I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.3M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 9

2.2M 57.4K 60.5K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 9]

"TILA malalim ang iyong dinadamdam, iyo na rin bang naranasan ang umibig?" tanong ni Juanito na nagpatigil sa'kin. Napatingin ako sa kaniya at mukhang interesado rin siya malaman. "Ikaw naman ngayon ang magkuwento, hindi maaaring ang buhay pag-ibig ko lamang ang naisawalat dito." Hirit niya sabay ngiti. Napakunot ang noo ko, mukhang feeling close siya. 

"Malabong hindi mo pa nararanasan ang umibig." Dagdag pa niya habang tulala sa lawa. 

"Tama ka. Hindi di natin maiiwasan 'yon, at dahil doon... hindi rin natin maiiwasan masaktan." Sagot. Ako na yata ang literal na nasaktan, nadapa, at napunta sa panahong to!

Huminga ako nang malalim saka ipinikit saglit ang aking mga mata. Kapag first love ang usapan, isa lang ang naaalala ko...

Since kindergarten magkaklase na kami ni Shae hanggang elementary. Sobrang close kami at parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Pero lahat ng 'yon nagbago mula nang pumasok sa eksena si James.

Naging kaklase namin si James noong fourth year high school kami. Halos lahat may crush sa kaniya at syempre isa sa mga babaeng patay na patay sa kaniya ay kaming dalawa ni Shae. Basketball player, matangkad, gwapo, at mayaman. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kaniya?

Si James Gilbert ang first love ko dahil sa isang pangyayari. Uwian na namin noon, napadaan ako sa basketball court sila nang bigla na lang tumama sa likuran ko ang isang bola dahilan para madapa ako. Nagulat at natahimik ang lahat. May mga tumawa rin. 

Akala ko ay walang ibang tao ang magmamalasakit sa'kin pero sa lahat ng naroroon, hindi ko inaasahan na si James Gilbert pa ang tutulong sa'kin. "Ngumiti ka lang para isipin nilang walang problema" 

Binago ng class adviser namin ang sitting arrangement, hindi ko inaasahan na magiging magkatabi sina Shae at James. Noong una ay okay lang sa'kin pero habang tumatagal hindi ko na nakakasama si Shae dahil lagi silang magkasama ni James. Pinapansin din ako ni James pero halatang may gusto siya kay Shae. Kapag magkakasama kaming tatlo, sila lagi ni Shae ang nag-uusap.

Hanggang sa hindi ko na matiis at iniwasan ko na lang silang dalawa. Napansin iyon ni Shae at kinausap niya ako. Sinabi ko sa kaniya ang totoo, na hindi ako komportable hanggang sa namalayan na lang namin na nakapagbitaw na kami ng masasakit na salita. 

Iniwasan ko na rin si James pero isang araw bago ang graduation ceremony, umamin siya sa'kin na may gusto rin siya sa'kin at nagpapatulong lang siya kay Shae para maging close kami. Gusto niya akong ligawan pero nahihiya at natatakot na baka tarayan ko siya. Ang pag-amin ni James sa nararamdaman niya para sa'kin ay narinig ni Shae. Sa totoo lang, masaya ako noong umamin siya, pero ayoko na maugnay sa kanilang dalawa. Masyado na akong nasaktan at pinili ko nang mag-isa para bumalik pa sa isa sa kanila.  

Pagdating ng college, hindi ko rin inaasahan na sa parehong Univesrity kaming tatlo mag-aaral. Hindi natigil ang pangungulit ni James kaya mas lalong hindi kami naging okay ni Shae. Kapag sinisiraan niya ako, sinisiraan ko rin siya. Hindi ako magpapatalo sa kaniya at alam kong ganoon din siya. 

"O'siya, kung hindi mo nais magkwento, walang problema." Natauhan ako nang marinig ang boses ni Juanito. Napaayos ako ng upo. Nakalimutan kong nasa tabi ko pa rin pala siya. Napahinga na lang ako ng malalim, hindi naman niya kilala sina James at Shae kaya siguro okay lang na magkwento.

"Sabihin na na lang natin na ang malas ko sa pag-ibig, sa dinadami-dami ng lalaki sa mundo sa maling tao ko pa binigay ang puso ko." Tumingin sa'kin si Juanito saka muli niyang ibinalik ang mata niya sa lawa. 

"Walang minamalas sa pag-ibig, hindi maling tao ang inibig mo. Sadyang marahil ay hindi lang ang inyong sitwasyon niyo o ang panahon nang umibig ka." Paliwanag ni Juanito. Napaisip ako sa sinabi niya. Pero sa huli, hindi ko maintindihan.

"Baka hindi lang talaga kami para sa isa't isa." Dagdag ko, napatango si Juanito. 

"Saan na ba siya naroroon ngayon? Bakit hindi mo siya sadyain upang makapag-usap kayo?" Gusto kong matawa sa sinabi niya, akala niya siguro nasa kabilang village o city lang ang first love ko.

"Basta. Nasa malayong-malayong siya ngayon. Walang sinuman ang makakapunta roon," Sagot ko na parang nasa ibang planeta ang tinutukoy ko."Hindi ko rin alam kung magkikita pa kami." Napahinga ako nang malalim. Kapag nabigo ako sa misyon na 'to, hindi na ako makakabalik sa panahon ko at hindi ko na siya makikita pa.

"Hindi ko man lang nasabi na gusto ko rin siya." 

Tumikhim si Juanito, "Ako'y nakatitiyak na kahit hindi mo nasabi sa kaniya ang iyong tunay na nararamdaman ay nababatid niya mula sa kaibuturan ng kaniyang puso na siya ang isinisigaw nito." Napatingin ako kay Juanito, kahit hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya dahil sa haba at lalim, kahit papaano gumaan ang loob ko. May kuwenta rin pala siyang kausap. 


NAGPAALAM na si Juanito pagdating ng hapon. Agad kong hinanap si Theresita para iabot sa kaniya ang sulat ni Juanito para kay Helena. Hindi ako pwedeng umalis ng bahay dahil magtatahi daw kami sabi ni ina.

"Carmelita anak, masama ba ang iyong pakiramdam?" tanong sa'kin ni ina, narito kami ngayon sa balkonahe kasama sina Maria at Josefina. Grade 5 pa ako noong huli akong nagtahi, nagburda or nag-cross stitch. Tinutusok-tusok ko na lang ang karayom sabay hila ng sinulid, basta may maipasa lang ako kay ina. 

Naiinis ako kapag natutusok ako ng karayom at sobrang panget ng gawa ko pero wala na akong magagawa, basta may maipasa lang. "Carmelita, mas makabubuti kung ikaw ay magpahinga muna. Pumanhik ka na sa iyong silid, tila ikaw ay nahapo sa pamamasyal niyo ni Ginoong Juanito kanina." Pang-asar pa ni Josefina. Magsasalita sana ako pero ngumisi na sina Maria at Josefina at nagsagihan pa.

"Tigilan niyo na iyan," suway ni ina dahil halos mapunit na ang mga mukha nila sa kakangiti. "Carmelita, patingin ako ng iyong gawa." Wika ni ina sabay kuha ng tinatahi ko. Nawala ang ngiti niya na napalitan ng pag-aalala. Napakamot na lang ako sa batok, mukhang babagsak ako sa subject na 'to.

"Masama nga ang iyong pakiramdam," saad ni ina dahilan para mapatingin sa'kin sina Maria at Josefina na ngayon ay hindi alam kung dapat ba mag-alala, magtaka o matawa. "Theresita, samahan mo na si Carmelita sa kaniyang silid." Utos ni ina, tumayo na ako at muntikan ko pang makalimutan na magbigay-galang bago umalis, buti na lang nakita kong yumukod si Theresita kaya ginaya ko siya.

"Tiyak na matatawa si Ginoong Juanito kapag nakita niya ito." Tawa nina Maria at Josefina habang hawak ang tinahi ko na kahit ako ay hindi ko maintindihan kung ano iyon. Napasingkit ang mata ko nang lumingon ako sa kanila, tumatawa pa rin sila na halatang inaasar ako, kung may second semester lang, sisiguraduhin kong babawi ako.

PAGDATING sa kwarto agad akong nag-dive sa kama. "Binibini, maaari po ba akong magtanong?" hindi ko namalayan na nakatayo na si Theresita sa gilid ng kama. Tumingin ako sa kaniya, hinihintay kong magtanong na siya pero mukhang hinihintay niya rin ang confirmation ko kung pwede na siya magtanong. "Oo, naman." Sagot ko pero hindi ko pa rin ma-gets bakit kailangan nila magpaalam kapag magtatanong.

"Ano pong nangyari sa inyong mga kamay?" tanong niya, napatingin ako sa mga kamay ko. Wala namang sugat at ang ganda pa. Mas gaganda 'to kapag nalagyan ko ng cutics. "Bakit po nawawala na ang inyong kakayahan at galing sa pagtahi?" patuloy niya dahilan para magtaka ako.

Napaupo ako sa kama. Nag-fafade ang skills ko sa pagtahi? E, hindi nga ako marunong magtahi.

Nagulat ako nang buksan ni Theresita ang cabinet, may kinuha siyang kahon, at iniabot 'yon sa'kin. "Nariyan po ang lahat ng ibinurda niyo. Hindi po ba bukod sa hilig niyo ang pagbabasa ng mga libro ay mahilig din kayo magburda at magtahi." Paliwanag niya, bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala na para bang imposibleng makuha ko ang gold medal sa sunod na laban.

Binuksan ko ang kahon. Bumungad sa'kin ang makukulay at magagandang ibinurda ni Carmelita. Ang talented pala talaga niya!

"Binibini, sana po kahit nadurog ang inyong puso dahil kay Ginoong Leandro ay hindi niyo pa rin po sana makalimutan ang mga bagay na hilig niyong gawin para sa kaniya at para sa inyong sarili." 

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o sasang-ayon sa sinabi niya. Ibig sabihin kaya nag-aadik sa mga libro at pagtahi si Carmelita ay dahil kay Leandro? Sobrang productive at inspired naman pala niya.

Napukaw ang atensyon ko ng isang binurdang white rose. Tinitigan ko iyon sandali. Sumasakit na ulo ko kung paano ko gagayahin 'yon. Napapaisip tuloy ako, ano bang talent ko? 

KINAGABIHAN, pagkatapos namin mag-hapunan ay dumating si Helena sa bahay. Agad niya akong niyakap nang makita niya ako. "Maraming salamat Carmelita, patawarin mo ako kung minasama ko ang nangyari, at ngayon ay nababatid ko na ang iyong tunay na hangarin. Salamat!" Ngumiti-ngiti at tumatango-tango na lang ako. Buti na lang natapos na rin ang misunderstanding, ayoko naman masira ang friendship nila ni Carmelita.

"Ayos lang 'yon, basta masaya ako para sa inyo ni Juanito." Bulong ko sa kaniya. Napangiti siya saka iniabot sa'kin ang isang sulat na reply niya sa sulat ni Juanito na pinadala ko sa kanya kahapon. Nagkwentuhan pa kami ng ilang oras, inalam ko ang mga hilig niya. Nagpalusot na lang ako na kunwari nakalimutan ko kasi baka magtaka siya kung bakit hindi ko alam ang mga hilig niya. Bestfrirends pa naman sila ni Carmelita. 


KINABUKASAN, madaling araw pa lang ay ginising na ako ni ina. Mamamalengke raw kami sa kabilang bayan. Trip daw ni ina mamalengke ngayon at ayaw na niyang iasa pa sa mga kusinera. 

"Sina ate Maria at Josefina na lang po ang isama niyo..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinalo nang mahina ni ina ang puwet ko. 

"Hindi naman sila ang malapit ng ikasal. Bumangon ka na, marami ka pang dapat malaman sa pag-aasawa." Parang biglang nagising ang diwa ko dahil medyo galit na siya, kanina niya pa ako ginigising pero hindi ako bumabangon. 

Wala na kong nagawa pa kundi ang sumunod na lang. Hindi namamalo si Dad pero bigla akong natakot dahil mukhang namamalo si Doña Soledad. "Carmelita anak, hindi biro ang pag-aasawa kaya dapat paghandaan mo nang mabuti ito. Sa loob ng ilang buwan ay magiging maybahay ka na rin at kung papalarin ay mabibiyayaan agad kayo ng supling ni Juanito." Pangaral ni ina habang nakasakay kami sa kalesa papunta sa palengke na hindi ko alam kung saan. 

Napahawak ako sa aking sentido, mukhang mapupunta na naman kami sa usapang anakan. "Malapit na magtapos ng pag-aaral ng medisina si Ginoong Juanito, at asahan mo na magiging abala siya sa kaniyang trabaho, habang ikaw naman ay magiging abala rin sa pamamahala ng inyong tahanan. Ikaw ang magluluto, maglilinis, mag-aayos ng bahay, magtatanim ng mga halaman at bulaklak, mamamimili ng mga sangkap, mag-aalaga ng inyong mga anak ,at magbibigay ligaya sa iyong asawa." Patuloy ni ina. Parang kinilabutan ako sa huling niya na magbibigay ligaya sa iyong asawa.

"Kaya ngayon pa lang ay tuturuan na kita. Aking napapansin na tila wala ka sa iyong sarili nitong mga nakaraan." Napatingin ako sa kaniya, nakakahalata na ba siya? Pero base sa reaksyon niya ngayon, mukhang hindi naman.

Pagbaba namin sa kalesa, napansin ko ang maraming tao at parang wala naman akong palengkeng nakikita. "Ina, ito ba 'yon?" nagtataka kong tanong. Halos lahat ng kababaihan ay may dalang bayong pero wala namang laman. 

"Hindi pa. Kailangan pa nating tumawid sa lawa." Sagot niya dahilan para magising nang tuluyan ang diwa ko. Ang haba ng pila ng mga tao na naghihintay makasakay sa bangka. 

Hindi pa ako nakasakay sa bangka in my entire life. Napatingin ako sa langit, mukha namang hindi uulan baka kasi tumaob ang bangka!

"Huwag ka mag-alala, ang kwento ng Lawa ng Luha ay isang alamat lamang. Natatanaw mo ba ang dulong iyon? Nasasakop ng ating hacienda ang bahaging iyon ng lawa." Hindi nag-sisink in sa utak ko ang sinasabi ni ina, hindi naman kami maliligtas ng hacienda Montecarlos kung tumaob na ang bangka. Wala pa namang provided na life-vest.

Pangatlo na kami sa pila, at kinakabahan na ko. Marunong naman ako lumangoy kaya lang mukhang malamig ang tubig ngayon. "Hindi matutuyo ang lawa kahit gaano ka pa katagal maghintay diyan" Narinig ko ang isang boses ng lalaki na pamilyar sa'kin. Paglingon ko sa likod ay tumambad sa harapan ko ang nakangiting Juanito. 

"Bakit ka nandito?" agad akong sinabi ni ina, siya ang ngumiti at humarap kay Juanito. "Magandang umaga, hijo. Nagagalak kaming makadaupang-palad ka rito." Ngiti ni ina saka pinandilatan ako ng mata. Sumesenyas siya na ngumiti rin ako at pakiharapan nang maayos si Juanito. Nararamdaman niya siguro na tatarayan ko si Juanito. Ang aga-aga ang dami ko ng problema.

"Nang magtungo po ako sa inyong tahanan ay aking napag-alaman na magtutungo kayo sa kabilang bayan. Wala naman po akong mahalagang gagawin ngayong araw kung kaya't aking napagpasiyahan na sumama sa inyo kung inyo sanang loloobin." Paliwanag ni Juanito, ang haba ng sinabi niya, pwede naman niya sabihin na Sama ako.

Natuwa si ina, napag-usapan pa nila ang oras. Narealize ko na ang aga pala magising ng mga tao sa panahong 'to. Samantalang ako, madaling araw na ako natutulog noon at gigising ng hapon.

"Hindi mo naman kailangan sumunod dito." Agad akong sinagi ni ina, medyo mainit pa ang ulo ko dahil sa kulang pa ako ng tulog at sasakay pa kami ng bangka.

"Nais ko sanang makita at makasama ka, kailangan ko pa bang ipaliwanag iyon?" banat ni Juanito habang nakangiti. Parang biglang lumiwanag ang paligid nang ngumiti siya. Siguro ay mag-uumaga na, papasikat na ang araw.

Pero hindi ko maipaliwanag kung kinabahan ako sa sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan lang siguro ako dahil malapit na kaming sumakay sa bangka.

Naunang sumakay sa bangka si Juanito at agad niyang inalalayan si Ina. Sasampa na ako sa bangka nang ilahad niya ang kaniyang palad sa tapat ko. Napatingin ako sa kamay niya, wala sana akong balak kumapit sa kaniya pero pagtapak ko sa bangka, medyo gumalaw ito kaya napahawak ako sa braso niya. Medyo matigas ang biceps niya!

Hindi naman sa nasasanay na ako sa norms dito pero bakit parang big deal na rin sa'kin ang hawakan siya.

"Maupo na po kayo." Natauhan kami nang magsakita ang bangkero. Mukhang hindi siya natutuwa dahil na-dedelay ang pag-alis dahil sa moment namin ni Juanito. Bumitaw na ako sa braso ni Juanito at naupo sa tabi ni ina. Katapat namin siya ngayon.

"Pagpasensyahan mo na Ginoong Juanito, ito ang unang beses ni Carmelita sumakay ng bangka. Sapagkat madalas lang siyang nasa loob ng bahay." Paliwanag ni ina. Bigla akong nakaramdam na valid naman pala itong pag-iinarte ko dahil first time din sumakay ni Carmelita sa bangka.

"Wala po iyon. Mabuti rin po kahit papaano ay lumalabas-labas na rin si Carmelita." Sagot ni Juanito habang nakangiti pa rin. Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kaniya. Unti-unting nawala ang kaba ko habang nakasakay kami sa bangka. Safe naman pala kahit papaano. Medyo magalaw lang pero buti na lang dahil kalmado lang ang tubig.

"Mahinhin at tunay na kagalang-galang ang aming Carmelita. Kailanman ay hindi siya sumuway sa utos namin ng kaniyang ama. Nakahiligan niya ang pagbabasa at pagbuburda. Siya rin ay sanay sa pagluluto at sa mga gawaing bahay. Kailanman ay hindi siya naging sakit sa ulo ng ibang tao." Pagbibida ni ina. Napalunok na lang ako lalo na nang ngumiti si Juanito. Siguradong natatawa siya ngayon dahil puro kabaliktaran ang sinabi ni ina. B

"Napansin ko nga rin po na lubos na malumanay at kaibig-ibig si binibining Carmelita." Pagsang-ayon ni Juanito na parang nang-aasar lang. Pinandilatan ko siya ng mata pero nang tumingin sa'kin si ina ay tumingin ako sa lawa. Natawa muli si Juanito. Hindi ko na lang siya pinansin at nagkunwaring malalim ang isip habang tulala sa lawa.

Pagdating namin sa palengke, buhay na buhay na ang mga tao. Abala ang lahat sa pagtitinda at pamimili. Hinawakan ni ina ang kamay ko habang nasa likod namin si Juanito. Pumunta kami sa tindahan ng gulay at nakakatuwang tingnan na halos magkakakilala silang lahat, lalo na si ina kahit pa kabilang siya sa mayamang pamilya at mataas ang kanyang estado sa buhay, tinatrato niya nang mabuti at kinakaibigan ang lahat.

Sa tuwing bumibili kami, lagi akong tinitingnan ni Juanito habang nakangiti, kapag tinaasan ko naman siya ng kilay at tinanong kung bakit, mas lalo siyang napapangiti. Adik siguro 'to? Uso na ba drugs sa panahong 'to? Malamang nakahit-hit siya kaninang umaga.

"Anong hilig mong putahe?" narinig kong tanong ni Juanito, nasa likod kaming dalawa habang abala si ina sa pamimili ng isda.

"Barbecue. Ah, este inihaw... basta kahit anong inihaw." Napatango si Juanito. Gusto ko sana idagdag na bagay iyon pampulutan kaya lang tinatamad akong magpaliwanag. 

"Ikaw?" tanong ko sa kaniya, siya naman ang napaisip ngayon.

"Marami akong preferado, ngunit may bukod tanging pagkain ang nangibabaw para sa'kin." Napataas ang kilay ko, nakangiti pa rin siya. Bakit ba ang saya-saya ng lalaking 'to?

"Sabihin mo na kasi... pinapahaba pa e."

"Kaldereta." Sagot niya. Napatango na lang ako, masarap naman talaga ang Kaldereta. "Paborito ko sa lahat ay ang Kaldereta ala Montecarlos... Ang luto mo." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, napalunok ako ulit, hindi ko alam kung bakit bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. 

Napailing ako, hindi ko naman luto ang Kaldereta na tinutukoy niya. Sasabihin ko sana sa kaniya ang totoo kaso lumingon si ina, "Ginoong Juanito, Carmelita, ako'y papasok sa loob. Dumito na lang kayo." Tinuro ni ina ang katayan at tindahan ng mga karne. Tumango si Juanito at nagbigay-galang pa. 

"Huwag po kayo mag-alala Doña Soledad, hindi ko po pababayaan ang inyong anak." Sagot niya. Ano bang pinagsasabi niya? Para namang may masamang mangyayari sa'kin habang nakatayo lang dito sa tabi ng kalsada. 

Napangiti si ina, "Huwag mo na akong tawaging Doña. Tawagin mo na rin akong ina magmula ngayon." Ngiti niya na ikinagulat ko. Nagulat din si Juanito pero ngumiti na lang siya. "O-opo, ina." Gulat kong tiningnan si Juanito nang sabihin niya iyon. Hindi ba't may Oplan Tigil Kasal kami!

Pag-alis ni ina, hinila ang braso ni Juanito. Bumitaw din ako agad nang maalala ko na hindi ko pala dapat siya hawakan. "Ano ka ba? Hindi pwedeng mapalapit ka masyado sa pamilya namin. Baka mahirapan tayo mapapayag sila na itigil ang kasal." Reklamo ko sa kaniya, pero ngumiti lang siya. Anong nakakangiti sa sinabi ko? Ang weird niya talaga ngayon.

"Sinasamantala ko lang naman itong mga panahon na nobya pa kita." Sagot niya dahilan para mapatulala ako sa gulat. Nobya? as in girlfriend? Jowa?!

"Oh? Bakit natulala ka riyan? Huwag mo sabihing hindi mo nababatid na kapag pinagkasundo ang binata at dalaga ay nangangahulugan iyon na magkasintahan na sila." Paliwanag niya dahilan para hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa matinding gulat. 

"Marahil ay hiindi naman magagalit si ina kapag hiniram kita sandali." Patuloy niya saka hinawakan ang kamay ko saka muling ngumiti. 


Dear Diary,

Tulungan mo ko!

Hindi ito ang plano!

Wala sa plano ang mahulog ako kay Juanito!

Nangangamba,

Carmela

************************

Featured Song:

'Umaasa' by Garie Concepcion

"Umaasa" by Garie Concepcion

Continue Reading

You'll Also Like

39M 1.6M 69
Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
31.6K 925 35
Who wouldn't have thought in just a one dare, a one kiss her life began to change. Tila ba isang panaginip na ang man of her dreams niya ay napansin...
7.9K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...