Our Souls were Meant to Be

Par Anyinyre

1.4K 69 37

"I know our souls were meant, I had heard of Soulmates before, but I never knew such a person could exist unt... Plus

Our Souls were Meant to Be
//One//
Author's Special Note
//Two//
//Three//
//Four//
//Five//
//Six//
//Seven//
ONE DAY IN MY LIFE (A Special Chapter) Part 1
ONE DAY IN MY LIFE (A Special Chapter) Part 2
ONE DAY IN MY LIFE (A Special Chapter) Part 3
One Day in My Life (A Special Chapter) Part 4
//Nine//
//Ten//
//Eleven//
ENDING

//Eight//

105 3 3
Par Anyinyre

A/N dedicate ko kay ate, kasi naligaw siya sa message board ko. hihihi :)

Chapter 8

            “Aahhhhhh.” Halos maloka na si Khate, habang yakap-yakap niya ang kanyang unan ay pagulong-gulong siya sa kama. Alas-nuebe pa lang ay nakahiga na siya pero pasado alas dose na ay gising na gising pa rin siya.

            “Bakit ang weird ng mga tao ngayon! Nung mga nakaraang araw si Kevin, ngayon naman si Harry. Bakit ba sila ganyan?” wika niya sa kanyang isip.

            Ilang minuto pa rin siyang ganun, pero maya-maya lang ay napagod na siya kaya naman ay nanatili na lang siyang nakatingala sa kisame, naglalakbay ang isip sa kawalan.

            “Khaz, gising na! May pupuntahan ka pala hindi ka gumising ng maaga.” Naramdaman niyang may bahagyang tumutulak sa kanya. Pero patuloy pa rin siya sa pahgiga at niyakap ng mahigpit ang unan.

            “Ui, khazumi Teleinne. Bumangon ka na sabi riyan.”

            “Ahh.. Mama.limang minuto pa, maya-maya lang.”

            Naramdaman niya na may tumayo buhat sa kanyang kama at malakas siyang itinulak sa may braso.

            “Bahala ka riyan, kanina pa naghihintay sa baba si Harry.”

            “Aray. Mama naman. . .” paungol pa niyang sabi. “Pakisabi na lang kay Har---“

Napabalikwas siya sa kama. “Ay, oo nga pala!!! Hala, kanina pa po?” nagpapanic na siyang pumunta sa banyo.

            “Ayan, nagmamadali ka ngayon! Kanina pa kita ginigising may palima-limang minuto ka pang nalalaman.” At narinig niya ang pagsara ng pinto.

            Halos limang minuto lamang siyang naligo. Matapos makapag-ayos ay lumabas na agad siya ng kwarto. Mabuti na lang at naihanda na niya ang isusuot niya bago siya matulog.

            Malapit na siya sa may hagdan ng bigla siyang mapahinto.

            “Oh my,” wika pa niya habang napakapit sa dibdib. “Ang bilis ng tibok ng puso ko. . .excited much?” bulong niya, “excited ba ako?”

            O kinakabahan. Wahahaha. Kakabahan ako? Kay Harry? Epek ha!!!

            But this is a new feeling again. Noong unang beses na makakasama niya si Kevin noon, hindi naman siya nagkaganito. Hindi siya naloloka.

            Funny. Lagi naman akong loka-loka. Hahaha

            Bumaba na siya ng hagdan, and there, he saw Harry standing next to the door.

            Narinig siguro nito ang foot steps niya kaya naman agad itong lumingon.

            I really love his brown eyes.

            Nakita naman niya ang pagtaas ng kilay nito, napatawa siya.

            “Late ka na nga tatawa-tawa ka pa riyan!” Masungit na sabi ng binata.

            “Di ba sabi ko sa’yo wag kang magtataas ng kilay para ka kasing beki. Pag ikaw ay natuluyan, naku! Iiyak ang mga chikababes mo.” Binuntutan pa niya ito ng tawa.

            “At ikaw?”

            “Ahm. . . matutuwa ako syempre, akalain mong girlalu na rin ang bestfriend ko!” Muli na naman siyang tumawa.

            “Whatever! Ano? Aalis na ba tayo o diyan ka na lang?” Pagalit na tanong ni Harry, sabay labas ng bahay.

            Dali-dali naman niyang hinabol ito.

            “Ui ito naman parang joke lang. Paano ka sasagutin ng liligawan mo kung madali kang mapikon, first date niyo pa lang basted ka na.” Napahinto naman sa paglalakad si Harry at hinarap siya.

            “At sino naming may sabing nililigawan kita?!” pasarkastikong sabi nito.

            “At sino naming may sabing sinabi ko na nililigawan mo ako? Ang sinabi ko yung liligawan mo. Badtrip ka! Bahala ka, kung ayaw mo ng ituloy. FINE. WHO CARES!” galit na wika niya sabay talikod at nagsimula nna siyang maglakad pabalik ng bahay.

            Bigla siyang hinablot nito sa braso at kaya naman hinarap niya itong muli.

            “Fine, I’m sorry. Nakakairita ka kasi eh.”wika pa nito sa mababang tono. “”Tara na. Please. . .”

            “Saan ba tayo pupunta? Tsaka bakit ba masyadong maaga ‘tong date na ‘to?”

            Tumigil si Harry sa paglalakad kaya naman napatigil din siya.

           “Bakit?”

            “Ahah! Ikaw ha. Sinabi ko na nga ba gusto mo ringmakipagdate sa akin eh.” Wika nito na may nakakalokong ngiti.

            Natigilan naman si Khate.

            “A--- Ano? Hoy ikaw ha. Ikaw nga diyan ang nagpakaweird kagabi, pa-boyfriend-boyfriend material ka pa diyan. As if ha.”

            Lalong lumapad ang pagngiti ng binata.

            “Ui defensive. Haha As if what?”

            “Hindi ako defensive. As if may gusto ako sa’yo! Baka ikaw ang may pagnanasa sa akin! Hinalikan mo pa nga ako.”

            Nakita niya ang pagkagulat sa mata ni Harry. Kahit siya ay nagulat rin sa kanyang nasabi.

            Jahe Khate! Tama bang ipaalala pa! Bobo ‘te?

            “Awan sa’yo soulmate. Tara na nga, para di atyo gabihin.” Pag-iba naman ni Harry ng usapan.

            Nakarating sila sa bus terminal.

            “Saan tayo pupunta?”

            “Sa Lucena.”

            “Ahh sa. . . WHAT? LUCENA?”gulat na gulat na wika niya.

            “Wag kang sumigay. Tsk. Lucena nga. Kailangan paulit-ulit. Oo nga dib a. Sakay na.”

            Paakyat na siya ng bus pero may bigla siyang naalala. Nilingon naman niya agad si Harry.

           “Ahh… Ano. . . kasi. . .”

            “Ano ba iyon? Diretsuhin mo na nga! Hai. Sayang ang o- - -“

            “Wala nga akong pera! Paano ako sasama sa’yo?”

            “What? Hahahahaha”

            “Sige, tumawa ka pa, ibabato ko sa’yo ‘tong sapatos ko.”

            “Napakaloka mo talaga. Tara na. Ako bahala sa pamasahe mo.”wika nito na bahagya siyabg tinutulak papasok ng bus. Pero dahil matibay ang pagkakapit niya sa may pinto hindi siya matangay paloob.

            “Weh? Seryoso? Talaga? Ililibre mo ako? Bakit naman?” pangungulit pa niya.

            “Oo nga. Grabe ‘to. Bakit ba ang ku- - -“

            Bbbbeeeeeeeeeeeeppppppppppp

            Napatingin sila sa driver ng bus, bakas sa mukha ni Manong driver ang pagkainis.

            “Sasakay ba kayo o ano? Kung hindi eh wag na kayo diyan sa may pinto magligawan at nakakaabala kayo.”

            NAgkatinginan naman silang dalawa.

            “Yan, ang kulit kasi. Sakay na sabi. Ako man ang bahala sa’yo. Let’s call this a date- a friendly date. Ok?

             Nagulat man si Khate ay sumakay na rin,

            Awan ba niya, nakita niya ang sincerity sa mata nito. As if saying na hindi siya papabayaan nito.

         Ay! Ang korni ng iniisip ko!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

289K 4.9K 24
Dice and Madisson
116K 4K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...