Arabella's POV
"Isang order po ng sinigang? Ano pa po?" Sabi ko habang kinukuha yung order ng customer ni mama
Nandito ako ngayon sa karenderya ni mama tumutulong kasi ako lagi sakanya every saturday and sunday. Eto yung bonding namin na mag-ina lagi
"Isang order ng adobo tsaka sinigang" sabi ni aling Mary yung suki namin dito
Wooh pagod na ako 12:30 na pala ang bilis ng oras
"Mama maliligo lang po ako tapos babalik nalang ako dito" paalam ko then tumango nalang siya kasi sobrang dami pa ng customer
Since walking distance lang naman pauwi tumakbo nalang ako then naligo ako ng mabilis kasi ang dami talagang customers sa karenderya ni mama ngayon as in
Hoho buti wala yung kuya kong mapangasar
Tapos na ako maligo then nagbihis ma ako habang nakatingin ako sa salamin
"Maganda ba talaga ako?" Sabi ko habang nakatingin sa salamin na nagrereflect sa isang babaeng may malaking salamin na makapal
"Sabi nila maganda daw ako pag walang salamin"
Tinanggal ko yung salamin ko tapos hinawi hawi ko yung buhok ko
Oo nga noh
Ay hindi syempre di ko makita ng maayos medyo malabo mata ko eh
"Hindi naman talaga ako maganda kahit saang angulo kaya di na ako aasa pa"
Aish makapunta na nga lang ulit kila mama para makatulong na ako at matapos na agad
"Oh anak andyan ka na pala ihatid mo to dun sa table nila Aling Sara" sabay abot saakin ng tray
"Aling Sara eto na po order niyo" -ako
"Ay abaa ihaaa dalaga ka na ah salamat" sabi niya sabay kuha ng tray sakin
Dalaga na nga ba talaga ako?
Psh she's probably kidding me
"Hay! Salamat natapos nadiiiiiiin halika na anak may bisita pa tayo sa bahay" sabi ni mama habang kumekembot at naguunat
"Bisita? Sino po?" Takang tanong ko
"Secret halika na" sabi niya sakin sabay hawak sa kamay ko
Habang naglalakad kami ni mama naguusap kami at madami siyang mga tinatanong sakin
"So anak kamusta naman sa Dream Academy? Maganda ba? Mababait ba mga kaklase mo ha?" Sunod-sunod na tanong ni mama
"Mama no chill hahahahah isa isa lang po"
Sasabihin ko ba na hindi maganda yung Dream Academy? Na nabubully ako dun? At masasama yung mga nakakasama ko dun maliban kay Eve?
"Ah haha opo mama! Alam niyo po ba may naging kaibigan agad ako si Eve po ang ganda ng name niya diba?" Sabi ko nalang
Siguro not now hindi ko muna sasabihin na binubully ako mahirap na kasi iskolar lang naman ako dun
At isang
Nerd
"Aba anak mukhang masaya ka sa school mo ah"
" oo naman po mama!" Sabi ko sabay ngiti
"Oops andito na tayo sa bahay are you excited kung sino ang bisita natin? For sure namiss mo siya" sabi ni mama
*dingdong*
ANG SAYA EXCITED NA AKO SIGURO PINSAN KO OR SOMEONE WEEEE
"IKAW?!" Sigaw ko nang makita ko yung nagbukas para saamin
"MA! SI KUYA YUNG BISITA?!"
Si kuya???? Para namang namiss ko to pshhh
"AW!" Sigaw ko kasi pinitik ako sa noo
"TANGEK! Yung ate mo nandito"
"OMG BELLAAAAA!" Salubong sakin ng pinakamagandang ate sa buong mundo
Tinulak ko si kuya kaya medyo napaupo siya HAHAHHAHA pero di ko na pinansin
"WAAAAA ATE JOOOOYYYYYYY ANG GANDA NIYO PO" sabay hug sakanya
"NAMISS KITAAA KYAAAAAAAAAH" tili ni ate joy
Si Ate joy 26 years old kaya medyo bagets hahahahhaha anak siya ng kumare ni mama
"AY ANO YAN INAANAK BAKIT GANYAN ITSURA MO BAKIT KA NAKASALAMIN?" Sunod sunod na tanong sakin
"MANANG YAN EH HAHAHAHAHA!" Sigaw ni kuya bigla naman siya binatukan ni Ate Joy
"HALIKA BELLA SA KWARTO MO DALIIII MAY REGALO AKO SAYO" sabay kaladkad sakin habang tumatakbo
Para akong aso na hinahatak
Umupo kami sa kama ko then may inabot siyang regalo
"Ano po ito?" Tanong ko then binuksan ko
M-m-make ups uhhhhhh thaanks..?
"Ate naman eeee alam niyo naman pong di ako marunong magmakeup" pagrereklamo ko
"Eto gagamitin mo para sa lips, eto para sa mata, eto pang kilay, eto..." blah blah blah wala na akong maintindihan
"Hoy manang kakain na daw!" Sabay katok ng malakas si kuya
Hoho may naalala ako
"Ate joy diba naging kayo ni kuya? HAHAHAHAHHAA hindi ba awkward?" Tanong ko
"Hindi naman HAHAHAHHAHA yaan mo yun" then kinaladkad nanaman niya ako pababa para kumain
"Hoy joy! Ang hyper mo! " sabi ni kuya
"Pake mo ba?" Sabi ni ate joy tapos lumapit kay kuya tapos tinignan siya sa mata
Namula si kuya tapos kumuha siya ng unan sa sofa then nilagay sa mukha ni ate joy
"Hoy para san yun?!" Sabi ni ate joy
Ang cute nila hahahah bagay sila sobra ang sexy at ang ganda ni ate joy at pogi naman si kuya
"Oh tama na yan kumain na tayo" awat ni mama kasi nagsasagutan na yung dalawa
Habang kumakain hindi nagpapansinan si ate joy tsaka si kuya aba nagaagawan pa sa chicken parang mga bata hahahahaha
"Ano bayan kuya isip bata ka nakakahiya" pabulong kong sabi
"EH ETO KASI EH" sigaw niya kay ate joy
"AKO?!" Sigaw din ni ate joy tapos nakatingin kay kuya ng masama
"Ts sabi ko nga ako eh" bulong ni kuya sabay kain
After kumain..
"Tara Ara! Tulog na tayo sa kwarto mo" tapos kinaladkad nanaman ako
Oo ate okay lang hahaha go lang ok lang ako
Humiga naman siya agad tapos kinuha ko phone ko
ABA PAGBALIK KO TULOG NA AGAD HAHAHAHHAHAG adik talaga tong si ate
Inopen ko yung phone ko then nagfacebook
Fransesca Eve Cruz sent you a friend request
*accept*
Hoy Ara bakit ngayon ka lang?
Hoho sorry bespren tumulonng ako kila mama
Ayyy ganun ba?
Oo bes ano nabili niyo ng mommy mo?
ANG DAMI BESPREEEEEN SOBRA FEELING KO BONGGA TONG DEBUT NI ATE
Ayos ok naman pala eh
Sige na bes matutulog na ako aalis ulit kami bukas nga maaga eh babawi nalang ako sayo see you on Mondaaaay
Ay ganun na sige good nightyyyy
Goodnight bes
--end of convo--
Hayyy 9 nadin pala
Nilagay ko na yung mga pasalubong ni ate na makeup sa cabinet ko tapos humiga nadin ako dahil sa pagod
Haaaaaaay nakakapagod tong araw na to
Zzz