Short message:
This chapter is dedicated to @PrincessDreamerLove.. Siya po kasi yung gumawa ng new book cover ng SACG.. Yehey! Ang galing galing.. ^_^ <3 Kaya kung magpapagawa kayo ng book cover, message nyo lang siya or i-follow nyo sa wattpad.. Okeis? ^_^ Approachable naman siya and mabait.. (Nakss! Hahaha)
Hi Alyssa! (aka PrincessDreamerlove) *kaway kaway! Thanks ulit sa book cover.. *mwuahugss..
*******
So guys, This is it! Eto na po yung inaantay nyong update.. Hihihi.. ^_^ <3
Let the chapter begin...
__________________________________
Chapter 31: Nikki’s Broken Heart (Part 1)
[7pm]
Naglalakad nako ngayon pauwi ng bahay namin.. Sa totoo lang, naiiyak ako ngayon sa tuwing naalala ko yung nangyari kanina..
Inexplain kasi sakin ni Xander yung bagay na nakita ko sa acting club at confirm nga na may gusto siya kay Ashley. Sinabi nya pa nga sakin na nagandahan daw siya kay Ashley nung unang meeting palang nila. Nung first day of school. Nung pinakilala ko siya.
*flashback
(A/N: Scene in Chapter 8: Meet the other friends)
“Hi Xander! Kanina ka pa?”
“Hindi naman. Kadadating ko lang. Sino nga pala yung kasama mo?” tanong ni Xander sabay turo sa katabi ko.
“Ah, oo nga pala. Xander, bestfriend ko nga pala, si Ashley. Ash, si Xander nga pala. Yung president nung acting club namin” pakilalang sabi ko.
“Hi Ashley! Nice to meet you.. “ sabi ni Xander kay Ashley
“Nice to meet you too, Xander.”
*end of flashback
At that time, sabi nya na hindi pa daw talaga siya nagkakagusto kay Ashley. I mean, crush palang daw..
P-Pero...
Pero nung minsan daw na mapadaan siya sa music room, narinig daw nya yung boses ni Ashley at dun daw nya nagustuhan ito. Nagpapractice daw kasi sila Ashley nun tapos bigla siyang may narinig na kumanta nung nasa labas siya kaya napasilip siya sa loob. Mala-”anghel” pa nga yung description ni Xander sa boses ni Ashley nung narinig nya yun...
Hayss..
Ganito pala yung feeling ng broken hearted.. Medyo matagal ng konti maka-move on.. Tas ang sakit pa sa dibdib.. Lalo na pag nalaman mo na yung matagal mo nang gusto na tao, eh may gusto nang iba...
At ang masakit pa nun...
Sa mismong bestfriend mo pa... =(
*sniff sniff
Haysss... *buntong-hininga
Pasensya na kayo kung hindi ko man ma-faflashback sa inyo yung mismong nangyari kanina ah. Medyo nahihirapan din akong ikwento sa inyo eh... Para sakin kasi, medyo masakit siya sa bangs eh. At medyo masakit din siya sa heart..
Pero alam nyo ba kung ano yung pinaka-highlight sa lahat ng sinabi ni Xander kanina?
*flashback
“I really like your bestfriend, Nikki. Very much.. Kaya kung mabibigyan lang sana ko ng pagkakataon, liligawan ko talaga si Ashley”
*end of flashback..
Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung ano magiging reaction ko nung sinabi nya yun sakin kanina eh.. As in mixed emotions talaga yung na-feel ko nun at buti nalang talaga, hindi ako napaiyak kanina nung sinabi nya yun sakin d-dahil..
Dahil para sakin..
Yun ang pinakamalakas ang impact sa lahat ng nasabi nya..
*sniff sniff
Shocks, ayan na.. Tumulo na yung luha ko...
*sniff sniff
Badtrip naman oh. Kayo kasi eh. Pinakwento nyo pa sakin.. =(
Actually, dapat nga. Hindi ako umiiyak ngayon eh.. At kung tutuusin, masaya dapat ako dahil nagandahan siya sa bestfriend ko..
P-Pero..
Pero sa ngayon, hindi ko talaga alam kung bakit ganito yung na-fefeel ko at--
*sniff sniff
Shocks, ba’t ba ayaw tumigil ng pagpatak ng luha ko ngayon?
*sniff sniff
Sabi na nga ba, kaya ayokong mag-POV ngayon eh... Hindi ako makapagkwento ng maayos..
*sniff sniff
Ayan tuloy, parang ayoko pang umuwi ngayon.. =(
Haysss..
*tingin sa readers*
Ha? Ano?
Naku, Wag kayong mag-alala sakin..
*sniff sniff
Konting tulog lang siguro at mawawala na ‘tong nararamdaman ko.. Baka nga bukas, wala na ‘to eh..
.
.
.
Sana... =’(
Pero siguro, pagbigyan nyo nalang din yung pagdadrama ko ngayon. Minsan lang naman ako mag-moment eh. At usually, panay patawa yung binibigay ko sa inyo.. =’(
*sniff sniff
Pasensya na talaga.. =’(
Anyways, naisipan kong--
Ha? Ano ulit yon?
?_?
Y-You mean... Kay Vinci nalang ako?
Teka, bakit nyo ko binibigay kay Vinci? May gusto ba sakin yun?
Kayo talaga.. Parehas kayo nila Kylie eh.. Ma-iissue...Eh wala naman yatang gusto sakin yun.. Palagi nga akong sinusungitan oh.. Tapos kanina, nung nagpaalam ako, winalk-outan pako... *sniff sniff
Hayss..
Sana nga, si Vinci nalang yung nagustuhan ko eh.. Gwapo din naman kasi si Vinci. Tapos talented pa.. Masungit nga lang pero palagi namang nandyan para sakin at---
T-Teka...
Ba’t ba napunta kay Vinci yung usapan?
Nagdadrama kaya ako ngayon tungkol kay Xander my lo--
K-Kay X-Xander David..
Kayo talaga, nagawa nyo pang i-segway si Vinci... *sniff sniff
Haysss.. *Buntong hininga*
Anyways,..
Asan na nga ba ko?
Ah.. Ayun!
Anyways, naisipan ko munang dumaan sa Jollibee na malapit sa Xaviers ngayon para bumili ng chicken joy. Yun kasi ang usual na binibili ko pag malungkot ako. Parang “stress-reliever” kumbaga... Tapos sa ganung paraan, nawawala rin ng konti yung nararamdaman ko...
Pero habang kumakain ako ng chickenjoy...
Hayss..
Ayan, naalala ko nanaman yung sinabi ni Xander kanina.. =(
“I like your bestfriend, Nikki. Very much.. Kaya kung mabibigyan sana ako ng pagkakataon, liligawan ko talaga si Ashley..
Shocks.. Ang sakit talaga at---
*sniff sniff
Ok, fine! Tumutulo nanaman po siya..
*sniff sniff
Tapos duet pa po sila ng uhog ko..
*sniff sniff
Eeeeh.. Nakakainis naman eh.. Pati chicken joy ko, wala ring effect.. =’(
Haysss...
Anyways, pagkatapos kong kumain ng chicken joy, (which is nagsayang lang pala ako ng pera kasi wala namang effect), lumabas nako sa Jollibee at nagpatuloy nalang sa paglalakad..
Pumasok sa isip ko that time na pumunta ako sa mall.. Hindi para mag-shopping, kundi para aliwin ang sarili ko... In short, magvivideoke sana ako..
Kaso, ayaw naman ako papuntahin ni Daddy dun ng mag-isa, which is hindi ko alam kung bakit.. =(
Haysss.. *buntong hininga*
Eh anong gagawin ko? Ayoko pa talagang umuwi ng ganito itsura ko.. Imagine, mukha talaga ‘kong adik ngayon.. Hindi lang adik, mukha pang bangag.. Eh halata pa naman sa akin pag umiiyak ako kasi namumula ako...
Tapos, naiisip ko pa ngayon kung ano yung sasabihin ni Vinci at ni Manang Beth pag nakita nila kong umuwi ng ganito.. Eh ako pa naman yung tipo ng taong hindi nagpapakita ng emotion sa iba pag malungkot ako..
*sniff sniff
Ang OA ko ba?
*sniff sniff sabay punas ng luha
Sabi ko nga eh,.. Ako na ang OA.. =’(
Anyways, dahil sa hindi naman ako pwedeng pumunta ng mall, dumaan nalang muna ko dito sa convenience store. Malapit lang siya sa may park bench ng school kaya halos katabi lang siya ng Jollibee na pinanggalingan ko kanina..
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako pumasok dito. Wala naman kasi akong bibilhin eh..
*sniff sniff
Parang adik lang noh?
*sniff sniff
Fine.. Inaamin ko na,. wala nga ako sa sarili ngayon... =(
Haysss.. *buntong hininga*
Meron kaya ditong pagkain na pwedeng makain para makalimot?
,o0
0o,
,o0
0o,
Hayss.. *buntong-hininga*
Kung meron lang talagang pagkain na pwedeng kainin para makalimot, eh bibilhin ko na.. Kasi pati chicken joy na stress reliever ko, wala na ring effect.. =(
*sniff sniff
Pero meron naman siguro..
Maya-maya, hindi nako naka-tiis kaya lumapit ako sa may counter.
“Ahmmm.. Excuse me..” sabi ko dun kay kuyang nagbebenta..
Mukhang hindi nya ko napansin kasi nakatalikod siya na parang may inaayos sa likod ng counter kaya sinubukan ko ulit siyang tawagin..
“Excuse me.. Kuyang nagbebenta..” sabi ko
This time, mukhang narinig na nya ko. Umangat kasi yung ulo nya tapos tumingin sakin at--
Ay Pambihira..
.
.
.
Magulat daw ba sakin.. -_-
Hayss.. Sabihin nyo nga...
.
.
.
Ganun na ba talaga kalala yung itsura ko ngayon? (T^T)
Mukhang natauhan naman bigla si Kuyang nagbebenta at nagpretend nalang na parang walang nangyari.. Hayss.. Buti nalang talaga, ganun yung ginawa nya kundi baka masapak ko siya ng bongga.. Hehe.. Biro lang....
Ata? =P
“Oh, yes ma’am? Ano pong kailangan nila?” ngiting sabi ni Kuyang nagbebenta..
Ako naman, nagpretend nalang din ako na parang walang nangyari..
“M-meron ba kayong... Ahmm..”
Shocks naman,.. Bigla tuloy akong nahiya..
Aish.. Ano ba yan, Nikki? Ano bang pinaggagagawa mo? -_-
“Ng ano po, Ma’am?” sabi ni Kuya habang hinihintay nya kong sumagot..
“N-Ng anything na.. Ahmm.. Na pwedeng kainin para makalimot? Parang as in.. ahmm.. ‘stress reliever’ kumbaga” sabi ko
“Hmmm.. Anything na pwedeng kainin para makalimot?”
Nag-isip muna si kuyang nagbebenta..
Maya-maya, bigla siyang tumingin sakin..
“Bakit ma’am? Broken hearted kayo?”
O_O
“H-Ha? Ahh ehh.. Hindi ah! H-Hindi ako..” sabi ko. “Yung.. Yung friend ko.. Tama! Yung friend ko.. Siya yung broken-hearted.. Hehehe.. Gusto nya daw makalimot kaya ano.. kaya siya nagpapabili sakin”
Napangiti naman si Kuya nung sinabi ko yun. Shocks! Nakakahiya talaga.. Pero sana, maniwala siya.. >///<
“Ah, ganun po ba?” ngiting sabi nya.. “Sorry ma’am.. Pero wala po kaming anything na pwedeng makain para makalimot eh.”
“Ay, ganun?” sabi ko..
Hayss.. *buntong hininga*
Akala ko pa naman meron na.. =(
*sniff sniff
Eh di wala pala kong choice ngayon kundi tanggapin ang kasawian ng aking puso.. Huhuhuhu.. T_T
Move on, move on nalang siguro, Nikki pag may time =(
“Pero maiinom po, meron” sabi ni Kuya.
Napatingin naman ako bigla kay Kuya nung sinabi nya yun..
“M-Maiinom?”
“Yes, ma’am” sabi ni Kuyang nagtitinda sabay turo sa shelves ng---
MGA ALAK???
Hala, Seriously?!
“Serioso yun, Kuya?!”
“Yes po.” sabi nya. “Usually, yan yung binibili ng mga tao pag gusto nilang makalimot..”
Halaaa... Paano yan? Hindi naman talaga ko umiinom.. T_T
“Ano po, ma’am? Bibili po ba kayo?” sabi ni Kuya..
Napatingin tuloy ako kay kuya tapos nag-isip ako kung bibilhin ko ba talaga yun.. Nagdadalawang-isip din kasi ako eh...
“Effective daw po yan kung isa kang broken hearted” sabi nya..
Napaisip tuloy ako hanggang sa...
“S-Sige” sabi ko sabay yuko..
“Ok po..” ngiting sabi ni Kuya.
Pinapili ako ni Kuya kung alin dun yung bibilhin ko at yung napili ko naman ay yung may “Soju” na nakasulat.. Hindi ko kasi alam kung ano yun kaya yun nalang pinili ko.. And besides, maganda kasing pakinggan yung name kaya yun yung pinili ko..tapos yun pa yung pinakamaliit kaya yun nalang yung pinili ko..
(A/N: Yung “Soju”, yun yung alak from Korea.. Maliit lang siya pero malakas ata yung tama pag ininom.. Haha.. I think? Lalo na pag hindi naman talaga umiinom yung tao.. =P)
Nang mabili ko na siya, nagmadali nakong lumabas sa convenience store kasi hiyang hiya talaga ko.. Grabe, hindi ko maimagine na bumili ako ng ganito sa convenience store.. >///<
Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad habang tinitignan yung hawak ko. Actually, nagdadalawang isip din kasi talaga ako kung iinumin ko yung hawak ko o hindi.. And besides, natatakot din kasi ako kung ano magiging effect pag ininom ‘to..
“Effective daw yan kung isa kang broken hearted”
Sabi ni Kuya, effective daw.. Eh kaso natatakot talaga ko eh.. =(
Haysss.. *buntong-hininga*
Tama!
Hindi ko dapat ‘to inumin...
Mas mabuti siguro kung itapon ko nalang ‘to at---
“Kaya kung mabibigyan lang sana ako ng pagkakataon, liligawan ko talaga si Ashley”
Eeeeehh.. kainis naman eh.. Naalala ko nanaman.. T_T
Dahil sa sobrang inis ko, huminto nako sa may bench na malapit sa kinaroroonan ko..
Binuksan ko yung bitbit ko. Then bumuntong-hininga ako bago ko inumin..
This is it!
Operation: Makalimot!
Kylie’s POV
[8 pm]
Aish... Where na ba kasi si Hubert eh? Hindi nya ba alam na kanina pa naka-display yung beauty ko dito..
Oh, Hi readers! Gorgeous Kylie here! ^_~
Anyways, hindi ko nga alam kung bakit may POV ako dito eh.. Eh you know naman! Wala naman akong connection sa nakaraang chapter, di ba? Ni hindi ko nga nakita yung Vicol loveteam kanina eh...
Pero bakit nga kaya?
Hmmm..
Hindi kaya dahil gusto lang ma-emphasize ang beauty ko? ^_~
Anyways.. Nandito nga pala ko sa park bench na malapit sa Xaviers. And I’m waiting for my driver.. Actually, it’s so tagal nga eh.. Supposed to be, nandito na dapat yun but still, he’s not yet arrived. Eh kung alam nyo lang, kanina pa ko dito..
And take note! As in capital T-A-K-E N-O-T-E!
Super late na nung natapos yung practice ko sa dance studio kanina kaya dapat nandito na siya! Urgh!
Eh ayoko pa naman yung masyadong nakadisplay ang beauty ko sa kalagitnaan ng gabi.. At sa open area pa ha! Imagine, ang isang mala-”dyosang” Kylie Prescott ay pakalat-kalat lang dito sa park bench.. Gosh! It’s too dangerous kaya?! And, besides, andami pa namang nagkalat na exotic and oh-so-unidentified walking species dito..
Aish, ba’t ba kasi naiwan ko yung phone ko sa car eh? Hindi ko tuloy siya matawagan..
Anyways, dahil wala akong choice kundi ang maghintay dito, naglakad lakad nalang muna ako para naman hindi masayang ang high heels ko..
Maya-maya, habang naglalakad ako, may nakita akong parang familiar sakin na naka-upo sa isa sa mga park bench at---
Wait!
Si Nikki girl ba yun?
Actually, I’m not sure kung si Nikki yun but..
But I think she really looks like Nikki kasi maputi din and short hair. And besides, nakayuko din kaya hindi ko alam kung siya nga talaga yun...
Anyways, agad ko namang nilapitan yung girl na nakayuko sa bench...
“Nikki?”
Napaangat naman yung ulo nya at na-shock ako nung makita kong siya nga..
But, what was she doing here? I mean, bakit siya nakaupo dito? Saka, bakit siya lang mag-isa?
“Hiiii Kylieee!” sabi nya while nakangiti na parang...
Weird?
“Woah! Nikki girl, Ikaw nga!” gulat na sabi ko. “But what are you---”
Hindi ko natuloy yung sinasabi ko dahil may nakita kong something sa tabi ni Nikki at--
Wait!
*Kylie sniff sniff kay Nikki*
“OMG! NIKKI?! ARE YOU DRUNK?!”
“Huh?! *hik Dunk?! Di naman ako nagbabaswetball ah.. Paano ako magdudunk?! Hehehe” sabi nya sakin habang nakangiti pa rin na parang bangag.
“Harhar! Ang korny mo, friend” sabi ko. “I’m not saying Dunk, ok? I said you’re drunk! As in D-R-U-N-K! DRUNK!”
“Woah!” sabi nya habang pumapalakpak pa. “Ang galing mo naman sa spelling, Kyl! *hik”
What? Seriously?!
“Hayss.. Anyways, at bakit mo naman naisipang uminom ng ganyan? Ha?! What’s wrong with you?”
“Ha? Anooong what’s wrong with me? *hik sabi nya tapos nagkamot ng ulo. “Baka what’s wrong with him! Hehehe”
“What’s wrong with what?! Anong----”
*bwaaaaaaaaa
“OMG, Nikki! Ano ba yan?! You’re so ewwy naman!” sabi ko sa kanya. “Muntik mo nako matamaan ng vomit mo ah!”
“Ayyy.. Sorry, Kyl! Hehehe.. *hik”
Kumuha naman ako ng tissue sa bag ko then binigay ko sa kanya..
“Oh, tissue oh”
“Thanks” *hik
Then, pinunasan nya yung bibig nya..
“Teka nga, ano bang nakain mo at uminom ka ng ganyan, ha?” pag-aalalang sabi ko habang hinahawakan yung likod nya..
“Nakain? Hmm.. Baka nainom.. Hehehe.. Ikaaaaaw talaga, Kyl!” *hik
Huh?
“Saka tinikman ko lang naman eh..” *pout
“Tinikman?! Ubos yung laman nung bote tapos sasabihin mo tinikman?!” asar na sabi ko.. “At teka nga, bakit mo tinikman?! May problema ka bang matindi? Ha? Hindi ka naman umiinom ah..”
“Miss Kylie”
Napatingin naman ako sa likod ko nung may tumawag sakin..
“Gosh! Finally, Hubert! Buti, dumating ka na.” sabi ko sa driver ko. “San ka ba galing?”
“Sorry po. Malapit na po kasing maubos yung gas kaya dumaan po muna ko sa gasoline station..”sabi ni Hubert.
“Well, anyways, it’s not important” sabi ko then sabay turo kay Nikki.. “Could you please help me with my friend? She’s drunk eh”
“Ok po, ma’am”
Inakay namin ni Hubert si Nikki papunta sa pinkish porshe car ko. Nagvolunteer nako na ihatid si Nikki sa bahay nila bago pa sumakit ang ulo ko sa pagkapilosopo nya..
While we’re inside the car....
“Wait, Kyl! Saan nyo ko dadalhin? *hik ” sabi ni Nikki habang nakasandal yung ulo nya sa balikat ko..
“Ano pa? Eh di i-uuwi ka na namin” sabi ko.. “And don’t even try to vomit here ah! This is my favourite car! Magagalit talaga ko ng bongga sayo pag nagkalat ka dito”
“Yes, ma’am Kylie!” *hik sabi nya with matching salute pa..
Hayyss.. Ewan..
Tumingin naman ako sa rear mirror then tinawag ko yung driver ko..
“Hubert, where’s my cellphone?”
“Here, Miss Kylie” sabay abot sakin ng cellphone ko.
“Thanks”
“Don’t mention it, ma’am”
Hayyss.., anyways, matawagan na nga lang yung knight in shining armor neto...
-------> See you in Next Chapter 32: Nikki’s Broken Heart (Part 2)
[Oopps! Chill lang po.. Wag po muna sabihing bitin,. Haha.. Don’t worry! In-update ko din po yung kasunod dahil alam kong matindi ang utang kong UD sa inyo.. ^_^ Pero bago nyo po ilipat sa next page, DON’T FORGET TO CLICK “VOTE”.. Okeis? Thank you po.. Godbless,, =)
[Para po sa mga hindi nakaka-alam, yung “STAR” po.. Yun yung vote.. ^_^ ]
You can also comment here.. Sa baba. About sa chapter na’to.. Para alam ko rin po yung feedbacks nyo.. Kung sakali.. hihi.. Salamat ulit.. *mwuahugss..
-Ms. Author ^_^
PS: Para po sa mga authors, napakalaking halaga po ang “Votes” nyo dahil feeling po namin, “super worth it” po ang paghihirap namin sa pagiisip, pagttype at pag-eedit pag nakikita namin sa newsfeeds namin na may mga taong nagvovote sa story namin.. Pati na rin ang mga comments.. hihihi.. ^_^ Kaya humihingi po ako ng favor sa inyo na sana po, mabigyan nyo po ng vote yung chapters sa story na ito.. Okeis? Yun lang po. Thank you po.. ^_^
Kaya sa mga silent readers po, VOTE NOW! Hihihi... =P
Click “Vote” if you like this chapter, “Comment” if kung may i-cocomment, and “Follow” if you want some updates for this story. Thank you po. ^_^