"Don't forget, bukas susunduin kita at eight." paalala ni Caleb sa akin ng makababa na ako mula sa sasakyan. We were going somewhere tomorrow. Hindi ko alam kung saan. Surprise daw sabi niya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Thank you sa dinner." Naabutan na kami ng gabi sa paglilibot sa mall para mahanap ang isang partikular na paintbrush. Nang tanungin ko siya kung nagpipinta ba siya ay sinabi niyang hindi. Kaya hindi ko alam kung para kanino ang paintbrush na binili niya. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil abala ako sa pag-iisip tungkol kay Ethan. Hindi talaga ako mapalagay sa nakita ko bago kami naghiwalay.
I want to see him already and hug him. For some reason, gusto kong mag-sorry sa hindi pagsama sa kanya.
"Good night." pamamaalam ni Caleb.
"'Night!" sagot ko naman, sabay kaway. Hinintay kong mawala muna ang sasakyan niya bago ako pumasok sa apartment.
Nakabukas naman ang mga ilaw sa loob pero walang tao sa sala o sa kusina. Dumiretso muna ako sa kuwarto ko. Gusto ko munang mag-shower para maging presko ang pakiramdam ko. Saka ko na haharapin si Ethan.
Pinaandar ko ang gripo para punuin ng tubig ang balde pero napakahina ng agos ng tubig. Matagal mapuno ang balde. Nakapagdesisyon ako na doon na lang ako sa common CR maliligo. Kinuha ko ang mga gamit panligo ko at lumabas ng kuwarto ko.
Ilang minuto rin bago ako natapos maligo. Aabutin ko na sana ang towel ko ng ma-realize kong nalimutan ko palang dalhin iyon. Nasanay na kasi akong hindi nagdadala ng towel sa loob ng CR at paglabas ng CR na lang ako nagtutuyo ng sarili ko. Mag-isa lang naman kasi ako sa kuwarto at lagi ko iyong nila-lock kapag naliligo ako o nagbibihis.
I opened the door a little, just enough to check if there was anyone in the living room where I will have to pass by first before getting to my room.
Mukhang wala namang tao. Kailangan mabilis akong tumakbo, kung maaari ay sa loob ng 5 seconds ay makarating na ako sa kuwarto ko. Unti-unti ko ng linuwangan ang awang ng pinto. On the count of three, I started to run.
A door opened and closed. Before I knew it, I collided with someone. Quick, strong hands caught me before I fell backward. Napasinghap ako.
I locked eyes with Ethan.
Siya man ay mukhang nagulat rin sa pangyayari. His hands slid to my butt. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong nakahubad ako. First instinct ko ay itulak siya palayo.
When I did, my hands were not enough to shield my nakedness. I pulled him towards me again. Mas mabuti iyong ganoon kami kalapit para wala siyang pagkakataon na makita ang katawan ko. He can only look at my face.
"Veronica?" Mukhang naguguluhan ito sa mga nangyayari.
"Don't let go." His hands moved to my hips.
"'Wag ka ring gagalaw." pagbabanta ko ng mukhang may balak pang bumaba ang mga kamay niya papunta sa puwet ko.
"W-why are you naked?"
"I'll explain later. Right now, kailangan kong makabalik sa kuwarto ko. I'll count to three and you have to close your eyes. Huwag kang sisilip at huwag kang lilingon hangga't hindi kita binibigyan ng signal. Okay?"
Before he could answer, we heard Katie's voice outside the apartment door. She seems to be singing.
Nagkatinginan kami ni Ethan. Without any word, hinila niya ako papasok sa kuwarto niya na mas malapit sa kinaroroonan namin.
He pulled me inside and locked the door. Agad akong tumakbo papunta sa kama niya. I immediately wrapped myself with his blanket.
I feel better now that I'm no longer exposed. Kahit may nangyari na sa amin ni Ethan at nakita na niya ang lahat sa akin ay hindi pa rin ako kumportable na maging hubad sa harapan niya.
Lumingon siya sa 'kin. Sandali siyang hindi nakapagsalita. He seems to be absorbing the whole scene.
"That's my bed." sabi niya sa wakas.
"Yes." Wala akong ibang maisip sabihin. I was still in shock from the earlier events.
"And you're naked." Napalunok ako.
"Y-yes."
Silence. Wala sa aming dalawa ang gumagalaw. If he was going to ask that we have sex, I'm not sure I can give a one hundred percent no. It's been so long. My body craves him.
"I'll get you a towel." Hindi ko 'yun ini-expect. He was gone for a few seconds and he came back with a towel and a bathrobe in hand. Inilagay niya sa paanan ng kama ang mga iyon. Nagtataka man na hindi niya iyon diretsong iniabot sa akin ay kinuha ko pa rin ang mga iyon.
He turned around to face the door before I could even think of asking him to do so. Sino ang Ethan na ito? The Ethan I know would have insisted on watching me put on a dress. He would have had a good time seeing me naked.
Nagmadali akong magpatuyo at magbihis.
Katie knocked and called out Ethan's name.
"Ethan? Are you there?" Sinubukan nitong buksan ang pinto. Tumawag pa ito minsan. Hindi sumagot si Ethan.
Ilang sandali pa ay umalis na ito.
"Are you done?" Nagulat ako ng magsalita bigla si Ethan.
"O-oo, tapos na 'ko. Puwede ka ng lumingon uli."
When he did, I couldn't help but start feeling the somersault in my stomach. Ang guwapo niya talaga. Every bit of him, kahit siguro ang mga atoms sa katawan niya, ay perfect.
"Hintayin na lang nating makatulog si Katie bago ka bumalik sa kuwarto mo." Ayaw siguro niyang mag-isip ng masama si Katie tungkol sa kanya kapag nakita akong lumabas mula sa kuwarto niya. Hindi ako nagpahalata na nalungkot ako ng kaunti sa isiping iyon.
"Okay." Awkward silence again. He was just standing there and I was just sitting on his bed.
"Gusto mo maglaro---" Nagsimula akong magsalita.
"Gusto mo matulog---" Nagsalita rin siya.
Pareho kaming natahimik. Ano ba 'to? Ba't ang awkward namin?
"Gusto mo matulog?" tanong ko.
"No. Gusto mo maglaro?"
"Just to pass the time. Pero kung meron ka pang gagawin..."
"Hindi, okay lang. We can play a game." Lumapit siya sa kama. Umupo siya sa dulo. There he goes again. It's almost like he's trying to keep away from me.
"Ano ang game?" tanong niya.
"Nakapaglaro ka na ba ng 'Never Have I Ever'?" Tumango siya.
"Okay, lagyan natin ng twist. Kung sinong matatalo, dapat sundin niya kung ano ang gustong ipagawa ng winner."
"Okay, game."
"Ako first." Tumikhim muna ako. "Never have I ever went outside the country."
"I have."
"Really? Saan?"
"Hong Kong, Macau, US."
"Vacation?"
"Yeah. Also, my parents live abroad. Ang mama ko nasa Hong Kong. Ang papa ko nasa US." A pause. "Hiwalay na sila."
Nagulat ako sa pinahayag niya. Hindi ko alam kung paano magre-react.
"I'm sorry."
"Don't be. Matagal na 'yun. Three years old pa lang ako ng maghiwalay sila."
I can imagine a three year old Ethan crying as one of his parents leaves. I suddenly became protective of that three year old Ethan.
"So, sinong kasama mo rito?"
"My older brother." May kapatid pala siya? All this time, nag-assume lang ako na only child siya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil spoiled siya, sanay na nakukuha ang lahat ng gusto at sanay na natutupad ang lahat ng ibig.
Hindi na ako nakapagsalita uli.
"So anyway, that's that. What's my consequence?" Natauhan ako bigla.
Nalungkot ako sa nalaman ko. I did not want to give him a hard time.
"Kantahan mo ako ng isang chorus ng song."
He cleared his throat before singing the chorus of Eraserhead's Alapaap.
Maganda ang boses niya. Medyo nahihiya pa siyang kumanta. Ako naman na nakikinig, lalong nahuhulog sa kanya.
Ugh, keep yourself together!
Matapos siyang kumanta ay bumalik na uli kami sa paglalaro.
"Never have I ever did karaoke."
Lumaki ang mata ko.
"Seryoso? Hindi ka Pinoy 'pag 'di ka naka-try magkaraoke. Maganda naman boses mo ah. Wala kang dapat ikahiya."
"Ewan ko. I never had the chance."
"Dapat mag-karaoke tayo soon. Or else you'll miss half of your life." Tumawa siya.
"Now, for your consequence." Sumeryoso ang mukha niya. Bigla akong kinabahan sa 'di ko mawaring dahilan.
"I want you to give me a lap dance."