I Heart You, Lamok! (Two-Shot...

By itsateshai

69.2K 2.2K 339

❝ Nang dahil sa lamok, nagkaaminan sila... ❞ More

I Heart You, Lamok! { 2 - S H O T S }

That's My Aia Cruz...

19.3K 1.1K 157
By itsateshai

Mumunting Kadaldalan mula kay Shai:

Okay, first of all, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng feedbacks na nakukuha ko mula sa mga readers. It means a lot to me, ya know, lalo na't isa lang akong amateur and not-so-neophyte dito sa mundo ng Watty. I can be your hero, baby! Chos! Pwedeng-pwede ninyo akong maging friend. Hindi ako nangangain. Tee-Hee!

Okay ulet. Ang kwentong ito ay nag-ugat sa aking malikot na imahinasyon. Alam ninyo na ang motto ng Kream stix! Chos ulet! So, tungkol nga sa lamok ang kwento na ito. Well, hindi naman kabog itong chapie na ito so kung may negative feedbacks kayo inside your heads, sige lang. Ayus lang sa akin. Nakakainis kasi ang mga lamok, tsaka noong time na naisip ko ang konsepto ng IHYL, uso pa ang dengue. Tee-Hee ulet! So ayun, bigla na lang nag-explode ang aking utak at nabuo ang IHYL. Actually, naging assignment ko 'tong istorya na ito sa Filipino subject namin. Gruwabeh! Ang haba ng comment ng teacher ko!

Tapos 'yung pangalan na Lance, nakuha ko 'yun sa word na "chance" na pinalitan lang ang first letter. Ang cute at ang astig kaya ng pangalang Lance, parang si Lance Mariano ng SL na super ina-admire ko. Tapos 'yung Aia naman, napulot ko lang diyan sa tabi-tabi. Haha! Jowk lang! Nakuha ko 'yung sa pangalan ko. Nagtanggal lang ako ng kaunting letters, and tadah! Nabuo ang pangalan na Aia.

To sum it all, sana po ay magustuahan ninyo rin ito kahit hindi siya kabog. Feedbacks po ah! Tsaka mag-message lang kayo sa akin, kung may ideas kayo diyan na siguradong makakaagaw ng atensyon. Salamat po!

AYLABYU OL!

---

It's been how many months since the day I confessed to her. Nakakabading lang pero sa tuwing naaalala ko ang 'lamok moment' na 'yun, natatawa lang ako sa sarili ko. Dinamay daw ba naman pati ang inosenteng lamok? But nonetheless, I am still happy because I've got the courage to confess my feelings for her. At sa ngayon, isa na akong masugid na manliligaw. O diba naman, lume-level-up si Kapitan Guevarra. Tss. Kailangan ko ng bakuran 'yun noh. Mahirap na baka maunahan pa ako. Balita ko kasi, galing sa mga team mates kong chismoso, marami raw ang nagkakagusto kay Aia ko sa section B ng Fourth year, tapos isama niyo pa 'yung mga lalaking estudyante sa lower years. I feel threatened. Akin lang si Aia Cruz noh.

Kasalukuyan kaming nagpapraktis para sa gaganaping qualifying games ngayong araw. Matagal na rin namin 'tong pinaghahandaan, simula pata yata noong umpisa ng school year. Dahil ako ang team captain, ako ang inaasahan nilang gumawa ng maraming puntos. Pero hindi naman ako ganoon kaganid kaya ipinapasa ko rin 'yung bola sa iba ko pang team mates. Si Coach naman, ayun, pa-relax-relax na lang.

"Guevarra, ngiting-ngiti ka diyan? Anong meron?" tanong ni Coach sa akin noong nag-water break kami for 10 minutes. Aba't usyusero talaga 'tong si Coach. Ngumisi lang ako kay Coach at tinignan 'yung cellphone ko. Tss. Sabi na nga ba eh, nagtext na naman si Aia ko.

From: Aia Cruz ko <3

{ Hoy Guevarra! Wag magpapawis ah! Babaho ka eh! Wala ka ng hug, sige! Echos!=P }

Tss. Nakakabawas ba ng pagkalalaki ang kiligin? Tss. Bading na ako kung oo. Ni-reply-an ko lang siya.

To: Aia Cruz ko <3

{ Opo, kanai ko. Miss mo lang ako eh. Nood ka ng qualifying games namin mamaya ah. }

From: Aia Cruz ko <3

{ Ano 'yung kanai? Pero sige. Siguraduhin mo lang na makakapuntos ka ah, dahil kung hindi, pepektusan kita.(>:-[) }

To: Aia Cruz ko <3

{ Yes naman, kanai ko. Babye na. Ma-miss mo ako lalo eh. }

From: Aia Cruz ko <3

{ Asa lang, Guevarra. Sige, ingat ka diyan sa kaka-shoot. Matamaan ka pa ng bola eh. }

To: Aia Cruz ko <3

{ Tss. Tinamaan na ako sa'yo kaya wag kang mag-alala, hindi na ako tatamaan sa bola at sa kahit kanino pa. ♥_♥ }

Nakangiti lang ako habang itinatago 'yung cellphone doon sa bag ko. Nakakabading na talaga 'yung si Cruz ko. Tumingala ako at, bull's eye! Kailan pa naging ring 'tong mukha kong ubod nang gwapo? Sinamaan ko ng tingin si Coach at pati na rin 'yung mga team mates ko na halos mamatay na sa tawa. Tss. Mga baliw na kolokoy.

"Inlababo 'yan sa Aia Cruz niya, Coach," sabi ni Blue habang tumatawa pa rin. Kung makatawa naman 'tong bughaw na 'to, parang walang bukas.

"Oo nga Coach. Nanliligaw na 'tong binata niyo," sabat naman nitong si Red. Sarap lang sipain ng pulang 'to.

"Hinalikan na niya si Aia Cruz, Coach," sabi naman ni Grey sabay tawa nang malakas. Mga kulay na walang magawa sa buhay. Kaya ayoko sa mga kulay na pula, bughaw at abo eh. Tumakbo ako papunta sa kanila at binatukan sila nang tig-iisa. Si Coach naman, kung makangiti halos mapilas na 'yung mukha niya. Kinuha ko lang 'yung bola at saka ini-shoot sa ring. Three points, walang palya.

"You're now a real gentleman, son. Next time, dalhin mo dito si Aia Cruz mo," sabi ni Coach at saka ako tinapik sa balikat. Tss. Kung alam ko lang, ikikwento niya kay Aia 'yung mga kalokohan ko noong bata pa ako. Hindi naman ako madalas magkwento sa tatay kong Coach ko eh, lalo na kung tungkol sa mga babae. Aasarin lang ako noon. Tumango lang ako kay Coach at saka kinuha 'yung bola at binato 'yung tatlong kulay na kanina pa tawa nang tawa.

"Practice na! Dali!" sabi ko at ipinasa sa kanila 'yung bola upang magawa na nila 'yung training drills namin. Tss. Excited na akong ipakilala ang Aia Cruz ko sa tatay ko. Habang naglalaro kami, dumating na rin ang cheerleading squad. Ayan na naman 'yung mga sizzling hot girls na pinagpipiyestahan ang aking taglay na kagwapuhan. Pero sorry na lang sila noh, taken na ang puso ng nag-iisang Lance Daniel Guevarra. Nabihag na ni Aia Cruz ko ang aking puso't kaluluwa. Aba't, kailan pa ako naging makata?

"GO LANCE! WE LOVE YOU!" sabay-sabay na sigaw noong mga cheerleaders. Nilingon ko sila at kinindatan sila. At sa kindat na 'yun, automatic na nagkaroon sila ng epilepsy. Pwesto, at shoot! Pasok sa ring ang two points. Pagkatapos ng 30 minuto, nagkaroon kami ng break. Naupo ako sa bleachers at uminom ng Gatorade na pink. Tss. Mas gusto ko pa rin 'yung blue, pero mahihindian ko ba kung si Aia Cruz ko na ang nagbigay? Sabi niya kasi, favorite color niya ang pink kaya 'yun din 'yung kulay ng binili niyang Gatorade. Hay, iba na talaga ang tama ko sa babaeng 'yun.

"Hi Lance. Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap ah. Can I sit with you?" tanong ni Natasha, 'yung leader ng cheerleading squad. Nagkibit-balikat lang ako habang umiinom ng Gatorade. Tinabihan niya ako at inangkla sa braso ko 'yung kamay niya. Peste! Parang linta lang! Ganoon lang kami hanggang sa dumating na rin 'yung iba pang mga estudyante. Panonoorin kasi nila 'yung qualifying games namin ngayon laban sa varsity ng isang Catholic school. Naupo lang sila doon sa bleachers at nagsidatingan na rin ang mga players at iba pang mga estudyante ng Holy Trinity Catholic School. Tss. Hindi naman sa nagmamayabang, pero mukhang wala silang binatbat sa amin.

Inilibot ko ang tingin ko, hinahanap siya. Nakita ko na si Marcia doon sa front row ng bleachers pero bakit wala pa rin siya? Saan na kaya nagpunta 'yung panget na 'yun? Umiling ako at napansing nakaangkla pa rin pala 'yung kamay ni Natasha sa braso ko. Nag-tss lang ako at hindi siya pinansin. Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang laro. Sht! Nasaan na ang inspirasyon ko? Tinignan ko si Marcia ng 'nasaan-na-si-Aia?' look. Nagkibit-balikat siya habang nakangiti nang nakakaloko. Tss. Lagot ka sa akin mamaya, Cruz.

Nag-umpisa na 'yung first quarter. Ewan ko pero halos lahat ng tira ko, sablay. Pinagalitan pa ako ni Coach tapos sinisigaw pa ng iba kong kaklase na galingan ko raw. Magaling naman ako ah, pero parang wala akong ganang maglaro ngayon. "Guevarra, gumising ka nga! Tambak na tayo ng 20 points!"

Naibalik lang ako sa kamalayan nang sigawan ako noong tatlong kulay. I tried to focus, but half of my mind is bothered. Saan na ba kasi si Cruz? Naman eh! Nag-aalala ako sa kanya. End of first quarter, 34-14, in favor of HTCS. Tinapik lang nila ako sa balikat. Tss. Ratrat na naman abot ko kay Coach neto.

"Ano ba Guevarra?! Seryosohin mo nga 'tong laro! Ano bang problema mo at sablay lahat halos ng tira mo?! Ayusin mo 'yan Guevarra. Ayusin mo," pangaral ni Coach Guevarra. Tss. Kasalanan 'to ni Cruz eh.

Second quarter at ayos na rin 'yung naging laro ko. Nakahabol naman kahit papaano. 56-37, in favor of HTCS pa rin. Third quarter, ginawa ko na talaga ang best ko. Nakagawa rin ako ng maraming puntos. Wala pa rin si Cruz. Nasaan na ba siya? 70-58, HTCS leading. Tss. Fourth quarter. Wala pa rin siya. Sumabak na kami sa court. I already gave my best shot. Tss. Last five minutes, 84-68. Si Grey ang may hawak ng bola, pasa kay Blue, pasa sa akin at shoot! Two points! Ganoon ang strategy. Pero kung malayo ako at hindi aabot 'yung bola, ipinapasa ko naman doon sa mas may kaya. Last three seconds, 95-93 ang score. Si Red ang may hawak noong bola, pasa sa akin. Sht! Tss.

"GO GUEVARRAAAAA!! KAYA MO 'YAAAAAAN!!"

Napatingin ako doon sa nagsigaw. Tss. Nandito siya. Dumating siya. Tingin sa oras. No choice. Shoot...

"Guevarra for three points! Top Ridge Academy for win. You'll qualify to the National Meet! Congratulations, guys!" sabi noong commentator. Binuhat pa talaga nila ako. Tss. Galit-este-tampo pala ako kay Cruz.

"Galing natin, pards!" sabay na sabi noong tatlong kulay at saka kami nag-hand shake. Lumapit naman sa akin si Coach.

"Good job, son. Si Aia Cruz ba?" tanong naman ni Coach. Nag-tsk lang ako. Tapos nilapitan din ako ni Natasha...at ni Cruz. Tss. Sabay pa dapat? Lagot ka ngayon, Cruz. Tampo si Guevarra sa'yo.

"Congrats Lance. Ang galing mo talaga," puri ni Natasha. Kinindatan ko lang siya at inakbayan. Tumawa naman siya ng isang malanding tawa. I guess Natasha's trying to flirt. Nakita ko sa peripheral vision ko na namumula si Cruz at naniningkit ang mga mata. Ang cute. Ang sarap kurutin ng pisngi. Humarap ako kay Natasha at nakipag-eye to eye contact. Nilapit ko 'yung mukha ko sa kanya. Since nasa likuran ni Natasha si Cruz, kitang-kita ko ang kanyang reaksyon. Tss. Isa lang ang sigurado, SELOS si Aia Cruz ko.

Nagulat na lang ako nang biglang may humatak sa braso ko. Si Aia. Tinignan ko siya ng isang bored look. Pero nagulat na lang ako noong bigla niya akong hinalikan sa labi. Tss. Sabi na nga ba, adik na sa halik 'tong si Cruz eh. Halos lahat naman, napatingin lang sa amin.

"Oh my gosh," sabi ni Natasha. Hindi ko na lang siya pinansin. Hinapit ko si Aia sa bewang para magkalapit pa kami. Her kisses make my heart palpitate and go wild. Her lips on mine...it feels like I'm on seventh heaven. No one can ever be compared to her. She's one of a kind. She's beautiful. She's mine. Aia Cruz is only mine, only Lance Guevarra's. Noong maghiwalay ang aming mga labi, hinarap niya si Natasha.

"Akin lang si Guevarra! He's only mine! I'm his REAL owner! Kaya back off!" sigaw niya kay Natasha at tuluyan akong hinatak paalis ng gym. Yeah baby, jealousy at its finest. Nagpunta lang kami sa garden sa likod ng school. Namumula siya at parang allergic sa akin. Ni hindi man lang ako lapitan at halikan na lang ulit. Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang pisngi. Hindi siya makatingin sa akin.

"Tignan mo ako," sabi ko habang pinipilit siyang tignan ako. Pero ayaw niyang sumunod. Pabaling-baling siya ng tingin, at pilit na iniiwasan ang mga tingin ko.

"Look at me Aia. Look at me," sabi kong muli. Namumula pa rin siya. May sakit ba 'to?

"A-Ayoko," sabi niya.

"Aia, tignan mo ako sa mata."

Tinignan niya ako sa mata at kasabay noon ay ang mas pagpula ng kanyang mukha. "Ano ulit 'yung sinabi mo kanina?"

"W-Wala!" sigaw niya. Napangisi ako. Defensive masyado, napaghahalatahan tuloy. Tsk.

"Galit ka na niyan?"

"Hmp! Wala nga kasi!"

"Tss. Sige. Puntahan ko na si Natasha," sabi ko at saka siya tinalikuran. Humakbang ako pero hindi pa rin niya ako pinigilan. Tss. Bahala ka sa buhay mo, Cruz. Akmang aalis na talaga ako nang biglang may yumakap sa akin sa likod. Tss. Ang bango niya at ang init ng yakap niya.

"Akin ka lang, Guevarra. Pag-aari ka lang ni Aia Cruz."

Napangiti ako sa sinabi niya. Tinanggal ko ang kanyang pagkakayakap at saka siya hinarap. Hinalikan ko siya sa noo. "Matagal na akong sa'yo, Cruz."

Ngumiti siya at niyakap ulit ako. Aba! Chancing na si Cruz. "Bakit pala late ka noong laro? Inaantay kita at nang dahil sa'yo, muntik na kaming matalo."

"Si Marcia kasi, ipina-encode sa akin 'yung project niya. Eh hindi ko naman alam na 5 pages 'yun eh. Galit ka ba?"

"Tss. Ano sa tingin mo?" sabi ko at tinalikuran siya. Kunwari, nagtatampo raw.

"Eee! Sorry na Guevarra! Sorry na! Sorry na, Lance Guevarra ko."

"Tss. Sinasagot mo na ako niyan?"

Nahihiya siyang tumango habang nakatingin sa mga paa namin. "Halika ka nga dito, kanai ko!"

Hinila ko siya at niyakap nang mahigpit. Tss. Aia Cruz is my real owner. Nobody owns me, but Aia. Only Aia. And in return, I am her real owner. Nobody owns Aia, but me. Lance Guevarra owns Aia Cruz.

"Neh Guevarra, ano ba 'yang kanai na 'yan?"

"Tss. Ano bang tawag mo sa asawa ng isang lalaki?"

"Uh, misis? Wife?"

"Oh, 'yun naman pala eh. Tara na nga, gagawa pa tayo ng mga babies natin, Mrs. Lance Guevarra."

"Puro ka kalokohan, Guevarra ko," sabi niya at saka kumindat. That's my kanai. That's my Aia Cruz.

~END~

---

Nauna na po ang kadaldalan ko.

P.S. Sa lahat ng mga naglagay ng story kong to sa kanilang reading list (kung meron man), maraming salamat po! Hindi ko na kailangan pang isa-isahin kayo! Salamat ulet! *kisses*


Continue Reading

You'll Also Like

171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
10.6M 570K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."