He's the Brother of My Kuya's...

By Iamjaelopez

773K 27.6K 6.5K

Book 2 of My Kuya's Bestfriend [COMPLETED] Buong akala ni Trey, crush lang ang nararamdaman niya para sa mata... More

He's the Brother of my Kuya's Bestfriend
Chapter 1: Sensitive
Chapter 2: Secret
Chapter 3: Essence
Chapter 4: Right
Chapter 5: Comfortable
Chapter 6: Jealous
Chapter 7: It's a no!
Chapter 8: Fate
Chapter 9: Selfless
Chapter 10: Tired
Chapter 11: He's back
Chapter 12: Unknown feeling
Chapter 13: Goodbye
Chapter 14: Destroy
Chapter 16: Just this one
Chapter 17: It turns out
Chapter 18: What if
Chapter 19: Feel this moment
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Something different...
Chapter 22: At last
Chapter 23: Worth it
Chapter 24: Right to be
Chapter 25: Bring it on
Chapter 26: Unexpected
Chapter 27: Doesn't mean
Chapter 28: The past
Chapter 29: Nothing has changed
Chapter 30: Knowing them
Chapter 31: Contributions and efforts
Chapter 32: Ups and downs
Chapter 33: Involvement
Chapter 34: Second time
Chapter 35: Letting go
Chapter 36: Time can heal
Chapter 37: Until now
Chapter 38: Familiar
Chapter 39: Even before
Chapter 40: Forget and Forgive
Final Chapter: Part I
Final Chapter Part II: Begin Again
Special Chapter: The Vacation Part 1
Special Chapter: The Vacation Part 2
Smoke Ash Montecillo's Story

Chapter 15: One thing

17.2K 694 184
By Iamjaelopez

  

Trey's POV
  
  
Dumating ang pasukan. Sa wakas ay nasa second year na ako bilang college student. Sabay ulit kami nag-enroll ni Mikael at halos magkaklase na naman kaming dalawa.

Hindi namin kasabay si Summer nag-enroll tulad ng nakagawian namin dati. Dahil dito, nagtaka na si Mikael kaya hindi na niya napigilan ang tanungin ako. Matagal na raw siyang may napapansin sa akin at sa amin ni Summer pero hinayaan niya lang ako. Hinihintay lamang niya na magsalita ako sa kanya. At ngayon mukhang hindi na talaga niya nakayanan ang magtanong.

Inamin ko na sa kanya ang lahat at tahimik lang siyang nakikinig. Pero nagulat pa rin siya sa nalaman. Hindi niya inakalang mai-inlove ako sa kaibigan namin.

Hindi ko nakontrol ang pag-iyak sa kanya. Like ate Ganda he comforted me. Naiintindihan niya ako. Naiintindihan din niya kung bakit kailangan kong itago ang lahat sa kanya.

Pero nagtampo pa rin daw ang gaga dahil naglihim ako sa kanya. Bruha! Akala ko naiintindihan niya ako.

"Ano ng gagawin mo ngayon? I think you can't avoid him all the time."

Alam ko dahil malaki ang posibilidad na baka magkablock kami ulit o kahit hindi dahil nasa iisang school lang kami.

But I think I don't need to avoid him anymore dahil siya na mismo ang lumalayo sa akin. After na mag-usap kami sa locker room ay hindi na nasundan iyon.

He said that he don't want to lose our relationship as best of friends. That he will do everything para manumbalik ang dating kami. But what? Until now, he did nothing. Ni hindi na siya nagtetext at tumatawag.

Iyon naman ang gusto ko pero bakit parang  hindi ko matanggap na hindi na siya nagpaparamdam. Nagkikita kami minsan sa practice subalit tingin lamang ang ibinibigay niya sa akin. Malamig pa. Para akong masamang hangin na iniiwasan niya.

I must admit. Sobrang namimiss ko na siya. Miss na miss. May pagsisi man pero alam kong tama ang nangyayari.

Tama nga ba?

It's for myself. Kailangan kong pausbungin ang nalulumot kong kagandahan na matagal ng hindi naaalagaan. Ako lang din naman ang makakatulong sa sarili ko.

"Tulala ka naman." Napapitlag ako nang magsalita si Mikael.

Nandito kami ngayon sa classroom. Hinihintay ang prof namin kung dadating ba o hindi. I'm sure hindi papasok 'yun dahil first day of class pa lang naman. Kung papasok, makikipagchismisan lang or what not. Kalahati nga lang kaming nasa klase ngayon e.

"Si Summer ba 'yan?"

That name. Ugh!

"Hindi." Sagot ko sa kanya. Dahil kaibigan ko si Mikael at kilala niya ako, hindi agad siya naniwala.

"Is it him, right?" Hays! Oo na. Oo na.

Bahagya akong ngumiti bilang tugon.

Hindi na siya nagsalita na ikinunot ng noo. Baklang 'to! 'Yon lang pala ang itatanong.

Sabagay, hindi palasalita si Mikael. Kapag nag-uusap kami ay mabilis natatapos. Boring siyang kausap pero hindi naman siya boring na tao. Ang weird diba?

Enough with Mikael, wala naman akong maikwento sa kanya maliban sa malandi silang pareho ni Izzy kapag magkasama.

O edi sila na ang may love life. Gosh! Parang gusto kong kumain ng choco mucho. Bitter eh!

"Classmate ba natin siya?" Ako naman ang nagtanong. Kibit-balikat lang ang sagot niya at muling ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Nagtanong pa ako.

Nangalumbaba na lang ako habang nakatingin sa mga kaklase kong nakikipagchismisan at nakikipagkilala kapag may bago kaming kablock.

Ang ganda nilang tingnan habang nagpaplastikan. If I know sa una lang 'yan. 'Yong iba kilala ko na. 'Yong iba lalabas din ang tunay na ugali kalaunan.

Klasmeyt kaya namin siya? Tinanong ko ang aking sarili

Titimbangin ko kung magiging kaklase ko siya, mahihirapan akong umiwas at masasaktan ko na naman ang sarili ko. Pero kung hindi naman, maiinsulto ako at masasaktan din. Hindi siya nag-effort para maging magkaklase kami.

Kahit ano basta tungkol kay Summer, isa lang ang kahahantungan ko, ang masaktan.

Hay naku Summer, ano bang meron sayo kaya ganito kita kamahal.

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Mula rito, tanaw na tanaw ang malapad na field. I suddenly remember the first time I saw Summer there. Doon ko siya unang nakita and that was our orientation day. Nahagip lang naman siya ng mga mata ko. Head turner kasi.

Dati rati, hindi talaga siya namamansin. Well same with others. Maraming nagpapansin especially girls pero hindi talaga niya binabalingan kahit ngiti, tingin lang. Kahit ganoon, it makes him cool though pero mas magiging cool siya kapag marami siyang kaibigan.

Nakakapagtaka nga eh, sa gwapo niyang 'yon hindi siya homophobic. Naging mag-bestfriend nga kami eh.

Sayang nga lang. Sayang dahil sa kagagahan ko masisira ko pa kung anong meron kami. Minsan lang sa mga ganoong tao ang makikipagkaibigan sa kagaya ko ng totoo.

Siguro kailangan ko ng tanggapin ang katotohan. I sucked in making friends. Mabuti na lang andyan pa si Mikael at si Andrei. Sila na lang ang mga kaibigan ko.

"Oh My Gee, classmate natin uli siya."

"He looks more handsome now. Gosh! Ang init niya, like his name."

"Tama ka, mainit. Nag-iinit na ang kamay kong sabunutan ka dahil pinangangalandakan mo 'yang kalandian mo."

Rinig kong mula sa unahan ko. If I know, nakakita na naman ang mga 'yan ng gwapo. Pero bet ko 'yong huling nagsalita, si Kaye. Mabuti nalang may matino pa sa kanila.

I didn't bother to look at the person whom they're talking about. Sinasabi ko, presko 'yan dahil madaming nakaka-appreciate ng kagwapuhan niya dahil gising na gising siya nang magsaboy ang kalangitan ng biyaya. Late na siguro akong nagising kaya konti lang ang nakuha ko. Sira marahil ang walang kwentang alarm clock ko that time.

"Hey Trey, he is here." Lumingon ako kay Mikael nang tawagin niya ako. Ngumuso siya na parang may tinuturo. Sinundan ko ito and there, nakita ko ang taong laman ng isip ko... at ng puso ko.

Nginitian lang niya ang mga bumabati sa kanya. Naghanap na siya ng upuan at napasinghap ako nang tumingin siya sa direksyon ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa titig niya. I feel the familiar pain again. Ako talaga ang nasasaktan sa kagagahan ko no!

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal. Narinig kong muli ang nasa harap ko na may sinasabing masama sa akin. Pinansin kasi ako ng crush nila.

"Hi MikMik." Rinig kong bati ni Summer kay Mikael.

"Hi Sum." Tugon ng huli. Hinintay ko na batiin ako ni Summer pero wala akong narinig. Bakit pa ba ako mag-eexpect. Galit sa akin ang tao.

Naramdaman ko na pumunta siya sa likuran. D'yan marahil siya uupo.

Sinipa ni Mikael ang paanan ng upuan ko para ipaalam na nagtataka siya. Ngitian ko lang siya at muling tumungo. Alam ko namang maiintindihan niya ako.

"Hindi mo man lang ba babatiin si Trey?"

"Paano ko siya babatiin kung hindi niya ako tinitingnan?"

Muling sinipa ni Mikael ang upuan ko. Mamaya ka talaga sa aking bruha ka!

Kinakabahang lumingon ako. Nakatingin lang ako sa kanan at mata lang ang ginalaw. "H-Hi." Nauutal na sambit ko at muling ibinalik ang tingin sa harap. Nakita ko sina Hannah na masama ang tingin sa akin. Sila 'yong may crush kay Summer. Nataasan ko tuloy sila ng kulay.

"Kita mo na, hindi man lang binanggit ang pangalan ko. Parang ibang tao ang binabati niya."

May sasabihin pa sana si Mikael pero biglang dumating 'yong prof namin. Nabunutan naman ako ng tinik at nagpasalamat na iyon lang ang narinig ko. Pero kahit na ganon lang, masakit pa rin.

Sanay naman na ako.

Marahan akong humugot ng malalim na hininga at itinuon ang atensyon sa Professor namin.

Tulad ng sabi ko, hindi pa kami nagsimula ng topics about sa lessons. Nagpakilala lang kami sa harap at nagdicuss lang ang Prof about sa course syllabus namin.

Early dismissal ang naganap. Mabilis akong tumayo at inaya na si Mikael.

"Hindi mo man lang pinansin 'yong kaibigan natin." Bulong sa akin niya paglabas namin ng classroom.

"Pinansin ko naman ha." Depensa ko.

"Hayaan mo siya Mikmik. Kung ayaw niya edi 'wag. Huwag mong pilitin ang taong ayaw, masasaktan ka lang." Nagulat ko nang magsalita sya sa kabilang bahagi ko at nilagpasan ako.

Tanging amoy lang niya ang naiwan habang papalayo siya. Napahinto ako sa paglalakad.

"Summer, wait!" Sigaw ni Mikael.

"Maya na Mik!" Sigaw ni Summer pabalik nang hindi lumilingon sa amin.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

Ito ba? Ito ba ang gusto ko?

Mas masakit pala na galit sa'yo ang mahal mo.

"T-Trey..."

"Kita na lang tayo mamaya Mik."

Tinawag pa ako ni Mikael pero hindi ko na siya pinansin pa. Dumiretso ako sa banyo, pumasok sa cubicle at doon pinakawalan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

Napakagaga mo Trey! Saan na ang sinasabi mong magiging matapang ka na? Sinungaling ka! Wala kang binatbat, wala kang kwenta. Napakahina mo talaga kahit kailan!

***

"Hindi siya nag-enroll?"

"Yes. And according to my source, break na raw sila."

"So it means, may pag-asa na talaga ako sa kanya. This time I will make a move na."

Nag-igting ang tenga ko nang marinig ko ang pag-uusap nina Alyana. Nasa likod lang nila ako nagiis-stretching tulad nila.

Alam ko kung sino ang pinag-uusapan nila. Si Summer at Danica. Ang dalawang 'yon naman palagi ang topic nila.

Pero break na sila?

Ano naman ngayon sayo Trey? Kahit mag-break sila, wala ka naman 'ding pag-asa.

Pero curious lang ako kung nagbreak nga sila. Almost two weeks na bago nagsimula ang klase at ni isang beses hindi ko pa nakikita si Danica.

Akala ko lumipat lang siya ng ibang block section or late lang mag-eenroll. Nakakapagtaka rin dahil hindi ko sila nakikita ni Summer magkasama.

And speaking of Summer, hindi na talaga niya ako pinapansin. He just gave me a cold gaze everytime na magkakasalubong kami. Unti-unti na rin akong nasasanay dahil hindi na kami magkaibigang dalawa.

Pero break na ba talaga sila ni Danica? What happened to them? Sa nakikita ko sa kanila dati ay masaya naman sila.

How would I know kung masaya nga ba talaga sila dahil wala akong alam sa nangyayari sa kanila. Baka mali ang source ni Trisha. Maybe lumipat lang ng school si Danica, narinig ko kasi dati sa kanya na mas maganda ang dati niyang school compare sa amin. Pero kung ganoon nga, mahihirapan silang dalawa ni Summer na iwork ang relasyon nila.

Pero ano pa bang pakialam mo. Tama na nga 'yan Trey!

"At ito pa, hindi na niya kaibigan ang baklang 'yon." Sabi pa nung si Trisha. Alam kong ako ang tinutukoy niya.

Sabay nila akong hinanap. Hindi ata aware ang mga ito na nasa likod nila ako. Mga chismosa kasi.

"Hinahanap niyo ba ako." Gulat silang napatingin sa akin. "Be aware sa paligid kapag pinag-uusapan niyo ang ibang tao. Baka may makarinig."

Bago pa sila makapagreact sa katarayan ko ay umeksit na ako sa harap nila at nagpunta sa mga boys para maghasik ng kagandahan. Malay mo mabenta ako 'di ba! Hmp!

Habang naglalakad ay may umakbay sa akin.

"Hi Trey." Bati nito. I smiled at him.

"Late ka na naman." Mataray kong wika.

"Bakit? Namiss mo agad ako?" Nakakaloko nitong tanong.

"Oo Drei, namiss kita. Kaya mag-streching na tayo. Kanina pa napapanis ang laway ko dito."

"'Yan naman ang gusto ko sayo Trey eh, pinapakilig mo ako." Kinurot ko siya sa tagiliran. Napadaing siya ng maarte. Akala mo naman masakit.

"Halika na magwarm-up na tayo. Pero push ups ka muna dun, late ka eh. Mapapagalitan ka na naman ni Alyana dahil nilalandi mo ko."

"Hayaan mo siya. Ikaw ang gusto kong landiin eh."

"Alis na habang hindi pa ako naiilang."

"Aye, aye boss."

Umalis na si Andrei at pumunta dun kay Alyana para sa punishment niya.

Napangiti na lang ako habang nagpupush-up si Andrei.

Bakit hindi ko makuhang mahulog sayo Andrei? Lahat naman ng ka-sweetan sayo na pero wala talagang epekto.

Nakakailang lang pero wala talaga. Na kay Summer pa rin.

After the practice ay mabilis akong nagbihis dahil susunduin daw ako ni kuya. Magdidinner kasi kami kasama si Ate Yura. Monthsary nila at gusto raw nila akong makasama.

Naghintay lang ako sa waiting area. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang kotse niya pero hindi siya ang lumabas.

Si Ash.

Ang lalaking inaaya ako tuwing Sabado. Simula nang dumating siya ay parati na niya akong kinukulit na samahan ko raw siya. Pinagbibigyan ko naman pero Sabado nga lang.

Nagtataka na nga ako sa kilos niya. Hindi ko alam kung para saan ang ginagawa niya. Kung nanliligaw ba siya. Minsan tinanong ko siya, pero ang sagot niya ay gusto lang daw niya akong makasama. Nahihiya naman akong magtanong pa dahil baka mas mapahiya pa ako sa sagot niya. Baka gusto lang talaga niya akong ayain. Pero ang awkward lang dahil naging magboyfriend kami noon at parang ako lang ang nakakaramdam.

"Hop in. Ako ang inutusan ng kuya mo. Pinahiram niya ang kotse niya."

"Where is he?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko naman ang mga matang nakatuon kay Ash. Pagkagulat at recognition. Kilala pa rin siya sa school.

"Nandun na." Sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa at dumiretso na ng sasakyan.

Nakalimutan ko bang sabihin na nagkaayos na silang dalawa ni kuya?

Sa byahe ay tahimik lang ako at si Ash lang ang nagsasalita. Ano namang maisasagot ko kung puro tungkol sa napanuod niya raw na movie na hindi ko pa napapanood. But I'm interested kaya nakinig talaga ako. Naubos nga sa pagkukwento niya ang buong byahe namin.

"We're here."

Nangunot ang noo ko. "Dito?" E isang condominium ito eh. And wait, dito rin 'yong unit niya ah? Natatandaan ko dahil nung kami pa ay pumupunta ako rito.

"Yes. Nandun na ang kuya mo sa unit naming dalawa kasama si Yura."

Nandun sina kuya? Akala ko kakain kami sa labas?

Bago pa man ako makapagsalita ay lumabas na siya ng kotse and here he goes again, siya ang nagbukas ng pinto para sa akin. "Thanks." Nasabi ko na lang.

"Lets go. Baka sa sobrang bagot sa kahihintay sa ating dalawa, may ginagawa na silang kababalaghan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Joke lang." He laugh with my reaction.

"It's not funny."

Napatigil siya sa pagtawa. "Sorry. I didn't mean... I-I just wanted to make you laugh. You've been... Ahm... I think we should... go." Mukhang nahiya siya.

Tumango ako at sumunod na sa kanya ng maglakad. Sa elevator, tahimik kaming pareho. Nagsalita lamang siya ng makalabas kami.

"Trey I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Hindi 'yon ang intensyon ko. Gusto lang kit---"

"Ash okay lang. Hindi lang talaga nakakatawa ang ganoong biro. Atsaka sorry din kong nasungitan kita."

Dahil sa pinagdadaanan ko sa isang tao, nadadamay ang karamihan.

"It's okay. Hindi ko na rin uulutin."

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lamang.

Nadala lang ako sa emosyon ko Ash. Gusto ko sanang sabihin.

Okay lang naman ang ganoong biro niya dahil sanay na ako kay kuya pero wrong timing lang talaga ngayon.

"Ahmm let's go." Pag-aya niya. Tumuloy na kami sa kanyang unit.

"Where are they?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pagpasok namin dito.

Walang bakas ng kuya ko at ni ate Yura.

Parehong nanlaki ang mga mata ko at sabay na napatingin kay Ash. Napaiwas naman siya ng tingin.

Oh My God! Did they?

Dito pa talaga nila ginawa! Alam ba nila na dadating kami? Humanda ka talaga sa 'kin kuya.

"Bro!" Sigaw ni Ash. Walang sumagot.

"I'll just go to my room." Paalam niya.

Dapat hindi na ako nagulat dahil ganoon si kuya. Pero si Ate Yura 'yon. Iba siya sa mga babae ni kuya.

"They're not here." Pahayag niya nang makabalik siya. Nagtaka naman ako. Where did they go.

"Wait!" Kinuha ni Ash ang cellphone niya sa kanyang bulsa at pagkatapos may basahin dito, tiningnan niya ako ng may paumanhin.

"Oh shoot!" He scratch the back of his head.

"Nagtext pala ang kuya mo. Yura got an emergency. Nagkasakit daw ang kapatid niya. Kailangan niya raw makauwi sa tinitirhan nila at hinatid siya ng kuya mo."

"What happened?"

"Nilagnat daw. Hindi pwedeng maiwan." Napatango-tango ako sa naging sagot niya.

Atleast walang ginawa sila kuya na kababalaghan dito dahil kung meron talaga ay babasagin ko ang pinagmamalaki niya.

"So I guess, tayo lang ang magdidinner ngayon. Nakapagluto na raw sila." Napatingin siya sa dining table at ganoon na rin ako. Oo nga nakapagluto na sila at mukhang marami pa.

I don't know kung bakit dito sa unit ni Ash gustong magdinner ni kuya. At kasama pa sya.

Wala sa unit niya sina kuya at ate Yura at kaming dalawa lang ang nandito. I don't know what will happen next.

Matagal pa bago ako sumagot. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.

"If you're not comfortable to have dinner with me here, we can have it outside." Nahihiyang wika niya.

Tutal ilang beses na kaming nagkakasamang kumain ay papayag ako. Sayang din 'yong pagkain na hinanda nila.

"No, we'll eat here. Sayang 'yong pagkain."

Napangiti siya sa naging sagot ko.

"Tara!"

Kumain na kami at mabuti na lang hindi na ganun ka-awkward ang atmosphere hanggang sa natapos kaming kumain. Medyo nakasanayan ko na rin.

Pinagstay muna ako ni Ash sa living area habang siya ay nagliligpit ng pinagkainan namin. Sinubukan kong tumulong ngunit pinigilan niya ako at wala akong nagawa kundi ang hintayin siyang matapos.

Nakakahiya rin na umalis na lang agad ako. Atsaka ihahatid din naman niya ako dahil iyon ang sabi ni Kuya.

"I'm done!" Pahayag niya nang puntahan niya ako. "Mhh. Gusto mo na bang ihatid kita ngayon or mamaya na lang?" Tanong pa niya.

"Sige hatid mo na ako." Sagot ko. Mukhang nadismaya naman siya. Gusto pa niyang magstay pa ako ng matagal pero wala naman akong rason para manatili pa rito sa unit niya. Baka gahasain pa niya ako. Charot! Lakas maka-assume.

"All right. Bihis lang muna ako." Paalam niya.

Tumango lang ako bilang tugon. Agad naman siyang tumalikod at pumunta sa kwarto niya. Ilang minuto lang ay nakabalik din agad siya.

Ngayon ko lang naisip, okay naman 'yong damit niya kanina. Hindi naman siya mabaho. Bakit kailangan pa niyang magpalit ng damit.

"Ayaw kong maging mabaho sayo. Bawas pogi points."

Narinig niya ang nasa isip ko?

Nangunot man ang noo ko, hindi na lang ako nagsalita. Ayaw kong patulan ang sinasabi niya.

Ash, why are you like this? Bakit nagpaparamdam ka? Ano bang gusto mo?

"Don't stare at me like that! You look like you're seducing me!"

Nganga ang lola niyo. Waaaah! Ano ba 'tong pinagsasabi niya?

Nakaramdam na tuloy ako ng pagkailang.

Napatawa siya nang hindi ako nagsalita. "Nagbibiro lang ako." Well, sa 'kin hindi.   

Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya minsanan lang akong pumayag kapag inaaya niya akong lumabas dahil sa nga ganitong pananalita niya. Hindi ako katulad ni Summer na manhid at hindi alam kung nagpaparamdam ang isang tao.

"Okay look, nagbibiro lang ulit ako. I'm sorry." Paumanhin niya nang hindi ako tuluyang nagsalita.

Ngumiti na lang ako at tumayo na. Ayokong magpakita sa kanya na naapektuhan ako sa mga ginagawa niya. Baka isang araw maconfuse ako.

Hindi imposible! Hindi malayong manumbalik kung ano man ang naramdaman ko sa kanya noon kung ganito siya. Kilala ko si Ash bilang mapagbiro pero sweet na tao.

Atsaka malay kong nagbibiro lang pala siya. Then, he never mentioned Julia to me. Hindi rin ako nagtanong. Ayaw kong magtanong dahil pribadong bagay iyon. Sinabi niya sa akin noong nagkita kami sa school na naiwan niya ang kukumpleto sa kasiyahan niya. And I know si Julia ang tinutukoy niya.

Well, pwede rin akong magmaganda. Baka ako nga 'yon. Biro lang. Hahaha. I just want to uplift myself. Masyado na akong down at kasira.

Bata pa ako pero sobrang sakit na ang dinanas ko sa kanilang dalawa. Magkapatid nga sila. Mga paasa at mananakit ng damdamin.

Nauna na akong pumunta sa pintuan. Narinig ko pa ang mga bulong niya na parang kinakastigo ang sarili niya bago siya sumunod sa akin.

Sa buong byahe ay tahimik lang ako. Ilang beses nag-attempt si Ash na bumuo ng conversation. Mabilis itong napuputol dahil Oo, hindi at minsan gestures lang ang sinasagot ko sa kanya.

Maliban sa naiilang ako, naiinis din ako sa sarili ko. Hindi ko kasi makuhang magtanong ulit kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na'to sa akin. Kahit pa sinagot na niya na gusto lang niya akong makasama. Duh! Sino bang maniniwala dun. May past kami e.

Pero pwedeng gusto niya lang diba or bumabawi siya sa akin.

Hay ewan! Nakakafrustrate 'tong mga nangyayari sa buhay ko.

Sana naging normal na college student na lang ako. Nagkakandahirap sa pag-aaral, naghanap ng mga kaibigan, nakikipagplastikan, makikipag-agawan ng crush at kung anu-ano pa. Hindi 'yong ganito. Hindi na sana ako nainlove.

Sa sobrang pagpangarap kong magkaroon ng love life, ito ang natamo ko. Nasaktan ng husto. Pero wala namang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko.

Mabilis lang din akong naihatid ni Ash dahil hindi na gaanong matraffic. Nagpasalamat agad ako sa kanya at lumabas na ng kotse. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya.

Sobra na akong naiilang. Wala akong maisagot sa naging tanong niya nang huminto ang kotse sa tapat ng bahay namin. Hindi ko mawari ang naging reaksyon ko kanina.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Agad kong pinindot ang doorbell. Ilang beses pa dahil na rin sa kabang nararamdaman ko. Nagpanic pa ako nang marinig ko ang pagbukas ng kotse niya. Sumara, hanggang sa naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

Ramdam ko na sobrang lapit niya sa akin. Hindi ako humarap at nagpatuloy lang sa pagpindot ng doorbell.

Please, ate Ganda lumabas ka na at pagbuksan mo na ako ng gate.

Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang aking puso. Parang naging bangkay ako dahil sa lamig na bumalot sa buong katawan ko dahil sa pagyakap niya sa likuran ko.

"Please! Trey Give me a chance to prove my worth, myself to you. Please let me. Give me a chance."

Humigpit ang pagkakayakap niya.

"Mahal pa rin kita Trey. Mahal na mahal."
 

***

Continue Reading

You'll Also Like

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
647K 14.2K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...