One Day... [ON-HOLD]

By StoryMaker00

10K 111 61

One Day nag meet na sila Ms. Lovely si Mr.Famous... araw-araw silang nag kikita pero sa kabila ng araw-araw n... More

Chapter two: apply
Chapter three: julia's magazine and new friend
Chapter four: hello work! hello sir Daniel?
Chapter five: Next issue
Chapter six: Coffilo
Chapter seven: Date?
Chapter eight: Routine
Chapter nine: Meeting

Chapter one: goodbye work

3.3K 24 19
By StoryMaker00

"ui julia! gumising ka na nga jan, tanghali na! di ba may special meeting kyo ngayon?" ginigising ako ni kiray. si kiray ang ka roommate ko sa dorm at bestfriend ko since collage. O.O biglang dumilat ang mga mata ko nang narinig ko ang sinabi ni kiray sakin habang ginigising nya ako 'di ba may special meeting kyo ngayon?' .. "OMG! Late nanaman ako tapos may special meeting pa kmi ngayon, hindi ko nga alam kung bakit may special meeting kmi ngayon, pinapatawag ng boss ko lahat ng empleyado sa office. ako ang editor in chief ng magazine nyang hindi naman sikat kasi tungkol sa hayop yung magazine nya" bigla akong bumangon nag mamadaling naligo at nag ayos dahil malelate na nga ako sa trabaho ko actually late na talaga ako.

"juls! hindi ka ba kakain?" tanong ni kiray sakin habang nagsusuot na ako ng sapatos at papalabas na ng pinto ng dorm. 

"kirs late na ako, wala na ako time para kumain, dun na lng ako kakain" sabi ko kay kiray nang tinanong nya ako bago ako tuluyan umalis bigla akong napaatras, naalala ko may bago pala akong picture ni daniel at pinakita ko yung picture kay kiray

"ui tignan mo may bago akong picture ni daniel, ang gwapo nya noh? wait lang ha didikit ko lang" nagmamadali akong pumunta sa kwarto at dinikit ang bagong pic ni daniel. sa dulong part ng kwarto namin ni kiray one side of the wall may onting picture ni daniel, halo-halo ang pictures sa wall karamihan ng nakadikit dun puro pictures namin ni kiray pag twing nag bo-bonding kmi 

"eto nanaman sya!" halos pabulong at malahim na buntong hininga ang binitawan ni kiray habang nag mamadali akong pumunta sa kwarto para idikit ang bagong pic ni daniel.

"kirs mag papa-print dn pla ako mamaya ng pic natin nung last time na nag mall tyo ha. sige una na ako, kanina pa nga dapat ako umalis eh" pag babye ko kay kiray habang nag lalakad papalabas sa dorm.

"dapat lng, hindi yung puro danilel na lang lagi" pabulong na reklamo ni kiray sakin sabay subo sa pag kain, napa smile na lng ako sa sinabi ni kiray kahit mareklamo yan mahal ko yan ewan ko ba kung bakit hindi pa rn sya nasasanay skin.

- - - - - - - - - -

nandito na ako ngayon sa elevator at kinakausap ang sarili ko "ano kaya sasabihin ni boss, sana wag nya isara ang company.mahirap na maghanap ng trabaho ngayon, kung madali lng mag hanap ng trabaho nag resign na ako kasi hinid mejo sapat ang sweldo ko." pinag lalaruan ko yung kitchaine ng bag ko sa sobrang kaba kasi late ako tapos may special meeting kmi.

"nako mam, late na kyo papagalitan kyo ni sir nyan" mejo natatawang sabi skin ni geline yung elevator girl ng opisina namin. close na kmi ni geline dahil sabi nya nya friendly daw ako.

"oo nga eh, mejo kinakabahan na nga ako may special meeting pa naman kmi ngayon." nag aalalang sabi ko kay geline. bababa na ako sa elevator sa floor namin at may nakasalubong akong mga lalakeng mga naka americano papaalis habang nag lalakad papasok ng pinto na parang business men 

"julia your late!" nagagalit na sabi skin ng boss ko dahil 1 hour or 1 hour and 30 mins. ata akong late at sa tingin ko ako na lng ang hinihintay sa meeting

"sorry po :(" sabi ko sa boss ko habang naka yuko dahil nahihiya akong tumingin sa kanya, dahil nga may ginawa akong kasalanan.

"sit down!" pinapaupo ako ng boss ko sa upuan na bakante, nandito kmi sa conference room. "ANO AKO ASO?" sabi ko sa sarili ko, totoo naman eh ano ako aso tapos bigla bigla mo na lng sasabihin na 'play died'? baka mabatukan ko toh. tulad nga ng sinabi ng boss ko umupo daw ako so ayan umupo nga ako. kung hindi lng gra-graduate yung kapatid ko mag re-resign talaga ako, ang dami ko na ding naging kaibigan dito... eto na nagsimula na yung boss ko mag salita.

"guys kung nakita nyo yung mga naka americanong damit kanina, sila ang bibili sa company natin. hindi kasi mabenta ang magazine natin simula nung pinasok na dn ng padilla family ang magazine world alam natin na ang dami nilang negosyo at pag aari ang alam ko isa sa mga padilla family ang may bagong magazine at may dalawang parts ang magazine tungkol sa fashion trends and likes, yung isa pang girls yung isa pang boys si roanna padilla daw ang president ng program at si daniel padilla daw ang vice. Sa tingin ko pag lumabas na ang bagong magazine nila lalong maluluge ang company kaya napag disisyonan ko na ibenta na ang company dahil na rin sa aalis na kmi ng pamilya ko dito sa pinas, kaya soryy kung mawawalan kyo ng trabaho. eto na yung last nyong sweldo dinagdagan ko na yan ng 10% dahil nga nawalan kyo ng trabaho sa pag sasara ng companya ko. I'm sorry" lumabas na ng conference room si boss lahat ng mga muka namin hindi mo maipinta . hindi ko alm kung saan ako magsisimulang mag hanap ng tabaho. hindi ko muna papaalam kila mama at lola na nawalan na ako ng trabaho kasi baka mag alala pa si lola. lumabas na rn kmi ng conference room at nag simulang ayusin ang mga gamit namin. 

"julia mamimiss kita!" malungkot na ngiti ang binigay skin ni ate april sabay lagay ng gamit nya sa bag nya. si ate april ang katabi ko sa table sya ang pinaka close ko dito mas matanda sya skin kasi working student lng ako tapos sya graduate na ng collage, 1st year collage pa lng ako ngayon...mahinhin sya probinsyana kasi sya. 

"ako rin mamimiss kita ate, teka san ka nga po pala mag hahanap ng trabaho nyan?" tanong ko sakanya, habang inaayos ang gamit ko ng nakasimangot.

"binabalak ko nga na baka bumalik nalang ako sa nueva ecija, dun na lng ako mag hahanap ng trabaho para may mag bantay na rn sa nanay ko at sa mga kapatid ko" napatingin skin si ate april with 'ano sa tingin mo' look.

"siguro nga mas okay na dun ka na rin magtrabaho para nga mabantayan mo sila" sabi ko kay ate april sabay ngiti.

tapos na kaming lahat mag ayos ng gamit namin at yung iba nakauwi, na kming dalawa na lng ni ate april ang naiwan dito.

"oh sige julia, una na ako ha. may lalakarin pa ako, ingat ka sa pag uwi mo txt-txt na lng tyo!" pag papaalam skin ni ate april bahang kumakaway skin. ako na lng naiwan dito, naiihi ako kaya minabuti ko munang umihi baka maihi pa ako sa daan papauwi...tapos na akong umihi ang kinuha ko na yung mga gamit ko sa lamesa at aalis na ako nang bigla akong tinawag ni boss.

"julia, pasensya na ha alam ko naman na lahat kyo nangangailangan ngayon kaya nyo pinagbubutihan ang trabaho nyo lalo ka na working student ka nag tratrabaho ka sa umaga tapos may klase ka pa sa gabe, kaya i'm so proud of you nung nag apply ka dito dapat hindi talaga kita tatanggapin kaso nung pinatunayan mo yung sarili mo skin napahanga ako sayo dahil teen ager ka palang kaya mo na yung mga ganitong trabaho. salamat sa mga natulong mo sa companya ko" sabi skin ni boss at nakipag shake hands sakin ni boss na parang kinokon-graduate ako na mga ginawa ko.

"nako wala po yun kung tutuusin ako pa nga po dapat mag pa salamat dahil kahit student pa ako tinanggap nyo ako sa trabaho." nakangiting sabi ko kay boss, puro ako boss noh? hahaha wag na lng natin syang pangalanan.

"sige po una na ako" nakangiti parin akong nag paalam sa boss ko.

"sige mag iingat ka. sana makahanap ka ng matinong trabaho" nakangiti rin pagpapaalam ng boss ko skin..

- - - - - - - - - -

nandito na ako sa dorm siguro mga 9:30 na ata.. bubuksan ko na sana ng susi ang pinto nang mahalata ko na bukas pala ng pinto "huh? bakit naka bukas yung pinto? bakit hindi sinara ni kiray? nako sisisihin ko toh pag may nawala sa loob" sabi ko sa sarili ko nang may lahong pag tataka.. pumasok na ako sa loob para makapag pahinga na ako pagod na rin ako at may kelangan pa akong tapusin na report at mamayang gabi ko na iprepresent yun.

"ay PALAKA!" napasigaw ako sa gulat nang makita ko si kiray na nanonood ng tv.

"oh juls? bakit ka nandito? half day ba kyo?" nagtatakang tanong ni kiray sabay lipat ng channel.

"grabe kirs! ginulat mo ako. ikaw bakit ka nandito di ba may pasok ka?" ibinalik ko rin ang tanong skin ni kiray.

"ah break namin mamayang 10:30 pa yung time namin kaya pumunta muna ako dito sa dorm. eh ikaw anong ginagawa mo dito?" ibinalik nya din ulit skin yung tanong nya na di ko sinagot na tinanong ko na sinagot nya kaya tinanong nya ulet sakin yung tanong kasi nga di ko sinagot. gets nyo? hahaha.

"nag sara na yung company na pinapasukan ko. hindi na kasi kumikita yung magazine at aalis na daw sila dito ng pamilya nila  sa pinas" malungkot kong sabi kay kiray na ikinalungkot din nya, alam nya kasi na working student ako tapos tinutulungan ko pa si mama at lola sa pagpapaaral sa mga kapatid ko. pero kahit papano may negosyo naman si lola sa laguna, kalindirya katulong rin ni lola  si mama

"oh pano na yan ngayon wala ka nang trabaho? next week na ang bayaran ng dorm tapos, sigurado akong hindi sapat yung pera mo ngayon para sayo at sa mga kapatid mo" sabi sakin ni kiray at nakikita ko na may lungkot at awa syang nararamdaman para skin.

"kaya nga eh... hayaan mo bukas na bukas mag hahanap na ako ng trabaho. nabanggit nga skin ni boss na may bagong magazine daw ang padilla at vice si daniel sa company" malungkot na ngiti ang binigay ko kay kiray.

"oh eh yun naman pala eh di dun ka na mag apply sa kanila, for sure wala pang masyadong employee yung company nila at dun din nag tratrabaho si daniel, kaya wag ka nang mag dalawang isip na may apply dun gorabells ka na dun" masayang sabi skin ni kiray.. oo nga noh hindi ko naisip yun masyado kasi akong nag iisip kung pano ko sisimulan mag hanap ng trabaho tapos kung matatanggap man ako na trabaho araw-araw kmi mag kikita ni daniel yiee...

"sige try ko" natutuwang sabi ko kay kiray habang nilalapag yung gamit ko at naghuhubad ng sapatos.

"anong try? gawin mo na ag ka na mag try. kaya mo yan" sabi skin ni kiray. napangiti ako pero bigla nag bago yung ngiti ko bigla ulet akong napasimangot.

"eh pano kung di nila ako tanggapin dahil working student ako, baka hindi nila ako tanggapin kasi baka sabihin nila wala naman akong natapos" nagaalalang sabi ko kay kiray at umupo ako sa tabi nya.

"eh kaya ka nga nag tratrabaho para may matapos ka, di ba. pero kung di kanila tatanggapin patunayan mo yung sarili mo" napangiti ang sa mga sinabi skin ni kiray :))

"sabagay tama ka...sige kirs pahinga muna ako kasi mga mamayang 12:00 p.m. itutuloy ko yung report ko" pagpapaalam ko kay kiray habang papatayo sa upuan at papunta sa kwarto para makaiglip kahit saglit lng.

nakahiga ako ngayon at nag iisip kung anong mangyayari bukas sa pag hahanap ko ng trabaho. "daniel mag kikita na tyo" sabi ko na sarili ko habang iniisip si daniel. "tama si kiray, kaya ako nag tratrabaho para makapagtapos ako at maka tulong kila mama. kaya dapat makahanap na ako ng bagong trabaho bukas na bukas din... zzzZzzzZzzz ayan naka tulog na ako kasi nga mag papahinga pa ako dahil may gagain pa ako mamaya.

- - - - - - - - - -

sana po nagustuhan nyo :) sorry po kung panget first time ko po kasing gumawa ng story  kaya pag tyagaan nyo po muna hanggang sa matuto na akong gumawa ng story.

like, comment, vote, and become a fan :)

~StoryMaker00


Continue Reading

You'll Also Like

16.6M 718K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
1.2M 28.1K 57
Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almo...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...