OPERATION: Make Ligaw to him

By yashnii

22K 756 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... More

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Second Move
Fourth Move
Fifth Move
Sixth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Eleventh Move
Twelfth Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-first Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fourth Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-eighth Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Third Move

681 27 0
By yashnii

#C03: Stalking him

You know that feeling when everything seems fine but it's really not? Or maybe someone out there wishes that his or her life was different because it's boring?

In other words...Someone help me switch places!

This week was pure torture with that weird girl always pestering me around. For the past three days ay walang ginawa ang mysterious girl slash stalker ko kundi ang sundan ako kung saan-saan. Palagi niya akong binabagabag at nakakairita na. Nakakainis!

MONDAY

Tahimik akong naglalakad sa aming hallway papuntang room namin. Inaalala ko pa kung naiwan ko ba yung homework ko kaya dali-dali akong umupo.

"Anong hinahanap mo, Dale?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

Patuloy pa rin ako sa paghahalughog ng bag. "Yung homework natin. Baka kasi hindi ko pala nadala."

Lagot na kung hindi.

"Uy, may sagot ka na dun? Pakopya naman!" Aniya.

Nang mabuklat ang pad ay nakahinga ako nang maluwang nang makitang naroon nga. Nagtuloy ang discussion ng aming teacher sa harapan saka paminsan-minsan ay nagsusulat ako.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang maramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Iniangat ko ang aking tingin at pinasadahan ang paligid. Ganun na lang ang panlalaki ng aking mata nang makita ko yung babaeng stalker sa labas ng aking room.

Nakangiti siyang kumaway sakin.

Ibinalik ko ang tingin sa board upang tingnan kung mahahalata ba ako ng teacher saka ko siya sinamaan ng tingin. Patuloy pa rin ito sa mabilis na pagwagayway ng kanyang kamay sa ere. Parang tanga...

Dumating ang break namin at sa kinahapunang iyon ay group work ang nangyari. Busy kaming lahat... nang makita ko na naman siya sa bintana!

"Dale, ayos ka lang?"

Nagulantang ako sa nagtanong. "A-Ah, oo..."

"Anong tinititigan mo sa labas?" Mabilis kong iniharang ang katawan sa banda ng babaeng iyon. Hindi pwedeng may makaalam na narito siya! Tiyak na aasarin na naman ako ng mga ito.

"Wala wala. Ano daw yung susunod na tanong?"

"Ah! Ito..."

Pasimple akong tumingin sa bintana. Pinanlakihan ko siya ng mata nang makitang nakapalumbabang nakatitig siya sakin. She even looks like she's daydreaming!

Shoo, you pest!

"Uy sino yung nasa labas?"

Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.

"Pamilyar. Sino yan?"

Mariin kong ipinikit ang mata saka yumuko. Gah, I wish someone would take me away right now!

"Diba yan yung babaeng may gusto kay Dale?"

"Hala! Oo nga noh!"

Ang kaninang dinadasal kong huwag mangyari ay nabuhay sa aking imahinasyon. Someone kill me!

"Uyyyyyy!"

"Si Dale binibisita ng girlfriend niya!"

"She's not my girlfriend!" galit kong sambit. Ngunit parang wala silang narinig at patuloy pa rin sa pang-aasar. May mga lalake ring sinisiko ako at binabangga ang aking balikat.

Nanatili akong nakapikit. Maya-maya'y pinagalitan sila ng teacher namin dahil masyado ng maingay. Bumalik sa ginagawa ang lahat pero meron pa ring ang tumitingin-tingin sakin at inaasar ako gamit ang mga titig nila.

Tiningnan ko labas saka nakitang wala na siya roon. Kasalanan niya 'to. Bakit kailangan niya pang tumambay sa harap ng room namin? Ganun na ba kakapal ang mukha niya at natitiis niyang asarin kami sa isa't-isa?

Ginulo ko ang buhok. Nakakainis!

TUESDAY

Bago ako pumuntang classroom ay dinaanan ko muna sa locker ko ang mga librong kailangan.

"Dale, sa gym daw mamayang hapon," paalala sakin.

"Sige..."

Binuksan ko ang locker nang biglang may mahulog na violet na papel. Kaagad ko naman itong pinulot ang ipinagtaka ko kung saan galing ito. Wala akong matandaan na may envelope akong nilagay sa locker ko.

I opened it... only to find out that it was a love letter.

Dear Dale,

My sweet Dale. Good morning! I hope you have a great day today. Are you doing fine? I hope you are. Remember that I'm always by your side.

Nanayo ang aking balahibo habang binabasa ang huling linya. Nakakainis! Lumingon ako sa paligid, umaasang mahahanap ko siya ngunit wala. Hindi ko na alam ang gagawin sa stalker na yun. Pwede ko bang ipapulis ang tulad niya?

"Ano yan, Dale?"

Napatalon ako sa gulat sa nagsalita sa aking likod. Oh, heck! Not again!

"Wala!" Tinago ko sa aking likod ang sulat. Maaasar na naman ako nito panigurado.

"Love letter?" tanong niya.

Sa huli'y, hindi epektibo ang pagtago ko ng sulat dahil naagaw niya. At ayun na naman ang mapanuksong tingin na yun. "Uyy! Iba talaga gumalaw yang admirer mo. Bilib na bilib ako sa kanya." Saka siya tumawa.

"Hindi ko siya admirer!"

"Eh anong tawag mo sa mga ganyan? Trip trip lang? Bro, hindi basta basta nagsusulat ng love letter ang isang babae. Kung talagang may nagugustuhan siya ay ipapakita niya yun." Tinapik niya ang aking balikat. "You're so lucky, dude..."

Lucky?! More like cursed!

"Ano bang nangyayari sa buhay ko?" naiinis kong bulong.

Lingid sa kaalaman ko na sinabi na pala ng kaklase ko ang nakita niya na love letter. Saka ko lang nalaman ng papauwi na kami. Aish!

WEDNESDAY

"See you tomorrow, dude!" Kumaway ako sa kanila habang naglalakad na palabas ng school. Marami na ring nagsisiuwiang mga estudyante at tumatambay sa labas.

"Maaga daw bukas, bro. May practice ng table tennis."

"Sige..." sagot ko saka umalis na.

I wonder if Honey is already home. Maybe I should call her... minsan kasi ay nalilimutan niya ng kumain kung hindi wala pang magpapaalala sa kanya. Mas lalo na't nagiging busy sila para sa kung ano mang susunod na event. I can't keep up anymore because I'm busy, myself.

"Honey... Honey..." I mumbled as I was searching her name through my phone.

I dialed her phone for like three times before finally giving up... she's not picking up. I guess she's really busy.

"Ano kayang ginagawa niya ngayon-" Napatigil ako sa paglalakad nang may maramdaman akong kakaiba.

Tiningnan ko ang aking likod... walang tao. Ako lang ang naglalakad papuntang parking lot. Nalilito man ay pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad habang iniisip si Honey.

"Pupunta ba ako sa bahay nila o ano?" Baka kasi may ginagawa siya at ayoko namang makaistorbo kapag mayroon siyang ginagawa.

Just then, I heard rustling behind my back. My body jerked and turned towards the noise-- but found no one.

Weird.

Ngayon ay hindi na talaga ako mapakali sa kung ano mang pakiramdam na iyon. It feels like someone is watching me... more so, following me.

When I finally made it to the parking lot, I stopped at my tracks and turned behind as I shouted, "Whoever you are, come out right now! Hindi nakakatuwa yang ginagawa mo!"

Walang nagsalita na kung sino man.

"Kung sino ka mang sinusundan ako, I am this close to calling the cops!" I shouted angrily... still no response.

Ginulo ko ang aking buhok. "Ah! I must be losing my mind!"

Kinakausap ko ang hangin. Pinatunog ko na ang aking kotse-- and just when I was about to get in, I saw a figure behind a tree. I squinted my eyes to focus my vision on that particular part.

"Why is she familiar?" It's a figure of a girl... Pilit niyang tinatago ang sarili sa puno pero nakita ko na ang kanyang katawan.

Tatawagin ko sana nang bigla itong kumaripas ng takbo. Doon na ako nagulat nang makita mapagtanto kung sino yun. I know that body shape and type of hair from somewhere-- it's the weird stalker lady!

"Hoy!" sigaw ko pero sobrang layo na niya sakin. Ang bilis tumakbo, parang kabayo.

Ha!

Kaya pala kakaiba ang nararamdaman ko... I should've known! I was too focused on thinking about Honey that she slipped out of my mind. I can't take her anymore!

Nakakainis! Nakakainis na talaga!

At ngayon, papasok na ako habang alerto sa aking paligid. Baka bigla na naman siyang sumulpot. Ang plano ko na lang ay iwasan siya buong araw... wala akong magawa. Ilang beses ko na siyang binalaan na itigil ang ginagawa niya pero purisgido talaga siya at ayaw magpaawat.

Nakarating naman ako sa hallway nang hindi siya nakikita. Mukhang safe ako ngayon pero yun ang akala ko dahil bigla ko siyang nakita sa 'di kalayuan at parang may hinahanap. And I know she's looking for me.

"Crazy lady..."

Oh, shoot!

Bigla siyang napalingon sa aking dako. I started to panic kaya gumilid ako at pinasok ang banyo that's luckily beside me. Phew! That was close. She almost saw me.

"Ang lakas talaga ng radar kahit kailan," bulong ko.

I stayed inside the washroom for about five more minutes para masiguradong hindi na talaga niya ako makita.

I slowly opened the door and checked the two directions. So far, no signs of her around. Nang makumpirma ko nga ay lumabas na ako ng banyo at nakahinga ng maluwang. Finally.

"Hi there..."

"Aaah!" Napasigaw ako nang 'di oras nang makarinig ako na may nagsalita. It was her.

Nakasandal siya sa gilid ng pintuan habang nakangisi sakin. Kaagad naman akong namutla. "Thought you can escape, huh? You have to do better than that."

"Where did you come from?" wala sa sariling tanong ko.

"Oh, from my school." I see that. She's still in her uniform... halatang outsider dahil naiiba ang kanyang suot sa amin. "How've you been, Dale?"

"Stop following me."

"No..." sagot niya na parang bata.

This is so frustrating!

I ran my hands through my hair with so much frustration. "Look, what do you want from me? Tell me because you are starting to piss me off! Akala mo ba nag-eenjoy ako na sumusunod ka sakin kung saan-saan? Stop this nonsense right now or else," nanggagalaiti kong saad pero hindi man lang siya natinag. She is impossible to handle.

"Did you get my love letter?"

Unbelievable!

"May saltik ka ba sa utak?"

"No... according to my CT scan, my brain is fine."

"Then maybe you should see a therapist."

"Already am."

What?

Napahilamos ako ng mukha. "Pwede ba? Wala akong panahon sayo... I have better things to do and you're not a part of it."

"That's mean..."

Mean?

"Ilang taon ka na at bakit ganyan ka? Hindi mo ba alam kung gaano ako nastress sayo? I got no time to chill because I'm afraid that you'll pop out from nowhere again!" Which is exactly what she did just now.

"Bakit ba kasi iniiwasan mo ako? You could just accept the fact na nililigawan talaga kita para wala ka ng problema," she said as if her suggestion was a great idea.

Ayan na naman siya sa ligaw na yan. Saan ba nakuha ng babaeng ito ang ideyang dapat siya ang manligaw at hindi ang lalaki? Kung kapatid ko, matagal ko ng dinisiplina. Hindi makaintindi at palaging pinipilit ang gusto niya.

"You're out of your mind. May nililigawan ako, okay? She is smart, pretty, and kind."

Ayoko siyang patulan. Pero kung sa ganitong paraan lamang siya makikinig ay sige. Can't believe I'm having an immature conversation with a child-like mind. Sino bang nagpapasok sa kanya sa school namin?

She shrugged. "I'm also smart, pretty, and kind. What's the difference?" Napanganga ako. She is so hard to get rid of. Can't she take a hint?

"The difference is I've known her all my life while I just met you a few days ago at sinabi mo pang ninakaw ko ang puso mo."

It was a total embarrassment! To think na kumalat yun sa buong school kinabukasan and I became a teasing stock of the crowd. All eyes are on me. Imbes na manahimik lang ako ay ako pa naging center of attention ng lahat... and I hate how they keep looking at me.

"Hinding-hindi kita lulubayan hangga't hindi mo naaalala kung sino ako at kung saan tayo unang nagkita," saad niya.

Huminga ako nang malalim habang marahang pumikit. "Miss, I really dont know okay? Hindi talaga kita maalala kahit na anong gawin ko. I don't see any familiarity from you."

Narinig ko namang napabuntong-hininga siya saka tumapat sa akin. "Then I'm sorry. I'm not gonna leave you. You have to remember me first."

"If I remembered you, will you stay out of my life?" I asked hopefully. Mataman niya akong tiningnan bago sumagot.

"Pag-iisipan ko." Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Nailang naman sa paraan ng kanyang pagtitig.

"Ah-"

"K bye, Dale!" she said as she skipped away from in front of me. She left me and my mouth hanging open with so much confusion.

Sinabunutan ko ang sarili. "Ah, ang weirdo!"

* * * * *

"Seriously dude, you've got to help me with this girl. She is starting to freak me out!" Natataranta na ako. Hindi talaga ako iiwanan ng babaeng iyon. Determinado talaga siya and I cannot think of any more ways to get rid of her.

Tinawanan lang ako ng dalawa kong kasama. Si Erik at Geo. Nasa bar kami ngayon. Geo's family owns the place so nasa VIP room kami. Naikwento ko na sa kanila ang nangyari kanina lamang. It was 5 PM when it happened and it's already a quarter to ten.

I am practically begging them to help me get away from her.

"Ang gwapo mo kasi, dude. Yan tuloy... she can't get enough of you," wika ni Erik na tumatawa. He sipped on his drink as I banged my head at the back of the couch.

The music was booming outside as I hear the chatters of people everywhere. But not even that can't distract my head from thinking how strange that girl is.

"Seryoso nga kasi ako! Naaasar na ako sa babaeng iyon. She is a creepy stalker."

"Chill dude! You look so frustrated. Why can't you just try to remember her like what she wants so she'd stop following you around?" tanong ni Geo.

"Pero hindi ko talaga siya kilala!" sigaw ko. "Kahit ilang beses kong pigain ang utak ko sa kakaisip ay hindi ko talaga siya matandaan. Maybe she's just messing with me."

I really don't get it. Siguro pinaglalaruan talaga ako ng babaeng iyon. Hindi ko siya kilala noon pero ngayon ay kilalang-kilala ko na siya bilang isang nakakatakot na tao. She should be arrested!

"Ang hirap ng sitwasyon mo, dude. Siguro kung ako yang nasa sitwasyon mo magfi-freak out din ako. It's almost close to having no freedom at all. Palaging may sumusunod sayo na anino." Umiling-iling pa si Geo habang sinasabi iyon. Buti pa sila walang inaalalang stalker kaya pinagdidiskitahan ako. Tsk!

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya." I facepalmed. I really am frustrated with her.

"We really can't help you. Sorry, man pero mukhang yung babae talaga ang kailangan mong kausapin. Maybe you can reason out with her."

"But she wouldn't listen!"

"Well..." Geo tried to make up words from his mouth but ended with nothing. "Wala talaga akong maisip. Sa babaeng yun nakasalalay ang lahat."

I sighed heavily. Ano pa nga ba? Hindi nakakatulong ang sinabi niyang iyon.

"Still don't know her name?" Erik asked. I didn't bother looking up at them anymore and just remained closing my eyes.

"No..."

"Bakit hindi mo tinanong?"

"Pakielam ko ba sa pangalan niya?!" sigaw ko na ikinagulat ng dalawa. "Ang alam ko lang ay gusto kong mawala na siya sa buhay ko. I can't take this kind of insanity from her! I'm supposed to have my normal student life."

"Oh, man..." Geo laughed slowly. "You are so messed up."

"Yeah, no kidding!"

"You are messed up," Erik stated. Binitiwan niya ang hawak na bote saka ako tiningnan. "Ang gusto ko lang naman sabihin ay kung sakali mang alam mo ang pangalan niya ay pwede kang makakalap ng kung ano sa kanya... maybe even her parents. So she could stop the madness inside of you."

My forehead creased while Geo was stifling his laugh. Ang seryoso ko dito samantalang siya'y nagagawa pang tawanan ang sitwasyon ko.

"That's actually a great idea," mahina kong sabi habang nag-iisip. "Pero hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya!"

"Tough luck. Alam mo na sa susunod ang kailangan mong gawin kung makita mo man siya," sabi ni Geo.

This is driving me nuts!

Nang umalis kami sa bar ay napagpasyahan namin na pumunta muna sa bahay namin. My parents are out and tomorrow is the weekend. So it's fine if we stay up late. Nakapagpaalam din naman ako kay mama bago sila inimbitahan.

"Brent's with a chick."

"Kailan ba hindi?" Erik said nonchalantly.

"Baka marinig ka nun. Bigla na lang susulpot dito sa harapan natin." Nagtawanan kami.

Little did I know what was about to happen next... masaya kaming naglalakad sa loob ng subdivision namin nang may sumulpot na kabute sa harapan namin dahilan para magulantang kami.

Right there and then, my face turned pale as my lips quiver in fear.

"Hi, Dale and friends!" It's her. Again.

Napasigaw ako at siya naman ang nagulat sa asta ko.

"Mga dude, siya! Siya yung creepy stalker ko!" Nagtago ako sa likod nila dahil baka kung ano na naman ang gawin ng babaeng 'yan. Naninigurado lang.

Hindi pa ba sapat sa kanya ang usapan namin kaninang hapon? Wala na ba talaga akong personal space at kailangan kahit saan ay alam niya kung nasaan ako? Magsusumbong na ba ako sa mama ko na parang bata?

"Ikaw ang creepy stalker ni Dale?" tanong ni Geo sa kanya na may halong pagtataka.

"Ha? Stalker? Hindi ah. May ibibigay lang ako kay Dale." Napanganga ako. What did she just say? Not my stalker?

"Ikaw talaga Dale, nantitrip na naman." Umiling pa si Erik. What the!

"Dude, hindi ka nakakatawa. Umalis ka bga dyan sa likod ko." Tinulak ako ni Geo paharap. Nanlaki naman ang mata ko nang makita angmalaking ngiti sakin ng babaeng stalker.

"Hindi ako nagbibiro, siya talaga yung stalker ko!" Sinamaan ko ng tingin yung babae na napaatras sa ginawa ko. "Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo? Parang kanina lang pinangangalandakan mo na stalker kita tapos ngayon ide-deny mo?! At kahit pati sa pag-uwi ko ay sinusundan mo talaga ako?"

Maybe I should get a restraining order. Pero kailangan ko munang sabihin kay mama at ayokong sabihin. Masyadong nakakagigil ang pangyayaring ito... at ako pa talaga ang mukhang nagbibiro?! Ako na nga itong biktima. Nagpapanggap pa na siya yung inosente dito.

"Pre, tigilan mo nga yan! Tinatakot mo yung babae. At isa pa, halata ba sa mukha niya na siya yung tipong susunod-sunod sayo?" sabi ni Geo. Damn! I cannot believe what is happening.

"Kaya nga, mukha ba akong stalker sa pagmumukha mo?" sabi nung babae at nagpout pa. May gana pang magpacute. Nanggigigil na talaga ako.

"Oo!"

"Nakadrugs ka ba Dale? Pinagdidiskitahan mo pa itong cute na babae dahil dyan sa stalker mo. May ibibigay lang naman daw sayo-" hindi ko na pinatapos si Erik at hinila ang babae papalayo sa kanila.

Binitawan ko lang siya nang medyo malayo na dun sa dalawa.

"Ano na naman ang trip mo at itinanggi mo sa kanila na hindi kita stalker?" naiirita kong sabi. Hindi man lang naapektuhan. Siya lang ang hindi naaapektuhan sa mga tingin ko.

"Hindi mo naman talaga ako stalker. Diba sabi ko, admirer? Ikaw talaga napaka makakalimutin." Umiling-iling pa siya.

Umawang ang labi ko. Argh! What am I gonna do with her?

Huminga ako nang malalim. Halata na rin sa akin na pagod ako. "Please... itigil mo na 'to. I am begging you. Hindi ko alam kung paano ka paalisin sa buhay ko nang hindi gumagawa ng eksena so please." Nagmamakaawa na ako dito but she was just looking at me intently.

"I'm also begging here, Dale. Seryoso talaga ako nung sinabi kong may gusto ako sayo. Hindi ako nagbibiro. Hindi ako nagjo-joke, hindi kita pinaprank o ano. I really like you and I wouldn't go this far kung biruan lang 'tong ginagawa ko. You must know that."

Mukha ngang seryoso siya base na rin sa kanyang itsura. Okay, maybe she's really not kidding but what can I do? I already have someone special in my life.

"I'm really flattered with your affection towards me but you know I have someone else. Matagal ko na siyang nililigawan. Sigurado na ako na siya ang babaeng mamahalin ko kaya sana naman respetuhin mo ako."

"I am. Kung hindi ko nirerespeto ang panliligaw mo, 'di sana matagal na kitang inagaw kay Honey." Napanganga ako. Aagawin niya ako kay Honey? Parang gusto kong matawa.

"Ikaw? Aagawin ako? Pinapatawa mo ako. Hindi mababaw ang pagmamahal ko kaya imposible yang sinasabi mo." I thought she would give up but instead, a mischievous smile was plastered on her face.

"Nothing is impossible. Hindi pa kayo kaya may pag-asa pa."

"Yeah right..." Napailing ako habang natatawa. I still couldn't believe it.

"Don't believe me? Bahala ka. I still won't give up." And with that, she just walked away leaving me hanging.

Continue Reading

You'll Also Like

25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
3.4M 171K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
32.7M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...