'Till It's Time COMPLETED

By MikkhaSuarez

239K 10.7K 792

The love story of Chelsea and Jordan ( Book 4). More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen FINALE

Chapter Thirteen

11.5K 675 53
By MikkhaSuarez

HABANG wala ang binata ay nagpasya siya na ikutin muna ang loob ng bahay nito. Hindi niya pa nakikita ang lahat ng silid dito.

Inuna niyang buksan ang guest room sa ibaba. Halos kapareho iyon ng silid niya sa itaas cream nga lang ang kulay ng wall. At may mga pictures ng pamilya nito.

At dahil halos naikot na niya ang first floor ay bumaba naman siya sa basement. Malaki ang basement ng binata at pagbaba doon ay makikita mo ang mini gym nito at may billiard table rin at bar. May dalawang pintuan rin doon at nagpasya siyang silipin ang loob nun.

Ang unang silid na binuksan niya ay entertainment room. May malaking TV sa wall at maraming mga DVD na nakasalansan rack. May dalawang electic acoustic guitar rin siyang nakita.

Hindi niya alam na marunong palang mag-gitara ang binata. Parang ang dami niya pang hindi nalalaman sa pagkatao nito. Matapos makita ang kabuuan ng silid ay pumasok naman siya sa katabing kwarto.

Apat na bookshelves ang nakita niya pagbukas ng pinto at isang mesa na may nakalagay na computer. Library at mini office siguro ng binata. Nang tuluyan siyang pumasok ay natawag ng atensyon niya ang mga frames na nasa mesa nito. Ang unang frame ay solo picture niya noong JS prom niya. Ang pangalawang frame naman ay picture nilang dalawa kuha ito noong Prom niya rin dahil ito ang naging escort niya. At ang huling frame ay kuha uli nilang dalawa.

Magkaharap sila ng binata doon. Hawak siya sa bewang at siya naman ay nakayakap sa leeg nito habang ang mga labi ng binata ay nasa noo niya. Ito yung time na pumunta sila ng theme park. Hindi niya akalain na may picture sila na ganito.

Parang may kung anong bagay ang muling nabuhay sa puso niya pagkakita sa mga larawan na ito. After all these years naka-display pa rin ang mga pictures nila sa bahay nito?

Parang sandali siyang ibinalik sa kahapon nila. Ang mga masasayang sandali na magkasama sila. At dahil malinaw na sa kanya ang lahat wala na ang pamilyar na sakit sa tuwing magbabalik tanaw siya sa kahapon nila.

Ngayon napapaisip siya. Paano kaya kung hindi sila nagtapos sa ganoong paraan? Siguro sa ngayon legal na silang magkasintahan. O baka engaged na sa isa't-isa.

Ngunit kaagad niya rin ipinilig ang ulo niya. Hindi porket may larawan siya sa bahay nito ay nangangahulugan na may pagmamahal pa rin ang binata sa kanya. Nagliwanagan na sila at wala itong sinabi sa kanya tungkol sa nararamdaman nito sa kasalukuyan.

Ang dami nang naging babae nito matapos ang nakaraan nila. Malay ba niya kung may siniseryoso na itong iba ngayon. Ibinaba na niya ang frame na hawak at lumabas na ng silid.

Pabalik na siya sa first floor nang mag-ring ang landline nito. Hindi niya alam kung sasagutin iyon o ano. Pero panay ang ingay noon. Kaya naman tumayo na rin siya at dinampot ang telepono. Hinintay niya muna na sumagot ang caller. Baka mamaya si Cj ang tumatawag.

" Hello, Kitten." si Jordan ang nasa kabilang linya.

" Yes, Bulldog."

" What's wrong with your cellphone? I was trying to call you but its off."

Pinatay niya ang cellphone niya para hindi siya makontak ng pamilya niya.

" I off my cellphone. I will not use it while I'm hiding."

" Oh okay. I'm about to leave in ten minutes. Just curious if you want me to pick up anything for lunch. Just incase ayaw mo yung nasa fridge."

" Burger and fries would be fine."

Siya yung tipo ng tao na kahit araw-araw kumain ng burger at fries ay hinding-hindi magsasawa.

" Okay. I'll get sundae too. See you later."

" Alright. Ingat."

" I miss you." malambing pa na habol nito.

Hindi niya alam ang isasagot pero para siyang baliw na nakangiti.

" You hear me?"

She cleared her throat.

" No. The line was choppy. Sige na, 'Bye!" sabi na lang niya and she hanged up.

Nang maibaba ang telepono ay kaagad niyang sinaway ang sarili niya. Bawal kiligin. Kung iyon nga ang nararamdaman niya ngayon.

Umakyat muna siya sa silid niya at naligo. Matapos maayos ang sarili ay humarap siya sa salamin. Isang cotton shorts ang suot niya at tank top. Nang makitang maayos na ang itsura niya ay lumabas na siya.

Pababa pa lamang siya ng hagdanan ay narinig na niyang bumukas ang pintuan. Ilang sandali pa ay nasa salas na siya at nakita niyang dumating na ang binata. May bitbit itong plastik ng Mcdonalds.

Kaagad itong ngumiti nang makita siya. Nang maisara nito ang pinto ay inilapag nito sa coffee table ang plastik. Saka akmang yayakapin siya pero kaagad niyang iniharang ang kamay niya.

" What are you doing?" taas ang kilay na tanong niya.

" I just wanna hug you?"

" No hug. Feeling close ka na ha." sabi niya saka umupo sa sofa.

Napakamot naman ito sa ulo.

" Friendly hug lang naman eh."

Hindi na niya ito pinansin at kaagad na niyang binuksan ang plastik  na inilapag nito. Kinuha niya ang burger at fries. Naupo naman ang binata sa tabi niya.

Bahagya siyang umisod dahil nagkakabungguan na ang mga balat nila sa sobrang dikit nito sa kanya. Ngunit napansin niya na muling umisod na naman ito palapit sa kanya. Inis na nilingon niya ito.

" Will you move please? Ang lawak ng sofa oh!"

" Pati dikitan ka bawal din? Grabe ka naman sa akin, Kitten. Wala naman akong nakakahawang sakit ah."

" I know pero ayokong nagkakadikit ang balat natin."

" Bakit? Nakukuryente ka rin?" nanunuksong sabi pa nito.

" Kuryente mo mukha mo! Basta ayoko gaspang ng balat mo eh. Parang balat ng dragon."

" Grabe siya oh. Nagpapa-belo kaya ako monthly. Kinis ko nga oh."

Hindi na niya ito pinansin at nagsimula nang kumain. Ganun rin naman ito. Binuksan niya ang TV dahil bigla siyang nailang sa katahimikan na pumagitan sa kanila.

Nanuod sila habang kumakain.

" Do you wanna watch movies?"

" What movies do you have?"

" Alot. We can go to basement. I have entertainment room there."

Dahil wala namang magandang palabas sa TV ay pumayag na siya. Gumawa muna ito ng popcorn saka sila bumaba sa basement. Nang mapatingin siya sa library nito ay bigla niyang naisip ang mga pictures niya na nakita sa mesa nito.

Gusto sana niyang magtanong kaya lang nahihiya siya. Baka isipin nito nakikituloy lamang siya nag-usisa pa siya sa loob ng bahay nito.

Nang makapasok sila sa entertainment room nito ay binuksan nito ang aircon. Ngunit hinayaan nito na patay ang ilaw para madilim sa loob. Tanghaling tapat pero dahil wala namang bintana sa silid na ito ay madilim rin sa loob.

Naupo muna siya sa couch na naroon habang naglalagay ito ng DVD na papanuorin nila. Nang mai-set up na nito lahat ay umupo na ito sa tabi niya.

" What movie is that?"

" Its love story. You gonna like it. Wait I'll get my cellphone in the living room."

Mabilis itong lumabas dahil nakalimutan nito ang cellphone nito sa salas. Nagsimula na ang palabas. Malakas ang speaker ng binata at malaki ang TV nito. Pakiramdam niya ay nasa theater na rin siya.

Habang nagsisimula ang palabas ay napapakunot noo siya. Ano ba'ng movie ito? Bakit parang hit scenes agad ang simula. Nasa isang silid ang bidang babae at lalake. Maya-maya ay itinulak ng lalake ang babae pahiga sa kama.

Hinalikan nito ang babae at mabilis na tinanggal ang damit na suot ng babae. Nagulat pa siya nang makitang all the way na hubad pinakita sa kamera ang mga katawan nito. Nagsimulang mag-ingay ang babae. At dahil malakas ang speaker ay parang mararamdaman mo na may naglalampungan sa harap mo.

" What the heck? What kind of movie is this?!" anas niya nang makitang mas lalong naging censored na ang eksena.

" Is it start already?" tanong ni Jordan nang makabalik. Ngunit kaagad na nanlaki ang mga mata nito nang mapatingin sa screen at nakitang censored ang eksena.

" What the hell you put in? Love story ba yan o porn?!" galit na tanong niya.

" No, no, no. This is not the movie I am sorry."

Binatukan niya ito dahil nakatulala pa rin ito sa screen.

" Off that! Bastos ka!"

Kaagad naman itong kumilos at inihinto ang palabas.

" Sorry. Napagpalit ko pala ng case."

Muli itong nagsalang ng DVD.

" Siguraduhin mo'ng hindi na porn yan ha. Kadiri ka."

" Kuya mo kaya nagregalo nito. Bad influence yang kuya mo eh."

Naiiling na lamang siya. Maya-maya ay umupo na ito sa tabi niya. Nagsimula na ang palabas. Kapwa sila natahimik na. Habang nanunuod ay kumakain siya ng popcorn.

Nasa kalahating oras na silang nanunuod nang maramdaman niyang umisod ang binata palapit sa kanya. Isinandal rin nito ang ulo sa balikat niya. Tiningnan niya ito saka itinulak.

" Move there!"

" Pasandal lang lamig ng aircon eh."

" Then off the aircon."

" I can't its gonna be hot here."

Muli itong sumandal sa balikat niya.

" Bati na tayo di ba? So, let me lean on you."

Hindi na siya kumibo para matahimik na ito. Hinayaan niya ito na nakasandal sa balikat niya.

Ctto

" Kitten..."

" What?"

" Tingin mo kung hindi ako naduwag noon. Tayo na kaya ngayon?"

Hindi siya nakasagot kaagad sa tanong nito. Isa rin yan sa mga what if's na dumaan sa isip niya.

" I don't know."

" Kung hindi ako naduwag noon at naging tayo. Siguro until now ikaw pa rin ang girlfriend ko. Or we could have been engaged by now." sabi nito.

Ang sarap pakinggan nang sinabi nito. Pero hindi niya naman alam kung totoo. Dahil ang dami nitong naging babae mula nang magkalabuan sila.

" I don't think so. Ang dami mo'ng naging babae."

" Hindi naman seryoso yun. I told you isa lang ang gusto ko'ng seryosohin nung mga panahon na 'yun. At ikaw 'yun."

" Paano kong paniniwalaan yan eh hindi mo naman tinuloy."

Umalis ito sa pagkakasandal sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.

" Gusto mo ituloy ko ngayon?"

Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya kaagad naapuhap ang dila niya. Binibiro ba siya nito? Knowing him alaskador itong masyado.

" Are you kidding me? Tigilan mo ako, Bulldog ah."

" Bakit may magagalit ba? Boyfriend mo ba yung lalake na kasama mo sa restaurant?"

Sandali siyang nag-isip kungsino ang lalakeng sinasabi nito. At nang maalala na si Kent ang tinutukoy nito ay napatawa siya. They are good friends only.

" Ofcourse not!"

Wala naman siyang naging seryoso na boyfriend mula nang mag-eighteen siya. Lahat ay flings lamang. Tatlo lang yata ang nakarelasyon niya at hindi naman sila umabot ng taon. The rest haggang dating lamang to keep her company.

" You don't have boyfriend?" nangingislap ang mga mata na tanong nito.

" Sshhh. Quiet na. Just watch."

Tumahimik naman ito at muling sumandal sa balikat niya. Muli siyang nag-comcentrate sa panunuod. Lumipas pa ilang minuto at naramdaman niyang dumausdos ang ulo ng binata pababa. Napasubsob ang ulo nito sa may gilid ng left boob niya.

Galit na nilingon niya ito at akmang sasapakin sana ngunit napansin niya na nakatulog na pala ito. Muli niyang ki ang ulo nito at saka siya umurong sa dulo ng sofa para makahiga ito. Ngunit gumalaw ito nang lumapat sa sofa ang katawan at pagkuway umisod at umunan sa mga hita niya. Iniyakap pa nito ang mga braso paikot sa hita niya.

Sandali siyang hindi nakagalaw at hindi malaman kung itataboy ito o ano. Pero nang makita niya na mukhang himbing na ito sa pagtulog ay hinayaan niya na lamang.

Pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito habang natutulog. Habang pinagmamasdan niya itong matulog ay hindi niya maiwasang humanga na naman sa gwapong mukha nito.

Napakaamo ng mukha nito kapag ganitong tulog. Lalaking-lalaki ang itsura nito dahil sa kayumanggi nitong kulay. At ang mga labi nito ay natural na mapupula. Bigla niyang naalala noong hinalikan siya nito. Kahit galit siya rito noon ay hindi niya maitatanggi na magaling itong humalik.

Naiinis pa siya sa sarili niya noon kapag hinahalikan siya ng ibang lalake at hindi niya maiwasang maikumpara sa mga halik nito.

Napabuntong hininga siya. Tama ba na mag-stay siya rito kasama ito? Paano kung mahulog na naman ang loob niya rito?

' Bakit hindi pa ba? Or should I say bakit kelan ba naka-move on ang puso mo sa kanya?' parinig ng isang bahagi ng isip niya. Napailing na lamang siya.

LUMIPAS ang ilang araw at naging maayos naman ang pag-stay niya sa binata. Araw-araw ay umaalis ito para i-check ang mga negosyo nito. Pero bumabalik rin naman after lunch o before dinner.

Todo asikaso ito sa kanya at maging sa pagkain nila ay ito ang parating magluluto. Bago ito umalis ay ipagluluto muna siya at mag-iiwan na lamang ng note sa dining table.

Ramdam niya ang pag-aalaga nito at pagmamalasakit sa kanya gaya ng dating Jordan na nakilala niya noon. Naging maayos na rin ang samahan nila at aminado siya na bumabalik na ang closeness nila gaya ng dati.

Todo effort naman kasi ito sa pag-aasikaso sa kanya kaya mahirap ignorahin na hindi maging malapit dito. Inaalalayan na lamang niya ang puso niya sa bawat araw na dumaraan na magkasama sila.

" Hi. Lalim ng iniisip ah."

Nagulat siya nang marinig na magsalita ang binata. Nakauwi na pala ito nang hindi man lang niya narinig ang pagbukas ng pintuan.

" Hi. Aga mo yata."

Inilapag nito sa table ang laptop bag nito.

" Maaga natapos work ko. Let's go out. Let's have lunch outside."

Eleven o'clock pa lamang. At hindi pa siya naliligo.

" I'll shower first. Wait me here."

" Okay. Scrub all the bacteria and fungi away."

Binato niya ito ng throw pillow bago tuluyang umakyat sa itaas. Mabilis siyang naligo at nang natapos ay binuksan niya ang closet. Pumili siya sa mga damit na naroroon.

Isang striped sleeveless ang napili niya at skinny jeans. Naglagay siya ng light make up at hinayaan na lamang niya na nakalugay ang buhok niya. Matapos makitang ayos na ang sarili ay bumaba na siya.

Busy sa harap ng cellphone ang binata nang bumaba siya. Tumikhim siya para pukawin ang atensyon nito.

" I'm ready." sabi niya.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At pagkuway ngumiti ito. Naiilang siya sa tuwing tititigan siya nito ng ganito.

Ctto

Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa couch.

" You know what? Ikaw lang yung babaeng nakilala ko na kahit anong suotin ay bagay."

Inirapan niya ito.

" At ikaw lang yung lalakeng nakilala ko na ubod ng bolero!"

Nang makalabas sila ay pinagbuksan siya nito ng pintuan. Sumakay siya sa passenger side. Ilang sandali pa at nasa loob na rin ito ng sasakyan.

" What do you feel like eating?"

" Anything."

Sandali itong nag-isip bago pinatakbo ang sasakyan. Ilang minuto pa ang lumipas at huminto sila sa tapat ng isang Thai restaurant.

Bumaba na sila at kaagad silang pumasok sa loob. Umupo sa pangdalawahang mesa. May lumapit na waiter sa kanila at iniabot ang menu. Pumili sila nang makakain.

Habang busy siya sa pagtingin sa menu ay may dalawang babae na lumapit sa table nila.

" Hey, loverboy." bati ng isang blonde sa binata.

Tumayo si Jordan at nakipagbeso sa dalawang babae.

" Hey, ladies." nakangiting sabi pa nito.

" How are you, handsome. We are not seeing in the bar anymore."

Napatingin ang binata sa kanya. Nagkunwari naman siya na busy sa pagbabasa ng menu. Mukhang wala rin namang pakialam sa kanya ang mga babaeng kausap nito. At tila hindi siya nagi-exist na kasama ng binata.

" I'm just busy with my business, ladies."

" I was trying to call you before but you never answer . Do you have my number?"

Napailing ang binata.

" I am not sure. My phone is always on silent because I don't want to be disturbed when working."

Dumukot ng calling card ang isang babae at maarteng inihulog nito iyon sa loob ng pantalon ng binata. Nabigla si Jordan sa ginawa ng babae at kaagad na napatingin sa kanya. Again she pretended busy.

" That's my number. Give me a call later and maybe you can visit me in my condo someday. I would love to spend a night with you in my bed."

Tumawa lamang ang binata at nagpaalam na ang dalawang babae. Saka lamang dinukot ni Jordan ang calling card na nasa loob ng pantalon nito. Doon na siya nag-react.

" You know you can do that inside of the restroom?" inis na sabi niya.

Ngumiti lamang ito at saka binasa ang calling card.

" Lorryne Chavez. Geez, I can't remember her." sabi nito saka inilapag sa mesa ang card.

" Hindi mo kilala pero nakipagbeso at nakipag-flirt ka?" naiiling na sabi niya.

" Selos ka naman agad. Hindi ko type yun." pang-aasar pa nito.

" Selos your face! Feeling pogi ka na nyan?!"

" Pogi naman ako talaga. You heard them right? They said I am handsome."

" Yeah. You're looks is very appealing to those sluts. Agree."

" Don't be jealous, Kitten. They're not my type okay?"

" And yet you want to keep that card?"

Napatingin ito sa card na nasa harapan nito. Dinampot nito iyon. Hindi na niya ito pinansin dahil dumating na ang waiter at nagsimula na siyang mag-order.

Matapos makuha ang order niya ay bumaling ito sa binata. Umorder na rin si Jordan at bago umalis ang waiter ay kinausap nito iyon.

" Hey man, are you single?"

Nabigla ang waiter sa tanong nito ngunit sumagot rin naman.

" Yes."

Iniabot nito ang calling card sa waiter na naggaling sa babae kanina.

" Call this lady. She is actually looking for a boyfriend. She is a close friend of mine and she is absoutely hot. Give her a call when your free, alright."

Tinanggap ng waiter ang card.

" Oh great. Sure. Thanks, man." at tumalikod na ito.

Nang makaalis ang waiter ay tiningnan siya nito.

" Now happy? I gave it away."

Hindi niya alam kung matatawa o ano.

" You're nuts." sabi na lamang niya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga order nila. They started eating.

" Kitten, Can I ask you a question?" maya-maya ay tanong ng binata.

" What is it?" sa pagkain naka-focus ang mga mata niya. Sobrang sarap ng kinakain niya. This is the first time na kumain siya sa restaurant na ito.

" Ahmm... Pwede ba ako'ng manligaw uli?"

Muntikan na niyang maibuga ang tomyam soup na hinihigop niya. Napatingin siya rito. Tama ba ang narinig niya?

" What did you say?" ulit tanong niya.

" I asked you kung pwede ba kitang ligawan uli?"

Nagkasalubong ang mga mata nila. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito gaya noong panahon na nagtapat ito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy bumalik siya sa pagiging teenager niya.

May bahagi ng pagkatao niya ang kaagad na kinilig at may parte rin na nangamba. Papayagan niya ba ito na manligaw muli sa kanya? Bibigyan niya ba ito ng isa pang pagkakataon na muling tumira sa puso niya???

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Nag-update na ako bago pa magpasko. Para merry rin ang puso ninyo😜 Pls vote ang leave ur comments down. Let me know guys kung nakakakilig pa ba o hindi na para kung wala ng kilig factor tatapusin ko na😂 Para book 5 na tayo😂 Again salamat sa inyo at Maligayang pasko sa ating lahat. 🎄🎄🎄

-Mikkhabells

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 99.2K 22
1st book of Cursed series in continuation of Shivanya series "You should stop staring at me like I'm some monster," Dhruv said coldly...
55.8M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
549K 49.3K 32
#TOP 9 in India [ 28/06/2026] #TOP 4 in India [ 29 /06] [ 31/07] [1/2/3/4/5/6/7/31/08/26] #TOP 3 in India [ 30/7/2026] #TOP 2 in india [ 1/09/26] BO...
259K 7.1K 60
"heard the risk is drowning, but i'm gonna take it. i'm gonna bend till i break, and you'll be my favorite mistake." IN WHICH, peter parker's best fr...
Wattpad App - Unlock exclusive features