I Heart You, Lamok! (Two-Shot...

By itsateshai

69.2K 2.2K 339

❝ Nang dahil sa lamok, nagkaaminan sila... ❞ More

That's My Aia Cruz...

I Heart You, Lamok! { 2 - S H O T S }

49.8K 1K 182
By itsateshai

Dedicated to Ms. Mierj, a.k.a Ms. MAGANDA AKO. Sana po magustuhan niyo ulet, though nagustuhan niyo naman po talaga. Ang haba nga po ng comment, deva? Haha. Lovelots!

---

Naglalakad ako sa corridor nang may biglang tumawag sa pangalan kong ubod nang rikit. Pero, sino naman kaya iyon?

"Aia! Aia!" sigaw nito.

Tumingin ako sa likod at nakita ko ang isang prinsipeng hingal na hingal. Ang gwapo niya talaga kahit pawisan siya nang dahil sa basketball training niya. Pero hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Aia Cruz at iyong prinsipeng tinutukoy ko ay si Lance Daniel Guevarra, ang ultimate crush ko. Mabait siya sa akin at sa iba pang mag-aaral kaya hinahangaan din siya ng iba pang mga estudyante.

"O bakit naman?" tanong ko pagkarating niya sa harap ko.

Hindi ninyo naitatanong pero close kami sa isa't isa. Kaklase ko siya simula noong first year high school kaya hindi na maikakaila ang closeness namin sa isa't isa. At ito ang malupit, seatmate ko pa siya, kaya naman lagi akong inspired, eh. At saka libreng sulyap na rin kahit papaano.

"Samahan mo naman ako doon sa gym mamaya," saad niya habang nagpupunas ng pawis.

"B-bakit naman?" nauutal kong tanong.

Kailangan talagang mautal? Saan ang utak mo, teh? Lutang lang? Paano naman ako hindi mauutal eh nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata. Hindi kaya gusto na rin niya ako? Sige Aia, mag-assume ka lang. Wala naman pumipigil sa'yo eh.

"Tulungan mo akong dalhin iyong mga jersey at iba ko pang mga gamit sa basketball trainings. Masyado kasing marami eh," sabi niya sabay hawak sa batok.

Aaawtsuu. It hurts, men. Kita niyo 'yun oh. Ginawa ba naman akong muchacha? Ganyan talaga siya lalo na sa akin. Yaya ang turing sa akin eh. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-rami ng mga lalaki sa mundo, siya pa 'tong naging crush ko.

"Ay, ginawa akong uripon? Ambad ni Guevarra," sabi ko.

"Sige na. Friends naman tayo, diba?" sabi naman niya with matching sparkling eyes pa.

"Sige na nga. Basta ilibre mo ako ng siomai sa Chowking," ganti ko naman.

"Kung gusto mo, may beef chao fan pa. Chalamat Aia! The best ka talaga, eno!" sabi niya at naglakad na rin papunta sa shower room. Hay naku Guevarra, lalo ata akong naiinlababo sa'yo.

Nakakainis talaga siya kasi naman, palagi na lang siyang ganoon. Pero ayos na rin, atleast makakasama at makakasabay ko siyang umuwi mamaya. Malapit lang kasi sa bahay namin 'yung bahay nila. Mga five blocks away lang. Pumunta na ako sa classroom at nadatnan kong nagme-make-up si Marcia.

"Gurl, sabay tayo mamaya ah. Bili tayo ng bagong make-up at gloss. Paubos na kasi 'yung supply ko eh," sabi niya habang naglalagay ng eye shadow at nakaharap sa salamin.

Adik din sa make-up 'tong babaitang 'to ah. Parang mamamatay siya kung wala siyang make-up. Sa pagkakaalam ko, kabibili lang niya ng make-up last week. Nilalagyan niya ata ng make-up ang buong katawan niya. Really?! Embalsamo lang?!

"Eh may lakad din ako mamaya eh," sabi ko at naupo na rin.

"Saan naman, gurl?" tanong niya habang nakaharap pa rin sa salamin.

"Sa puso ni Guevarra. Ah este, sasamahan ko si Guevarra," sabi ko.

"Date?" pang-iintriga niya.

"Hindi noh. Personal alipin lang. Ang sama ng mokong na 'yun eh. Ginawa akong utusan," sagot ko tsaka ngumuso.

"Mahal mo naman eh," aniya.

"Anong mahal?!"

Pagtingin ko, si Guevarra nga. Hindi niya pwedeng malamang crush ko siya baka kasi iwasan at itaboy niya rin ako. "yung mga babae kasing nagsasabi ng affection sa kanya, iniiwasan at itinataboy niya. Ayokong mangyari 'yun noh. Tsaka okay na rin kahit friends lang kami basta pansinin niya ako.

"Hoy ikaw Aia ah. May mahal ka na pala, hindi mo man lang sinabi. Sabihin mo sa akin kung sino 'yun nang mabatukan ko," natatawang saad niya.

"Hah?! B-Bakit mo naman siya babatukan?" tanong ko.

"Tss. Basta. Akin na lang 'yun noh. Basta, kita tayo mamaya," sabi niya at naupo na rin sa upuan niya.

Abnormal talaga 'yung balut na 'yun. Immature kasi siya minsan, pero parating inaatake ng kaabnoyan. Eh di ibig sabihin, babatukan niya 'yung sarili niya? Ganap na talaga siyang under-developed duck egg.  Pero teka, bakit naman niya babatukan? Ang weird ng balut na 'yun ngayong araw ah.

Uwian na nga at pumunta na ako sa gym dahil sa utos ng mahal na prinsipeng balut. Pagkarating ko doon, nadatnan ko lang siya na nakaupo sa bleachers at nakayuko. Nagsasalamin ba 'yun sa sapatos niyang ubod nang kintab? Siya na ang mayaman.

"Guevarra! Nandito na akech!" sigaw ko.

Napatingin naman siya at ngumiti. Nasilayan ko ulit ang mga ngiti niyang 'yun, ang mga ngiting bumighani sa aking puso. Naglakad siya papalapit sa akin. Bakit parang slow motion ang kanyang paglalakad? Tapos may glitters at sparkles sa likuran niya? Tapos parang may mga rose petals na nahuhulog mula sa itaas? At parang may tumutugtog na violin? Aish! Confirmed! Crazy frog na ako!

"Buti na lang at dumating ka. Akala ko, pupuntahan mo na 'yung mahal mo," sabi niya at ngumiti nang mapakla.

Eh ano naman ngayon kung pupuntahan ko 'yung mahal ko? Iyan ang tanong na tumatakbo ngayon sa aking isipan. Ano namang pakialam niya? Hindi kaya, selos siya? Ay teh, wag assuming. Maasar nga.

"Selos ka na? Ayiiiie! Selos si Guevarra!" pang-aasar ko.

Inaasar ko siya kasi 'yung itsura niya, parang nawalan ng sampung milyong piso. Nakakatawa talaga 'yung itsura niya kaya nagpipigil na lang ako ng tawa baka kasi ihampas pa niya doon sa railings ng bleachers 'yung mukha ko. Sayang ang fezlak!

"Shut up," malamig niyang sabi.

Masama 'yung mga tingin niya sa akin. Sorry na lang pero wa epeks sa akin 'yang mga death glare na ganyan.

"Selos ka noh? Selos si Guevarra! Selos si Guevarra sa mahal ko!"

Malay natin, mag-chill lang kaso walang epekto eh. Naka-death glare lang siya sa akin.

"Selos. Si. Guevarra! Selos si Guevarra! Sino ulit 'yung nagseselos sa mahal ni Aia? Si Lance Guevarra!"

"Shut up, or I'll kiss you."

Sinamaan niya ulit ako ng tingin. This time, nakakatakot na talaga. Para siyang handa nang sumaksak, kaya tumahimik na lang ako baka kasi tuluyan na niya akong masaksak. Dinala ko 'yung bag niya at siya naman doon sa mga bola.

Maya-maya, tinignan niya ako ng isang nakakalusaw na tingin. Waah! Nag-uumpisa na atang malusaw 'yung katawan ko. Parang awa mo na Guevarra, wag mo akong titigan nang ganyan. Binitiwan niya 'yung mga hawak niyang bola at saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"B-Bakit?"

"Don't speak."

Inilapit niya 'yung mukha niya sa mukha ko tapos...

Tapos...

Tapos...

Tapos...

O___o

Hinalikan niya ako sa aking mga labi. Ang first kiss ko, nagilitan na sa leeg. Huhuhu. Maya-maya pa'y inalis na rin niya ang pagkakahalik niya sa akin. Ako naman, startled pa rin. Hindi ko inaakala na ang crush ko ang magiging first kiss ko. Parang bumilis bigla 'yung tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kanya at nag-iwas lang siya ng tingin.

"K-Kasi, ano, m-may, ah lamok. Tama, may l-lamok nga. M-May lamok kasi diyan sa l-abi mo k-kaya ginawa ko 'yun. At saka, eh, m-marumi kasi 'tong k-kamay ko," nauutal niyang sabi habang namumula.

Teka lang, nautal ba talaga siya? First time niyang mautal sa akin ah. Weird~

"G-Ganoon? Okay."

Awkward. Naglakad lang kami palabas ng gym. Naglakad na rin kami pauwi. Tahimik lang. Walang imikan. Dahil sa lamok, nahalikan ako ni Lance sa lips. Ewan ko kung magsasaya ako o mandidiri.

"Ah, Aia..."

"B-bakit?"

"Sino ba 'yung m-mahal mo?"

"Hah? W-Wala noh. Wag mo na lang 'yung pansinin."

"Ah, Aia..."

"Hmmm..."

"May lamok!"

Pagkasabi niya noon, hinalikan na naman niya ako sa labi. First kiss ko siya, pati ba naman second kiss, siya pa rin? Pesteng lamok naman 'yan eh. Sa dami ng labi na pwede niyang dapuan, sa labi ko pa talaga? Ano bang meron sa labi ko na wala sa labi ng iba? Ang choosy ng mosquito ah. Mamaya, may dengue pala 'yung lamok na 'yun. Kadiri talaga. Tapos inalis na niya 'yung pagkakahalik niya sa akin at bumulong sa tapat ng tenga ko.

...

...

...

"I like you."

At hinalikan niya ulit ako. Pero ngayon, sa cheeks lang. Napangiti naman daw ako sa sinabi niya. Gusto daw niya ako eh. Hay naku Guevarra, pinapakilig mo na naman ako.

"May lamok na naman ba?"

"Uhm, I guess so," sabi niya habang nakangiti at nakahawak sa batok.

Naglakad na lang kami pauwi. Ang weird ng araw na ito. Nang dahil daw sa lamok, nasabi niya ang kanyang nararamdaman para sa akin.

At isa lang ako masasabi ko...

...

I HEART YOU, LAMOK!

~END~

---

This story is reposted. Sana magustuhan niyo. Feedbacks, aight? Abangan niyo ang second part na POV naman ni Guevarra, my loves!

TeeHee!

Lovesy-lotsy!

Ciaooo~

Continue Reading

You'll Also Like

391K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
47.6K 3.5K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...