A Very Special Romance (BOOK...

By Jennie_Jem

142K 2.6K 75

Hinahabol ka ng lalaking kinamumuhian mo. Kinasal ka sa lalaking mahal mo na akala mo ay kinamumuhian mo. Ano... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Sorry!
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 12

2.3K 50 0
By Jennie_Jem

Eros's POV


Isa lang ang ibig sabihin kung bakit pinatawad na ako ni Chaniel. Well, you should accept the truth na kung ano man kayo noon, hindi na maibabalik pa sa ngayon. I rather chasing for forgiveness than being forgiven. Ibig sabihin, walang pag-asa. Kahit noon, naghahabol ako ng kapatawaran, kahit isang kuting may pag-asa akong mahal pa niya ako, but well, hindi pala.


The way she turned down my proposal, aaminin ko, hindi magandang alok yun, at may mga posibilidad na hindi tanggapin at tanggapin, pero sa panahong iyon, malakas ang loob kong tatanggapin niya dhail sa Lola ko. Pero hindi pala. Hooo...hindi na ako magtatanong pa.


Pumasok ako sa private room ng hospital at nandoon si Athena na nakahiga sa kama katabi si Grandma. Nilapag ko ang pagkain sa harapang lamesa. Saka lumapit sa dalawang mahalagang babae sa buhay ko maliban kay Chaniel. Mahalaga naman si Chaniel sa akin, pero, it was better to let her go cause surely, doon siya makakahanap ng kasiyahan. Hindi na ako maghahabol sa kanya dahil masaya siya kapag wala ako.


Hindi sa sumusuko ako? Minsan kasi, the sign of not giving up was sometimes give the person you loved their happiness. I was not Chaniel's happiness now, and I can see it. Everytime we were together, palagi na lang kaming nag-aayaw tungkol sa pag-iwan ko sa kanya. I hoped, she believed my reason why I left her, and why I was the father of Athena? HOPING...!...


"Athena," may malaki akong ngiti sa pagbigkas ng pangalan niya.


"Daddy!," I hugged her directly when she ran for my embrace. Niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm so worried."


"I'm sorry, baby, Daddy was just clarifying things last night. But, Chaniel was there for me, nagpapasalamat ako sa kanya."


"Really? She did not leave you? Oh, she loves you a lot," nagulat ako, syempre, but I patted her head. Athena's smile was priceless sa pagkakaalam niya na mahal ako ni Chaniel. Pero...


"I hope she does, but she doesn't," tumayo ako, saka nilapitan si Grandma, at humalik sa noo niya. "I'm sorry, Grandma. Madami lang ako iniisip kahapon. Finally, I realized, we can't choose whom we will marry. Nasa tadhana na yun, siya na ang sumagot. I'm sorry, Grandma. I'm really sorry I can't marry Chaniel." Naiiyak akong isipin yun. Yung hindi ko matutupad ang pangako ko kay Grandma na papakasalan ko ang babae na gusto niya para sa akin.


Well, hindi talaga ako ang masusunod dito. Si Chaniel talaga. Kung ayaw niya, rerespituhin ko yun. Mahalaga sa akin ang kasiyahan ni Chaniel. At katulad ng sinabi ko kanina, I was not the one who will make her happy.


Long ago, I was...but in present, I wasn't.


"Anak, come here, may dala akong pagkain. Guess who cooked this," umupo siya kaagad sa sofa katabi ko. Grandma was still sleeping.


"Who?"


"Chaniel. She's very good in cooking."


"Really?," masaya niyang binuksan ang dala kong baunan, at pareho nang kinain ko kanina. May morning soup siya ngayon. Masarap talaga siya, hindi biro. Kahit hindi naman ito ang usual na agahan ng mga taga-rito, but Chaniel made a Philippine breakfast. Guess who miss Philippines? Aye, aye...


Enjoy na enjoy siya sa pagkain at, nakakangiting tignan ang bawat lakas ng kain niya.


"You like her cooking, huh?"


"Very much. Sometimes, can you invite her to cook us food for dinner?" masyado siyang ma-attach kay Chaniel kapag nagkataon, ngayon, ang gagawin ko, avoid her. Hindi na kami pwedeng magkita, okay. Hindi na ako lalapit sa kanya.


I promised to myself long ago, I'll try to be brave to fight for the girl I love. But then, hindi lahat nang lumalaban, minamahal ng mahal nila. Hindi na ako mahal ni Chaniel, at maybe, she has boyfriend waiting for her, or will become her boyfriend. Whatever it was, ang pangalan nun, Stephen Carlos Santos. Ang lalaking engage sa kanya.


"May sasabihin ako sa'yo, Athena," I held her hands. "Chaniel and I have no connections with each other now. Kung ano ang mayroon kami noon, anak, I used to tell you she was my girlfriend...pero hindi na maibabalik pa ang dati, Anak. I hoped you understand me. We can't invite her, okay."


"Friends naman kayo, di ba? Sayang naman, I want her to be my Mom."


"Yeah, true."


"Apo," narinig ko si Grandma kaya napalapit ako kaagad na may panic na. I coped her cheeks and kissed her on the forehead.


"Are you okay, Grandma? I'm sorry that I am not there when you needed me last night. It was just I turned insane when I heard Chaniel is turning down my offer."


"Totoo ba? Wala na talagang pag-asa na maibabalik pa ninyo ang dating kayo?" umiling-iling ako na napangiti.


"Yes. Hindi na niya ako mahal, Grandma. And I respected her feelings. Kung hahabulin ko lang siya, hindi siya magiging masaya. Pinagtatabuyan nga niya ako. She already forgiven me, at yun ang mahalaga sa akin ngayon. At isa pa, hindi pa siya handa na pumasok sa isang panghabang-buhay na pangako. I'm sorry, Grandma. I can't do what you want. I'm sorry," I heartedly apologize. Pero, ngumiti lang siyang tumatango.


"Umaasa pa naman akong magiging masaya ka na."


"I am happy. With you, and Athena," I glanced at my daughter, and she mouthed I love you. "I love you, too."


"Hindi ka ba naniniwala sa pag-iibigan muli sa ikalawang pagkakataon? Maybe, she can love you again."


"Sige na, Grandma. Huwag na nating pag-usapan si Chaniel. Kumain ka muna," mukhang naintindihan naman niya ang nararamdaman ko, kaya, she just nodded her head. She can love you again? Hindi na ako mag-iisip ng pag-ibig. I was hurt already. Hurt na hurt. Hindi dahil nag-sorry ako sa pagsigaw ko sa kanya noong unang gabi, ang ibig sabihin, hindi na ako nasaktan. I was really really hurt, like my heart torned into thin sheets of paper.


Pagkatapos kong pakainin si Grandma, nakatulog siya ng bahagya ulit, saka, nagkwentuhan na lang kami ni Athena tungkol sa school niya. She will turn five years old next seven months, and I have decided to enter her in school. ANG LAYO PA, DI BA?


"Saan mo ba gustong mag-school? Sa Pilipinas o rito?," nakayakap siya sa akin ng mahigpit.


"I love in the Philippines. They said, it's more fun there. I want to experience the fun, Dad. Kapag nandoon na tayo, gusto ko kasama si Grandma. Isasama natin siya kapag tapos na ang pagpapagamot niya rito sa Spain," Oo, dahil sa sitwasyon ko, na yung ina ko nandoon sa Baguio, hindi ako tanggap bilang anak, kaya I used to went home and visit my grandmother here in Spain, napaminsan-minsan na, kaya rito ko na rin pinatira si Athena, my Tita naman ako rito, few blocks away from the house.


"O, sige. Kapag maayos at malusog na si Grandma, we will live in the Philippines forever. Doon ka mag-sko-school. Oo, masaya dun. Madami kang magiging kaibigan."


"Hay, how I wished I can go there tomorrow?," she said dreamingly. Ginulo ko na lang ang buhok niya. How I wished you were my true daughter in blood? Para hindi na maghahanap si Grandma ng totoo kong anak. Mahirap maghanap ng ina ng magiging anak ko. Erase, hindi pala...mahirap maghanap ng taong mamahalin ko at mahahalin ako. Sana dumating na siya?


"Good morning," napalingon kami sabay ni Athena sa boses ng babaeng bumati sa may pintuan. Wait, wait, wait, wait...yung sana dumating na siya? Hindi yun para sa babaeng bibisita kay Grandma. Para yun sa babaeng nakalaan para sa akin. And swear, hindi si Chaniel yun.


"Hi Tita Chaniel," Athena just waved her hand at Chaniel, at ngumiti siyang nagtataka. Ano naman ang pagtatakaan niya?


Chaniel's POV

"Good morning," bumati ako kaagad nang mabuksan ko ang pintuan ng hospital room ni Grandma. Lumingon naman kaagad si Athena at Eros na masayang nagyayakapan sa couch. Hoo...mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa, kahit hindi niya totoong anak si Athena. So ano, Chaniel, nagagalit ka pa? As much as I wanted to say, oo...dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo nung kami pa.


"Hi Tita Chaniel," kunot-noo akong ngumiti kay Athena. She called me Mommy last night? What was the reason of changing it? Mas okay naman ang Mommy kaysa sa Tita. Para kaming magkapatid niyan ni Eros. I didn't want him to be my brother, noh.


"Sorry. Aagahan ko naman talaga ang pagrito, pero may trabaho kasi. Ang daming tao," paumanhin ko kay Eros. And I tell you, ngumiti lang siya ng malimit.


"You can come in," pumasok ako talaga, at nilapag sa end table ang mga flowers na dinala ko. Staring at his grandmother, I asked, "Is she okay now?"


"She is okay. Thanks for visiting," tumango ako ng malimit. "Wala ka bang trabaho? I mean, pinayagan ka sa ganitong oras?" tsk...


"Ano ka ba? Hindi ka ba sanay sa ugali ko...," um- sanay siya noon? "I mean, malakas ako kay Manager, eh." Hahaha..nadulas lang. But, he has not react or something. Okay...tahimik na siya in the sense na pinatawad ko na.


"Yeah, malakas ka naman talaga sa lahat," napahilaw ako ng ngiti despite sa sinabi niya. Malakas ako sa lahat, maliban sa Papa ko. Bakit ba ang akward ng feeling naming dalawa ngayon? Grabeh, ang feels. Sana hindi ko na lang siya pinatawad, para naman, magsalita na siya...ayaw ko sa ganitong para siya nawalan ng mga words.


Bumukas ang pintuan, at pumasok ang isang doctor.


"Can I ask one of the patient's relative, please," ngumiti ng bahagya si Eros, saka tumayo.


"What can I do for you, Doc?"


"I need to talk you," sa hindi alam na dahilan, lumabas kaagad si Eros kasunod ni Doc. Baka pagsabihan sa progress ng sakit ni Grandma, gumaling na ba o kailangan pa ng gamutan. Tsk, I really saw the last moment of my own Lola just watching Grandma.


"Tita," napalingon ako kay Athena, saka, ngumiti sa kanya. "Can't you love my Dad for the second time?" Whatever that would mean? Hindi ko maintindihan.


"Anong ibig mong sabihin?," tumabi ako sa kanya.


"Wala. Sabi ko sa kanya, pwede ka bang imbitahan sa bahay, but he didn't agree. Wala na raw kayong koneksyon sa isa't-isa para gawin pa yun. Can you love him? Mahirap ba siyang mahalin?"


"Tama ka naman dun, Athena. Wala na kaming koneksyon sa isa't-isa. But sometimes love should be given ceasefire. Hindi naman mahirap mahalin ang Daddy mo, pero,wala na talagang kami, at hindi na maibabalik yun." Natatakot akong magbalik ang dating kami. As much as I wanted to come back our love, pero, natatakot ako. I wanted him mine again...but fear reigned my system.


"But he said, he loves you." Talaga naman, E. Pinapahirapan mo talaga ako ng husto nito. Sa sinabi ni Athena, hindi ako sumagot. Saka nanatili na lang na tahimik.


"But, I can visit you in your house. Wala namang masama dun, siguro. We can bond sometimes, and I'm alwayd willing to act as your mother."


"Sama natin si Daddy," masaya niyang sabi, saka tumango ako ng malaki sabay ngiti.


"He's always invited."



Eros's POV

"Mr. Almonte, I don't have really the right to say this, cause I'm not God, but from the results of your Grandmother's health. Two diseases she is fighting, and don't get offended if I will say that she has only two weeks," napaigtad ako sa sinabi ng doktor. WHAT THE HELL?


Sinamaan ko siya ng tingin.


"As you said, you're not God to say that. So, don't say that to me!"


"Surely, Sir, she suffered everyday, not deciding to let you know it. She's too weak now to fight, please, I suggest, make her happy." Napaupo ako sa visitor's chair. Pambihirang doktor ito, anong pinagsasabi?



"She has gone through many operations already, and if we added another operation, I really can't suggest that she will do it cause she has to fight the medicine."


Nag-iisip ako sa sinabing ni Doc, oo nga naman, Grandma was suffering too much already. She was hurt everyday, at ang sakit tignan ng ganoon. Kasalanan ko 'to, hindi ko siya binantayan ng maayos. All I thought was my career. Tama nga si Chaniel, inuuna ko ang trabaho ko kaysa sa kanya. Pero, magkaiba ang sitwasyon ni Grandma kay Chaniel.


"Thank you telling, Doc, but you're not really God to say those things," may sama kong sabi, saka lumabas sa opisinani Doc na may dabog. Walang hiya! Mabubuhay si Lola ng ilang taon pa, okay. Okay, kapit lang, E! Hindi na lang two weeks ang buhay ni Grandma, makakaabot pa siya ng ilang taon. Kapit lang.


Sumandal ako sa pader sa labas ng opisina ni Doc, my heart was aching, no joke. Kapag nalalaman kong may mawawala sa mga taong mahal ko, I just felt my heart break into half. I sugesst, make her happy. Pumasok sa utak ko ang sinabi ni Doc. Make ker happy? Paano naman? All that make her happy, was to see me happy too. At magiging masaya lang ako kapag nasa tabi ko na si Chaniel. No walls, yung bang ako lang ang nagmamay-ari sa kanya.


"One solution to make girl confess, Harry. Make her jealous, make her heart break," yun ang sabi ng isa kong kaibigan nung niligawan ko si Chaniel which was ang tagal talaga niya talaga sumagot ng Oo. Siguro....it was not bad to do it again.


Napanatag ako kahit kunti, saka, kinuha ang cellphone sa bulsa ko. I can felt it, Chaniel will be happy with me, kahit minsan, pakiramdam ko walang pag-asa. I dialed my cousin's number. Siya ang nilalapitan ko kapag may kailangan ako. Sana lang din, hindi magagalit ang fiance niya nito? Sana?


"Hi, E, what's up, 'Coz!?," tili tili niyang bati. Naku naman.


"Lez, kailangan ko ng tulong mo," pa-act of mercy kong sabi.


"Na naman. Sige, spill it out."


"Please, pretend to be my girl. Kahit isang araw lang. May kailangan akong gawin talaga."


"WHAT? Grabeh naman ata nun. Sige, sige, sige. Game ako. Kapag may nililigawan ka, at hindi ka sinagot kaagad. Kailangan mo ba talagang gawin 'to? Pagselosin. Mag-assume ka lang niyan, 'Coz. At, kung hindi naman pala uubra. Dehado ka."


"Paano malalaman kung hindi susubukan, di ba? I want to try to prove na hindi ko sinukuan ang pagmamahal ko."


"NAGBIBINATA NA SIYA! Sige na, you're favor is my command."


"Gosh...thank you, Lez."


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

VOTE PO.


Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 49.9K 39
"H-Hanggang k-kailan m-mo ba ako ikukulong dito A-Alas?" tanong ko na niyakap ang dalawang tuhod habang hilam sa luha ang mukha. Itinaas niya ng Zipp...
1M 32.4K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
22K 361 54
Si Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hind...
134K 3.1K 38
He just want to forget. So he did gave a simple condition to her; to be his temporary girlfriend. Can he resist not to fall for her? Or just fall for...