I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.3M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 6

2.7M 64.8K 56.6K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 6]

NAGKATINGINAN kami ni Juanito at parehong natulala sa aming mga pamilya na narito na rin ngayon. 

"Ano ang ibig sabihin nito?!" matapang na saad ni Don Mariano habang nakatingin kay Juanito.  "Ipapaumanhin niyo po ama at Don Alejandro ngunit wala pong ibang ibig sabihin ito. Kami po ay naghahanap lang ng puno ng..." hindi na natapos ni Juanito ang sasabihin niya dahil nagsalita muli si Don Mariano.

"May iba pa bang ibig sabihin ang lihim niyong pagkikita ni Carmelita? Ganyan ba ang itinuro ko sa iyo Juanito?" sermon ng tatay niya. Halos tahimik lang ang lahat at nakatingin sa amin. Napatingin naman ako kay Madre Olivia, nakayuko lang din siya at bakas sa mukha niya na gustuhin man niya tumulong pero wala na siyang magagawa. 

Hindi nga pala normal sa panahong ito ang makitang magkasama ang isang babae at isang lalaki na silang dalawa lang. Napahawak ako sa aking noo, bakit ba hindi ko naisip 'yon agad? 

Ang bigat ng tensyon, kailangan ko makatakas sa sitwasyong 'to. Mabuti na lang dahil naalala ko ang palagi kong ginagawa kapag gusto kong tumakas sa sermon ni Dad. "A-aray! Parang nahihilo a-ako" saad ko saka nagkunwaring nawawalan ng balanse hanggang sa mawalan ng malay. Agad lumapit si Doña Soledad, Maria at Josefina para alalayan ako.

"Carmelita!" tawag ni Doña Soledad. Hinawakan niya ang mukha ko at tinapik nang marahan ang aking pisngi. Pinaypayan naman ako nina Maria at Josefina. "Gumising ka anak!" patuloy pa niya. Sinubukan na rin akong gisingin ng iba pero hindi ako susuko, hindi ko imumulat ang aking mata. 

Lumapit naman si Madre Olivia at hinipo ang noo at leeg ko. "Tiyak na pagod na si Carmelita. Mas makakabuti kung makakapagpahinga na siya" wika niya. Buti na lang na-gets agad ni Madre Olivia na ito ang escape plan ko.

"Marahil ay napagod siya sa mahabang paglalakbay at hanggang ngayon ay hindi pa pala kayo nakakapagpahinga" narinig kong sabi ni Maria. Gusto kong imulat ang mga mata ko at sabihing kami ngayon ni Juanito ang napahamak kakahanap sa kaniya. #FeelingBetrayed.

Napatikhim si Don Alejandro, "Mauna na kayong umuwi. Aming pag-uusapan ang hindi kaaya-ayang kilos ng dalawang batang ito" sinubukan kong silipin ang mga hitsura nila pero agad kong ipinikit ulit ang mga mata ko nang mapatingin sa akin si Juanito. 


MAINGAT na hinihilot ni Doña Soledad ang braso at kamay ko para raw mawala ang pamamanhid at dumaloy nang maayos ang aking dugo. "Caremlita, anak, huwag mong damdamin ang sinabi ng iyong ama kanina. Tiyak na nabigla lang din siya" saad niya, minabuti ko na magkaroon ng malay pagdating namin sa mansion ng pamilya Montecarlos. Hindi ko kayang magtulog-tulugan nang matagal.

Napatingin ako kay Doña Soledad. May pagkakahawig din siya kay mommy. Parehong mahaba at kulot ang kanilang buhok, maliit na ilong at payat na pangangatawan. "Ikaw ay hindi matitiis ng iyong ama. Mahal na mahal niya kayo, kaniyang gagawin ang lahat para sa inyong tatlo" patuloy niya. Napatulala na lang ako sa kisame. Parang ang weird dahil may nanay ako sa panahong 'to. Kahit papaano gusto ko ulit maranasan magkaroon ng mommy.

"Ilang buwan din kitang hindi nasilayan anak. Kumusta ang buhay sa Maynila?" ngiti niya saka tumingin sa akin. Napaisip tuloy ako, anong isasagot ko? Hindi ko naman alam kung anong mga nangyari sa buhay ni Carmelita sa Maynila. Alangan naman sabihin ko sa kaniya na may report kami kay Prof. Hermios bago ako mapunta sa panahong ito. 

Para akong malaking hibang na napangiti sa sarili. Nakatakas pala ako sa report dapat namin. "Okay lang naman" hindi ko namalayan na nasabi ko iyon habang nakangiti sa kisame. 

"Okey? Madalas bang gamitin ang salitang iyan sa Maynila?" nagtatakang tanong ni Doña Soledad dahilan para matauhan ako. Sinubukan kong ngumiti kahit halatang napipilitan lang. Tama nga si Madre Olivia, I should shut my mouth na.

"Ah. Okay parang ayos lang, mabuti naman. Parang gano'n... po" napalunok na lang ako. Hindi talaga ko sanay magsabi ng po at opo.

Napangiti na lang siya at hinimas muli ang aking buhok. "Sa paglipas pa ng ilang taon ay mas marami ka pang matutunan. Ikaw ay magiging alagad ka na rin ng Diyos" hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon nang marahan. 

"Nakapanghihinayang lang ang taglay mong ganda at kakayahan na maaari mong maibahagi kung magkakapamilya ka man ngunit mas mabuti na ring pagsilbihan mo ang simbahan" dagdag pa niya. Bakas sa mukha ni Doña Soledad na tutol siya sa pag-mamadre ni Carmelita. Napaisip tuloy ako, bakit ba mag-mamadre si Carmelita? Gusto niya tularan ang ate Josefina niya?

"O'siya, magpahinga ka na. Bukas na bukas din ay humingi ka ng tawad sa iyong ama" patuloy ni Doña Soledad. Ngumiti siya saka hinalikan ang noo ko. Inayos niya ang kumot ko at tumayo na saka lumabas sa kwarto. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Ito nga ang kwarto kung saan ako pinatulog ni Lola Carmina. Ito pala ang kwarto ni Carmelita!


"BINIBINING Carmelita, gumising na po kayo" narinig ko ang boses ng isang babae habang hinihila ang kumot ko.

"Jenny... Emily, leave me alone" reklamo ko saka hinila pabalik ang kumot.

"Binibini, si Theresita po ito" parang automatic na bumukas ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Ipinag-utos po ng inyong ina na gumising na kayo dahil mahuhuli na raw po kayo sa paunang misa sa bayan" gulat akong napalingon sa babaeng umaagaw ng kumot. 

Napakurap ako ng dalawang beses sa kaniya. Who the hell is this girl? 

"Binibini, nakahanda na rin po ang inyong pampaligo at kasuotan" ngiti niya sabay turo sa cabinet. Muli kong tiningnan ang babae, medyo singkit ang kaniyang mga mata, kayumanggi ang kulay ng balat at mahaba ang straight niyang buhok. Bakit parang ang bata niya pa?

Bumangon na ako, hindi ko akalain na nandito pa rin ako. 

Nagulat naman ako nang kunin niya ang damit at dali-daling bumalik sa'kin. "Akin na po ang damit niyo" saad niya. Napahawak ako sa suot kong mahabang bestida na kulay puti. Tutulungan niya ba akong magbihis? Kasama ba 'to sa job description niya?

"A-ako na lang. Gusto kong mapag-isa. Maliligo na ako at hintayin mo na lang ako sa labas" sabi ko. Ngumiti siya saka tumango. "Masusunod po, binibini"

"Sandali! Ilan taon ka nga pala ulit?" tanong ko. Hindi ko alam pero para kasing ang bata niya tingnan.

"Labingtatlong taong gulang na po ako, binibini" napaisip ako at nagbilang ng tagalog sa isip ko. Labingtatlo? Is that thirteen? 

"May kailangan pa po ba kayo, binibini?" umiling ako bilang tugon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa kwarto. Sa murang edad nagbabanat na ng buto ang mga kababaihan dito. When I was thirteen, puro facebook lang ang inaatupag ko. 


NAPATULALA ako sa kulay green na baro't saya. "Yan ang susuotin ko?" napakurap pa ako ng dalawang beses. Maganda naman ang damit na iyon kaya lang mukha akong halaman. 

"Opo, binibini" sagot ni Theresita sabay hawak sa balikat ko. Parang sanay na siyang tulungan magbihis si Carmelita. "A-ako na lang ulit, kaya ko namang magbihis mag-isa" saad ko pero parang napasimangot siya. Hindi ako sanay na may ibang taong nakatingin kapag nagbibihis ako.

"Hintayin mo na lang ulit ako sa labas" dagdag ko, napayuko naman si Theresita. "O'sige, tatawagin na lang kita kapag tapos na ako magbihis. Pwede mo na akong tulungan mag-make up"

"Meyk ap? Ipagpaumanhin niyo po binibini, ano po iyon?" napaisip uli ako nang malalim. Ano bang tagalog ng make up?

"Ah. Ang sabi ko, make up-putol ba ang tali sa dulo nito?" palusot ko sabay turo sa ribbon na nakalagay sa harap ng damit. 

"Mayroon po, binibini. Kukunin ko lang sa ibaba" nakangiti niyang sagot sabay takbo papalabas. Napaupo na lang ako sa upuan at pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harapan.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ako na ang babaeng nasa painting. Katawan ko pa ba 'to? Tiningnan ko sa salamin ang balat sa ibaba ng batok ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano ay katawan ko pa rin ito. 

"Binibini, ito na po!" nakangiting saad ni Theresita habang hawak ang kaputol na ribbon na kinuha niya. "Ito na rin po ang ilang kolerete na bagong bili ng inyong ina" patuloy niya saka inilapag isa-isa sa harapan ko ang maliliit na lagayan na may iba't ibang kulay. Napakurap ako ng dalawang beses. So, ito pala ang make up nila?


"CARMELITA, bakit ba kay tagal ng iyong paghahanda?" narinig kong sabi ni Maria, nakatayo siya ngayon sa pintuan. "Naiinip na si ina, tayo'y humayo na" dagdag pa niya. 

Mabilis din kaming nakarating sa bayan. Kung nasa year 2016 kami ngayon, siguradong na-stuck na kami sa traffic. 

Malaki at maganda ang simbahan ng San Alfonso. Marami ring tao kaya medyo mainit at kulob sa loob. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakapasok sa simbahan. Hindi kami pala-simba. Kapag lumalabas kami every sunday, sa mall at sinehan kami pumupunta. 

Nahagip ng mata ko si Juanito. Nasa kabilang helera siya ng mga upuan katabi ang mga magulang niya. Agad akong umiwas ng tingin nang mapatingin siya sa'kin. Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa misa.

Nang matapos ang misa, nauna na akong lumabas at naglakad pabalik sa kalesa namin. Mabagal naman ang lakad nina Doña Soledad, Josefina at Maria dahil kausap nila si Doña Juanita. 

Gusto ko na silang tawagin at madaliin sumakay sa kalesa dahil siguradong susunod si Juanito sa nanay niya. Maaabutan niya pa kami!

Dali-dali akong naglakad nang mabilis papalapit sa kanila. "Bakit? Tila ikaw ay nagmamadali, Carmelita" tanong ni Josefina. Napapikit na lang ako saka ibinulong sa kaniya ang magic word na siyang makakatulong sa sinuman para makatakas agad. 

Nanlaki ang mga mata ni Josefina, "Bakit?" tanong ni Maria, ibinulong naman sa kaniya ni Josefina ang sinabi ko. Napatingin na rin sa kanila sina Doña Juanita at Doña Soledad. Ibinulong ni Maria sa kaniya dahilan para tumingin ito sa akin. "Hindi mo na ba kayang pigilan, anak? " 

Tumango ako ng ilang ulit na para bang asong display sa kotse. Magpapaalam na sana si Doña Soledad kay Doña Juanita ngunit napatigil kaming lahat nang tawagin ni Doña Juanito si Juanito na kakalabas pa lang sa simbahan. 

Nakangiting lumapit sa amin si Juanito, kulang na lang ay magdugtong ang kilay ko sa inis dahil ito na nga ang sinasabi ko, ang tagal kasi nila mag-chikahan. Hindi tuloy ami agad nakaalis. 

"Magandang umaga po, Doña Soledad. At sa inyo mga binibini" bati ni Juanito habang nakangiti sabay tingin sa akin. Anong nginingiti-ngiti niya riyan?

"Ipagpaumanhin niyo na po Doña Juanita at Ginoong Juanito ngunit kailangan na po naming umalis" paalam ni Maria sabay tingin sa'kin. 

"Ngunit kakatapos lamang ng misa. Hindi ba kayo dadalo sa pagsasalo-salo mamaya?" nagtatakang tanong ni Doña Juanita. 

"Hindi na po kayang pigilan ni Carmelita, ibig na niyang magbawas" sagot ni Josefina. Na ikinagulat ko. Napatingin sa akin ang lahat na para bang tatae na ako sa harapan nila. 

Parang biglang naging malayo ako sa kanila habang paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang sinabi ni Josefina na nangangahulugang.

Natatae na siya. Natatae na siya. Natatae na siya.

Nagulat ako nang makita kung paano pigilan ni Juanito ang tawa niya. Kinurot naman ni Doñ Soledad si Josefina. Dali-daling tumakbo si Josefina pabalik sa kalesa. 


"NASAAN si Theresita? Bakit hindi natin siya kasama?" tanong ko. Nakatayo kami ngayon sa gilid ng kalsada. May prusisyon at parada na magaganap. Hindi na kami umuwi nang sabihin ko na hindi na ako natatae. Tutal napahiya naman na ako sa harapan nina Juanito at Doña Juanita. 

"Si Theresita? Ang ating tagapagsilbi?" tanong ni Maria. Wala ngayon si Josefina dahil sinama na siya ni Doña Soledad pauwi para magdasal. 

"Maaari siyang sumama kung ipagpapaalam mo siya kay ama o ina" tugon ni Maria. Nang matapos ang parada ay dinala ako ni Maria sa lugar kung saan marami ang nagtitinda ng kung anu-ano. 

Makukulay na damit, iba't ibang klase ng pagkain at kakanin. Mga kolerete kung tawagin nila at mga alahas. Habang abala kami ni Maria sa pagpili ng mga alahas ay biglang may isang matangkad, maputi na babae na may matalim na tingin ang tumabi sa amin. 

Naalala ko siya. Kung hindi ako nagkakamali ay Natasha ang pangalan niya. Isa siya sa mga sumampal sa akin noong inakala nilang nasasapian ako. 

"Anim na buwan pa lamang nakakaalis ang aking kapatid ngunit ano itong kumakalat na usap-usapan na ikaw ay may katagpo ng iba" wika niya, seryoso ang mukha niya. Para siyang may galit sa mundo at ako ang una niyang mapag-titripan. 

"Mag-ingat ka sa iyong pananalita, Natasha" banta ni Maria. Nagulat ako sa tapang ni Maria. Pero gusto ko iyon, hindi kami magpa-api sa babaeng 'to na hindi ko naman kilala. Gusto ko sanang bulungan si Maria at sabihing, Ano? resbakan na ba natin 'to? 

"Bakit? Hindi ba totoo? Na ang kagalang-galang na bunsong anak ng pamilya Montecarlos ay nakikipagkita sa isang binata sa kalagitnaan ng gabi at silang dalawa lamang. Ano ba sa tingin mo ang iisipin ng mga tao?" buwelta niya. Napakunot ang noo ko, ready na akong supal-palin siya pero naunang magsalita si Maria. 

"Ipagpaumanhin mo, Natasha, ngunit pawang haka-haka lamang ang iyong nalalaman" sagot ni Maria. Napatingin ako kay Maria, medyo magalang pa ang rebutt niya. 

"Lo sé, es verdad" (I know, it's true) palabang saad ni Natasha habang nakatitig ng diretso sa mata ni Maria. Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Gusto kong makisabat kaya lang hindi ko alam kung ano na ba ang pinag-uusapan nila.

"Hablar contigo es una pérdida de tiempo" (Talking to you is such a waste of time) banat pa ni Maria saka hinawakan ang kamay ko. 

"Vamos, Carmelita!" (Let's go, Carmelita) patuloy ni Maria saka hinila na ako palayo kay Natasha. tugon pa ni Maria at hinila na niya ako. Vamos? Naalala ko si Dora.


"HUWAG mong dibdibin ang sinabi ni Natasha. Ganoon talaga ang kaniyang ugali. Ikaw ay mag-ingat na lamang sa pakikitungo sa kaniya" wika ni Maria. Napaisip na lang ako, hindi ko naman talaga dadamdamin ang mga sinabi ni Natasha kasi hindi ko naman naintindihan.

Kasalukuyan kaming nasa isang bahay ng isang Don na hindi ko rin naman kilala. Dito raw kami makikisalo ngayon ng tanghalian. May malaking mesa sa gitna na punong-puno ng mga pagkain. 

Habang sumasandok kami ng pagkain, nanlaki ang mga mata ko nang matanaw si Juanito na naglalakad papalapit sa amin. May kasama siyang maputi at magandang babae na magarbo ang pananamit. Nakahawak ang babae sa bisig niya at nagtatawanan sila. 

Womanizer spotted! 

Napatingin sa amin si Juanito at ang babaeng kasama niya. Nagulat ako nang ngumiti silang dalawa sa akin. Napatingin ako sa tabi ko at sa bandang likuran ko. Ako ba ang nginitian nila?

"Carmelita! Kumusta?!" ngiti ng babae na agad bumitaw sa bisig ni Juanito at dali-daling tumakbo papalapit sa akin. Nagulat ako nang yakapin niya ako. "Kay tagal nating hindi nagkita. Marami akong ibig ibahagi sa iyo!" ngiti pa niya saka hinawakan ang kamay ko. 

"Mag-usap na muna kayo. Akin na ang iyong pinggan" ngiti ni Maria saka kinuha sa kamay ko ang hawak kong plato na wala pang laman. Nagugutom na ako. Hindi ba pwedeng kumain muna kami bago ko kausapin ang babaeng 'to na hindi ko rin naman kilala. 

"Kuya Juanito sandali lang" paalam ng babae kay Juanito. Nagpabalik-balik ang mata ko sa kanila. Hindi sila magkamukha pero tinawag niyang kuya si Juanito. Magkapatid ba sila? Mag-pinsan? Kuya-kuyahan?

"O'siya, sabihin mo na lang ako Sonya kung ibig mo nang umuwi" sagot ni Juanito sa babaeng nakakapit ngayon sa braso ko na Sonya pala ang pangalan. "Magandang tanghali pala sa iyo, binibining Carmelita" bati ni Juanito sa'kin saka hinubad ang kaniyang sumbrero at itinapat iyon sa kaniyang dibdib. 

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gagawin ko kapag binati nang ganoon kaya tumingin na lang ako kay Sonya. "May kwekwento ka sa'kin, 'diba? Doon tayo!" saad ko saka hinila si Sonya papunta sa balcony ng bahay. 

Nang makarating kami sa sulok ay hindi pa rin binibitawan ni Sonya ang braso ko. Pakiramdam ko ay makakalas na ito sa higpit ng hawak niya lalo na dahil bakas sa mukha niya na sobra siyang excited makita ako. 

"Carmelita. Ako'y nagagalak at nagpapasalamat dahil nakinig ako sa payo mo" panimula niya, hindi pa rin mawala ang ngiti sa kaniyang labi. Ngumiti na lang din ako kahit hindi naman talaga ako palangiti. 

"Oh, talaga? Maganda 'yan" sa totoo lang, ang awkward ko. Hindi ko rin naman alam kung ano ba ang advice na sinabi ni Carmelita kay Sonya. 

"Maaari palang turuan ang puso gaya nang iyong sinabi. Hindi ko talaga ibig pakasalan si Ignacio ngunit mabuti na lang dahil pinayuhan mo ako. Nagawa kong subukan at ngayon ay masaya na ako bilang kaniyang kabiyak" ngiti niya na parang lumilipad sa ulap. Napatingin ako sa braso ko. Goose-bumps. Never ako magiging ganyan ka-corny kapag na-inlove ako. 

"Siya nga pala, totoo ba ang usap-usapan na nagkakamabutihan daw kayo ng aking kuya Juanito?" tanong niya. Unti-unting nawala ang ngiti niya at parang mas nag-alala siya ngayon. 

"Wala. Tinulungan niya lang ako kagabi hanapin si ate Maria. Nakita kami ng mga people kaya ayun, kung anu-ano na pinag-iisip nila" paliwanag ko. Nagtaka ang hitsura ni Sonya kaya inunahan ko na siya, "A-ang ibig ko ay nakita kami nila Don Mariano kaya medyo napagalitan" bawi ko. Tumango si Sonya.

"Sa susunod ay mag-iingat ka, iyong nababatid kung gaano kabilis kumalat ang usao-usapan"

"Siya nga pala, Carmelita. Ako'y nagtungo kanina sa tahanan nila Helena. Narito na rin siya sa San Alfonso. May nabanggit siya sa akin na sa aking palagay ay dapat mo ring alalahanin" 

"Matagal na tayong magkakaibigan. Nawa'y huwag mong saktan ang kaniyang damdamin. Aking nababatid na hindi mo naman sinasadya at hindi mo rin naman kagustuhan ang nangyari ngunit mas makakabuti kung susubukan mong kausapin si Helena upang maging malinaw sa inyo ang lahat" 

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong. May kasalanang ginawa si Carmelita? Tapos ako mag-sosorry? No way.

"Iyo na bang nakaligtaan? Matagal nang may pagtingin si Helena sa aking kuya Juanito" saad niya. Napatulala ako sandali saka tumango na lang. Malay ko ba na may nagkaka-crush pala kay Juanito bukod kay Carmelita. 

"Nawa'y huwag mo ring kaligtaan ang mga nagawa ni Helena para sa inyo ni Leandro" dagdag ni Sonya. Nilalaro na niya ngayon ang daliri ko, "Hindi dahil sa magkapatid sila ngunit dahil ibig din ni Helena na ikaw ang makatuluyan nang kapatid niya" napakurap ako ng dalawang beses. It's confirmed. That Leandro guy has something to do with Carmelita. Hindi ako makapaniwala na may secret boyfriend si Carmelita!


KINAGABIHAN, ayon kay Don Alejandro ay may importanteng bisita raw kami mamaya dito sa bahay kaya sobrang busy lahat ng tao. Nadamay pa ako sa ka-busyhan nila, inutusan ako ni Doña Soledad na magluto ng Kaldereta ala Montecarlos. 

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil never pa ako nagluto ng specialty ng ninuno namin. "Carmelita, iyong sindihan ang pugon. Nasaan na ang palayok?" nagmamadaling sabi ni ina saka hinanap sa mga kasambahay ang mga gamit sa pagluto. 

Naistatwa lang ako sa tapat ng lutuan na gawa sa bato at puro uling at panggatong lang ang kailangan para magkaroon ng apoy ang kalan. Kung may microwave oven lang dito lulutuan ko sila ng Lasagna. 

Napatingin ako kay Doña Soledad. Hindi ako sanay na tawagin siya ina pero kailangan kong gawin. "Ina? M-masama po ang pakiramdam ko, hindi ko kayang magluto" saad ko, bukod sa hindi ako marunong magluto ng ganito, hindi ko rin alam kung paano paganahin ang lutuan nila. 

"Ngunit anak, matagal ko nang naituro sa inyong magkakapatid ang espesyal na pagluto ng Kaldereta. Bukod doon ay kailangang ikaw ang magluto niyan ngayon" tugon niya. Napalunok na lang ako. 

Mag-rereklamo pa sana ako kaya lang may isang kasambahay na tumawag kay Doña Soledad. "Doña Soledad. Hindi pa po namin tapos ayusin ang mga palamuti sa salas nang mawalan ng malay ang tagapangasiwa" nagulat si Doña Soledad sa sinabi ng kasambahay at dali-daling nagtungo sa salas para dalhin sa pagamutan ang nahimatay na tauhan niya. 

Balak ko pa man sanang mahimatay ulit para makatakas sa sitwasyon na 'to pero may nauna na. 

"Masama pa rin ba ang iyong pakiramdam, Carmelita?" narinig kong tanong ni Josefina na nasa tabi ko na pala. "Kaya mo pa bang magluto?" patuloy niya. Napatango na lang ako, hindi ko pa rin makakalimutan na nagawa niyang ibuking sa harapan nina Juanito at Doña Juanita na natatae ako. 

"Kung ako na lang ang magluto ngayon, mawawala na ba ang iyong sama ng loob?" nakangiti niyang tanong na madalas ko ring gawin kapag gusto kong utuin ang mga kapatid ko. 

"Ibig ko rin sanang humingi ng tawad sa aking ginawa kanina. Aking nakaligtaan na may namamagitan pala sa inyo ni Juanito" dagdag pa niya. Gusto ko sana i-correct ang huling sinabi niya na may namamagitan sa amin ni Juanito pero kailangan na namin magmadali habang wala pa si Doña Soledad. 

"Magluto na tayo at kalimutan na natin 'yon" ngiti ko sa kaniya. Sa wakas, makakaligtas ako sa sitwasyong 'to. Napanganga na lang din ako sa bilis ni Josefina magluto. Para siyang contestant sa Master Chef. 

Hindi nagtagal ay nakabalik na si Doña Soledad, napangiti rin siya dahil tapos na kami magluto. I mean, tapos na si Josefina magluto. Tinikman ni Doña Soledad ang Kaldereta, "Napakasarap talaga! Tiyak na matutuwa ang ating panauhin sa oras na matikman nila ito" ngiti ni Doña Soledad. 

Nagkatinginan naman kami ni Josefina at pareho kaming natawa ng lihim. Bigla ko tuloy namiss sina Jenny at Emily, kahit pa lagi kami nag-aaway, sa oras na may problema ang isa, lagi kami nagtutulungan at gumagawa ng paraan para hindi malaman ni daddy.

"Sino po ba ang espesyal na panauhin ni ama?" tanong ni Josefina kay Doña Soledad. Ngumiti lang ito saka tumingin sa akin. "Ipapakilala na lang namin mamaya" ngiti niya. Napakibit-balikat na lang si Josefina saka tumingin sa akin. 

"Doña Soledad, mga binibini. Narito na po ang mga panauhin" balita ng kasambahay. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Doña Soledad ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kaniya. Inayos niya rin ang buhok ko at pinagpagan ang damit ko. Weird.

"Carmelita anak, kahit anong mangyari ay ngumiti ka lang" bilin niya sabay ngiti, hinawakan na niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad papalabas sa kusina. Napalingon naman ako kay Josefina na nasa likod namin at mukhang nagtataka rin siya sa ikinikilos ni Doña Soledad.

"Magandang gabi po, Don Mariano at Doña Juanita Alfonso, at sa inyo rin Ginoong Sergio, Binibining Sonya, Ginoong Angelito at Ginoong Juanito Alfonso. Maligayang pagdating sa aming tahanan" nakangiting bati ni ina. What the heck? Anong ginagawa ng sambayanang Alfonso rito?

Sila ang mahalagang bisita? Lechugas!

Nakaupo na sila sa hapag-kainan. Nasa magkabilang dulo ng kabisera sina Don Mariano at Don Alejandro. Naabutan namin silang nagtatawanan. Ngayon ay nakatingin na silang lahat sa amin.

"Magandang gabi rin, Doña Soledad, Binibining Josefina at... Binibining Carmelita" bati ni Don Mariano, medyo na-creepyhan ako nang sabihin niya ang pangalan ni Carmelita, parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan.

"Maupo na kayo Doña Soledad at mga binibini upang mapag-usapan na natin ang nalalapit na kasal na magiging daan ng pang-habambuhay na pagkakaibigan at pagiging isa ng ating mga pamilya" wika ni Don Mariano. Sinong ikakasal? 

Nagulat ako nang biglang tumayo si Don Alejandro, naglakad siya papalapit sa akin at inakbayan ako. "Marahil ay hindi niyo pa nakikilala ang aking bunsong anak na si Carmelita sapagkat madalas siyang narito sa aming tahanan. Siya ay hindi sanay na makisalamuha sa maraming tao" saad ni Don Alejandro. Nakatingin ang lahat sa amin ngayon. Sinasabi ba niyang loner ako?

"Kung kaya't hayaan niyong ipakilala ko siya sa inyo. Akin nang ipauubaya ang kamay ng aking bunsong dalaga na si Carmelita Montecarlos sa ikalawang binatang anak ng inyong pamilya. Juanito, hijo, ikaw na ang bahala sa aking anak" dagdag pa ni Don Alejandro. Napanganga na lang ako dahil sa gulat. 

Damn it!

***************
#ILoveYouSince1892

I will mute/block spoilers here on wattpad.

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.3M 290K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
31.8M 812K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
593K 34.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!