Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Ten

3.6K 79 6
By krizemman

Andito na ako sa guess room. Hindi pa din ako makatulog kahit pagod sa byahe at sa mga nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

'Kung si Shamy na kakilala ni Eul, at yung Shamy na kilala ni Tito ay iisa, ibig sabihin nun multo na yung Shamy na kilala ng pinsan namin. Bumalik siya dahil nakita nya si Eul na akala nya si Lolo Van? Maaaring tama din sa Nikki na nasa panganib si Eul' malalim kong pagiisip habang nakahiga.

Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ng kama. Naisipan kong tawagan si Eul, magbabakasakali akong gising pa siya at masagot ang tawag ko.

RING

RING

RING

Nakailang ring pa ang naririnig ko mula sa kabilang linya bago ito tumigil sa pagring. 'Buti naman sinagot nya na din.'

"Hello Bro? Nasaan kana?" tanong ko agad ng masagot ang tawag ko. "Umalis ka na dyan, delikado ang lagay mo sa lumang bahay na 'yan"

[Bro ano bang pinagsasabi mo?] iritableng usal niya. Halatang nagising siya sa tawag ko.

"Bro umalis kana dyan" muling giit ko sa kanya.

[Tangina ka naman Nico tatawag ka lang para sabihin lang yan?! Alam mo bang anong oras na, pagod ako sa byahe tapos sasabihin mong magbyahe ulit ako ngayon pabalik dyan!] Sigaw nyang saad.

"Bro hindi mo kasi maintindihan, hindi tao si Shamy, isa siyang masamang ispiritu!" hindi ko na napiligan pa ang sarili ko, kaya naman nasabi ko na yung bagay na yun sa kanya. Baka sakaling maniwala din siya.

[Ano ba yang pinagsasabi mo Nico? Sira na ba ulo mo? Pati ba naman si Shamy sisiraan mo pa! Lasing ka ba?!] Halata sa tono ng salita nya ang inis.

"Bro hindi ako lasing, sinasabi ko lang yung totoo!" giit na usal ko.

[Matutulog na ako Nico. Pagod ako, wala akong time makipag gaguhan sayo!] Sigaw pa nya.

Magsalita pa sana ako nang marinig kong naputol na ang linya. 'Hindi siya naniniwala, ano bang ginawa sa kanya nung multo na yun.?'

Sa kaiisip ko, nakaramdam na din ako ng antok.

K I N A B U K A S A N

"Hoy Nico bumangon kana, nakaalis na sila Mom at Dad. Bilisan mo para maaga tayong makarating sa lumang bahay nila lolo" Gising sakin ni Nikki.

'5:00 o'clock pa lang ng umaga?' Hindi ako makapaniwala ng makita ko yung oras. Napaka aga pa para sa gising ko. Natandaan ko alas dos na ako nakatulog kanina. 'Tatlong oras lang naging tulog ko, bwiset na Eul kasi yun hindi na lang umuwi dito'

"Hoy! Ano ba hindi kapa ba babangon dyan?!" Dagdag pang sigaw niya.

"Ito na babangon na, maliligo na din ako. Lumabas ka na dun." inis kong sagot sa kanya.

"Sige handa ko lang yung kotse, dumaan na lang tayo sa isang drive tru para bumili ng makakain"

'

Gugutomin talaga ako ng isang 'to'

Lumabas na din siya ng guess room. Nag ayos naman ako at mabilis na naligo. Tiningnan ko muna kung may text message si Eul, ngunit wala akong nakita kahit man lang missed call.

Lumabas na ako ng kwarto para puntahan si Nikki sa labas.

"Ano yang mga yan?" tanong ko sabay turo ko  sa mga bag na nakalagay sa backseat ng kotse.

"Mga bag. Hindi tayo aalis dun hanggat hindi natin kasama si Eul" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Nagbibiro ka ba? Baka kung anong gawin satin ng multo na si Shamy, pareho natin naranasan yung mga pananakot nya hindi ba?" Ako

"Lalo nya tayong tatakutin kapag pinakita natin na natatakot tayo sa kanya." Usal nya habang inaayos yung mga gamit namin sa loob.

"Pananakot lang ba ginagawa nya? Alam natin pareho na kaya nya tayong saktan pagnagkataon" Asar na usal ko. 'Saan naman kaya naka nakaw ng tapang tong babae na 'to'

Alam kong kabadingan tong nararamdaman ko, dahil hindi ko makakaila na natatakot talaga akong bumalik dun, kaya nga tinawagan ko na lang si Eul, nagbabakasaki akong umuwi na lang siyang magisa para hindi na kami bumalik pa ni Nikki sa bahay na yun.

"Oh!" Sabay hagis ng susi ng kotse sakin.

ON THE WAY

"Nikki, tinawagan ko si Eul kagabi" Umpisa ko sa usapan namin habang nagmamaneho ako.

"Nakausap mo ba siya ng matagal? Sana pinauwi mo na siya agad ng hindi na tayo bumalik dun sa lumang bahay." Siya

"Pinabalik ko nga siya, sinabi ko na nga din yung tungkol kay Shamy, ang kaso nung marinig nya pa yun, nagalit pa siya sakin. Kung ano ano daw pinagsasabi ko." tila batang sumbong ko sa kanya.

"Mukhang nalason na ng Shamy na yun ang utak ng pinsan natin." Iiling iling pang usal nya.

"Kung hintayin na lang kaya natin magpasukan, sigurado naman babalik yun diba?"

"Sira ka ba? Sigurado ka bang walang gagawin yung Shamy na yun sa pinsan natin habang andun siya sa lumang bahay?" usal nya, sabay nag isip ng malalim. "Nagtataka lang ako, kung matagal ng patay si Shamy bakit siya nagmumulto ngayon. Bakit kaya hindi matahimik yung kaluluwa nya?"

"Hindi kaya may alam si tatay Jess, tungkol kay Shamy? Naalala ko nun, pinagbawalan nya kaming buksan at sumilip sa bintana ng kwarto namin sa lumang bahay." kwento ko sa kanya.

"Tama!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

"Anong tama?" Takang tanong ko.

"Tama, si Tatay jess siguradong may alam, kasi siya din nagsabi sakin na 'wag daw tayong lalapit sa puno. Hindi naman nya siguro sasabihn yun kung walang mabigat na dahilan hindi ba?"

Kung ano anong napasok na mga tanong sa utak naming dalawa ni Nikki. Pero kahit isa hindi namin alam kung anong tamang sagot, tanging si Tatay Jess lang maaring makasagot ng tama. Kung anong konekyong ng puno at ng bintana?.

Bakit kami pagbabawalan na lumapit sa puno?.

"Alam ba ni Eul yung sinabi ni Tatay Jess na wag tayong lalapit sa puno?" Ako

"Hindi. hindi ko na nagawang sabihin dahil sa nangyari sakin nung araw din na yun, kaya nawala din sa isip ko."

"Tingin mo maniniwla kaya siya sa atin?"

"Oo maniniwala yun" usal nya at may kinuha siya mula sa dala nyang maliit na bag "Dahil dito sa litrato ni Shamy nung nabubuhay pa siya." Litrato nga ni shamy na galing sa lumang photo album.

"Sana nga maniwala siya." mahinang dasal ko.

Nagpatuloy na din ako sa pagmamaneho.

-----

NIKKI POV

Tahimik na kaming nag byahe ni Nico. Iniisip ko kung pano ko ipapaliwanag ng tama kay Eul ang tungkol kay Shamy, kailangan niyang maniwala sa amin, kung sakaling nalason na nito ang isip niya. At kung may sapat ba kaming lakas ng loob, sakaling magpakita siya?

'Imposibleng hindi maniwala sa amin ni Nico si Eul, kung ito ngang nasa litrato ay si Shamy na kakilala nya' Kahit ako nag aalinlangan sa gagawin namin.

"Nico ano nga pa lang kinamatay ni lolo Van?" Biglang tanong ko.

"Hindi ko din alam, wala naman sinabi si Tito kung anong kinamatay nya diba, kahit si Shamy hindi din sinabi kong anong kinamatay" sagot pa nya. "Tawagan mo kaya si Tito, baka alam nya yung dahilan" suhesyon niya pa.

Nag alangan naman akong tawagan si Daddy. Baka magtanong siya kung bakit interesado ako sa taong matagal ng patay.

"Kay tatay Jess na lang tayo magtanong pagdating natin dun, mas maganda kung kaharap na din si Eul"

"Sige ikaw bahala" Nagpatuloy na lang siya sa pagmamaneho.

Dahil maaga kaming umalis kanina kaya maaga din kaming nakarating sa lumang bahay nila lolo't lola.

"Teka ako na ang magbubukas sa gate" agad na akong bumaba ng kotse.

Bago ko ito buksan, pinagmasda ko muna yung buong paligid ng bakuran. Napahinto ang tingin ko sa malaking puno. Wala naman akong nakitang kakaiba.

Sinenyasan ko na si Nico na ipasok na yung kotse sa loob ng mabuksan ko ang gate.

"Ayun yung sasakyan ni Eul" turo ni Nico sa may garahe nang nakapasok na kami sa loob.

"Bakit parang walang tao dito, sarado pa yung bahay?" usal ko ng mapansin kong napakatahimik ng paligid.

"Malamang tulog pa, anong oras pa lang naman, tapos pagod at puyat pa siya"

"Ewan ko, iba pakiramdam ko." Hindi ako kumbensido sa sinabi nya

"Ayan ka naman Nikki, nanakot ka naman" reklamo nya

"Hindi ko nanakot nagsasabi lang ako ng nararamdaman ko"

Agad kaming bumaba ng kotse ng maiparada nya ito sa tabi ng sasakyan ni Eul.

Dumirertso naman ako sa likod bahay kung saan nandon ang kubo na tinutiluyan ni Tatay Jess.

"Tatay Jess!" tawag ko. Nakailang tawag na din ako sa kanya ngunit wala pa din nasagot.

Kaya nagdesisyon na akong pumasok na loob nun. Ngunit wala akong nakitang Tatay Jess.

'Nasaan naman kay yung matanda na 'yun?' Kaya lumabas na ako at bumalik sa harap bahay kung nasaan si Nico.

"Walang tao sa kubo" usal ko kay Nico. "Kumatok ka kaya" Utos ko sa kanya,

"Kanina pa ako nakatok pero walang nagbubukas, napasarap ata tulog ni Eul, tawagan ko na lang" Inilabas nya na yung phone nya. Nakailang tawag pa din siya ngunit wala naman nasagot sa kabilang linya.

"Napasarap ata tulog ni Eul" usal niya.

"Akyatin mo na lang kaya sa taas, dun sa may puno" Turo ko sa punong malapit sa veranda sa itaas.

"Alam mo ba Nikki yang sinasabi mo? Alam mo naman na medyo malayo yung puno sa veranda" asar pa nyang usal.

"Ano, hihintayin na lang ba natin gumising si Eul?" tanong ko. "Paano kung hindi na magising yung gago na yun?" medyo nakaramdam na ako ng inis. Dahil na rin siguro sa pag aalala ko para sa kalagayan ng pinsan namin.

"Hanapin natin si Tatay Jess kung gusto" Nico "May susi siya ng buong bahay hindi ba?"

Saglit pa akong nagisip. Ano pa nga bang magagawa namin kundi hanapin si tatay Jess o kaya hintayin namin gumising si Eul?

Nagpasya kaming lumabas ng bakuran at naglakad lakad. Nagbabakasakaling makita namin si Taty Jess.

"Manang pwede po bang magtanong?" Tanong ko sa matandang nakasalubong namin.

"Aba hija nagtatanong kana eh" pilosopong sagot ng matanda. 'Sira ulong matandang 'to' gusto ko sanang sabihin kaso lang baka naman magalit sakin at hindi sagutin ang itatanong ko sa kanya.

"Ah oo nga po" napakamot na lang ako sa ulo ko. "kilala nyo po ba si Tatay Jess? Yung nakatira dun sa malaking bahay sa may banda po doon" magalang na tanong ko sa kanya, sabay turo sa lugar kung saan nakatayo ang lumang bahay.

"Ahh si Jess ba?" malanding usal ng matanda, na tila isang teen ager lang kinikilig pagkarinig sa pangalan ng nagugustuhan nya. "Nakita ko siya kahapon ng umaga na umalis, may dalang bag. Baka umuwi muna sa kabilang bayan. Doon sa mga kamag anakan nya"

Nakaramdam naman ako ng panlulumo sa sinabi ng matanda.

"Alam nyo po ba kung saan lugar na yun manang?" Tanong naman ni Nico. Mukhang alam ko na kung anong binabalak nitong isa na 'to.

"Oo naman, nakarating na kasi ako dun, nung may pyesta." masiglang usal pa nya.

'Ke tanda na karengkeng pa' iling na bulong ko.

"Pwede nyo po ba kaming samahan sa kabilang bayan?" Nico

Napatingin naman ako sa matanda kung papayag ba ito o hindi. Kasi may dala itong bilao na may laman na mga iba't ibang kakanin. Mukha naman nabasa ni Nico ang nasa isip ko.

"Babayaran ko po kayo samahan nyo lang po kami puntahan kung saan si Tatay Jess" Pakiusap nya sa matandang babae.

"Sige sasamahan ko kayo, basta babayaran nyo lahat ng paninda ko." Paniguradong tanong nya kay Nico. 'Parang walang tiwala sa mukha niya, hahaha'

"Oh ito po bayad ko sa inyo, samahan nyo lang kami" Sabay abot nya ng dalawang libo dun sa matanda.

"Salamat, hahaha, tara na ano pang hinihinttay natin, punta na tayo kina Jess" Masayang usal nya ng makuha ang pera mula kay Nico. 'Parang nanalo sa lotto' At nagmamadaling lumakad na siya.

"Manang!" tawag ko sa kanya. "May sasakyan po tayo, hintayin na lang po natin siya sa dito." usal ko sa kanya, "Sige na Nico kunin mo na lang yung kotse, Dito na lang kami maghihintay" Baling  ko naman sa pinsan ko, Agad din siyang tumakbo pauwi sa lumang bahay.

"Ano bang kailangan nyo kay Jess at talagang pupuntahan nyo pa siya sa kabilang bayan?" Usisa ng matanda sakin.

"May itatanong lang po kami sa kanyang importante" Maisking sagot ko.

"Ganun ba, alam mo bang matagal ng nangangamuhan yang si Jess sa malaking bahay. Binata pa yan andyan na siya hanggang makapg asawa at mamatay ang asawa nya, andyan pa din siya. Kung hindi lang mabait ang may ari ng bahay na yan matagal ng umalis si Jess dyan. Pero bilang pagtanaw ng utang na loob kaya hindi nya maiwan ang bahay, Sa utos na din ng mag asawang amo nya." Kwento nya.

Nagtaka ako sa huling binnggit niya na kung hindi lang mabait sila lolo at lola matagal ng umalis si Tatay Jess. Kaya hindi ko napigilan ang magtanong. Maaaring may alam itong matanda na ito tungkol sa bahay.

"Gusto na po bang iwan ni tatay Jess ang malaking bahay?" Inosenteng kong usal

"Oo, dahil sa mga kababaglahang nangyayari sa bahay na yun" Lalo naman ako nagulat sa inusal ng matanda,

'Ibig sabihin alam ni Tatay Jess na may nagmumulto sa bahay, pero hindi nya ito sinabi sa amin, kaya tanging mga babala lang ng ipinapaalala nya'

"Kaya pag madilim na wala ng naglalakas loob na dumaan dyan. Kasi yung apo ko may nakikita daw na tao sa dilim, white lady ba." Tuloy pa nyang kwento. Kaya naman nakinig lang muna ako sa kanya. "Kayo ba yung mga kabataan na nagbakasyon doon sa bahay na yun?" Tanong niya sa akin, tumango naman ako bilang sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman at walang nagparamdam sa inyo sa bahay na yun.?"

"Wala naman po" pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit yun ang sinagot ko. Dahil siguro natatakot ako sa maaring ikwento pa ng matandang katabi ko.

Ilang saglit lang natanaw ko na yung kotse namin ni Nico na palapit sa amin.

 "Tara na po" akay ko sa matanda.

"Nikki, sarado pa din yung bahay, tinatawagan ko ulit yung phone ni Eul, pero naka off na." Bakas sa mukha nyang pag aalala.

"Hayaan muna natin siya, wala naman sigurong mangyayaring masama dun" Pagbibigay lakas loob ko kay Nico. Na kahit ako hindi alam kung anong nangyari na sa pinsan namin.

"Bakit ano bang nangyari" Usisa ng matandang nasa likuran ng sasakyan.

"Ahh wala naman po manang" Sagot ko sabay tingin kay Nico. Tingin na nag sasabing manahimik na muna siya.

 Hindi na muling nagsalita ang pinsan ko. Tanging yung matanda na lang ang nagsasalita habang tinuturo ang daan papunta sa bahay ng kamag anakan ni Tatay Jess. Wala pang kalahating oras narating din namin yung bahay.

"Ito na yung bahay ng kapatid ni Jess" Turo ni manang Lourdes. Habang nasa daan kami kanina, tinanong ko kung anong pangalan niya.

Sabay sabay na kaming bumaba ng sasakyan, at nagtungo sa harap ng bahay.

"Tao po!" Sigaw ni manang Lourdes

Agad din naman may lumabas mula sa bahay, isang babae na hindi ako nagkakamali, hindi nalalayo sa edad namin ni Nico.

"Ano po  yung kailangan nila?" magalang na tanong niya kay manang. Dahil mbaba lang naman ang bakod pati ang gate kaya kita namin ang tao sa loob.

"Kasi hija itong mga kasama ko hinahanap si Jess." Usal nya, sabay turo sa aming dalawa ni Nico

Lumapit siya sa amin at pinagbuksan kami ng gate. Diretso naman kaming tatlo sa loob ng bahay.

"Wala ngayon si Lolo dito, umalis kaninang umaga, maupo muna kayo" saad nya habang nakatingin sa amin "Anong kailangan niyo kay lolo at hinahanap nyo siya?"

"Sila yung mga apo ng may ari ng bahay na binabantayan ng Lolo mo hija" Sabat at pakilala ni Mang sa amin

"Gusto lang sana namin siyang makausap, kaso wala naman pala." Ako

"Ganun na, kaso lang hindi ko alam kung kailan balik nya. Hindi ko din kasi siya nakausap ng matagal. Dahil yung dating ko kahapon siya namang busy sa pag aayos ng mga gamit nya." Paliwanag ng babae.

"Wala ba siyang naiwan na susi ng malaking bahay?" Nico

"Meron, iniiwan nya yun dito tuwing aalis siya at napunta ng manila. Saglit lang kukuhanin ko" Tumayo siya at pumasok sa isang silid. "Ito yung susi ng bahay" Abot nya sa akin.

"Ako nga pala si Shishai, apo ni Lolo Jess" Pakilala nya.

"Nikki" Abot ko ng kamay "Siya naman si Nico, pinsan ko" sabay tingin sa katabi.

Mabilis namang iniabot ang kamay nya kay Shishai.

'Malandi talaga 'tong pinsan kong 'to, tsss'

Hindi na din kami nagtagal, nagpaalam na kami kay Shishai na aalis na.

*****

 VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

11M 28.5K 7
"It's one of those things you won't understand unless it happens to you" -Author.
76.8K 642 51
[COMPLETED✔] Started: May 22,2017 Completed: October 14, 2017 Spread your feelings by words. Highest reached rank: #02 in Spoken Poetry [June 30, 201...
44.3K 1.8K 77
Si Drake Salazar, ang lalaking pinaglihi ata sa damong makahiya. Ang lalaking para kay Sharie ay walang kwenta! Gwapo pero lumaki atang mahiyain a...
4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...