NO REGRETS, JUST LOVE.

By noliesjustlove

11.5K 314 149

Pano pag naging kayo ng super crush mo? Then nung okay na ang lahat, bumalik naman ang childhood sweetheart m... More

PROLOGUE
chapter 1: Kylie Isabelle Montenegro
Chapter 2: Luigi Miguel Mendoza
Chapter 3: duckling??
Chapter 4: Annoying Orange and Miss QuackQuack
Chapter 5: Strike 2
Chapter 5: continuation
Chapter 6: Mr. Mendoza and Ms. Montenegro
Chapter 7: Why
Chapter 8: ihip bangs
Chapter 9: small world
Chapter 10: The Plan
Chapter 11: Valentine's Special PART 1
Chapter 13: What's next?
Chapter 14: getting closer
CHAPTER 15: Chachi-monster! :D
Chapter 16: toothache
Chapter 17: The Break-up?
Chapter 18: Back to Normal
CHAPTER 19: Who the hell is Wendy?
Chapter 20: Marco Mendoza, kontrabida?
Chapter 21: Bothered
Chapter 21.5: The Other Side
Chapter 22: All is well
Chapter 23: Time Flies
Chapter 24: Filler lang.
Chapter 25: Tita Evelyn

Chapter 12: Valentine's Special Part II

289 13 10
By noliesjustlove

--- LUIGI’s POV ---

“ANONG GINAGAWA MO DITO?” sabay naming tanong ni…

Kyle. Oo, si Kyle. Ang bubwit.

Langya talaga sina Sean oh, sa dami-dami ng babae, ang bubwit pa. psshh.

Pero okay na rin lang to kesa naman mga malalanding babae ang I blind date sa’kin.

Pero, teka anong ginagawa niya dito? Pano siya napapayag nila Sean?

“ ikaw, ang dapat kong tanungin niyan! Anong ginagawa mo dito?” ang lakas naman makasigaw nito. Tsk

“ ha? This room is actually reserved under my name. “ sabi ko.

“anong under your name eh naka reserved to sa’kin! Kay Kylie Montenegro! “ nayayamot na sabi niya.

--- KYLE’s POV ---

Pano magiging sa kanya eh sa akin nga diba? San na ba kasi si Jackie. Aissshhh.

“ uhm excuse me, Sir, Ma’am, it is both reserved under your name. Please excuse me. “ umalis na siya after niyang sabihin yun.

“ ANO???  Pano nangyari yun eh.. “

“ Sean talaga oh.. tsk. “ narinig kong sabi ni Luigi my loves. Oo, my loves na ulit. Hush lang.

“ may alam ka ba dito ha? Ano na namang kalokohan to? Pinagtritripan niyo ba ‘ko? “

“ hindi lang ikaw. “ simpleng sagot niya. Ayyy. Naiinis ako sa mga taong tipid sumagot eh. Ang haba na ng nasabi ko, tapos yun lang yung sagot. Aisshh.

“ ha? “

“ Pinagtritripan tayo. We were both set up this evening. “ set up? Bakit? Pero kasama ko si beps..

Teka nasan na nga ba yun? Matawagan nga..

Dialing Jackiebeps <3

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

“sinong tinatawagan mo? “ tanong ni Luigi myloves.

“ si Jackie! Pake-alam mo? “

“ sungit mo. I guess kasabwat din si Jackie dito. “ what??? Kasabwat? Sinet-up ako ni Jackie? OMG! Ano to? Waaaaaaaa.

Pero in fairness ha, gusto ko tong ganito ah. Hahaha. Ayy naku! Ang landi mo Kylits. Behave!

“ ayyyy. Gaaaaaaaah. Pano to? “ tanong ko.

“ anong pano to? Eh di wala. Sa ayaw at sa gusto mo ako ang date mo this evening. “ sabi niya sabay smirk.

OMGosh! Sinabi niya bang siya ang ka date ko this evening? Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Kilig!

Gaaahhhd! Si Luigi Miguel Mendoza ang ka date ko ngayong Valentine’s! Ang galing! Bwahahaha

“ ha?? Ehhh. “

“umorder na nga lang tayo.” Sabi niya. Yeeeeeee. Ako na kinikilig. Bwahahah. Sarap pakinggan ng tayo.

Oh wait..

“ hoy! Bawal mag text pag ako kasama. Bubwit ka talaga. “ sabi niya. Okay na sana eh. Kaya lang may bubwit pa.

“ uhm wait lang…. “

“sino ba kasing tine-text mo? “ aagawin pa sana niya sa’kin ang cellphone ko pero hindi niya nakuha. Bwahaha. May lahi kaya akong ninja. ^__^

“ wala. Wala. Si Jackie. Minura ko lang. “ sabi ko. Pero sa totoo niyan…

Nag tweet ako! Bwahahaha.

“ ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo! Ka-date ko ang crush ko! Kyaaaa. :”) #kiligmuch “

“ manners miss. “ sabi niya. Aba ha! Bongga! Haha

“ sorry sir. “ sabi ko.

--- SEAN’s POV ---

Haha. Mission accomplished. Galing ko talaga.

“ Sean, okay lang kaya yung dalawa dun? Baka nag ka basagan na yun ng plato. “ tanong ni ugly duckling.

...

“ hoy Sean! Kinakausap kita! “

“ ha? “

Langya! Ba’t nag transform siya? Hindi na siya pato, naging tao na siya.

Ang.

Ganda.

Niya.

“ hello?? Sean! Ano ba! “ aray naman, binatukan pa ‘ko.

“ ha? Ahh. Don’t worry. Okay na okay. “ sabi ko.

“ siguraduhin mo lang na di palpak ang plano ha. Baka kung anong kalokohan na naman binabalak mo. Naku! Patay ka sa’kin. “ sabi niya at nag smirk.

Grabe! Ang ganda niya. Nananaginip ba ko? Tsk. Baka hangover lang. pero di pa ko nakakainom eh. Tsk. Oh sa ilaw lang? ay ewan.

“ you don’t wanna mess up with Luigi Mendoza ” sabi ko na lang.  I can’t concentrate. Shet! Ang gay ko naman. Tsk.

--- LUIGI’s POV ---

Tinitingnan ko siya habang kumakain.

Bagay pala sa kanya ang curly hair. Simple lang siya, hindi pa-sexy katulad ng iba diyan.

Bagay din sa kanya ang clear Ray ban.

“ hoy! Koreanang hilaw! “ tawag ko.

“ wag mo nga kong ma hoy hoy diyan. At koreanang hilaw? Oh puh-lease. Kain ka na lang. Payatot! “ sabi niya at patuloy na kumain. Ang cute niya din pala. Haha.

“ anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan ha? Nagagandahan ka sa’kin no? haha” kapal nito! Haha

“ kapal mo! Kumain ka na nga lang. “ haha

--- JACKIE’s POV ---

Mukhang okay naman sila sa loob ah, kung hindi eh di sana nakalabas na yun ngayon at pinaghahampas ako. Haha. Good job, Sean.

Am so happy for my beps. Siya na, siya na ang may ka date na crush na crush niya. ^___^

Si Carl kaya na’san na? hmm. Matawagan nga.

Dialing Carl-bee <3

The number you have dialed is busy at the moment. Please try your call later.

Pssshh. Busy? Sino kayang tinatawagan nun? 8 pm na oh. 730 ang usapan namin ah. tsk

Dito na lang muna ko sa labas maghihintay.

Tatawagan ko na lang ulit si Carl.

--- SEAN’s POV ---

“oh Ugly Duckling, nakasimangot ka na naman? “ tanong ko kay ugl—Jackie.

“pake mo? Hayyy ewan. Kayong mga lalake ang hilig niyong paghintayin ang mga babae. “ sabi niya. Huh? May dalaw ata to? Tsk.

“ha? Anong pinagsasabi mo? Kayo nga diyan ang mahilig magpahintay sa’ming mga lalaki eh. “ sagot ko. Aba’t kami pa ang nagpapahintay ha! Talaga lang ha!

* kring kring * nag ring ang phone ni Jackie.

“hello! Oh ano? May plano ka pa bang siputin ako dito? Isang oras na kong naghihintay dito ah! “ narinig kong sabi ni Jackie sa kausap niya sa cellphone.

Sino kaya yun? boyfriend niya ata. Tsk.

“ oh cge. I know. Naiintindihan ko. Ingat na lang. di.. okay lang. yeah, I’m okay. Kasama ko naman si Kyle. District 1 lang kami. I’m fine. Oo. Cge2x. I love you too. Bye. “ sabi ni Jackie at nag buntong hininga.

“okay ka lang? “ tanong ko sa kanya.

“Obviously, not! Sino bang magiging okay na hindi siputin ng boyfriend sa Valentines’ day dahil sa lecheng importanteng business meeting daw. Aiishhh. Sayang ang beauty ko. Tsk. “ sabi niya na halata namang yamot na yamot.

Inabutan ko siya ng yosi. Kinuha niya, tinapon at tinapakan.

“sorry ha! Pero di ako nag yoyosi eh.” Sabi niya sabay alis.

--- JACKIE’s POV ---

Aalis na sana ko ng hawakan niya ang braso ko.

“bitiwa-----“

“san ka pupunta? Pano sina Kyle at Luigi?” tanong niya.

“san ako pupunta? Ewan. Pano sina Kyle at Luigi? Ewan. “ sagot ko nakita ko naman siyang nag smirk.

“ano ba! Wala naman atang problema sa kanila eh. Di nga nagreklamo o tumawag man lang si Kylits. “ sabi ko. Eh pano nga naman makakatawag yun eh nasa block list ko siya for this evening. Haha.

“so, ano plano mo?” tanong ulit niya habang nagsisindi ng yosi.

“tigil mo na nga yang kayoyosi mo. Nakaka turn off. “ sabi ko

“haha. So that means na turn on ka sa’kin? Haha” aba’t! gwapo siya inaamin ko pero… basta. Hindi ah.

“ eh kung tadyakan kaya kita diyan---“

Tinapon niya ang yosi, hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang sasakyan niya.

OMG! Nag bl-blush ata ako? Hala! Di pwede. Behave Jackie, behave. Magagalit si Carl. Pero, bahala na!

“bitiwan mo nga ako. San ba tayo pupunta? Pano yung sasakyan ko?” dali-dali kong tanong

“diba disappointed ka? Temple Bar tayo! Sila nang bahala sa sasakyan mo. “ sabay turo kina Enzo ata yun, na kadadating lang.

“ ha? Ahh ehhh. “

“wag kang KJ, Jackie!” sabi ni loner guy, Ian ata ang pangalan. Wow ha! Jackie na ang tawag nila sa’kin ah.

“haha. Kelan pa’ko naging KJ? Game! Sama ko!” sabi ko. Sasama talaga ko! Gagong Carl eh! Sayang naman ang beauty ko kung di ko I e-exposed. Hahahaha.

“yun naman pala ehhhh” at naghiyawan naman sila.

“ah teka, teka pano yung sasakyan ko? “

“kami ng bahala sa sasakyan mo. Go na!”

--- KYLE’s POV ---

Kumain lang kami ng kumain at nag kwentuhan ni Luigi. In fairness, masarap din pala siyang kausap ha.

Madami din kaming similarities. Destiny nga talaga siguro kami ni Luigi my loves so sweet! Hahahaha. Oh ha! May so sweet na! alam niyo kung bakit ganito kasi yun..

*flashback*

Kanina habang kumakain kami..

“ oh, hindi naman mainit ah? Bakit hinihipan-hipan mo pa? ang annoying lang tingnan eh. “ sabi ko sa kanya. Eh naman eh. Hinihipan hipan pa yung pasta. Share kasi kami ng pasta. Hehe. Kami n sweet. Lol. Di feeler lang ako. Haha. Pero share nga kami! ^_____^

“ eh ang init eh. Mapaso pa ang dila ko. “ sagot niya.

“ hindi kaya! Hindi ko na nga hinihipan eh. Arte mo lang! “

“try mo kaya! Eh sa taas naman yung kinakain mo eh. Yung akin sa baba ko kinukuha. “

“eh kaninong kasalan na sa baba ka kumukuha? Kasalanan ko? Ha? Ha? Ha? Namaaaan. “

“ eh tinitira ko sayo yung hindi mainit eh, para di mo hihipan at para di mapaso yang madaldal mong dila. Hahaha. “ mapang-asar na sabi niya pero kinilig ako dun ah. Kyaaaaaaaaaaaa! Ang sweet din pala nitong si Luigi my loves ko!

* end of flashback *

Yun nga. Haha. Ang sweet niya diba?? Dibaaaaaaaaaaa?? ^_________^

Yun nag-usap lang kami.. tungkol kay Ate Lyka, kay mama at papa niya at sa kapatid niya, yung kasama niya sa simbahan na gwapong bata, kapatid niya pala yun. si Tamtam. Ankyut lang ehhh.

Kukunin niya n asana ang bill ng….

--- LUIGI’s POV ---

Kukunin ko na sana ang bill ng…

“ssshh. Ako ng kukuha. “ sabi niya.

“ tsk. Nu namang kalokohan yan? “ sabi ko at pina ring ko na yung bell, hudyat na may kelangan kami.

“ako na nga sabi ehh. Watch and learn.“ sabi niya at may kindat pa. hahaha. Ang cute niya lang. oo, cute siya.

Dumating na nga yung waitress na in charge sa’min.

“ Do you need anything, Sir? Ma’am? “ tanong nung babae.

Sumenyas naman si Kyle ng bill gamit ang kamay niya (yung parang gumawa ng imaginary rectangle using both hands) sabay lip sync ng “gaga ka” dun sa waitress.

“ahhh yes, ma’am! “ sabi ng waitress ng naka smile sabay alis.

HAHAHAHAAHAHA! Ang adik lang! PUTIK! Haha!

Na gets niyo ba? Sinabihan niya ng “gaga ka” yung babae, at “yes, ma’am” naman ang sagot nung waitress. Hhahaha. Sa kamay kasi naka focus yung waitress, hindi sa sinabi ni Kyle. Yun! haha

Ang adik ng babaeng to! Hahahahaha.

--- KYLE’s POV ---

Hahaha. Ngayon ko lang nakitang ganong tumawa si Luigi my loves so sweet. Sana ganun na lang siya parati. Hehe. Ang saya ko! Napatawa ko siya ng wagas! Haha. Eh ang bobo naman kasi ni ate waitress eh. Bwahahaha.

Nagbayad na nga kami.. ay siya lang pala. Treat niya daw kasi eh. ^________^ kyaaaaa! Ako nang kinikilig!

Lumabas na kami ng District 1 at pumunta sa may pool sa Panem. Resto kasi sa Panem (hotel) ang District 1. Yun. Naglakad lakad. Konti lang naman ang tao eh, busy pa sigurong kumain. Umupo kami sa may malapit sa pool na puro rose petals.

Ang romantic ng place. Feeling ko naman mag gf-bf kami ni Luigi my loves so sweet! Ang sarap sa pakiramdam.

--- LUIGI’s POV ---

Silence.

Silence.

Silence.

“ uhm, Luigi? “ tanong niya.

“oh? “

“bakit ba ayaw na ayaw mo pag hinihipan ko ang bangs ko? “

Nagulat ako sa tanong niya. Di ko inaasahang itatanong niya to. Pero, bakit nga ba? Bakit nga ba ayaw na ayaw kong makitang siyang nag iihip bangs? Dahil nga ba na-aalala ko si Allyana o ayoko ko lang na makita ko si Allyana sa kanya? Tsk.

“ ah. Kasi may na-aalala ako. Yung dati kong bestfriend na kaaway ko na ngayon. Yun. “ putik! Ano bang sagot yun? eh bahala na. Yun na eh.

“ ah ganun ba. Sige-sige di na’ko gaganun. “ sabi niya ng nakangiti.

It’s my turn para mag tanong.

“Kyle, bakit takot na takot ka sa tubig?“ tanong ko.

--- JACKIE’s POV ---

Nandito na nga kami sa Temple Bar. Ang daming tao ah. Mga sawi ba to ngayong Valentine’s tulad ko? Haha. Sweet!

Nakakamiss din mag bar ah! Sana nga lang nandito sina Kylits.

Umorder lang ako ng isang glass ng Margarita, ayaw ko namang malasing no. Buti kung sina Kylits ang kasama ko, eh hindi eh. Mga lalaki pa. haha.

--- SEAN’s POV ---

Yun! Let the party begin! Haha. Daming chicks! Masaya to.

Nakita ko si Jackie, umorder ng isang glass ng Margarita.

“yan lang sayo? Just enjoy! Have fun! Ako ng bahala sa’yo.” Sabi ko sa kanya.

“di okay lang ako. Ikaw, go, have fun! okay lang ako. ” sabi niya. Halata namang di siya okay eh.

Samahan ko na lang siya dito.

Nagkwe-kwentuhan lang kami ng biglang napatulala si Jackie sa dance floor na parang gulat na gulat sa nakita.

“ 3 shots of tequila, please. “ she said sa bartender.

Ininom niya straight yung tatlong shots ng Tequila. Ano bang nangyayari? I don’t understand. Naguguluhan ako. Bakit?

--- JACKIE’s POV ---

Nakita ko si Carl, sa dance floor may kahalikan! Put*ng ina niya!

Nilapitan ko siya, sinampal at..

“Yan ba yung importanteng meeting para sa business? Ha? Ha? Eh gago ka pala eh! Taena! Utang na loob Carl! Nagawa mo pang manloko! Kala mo kung sino kang matino yun pala put*ng ina lolokohin mo rin lang ako? tang-ina Carl! Tang-ina! “ sabi ko sa kanya. Shet! Kumukulo na ang dugo ko! Gago!

“ Jackie, let me explain. Mali ang pag--- “ di ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“ wala ka ng dapat I explain. Claro ang lahat! Kitang kita ng dalawang mata ko ang katarantaduhang ginawa mo! “ mangiyak ngiyak na sabi ko at nag walk out

“ pero Jackie! Jackie! “ narinig kong tawag niya sa’kin.

“tama na Pre! Tama na” narinig kong sabi ni Sean sa kanya. Di man lang ako makalingon. Ayoko. Ayoko na.

“wag ka ngang makealam pre! “

“ eh tarantado ka pala eh! “ narinig kong may nagsuntukan. Pero dere-derecho lang akong lumakad.

Wala akong pake-alam kahit pagtinginan pa’ko ng mga tao dito sa bar.

Kinuha ko ang isang bote ng tequila kay Enzo at lumabas ng Temple Bar. I need fresh air.

--- KYLE’s POV ---

Hindi ko inaaasahang itatanong niya yun. shet! Di ko alam sasabihin ko.

Sasabihin ko kaya sa kanya ang rason? Mapagkakatiwalaan naman siya no? at friends na rin naman kami. So I decided to tell him the reason why.

Bumuntong hininga muna ko.

“kung ayaw mong sabihin, okay lang. “ sabi niya.

“ha? Nd, okay lang. Kelangan mo rin namang malaman eh. Ikaw pa partner ko sa swimming. Hehe. “ then I gave him a fake smile.

Sinimulan ko ng ikwento sa kanya kung bakit takot na takot ako sa tubig.

“Actually, swimmer talaga ko dati then an incident happened. “ panimula ko.

--- LUIGI’s POV ---

You can really see in her eyes yung lungkot na nararamdaman niya habang kinukwento niya sa’kin kung bakit takot na takot siya sa tubig.

“ It happened nung grade 6 ako. Grade 3 naman si Kyla.. “ sabi na nga ba may nakababatang kapatid siya eh.

Nakikinig lang ako sa kanya pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

“ nag family outing kami. Wala lang parang simple reunion, sa family resort sa Nasugbo, Batangas. Tapos nag sw-swim kami.. “ bigla niyang kinuha at binuksan yung wine na nakalagay sa my table malapit sa inuupu-an namin. Ininum niya ito at nagpatuloy…

“ng biglang, splashhhhhhhhhhh! Nalunod si Kyla.. “ mangiyak-ngiyak na sabi niya sabay inom ulit.

“ nalunod siya. I tried to save her pero huli na, wala na. Hindi na siya na-iligtas. Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko! “ umiiyak na siya habang kinukwento niya sa’kin to. Wala naman akong magawa, kundi makinig sa kanya.  

“ ang bobo bobo ko Luigi! Imagine! Swimmer ako! nananalo ng bronze medal! Ng gold! Tapos sarili kong kapatid hindi ko na-iligtas?? Tang-ina! Ang tanga ko! Wala akong kwentang kapatid! Ni wala man lang akong nagawa upang mailigtas siya! Ang bobo ko! Tanga tanga! “ pinaghahampas niya ang binti niya. Sinasaktan niya na ang sarili niya. Pinigilan ko siya at….. niyakap.

“ tahan na. tahan na. tapos na yun. wala na. wala kang kasalanan. Tahan na. ssshhh. “ pinapatahan ko siya habang nakayakap sa kanya.

“hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi nina Papa kung bakit nawala si Kyla! Wala daw akong kwentang anak, kapatid! Bobo daw ako! tanga! Ako daw may kasalanan ng lahat! Sana ako na lang ang nalunod. Sana ako na lang ang namatay. Sana ako na lang. Ako na lang. “ iyak lang siya ng iyak. Nakayakap lang ako sa kanya. Sana man lang gumaan na ang pakiramdan niya.

Ilang minuto ang nakalipas, di niya namalayan, nakatulog na pala siya sa sobrang iyak niya.

Ang sakit. Sakit ng pinag-daanan niya. After seeing her cry earlier, I feel like I wanna protect her, I must protect her. She’s so fragile. Kala mo kung sinong matapang, bato yun pala, ganito. Haiizzz. I must protect her. Ayokong makita siyang nasasaktan. Proprotektahan ko siya. Aalagaan. Yan ang pangako ko sa sarili ko simula sa araw na to.

--- SEAN’s POV ---

Sinundan ko si Jackie, putang inang boyfriend niya naman oh! Nasaan na kaya si Jackie? Siguradong kelangan niya ng kasama ngayon. Tarantado ng boyfriend niya! Gago!

Nakita ko siya, nakaupo sa tabi ng sasakyan niya.

“Jackie.” Sabi ko.

“susi?! “ sabi niya

“ha? “

“yung susi ko Sean! Putang ina! Nasan na? “ lasing siya. Tsk. Inumin ba naman ang isang bote ng tequila.

“lasing ka Jackie. Ako na maghahatid sa’yo.”

“hindi mo kasi na-iintindihan Carl eh! Pinag handaan ko tong araw na to. Imbis na ikaw ang maghanda, ako pa. Ako pa ang naghanda ng lahat. “ lasing nga to, Carl pa ang tawag sa’kin. Tsk.

“kung kelan ready na ‘kong ibigay ang lahat lahat sa’yo! Gaganituhin mo pa ko?? Mabuti na lang. mabuti na lang! gago mo! Putang ina mo Carl! Ikaw na! ikaw na! ang ganda ko lang para magpaloko sa’yo! PUTANG INA MO!!” after that, she passed out.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[[ noliesjustlove: sorry at natagalan ang UD. hehe. busy din kasi, :)) magiging mabilis na ang takbo ng story from this point onwards. hehehe. wala lng, ang sarap pabilisin eh. bwahaha. so yun, sana magustuhan niyo ang UD pati na rin ang story. salamuch sa nagbabasa! :D ]]                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     

Continue Reading