OPERATION: Make Ligaw to him

By yashnii

21.8K 755 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... More

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Second Move
Third Move
Fourth Move
Fifth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Eleventh Move
Twelfth Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-first Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fourth Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-eighth Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Sixth Move

575 20 0
By yashnii

#C06: It all ends here

Buong araw akong nakasimangot at badtrip. Nakakabwisit talaga! Naiinis ako. Gusto kong magwala pero ang kaya ko lang gawin ay intindihin siya. Gusto ko ring maiyak pero walang lumalabas na luha mula sakin.

Nag-away kami ni Honey ng nakaraang araw dahil sa isang walanghiyang gago. Things just went out of hand. I can't believe, it all came to this. It all came down to this.

Napasabunot ako habang inaalala ang nangyari.

Isang tanghali habang tirik ang sikat ng araw. Napagpasyahan kong pumunta sa plaza para bumili ng pwedeng iregalo kay Honey... wala namang importanteng okasyon. I just wanna give something for her.

Masyado siyang busy sa lahat. Gusto ko lang maibsan ang stress na nararamdaman niya.

"Still haven't texted yet..." I said as I was looking at my phone with no replies.

I felt guilty nang mapagisipan ko siya nang masama. I should've been logistic with my actions. Di tama na magselos ako sa mga responsibilidad niya. Bilang manliligaw ay dapat iniintindi ko ang sitwasyon na kinalalagyan niya... hindi yung puro ako na lang ang iniisip ko. I should be mature about this.

"Saan na nga ba yung store na iyon?"

Ano nga bang pwedeng iregalo sa kanya? She has everything... kung ako na lang kaya ang iregalo ko sa kanya? Ako na lang kasi ang kulang sa buhay niya. I laughed at myself with such thought.

I was in that state of blissfulness. And then... something unexpected happened. Something that I was so sure about that my blood boiled into anger. Suddenly, my good mood was ruined by a not so good sight.

I saw Honey with someone... may kasama siyang lalake habang nakahawak sa braso nito. Nakuha niya pang makipagtawanan dun sa lalake habang ako ay tulalang nakatitig. Ni hindi ko pa napoproseso ang nakikita.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact. Mainis? Magalit? Magselos? I'm filled with mixed emotions but one thing is for sure, nasasaktan ako sa nakikita ko. Para akong trinaydor at pinagmukhang tanga... and she keeps saying that she'll make time for me ngunit hindi naman niya natutupad.

Tapos ganito ang makikita ko sa dapit na hapon? Ang pagtaksilan ako?

Unti-unti akong nabalutan ng galit at di ko namalayan na naglalakad na pala ako palapit sa kanila at hinila palayo si Honey sa lalakeng iyon. Hindi na nakakilos pa ang lalake nang bigyan ko siya ng masamang tingin.

"Dale? Hey, let go of me. Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ako hinihila?" Nasa parking lot na pala kami at saktong walang dumadaan na tao roon. Binitiwan ko siya saka hinarap. Nanigas siya sa kanyang tinatayuan nang makitang sobra akong galit.

"Shouldn't I be the one asking that? Sino yung lalakeng kasama mo?" Sinigawan ko siya at halata sa boses ko ang pagkairita.

Nanlalaki na mata ang pinukol niya sakin. "Dale, ano ba? Pagseselosan mo talaga si Vincent? Wala naman kaming ginagawang masama. We were just having a little stroll around the mall-"

"Talaga? Bakit may kasama pang holding hands ang nakita ko?" Hindi siya nakasagot sa sinabi kong iyon... mukhang nasaktan pa siya. "Ano, may relasyon ba kayo? Sabihin mo lang hindi yung pinagmumukha mo akong tanga na naghihintay sayo-"

She cut me off by slapping me. I clenched my jaw.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Tingin mo ba ganun akong babae? Alam mo, kung may problema ka sa akin hindi mo dapat dinadaan sa ganito! Pagod ka na? Fine, sumuko ka! Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan! Hindi ka marunong umintindi!"

"Ako pa talaga ang hindi marunong umintindi?" I sneered. "Tuwing busy ka, tuwing palagi mong kina-cancel ang mga plano natin, ano sa tingin mo ang nararamdaman ko? Magiging masaya? Sinabi mo pa talagang hindi ako marunong umintindi when all these years I'm trying so hard to understand you!"

Nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Ayaw kong nakikita siyang nasasaktan pero tama na itong ganitong sitwasyon. Napapagod din ako. Nawawalan din ako ng pasensya.

"Ginagawa ko ang lahat ng ito kasi my parents look up to me. There is no room for me to mess up or get distracted. They are counting to me, can't you see that? And I am fed up..." Pinunasan niya ang luha na naglandas sa pisngi niya. "Hindi ko ginustong masaktan ka, okay? I didn't want any of this to happen."

"A-anong ibig mong sabihin?" Damn! Is she saying what I think she's saying?

"Itigil mo na ang panliligaw mo. You must be tired of this set-up so, please. Lumayo ka na muna sakin," aniya na may hinanakit sa boses.

No! I will not let that happen. She cannot just throw me away like that! I won't let her.

"Are you serious? Tatapusin mo na ang lahat nang ganun-ganun lang?" Hindi ko na kinaya. My voice cracked when I said those words. It was all coming down to me-- everything. "D-did you ever loved me?"

Tiningnan ko siya sa mata. I was hoping to see the tenderness in her eyes like she always shows but now it was gone, her eyes were now different. She now looks at me differently.

I can't help but feel the pain again at mas lalo akong nasaktan nang sinabi niyang, "Im sorry... alam ko rin namang hindi tayo magtatagal. We were bound to get hurt and fall apart. It's just too bad that it was today out of all days. When I'm trying to relieve myself out of stress-- and for you to see me in a situation that doesn't even exist... ang lokohin ka."

"No..."

"It's over, Dale. Goodbye..."

And just like that, it was all over.

Sa ilang taon na pagsasama namin, sa paghihintay ko, bigla na lang niyang binitawan ang lahat. Kumapit ako kasi akala ko may pag-asa na maging kami ngunit hindi pala... I thought it all wrong. I was seeing the different side of the picture. That she no longer holds me. Or at least she never did.

Sinubukan ko siyang kausapin nang pumasok sa school. Hinanap ko siya sa mga sulok at tinanong pa ang mga kaibigan. When I finally did see her...

"Honey..."

Nakita ko siyang kasama yung tarantado. Nagke-kwentuhan pa sila na parang walang nagyaring bangayan. Ni hindi niya ako pinapansin at nakatuon lang ang atensyon sa gagong iyon. It's like she's pretending that I dont exist anymore.

Lumapit ako sa kanila. Alam kong naramdaman niya ang presensya ko dahil sa sandaling pagkatigil niya. "Honey... we need to talk."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. We ended everything, remember?" she said coldly.

"Hindi ako sang-ayon."

"Hindi ko kailangan ng approval mo. I don't need someone who can't even trust me."

"I'm gonna give you two some space..." Tatayo na sana yung kasama niya nang pigilan naman ni Honey. Naikuyom ko ang aking kamao sa nakitang paghawak niya ng kamay nito.

"You stay here..." She looked at me at the side of her eye. "He leaves."

"Honey, don't be like this."

"Huwag mo akong pinipilit sa mga bagay na ayoko na, Dale. Everything was crystal clear between the both of us. Do me a favor and try not to embarrass yourself in front of many people again.

"Please, Honey."

"Dude, she said that's enough. Can't you see?" Itinuon ko ang atensyon sa bwisit na lalake. Kinunutan ko siya ng noo.

"Away naman 'to. Bakit ka nakikisali?" Hindi ko mapigilan ang galit ko. Siya ang dahilan kung bakit kami nag-away. Sino ba 'to at saan siya nanggaling? I have never seen him before... he's new to her life. What is he to her?

"Hindi ako naghahanap ng away, bro. Ang sakin lang naman ay intindihin mo si Honey dahil ayaw niyang makipag-usap ngayon. Huwag mo akong tingnan na para bang naghahamon ako ng away dahil hindi. Gusto ko lang kumalma kayong dalawa."

"It's no use talking to him..." I looked at Honey when she spoke. Galit siyang tumingin sakin. "Pwede ba, Dale? Huwag kang magsimula ng away dito. Baka nakakalimutan mong parte ako ng student council and I can quickly tell you to the guidance office. Just leave us alone and don't come looking for me again!"

"But Honey..."

"It's over! Just accept it already." mahinang bulong niya.

Tiningnan ko ang lalake ngunit iniwas niya na lamang ang tingin sakin. Si Honey naman ay galit na nakatingin sakin... wala akong magawa. I am so frustrated that I can't do anything to make her listen.

Kaya ginawa ko ang tanging solusyon na gusto niya... I slowly backed out and leave her be. Parang wala na talaga siyang pakielam sa akin.

I tried again the other day but it seems like she's avoiding me. Hindi ko siya makita sa kung saan mang sulok ng school. Talagang iniiwasan niya na magtagpo ulit kami.

"Nakita niyo ba si Honey?"

"Hindi eh. Umuwi na yata yun."

Kung ano-anong excuse ang naririnig ko sa kanyang mga kaibigan.

"She's busy with the council, Dale. Have you checked her there yet?"

"Nasa comfort room yun. Kani-kanina lang siya umalis. Bakit, ano bang kailangan mo sa kanya?"

"Oh, she went that way! Hindi mo ba siya nakitang naglalakad kanina? Ang alam ko'y nalampasan niya ang direksyon mo."

Hindi ako tumigil na hanapin siya... hindi ako sumuko kahit pa na yun ang gusto niyang mangyari. I can't let her end us like this. We've come so far together to give up now.

The next day after that, finally natiyempuhan ko siya which she didn't expect.

"Honey..." tawag ko sakanya.

Unti-unting sumilay ang pagkainis sa kanyang mukha. "Hindi ba't sinabi ko sayong layuan mo na ako? I have no business with you so stop looking for me."

"Mag-usap tayo."

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa atin-"

"Dale..." tawag niya na nakapagtigil sa akin. Seryoso lamang siyang nakatingin sakin, wala ng bahid ng galit. "Tapos na tayo. We didn't work out. Pagpahingain mo na tayong dalawa."

"Ganun-ganun lang? Ang dali mo namang sumuko sa ating dalawa?"

"Hindi sa sinukuan kita, Dale. Binibigyan ko lang ang sarili kong huminga sa lahat ng nakapaligid sakin. Hindi ako makahinga, alam mo ba yun? Sinusubukan ko namang pagsabayin lahat, ah? I tried to make my parents smile. I wanna be someone reliable for the school. I catch up on my grades even if it drains my body."

"Honey..."

Pinunasan niya ang kanyang luha. "Ang hindi ko lang kayang tiisin sa lahat ng yun ay kung paanong pinagbintangan mo ako na niloko kita. Ni hindi mo pinaliwanag man lang at parang kumbinsido kang ako yung mali. Sobrang sigurado ka ng pasikreto kitang niloloko. You think I'd do that despite my situation? Life is already draining me."

"I'm sorry... I'm sorry..."

"Alam kong palagi kitang napapaasa... Hindi kita napagtutuunan ng pansin. Pero hindi mo alam kung paano kitang isipan halos araw-araw. Dahil alam kong kahit gaano ako ka-selfish na palagi kang tinataboy... alam kong maiintindihan mo ako. Because I tell you everything? Did you recognize that?"

Humikbi siya. May kung anong kumirot sa aking dibdib nang makita siya sa kalagayan na ganun. Masakit... parang may humihigop na bagay sa aking loob.

"So, please. Give me a rest, Dale. One at a time... I can't take down all of you." Then she walked out of my sight.

Ever since then, palagi ko na syang nakikita na kasama yung gago. Napag-alaman ko rin na nililigawan siya nito. Sobrang sakit sa pakiramdam nang malaman ko iyon sa mga kaklase ko kanina. Yung feeling na para kang pinagtaksilan. Yun ang pakiramdam ko ngayon. She just broke me.

Madaling kumalat iyon sa circle of friends namin. Lahat sila ay nakisimpatya at dun ako nainis. Dun ako nakaramdam ng sobrang pananakit. Pero ang gusto niyang gawin ko ay ang intindihin siya... na kahit na meron na siyang iba ay kailangan ko siyang intindihin.

Even when she poured her heart out that day. Para akong inapakan ng ilang beses.

Arrgh! This is all giving me a headache. Wala akong gustong gawin ngayong araw kundi ang magmukmok at magsisi sa ginawa ko... pero wala na. Wala na talaga.

Itinakip ko ang unan sa mukha ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Anak, okay ka lang ba?" It's mom. She looks worried. Binigyan ko siya nang magaan na ngiti habang umupo.

"Im fine, ma..."

"Did something happen?" Umupo siya sa edge ng kama. Napabuntong-hininga ako. I really don't want to see my mom worrying about me.

"Nag-away po kasi kami ni Honey. Sinabi niyang itigil ko na daw ang panliligaw sa kanya." At hindi ko napigilang alalahanin ang nangyari. Kung paanong napunta sa katapusan ang mga hinanakit namin.

Naramdaman ko na yinakap na ako ni mama at hinahagod ang likod ko. "Everything will be alright."

Napawi ng konti ang dinadala kong problema dahil doon. "Mom, how can something be so good at first but then feel bad in the end?"

"It's part of our life, anak. It is like a never ending cycle. Dapat lang na balanse ang lahat. It is how we live through every moment pero alam mo kung saan ako pinakasigurado? Yun ay yung kaya mong masolusyonan lahat ng mga problemang dadanasin mo. Hindi madali, oo. Sobrang hirap pero malalampasan din natin ang lahat na iyan. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo. Kailangan mo lang palaging alalahanin na pag may nangyaring maganda, may paparating na masama at may pag may nangyaring masama, may paparating na maganda. Just don't give up, okay?"

Tango lang ang naisagot ko sa sinabi niya. Somehow, that made me feel a little less sad. My mom always knows what to do.

Pinaalala niya sakin na bumaba mamaya dahil maghahapunan na which I gladly said yes. Nagpaalam siya at hinayaan akong magisip.

Although I'm still clueless, I cannot let anything slip through me. My mind is set at kailangan kong mabawi si Honey pabalik sa akin. I will not let her walk out of my life just like that. I love her enough to fight for her.

Even when that douchebag is around. 

Continue Reading

You'll Also Like

169K 3.5K 36
Unedited Story Rank: top 2 in hyuna's stories Ayaw niya sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit hindi niya makakasama ang babaeng minahal niya.Nap...
144K 5.1K 68
A romantic-comedy with-a-touch-of-drama. Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kwento nina Kevin Lee at Steffanie Yoo. This story is based on the...