a lot. Sinabi ko kay Rai na wala akong pinagsisihan sa ginawa ko pero kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayon. He must've felt betrayed that's why he ran to someone else. I accounted that at inakala ko na madali ko lang maibabalik ang dati. Everyone's not even aware that they are together.

"Yaj!" Erika shouted. Nakasalubong ko ang mean trying hard trio.

"What?" irritated na sagot ko.

"You need to see this para naman hindi ka magmukhang tanga," sabi agad ni Erika.

"I don't need your crap. Leave me alone."

"Ryan's cheating on you. Marami kaming pictures to prove it. Pinagmumukha ka nilang tanga," itinapat ni Diane sa akin ang phone na hawak niya at lumantad ang napakaraming litrato ni Lhaine at Rai. Most of it were taken from a park and some at Rai's house. They seriously stalked them? Those pictures made me sick. I grabbed the phone and threw it hard.

"What the heck!" pinulot ni Diane ang wasak na phone sa ground.

"Delete every copy you have! This is bullsh*t! Are you really that low? Why don't you just fix yourselves before minding others' lives?!"

"Low? Tinutulungan ka nga namin eh. Wait, unless you knew all along na si Ryan at Lhaine na nga," natahimik ako sa sinabi ni Erika.

"You b*tch! Kami pa ang low? Bitter ka lang pala eh. Tara na nga, she's no better than Lhaine after all," tumawa si Diane. They can't let everyone know about this. Rai is mine.

"You three! Stop right there!" sigaw at habol ko sa kanila. Paakyat sila ng campus and right at that moment, nakasalubong pa namin si Lhaine na pababa naman. Nilagpasan ko ang tatlo at diretsong umakyat para lapitan si Lhaine. I can't let this girl destroy my confidence!

"You!" turo ko sakanya. Marami siyang hawak na mga folders.

"Yaj, bakit?" pa-inosenteng sabi nito. I can't believe Rai and Brix fell for this girl.

"Ako nga, bakit? Nakalimutan mo na ba ang mukha ko dahil sa kakatitig mo sa boyfriend ko? Or wait, my brother? Sino na nga sakanila? Hindi ba't pinagsasabay mo sila?"

"Sa taas nalang tayo mag-usap."

"NO! Tell them right now that you seduced Ryan Lee Sanchez and Brix Risaralda!"

"Lee won't come running back to you even if you do this," para siyang nangangaral. Tinalkuran niya ako at umakyat.

"Hey! I'm still talking!" hinabol ko siya. Hindi niya talaga ako nilingon.

"You bi—" susugurin ko sana siya pero Erika was a step ahead all of a sudden. She started to pull Lhaine's hair and went on about deceiving Brix.

"She's mine!" nakisingit ako but then this Diane started to pull my hair too. I just kept on hitting anyone until someone pulled us all apart.

"Stop it Yaj!" hawak-hawak ako ni Rai. Across us was Brix helping Lhaine to stand up. Czarina and Briezel were grabbing Diane and Kath away from everyone too.

"Bitiwan mo ako Rai! Tuturuan ko ng lesson 'yang mang-aagaw na 'yan!"

"Hindi ka naman ganito Yaj. Tama na," matigas na sabi ni Rai.

"Paano ba kayo pinaikot ng babaeng 'yan? Pati sarili kong kapatid tinalikuran ako para sakanya! 'Yung dalawang taong importante sa akin, sa kanya kumakampi!" desperadang sabi ko.

"Just calm down," sabi niya pero kay Brix at Lhaine ang tingin niya.

"NO! I can't suck it up!" kumawala ako sa hawak niya at nilapitan si Lhaine. I lost control and just pushed her. It was too late to realize that she was on the edge of the stairs. She flew into the air—literally. Oh my God.

---

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.3K 110
✔Completed Hi. Ako yung nakilala mo sa Omegle. Dati. (A Text Story) (Highest Rank: #15 in Teen Fiction) Omegle is a site where you can talk to a rand...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...
69.1K 4.1K 39
Ang mga desisyon natin sa buhay ang magdadala kung ano at nasaan tayo sa kasalukuyan. Book Cover by: CJ Caleza Date Started: October 15 2018 Date End...