OPERATION: Make Ligaw to him

By yashnii

21.8K 755 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... More

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Second Move
Third Move
Fourth Move
Fifth Move
Sixth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Twelfth Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-first Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fourth Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-eighth Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Eleventh Move

641 29 7
By yashnii

#C11: Carmeen vs. Honey

Nagulat ako sa nadatnan sa kusina. Maraming ingredients ang nasa table... both girls are wearing an apron habang nasa tapat ng lamesa at magkaharapan. Si mama naman ay nasa gitna nila. What the heck did I just miss?

"Dale, magsisimula na sila. Halika, ikaw ang magsabi ng go signal..."

Hinila ako ni mama sa gitna ng dalawang babae na nakatingin lamang sa isa't-isa. Kulang na lang magkaroon ng electricity sa pagitan nila... sobrang seryoso ng kanilang mga mukha.

"Are you guys seriously going to do this?" tanong ko. Baka sakaling magback-out pa ang dalawa pero mukhang malabo ng mangyari iyon dahil sobrang determinado sila.

"Dale, this is really happening-- and this is to prove once and for all kung sinong mas magaling sa amin ng future girlfriend mo," sabi ni Honey na nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa.

"She's not my future girlfriend."

"Kaya nga, Dale. Hindi mo na talaga kami mapipigilan na maglaban nitong ex-girlfriend mo," wika naman ni Carmeen habang nakangiti.

"She's not my ex-girlfriend," tanggi ko at huli na nang napagtanto ko ang aking sinabi. Oh damn, me and my mouth!

"Ay oo nga pala, ex-nililigawan." Ngumiti pa siya nang makahulugan. Nang tingnan ko naman si Honey ay nakapikit lamang siya na parang pinapakalma ang sarili.

Oh, boy.

"Okay, tama na ang usapan. Let's start the cook-off," singit ni mama sa usapan. She is really enjoying my situation. Mothers aren't supposed to be like this!

"Okay, so here are the rules... pwede niyong iluto ang kahit na anong recipe na alam niyo. Walang time limit, hindi ito paunahan. Ang mga judge natin ay ako, si Dale, ang papa ni Dale at mga kasambahay namin. Kung sinong may pinakamaraming boto, siya ang panalo."

"Ma..." tawag ko. "Wala naman dito si papa."

"Pauwi na siya. Maya-maya ay andito na yun," sagot ni mama. "Okay, Dale. Whenever you're ready..."

Aish! If I know better, parang inaasar ako ni mama. Ngayon lang nangyari ito, swear and I do not like it at all!

Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "On your marks. Get set-- go!" Kaagad na kumilos ang dalawa sa pagkuha ng kagamitan.

CARMEEN's POV

Nagfocus ako sa ginagawa ko habang kinuha ang kawali. Nacut naman na ang manok ng pira-piraso kaya okay na yan.

Inilagay ko muna ang kawali na may chicken sa stove at pinakuluan. May sarili kaming station ni Honey, magkabilaan pa talaga. Ang lawak pala ng kusina ni tita Hazel ngayon ko lang napag-alaman. Parang kasing lawak ng kitchen sa mga restaurants. Masyado kasi akong nakafocus sa competition.

Hindi ko naman dapat papatulan si Honey pero dineklara na niya bago pa ako makaangal. I didn't really mean to offend her but she was asking for it.

Hindi ako ganoong tao... pero minsan may sariling utak ang bibig ko at kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.

That's one of the flaws I am not proud of.

Hindi ko rin namamalayan na may naiinsulto na pala ako. Pero sumobra na kasi siya ng hindi man lang niya nirespeto ang nararamdaman ni Dale. Sa harapan niya pa talaga sinabi kung paanong wala lang si Dale para sa kanya.

I like that guy, for heaven's sake!

"You're all making a big deal out of this," rinig kong reklamo ni Dale sa isang gilid.

"Doon ka nga, Dale. Baka ma-distract mo lang sila..."

"Yeah, Dale. Listen to tita," said Honey.

Another thing is, gusto ko ring mapatunayan kung kaya ko ngang pantayan ang dating nililigawan ni Dale. She is just what I expected her to be, no offense meant... ako kasi yung babaeng maraming insecurities sa katawan kaya hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya nang una ko siyang makita.

Pinaghandaan ko talaga kung sakaling magkikita kami. I will accept her every insult at hindi didibdibin. Tsaka nasanay na rin ako sa may mga ganoong ugali. I just have to deal with it, I guess.

Back to the cook off, kinuha ko chopping board at kutsilyo. Sunod kong kinuha ang isang bagay na kinasusuklaman ko at palagi akong pwersahang titigan siya. Palagi niya rin akong iniiwang luhaan. Sinamaan ko siya ng tingin habang wala naman siyang reaksyon.

"We meet again, sibuyas..."

Wala pa rin siyang reaksyon. Kahit kailan napaka-snob niya. Palagi niyang akong kinakarma tuwing hinahati ko siya. Baka yun ang ganti niya sakin pero kasalanan ko ba kung naging ingredient siya ng favorite kong putahe?

"Carmeen, bakit mo tinititigan ng masama 'yang sibuyas na hawak mo?" tanong ni tita at lumingon pa ang dalawa sa akin.

Nakataas ang kilay ni Honey na para bang sinasabi niya sa aking ang weirdo ko. Si Dale ko naman nakakunot ang noo na nakatingin sa akin... ang gwapo niya talaga. Kahit nakatayo lang siya sa isang gilid, ang yummy pa rin niyang tingnan. Hay!

"T-tita, meron po ba kayong goggles?"

"Ha?" Nagtataka na nakatingin sila sa akin samantalang ako napakagat-labi lang.

"K-kasi po naluluha ako kapag naghihiwa ng sibuyas. Hindi po ako masanay-sanay." Nagtataka pa rin sila na nakatingin sa akin.

"Wala, hija. Kung gusto mo ako na lang ang magbalat nyan-"

"Tita, that would be unfair to me. Hindi pwedeng humingi ng tulong sa iba, dapat kami ang gumawa ng naatasan. That would be cheating, dont you think?" Tiningnan niya ako pagkasabi niya ng huling pangungusap. Alam kong inaasar niya ako pero hindi ako magpapaapekto. Buti na lang talaga at nasanay ako sa environment na may mga nagmamaldita.

Tumango ako at tiningnan si tita. "Oo nga po tita. Hayaan niyo na po, kaya ko 'to."

Binigyan ako ni tita ng ngiti na parang nagsasabi nga na kaya mo yan. May naalala tuloy ako sa ngiting iyon.

Itinuloy ko na nga ang pagmassacre sa walang kamuwang-muwang na sibuyas-- binabalatan ko na. So far, wala pang tumatalsik don. Pagkatanggal ko ng balat ay hinugasan ko muna. Sabi kasi ng pinsan ko, basain ko muna para daw hindi sumakit ang mata ko.

Ilang beses ko ng ginawa iyon tuwing magluluto ako pero wala pa ring epekto, napapaluha pa rin ako sa huli. Ngunit kahit ganoon umaasa pa rin ako na hindi na ako luluha muli para sa kanya... na kaya ko na siyang harapin nang hindi na nasasaktan at umiiyak- nadala naman ako sa aking dinaramdam.

Natawa ako sa sarili ko. Kaya siguro andaming nagsasabing ang weird ko.

Dahan-dahan kong hiniwa ang sibuyas hanggang sa binilisan ko na. Unti-unti'y nalalanghap ko na ang nakakaluhang amoy ng sibuyas.

Ayan na, nag-spray na siya.

Nararamdaman kong sumasakit na ang mata ko at may tumutulo na ring luha. Buti na lang at nakayuko ako kaya hindi masyadong halata yung luha ko.

Naku naman, hindi dapat ako makita ni Dale ng ganito. Baka maturn off siya sa akin. Ano na lang kaya ang iisipin niya kung nakita niya akong lumuluha? Mag-isip ka Carmeen. Habang nag-iisip ay parang may lightbulb na umilaw sa taas ng aking ulo.

Tumikhim muna ako bago nagsimula.

♪Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit ako pala'y naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo♪

Feel na feel ko pa yung kanta kasi iniisip ko na todo akong sinaktan ng sibuyas.

♪Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa 'yo ngayon ay naglaho na
At ito ang 'yong tandaan
Ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha♪

Naramdaman kong parang may nakatitig sa akin kaya napatigil ako sa pagkanta at nagulat nang nakatingin silang lahat sakin. Binigyan pa nila ako ng weirdong tingin. Anong ginawa ko?

"Bakit ka kumakanta, Carmeen?" nakakunot na noong tanong sakin ni tita. Si Honey naman bumalik sa niluluto at hindi na lang ako inintindi.

Napakamot ako sa ulo ko. "Para po bumagay sakin yung sitwasyon. Lumuluha po kasi ako, ayoko namang magmukhang tanga na lumuluha habang nagbabalat ng sibuyas."

May narinig akong napaubo. Si Dale my loves ko pala na nakasandal sa gilid. Umaakto siyang umuubo pero nakita ko sa gilid ng labi niya na nakangiti siya. Tinatawanan niya ba ako?

Sa wakas, tapos ko na ring balatan ang sibuyas. Tapos na rin ang pagmarinade ko ng chicken. Pakukuluan ko na lang ulit para matapos na.

Pagkalipas ng halos dalawang oras ay tapos na kami sa niluto.

"Stop cooking!" saad ni tita at sinundan naman namin. Tinakpan namin ang sarili naming putahe upang may element of surprise. Sana naman ako ang manalo. I really wanna prove to Dale that I'm serious.

Also, may date na mangyayari. Wala pa man ay kumikinang na ang mata ko sa sobrang excitement na nararamdaman.

Inihanda ng mga maid ang dalawang putahe at inilagay sa dining room. Marami naman ang nailuto namin ni Honey... pwede na rin sa sampung tao. Oo, talagang dinamihan na namin dahil marami kaming judge. Buti na lang at nagkasya yung chicken sa aming dalawa.

"Goodluck sa inyong dalawa," sabi ni tita at dumiretso ng dining room. Sinabi niya rin na meron na daw ang papa ni Dale. Bumilis ang tibok ng aking puso.

Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan: Kung sino ang mas magaling sa amin ni Honey o yung aktwal ko nang makikita ang tatay ni Dale my honeybabes. Maybe I shoud fix myself... do I look okay?

"May the best cook win," rinig kong sambit ni Honey bago tuluyang umalis ng kitchen.

Ngumuso ako. "Hindi man lang ako pinagsalita..." Sabagay, wala rin naman akong sasabihin sa kanya.

Aalis na rin sana ako nang makita ko ang aking bebelabs na nakasandal pa rin sa dingding habang seryosong nakatitig sa akin. Nagtaka naman ako dahil doon.

"Bakit mo ako tinititigan ng ganyan, honeybabes?"

His forehead wrinkled. "Stop calling me honeybabes..."

Bakit ba ayaw niya ng endearment na 'yon? Ang cute kaya pakinggan atsaka pinag-isipan ko yan ng maigi noh. Napuyat pa ako dahil hindi ako masatisfied don sa mga ibang endearments. He should appreciate my sweetness.

"Tara na nga sa labas at salubungin ang future father-in-law ko."

Bigla na lang nanlaki ang mata niya na nakatingin sa akin. "Ano?!"

Napahagikhik ako. He looks so adorable kapag pinapalaki niya yung mata niya.

"Wala, tara na." Hinila ko na siya papaalis ng kusina at pumuntang dining room.

From there, I saw six maids and I think driver nila. Then there's tita together with Honey na kausap ang isang lalake na sa tantya ko ay nasa late 30's na. Familiar ang kanyang mukha... mostly because kamukha niya ang aking sweetypie. Siya na ata ang papa ni honeybunch ko.

"Dad!" Sinalubong ng yakap ni Dale ang kanyang tatay samantalang ako heto napapalunok at naestatwa sa kinatatayuan.

Akala ko hindi na ako makakaramdam ng kaba simula nung nakilala ko si tita Hazel na napag-alaman kong nanay ni Dale my labidabs nang makita ko siyang naglakad sa pinto... pero ngayong nakita ko sa personal ang kanyang tatay ay parang gusto ko na lang magback-out.

Oo, kanina nakuha ko pang makipagbiruan kay Dale ko kanina pero this is it na kasi. Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa tatay ni Dale my sugarpie. Inobserbahan ko ang buong mukha niya nang bigla na lang siyang napatingin sa dako ko. Humugot ako nang hininga bago lumapit at nagsalita.

"G-goodevening po," bati ko sabay mano. Masama kasi ang hindi mag-bless sa mga nakatatanda.

"Napakagalang mo naman, hija. Anong pangalan mo?" tanong ng tatay ni Dale my sweetcake habang nakatingin sa akin.

Hindi ako kumurap at nanlalaki ang mata ko nang magsalita. "C-Carmeen Diaz po. 18 years old. No criminal records."

Napakurap naman na ako nang makarinig ng tawa-- si tita hazel pala at si tito. Tumingin ako kay Dale. Umiiling silang dalawa ni Honey pero ang pinagkaiba, si Dale nakangiti na parang gusto ring matawa.

"Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ni tito na nakatingin sa akin na parang na-amuse.

"Hindi naman po, tito." Tipid akong ngumiti. Nahihiya talaga ako sa kanya. Kay tita okay lang ako kasi nung una hindi ko naman talaga alam na anak niya pala si Dale pero ibang usapan na si tito.

This is the father of my husband!

Charot.

"Enzo pala ang pangalan ko Carmeen. Just call me tito Enzo, okay?" Tumango ako bilang sagot. Nakakahiya talaga ang nasabi ko... pero hindi ko na ito pwedeng bawiin.

"So, ano? Simulan na ang kainan nang matanghal natin kung sino ang panalo," wika ni tita. Umupo ang anim na kasambahay at ang family driver kasama si tita Hazel at tito Enzo.

Pumunta kami sa harap nila at tumapat sa sarili naming niluto. Ipe-present pala muna namin ni Honey ang dish na iniluto namin.

"Mauna ka na, Honey..." Nginitian naman ng huli si tita at binuksan ang kanya. "Describe your dish." Wow! Parang masterchef lang ang peg.

"This dish is called Coq au vin

which is tenderized with a white wine and cheese sauce on the chicken breasts. It is very rich and creamy. Perfect french cuisine!" Ginawa niya pa yung gesture ng mga chefs kapag nakakatapos ng dish. Yung itatapat mo ang parang nakangusong palad mo tapos hahalikan at sasabihing 'mwah'.

Ano nga ulit yung pangalan? Ang hirap bigkasin.

"Mukhang masarap tikman. Next, Carmeen your dish please," ani tita Hazel na parang umaktong host ng show na 'to. Natawa ako bago naman buksan ang akin. "Describe it..."

"The chicken is simmered and marinated with soy sauce, vinegar, and garlic that is browned by oil with a bit of peppercorn and dried bay leaves and salt to add seasoning. It is called Chicken Adobo.

A Filipino cuisine which is the unofficial dish of the Philippines." Pumalakpak naman sila sa pagpresent ko ng niluto ko. Adobo is my favorite kind of dish when it comes to chicken and I can say that I did well. I hope.

Kanya-kanya nang kumuha ng plato ang mga judges. Ang last na kumuha ay si Dale my honeycake. Sumandok siya ng rice at akmang kukuha na ng adobo nang magsalita si Honey.

"Dale, ito ang una mong kunin." At si Dale, doon nga unang kumuha. Ngumiti naman nang nakakaloko si Honey sa akin. I sighed. No, Carmeen. It is super immature kung pati ang unang pagsandok ng luto ay pag-aawayan namin. You are better than this.

Kumuha na rin ng adobo si honeybabes ko. Akmang isusubo niya na yung Coq- hindi ko na alam ang susunod nang pigilan ko siya.

"Dale, yun akin ang una mong tikman..." Kumunot ang noo niya sakin pero ginawa naman ang sinabi ko. Nope, I am not better than this.

Nakita kong ang pagtaas ng kilay sa akin ni Honey pero binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti. At different circumstances, maybe I could've liked her but then, she broke Dale's heart into smithereens. The fact that she's acting so normal in front of Dale is even worse.

Hindi man lang niya maramdamang apektado pa rin si Dale. Hayys, my poor honeybabes.

I'll save you.

"So who do you guys think is the winner?" masayang tanong ni Honey sa kanila. Nangangahalati na rin kasi sila sa lahat ng kinakain nila.

May ibang bumoto sa akin dahil daw mas masarap ang lutong Pinoy pero may bumoto rin kay Honey dahil parang bagong experience daw ang kanyang luto. To sum it all up, Honey got 5 votes and I got 4. Ang hindi na lang nagboboto ay si Dale, my sugarplum.

"Dale, sinong boto mo sa kanila?" tanong nit tita kay Dale na hanggang ngayon ay sumusubo pa rin at mukhang nasasarapan sa kinakain.

"Both. Parehas na masarap..." Walang gana ang kanyang boses nang sumagot at hindi na rin nag-angat pa ng tingin. Patuloy lang ito sa pag-kain... naghalo na rin ang dalawang ulam sa kanyang plato.

"Hindi pwedeng kaming dalawa ang iboto mo. Dapat isa lang," matigas na sambit ni Honey. Mukhang ayaw niya talagang magpatalo.

"Di wala. They're both delicious so I choose both," wika niya at sumubo ulit ng kanin na may pinaghalong adobo at Coq- basta yung french cuisine!

So kahit pa bumoto o hindi si Dale ay isa pa rin ang kinalabasan...

"So that means I won!" Pumalakpak naman yung mga kasambahay nang sumigaw si Honey at siya nga ang idineklarang panalo.

Looks like I lost but nevertheless, I had fun cooking-- at least I still tried. Ngayon alam ko na kung sinong mas magaling sa amin ni Honey. We both did our best in this petty competition.

"Congratulations," I said which made her looked at me with a triumphant smile.

"Thank you. As for our deal?" aniya at naghintay na sabihin ko ang deal namin. Ngumiti naman ako pabalik.

"Honey, you are the best cook, and I'm not. It was silly of me to challenge you," I sincerely said habang seryoso siyang nakatingin sakin. "And... I'm truly sorry if I offended you with what I said. I didn't mean for it to happen." Hinintay ko ang kanyang reaksyon ngunit pilit lamang siya na ngumiti.

"Okay..." Then she diverted her gaze to Dale and his Dad. She happily served them with more of her dish. Her smile is contagious so everyone can't help but smile at her too.

Napangiti ako sa sarili.

"Tita," tawag ko at lumingon naman ito. "Labas lang po muna ko. Tawagan ko lang po si mama."

"Sige, hija. Bumalik ka rin kaagad ha? Hindi ka pa kumakain."

Nagpasalamat ako at tuluyan ng lumabas. Hindi ko naman talaga tetextan si mama. Nagpalusot lang ako para makalabas. I just need fresh air at para na rin walang makakita ng luha ko.

Nagpalakad-lakad ako sa front lawn nila saka sinisipa ang mga nadadaanang maliliit na bato. My lips protruded with the fact that I just lost to Dale's ex... masyado naman kasi akong nagyabang na matatalo ko siya, hindi naman pala.

Bumuntong-hininga ako. "Carmeen, you fool. Hindi mo na lang sana siya pinatulan. Alam mo namang wala kang mapapala dahil ex yun ni Dale... maganda na, talentado pa sa kahit na anong bagay." Para akong tanga na kausap ang sarili ko. I failed.

Umupo ako sa may malapit na bench saka ilang beses na bumuntong-hininga. I am so upset right now. Ni hindi ko magawang pilitin ang sarili kong ngumiti ng peke.

"Sayang din yun, eh! Yung date..." mahina kong bulong. Yun na sana ang pagkakataon kong mas makasama pa si Dale. Ano ng susunod? Hindi naman pwedeng habang buhay ko siyang sundan dahil alam kong nakakainis talaga yun.

Natawa ako nang maalala ang linggong palagi ko siyang inistalk na parang baliw. It really was creepy. Pero yun lang kasi ang naisip kong paraan para makita siya. Sobrang ganda ng mood ko ng linggong iyon dahil nasusulypan ko siya.

"Tama na nga 'tong page-emote," sabi ko sa aking sarili. I mean it's just a friendly competition. Hindi ko dapat dinadamdam ang bagay na ito. Marami pa akong pagkakataon na makasama siya.

Gusto ko yatang maiyak.

That was my chance to prove to him that I am serious but I blew it off. Wala na ang chance na iyon. How can I convince him if the world won't let us meet? Pasyente akong naghintay na pagtagpuin kami ng kalawakan ngunit wala itong ginawa kaya ako na lang ang gumawa ng paraan upang makilala niya ako. Yun nga lang, ang pangit ng first impression na ginawa ko.

Hays.

"Okay ka lang ba?"

Napatalon ako sa kinauupuan nang may biglang nagsalita. Mabagal ko siyang tiningnan bago tumingin sa harapan ng kanilang bahay.

"Bakit ka lumabas? Diba kumakain ka pa kanina?" tanong ko kay Dale habang papaupo na siya sa tabi ko. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya... ayokong makita niya ang mukha kong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Tapos ko na. Masarap ang niluto niyong dalawa ni Honey," Aniya saka nanahimik ang paligid. Malambot ang tinig niya sa aking pandinig. That wasn't his usual tone.

Pinilit ko na lang na inignora ang kanyang presensya at tumingin sa kabilang direksyon. Ayoko talagang makita ang mukha niya dahil baka bigla niya akong gatungan. Masama na ang loob ko sa nangyari kaya hindi ko na kailangan na may magsabi saking natalo ako.

Ang unfair naman kasing bumoto nito! Hindi na lang yung akin ang pinili para kahit tie man lang kami ni Honey.

"Tumingin ka dito. Don't you know it's rude to ignore someone's presence?" naiirita niyang sambit. Hindi ako sumagot at nakatingin pa rin sa ibang direksyon. Ngayon ko lang pinagdarasal na sana'y umalis siya sa tabi ko.

Napahiya na ako kanina sa loob.

"I wanna be alone right now..." I whispered.

"Kung nagkakaganito ka dahil sa nangyari ay kasalanan mo. You should've taken down her challenge and ignored her statements. It got you nowhere... dahil lang sa gusto mong ipamukha sa kanyang nasaktan niya ako at wala siyang karapatang maging maayos sa harapan ko. Buhay ko 'to, Carmeen. I have the say if she can stay away from me or not."

Umismid ako. "Of course you don't want her to stay away..." Mahal mo kasi.

"I don't want her to stay away because my parents are attached to her. Hindi lang kami nagliligawan, Carmeen. We were best friends first before I fell in love. And I don't like how you meddle with that matter. Napag-usapan na natin 'to at hindi ko na uulitin."

Masyado nga akong naging pakielamera. Nag-aalala lang naman ako dahil dumidikit pa rin si Honey sa kanya gayong sinaktan siya nito. In different scenarios, they should grow apart. Hindi yung ayos lang sila at parang maayos pang pinag-usapan ang posisyon nila sa buhay ng isa't isa.

Nakakainis lang. Nasaktan na nga siya ay may pake pa rin siya.

"Sorry," I muttered. Narinig ko siyang napabuntong-hininga.

"Hindi mo kailangang isipin kung saan ka nagkamali o kung bakit hindi ka nanalo... what you did was amazing and cool. Hindi porket ikaw ang natalo ay talo ka na rin sa lahat. You accepted your own defeat and that makes you a winner also, okay?"

Is he a mind reader? Tumpak yung sinabi niya. Napangiti ako-- somehow it made me feel a little less sad.

"Wala namang sense yung sinabi mo," komento ko. He's right. Marami pa akong pagkakataon. Hindi porket natalo ako ngayon ay susuko na ako. On the other hand, I heard him groaned.

"I know. But at least I helped. Do you feel better now?" Tumango ako at nakangiting tumingin sa kanya.

"Yes. Thank you." Hindi ko namalayang nagkakatitigan na pala kami pero agad din siyang umiwas at tumingin sa kabilang direksyon-- mukhang nailang. Napahagikhik ako sa sarili.

"Napansin ko kanina na panay ang tingin mo kay papa," simula niya. Napansin niya pala iyon? Napangiti ako.

"Ang gwapo ng papa mo..." Bigla na lang siyang napatingin at sinamaan ako ng tingin. Ano na namang ginawa ko?

"Huwag mong sabihin na nagugustuhan mo si papa? I'm telling you to stop that dahil meron na si mama sa buhay niya. Hindi pumapatol si papa sa mga bata." Masama pa rin ang pagkakatingin niya sakin. Saka ko lang narealize yung sinabi niya at napahalakhak ako nang wagas.

Nakita kong nakakunot na naman ang kanyang noo habang panay pa rin ang pagtawa ko.

"Anong tinatawa mo dyan? Tumigil ka nga!" Naiirita na naman ang aking bebeloves. Gwapo pa rin naman siya hihi.

"Nakakatawa ka, Dale. Seryoso, yun ang unang pumasok sa isip mo?" Napatawa ulit ako nang malakas. Sa sobrang tawa ko napahawak ako sa aking tyan dahil sumasakit na.

"Isa, tumigil ka kung hindi iiwan kita dito." Sige na nga, titigil na ako sa pagtawa. Walk-out king pa naman ang aking mahal baka totohanin.

Nang makarecover ako ay nakangiti ako nang malawak sa kanya dahilan para taasan niya ako ng kilay. Alam kong parang nagmumukhang bakla ang mga lalake kapag ginagawa iyon pero bakit pag sa kanya mas lalo lang siyang gumagwapo sa tingin ko?

Ang sungit-sungit niya sakin pero hindi niya alam na mas lalo lang akong nahuhulog.

Tumahimik ang paligid. Pumikit ako at pinakiramdaman siya. Halatang iniisip pa rin ang sinabi niya. Seriously, he thinks that I like his dad? If I didn't know any better, I would say that he is jealous.

But that's too far from reality. Hindi niya pa nga ako maalala kaya paano naman yun mangyayari. One step at a time.

"Did you know that you got your dad's smile?" I said all of a sudden. Nakita ko sa aking peripheral vision na tumingin siya sa akin. Nakatingin lamang ako sa aking harapan. "Kaya ako nakatitig sa kanya kanina. You also got his nose. Tapos napansin ko rin na nakuha mo ang cheekbones mo kay tita Hazel."

Tumingin na ako sa kanya and I found a deep set of hazel eyes staring at me, wondering if I'm real. I smiled even more as I examined his eyes.

"Nakuha mo rin kay tita ang mata mo. Kapag kasi ngumiti ka, medyo lang na sumisingkit ang mata mo na napansin ko rin kay tita Hazel habang si tito naman talagang sumisingkit na yong mata na halos 'di na makita." Wala siyang sinabi at patuloy lang na tinititigan ako. Mukhang di na rin siya naiilang. "Also your mom's hair, nakuha mo rin sa kanya iyon."

Kumunot ang kanyang noo. "Pare-parehas lang kami na itim ang buhok..."

Umiling ako bilang tugon. "Kay tito ang full na itim ang buhok samantalang sa inyo ni tita may pagka-light brown. Napansin ko iyon nang nasinagan kayo ng araw."

Inobserbahan ko talaga silang magpamilya at marami talaga akong napansin. Hindi ko rin napigilang sabihin sa kanya. Tsaka ang cool kasi ang kalahating taas ng mukha niya nakuha niya kay tita habang ang pang-ilalim naman na hati ay kay tito. He's like a fusion of both his parents. Malamang magulang niya pero sobrang distinct kasi nung features na kanyang namana.

Wala ako narinig mula sa kanya. Ano kayang iniisip niya? Bigla-bigla na lang tatahimik. Tiningnan ko na lang ang paligid. 5PM na pala. Mukhang masyado kaming naging busy sa pagluluto na hindi namin namalayan ang oras. Papalubog na rin kasi ang araw.

"Mukhang hindi na ako maghahapunan dito, Dale. Pinaalala sakin ni mama na umuwi bago magala-sais." Tumayo na ako sa kinauupuan habang siya'y nanatiling nakatitig sakin at hindi man lang ako kinibo. Hindi na naman niya ako pinapansin. Bahala na nga siya.

Humakbang na ako papaalis nang bigla na lang siyang magsalita dahilan para matigilan ako.

"Kailan at anong oras?" sambit niya habang naka-spread ang dalawang kamay sa bench. Mukha siyang modelo sa ganoong pagkaupo.

Nagtaka ako. "Ha?"

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sakin nang hindi hinihiwalay ang tingin.

"Kailan at anong oras ang date natin?" Umawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Date? Pero...

"H-Hindi naman ako ang nanalo, bakit mo ako niyayayang magdate?" Alam kong hindi na dapat ako nagtatanonong at sunggab na kaagad pero kahit konting pakipot lang ang gawin ko. Ano namang pumasok sa utak niya?

Akala ko ba'y hindi siya payag sa deal naming iyon?

"Unang-una, wala akong maalala na pumayag ako sa deal mo. Bigla ka na lang umalis nang hindi man lang inaalam kung anong sasabihin ko." Natawa ako sa isip. Sinadya ko talaga iyon para hindi na siya makaangal. "Pangalawa, gusto mo bang makipagdate sakin o hindi? Huwag ka nang mag-inarte dyan dahil ako na ang nagyayaya." Then he rolled his eyes. Cute.

Hindi ko napigilang ngumiti at bigla siyang sinunggaban ng yakap. Naramdaman kong nanigas siya sa kintatayuan niya pero ilang saglit ay dahan-dahan niya rin akong yinakap. There he goes again, making me feel all weird inside.

Hindi naman tumitibok ng mabilis ang puso ko which is weird dahil kayakap ko ang taong mahal ko. I felt warmth and secure in his arms instead. It's like I long for this to happen.

Inilapit ko ang aking labi sa tenga niya at bumulong. "Thank you honeybabes. Hindi ka magsisisi sa desisyon mo na makilala ako nang mabuti."

"I still disagree with that endearment." Napatawa ako. I really love my honeybabes.

Continue Reading

You'll Also Like

55.1K 774 53
UNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is...
338K 9K 43
(Sequel of My Perverted Gay Roommate!) Two years passed and they thought everything will be the same. The climax of their story is about to start.
24.5K 1.5K 63
Is it wrong to love two people? Is it my fault that I love them both? but whatever others say even when others think it is wrong I will fight for my...
60.1K 1.5K 44
• C O M P L E T E D • Chloe Samantha Perez ang babaeng naknakan ng arte, sobrang maldita at walang paki alam sa nararamdaman ng ibang tao. In short m...