My Playlist

By IzaBagamasbad

588 25 10

"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent." ---Victor Hugo. Th... More

Statue by Lil Eddie
Teardrops on my guitar by Taylor Swift

Stronger by Britney Spears

145 8 4
By IzaBagamasbad

Stronger

Britt's POV

"Britt, you're crying again. Hanggang kailan mo ba iiyakan yung gago mong ex? Ha?" Mia scolded me. I know. I'm so weak. 

"Mia, you can under--"

"I can't understand? BRITT NAMAN! Ako pa ang hindi nakakaintindi sayo? Hindi ba kita pinagsasabihan? Hindi ba kita pinagdadamayan sa pag iyak mo? Hindi ba ako nakikinig sa mga kwento mo? HINDI BA KITA SINASAMAHAN AT PINAPATAHAN? Ako pa ang hindi makaintindi? Tsaka mo nalang ako kausapin kapag maayos ka na." Mangiyak ngiyak na sabi niya. Agad akong napatingin sa kanya. Naglakad na siya palayo...Wala na siya...Iniwan na ako ng bestfriend ko.

Umiyak lang ako ng umiyak sa bench. 

Kenneth, what I have done for you to end our relationship?

I thought, you love me....very much.

Andito lang ako sa may field, tinitingnan siya, sa malayo. Ang saya saya niya. Samantalang ako, hindi parin makapagmove-on at nagdurusa mag isa. Ganun na lang ba yun? Pag sawa ka na, break na agad? Wala manlang explanation? Diba may karapatan akong malaman yung rason niya?

Bakit ganon?

Diba, dapat ako yung may karapatang makipagbreak dahil ako ang niligawan niya?

Niligawan niya ako dahil gusto niya ako. 3 years na siyang nanligaw sa akin at talagang pinagsumikapan niyang makuha ang matamis kong oo, pero bakit ganon? Siya pa ang nakipagbreak sakin?

Ang tigas naman ng mukha niya!

Siya, halatang nakamoved on na agad. Ako, umiiyak parin at patuloy na binabalikan ang kahapon. Am I not enough?

Ano pa ba ang hanap niya? Maganda? Matalino? Maputi? Makinis? Sexy? Matangkad?

Alam ko wala ako niyan. Talino lang ang maipagmamalaki ko.

Pero ano naman ang laban ng maganda sa matalino diba? What is beauty if your brain is empty? What is beauty if your attitude is not pretty?

Yan ang hindi ko maintinndihan sa mga lalaki. Ang bilis nilang magsawa. Bakit, ang babae ba, parang damit? Itatapon nalang pag may bago ng uso? Ang galing naman niya!

Sinasabi ko na nga ba, dapat hindi nalang ako nakinig kay Mia. Una palang, hindi niya na gusto ang ugali ni Kenneth. Pero anong magagawa ko? Tinamaan na talaga ako ni Kupido eh.

Pero ano ba ang nagawa kong mali para makaranas ng ganito? First heartbreak ko to eh. FIRST HEARTBREAK! Masakit eh. Masakit na masakit. Lalong lalo na kapag nakikita mo siya na masaya at parang nakalimutan na ang lahat.

Sana, magkaamnesia nalang ako. Walang ng sakit, wala ng alala. Kaya lang hindi eh. Hindi pupwede yung hihiling ka, matutupad agad. Kailangan ko lang tumayo mula sa pagkakadapa at tumingala na parang walang nangyari.

Kailangan kong umalis sa nakaraan at mag move forward.

Pero kailangan ko ng panahon para makapag move on.

*****

Ilang araw ko ng tinry na kausapin ang bestfriend ko pero palagi siyang umiiwas. Hindi niya din sinasagot yung mga texts at tawag ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil si Kenneth lagi ang iniisip ko. Sarili kong bestfriend, napabayaan ko na.

Nandito ako ngayon sa school. Recess time na namin pero nandito ako sa rooftop. Gusto ko kasing makapag isip isip muna. Gusto kong mag isip kung paano ako makakapag move kay Kenneth. 

Narealize ko lately na hindi ko na pala siya mahal. Sadyang nasaktan lang ang ego ko kaya masyado kong dinamdam. Pinagkatiwalaan ko siya pero ginago niya ako. Hindi ko alam kung nagchi-cheat na siya sakin habang may relasyon pa kami.

Nasaktan lang ako ng sobra. 

Nang dahil sa kanya, hindi ko na magawang magtiwala ulit. Nang dahil sa kanya, malaki ang naging galit ko sa mga lalaki. Oo, nlahat ko sila. Wala kayong magagawa dahil nasaktan ako ng sobra. Yung puso ko, tinapaktapakan, sinaksak at iniwang wasak na wasak.

Ayoko ng magtiwala ulit. At lalong lalo na, ayoko nang magmahal muli.

Nagulat nalang ako ng may biglang pumasok sa rooftop. Teka.....

"MIA!" Tawag ko sa kanya. Nakatigil siya pero nakatalikod siya sakin at nakayuko.

"Bestfriend..." Mangiyak ngiyak na sabi ko. Unti unti siyang humarap sakin at napansin kong naluluha narin siya. Nagulat nalang ako bigla ng tumakbo siya para yakapin ako. Nakatanggap pa nga ako ng batok mula sa kanya eh.

"Bwisit kang babaita ka. Ano, nakamove on ka na ba?" Tanong niya agad. Dahan dahan akong umiling. Bumuntong hininga siya tsaka ako niyayang umupo sa bench.

"Ano bang plano mo?" Tanong niya.

"Plano kong magmove on."

"Aba, dapat lang. Ang lalaking tilad niya, hindi dapat iniiyakan."

"Pano ba ako makakapag move on?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin kami sa kawalan. Para bang pareho kaming nag iisip kung ano yung gagawin ko para makapag move on.

"Teka, may mga nababasa ako sa wattpad eh." Sabi niya habang nakalagay ang daliri niya sa baba niya na parang nag iisip.

"Ano naman yun?"

"Paraan kung paano ka makakapag move on!" Masayang sabi niya.

*****

As I walk confidently to my room, maraming studyante ang napanganga. Oo, napanganga talaga. Well, sino nga ba ang di mag aakalang nakapag move on na ako? YES. I've move on. I'm not stucked in the past.

Napansin ko si Kenneth na namumugto ang mata at malaki ang eyebags. Namumutla siya. Para bang ilang araw na siyang walang tulog. Well, the hell I care.

Sinabi sakin ni Mia na kapag maglalakad ako, dapat stomach in, chest out and dont forget to raise your chin up! She taught me how to look presentable. She taught me kung paano ko aayusin ang sarili ko. Yes, I changed my physical looks. Thanks to Kenneth, hindi ko akalain maganda pala ako. Kundi dahil sa kanya, baka forever pangit na ako.

Being broken can change people. Love can change everything. 

Hindi na ako yung dating Britt na mabait. Yung mabait na inaabuso ng mga tao. Hindi na ako yung Britt na mapagpasensya. Yung kahit nakakainis na, hindi ko nalang pinapansin. Hindi na ako yung Britt na madaling magpatawad. Yung palaging nagbibigay ng second chances sa tao na hindi naman deserve.

Hindi na ako si Britt na nagpaloko noon. Hindi na ako si Britt na mahina at sinaktan noon.

Dahil ako na si Britt na matapang na ngayon.

Akala ko, hindi na ako makakapag move on. Akala ko, iiyak nalang ako forever. Pero narealize ko, tama bang pabayaan ko ang sarili ko? Tama bang kalimutan ko ang mga tao sa paligid ko? 

Hindi porket nasaktan ka, papabayaan mo nalang ang sarili mo. Marami pa namang lalaki diyan eh. Pero hindi ko pa nasisigurado kung kaya ko pang magmahal ulit.

*Beep Beep*

Nagulat ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko. at mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan niya.

From:Ken

Britt, I want you back...I still love you.

Nag init ang ulo ko sa nabasa ko. The heck?! Matapos kong mag move on ng ilang weeks, magtetext siya at sasabihin yan?! Nakakagago talaga eh! He's the one who broke up with me then he's saying that he still loves me?! 

To:Ken

I'm sorry but I don't love you anymore. You can't have me back. You had me once, but you just wasted your chance. You broke my heart into pieces. But still, I want to thank you that because of you, I had the chance to change myself into a strong person who can't be fooled by love anymore. You worked so hard to get me just to let me go. It's your loss Ken, not mine.-Send.

I'm Britt, a strong person who can't be fooled again by love.

And I'm stronger now than yesterday.

*****

Ness' NOTE: New one shot eh? Para sa mga broken hearted dyan oh! Para sa mga sawi sa pag ibig at patuloy na naghahanap ng the one nila. Para sa mga niloko at nagmomove on. :) Sana may matutunan kayo. By the way, the title came from Britney's song. Actually, she's my idol since I was young. :D

Continue Reading

You'll Also Like

17.6K 195 14
[CLOSED FOR REQUESTS] Collection of one-shot song inspired stories....Happy listening!!!! ^___^
5.1K 528 94
" Kung makaiyak ka, para kang namatayan! Iniiyakan mo ni hindi mo jowa! " Yan ang madalas na naririnig ko sa mga kaibigan ko. Aminin mo, kahit crus...
5K 172 16
I just want to try a shot story hehe.. i'm not good to do a shot story but i hope you will enjoy this. :"> And this story was base on a true story...
5K 18 31
One shot...... ............. ....collection..... ....................... ..stories....
Wattpad App - Unlock exclusive features