CHELSEA POV
sinundan ko sya
" Clyde sorry na" sabi ko sa kanya pero di nya ako nililingon
"hoy sorry na " sabi ko sa kanya at hinawakan ko sya sa kamay
humarap sya sakin
halata sa kanyang mukha ang pagkairita sa akin
" anong gagawin ko para patawarin mo ako hindi ko naman sinasadyang batuhin ka e" sabi ko sa kanya pero tinig nan lang niya ako ng malamig na tingin
" leave me alone" sabi niya sa malamig na boses
at umalis na uli sya ako naman nakatayo lang dito sa gitna ng parang tinitignan ko sya habang papaalis hanggang sa hindi ko na makita ang likod nya
kasabay naman nun ay ang pag buhos ng malakas na ulan
hindi pa rin ako umaalis sa pinagkakatayuan ko
pagabi na rin
*broom* (kulog po yan)
natumba ako sa pagkakatayo ko nagitla ako sa malakas na pagkulog
pumatak na ang mga luha ko at napayakap nalang sa katawan ko
takot at guilt ang namumjo sa isip ko ngayon hindi ko rin alam ang daan pauwi sa amin
lumiwanag gawa ng kidlat
--------
gabi na pero nandito parin ako
ang tanging ilaw ko ay ang kidlat
sumilong ako sa isang puno ng mangga
hindi parin ako tumitigil sa pag iyak hindi ko alam
parang ayaw ng mga luha ko tumigil sa pagpatak nila kahit wla na akong iluluha tuloy parin ako s pagiyak
basang basa na ako...... nilalamig na ako at nagugutom na rin ako
kay a lalo akong napaiyak
bakit ba ang malas ko ngayong araw na to
siguro kaya ayaw nila mama na palabasin ako e dahil puro kapahamakan lang ang maaabot ko at siguro tama sila
napapikit nalang ako at dinama ang pagpatak ng ulan sa katawan ko
ng bigla kong naramdaman na parang wala ng ulan na pumapatak sa akin pero umuulan parin
napatingala na lang ako kung bakit hindi na ako napapatakan ng ulan
nakita kong mag nagppayong na sa akin at hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim
biglang kumidlat at nakita ko kung sino yun
pero di ko sya kilala
"okay ka lang miss" sabi ng lalaking may hawak ng payong ngayon
gwapo sya at mukhang kasing edad ko lang din
" oo okay lang ako tuyong tuyo ako e " sarcastic kung sabi dun sa lalaki.... nakakainis kase alam naman nya na di ako okay mag tatanong pa sya
" bakit ka nandito miss? "tanong nya sakin
"hindi ba obvious na nalikigaw ako " sagot ko sa kanya
" san ba bahay nyu? " tanong nya
"ewan... ang alam ko lang malapit kami sa tabing dagat ....pink ang kulay ng bahay namin " sagot ko sa kanya
"sige hatid na kita parang alam ko yun" sabi nya at tinulungan akong tumayo
" ako nga pala si Calvin Ramos " pagpapakilala nya sakin
" Chelsea Robles" sabi ko sa kanya
nakarating na kami sa tapat ng bahay namin pinaalis ko na agad sya baka kung ano pang isipin nina mama pag nakita sya
"maam baaang basa po kayo" sabi sa akin ng katulong
" ay hindi manang tuyong tuyo ako"pamimilosopo ko sa katulong namin
"ay sorry po maam" sabi sakin ng katulong
"hehehehe okay lang po " sabi ko
grabe paibaba ang ugali ko
pumasok na ako sa loob ng bahay namin
nakita ko sila mama sa sala
hindi man lang nila ako hinanap
hindi man lang sila nag alala sakin hayst
nakakainis kayo mama
nakita kung tumingin sakin si mama habang papunta ako sa itaas
" Rose san ka galing" tawag sakin ni mama ....tinawag nya ako sa First name ko
bale ang buo kong pangalan ay Rose Chelsea RObles
napatingin naman ako kay mama ....
di nya alam e iniwan nila ako e
huhuhu!!
"ma ,iniwan nyu ako sa farm e " inis kung sabi pero di ko pinahalata
"ah sorry baby hehehe" ayan nanaman si mommy parang bata
wag na kayo magtaka kung paiba iba tawag sakin ni mama .....madami yang tawag sakin
umakyat na ako ng tuluyan sa kwarto ko para maligo basa na kase ako e
MAECA POV
"waaaaaaahhhh!!!! troy nakita mo ba yun" sabi ko kay troy at nag patalun talon pa ako
hindi ko akalaing makakauwi siya
ng hindi itiniteleport ni Mina sa ginawa kong teleporter
oo sadya naming iniwanan doon si Chelsea para masubukan kung hindi na sya maliligaw
kase sa tuwing lalabas siya ng bahay nawawala siya dati at napupunta siya sa SPRING LAND para siyang paraiso mga walang kapangyarihan ang mga tao dito ordinaryo lang ang pamumuhay nila dito may mga kaharian din at may mga hari reyna ...hmm ang matataas na posisyon lang pala ang may kapangyarihan pero hindi kasing lakas ng kapangyarihan namin
minsan lang akong nakapunta roon kasama si troy at chelsea
bata pa noon si chelsea kaya siguradong hindi nya alam
may dinaluhan kaming kaarawan noon kaarawan ni reyna Lana ...pinamumunuan nila ang pinakamalakas na kaharian sa Spring land
natuwa ang reyna sa anak kong si chelsea at sabi nya gusto daw nyang si chelsea ang mapangasawa ng anak nya
.....pero hindi ako pumayag........simula noon nung bumalik kami dito sa lupa
tuwaing lalabas si chelsea nawawala sya kaya nag kaduda kaya bumalik ako sa spring land at natagpuan ko siya sa isang babaeng mang kukulam ...sabi niya ay napadpad roon ang anak ko at nakatulog sabi niya ay mayspell na bumabalot sa anak ko na patuloy siya babalik sa spring land kaya simula noon gumawa ako ng teleporter at inatasan ko ang mangkukulam na nagngangalang mina na bantayan niya ang anak ko sa tuwing makakaparito siya at ibalik siya sa amin gamit ang teleporter na ginawa ko at para malaman niya na nandito ang anak ko sa spring land tutunog ang teleporter ....at buti nalang sumunod siya sabi ko rin ay burahin niya ang alaala ng anak ko dito sa spring land para hindi sya maguluhan ....
kaya laking tuwa ko ngayon kase kahit lumabas na siya ngayon hindi na sya nawawala ika tatlong beses na to .
...Dagat.....Liga.....Farm.....ano kayang nangyare baka na wala na ang spell na bumabalot kay chelsea
"oo tinigilan na yata siya ng reyna" sabi ni troy
"mapag aaral na natin ang anak natin sa skwelahan....matagal nya na yung pangarap" sabi ko ......bata palang sya pangarap nya ng makapasuk sa paaralan at magkaroon ng kaibigan ....lagi lang kase siyang nasabahay
"hmmm ...subakan natin uli baka ngayon lang to " sabi sakin ni troy
"malay mo hindi" sabi ko
naawa na ako sa anak ko..
para syang bilanggo na di makalaya sa hawla nya
hayaan mo anak soon ...magiging okay din ang lahat
15 na sya kaya siguradong hindi pa lumabas na ang kapangyarihan nya kung hindi ko lang sya binigyan ng kwentas ..........gusto kung maging normal ang buhay ni Chelsea ...ayaw kung maguluhan ang anak ko
may proteksyon ang kwentas sa apoy hindi agad ito nasisira
--------
hope you like it po
vote and comment
salamat po sa lahat ng nag babasa nito mwuah
love you all
supportahan nyu po sana hehehehe .......puro Fairytale nasa isip ni author hehehehe
add me on Facebook: Lucelle Francisco Pumarada