Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 124

892K 34.2K 13.6K
By eatmore2behappy

Kit...

Jay-jay's POV

"Hindi ba pupunta si Ci-N dito?" Tanung ni Lola sakin.

"Hindi po..."

Dama kong miss ni Lola si Ci-N. Ako din naman miss ko na sya. Ilang araw na kasi syang hindi nagpupunta dito. Buti sana kung nagtetext sya sakin o tumatawag pero hindi eh.

Nung mismong araw ng pasko bigla nalang tumawag sakin yung Kuya nya. Galit na galit sakin at sinabihan akong pauwiin si Ci.

Ayaw daw ng gulo ni Ci-N kaya umuwi nalang sya. Sabi nya tatawag daw sya agad kapag nakauwi na sya pero hindi nya ginawa.

Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala.

Anu na nangyari sayo Ci-N?

Gusto ko sana sya puntahan pero baka magpang-abot kami ng Kuya nya at nag-away pa kami. Iiwas nalang ako, kesa magkagulo.

Narinig kong tumunog yung cellphone ko. Akala ko si Ci-N kaya nagmadali pa ko sa pagkuha nun pero iba pala yung tumatawag.

Si Eren...

"Hello?"

["Jay-jay"] Mahinang tawag sakin ni Eren.

"Bakit? May kailangan ka?"

Dinig ko sa kabilang linya na parang nagkakagulo. Naririnig ko pa na may nag-aaway tapos parang may naglalakad na padabog.

"...Ang ingay ata, asan kaba?" Dagdag kong tanung.

["Andito ako kila Kit... May problema kasi." Huminga sya ng malalim. "...p-pwede kabang pumunta dito?"]

Naguguluhan ako sa nangyayari. Idagdag pang ang ingay-ingay sa side ni Eren. Parang may kolisyon na hindi ko maintindihan.

"Bakit?"

["Hindi ko na kasi alam kung sinong lalapitan. Kailangan ni Kit ng tulong ngayon eh."]

Nakaramdam ako ng pag-aalala. Hindi nagsasabi ng problema si Kit o si Eren. Kung tinawagan na nila ko ng dahil dun, ibig sabihin mabigat ang kinakaharap nila.

"S-sige... Papunta na ko."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Eren. Pinatay ko na agad ang tawag. Nag-paalam ako kay Lola bago dumiretso sa kwarto para magbihis.

"Alis na po ako La... Kayo nalang po bahala magsabi kila Tita." Sabi ko at nag-nod naman sakin si Lola.

Lumabas ako ng bahay at agad na tumakbo papunta sa kanto. Buti nalang at maraming taxi na nagkalat nayon, hindi ako nahirapang sumakay.

Sinabi ko agad yung address nila Kit. Minsan palang ako napunta sa bahay nila pero natatandaan ko pa naman kahit papanu.

Dahil sa traffic feeling ko aabutin ako ng syam-syam sa byahe. Sumasakit ang ulo ko sa ingay ng nga busina nila. Akala naman nila, aandar ang sasakyan sa harap nila kung bubusina sila ng bubusina.

Sige! busina pa!

Nakarating naman ako ng matiwasay sa bahay nila Kit. Nakaabang na sakin si Eren sa gate pa lang ng bahay.

"Eren..." Tawag ko sa kanya. "...Anu'ng nangyari?"

Hinawakan ako ni Eren sa braso at bahagya'ng nilayo sa bahay nila Kit. Tumingin muna sya sa gate sandali bago nagsalita.

"Jay... Pwede kabang magpanggap na girlfriend ni Kit?" Dire-diretsong paki-usap nya.

Hm?!

"A-anu?! Ayoko nga!" Mabilis kong sagot.

"Sige na... Jay... Please... Kailangan lang ni Kit." Paki-usap nya.

"Ayoko nga! Tigilan mo nga ako Eren."

"Jay... Sige na... Baka hindi na lumabas ng kwarto si Kit. Ilang araw na syang hindi kumakain ng maayos."

Natigilan ako sa sinabi nya. Anu'ng connect ng pagpapanggap kong girlfriend nya sa hindi paglabas ni Kit sa kwarto?

"Ipaliwanag mo muna sakin kung anu nangyari." Utos ko sa kanya.

Tumingin ulit si Eren sa bahay bago humarap sakin at kausapin ako. Napahawak pa sya sa sintido nya at huminga ng malalim.

"Okay... Okay... Satin-satin nalang muna to ah?"

Nag-nod ako sa kanya bilang pag-sang-ayon.

"Si Kit kasi... A-anu... Hindi kasi dapat sakin manggagaling to eh!" Sabi nya sabay kamot sa ulo.

"Kung hindi mo sasabihin agad, aalis na ko." Bored na sabi ko sa kanya.

Napakatagal kasi, pa-thrill pa masyado.

"Eto na... Anu kasi... Haaiizt!" Huminga ulit sya ng malalim. "...B-bakla kasi si Kit."

Loading.....

Hindi ko alam kung dapat kong ihilera sa super shocking moment yung sinabi ni Eren o moderate lang. May hinala naman na ako nuon pa, pero syempre hindi ko alam kung totoo nga yun.

"Jay? Nagets mo ba yung sinabi ko?" Tanung nya sakin.

Napag-appear ko nalang ang kamay ko. "Tama ang hinala ko!" Sigaw ko.

Agad akong sinenyasan ni Eren na tumahimik at sumilip ulit sya sa bahay.

"Hinala?" Tanung nya sakin.

"Nakita ko sila nung Festival, sila ni Mayo. Tapos nakita ko din picture nila sa cellphone mo." Paliwanag ko.

Kinuha ni Eren ang phone nya at tinignan yung picture na sinasabi ko.

"Kung bakla nga si Kit, anung problema? Anung connect nun sa hindi nya paglabas ng kwarto?"

Napahimas ng batok si Eren. "Sinabi nya yung totoo sa pamilya nya pero hindi naging maganda yung reaksyon nila. Nagkagulo, kaya kesa masira sila, hindi nalang masyadong nagpapakita si Kit sa Papa nya. Yun nga lang, lumala na ngayon. Hindi na sya lumalabas ng kwarto kahit nung pasko."

Tsk! Mas malala pa pala to sa iniisip ko. Hindi kasi halata kay Kit na meron syang problema'ng ganun.

"Bakit gusto mo kong magpanggap na girlfriend nya?"

"Para sana matapos na yung usap. Sasabihin nalang sana natin na hindi seryoso si Kit dun, na sinusubukan lang nya yung tiwala nila at lalaki talaga sya at ikaw ang patunay." Paliwanag nya.

Pero hindi ganun yun. Lalu lang mahihirapan sa sitwasyon si Kit kapag nagkataon

"Sa tingin ko hindi yan ang solusyon."

"Anung solusyon?"

"Hindi ko alam... Pero mas mabuti kung kausapin natin si Kit." Sohestyon ko.

"Hindi kasi ganun kadali yun... Ayaw makipag-usap samin ni Kit. Galit din sakin yun."

"Bakit?"

"Naalala mo yung away namin ni Mayo? Nasundan pa yun, nung next day after ng christmas party."

Nagsalubong ang kilay ko kasabay ng pagkadismaya.

"Anu na naman?! Bakit na naman kayo nag-away?"

Napakamot na sya ng ulo. Napaka-haba kasi ng usap nila sa totoo lang. Sumasakit na rin ang ulo ko.

"Matagal ko na kasing alam ang sitwasyon nila----na suportado ko naman----pero itong si Mayo'ng seloso feeling may something kami ni Kit... hellow?! Tunay na lalaki to!"

Medyo natawa pa ko sa reaksyon nya. Alam ko naman na tunay na lalaki sya. Kahiya naman sa dala-dalawa'ng girlfriend. Pero hanga ako sa kanya kahit bakla ang bestfriend/kinakapatid nya, suportahan taka pa rin ang peg nya.

"Yun ba yung reason kung bakit ka nya sinuntok sa classroom non?" Tanung ko.

"Oo, tsaka inaasar ko sya. Sabi ko bibigyan ko ng chicks si Kit na akala nya totoo."

Kaya naman pala. Medyo pikon pa naman ang impakto na yun. Muntik na rin kaming mag-away dati nun dahil lang sa asaran.

"Siguro mas maganda kung kausapin na natin si Kit." Sabi ko na sinang-ayunan naman nya.

Pumasok kami sa loob, hindi pa man din kami nakakatungtong sa loob dinig ko na ang sigawan ng mga tao.

Huminto sila ng agawin ni Eren ang atensyon nila. Sandali akong nagpakilala at dumiretso na kami sa kwarto ni Kit.

Maganda rin yung bahay nila. May kalakihan at halata'ng may kaya sa buhay.

Huminto kami sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kit. Kumatok ako at pinakinggan kung nay magsasalita pero naging tahimik sa loob.

"Kit... Si Jay-jay to. Pwede ba tayong mag-usap?" Tanung ko. Wala pa ring nagsasalita o gumagawa ng ingay. "...Pwede kang magsabi sakin. Kilala mo naman ako diba?"

May narinig kaming tumunog na bagay sa loob tapos ay yabag ng papa na papalapit sa pinto. Narinig ko pa yung tunog ng doorknob at bahagya'ng bumukas ang pinto.

Papasok na sana si Eren pero sinenyasan ko sya na ako nalang. Nag-nod naman sya at hinayaan akong pumasok sa loob.

Sinara ko yung pinto at sobrang dilim ng kwarto nya. Tanging monitor lang ng laptop nya yung nagbibigay liwanag.

Nakita ko si Kit na naka-upo sa sahig sa tabi ng kama nya. Naupo din ako dun at tinabihan sya.

"Kamusta? Hindi ka daw lumalabas." Panimula ko.

Hindi sya nagsalita pero dinig ko ang malalim na paghinga nya. Hanggang sa bigla nalang syang humikbi.

"Jay... Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi nya at pilit pinipigil ang pag-iyak.

"Sige lang... Iiyak mo lang yan." Sabi habang hinihimas sya sa likod.

"Lalaki talaga ako... Hindi ko alam kung anung nangyari... Basta bigla nalang akong nagising na may mali na sakin." Huminga sya ng malalim at pinunasan ang luha. Ibinigay ko na din sa kanya yung panyo'ng dala-dala ko. "...Inalam ko kung anu yun pero wala, basta nararamdaman ko lang sya... Hanggang sa nakilala ko si Mayo... Magkakasama lang kami palagi t-tapos... Hinalikan nya ko."

Sa totoo lang wala akong ideya sa nararamdaman ng mga kagaya ni Kit. Siguro kasi mas tuwid pa ko sa poste. Pero kahit ganun, dama ko na hirap na hirap sya.

"...Gumulo na yung lahat... Sinubukan ko syang layuan... Pinilit ko ring ayusin yung sarili ko... Lahat na ata ng away sinalihan ko pero ganun pa din..."

Naguguluhan ako. Gusto kong magtanung sa kanya pero alam kong hindi ito yung tama'ng oras para mang-intriga ako.

"...Makulit si Mayo... Ayaw nya kong tigilan... Hanggang sa nito ko nalang na-realize na... Nahuhulog na ko sa kanya..."

Huminga sya ng malalim at pilit pinunasan ang mga luha nya. Huminto sya sa pagsasalita. Sinandal din nya ang ulo nya sa kama sa liko namin.

"Kit..." Tawag ko sa kanya. "...Hindi naman solusyon sa problema mo yung pagkukulong dito eh."

"Eh anung gagawin ko? Lumabas at ipag-sigawan sa lahat na bakla ako?!" May halong inis ang boses nya.

"Tsk! Hindi ganun, hindi yun yung ibig kong sabihin."

"Naiintindihan ko Jay..." Halos pabulong nyang sabi.

Pareho kaming tumahimik. Tinignan ko yung paligid ng kwarto nya. Dahil sa sobrang dilim, bahagya lang nun ang nakikita ko.

Napatingin ako sa laptop nya. Panay kasi ang tunog nun. Mukang may email or chat sya.

"Si Mayo yan..." Sabi ni Kit.

"Bakit hindi mo sagutin?"

"Ayoko... Tsaka hiwalay na kami. Bakit ko pa sya kakausapin?"

Hiwalay?!

Hutang'na! Hindi kinaya ng pandinig ko yung salitang 'hiwalay'. Ibig sabihin----Holy cow kalabaw!

Ganito pala yung pakiramdam na malaman mo yung dalawang malapit sayo na inakala mong tunay na lalaki, eh may something pala!

Aarrggghhhh...

"Jay..." Tawag sakin ni Kit. "...pwede mo ba kong tulungan?"

"Anu yun? Gagawin ko hanga't kaya ko."

"Tulungan mo kong maging tunay na lalaki ulit." Sabi nya at bigla nalang inilapit ang labi nya sakin.

Halos mapahiga ako sa pagkabigla pero sa halip na tumigil tinuloy pa rin nya ang paglapit sakin.

"Kit! Wag!"








++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
541K 19.9K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...
4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
1.3M 54.8K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...