OPERATION: Make Ligaw to him

Par yashnii

21.8K 755 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... Plus

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Second Move
Third Move
Fourth Move
Fifth Move
Sixth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Eleventh Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-first Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fourth Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-eighth Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Twelfth Move

589 28 1
Par yashnii

C12: Date

"Handa ka na ba sa date niyo ni Carmeen?"

"Ma, how many times do I have to tell you that It's not a date!" Narinig ko siyang tumawa.

It's two in the afternoon at naghahanda na nga ako sa date- I mean, paglabas namin ni Carmeen! Yes, that's all it is. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni mama at inaasar ako simula nung umaga-- silang dalawa ni papa.

Hindi ko rin alam kung bakit pumayag ako na makipagdate- I mean yayayain siya! Yun lang. Ehem. As I was saying, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon... I dont know, it just seems that it's right to accompany her just for today. Besides, we're just going out. Maybe it's time to accept that she will always annoy me.

"Naku, nagpapagwapo ka pa. Alam mo namang sobra nang nahuhumaling sayo si Carmeen kaya hindi mo na kailangang gawin iyan." Hay naku po! Mukhang hindi talaga ako titigilan ni mama sa mga pang-aasar niya. Nangyari lang naman iyan nung dumating yung dalawang babae. Tsk, should I be happy kasi tumatawa si mama or should I worry for myself?

"Mama," nababagot kong sambit.

"Ikaw talaga Hazel, pabayaan mo na nga ang panganay natin. Alam na niya ang ginagawa niya." Katabi na pala ni mama si papa sa tapat ng pintuan ko.

Nakatapat kasi ako sa salamin habang inaayos ang aking polo. "Anak, goodluck sa date niyo." Ngumiti pa ng nakakaloko si papa.

"Hindi nga kasi kami magde-date!"

"Edi ano?" sabay nilang tanong.

"Wala!" sagot ko. "Lalabas lang kami. Yun lang..." It was like I'm trying to convince myself that we are just gonna go out. Hindi natanggal sa kanilang mukha ang ngisi.

"Hindi ba talaga? Dale, kalahating oras ka nang nakatayo sa harap ng salamin at nagpapalit ng damit," saad ni mama. Sa ano ba? Hindi ako mapakali sa mga ibang damit ko. They all look kinda preppy.

"Gwapo ka naman na anak. Ang kailangan mo lang gawin ay sumipot sa date niyo," nang-aasar naman na wika ni papa. Kanina pa talaga sila. Nagre-react sila na parang ngayon lang ako makikipagdate when infact I've done it many times with Honey.

"Hindi nga ako nagpapagwapo. I'm really not looking forward to this date, okay?" Sabihin niyo nga sakin, nagpapagwapo ba yung ginagawa ko? Hindi naman. Nag-aayos lang ako ng mabuti para ano... para... basta!

"Ma, nasaan yung pabango ko?" tanong ko habang naghahanap. Nasaan na kaya yun? I can't leave the house kapag hindi ko ginagamit iyon.

Narinig kong tumawa sila habang may binubulong. "Not really looking forward nga sa date nila." Hindi ko naintindihan dahil masyadong mahina saka naghahanap pa rin ako hanggang ngayon.

"Ayun!" Nahanap ko rin. Nasa drawer ko lang pala. I sprayed a little on myself as my parents looked at me meaningfully. Ano ba kasing problema nila sakin?

"Ready na akong umalis," paalam ko. Lumapit naman si mama sakin.

"Binata na ang anak ko," sabi niya habang sinusuri ang suot ko. Mukhang naluluha rin si mama. Okay?

"Ma..." suway ko.

"Okay, sorry. Sige na, pumunta ka na. Baka mamaya nyan mas mauna pa si Carmeen sa iyo. Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae. Goodluck sa date niyo." At tuluyan na silang umalis ng kwarto ko.

"For the last time, it's not a date!" sigaw ko at nakarinig ako ng tawa mula sa kanila.

Aish! Makaalis na nga lang dito at nang matapos na ang date- I mean, labas! Paglabas namin ni Carmeen. Tsk whatever.

I quickly hopped in my car and drove off. Magkikita kami sa mall. Ang sabi niya kasi sakin doon na lang kami magkita dahil ayaw niya daw magpahatid sa bahay nila. Makalat daw at magulo. Andami niya pang ginawang excuses para lang hindi ko siya sunduin sa bahay nila. Hindi na rin naman na ako nagtanong.

Wala rin akong idea kung anong gagawin namin o kung saan kami pupunta. Ang sabi niya lang, just expect the unexpected. Whatever that means. Meron kaya siyang plano? Ayaw niya naman kasing sabihin sa akin. I wonder what she's planning?

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa mall. I parked my car habang hinahanap siya and there I saw her standing on the doorway. She was wearing a simple floral dress that's above her knee. Her hair was straightly flowing as she moves around and I think she had put on light make-up. Mukhang pinaghandaan ang araw na ito.

Napansin kong panaka-nakang tumitingin siya sa kanyang cellphone. Hindi rin siya mapakali tapos nakita ko siyang parang nagta-type. Looks like she's been there for a while.

Suddenly my phone beeped. I took it off my pocket and opened the text.

'Saan ka na?'

Ako pala ang tinextan. Nagulat ako nang sunod-sunod na lang ang mga text niya sakin.

'Ang tagal mo'

'Uy'

'Hoy, ano ba? Bakit hindi ka nagrereply? Hindi ka na ba pupunta?'

'Sabihin mo lang sakin kung hindi tuloy. Papaalis pa lang naman ako ng bahay'

I want to laugh at her. Bakit ba siya natataranta? Ilang minutes lang naman akong late sa exact na oras na pagkikita namin. Mas lalo akong natawa sa last message niya. Nasa bahay pa lang pala ha?

Dahan-dahan akong naglakad sa likod niya para hindi niya mapansin ang presensya ko. Ibinulsa ko ang aking kamay bago nagsalita.

"Akala ko ba nasa bahay ka pa lang?" Napitlag siya at gulat na nakatingin sakin. Pinigilan kong tumawa sa kanyang reaksyon... para siyang nakakita ng multo.

"D-Dale." She looked at me from head to toe. "You look dashing!"

Tumikhim ako. "Thanks... ikaw din."

Nagtagal ang tingin niya sakin. Kumislap pa ang kanyang mata dahilan upang mapaiwas ako ng tingin. Masyadong cute sa paningin ko, hindi ko matagalan. Bakit ba hindi man lang siya mailang sakin?

Ibinulsa ko ang kamay ko. "Ano? Tititigan mo lang ako? Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Bigla na lang syang sumimangot sakin. "Wala ka man lang dalang flowers para sakin?"

Tumaas ang kilay ko. "Gawain lang iyon ng nanliligaw. Hindi naman kita nililigawan." Ngumuso na naman siya sakin.

"Fair enough," aniya at may dinukot sa loob ng backpack na dala niya. Nagulat ako nang makita ang bouquet of flowers na nilabas at inilahad niya sakin.

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanya samantalang siya ay nakangiti at hinihintay na tanggapin ko yung bulaklak. This is wrong on so many levels.

"Kunin mo na nga." Pilit niyang pinahawak sakin yung bulaklak tapos tumalikod sakin. Gulat pa rin akong nakatingin sa bulaklak. Sineryoso niya talaga ang panliligaw. First time kong makatanggap ng bulaklak mula sa babae... dahil hindi naman gawain ng babaeng magbigay ng bulaklak sa lalake. How does she keep on surprising me?

"Hoy, bakit ka ba tumalikod?" tanong ko. Ano na naman bang klaseng trip ito?

She turned around then she gasped while looking at the flowers that she gave me. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa aking mukha at sa bulaklak. She looks so pleased while seeing me with a bouquet of flowers.

"Dale! Binibigyan mo ako ng bulaklak? That's so sweet! You shouldn't have." Kinuha niya ang bulaklak mula sakin saka inamoy ito. Wait, what just happened?

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang nagbigay nyan." Ano bang trip ng babaeng ito? Binigyan ako ng bulaklak tapos biglang babawiin. Nagkukunwari pang hindi niya binigay sakin ang bulaklak para ano? Para ako ang magmukhang nagbigay?

"Nagbigay ng ano?" inosente niyang tanong.

"Ikaw ang nagbigay ng bulaklak na iyan." Tiningnan niya ang bulaklak tapos ibinalik ang tingin sakin na may halong pagtataka.

"Diba ikaw ang nagbigay? Hawak-hawak mo pa nga diba?" She gave me an innocent look again. Oh, I see what's going on here-- I was right. Sinimangutan ko siya nang ngumiti siya nang malawak. "Tara, kakain muna tayo bago ko ipakita sayo ang mga favorites ko."

Hinila na nga niya ako palabas at dumiretso sa gilid ng mall. Mga tatlong minuto kaming naglakad. Dinala niya ako sa mga maraming stalls habang ang mga upuan ay nasa gitna. Maraming tao roon at nagkakasiyahan silang tumambay dahil mayroon namang shade sa taas.

"Ano to?" tanong ko habang inililibot ang tingin.

"Foodcourt... looks cool, right? Tara dun tayo sa favorite stall ko." Sinundan ko siya sa paglalakad. Tumigil siya sa pangatlong stall at pinaupo ako habang siya naman ang nag-order. Hinayaan ko na lang dahil hindi ko rin naman alam.

What is this place? Hindi ko pa to napupuntahan. It's not neat-looking like the food court inside the mall. It's also crowded with people eating I don't know what.

"Niluluto pa lang yung isaw, hotdog, at barbecue. Ito muna ang kakainin natin." Inilapag niya ang tray and I saw some foods I am not familiar with.

"Ano yan?" Tiningnan ko ng mabuti 'yung nasa tray. Edible ba ang mga pagkaing ito? It looks weird at parang ayaw kong kainin.

"Ang tawag dito ay fishball," turo niya sa flat na color white. Sunod naman itinuro niya yung kulay orange na bilog. "Eto naman, kwek kwek, tapos ito kikiam. Try it, it's delicious." Nakangiti pa siya pero ako parang masusuka.

"Anong pagkain ang mga ito?" nasusukang sabi ko.

"Anak mayaman talaga," komento niya. Napataas ang isa kong kilay. "These are called street foods. Kain ka na."

"No, thank you. I'm not sure if that's even edible." Seriously, ang weird tingnan. Parang hindi talaga pagkain. I don't even wanna taste it. Bakit niya ba ako dinala dito?

"Ano bang pinagsasabi mo? Of course, it's edible." Kumuha siya ng stick at tinusok yung fishball. "Tikman mo..." Inawang niya sa bibig ko pero umiling ako. I don't really think I could eat that just to know if it's delicious.

"Baka may lason yan. Ayoko nga," tanggi ko. Inilayo niya naman at siya na ang sumubo. Tiningnan ko lang siya habang ngumunguya. Wala namang nangyayaring kung ano sa kanya... mukha pa siyang nasasarapan.

"It's not poisonous. Kung may lason nga ito edi sana lahat kami nakahilata na sa sahig." Napansin ko rin na may ibang kumakain ng gano'n. "Nagiging maarte ka na naman, honeybabes."

"I still disagree with that endearment..." Tumawa siya nang sumimangot ako. "Bakit mo ba ako dinala dito?"

I heard her sighed. "I told you to expect the unexpected, Dale. That means I'll take you to places you have never been before or eat foods you have never tasted... maybe even feel something that you have never felt before." Tumaas-baba ang kanyang kilay. "Alam ko rin na ganyan ang magiging reaksyon mo sa una. Come' on just try it. Sa tingin mo ba'y ipapahamak kita? I'm too smitten over you to think about that."

"Tsk..." Too honest! She's so sincere with everything that she says that it's making me feel uncomfortable.

Inabot niya sakin ang stick pero hindi ko kinuha. Ayoko talaga. Nakita kong inikot niya ang kanyang mata at tumusok ng fishball at isinawsaw sa sauce.

Inawang niya ulit sa bibig ko. I sighed. She is stubborn.

"Carmeen, I really don't like to eat that-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang isinubo sakin yung fishball. Wala akong choice kundi nguyain iyon samantalang mataman niya lang akong tiningnan.

I was ready to throw it up on the ground. Surprisingly, it tastes delicious, especially with the sweet sauce. "Masarap..."

"Ikaw lang naman ang nagsasabing hindi yan masarap." Kinuha ko yung stick sa kanya at tumusok ulit ng fishball. I dipped it into the sauce and ate it. It tastes even more delicious. "What about these?" turo ko dun sa kikiam at kwek-kwek.

"Try it." She gave me a smile and shove the dish infront of me.

Tumusok ako ng kikiam. Sinawsaw ko sa sauce at kinain. Masarap din siya. I can't believe ngayon lang ako nakakain ng ganito. My mouth is liking the flavor. Sinubukan ko na rin yung kwek kwek. Itlog pala ang nasa loob noon.

"Ano, satisfied ka na honeybabes? Masarap diba?"

"Stop calling me honeybabes." Hindi ko siya tiningnan at sunod-sunod na kumuha ng pagkain. It's so good. I've gotta tell this to Erik and the others. Hindi ito ang huling beses na pupunta ako dito.

Narinig ko siyang tumawa habang tumatayo. "Tingnan ko lang kung luto na yung isaw at hotdog."

"Okay."

Sumubo ako ng kikiam at sinundan siya ng tingin. She was smiling habang nakikipag-usap dun sa nag-iihaw na babae. Hindi ko naman marinig yung pinag-uusapan nila dahil nasa malayo sila.

As I looked at her, I noticed that she was not an ordinary girl. I was wrong. I didn't see her clearly enough to know that she was more than what I expected her to be. If only I can repay her affections. Pero mahal ko pa rin kasi si Honey. Hindi pa ako handang umibig ulit. This is just out of friendship.

But I gotta say, she is doing something I still cannot understand. Hindi ko alam kung ano o kung maganda ba ang kakalabasan. I just know that it'll have a big impact on me and I don't know If I would like it or not.

"Heto na! Try mo muna 'tong isaw, Dale. Sobrang sarap nyan, iyan ang pinaka-favorite ko na streetfood." Todo-ngiti pa siya habang inilalapag ang mga inihaw.

Nakatusok na sa stick yung isaw daw tapos parang kulot pa ito. I hope it's delicious rather than how it looks.

Nang makagat ko na ay nasarapan nga ako. Inubos ko ang isang stick at kumuha ulit ako ng isa. Andami niyang inorder para sa aming dalawa-- and my tastebuds are really on cloud nine. How come I've never tried this before?

"Ang sarap nito ah. Ano ba ito?" tanong ko habang sunod-sunod na kumuha. Ang sarap!

"Intestines yan ng manok." Bigla kong naibuga ang kinakain ko at pinunasan ang dila. What? Intestines ng manok?

Kaagad kong tinungga ang baso ng tubig habang nakita kong humahalakhak ang babaeng nasa aking harapan. Sinamaan ko siya nang tingin pero hindi niya iyon pinansin.

Indeed, she knows how to have to really knock me on my senses.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

431K 6.6K 63
"it seems like i stubbornly in love with that guy ..."- erika __________________________________________________ "just shut up , and let me protect y...
152K 754 5
(UNDER MAJOR REVISION) Heather Janelle Shin's life was controlled by her parents. She was force to marry a man she doesn't know and she doesn't even...
1.3M 15.2K 55
About a young married couple who did nothing but to tease each other! (Tagalog) (Under Revision) Contains Childish contents xD