Patient 95 (BTS Horror Fanfic)

By angel_irell

242K 11.3K 3.7K

Alamin ang buong kwento tungkol sa madilim na nakaraan ni Patient 95. --- Please don't buy, sell, or copy... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Author's Note
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Author's Note
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Epilogue
Author's Note
Patient 95's Book 2

Chapter Thirty-Two

2.9K 135 26
By angel_irell

"Chapter Thirty-Two: Seoul"

Present day.

[Seulgi's POV]

Nagluluto kami ngayon ni Mrs. Park para pang-almusal namin. Maaga akong nagising at ganun din si Mrs. Park kaya napag-isipan naming magluto para ngayong umaga. Dahil walang holiday ngayon, may trabahong atutupagin si Mr. at Mrs. Park kaya dapat maaga silang makaalis sa bahay.

"Ilang taon mo nang inaalagan si Jimin, hija?" biglang tanong ni Mrs. Park kaya napalingon ako sa kanya na kasalukuyang nilalapag ang mga plato sa hapag-kainan.

Ngumiti muna ako bago ako sumagot, "Ilang buwan pa lamang po."

"Ilang buwan pa lang? Eh, parang ilang taon na rin kayong magkasama." sabi niya at natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

Ilang buwan pa lang pero parang ilang taon na rin kaming magkakilala. Ganito siguro kalakas ang tama ko kay Jimin. Napagkatiwalaan ko siya agad. Sabagay, ako naman yung tagapag-alaga sa kanya kaya siguro napalapit ako nang husto sa kanya.

At minahal ko na rin siya.

May narinig kaming footsteps mula sa sala.

"Oh? Good morning, hon." bati ni Mrs. Park sa mister niya. Lumapit si Mr. Park sa misis niya at niyakap ito saka hinalikan.

"Ang aga niyo ah." sambit ni Mr. Park. Nginitian ko lang siya nung tumingin siya sa 'kin.

"Hoy, may pasok kaya tayo ngayon." sabi ni Mrs. Park at mahinang hinampas yung braso niya. Kumunot yung noo ng mister niya.

"Ano bang petsa ngayon?" tanong niya.

"December 30." sagot naman ng misis niya. December 30 na pala. Hindi ko na namalayang malapit na palang magtapos ang taong ito.

"December 30 ngayon?"

Napalingon kami sa nagsalita.

"Oh, Jimin. Gising ka na pala. Halika na. Kumain na tayo." sabi ni Mrs. Park. Umupo na kami.

"Tulog pa yung kapatid mo?"

"Opo. Gigisingin ko na lang po yun mamaya. Tulog mantika yun eh." sagot ni Jimin.

Nagdasal muna kami saka nagsimulang kumain. Tahimik lang akong kumakain at ganun din si Jimin samantalang nag-uusap ang parents niya. Napatingin sila sa amin na parang napansin nilang ang tahimik naming dalawa.

"Oh? Ba't ang tahimik niyo?" tanong ni Mrs. Park. Tumingin kami sa kanya at umiling ako.

"Wala po. May iniisip lang." sagot ko. Tumango na lang siya saka bumalik sa pagkain.

Natapos na kaming kumain at ganun pa rin kami, ang tahimik. Inaalala ko lang kasi yung trabaho ko dun sa Seoul saka namimiss ko na rin si Joohyun unnie. Kamusta na kaya sila dun at yung hospital?

"Seulgi-sshi." tawag sa 'kin ni Mrs. Park. Napalingon naman ako sa kanya. Tinaas ko yung dalawang kilay ko na tinatanong kung ano yung sasabihin niya.

"Pwede bang dalhin mo tong food tray sa kwarto ni Jihyun? Ang tagal niya kasing bumaba saka nagmamadali kami ng asawa ko kaya kayo na ang bahala sa bahay ha?" tanong ni Mrs. Park.

"A-ahh s-sige po... Ingat po kayo." sagot ko. Nakipagbeso muna si Mrs. Park saka nagpaalam na rin pati kay Jimin na ngayo'y nanonood ng TV. Dinala ko na yung tray sa taas at saka kumatok sa kwarto ni Jihyun.

"Jihyun?"

Walang sumasagot kaya pinihit ko na lang yung door knob at bukas naman pala. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin ang natutulog na Jihyun. Napangiti ako sa nakita ko.

Wala lang. Naaalala ko lang si Jimin sa kanya. Medyo hawig kasi sila tas yung ugali nila halos parehas. Ang cute cute talaga ng magkapatid na 'to.

Nilagay ko na yung tray sa mesa na katabi ng kama ni Jihyun saka dahan-dahang lumabas ng kwarto niya. Sinara ko na yung pinto at paglingon ko ay bumungad si Jimin na siyang ikinagulat ko.

"AY UNANO!" sigaw ko at napatalon sa gulat. Hinihimas himas ko yung dibdib ko na parang inatake ako sa puso ng 5 seconds.

"Jimin naman eh!"

"Wow. Ako pa yung nasisi. Nalait pa ako." sambit niya saka pabirong tinignan ako ng masama. Nagpout na lang ako at hinampas siya sa braso nang mahina.

"Kainis ka. Kanina ang tahi-tahimik mo tas ngayo--"

"Magbihis ka. May pupuntahan tayo." bigla niyang sambit. Kumunot yung noo ko at nagtaka sa sinabi niya. Saan naman kami pupunta?

"Saa--?" naputol yung sinabi ko nang marinig kong sinara na niya yung pinto sa kwarto niya. Aba't anong nakain nito?

Pumasok na ko sa kwarto ko at naghanap na ng damit na maisuot ngayon. Malamig ang panahon ngayon at kasalukuyang umuulan ng niyebe.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ko sa kwarto ko at nakita ko si Jimin na nakabihis na rin at kakalabas niya lang sa kwarto ni Jihyun.

"Si Jihyun na ang bahala sa bahay. Pupunta tayong Seoul." sambit niya. Seoul? Anong gagawin namin dun? Uuwi na kami?

"Di tayo uuwi. May pupuntahan tayo dun." dagdag pa niya. Ay? Nabasa niya isipan ko? Mind reader yata 'tong si Jimin eh.

Di na ko nagtanong pa at sinundan na lang siya papunta sa labas ng bahay.

Hays. Di ko alam kung anong tumatakbo sa isipang nitong si Jimin eh binalak na lang na umuwi kami dun sa Seoul. Ewan ko kung anong gagawin namin dun tas natatakot ako baka makita kami ni Sehun at ilayo niya si Jimin mula sa akin.

To be very honest, nakakatakot na si Sehun at di ko alam kung bakit. Alam kong nagseselos siya kasi alam kong gusto niya ko pero nakakatakot naman.

---

Ilang oras din ay nakarating na kami sa Seoul. Ahh~ Namimiss ko na yung Seoul~ Ang sarap ng simoy ng hangin kahit ang lamig hahaha.

Pumara na kami ng taxi at sumakay na rito.

"Seoul National Cemetery po. Eto po yung bayad." sambit ni Jimin saka bumayad. Napatingin ako sa kanya. Ano kayang gagawin namin dun?

Bibisitahin ba namin puntod ng mga kaibigan niya?

Kung oo, eh bakit? Anong meron?

Pero baka namimiss na niya mga kaibigan niya. Isang taon na rin siyang hindi nakadalaw sa mga kaibigan niyang pumayapa na.

Ilang minutong biyahe ay nakarating na kami sa Seoul National Cemetery. Hinila na niya ako at parang hinahanap niya yung puntod ng mga kaibigan niya. Habang hinahanap namin yun ay may nakita kaming parang isang pamilya na nakatayo sa isang puntod. Hindi nagdadalawang isip si Jimin na puntahan iyon. Baka yun na.

Lumapit kami dun sa isang pamilya at napansin nila yatang papalapit kami kaya lumingon sila sa direksyon namin.

"Tita." bati ni Jimin.

"Jimin." bati rin nung matandang babae saka niyakap niya si Jimin. Tumingin kaming lahat sa puntod na kinatatayuan namin.

R.I.P

Kim Tae Hyung

December 30, 1995 - June 13, 2015

"Isang taon na ring patay si Taetae." sambit nung matandang babae. Lumuhod ito sa damuhan at hinawakan yung lapida saka bigla siyang humagulgol.

Narinig ko rin yung paghikbi ni Jimin kaya napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakayuko at umiiyak. Niyakap ko siya at hinihimas yung likod niya. Ilang minuto ring ganun ang posisyon namin. Kumalas na siya sa pagkayakap saka tinignan yung lapida.

"Hoy, Kim Taehyung." mahinang sabi niya. "Ang daya mo. Nagsecelebrate kayo ng birthday mo na wala ako. Sana sinama niyo na lang ako."

"Yung pikachu na lifesize na gusto mong bilhin sa mall? Diba gustong gusto mong may magregalo nun sa birthday mo?"

"Pero ano ngayon? Wala ka na. Di ko na binili yun kasi wala ka na at maaalala lang kita dun."

"Happy birthday, Taetae. Sana masaya na kayo dyan sa itaas."

Pagkatapos sabihin nun ni Jimin ay pinunasan niya na yung mga luha niyang dire-diretsong umaagos mula sa mga mata niya. Nilapitan niya yung nanay yata ni Taetae saka niyakap. Niyakap rin siya nito saka kumalas na.

"Alis na kami, tita." pagpapaalam niya saka nagbow at umalis na kami.

Habang naglalakad kami palabas ng sementeryo, tinignan ko si Jimin na ngayo'y tahimik lang na tila ba malalim pa sa balon yung iniisip niya.

"Jimin?" tawag ko sa kanya saka napalingon naman siya sa 'kin.

"Ano yun?" tanong niya.

"Di mo ba bibisitahin yung puntod ng iba mo pang mga kaibigan?" tanong ko. Napaisip muna siya at napabuntong hininga bago sumagot.

"Wag na muna. Masakit pa rin kasi." sagot niya. Tumango na lang ako at huminga nang malalim. Kahit ngayon, hindi pa rin tanggap ni Jimin ang pagkamatay ng kanyang mga kaibigan. Kung ako yung nasa pwesto niya, ganun din ako.

May napansin akong familiar na tao mula sa malayo. Lumaki yung dalawa kong mga mata nung nalaman ko kung sino yun. Tumigil ako sa paglalakad at ganun din si Jimin.

"Bakit Sseul?" tanong niya. Di ako sumagot pero hinila ko siya pabalik ng sementeryo para magtago.

Nagtago kami ngayon sa isang stall na nagbebenta ng mga kandila, bulaklak, etc. at binabantayan ko siya na papasok na sa sementeryo.

"Bakit Sseul? Bakit tayo nagtatago?" tanong niya ulit.

"Andito siya." ang tanging sagot ko lang. Kumunot yung noo niya at naguguluhan sa sagot ko.

"Sino?" tanong niya.

"Si Sehun." sagot ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Happy birthday Taehyung~ T.T <3 My UB hehehehe <3

Sorry kung medyo di na siya horror. Nirereveal na kasi natin yung past ni Jimin kaya yeah hehehehe. Please keep supporting me guys T.T

~Author Angel-nim

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 50.1K 53
Adrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a comp...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
96.9K 2.8K 48
Highest rank: #69 on Mystery/Thriller Volume 1: Evil Cupid Chad Mendez, Kate Hernandez, and Arthur Santos are fourth year students who are currently...
1M 15.9K 9
In a twisted game of life and death, how far will you go to save yourself? Welcome to Crudelis University. A school that will make your lives a livin...