The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Eighteen :)

1K 22 5
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda


Sorry na. Hahaha! Three weeks na d nagparamdam. Midterm week saka foundation week tapos quiz week = Happy hell weeks. :) Salamat sa paghihintay!

Something like that

"What a good way to shut you up." hinawakan nya ako sa wrist at hinigit papasok ng sasakyan nya.

I was in shock. He kissed me! And it was not just a smack kind of kiss! It was a real deep shit kiss.

"Cream!" he called me. Tiningnan ko sya at siningkitan ng mata. Sabay hampas na.

"Pakshet ka! Bakit mo ko hinalikan!" patuloy ang pagpalo ko sa kanya hanggang sa mailabas ko na lahat ng inis ko. Sya naman, patuloy ang pag sangga sa hampas ko at natatawa pa sa ginawa ko.

"Tapos ka na?" tanong nya. Hinampas ko sya ulit ng isa pang malakas.

"Awww!" reklamo nya. Tiningnan nya ang braso nyang hinampas ko. Namumula iyon at bakat ba bakat ang pagkakahampas ko. Buti nga sa kanya.

Tiningnan nya ako ng masama at inistart ang kotse. Nag cross arms akong tumitig sa labas. No looking at Ice, Cream. Kawawa ka. Remember that.

Hindi ko sya kinausap habang nasa byahe kami. Nung tumigil ang sasakyan dahil sa stop light, nagsalita sya. "It's not like I havent kissed you." tiningnan ko sya na ngayon at nakangisi na ng magaling at tila nanunuya. What the hell!

"Kahit na! That was different!" sagot ko sa kanya. Nagkibit balikat lang sya at ni pat ang ulo ko. Seconds after, nagsalita na ulit sya.

"Yeah. It was different kasi nung una, ikaw ang nagsabi na halikan kita. Ngayon, ako na mismo ang nagkusa." sabay paandar nya sa sasakyan.

"Isa pang maling imik, hindi mo na ko makikita." banta ko sa kanya.

"Ows? I have my ways Miss." kinindatan pa nya ako. He even clicked his tongue! He started humming one direction's Steal My Girl at pasulyap sulyap pa sa akin.

"Really? I have my ways too." sagot ko sa kanya. Itinigil nya ang sasakyan at agad naman akong lumabas. Nakangiti akong sinalubong ng guard pero nawala din iyon ng makita nyang wala ako sa mood.

Pagpasok ko sa living room, nandun si Dad at nanunuod ng basketball. "Oh!" tumayo sya at handa ko na syang salubungin ng halik ng lagpasan nya ako at salubungin si Ice na naglalakad na pala sa likod ko.

"Ice! Napadalaw ka?" tanong ni Dad. I cant help but to release a deep sigh. I cant believe my Dad ignored me because of that asshole!

"Dad, I'm here din." I said in a dead panned voice. Tiningnan nya ako at natawa. "Alam ko. Na excite lang ako kay Ice! Tara! Lakers vs. Cavs ang magkalaban. Ano? Pustahan tayo!" aya pa nya kay Ice. Well, they ended up doing the bet ofcourse.

Aakyat na sana ako ng hagdan ng tawagin ako ni Mom. Lumingon ako at nakita ko syang may hawak na isang tray ng cookies. Bigla namang humiyaw si Dad at Ice dahilan para mapunta sa kanila ang attention ni Mom.

"Ice! Nandito ka pala? Tikman mo tong cookies na to. Masarap to." nilapitan nya sila Ice at Dad sa may couch at nilapag ang tray sa maliit na lamesa na naroon. Just great! Ako ata ang anak nila pero ako pa ang etsapwera.

Umakyat ako ng hagdan. "Cream! Saan ka pupunta?" tanong ni Dad.

"Sa hell Dad. Sasama ka?" taas kilay kong tanong. May binulong sya kay Ice kaya naman tumayo si Ice at umakyat din ng hagdan.

"Cream." nakangisi nyang sabi. "May itatanong ako." tinaasan ko sya ng kilay. Sinilip ko si Dad na busy sa pagcheer sa Cavs. Si Mom naman nag cellphone lang.

"Ano ba yan ha?" inis kong singhal sa kanya. Nakatayo lang sya sa baitang ng hagdan sinundan nung akin. I am towering over him.

Tinitigan lang nya ako ng seryoso. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan din sya pabalik. Wrong move Cream. Wrong move.

Napatingin ako sa mga mata nya. Shet. Eto na naman tayo. Those eyes. Why does those eyes keeps on hunting me? What do you want me to do?

Ngumisi sya sa matagal naming titigan. "Ano? Mahal mo na ba ko Sandoval?"

Agad na nag init ang mukha ko sa tanong nya. Hinawakan ko ang pisngi ko pero agad din binawi iyon at baka mahalata ni Ice.

"A-S-A. Napakataas naman talaga ng confidence level mo ano?" pagtataray ko sa kanya.

Ngumisi sya at hinawakan ang baba nya. "Alam mo, tuwing nagtataray ka sakin, mas lalo akong natu-turn on." he even wiggled his eyebrows para lalo akong mainis.

Ngumisi ako. "Alam mo, sa tuwing nagyayabang ka, natuturn off ako." nag poker face ako at tinalikuran ko sya. Umakyat ako ng isa pang baitang saka sya umimik.

"No you're not turned off. Titig mo pa lang sakin, alam kong gusto mo na ko." humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "No, I'm not." pagtanggi ko sa kanya.

Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi nyang sumunod. Hindi ko an rin pinansin ang tawag sakin ni Dad. Dumeretso ako sa room ko at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Ghad! Muntik na nya akong mahuli na namula sa sinabi nya. Bakit ba hilig na hilig ng isang iyon na pakiligin ako? Ipinanganak ba sya para pakiligin ako? Ugh. Napaka unfair. Ako naman ata ay pinanganak para kiligin sa kanya. Nakakainis!

Nag decide akong mag shower at baka sakaling mawala ang pag iinit ng pisngi ko sa tanong na iyon ni Ice. Lakas din ng loob magtanong ng isang yun. Wait! Halata na ba? Itinago ko ang pagkaka crush ko sa kanya. Halata na ba?

Crush nga lang ba?

Tanong ng konsensya ko sakin. Pakshet. Bakit pati sarili ko, kinukwestyon na ang paniniwala ko? Tss. Hindi pa to love. Malabo.

Paano mo naman nalaman na hindi pa yan love? Narasanan mo na ba?

What the hell? Basta! Alam kong hindi pa. Period! Stop bothering me!

Sinasabi mo ba yan para sagutin ang tanong ko o para paniwalain ang sarili mo sa sagot mo?

Ugh. "Ayoko na!" imik ko bigla. Pinatay ko ang tubig ng shower at huminga ng malalim. Stop clouding my mind Ice!

Lumabas ako ng banyo ng naka robe lang. Nabigla ako ng makita ko si Ice na nakatayo at nakatitig sa isang picture frame doon.

"What the hell!" agad akong dumampot ng towel at binalot pa ulit ang sarili ko. Nanlaki ang mata ko sa natagpuan ko sa room ko. Paano sya nakapasok dito?!

Nanlaki din ang mata nya. "Sorry! Akala ko kasi, naihi ka lang or something." naglakad sya papalapit sa pintuan ko at hinawakan ang doorknob noon.

"Kakain na daw. Pinapasabi ni Tita." sabi nya sakin sabay labas ng room ko. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba nakita ko sya sa room ko o dahil sa kinabahan talaga ako? Hindi ko maintindihan.

Mabilis akong nagbihis. Pinatuyo ko lang ang buhok ko ng mabilis at agad na lumabas ng kwarto. Nandito pa kaya si Ice?

Naglalakad ako sa hallway papalapit sa hagdan ng madinig ko ang pagtunog ng grand piano sa baba. Sumilip ako at napahawak sa railings para makita kung bakit iyon tumutunog.

Natagpuan ko si Ice doon na nakaupo at kumakapa ng keys nung grand piano. Dati, hinahawakan nya lang ang keys. Di ko alam na marunong pala sya tumunog noon. Si Mom lang naman ang marunong nyan. Mas gusto ko ang drums dahil maingay iyon at mahilig talaga ako sa magagandang beats. Si Mom, more on classical music.

Lalakad na sana ako at bababa ng hagdan ng magsimula syang kumanta.

I know you're scared and I can feel it

It's in the air and I know you feel it too

But take a chance on me

You wont regret it, no

One more no and I'll believe you

I'll walk away and leave you be

And that's the last time you'll say no

Say no to me

Tamang tama sakin ang kantang yun. Parang sinulat yun para sa akin. Nabigla ako ng tumingila sya at tumingin sakin. "Sorry ulit." mahina nyang sabi. Tumigil sya sa pagkapa ng keys at tumayo na.

"Hinintay lang kitang lumabas. Aalis na ko." naglakad sya papalapit sa isang maliit na lamesa at dinampot ang phone nya doon. Kinapa nya ang susi sa kanang bulsa ng pants nya at muling tumingala sa akin.

"Di ka ba kakain?" tanong ko at tuluyan na akong bumaba sa hagdan. Nagkibit balikat lang sya sabay gulo ng buhok nya. Kita ko ang pagod sa aura nya. Maghapon ba namang mag practice?

"Wag na lang. Pagod na talaga ako. Nagpa alam na din ako kila Tito. Kumain ka dun." lumapit sya sa pintuan namin at hinawakan ang door knob noon.

Sinilip nya ako bago umalis at ngumiti sa akin. Nadinig ko pa ang tunog ng sasakyan nya at ang pagharurot noon palayo sa bahay namin. Sinilip ko pa sya bintana hanggang sa di ko na sya matanaw.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Dad sakin pagka ayos ko sa nagulo kong kurtina ng bintana dahil sa ginawa kong pagsilip kay Ice.

"Wala po. May tiningnan lang ako." nilapitan ako ni Dad at tinuro ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang daliri nya na nakadiin sa balat ko. Taka kong tiningnan ang pagkakaturo ni Dad doon.

"Gusto nya sa nito no?" nakangising tanong ni Dad. Tinanggal nya ang daliri nya at naupo sa sofa set. "Halika nga Cream." aya nya sakin. Nagkibit balikat ako saka sumunod sa kanya at umupo sa tabi nya. Inakbayan nya ako at pinisil ang ilong.

"Bata ka! Wag mo ngang pahirapan yang sarili mo. Kahit anong pigil mo, wala ka ng magagawa pag yan ang nagsabi." tinuro nya muli ang puso ko. Nakanguso ko syang tiningnan.

"Eh Dad, wala pa nga atang isang linggong nanliligaw si Ice sakin, sasagutin ko na? Hindi pa ko sigurado." nailing nya sa sinabi ko at niyakap ako. My head ended up on his chest. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso nya.

"Wala naman sa tagal ng panliligaw yan. Aminin mo, hindi ka man lang ba kinikilig sa batang iyon? Pati, nag research na ako. Dahil doctor ako, tiningnan ko muna kung may malalang sakit. Baka mamaya iwanan ka nya kasi mamatay na pala sya. Buti naman at wala. Tapos,mayaman pa! Gwapo, matalino. Ano pa bang kulang?" tumunghay ako kay Dad at ngumuso.

"Dad, sabi nga sa tv hindi ka naman nagmamahal kasi gwapo sya." palusot ko. Ayaw ko lang talaga na napag uusapan ang nararamdaman ko kay Ice. Hanggang ngayon ay lito at naguguluhan pa din ako. Gusto ko sya, oo. Pero di ko alam kung sapat ba iyon para pasukin ko ang isang relasyong alam kong wala akong alam.

"Sus! Tigilan mo nga ako Cream. Mata ang unang nagmamahal. Tandaan mo yan." inalis nya ang pagkaka akbay nya sakin at hinawakan ako sa balikat. "Maybe its time to believe in love." ngumiti sya at ginulo pa ang buhok ko. Nag buntomg hininga muna sya bago tumayo at hilain ako papuntang dining room para kumain.

"Cream, tatlong araw na kayong di nagpapansinan ni Ice ah?" Hindi ko alam na napansin din pala iyon nila Ivan. Nagkibit balikat na lang ako at nanahimik.

Tama sila, three days ago pa ng magpansinan kami ni Ice. Hindi na nya ako sinusundo at hinahatid. Kahit usap, wala. Hindi ko alam kung galit ba sya sakin o ano. Hindi ko rin naman magawang magalit kasi nga, baka busy sya. Nakatanggap ako ng message na hindi daw nya muna ako maasikaso sa mga susunod na araw. Maybe, busy nga lang talaga sya.

"Nah. Maybe Ice is busy. You know, practice and all." sagot naman ni Catherine. Kakaiba ngayon ang ngiti ng isang to. Parang may something.

"Oo nga. Alam mo naman yang si Ice. Baka inaasikaso din ang negosyo. Alam mo na, rich kid problems." dagdag pa ni Trisha. Napag alaman kong, sila na ni Ivan two days ago. Ang bilis diba? Hindi na ako nag bother magtanong ng tungkol kay Cara Del Valle dahil mukhang masaya naman ang dalaga nitong mga nakaraang araw lalo na at lagi nitong kasama yung lalaking nakita nya na kasama nito sa loob ng McDonalds nung isang araw.

"Guys, sabi ko na nga ba nandito kayo eh." nilapag ni Adam ang iPad nya sa lamesa at dinampot ang nakakalat na chichirya. "Hmmm. Bagong flavor? Nice!" kumuha pa ulit sya hanggang sa maubos nya ang laman ng dalang chichirya ni Trisha.

Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagrereview. Midterm week at kailangan ko ng matataas na grade. Since feeling ko, dito lang naman ako magaling.

"Bukas na exhibition game nyo ah?" imik ni Catherine. Napatigil ako sa pagbabasa at napatingin sa kanila. Nag ayos din ng tayo si Trisha na ngayon ay katabi ni Ivan.

"Oo nga. Yakang yaka yan! Nandyan naman si Ice. Pati mga seniors. I'm confident." pagyayabang ni Adam. Hindi na ata talaga mawawala sa magkapatid ang yabang nila.

"Speaking of Ice, not in action ang isang yun ah? Ayaw naman umimik nung isa dyan." parinig sakin ni Ivan. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Pinasasahan ko ng daliri ko ang aking buhok at napabuntong hininga.

"Uy! Oo nga! Pansin ko din. Nag away ba kayo?" tanong ni Adam. So, wala palang nasabi si Ice sa kanya? Err. Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Hindi ko maitext dahil ayaw ko namang magdemand kasi nga, di ko sya boyfriend. Ayaw ko din naman mag feeling girlfriend. Di ko pa sya sinasagot ano!

"Hindi." matipid kong sagot. Nagtinginan silang apat sabay tingin lahat sakin. "What?" walang interes kong tanong. Kukulitin na naman ako ng mga ito na mag kwento. Pagod na ko mag kwento. As if nama  pag nagkwento na ako eh papansinin na ulit ako ni Ice. Nakakainis. Bakit ba kasi di yun namamansin? Okay naman kami ah.

"May problema yan." komento ni Adam. "I agree." dagdag pa ni Catherine.

"Wala nga guys. We're okay!" nanatili lang ang titig nila sakin. Kung ayaw nilang maniwala, hindi ko na kasalanan yun.

"Si Ice oh!" turo ni Ivan sa may likod ko. Agad naman akong napalingon pero walang Ice na tao dun. Taas kilay kong tinitigan si Ivan.

"Woah! Someone is missing someone!" pang aasar ni Trisha. Nailing na lang ako sa trip nila at nagbuklat na lang ulit ng libro.

"Ice!" imik naman ni Adam. I wont fall for the same trap. Pinanatili ko ang atensyon ko sa librong binabasa ko.

"Adam!" napasilip ako ng bahagya sa nagsalita. Hindi pamilyar ang boses na iyon sa akin. Napataas ang kilay ko ng makita ko ang babae. What is she doing here?

"Vanessa! You're here!" niyakap pa nya ang babae. At close pala sila? Nagkunwari akong walang naririnig. Naramdaman ko na lang ang pag upo ng isang nilalang sa tabi ko. Siniko nya ako at napatingin naman ako sa kanya. Agad na napataas ang kilay ko. Pagkatapos ng tatlong araw na hindi pagpapakita sakin, magpapapansin sya ngayon habang kasama ang babae nya? Kapal din naman ng mukha!

"Namiss mo ba ko?" tanong nya na may naka plaster na wagas na ngisi sa labi. Napakunot ang noo ko at napatingin ako kila Adam at dun sa Vanessa na kausap nya. Kung makipaglandian sakin to, parang hindi nya kasama ang babae nya diyo ah?

"Hindi kita namiss. Galing mo din no? After three days, magpaparamdam ka ulit. Na parang walang nangyari. What the fuck lang dude!" niligpit ko ang gamit ko at padabog na umalis doon. Narinig ko pa ang sipol ni Adam na alam ko namang nang aasar lang.

Mabilis ang naging lakad ko pero mabilis din naman akong nahabol ni Ice. "Look, binigyan lang kita ng breathing space para makapag isip okay? Tsaka, nagpapamiss na din." tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

"One. Hindi kita namiss. And two, ang kapal ng mukha mong dalhin ang babae mo sa harapan ko. Just wow!" naglakad ako ulit na nangangalaiti sa galit. Napatigil lang ako ng marinig ang malakas na tawa ni Ice. Sinilip ko sya at kita kong nakagawak pa sya sa tyan nya at tawang tawa talaga. Napakunot ang noo ko.

"Vanessa is my cousin Cream!" natatawa nyang sabi. Nagpunas pa sya ng luha sa kakatawa nya. What's funny? Nakakatawa ba na nagseselos ako?

Humakbang ako pabalik sa kanya hinarap sya. "Hindi ako nagseselos." agad kong sabi.

"Wala pa naman akong sinasabi na nagseselos ka ah?" natatawa pa din nyang sabi. Naiinis ako ngayon. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa pagtawa ni Ice. Naiinis ako sa fact na nagseselos ako sa sarili nyang pinsan. Napakaganda hindi ba? Nakakainis talaga!

Inirapan ko sya at tinalikuran na. Pakiramdam ko, kinumpirma ko lang sa kanya ang nararamdaman ko. "Dont worry Cream! I missed you too!" hiyaw nya. Napatigil ang iba sa paglalakad at napatingin sa akin. Mas lalo akong nainis kay Ice.

"Girly, nasan ka na? Malapit na mag start ang game oh!" tanong sakin ni Catherine sa telepono.

"Hindi ako manunuod." tamad kong sagot. Kinulbit ko si Manong driver para senyasan na patigilin ang sasakyan.

"What? Hindi ka manunuod? Sayo nakasalalay ang pagkapanalo ng SLU!" pagmamaktol nya. Binuksan ko ang pintuan at dahan dahang sinaraduhan iyon para di marinig ni Catherine.

"Bakit naman sakin? Ako ba ang maglalaro?" pagtataray ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"So, di ka talaga pupunta?" pag uulit pa nya ng tanong. Tiningnan ko ang building sa harapan ko at ngumisi.

"Yeah. Something like that."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 48.8K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...
3.5M 149K 17
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
27M 448K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...