BloodNight Academy

By aescatto

324K 8.8K 777

Highest Rank: #6 in Mystery/Thriller In which they all welcome her to a hell-like school. But that's not al... More

--
School of Death
❕Missing❕
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
END
Final Note

Chapter 9

5.5K 169 11
By aescatto

+Elle's Point of View+ 

Night class

Naglalakad ako mag-isa sa hallway. Hindi ako tumuloy sa dorm namin dahil sa nangyari samin ni Jay kanina kaya't napagdesisyunan ko na lamang matulog sa library upang pampalipas oras. Hindi ko rin naman alam kung nasaan si Dark at ayoko nang alamin kung nasaan pa. 

I need to escape him. But if I do, then he'll think that I really killed his late fiance. 

No, I wont escape. I will prove to him that I'm innocent. 

Nagpunta muna ako sa comfort room upang magfreshen up at maghilamos na rin upang tuluyan na akong magising. Pagpasok ko ay walang tao doon. Mabuti naman. 

Pinagmasdan ko ang sarili ko matapos kong maghilamos. Mas pumayat ako kumpara noong bago pa ako pumasok dito sa BNA. Ipinagwalang bahala ko na lang ito dahil normal lang naman ang mamayat kahit onti. 

Lalabas na sana ako nang biglang pumasok si Fionelle. Biglang nanlisik ang kanyang mga mata nang makita ako kaya't napaatras naman ako. Ngumisi siya habang nakatingin pa rin sa akin 

"Nandito pala ang kriminal na mang-aagaw." 

Nawala ang ngisi niya at napalitan ito ng seryosong tingin. Dahan dahan siyang lumapit sa akin 

"So tell me, anong pinakain mo kay Dark upang baguhin ang tingin niya sayo? Paano mo siya naagaw? Did you used hypnotism? Hayop ka talaga." 

Biglang nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi niya 

"Hindi ko siya inagaw sayo Fionelle. At mas lalong hindi ako hayop!" 

Isang malakas na sampal ang natamo ko dahil doon. Ramdam ko ang pamamanhid ng kanan kong pisnge. Gaganti pa sana ako ngunit nahawakan niya ang kamay ko at malakas na sinampal ang kaliwa kong pisnge. Ngumisi siya dahil dito 

"That serves you right bitch." 

Sa isang pitik ay biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa utak ko at pandidilim ng paningin ko. Napakuyom ko ang aking kamay dahil hindi ko ito makontrol. 

"Lumabas ka." seryoso kong sabi at humalakhak siya 

"Why? Natatakot ka na ba? Sorry but no one tells me what t--" 

Bigla ko siya tinignan ng masama diretso sa mata at nanlaki naman ang mga mata niya 

"Umalis ka na sa harapan ko habang nagtitimpi pa ako sayo Fionelle Chris." kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Napaatras siya at agad na kumaripas ng takbo 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko kung anong nangyari. What happened? Why did she ran away? Am I that scary? 

Tinignan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin. Compared to her, I'm not scary. 

So, why did she ran away? 

---

+Minzy's Point of View+ 

Kakausapin ko sana si Dark ng maayos tungkol sa nangyari earlier kaso may narinig akong napakanakakairitang boses. And you guessed it, si Fionelle ang nagmamay-ari ng boses na iyon. I don't know why but I really hate her the first time I saw her. Siya ang dahilan kung bakit sira lagi ang araw ko, tch. Hindi ko alam kung bakit siya ang Queen ng Black Guild. 

I should be the one in that position. 

Wait, kung iniisip niyo na may gusto ako kay Dark, a big NO. Deserve ko lamang ang position na iyon dahil napakalaking sakripisyo na ang nagawa ko para sa grupo. I risked my life just to be in the position where I am now, being the secretary of Black Guild. At bigla nalang siyang darating at magiging Queen nalang. That's fvcking insane! Isa yan sa dahilan kung bakit masama ang loob ko kay Dark. 

"Believe me Dark! SHE IS SCARY!" rinig ko ang humahagulgol na si Fionelle. Tch, halatang peke ang iyak, hindi marunong umarte ang leche. 

Pero sino bang tinutukoy niya? 

"Nagbago ang kulay ng mata niya! I SWEAR! NAGDILIM ANG KULAY NETO OR WHATEVER! BASTA NAGBAGO!" 

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. She's crazy, walang tao na nababago ang kulay ng mata. Gagawa na nga lang ng storya yung hindi pa kapani-paniwala. 

"Nababaliw ka na ba Fionelle? That's crazy talk! No one can do that kind of thing!" bulyaw ni Dark sa kanya 

"Meron! At siya iyon! Believe me, she's dangerous. So if I were you, stay away from that bitch!" giit pa niya at napairap na lang ako. Sino ba kase ang pinag-uusapan nila? 

"Don't ever call Elle a bitch. Because you're the one who's acting like a desperate bitch here. Who's the bitch now?" 

Mas lalong lumakas ang paghagulgol niya kaya't mas lalo kong gustong matawa. Mukha siyang asong naulol sa ginagawa niya. Bakit? Wala lang. Mukha naman talagang aso yan eh. 

So si Elle pala ang pinag-uusapan nila? Hmm, interesting. Kung ganun lang rin ay wala akong kakampihan sa kanilang dalawa. Fionelle's a bitch while Elle's a kriminal. 

"Aish what's with all the commotion about?" parehas silang napatingin sa pagpasok ng magandang si ako. Tinignan naman ako ng masama ni Fionelle 

"What? Kakausapin ko lang si Dark. Hindi lang ikaw ang may karapatang kausapin siya darling." nakangisi kong sabi at mas lalong sumama ang tingin niya 

"Leave Fionelle. Wala na tayong dapat pang pag-usapan." 

Napakuyom ang kanyang kamay habang dahan-dahang tumayo. Hinarap naman niya si Dark at nagsalita 

"Pagsisisihan mo 'to Darkvon. Darating ang araw na marerealize mong niloloko ka lang ng Elle na yan!" may diin niyang sabi at lumabas. At ang binangga pa talaga ako, bastos talaga. 

Napahawak si Dark sa sentido niya at napasandal sa swivel chair. Nang malansin niyang nandito pa ako ay tinignan niya ako ng masama

"What do you want?" walang emosyon niyang tanong 

"Gusto lang kita kausapin about earlier." kalmado kong sabi sa kanya. 

Honestly, hindi ako galit. Sadyang nagulat lang ako at nanghihinayang sa efforts na nasayang namin. We were all sure that Elle is the one who killed Geneva. But in just a snap, she's no longer the suspect, in Dark's eyes. 

"Get lost." malamig na sabi niya at wala akong nagawa kundi ang lumabas. When he says it, he means it. At kailangan mo siyang sundin. 

Pagkalabas ko ay naglakad na lamang ako patungo sa canteen. Ngunit pagkadaan ko ng clinis ay laking gulat ko nang makita si Elle doon. Meron siyang hawak na cold compress at inilagay niya iyon sa pisnge niya 

"Ano bang nangyari? Bakas na bakas ang pagkasampal sa magkabilaan mong pisnge. Sino ba ang gumawa sayo niyan?" tanong ng nurse sa kanya. Ngumiti lamang ito at umiling 

"Wala lang 'to. I deserve it." sambit niya at inilagay ang cold compress sa kabilang pisnge 

"Nako, kung malaman 'to ni Dark King natitiyak kong malalagot kung sino man ang gumawa nun." dagdag pa ng nurse 

"Kaya nga hindi niya dapat 'to malaman. Ayokong may mapahamak pa, and besides, sampal lang 'to. Malayo sa bituka." pinilit niya pa ring ngumiti kahit alam kong nasasaktan na siya sahil sa sampal ng kung sino man. 

Hmm, she's interesting. I should keep an eye on her more. 

"Sige may gagawin pa ako. Sabihin mo lang sa akin kung bibigyan pa kita ng cold compress." nakangiting sambit ng nurse at umalis. Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at pumasok sa clinic upang harapin siya. Halatang nagulat naman siya nang makita ako. 

"Si Fionelle ba ang may gawa nyan?" agad kong tanong at hindi siya sumagopt

"SUMAGOT KA!" this time napataas na nag boses ko kaya agad agad siyang tumango 

"Aish that bitch." inis kong bulong. Alam kong siya lang ang nakakayang manampal ng ganyan kalakas. Sigurado kapag nalaman ito ni Dark ay mapapatay siya neto.  

"Teka, h-hindi ka ba galit saken?" kabado niyang tanong. Ngumisi ako at umupo sa harap niya. Tinignan ko siya diretso sa mata, parehas pa rin ang  kulay neto a walang pinagbago. Fionelle's really crazy and desperate. 

"Honestly, I am. But may I ask you a question?" seryosong tanong ko sa kanya at tumango siya 

"How? Paano mo nagawang patayin si Geneva? May ginawa ba siyang masama sayo upang humantong sa ganun?" kalmado kong tanong sa kanya upang hindi siya masyadong matakot. 

"Maniwala ka't sa hindi, wala talaga akong alam sa pagkamatay ng fiance niya." 

"Says every criminal. Tch!" inis akong tumayo "This is stupid. I shouldn't be talking to you." dagdag ko pa. Pumunta ako sa pinto at naglakad paalis 

"Totoo ba ang balita? Na siya ang girlfriend ni Dark?" 

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. None other than Khell Yuan Spade. Napabuntong hininga ako at hinarap siya 

"Yes Khell, totoo ang balita." 

Bilang nanlisik ang mga mata niya. You can almost see the dark aura surrounding him. 

"Why? What's the matter?" tanong ko at tinignan niya lamang ako ng masama. Napangisi ako nang may maisip akong kalokohan 

"Wait, don't tell me you're jealous?" nagkunwari akong nagulat sa sinabi ko. It's fun to make fun of him sometimes. Ngunit nagtaka ako nang hindi ito umimik at mas lalong nandilim ang tingin 

"Hindi pwedeng maging sila." rinig kong sambit niya at naglakad papalayo sa akin 

Wait, what just happened? 

--- 

+Elle's Point of View+ 

Nang medyo mabawasan na ang sakit ng pisnge ko ay dumiretso ako sa school garden. It's okay to cut classes, I think. I have my reasons anyway. First time kong hindi umattend sa klase, dahil hindi ko naman gawain ang magcutting. 

Paano ko nga ba naman magagawa kung home schooled ako simula dati pa? Silly me. 

Si Shina ang nagsabi sa akin niyan. Na dati daw, hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay. Na kaya nakahomeschool lang ako dahil sa sobrang protective sakin nila mama at papa. 

Patuloy ko pa ring dinidikit ang pisnge ko sa cold compress na pinadala sa akin ng nurse. Mas okay na rin siguro kung hindi ako lalaban. Ayoko nang mas lumala pa dito ang sapitin ko. 

"So you're Ellery Kim."

Bigla akong napahinto sa pag-iisip nang marinig ko ang isang boses ng lalake. Nilingon ko ang lalaking nasa harap ko at pinagmasdan siyang mabuti 

"Sino ka?" ang tanging kataga na lumabas sa bibig ko. Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya 

"You shouldn't have loved Dark." seryosong sambit niya 

"Bakit naman?" kunot-noo kong tanong sa kanya 

"He doesn't know the meaning of love since Geneva died. He'll just hurt you without him noticing it. So if I were you, leave him. Because a girl like you don't deserve to be hurt." 

"Do you even know me?" this time ay lumamig ang boses ko "I don't even know you. So why should I obey you?" 

"Because you should. And no, I don't know you. But you remind me of someone. Someone important." 

Napalunok ako sa hindi malamang kadahilanan at napatingin sa nametag niya...Hanshin Dei 

"M-May I know who that person is?" ngunit napabuntong hininga lamang siya at tinalikuran ako 

"May mga bagay na hindi na dapat inaalala at pinag-uusapan pa. Some things are best left forgotten..for now." mahinang sabi niya at naglakad palayo 

"You don't know how it feels to permanently forget things that are important in your life. So don't tell me that some things are best left forgotten. Because there's someone that always wanted to remember some things too." may diin kong sabi at tumalikod upang maglakad palayo 

Kahit kailan ay hindi mo malalaman ang pakiramdam ng makalimot, Hanshin Dei. Hinding hindi. 

Oo nga pala, tapos na ang night class. Dumiretso ako sa locker ko upang magsauli ng mga gamit. Ngunit pagkabukas ko doon ay may note na nahulog. Agad ko itong kinuha at binasa 

Dumiretso ka sa dorm ko. And don't you dare escape. You should be here before 9:30

-Dark

Napailing na lamang ako at isinara ang locker. Habang naglalakad ako ay may biglang humarang sakin. At kahit hindi ko na siya tignan ay kilala ko na siya kaya napabuntonghininga na lamang ako 

"Anong kailangan mo Black Guild Vice President Khell?" pormal na sambit ko at humalakhak siya 

"Masyado ka naman atang pormal." nakangisi netong sabi at tinignan ko lamang siya 

"May importante pa akong gagawin. Excuse me." naglakad ako palayo ngunit laking gulat ko nang bigla niya akong hilain palapit sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang baba ko 

"N-Nasasaktan ako." angal ko ngunit ngumisi lang siya 

"Ngayon ko lamang napansin, may itsura ka pala." 

Nanlaki ang mga mata ko nang onti onti niyang inilapit ang mukha niya sa akin 

"A-Anong gagawin mo?" 

"Shh. Alam kong magagalit si Dark kapag malaman niya 'to." 

Pinilit kong magpumiglas ngunit masyado siyang malakas 

Anong gagawin niya? 

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 35.7K 54
BLUE SERIES #1 Blue Academy- is the best school that magic users could get themselves into, on where the school was protected by their Goddess hersel...
45.1K 1.7K 28
Isang virus ang unti-unting kumakalat sa buong panig ng Pilipinas. Ito ay unti-unti rin na umuubos sa papulasyon ng Pilipinas. Ang simpleng bakasyon...
21.5K 1.2K 24
There's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people int...
219K 13.6K 55
Perpektong-perpekto ang buhay na mayroon ako, buhay na hinahangad ng ibang tao, kayamanan, kasikatan, nobyong walang hinangad kung hindi ang kaligaya...